Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

Pakiramdam ko nawawalan na ako ng lakas kahit hindi naman ako pagod, kahit ang pagbisita kay ate hindi ko na nagawa, dalawang araw na akong nagmumokmok dito sa kuwarto, pilit ko nalang pinapasigla ang sarili ko kapag nandito si Xandre.

What I just found out put my head in turmoil, I will be in a deep thought everytime it cross my mind, of all people why him? Bakit pa kami pinagtagpo ng tadhana kung kailan wala na ang ate at ikakasal na siya?

What makes me feel really weak is the thought of him taking Xandre away from me, I promised ate but to the thought that he is powerful slash influencial makes me feel so down and scared.

"Mama?"

Bumangon ako sa pagkakahiga ng marinig ang boses ni Xandre sa pintuan, maya-maya bumukas 'yon at pumasok siya na may matamis na ngiti sa mga labi, ngiting nagpapalalim ng biloy niya sa magkabilang pisngi na nagpalaglag naman ng puso ko sa kaba! Hay bakit kasi sa isang Montevista pa? Lalo na kay Ardouz na kinatatakutan ng karamihan.

Tinulungan ko siyang makasampa sa kama at yakap-yakap siya ng humiga ulit ako. I caress his hair gently giving him a soft kiss on the tip of his pointed nose.

"Mom?"

Tinitigan ko siya sa mga mata at hinihintay ang sasabihin niya, nilalaro niya ang labi ko ng mag-isang linya ang kilay niya, indeed a minime of that obsessive Montevista.

"Why are you lying?"

I stilled as second pass by, I was just gaping on him, he landed his head sideways on my chest. What's with him?

"A-again? Lying about what?" naguguluhang tanong ko.

Narinig ko pa ang buntong hininga niya na animoy may napakalaking problemang dinadala. Seryoso ang mukhang tumingala siya sa akin at nakipagtitigan pa, nakikita ko tuloy ang mukha ng weird na 'yon.

"Kasi po mama, you're smiling but your pretty eyes don't!" he pouted as he play my lips again. "No more sparkling eyes."

I can't believe he's this observant at the young age. Hindi ko akalaing mapapansin niya pa 'yon.

"Anak, what if your real dad is alive-"

"He is alive mama!" he muttered firmly making me shook my head with disbelief. "I can feel it!"

"Oo na, what if lang naman, what if he will get you from me? Sa-sasama ka ba sa kanya?"

"Hindi ka po ba niya isasama?" nakatunghay sa akin na tanong niya. "Dapat kasama ka po."

"What if he only want you? Kasi ikaw lang ang love niya, hi-hindi si mommy."

Kumunot ang noo niya at tila nag-iisip ng malalim. Kahit ganitong usapan lang pero para na akong sinasakal, alangan naman kasing pati ako isasama kung sakaling nga totoo ngang mag ama sila.

"Bakit po mama, hindi mo love si daddy? Sino lang love ni daddy? Ang mommy Monina ko po?"

Wala sa sariling tumango ako.

"Hindi po ako sasama sa daddy ko kapag hindi po kita kasama mama, okay lang kahit walang daddy basta po we're together."

May ngiti sa labing pinanggigilan ko ang pisngi niya. "Paano kung hahanapan ka niya ng ibang mommy? Paano kung-"

"Ikaw lang po ang mommy ko, saka po kapag kinuha ako ng daddy ko na hindi po kayo kasama-" tumigil siya sa pagsasalita at galit ang matang tinitigan ako, napapakagat labi pa siya na tila may gustong suntukin. "-I have my ways to be with you again mama, I only need you."

"Awwww my baby..." nangingiting hinaplos ko ang buhok niya at nanggigil na pinugpog siya ng halik sa buong mukha. "Don't worry, hindi naman hahayaan ni mommy na mangyari 'yon eh, I can't live without you sweetheart."

"Don't be sad na po mama ha?" nakangiting niyakap niya ako ng mahigpit, Nanatili kami sa ganu'ng position hanggang sa magsalita siya muli. "Mommy?"

"Po?"

"I saw a new game in my PS4, it's called Little Big Planet, can we buy it?"

"Sure, we can order that through online right?" huwag naman po sanang mag-ayang lumabas, natatakot ako.

"Opo, pero mama-"

Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya sa takot na mag-aya pa siyang pumunta ng mall, I try to convince him.

"Online only please? Im not-"

I pouted when he shook his head, nakasimangot na tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.

"But I want to play in game arcade mama! Hindi na po tayo nakapunta ng mall, sige na po mama please?"

"What if someone will get you-"

"Oh wait here mama!" nagmamadaling bumangon siya at tumakbo palabas habang tinatawag si Judi. "Ate Judiii! I need you po!"

Naiiling na sumandal ako sa headboard ng kama, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Mag-alas tres na pala at bukas papasok na naman hay, kakayanin ko 'to! Tiwala lang.

"I'm back mama! Look!" aniya habang may pinapakitang blue at pulang tela. Umakyat siya sa kama at ibinigay sa akin ang bitbit niya.

"What's this?" naguguluhang tanong ko, mahina akong natawa ng makitang custume na spiderman 'yon. Pero agad rin akong natigilan ng mapagtanto kung ano ang nais niya iparating. My eyes darted on him, I can't stop myself not to chuckled seeing him winking on me.
Pilyo talaga.

"I will wear that mama." he look so proud as he got the item from me.

"You can use cap anak, kahit hindi na-"

"I want that mama, ayokong sad ka."
I took a deep breath as I went down from bed, he stand up gesturing me to carry him. "Let's go shower mama."

"Hindi ka pa naliligo?" nagtatakang tanong ko, hindi naman siya sanay na hindi naliligo pagkagising niya.

"Tapos na po, but I want to take abath again, kasi po we're going to the mall, right mama? Dapat I always smell good like you."

"Oo na po." dinala ko siya sa bathtub at pinaliguan, kinuha ko ang sponge sa kamay niya at nilagyan ng sabon bago kinuskos ang katawan niya, bata pa lang pero aware na siya sa hygiene, malinis at maayos na kapaligiran. Ayaw niyang magulo ang bag niya kaya siya mismo ang nag-aayos.

"There done." ani ko sabay punas sa kanya gamit ang tuwalya. "Call ate Judi to help you, okay? I shower first."

"Okay po mama."

I took a quick shower, pagkalabas ko ng banyo nasa higaan na si Xandre at bihis na bihis na, sinuot niya talaga ang costume niya.

I wear a black denim short shorts and a white razor back sando, it's too hot outside since it's almost summer, I pair it with my white sneaker.

I blower my hair and tie it into a ponytail. Hindi na ako nagmake-up dahil mainit naman. "Hey little one." agaw pansin ko kay Xandre, tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"You're pretty mama."

"Thanks baby!" I giggled. "Did you tell ate Judi that we're leaving?"

"Opo, she took a shower too."

"Okay." pagkatapos maghanda lumabas kami ng kuwarto at dumiretso na sa baba. "Hindi ka ba naiinitan sa suot mo anak?"

"It's loose mama, hindi mainit."

"Okay, let's go then."

Nagpaalam muna kami kay ate Cecil bago umalis. Nasa kalsada na kami ng maalala ko na kailangan ni Xandre ang extrang damit.

"Jud," tawag ko kay Judi. "nakalimutan ko palang magdala ng extra clothes ni Xandre."

"Meron na po ate." aniya sabay pakita ng bodybag niya. "Baka magalit na naman sa akin eh, ayaw pa naman na napapawisan."

"Xandre, you shouldn't got mad to ate-"

"Im not mama, I only remind my ate to bring extra clothes always, I feel so sticky if I won't change after playing."

Dios ko po, mas maarte pa yata 'to kaysa kay- ay hindi kay ate nalang.
Sa covered parking nalang ako dumiretso total may entrance rin naman dito.

Binili muna namin ang game na gusto ni Xandre bago ko sila hinatid sa game arcade.

Nagpaalam muna ako kay Xandre para bibili ng project niya sa school.

"Baby, may bibilhin lang si mommy ha? Babalikan ko kayo agad dito and please don't remove your mask." paalala ko sa kanya, binalingan ko si Judi at ibinigay ang card game nila. "Ikaw muna ang bahala kay Xandre ha, huwag mo siyang alisan ng tingin, may bibilhin lang ako."

"Ako ang bahala ate." tumatangong sagot ni Judi.

I put on my aviator as I walk out from the arcade. Dumiretso na ako sa department store para bumili ng tela para sa susuutin na costume ni Xandre para sa palabas nila sa school, kailangan ko pang ipapatahi 'yon bukas.

Pagkatapos bumili ng tela dumiretso na ako sa bookstore, kailangan ko rin ng bagong yearly plan notebook dahil luma na masyado ang sa akin.

I was busy checking the notebook shelves when someone cleared their throat. Muntikan ko ng mabitiwan ang hawak kong shopping basket ng makita si sir Max na may ngiti sa labi habang nakatitig sa akin.

"Hey lil charmer." hey mumble while reaching some book. "Ikaw lang?"

Ako lang? Wala sa sariling tanong ng isipan ko, bigla akong natigilan ng maalala si Xandre. "Ah- opo, a-ako lang. Sige po sir Max, magbaba-"

"Let's go grab some snack." aniya sabay lakad papuntang counter, sa tono ng pananalita niya parang ayaw niyang tatanggihan ko siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Judi na kahit anong mangyari doon lang nila ako hihintayin.

Kinakabahang nagbayad ako pero bago ko pa man makuha ang pera sa wallet ko nagsalita na si sir Max. "Isabay mo na ang sa kanya." aniya sa cashier na mukhang natataranta pa.

"A-ako na ho-"

"Minsan lang ako nanlilibre....what's this? May pinapa-aral ka?" kunot ang noong kinuha niya ang black pompoms sa basket ko at ibinigay sa cashier.

"Nagpabili ho ang ate ko." laking pasasalamat ko nalang dahil hindi ako nautal sa pagsisinungaling ko.

Pagkatapos magbayad sabay na kaming naglakad papunta sa isang coffee and pastry shop. Kahit naiilang sinubukan ko pa ring maging kalmado sa harapan niya.

Hindi naman siya kasing suplado at kasing seryoso ni sir Ardouz eh.

"How's your crazy boss?" he started as our food arrived. I stop sipping my frap giving him a quick glance.

"Crazy pa rin po." nakangusong sagot ko. "Saka weird."

"Malaki na nga ang pinagbago nu'n, he easily got mad and when he's mad-"

"He can't control it unless he will hurt his self." pagtatapos ko sa sinasabi niya. "That's anger management plus that temper."

He chuckled while shooking his head with disbelief. "He change alot and none of us can blame that."

"Ahh.." tumatangong sagot ko bago nagslice ng cheesecake. Tumigil ako sa pagnguya ng makitang titig na titig siya sa akin. "B-bakit po?" tanong ko pagkatapos lunukin ang kinakain.

"Hindi ka ba magtatanong kung bakit nagbago siya?"

Umiling ako. "Personal niya na po na buhay 'yon sir Max, hindi po ako nangi-"

"His the kindest one, pinakamabait sa amin but he change when our uncle destroyed his businesses." he sighed big time. I remain silent as he continue, "On what he is now, kagagawan ng uncle namin 'yon, ginawan niya ng bagong pagkatao si Ardouz."

"S-sir hindi niyo naman kailangang sabihin-"

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya bakit niya rin pinabayaan ang negosyo niya, he's a mess for two or three years and no one knows why he's on that situation."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya, wala naman kasi akong alam sa nangyari, saka private life na 'yon ni sir Ardouz, trabahante niya lang ako.

"Pero ngayon..."

I became uneasy as he stared on me. 

"He's slowly changing." may ngiti sa labing sambit niya bago humigop ng kape. "More on positive side."

"Siguro po nauntog ang ulo kaya nagbago." mabilis akong umiwas ng tingin ng mapagtanto ang sinabi ko. Ang seryoso pa naman ni sir Max! Ang tanga-tanga mo talaga Koko!

"I guess." natatawang sagot niya. "Kailangan niya lang ng taong mas baliw pa sa kanya pero naiintindihan siya."

"Hay...nagbabago talaga ang tao kapag may mga tao siyang nakikita na nagbigay ng bagong pananaw sa buhay, wala naman kuwenta ang kayamanan kung hindi ka naman masaya."

"Exactly... Ikaw..."

Tumigil ako sa pagslice ng cheese cake at tiningnan siya. "Anong ako sir Max?"

"Hindi ka ba niya pinahihirapan? Pinapagalitan?"

Mabilis akong umiling at napapangiti ng maalala ang mga sugat sa kamay ni sir Ardouz at ang pang-aasar ko sa kanya. "Hindi naman po. Inaasar ko pa nga po, mabuti at hindi nagagalit."

"I see, kung kukunin ka ba ni Divina babalik ka pa ba sa kan-"

"He needs me." I blurted that makes my eyes widen, where on earth I got that idea? Nahihiyang tumungo ako ng makita ang panunukso sa mga mata niya.

"You're so cute lil charmer... and yes..he didn't got you from Divina if he doesn't need you, I saw how you control his anger."

Hindi na ako nakaimik dahil sa narinig hanggang sa matapos kami.

"Salamat po sir." nahihiyang pasasalamat ko. "Salam-"

Natigil ang pagsalita ko ng tawagin niya ang waiter na dumaan. "A picture will do lil charmer." kumikindat na sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakahuma ng lumapit siya sa akin at tumayo sa likuran ko para magpakuha ng picture, ang sunod naman ay bumalik siya sa puwesto niya at pareho kaming nakangiti ng magbilang ang waiter.

"Thanks, Mauna na ako lil charmer." bahagya niya pang ginulo ang buhok ko ng iwan niya na ako sa labas ng cafe.

Hinintay ko munang makaalis siya bago pinuntahan sina Judi.

"Mama! Look!" masayang turo ni Xandre  sa bitbit niyang hello kitty. "This for you mama, and that is for ate also!" turo niya sa mga hawak ni Judi.

"Salamat baby." hinalikan ko siya sa pisngi. "Lets go home?"

"Okay, sa car na po ako magchange mama, tapos drive-tru po tayo ha? I want icecream and fries and fried chicken!"

Ginulo ko ang buhok niya. "Okay."

Kinabukasan kahit tinatamad pumasok pa rin ako at sinubukan ko pa ring ngumiti sa mga katrabaho ko.

Mabilis na ibinaba ko ang tasa ng kape ng biglang tumunog ang telepono.

"Montevista Holdings Company, good-"

"Let me talk to my fiance." malamig na sambit ng babae sa kabilang linya, fiance? Nanlaki ang mata ko ng maalala ang fiancee ni sir. "Hello?! Buwisit! Nandiyan na ang boss mo? Tawagin mo!"

"Wa-wala pa po ma'am, hindi naman po nagtext kung-"

"Shut the fuck up!" galit na sigaw niya sabay bagsak ng telepono na nagpangiwi sa akin.

"Ma'am, ito na po ang report ng Finance at accounting."

Napaangat ako ng tingin at kinuha sa kamay ni Alice ang dalawang folder, siya na ang taga-bigay sa akin ngayon ng mga report na galing sa iba't-ibang departamento.

"Salamat Alice." nakangiting sambit ko ng paalis na siya.

Nagbabasa ako email ng biglang may nagsalita sa intercom na nagpaiktad sa akin.

"I need coffee and some pain reliever."

"O-okay sir, magandang umaga po."

Mabilis akong tumayo at kumuha ng biogesic sa medicine cabinet, nagtimpla na rin ako ng kape at agad na kumatok.

"Come in!" he shouted loudly.

Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan at patadyak na isinara 'yon, kaya ko 'to! Natigil ang paghakbang ko ng makitang nakapikit siya habang nakasandal sa swivel chair niya.

Ang guwapo kahit nakapikit, ang pula pa ng labi tsk! Masarap siguro siya humalik o halikan.

"I know Im handsome Koko, stop staring." he groaned as if he's in pain. "Give me that."

Mabuti nalang at nakapikit siya! Kung hindi baka makita niya pa ang pamumula ng mukha ko sa kahihiyan!

"Akala ko ba nakapikit kayo sir." nakangusong bulong ko. May magic pa yata 'to eh. "Nandito na ho, pati ang schedule niyo." mabilis akong tumalikod pero hindi pa ako nakahakbang ng magsalita siya.

"May nakalimutan ka yata madam."

Sabi ko na nga ba eh! Hindi ba siya makapagsimula ng trabaho na hindi ko siya ngitian? Ayaw pa naman ng fake smile.

"Eh, fake po ang smile ko-"

"Comeback."

Mahina akong napapadyak at napakagat labi bago nakayukong lumapit sa gilid ng mesa niya. Nagmumukha na tuloy akong sampung taon lang sa harapan niya. Ni hindi ko nga mapigilan ang pagkiskisan ng mga paa ko.

"What's your problem?"

"Uhm-uhm" umiiling na sagot ko. "A-alis na-" para akong naestatwa ng hilahin niya ako hanggang sa iniyakap na ang mga braso niya sa baywang ko at nakapikit na inilapat ang ulo niya sa tiyan ko. Kahit huminga nakalimutan ko na yata, pati puso ko nagwawala na rin.

Ang init naman ng katawan niya. With that I touch his forehead, hindi naman nilalagnat. O baka nakainom 'to.

"S-sir nananching na naman kayo."

"My head is killing me." ungot niya at mas hinapit pa ako. "Marami bang meeting ngayon?"

"Lima po, saka may gagawin pa ako kaya bitiwan niyo na ako." naiiling na binaklas ko ang mga braso niya sa likod ko, pero mukhang magsasayang lang ako ng ng lakas nito.

"Two minutes."

Hindi na ako umimik at hinayaan nalang siya sa mga huling sandali niya, puwera biro lang, sayang ang lahi niya.

"Can't we stay like this forever?"

"Ho?" nanayo ang balahibong tanong ko. "A-ano-" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may malakas na kumatok.

"Hayaan mo 'yan." ungol niya, pero kinakalampag na talaga ang pintuan. Tinanggal ko ang braso niya ng hindi tumitigil ang kalampag. "Koko-"

"Manahimik kayo sir, pinagbigyan na kita." nagmamadaling binuksan ko ang pintuan at ganu'n nalang ang gulat ko ng makita si ma'am Marie na galit na galit ang mukha.

"Magandang umaga-" hindi na ako nakaimik ng inirapan niya ako at galit na pumasok.

"Who's-"

"Why the hell you're avoiding my fucking call- close that damn door!" duro sa akin ni ma'am Marie. Mabilis na lumabas ako at isinara ang pintuan.

My mind sunk as reality hit me.

Bakit ba pa-fall 'yang weird na 'yan eh, may fiancee naman na, at bakit ba hinayaan ko lang siya? Ito ba 'yong tinatawag na karupukan? Hay!

Lumipas ang mga oras hanggang sa marinig kong bumukas ang pintuan ng opisina ni sir, hindi ko na inabala ang sarili kong tingnan kung sino 'yon hanggang sa tumigil ang tunog ng takong ng heels sa harapan ng mesa ko.

Nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mataray na mukha ni ma'am Marie, halata ang pagkadisgusto sa mukha niya habang tinitigan ako ng masakit.

"Sa susunod na magsinungaling kapa humanda ka sa akin." duro niya sa akin.

"Ma'am, hindi ko po alam na nandito si sir-"

"Oh shut the fuck up!" she bursted enough to call some attention, napatungo ako ng tumingin sa direksyon namin ang mga katrabaho ko. "Huwag na huwag mo akong kalabanin kung ayaw mo mawalan ng-"

"Stop it hon." naririnig kong saway ni sir sa nobya niya. "I slept here last night, hindi niya alam."

"Dapat sinabi niya sayo para matawagan mo ako!" mataas pa rin ang boses na sambit niya. How I wish this building will crash, at ako lang ang mamatay dahil sa kahihiyan.

Hindi ako sanay na involve ako sa eskandalo.

"Pagsabihan mo ang sekretarya mo na huwag siyang tatanga-tanga kapag ako ang kausap niya! Nakakasira ng araw punye-"

"That's enough!" narinig kong pagalit na sigaw ni sir.

Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari dahil pakiramdam ko nasa kung saan-saan na ako nakarating dahil sa gaan ng pakiramdam ko.

"Olivia uminom ka muna ng tubig."

I keep blinking my eyes as I reach the water ma'am Salome gave me. "S-salamat po."

"Lakasan mo lang ang loob mo. Alam kong hindi ka papatalo sa mga bagay na magpapabagsak sa katatagan mo, kaya mo 'yan." tinapik niya ang kamay ko.

Oo nga naman, bakit ako magpapatalo sa kasamaan ng iba. Tumayo ako at pumunta sa kusina at nagtimpla ng kape.

Palabas na sana ako ng pumasok si sir, mabilis akong umiwas ng tingin ng makita ang galit sa mga mata niya.

Kasalanan ko talaga eh, bakit ba nakalimutan kong sabihin sa kanya ang tawag ng mapapangasawa niya? Siya kasi eh, palaging tinatangay ang katinuan ko kapag naglalambing.

"You okay?"

Tumango ako kahit hindi nakatingin sa kanya. "O-opo, p-pasensiya na po nakalimutan kong-"

"Tumingin ka sa akin."

Sumunod naman ako sa kanya, diretsong tinitigan ko siya sa mga mata, sinubukan kong kontrolin ang emosyon sa mata ko para hindi niya mabasa kung ano ang nararamdaman ko.

"Liar, you know you can't hide your emotion from me, right?"

Napanguso ako ng maalala si Xandre, ganyan din ang sinabi sa akin.

"Pasensiyahan mo na si Mar-"

"Okay lang po 'yon, sige balik trabaho na ako." mabilis ko siyang iniwan at baka mamaya yayakapin na naman ako at manananching pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro