CHAPTER 12
"Ma'am, hindi po ba papasok si sir?"
I instantly stop typing on the computer hearing Alice voice on the door of my cubicle, nagtatanong ang matang tiningnan ko siya at sinenyasang lumapit sa akin.
"Kailangan po kasi ng pirma niya ang payroll ng mga gumawa nu'ng bagong swimming pool at event hall sa Parañaque."
Kinuha ko ang payroll sa kamay niya at tiningnan kung magkano ang babayaran, napangiwi ako ng makitang malaking halaga rin pala ang kailangan bayaran ni sir, paano kasi hindi nalang kumuha ng puweding kumontrata, tamad-tamad talaga ng weird na 'yon, hindi pala tamad, nagpagawa nga ng event place na may swimming pool at sports center eh, ang yaman-yaman na pero sige pa rin sa negosyo.
"Maaga pa naman, baka papa-"
"Hindi raw papasok eh, tumawag kanina." agad na sansala ko sa kanya.
"Ah." napatingin ako kay Alice ng bumuntong hininga siya. "Mga kawawa kasi eh, 'yan lang ang inaasahan nila."
Pakonsensya naman 'tong Alice na 'to, pero tama siya kawawa nga ang mga taong umaasa sa lingguhang sahod.
"Kapag napirmahan, sino ba magdadala nito sa kanila?"
"Si sir Fred na raw po ang bahala, kung hindi naman sa Monday nalang ulit-"
"Sige, bigyan kita kaagad ng update, subukan kong tawagan si sir."
"Maraming salamat po ma'am, sige po."
Tumango ako at sinubukang tawagan ang baliw kong boss. Nakahinga ako ng maluwag ng sinagot niya ang tawag ko.
"Kokocrunch? Who's kokocrunch?"
Naririnig kong tanong ng may edad ng babae sa kabilang linya. Oh my God! Baka nanay ni sir 'to! Ginawa pang cereal ang pangalan ko tsk.
"Just answer that mama!" narinig kong sigaw ni sir sa nanghihinang boses.
Tumikhim ako at pilit na pinapormal ang boses, "Magandang hapon po ma'am-"
"Oh! it's a woman!"
I bite my lips hearing the excitement on her voice.
"Yes, Kokocrunch? I like the name, how-"
"Ma! That's my-"
"Don't mind that bull-headed man," hagikhik niya bago tila may isinarang pintuan, "so you're the reason why Ardouz and Max keeps fighting?"
"P-po?!" gulat na tanong ko, this is embarrassing, hindi naman sila nag-aaway dahil sa akin, baka may ibang dahilan, nakangiwing pinagtanggol ko ang sarili, "Ma'am hindi ho, weird lang po talaga si sir Ardouz! Wala po-"
"Don't explain iha, bakit ka pala napatawag?"
"Gusto ko po sana kausapin si sir, tungkol po sa payroll nu'ng mga construction workers ma'am, kawawa naman po kasi."
"Oh, kawawa nga, paano ba 'to, he's sick, pero pirma nalang ang kulang diba?"
"Opo ma'am." tumatangong sagot ko, kaya pala nanghihina ang boses ni sir kanina, tinatablan din pala ng sakit 'yon.
"Puwedi sigurong ihatid mo nalang? Magpasama ka sa kung sino ang magbibigay ng payroll sa mga tauhan niya, itetext ko nalang ang address."
"Okay po ma'am, okay lang po ba si sir?" may pag-alala sa boses na tanong ko, kahit ano kasing pilit kong gawing hindi mag-alala parang apektado ako sa kaalamang may sakit si sir.
"Yeah, buhay pa naman, buong araw lang naman na hindi kumain, ang tigas kasi ng ulo eh."
"Ah okay po, sana gumaling na agad siya, sige po ma'am, pupunta ako ngayon diyan."
"Sige, mag-ingat ka iha."
Wala sa sariling napangiti ako, ang bait-bait naman ng mama ni sir, Ano kaya ang reaksyon niya kapag nalaman niyang- hay baliw ka Koko, baka hindi naman anak ni sir si Xandre.
I blow some air as I stand up, pinaalam ko na rin kay sir Fred na magconvoy nalang kami papuntang bahay nina sir. Mabuti at alam niya rin doon.
Nagpalit muna ako ng black and white stripes longsleeve knitted dress na abot hanggang ilalim ng tuhod, may dinner kasi kami sa bahay ni ate Rose dahil birthday niya, hindi ko nalang isasama si Xandre dahil may pasok pa bukas at puro matatanda lang naman ang pupunta mamaya.
Halos sampung minuto lang naman siguro ang inabot ng biyahe namin ni sir Fred dahil nasa kilalang village sa Makati lang din ang bahay nina sir Ardouz.
"Mansion pala ang bahay nina sir." wala sa sariling bulong ko pagkatapos pindutin ang doorbell. "Sir Fred-" pasimple kong hinila ang damit ko ng makitang tila natulala siya habang pinasadahan ako ng tingin. "Sir Fred hoy!"
"Nakakatulala pala ang tinatago mong kagandahan Oli." anas niya habang umiiling. "Mabuti nalang at may mahal na ako."
"Funny ka sir, very funny." ngisi ko sa kanya. "Isum-"
Natigil ang pagsasalita ko ng binuksan ang maliit na gate at iniluwa roon ang may edad ng babae.
"Magandang hapon po, ako po 'yong-"
"Pasok ka ma'am, hinintay ka na ni ma'am Elizabeth."
"Dito nalang ako Oli."
Tumango ako kay sir Fred bago sumunod sa matanda. Ang ganda naman ng mansion nina sir, ang layo pa ng gate sa mismong bahay, I bite my lips seeing alot of sports car at right side of the mansion, may malaking garahe talaga para sa mga sasakyan, hindi ba sila nalulula sa ganito kalaking bahay? Or nagkikita pa ba sila sa loob?
"Ma'am, pasok ka." ani ng matanda ng pagbuksan niya ako ng pintuan.
Kung ano kaganda sa labas mas lalo na sa loob, ang lapad ng bulwagan at mga malalaking buhay na halaman lang ang nakadisplay malapit sa magkabilaang hagdan, may malalaking sofa sa gilid , ang nagpa-elegante naman ang napakalaking chandelier sa gitna, natigil ang mga maga ko sa napakalaking itim na piano na nasa ilalim ng dalawang hagdan, agad ko naman naramdaman ang kalungkutan ng maalala ko si ate, I can still remember ate Mon teach me how to play piano.
"Upo ka ineng-"
"Ahhm, Olivia nalang po ang itawag niyo sa akin." nahihiyang inabot ko ang kamay niya, tila nagulat pa siya sa ginawa ko kaya ibinaba ko nalang ang kamay ko. "Ano po ang pangalan niyo?"
"Sela ma-"
"Okay po, Olivia nalang po ang itawag niyo sa akin."
"S-sige Olivia, upo ka muna."
Umupo ako sa sofa pero ang mga mata ko nanatiling nakatitig sa piano, my fingers move on my lap tapping it like a piano, memories instantly flash in my mind.
Ate teach me please?
Sige, dito ka sa kandungan ko Koko at hayaan mo munang hawakan ko ang mga kamay mo, sabay ka sa akin ngayon, bukas ko ituturo isa- isa ang bawat nota, okay?
Promise po ha? Gusto ko po talaga matuto ate para po kapag may contest sa school sasali ako, tapos 'yan ang music! Saka para dalawa na po tayo tutugtog kapag malaki na ako, diba po ate? Tapos ilalagay natin ang trophy sa bahay nina mama at papa sa cemetery, diba po?
Yeah, let's start?
Okay po! Can I close my eyes ate? Gusto ko po kasi maramdaman ang ganda ng tutugtugin natin, ano nga po ang title?
Ballad puor Adeline. Okay close your eyes and feel the music.
I love you po ate! Kapag malaki na ako at magaling na, ikaw naman ang tuturuan ko ng different music, pero ito po talaga ang paborito ko.
Koko?
Po?
Quiet na ha, we will start now.
Ay sorry po ate! Paborito ko po talaga-
Promise me that you'll be a strong girl without me, kapag nalulungkot ka na wala ako, magpiano ka lang at tugtugin mo ang paborito natin.
Tapos babalik ka na po kapag pinatugtog ko na?
Kahit hindi mo makikita si ate nasa tabi mo lang ako palagi, babantayan kita.
Sige po, I promise to be a strong girl like you po, pero promise me you won't leave me, okay?
Promise Koko. I won't leave you.
"Memories?"
Mabilis na pinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko ng may marinig akong boses, napaangat ako ng tingin ng may marinig akong pababang yapak mula sa hagdan.
"You okay iha?"
Wala sa sariling tumango ako, kung gaano pala kaganda ang ina ni sir sa picture, mas lalo na sa personal, nahihiyang ngumiti ako sa kanya, bigla nalang ako natigilan ng makita ang dalawang biloy niya ng gumanti siya ng ngiti sa akin.
"So, you're Kokocru-"
"Olivia po ma'am, secretary ni sir Ardouz." mabilis na sansala ko sa kanya. Tumungo ako ng biglang uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Mapapatay ko na talaga ang boss ko na 'yon!
"Im Elizabeth iha, you can call me tita, bakit hindi ka nag modelo? Mas bagay ka sa ganu'ng larangan."
Hindi ako nakahuma ng haplusin ng daliri niya ang gilid ng mga mata ko, "You're pretty."
"Kayo rin po, sobrang ganda." may matamis na ngiti sa labing pinasadahan ko siya ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng maalala ang pakay ko, mabilis na kinuha ko ang envelope at ibinigay sa kanya 'yon. "Ito po pala-"
"Halika, ikaw na magdala niyan sa boss mo."
"P-po?" napatda na tanong ko. Bakit kailangan ko pang umakyat? Saka okay lang sa kanya 'yon? Hindi ba siya nag-iisip na puwedi akong magnakaw o di kaya kaya kong gumawa ng masama.
"Huwag ka na mahiya iha, let's go up."
Hindi na ako nakahuma ng hawakan niya ako sa kamay at inakay paakyat ng hagdan.
"Sa nakikita ko hindi lang simpleng sekretarya ang turing ng anak ko sayo."
"Ma'am-" I stop my sentence as she press my hand. "W-wala pong ganu'ng-"
"Kilala ko ang anak ko Crunch, hindi niyang ugali ang pumasok araw-araw, palagi pang napapangiti mag-isa."
Hindi ko nalang pinatulan ang mga sinabi niya, nakalimutan niya bang ikakasal na ang anak niya? Sa kanya nga siguro nagmana si sir.
Tumigil kami sa harap ng malapad na pintuan, itinulak niya ang pinto pero hindi siya pumasok.
"Crunch?"
I glance on her face hearing how serious her voice is.
Muntikan pa akong matawa sa itinawag niyang pangalan sa akin, "Bakit po ma'am?"
"Call me tita." seryosong turan niya.
Tumango ako. "Tita." lihim akong napangiwi ng mahina siyang pumalakpak.
"Alam mo 'yong saying na Mother Knows Best?"
Wala sa sariling tumango ako. "Oo naman po." napapangiting sagot ko ng maalala si Xandre.
"Inuutusan kitang agawin mo ang anak ko sa fiancee niya."
Nakaalis na si ma'am Elizabeth pero parang nakapako pa rin ang mga paa ko sa labas ng nakabukas ng pintuan.
Agawin?
Alam niya ba ang pinagsasabi niya? Ano 'yon bola lang? Hay dalawa na silang weird ni sir, malalim akong napabuntong hininga bago itinulak ang bahagyang nakabukas na pintuan at dahan-dahang isinara 'yon pagkapasok.
My mouth slightly open seeing how big that weird boss of mine room is. I instantly stop my track as I darted my eyes at the center of the room, where a wide and white bed is.
Parang buong second-floor na yata 'to ng bahay ko eh. Natigil ang mga mata ko sa gilid ng kama kung saan patalikod na nakahiga si sir na hanggang leeg pa talaga ang kumot.
Ganito kalala ang lagnat niya? Sakto lang naman ang lamig ng kuwarto, hinubad ko muna ang sandal ko bago naglakad papunta sa direksyon niya.
"Sir? Nandito na po ako." malumanay ang boses imporma ko sa kanya, baka magulat kapag lakasan ko ang boses ko eh. "Sir?" huminga ako ng malalim ng hindi siya umiimik, mukhang malalim pa yata ang tulog.
Umupo ako sa gilid ng kama sabay sapo sa noo niya, bigla akong kinabahan dahil masyadong mataas ang lagnat niya, dumapo ang daliri ko sa mapupulang labi niya kahit ang pisngi namumula rin dahil sa taas ng temperature ng katawan niya.
My motherly instinct made me stand up and walk towards the glass door where I can see the shower head, grabe, kahit banyo makapal na salamin lang? Kahit may pagkablurry kitang-kita pa rin ang taong naliligo.
My jaw drop seeing how big his bathroom is, yay! Hiyang-hiya naman ang kuwarto ko sa laki nito. Kahit ang mga towel parang nasa mall lang, nasa maayos ang lahat, parang nakakahiya pa ngang maglakad dahil makintab at sobrang puti pa ang marble tiles na sahig. Kahit ang mga towel puti rin lahat.
Ipinilig ko ang ulo ko bago kumuha ng bimpo, tiningnan ko ang mga kabinet at laking pasasalamat ko ng makakita ako ng tabo. Nilagyan ko 'yon ng tubig at binasa na ang towel bago lumabas.
Ipinatong ko ang tabo sa side table at bahagyang pinunasan ang noo ni sir na nagpapiksi pa sa kanya. Hinayaan ko munang nakapatong ang bimpo sa noo niya bago tinanggal ang comforter na nakabalot sa katawan niya, mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng makitang nakapajama lang siya at walang pantaas.
Panginoon ko po ilayo niyo sa akin ang karupukan at temptation. Hindi tumitingin sa katawan niyang umupo ako sa gilid ng kama at muling binasa ang bimpo.
"What the- mama it's cold."
Hindi ko na napigilan ang mahinang tawa ko ng makitang parang bata siyang nakasimangot habang naghahanap ng kumot, muli kong iniwas ang mga mata ko sa matipuno niyang katawan at walang alinlangang pinunasan ang leeg niya.
"Ma! I said it's cold!" aniya sabay tabig ng kamay ko. Parang bata talaga hay. Nagpapadyak sa inis na tinalikuran niya ako. "Where's that fucking comforter? Ma-" he instantly stop his sentence as I brush my fingers on his hair, natigilan ako ng hinawakan niya ang kamay ko na sumusuklay sa buhok niya. "You're here."
"Hmmm." I nodded. "Kasi po diba pipirmahan niyo ang payroll." my heart beat wildly as he intertwined our fingers, I instantly turn around seeing him turning slowly to face my direction. Oh God! Huwag niyo naman po ubusin ang hangin sa katawan ko! Hindi na ho ako makahinga.
Baka matukso pa ang mata ko at mapatitig nalang sa malapad niyang dibdib at abs. Nakapikit na babaklasin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya hinayaang makuha ko 'yon.
"Ikaw ang kumuha ng comforter?"
Kahit nakatalikod gusto ko pa ring isubsob ang nag-iinit kong mukha sa dingding, nakakahiya!
"Pinagpantasyahan mo ang katawan ko ano-"
"Hi-hindi po." baling ko sa kanya pero agad ring tumalikod dahil nga nakakahiya! Baka ano isipin niya kapag nakita niya ang mukha ko.
"Okay lang naman na pagpantasyahan mo ang- awww fuck!" malakas na mura niya ng ibato ko sa mukha niya ang bimpo.
Mabilis kong hinaltak ang kamay ko at tumayo para kunin ang envelope. Inihanda ko na rin ang payroll at ballpen para makauwi na ako agad, baka mabugbog ko pa 'to eh.
"Ito po." hindi tumitinging inilapag ko ang envelope sa kama.
"Hindi ko pipirmahan 'yan hangga't-"
"Sir naman! Kawawa naman ang taong naghihintay niyan!" nakatalikod pa ring sambit ko. Ano ba 'yan! Kawawa na nga ang mga tao eh.
"Hangga't hindi mo aamining pinagpantasyahan mo ang katawan ko."
Kahit namumula ang mukha hindi ko na napigilang hindi siya harapin, mukha pa siyang natigilan ng makita ang suot ko. Kahit abot ng ilalim ng tuhod pasimple ko pa ring hinila pababa ang dulo ng damit ko.
Tumikhim ako kaya napatingala siya sa akin. May pilyong ngiti pa sa mga labi niya habang pinapasadahan ako ng tingin. "Aamin ka na ba? Did you wear that for me." nguso niya sa damit ko na nagpalaki ng butas ng ilong ko sa inis, ang hangin din pala niya.
May lagnat ba talaga ang weird na 'to?
"Koko-"
"Unang-una tinanggal ko ang comforter para makasingaw ang temperatura ng katawan niyo dahil nga inaapoy po kayo ng lagnat, pangalawa, hindi ko sinuot 'to para sayo, may dinner akong pupuntahan." huh! Asa pa siya! Kahit guwapo siya at nakaka-ano ang katawan niya huwag siyang feelingero no. Inirapan ko siya ng makitang dumilim na naman ang anyo niya. "Pirmahan niyo na nga po 'yan sir ng makaalis na ako."
Tumalikod siya sa akin. "Ayoko."
Laglag ang pangang napatitig nalang ako sa malapad na likod niya, nagdadrama na naman ba siya?
"Sir naman, nasa labas ho si sir Fred-" I stop my sentence when he throw his pillow away while glancing back on me. May tantrums ba siya? O na kombulsyon?
"Iisang sasakyan kayo? Ano tinitingnan niya ba ang katawan mo?" nag-iisang linya ang kilay na baling niya sa akin.
"Sir pirma lang ho ang hinihingi ko, ang dami niyo ng sinasabi at basta-basta nalang kayo nagagalit na wala namang dahilan!"
"Just answer me Koko.." he muttered firmly between his teeth. "Did he? Magkasama-"
"Hindi kami magkasama." malumanay na sabi ko, agad namang lumambot ang expression ng mukha niya pero agad ring nagdilim ng tila may naalala. "Saka hindi ho ako tinitingan kasi nga ho hindi kami magkasama, saka isa pa ho may nobya na 'yon, bakit ka ba nagagalit kapag ganito ang suot ko? Hindi niyo ako girlfriend, may fiancee na kayo, ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin?" hindi ko na napigilang tanong kahit siya natigilan din pero pansamatala lang 'yon, bumalik na naman ang galit sa mga mata niya.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya, kahit ang nangyari sa bar hindi rin mawala-wala sa isipan ko, ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?
Galit na kinuha niya ang papel at ballpen at nanginginig ang kamay na pinirmahan 'yon, ibinato niya sa direksiyon ko ang papel at padabog na humiga ng patalikod sa akin.
I took a deep breath as I pick up the papers and put it inside the envelope, tinapunan ko siya ng tingin at tila nilakumos ang puso ko ng makita ang lamig ng expression ng mukha niya.
I simply touch my chest where my heart is aching for him, there's something inside me shouting for me to stay. Pakiramdam ko hindi ko kayang makita siya sa ganitong sitwasyon habang may sakit pa siya.
"Get out Olivia." malamig ang boses na utos niya sa akin, tahimik akong napabuntong hininga at bitbit ang envelope na lumabas ako, iniwan kong nakaawang ko ng maliit ang pintuan baka may tatawagin siya sa baba mamaya, bumaba ako para ibigay kay sir Fred ang envelope.
Nakasalubong ko rin ang mama ni sir at saglit lang kaming nag-usap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro