CHAPTER 1
"Kamusta ang lakad mo ngayon?"
Isang malalim na buntong hininga ang isinagot ko kay ate Cecil bago tuluyang pumasok ng bahay at dumiretso sa sofa, kakarating ko lang galing sa pag-apply ng trabaho pero puro tatawagan nalang daw ako.
Panay ang buntong hininga ko dahil pakiramdam ko wala na akong pag-asang makahanap ng trabaho, hindi biro ang pag-aapply at napapalaki na rin ang gastos ko.
Mabuti nalang at mura lang ang bili ko sa bahay na 'to kung hindi baka nangungupahan lang kami ngayon na mas magpapahirap pa lalo sa akin.
"Hay..huwag ka mawalan ng pag-asa." mahinahong sambit ni ate cil habang inaabot sa akin ang baso na may lamang tubig.
Kinuha ko ang baso ng tubig sa kamay niya at inisang lagok 'yon. "Salamat po."
"Maiwan na muna kita." aniya sabay talikod sa akin.
Pagod na ipinatong ko ang dalawang paa sa center table at bahagyang pumikit.
Hindi ako dapat mawawalan ng pag-asa, dalawang buwan na kami rito sa Parañaque at sa loob ng dalawang buwan wala akong ibang ginawa kundi ang magpasa ng resume sa kung saan-saang kumpanya. Nag-aapply ako bilang sekretarya pero mukhang magagaling ang mga sekretarya rito kaya ang hirap maghanap.
Napabaling ang tingin ko sa telepono ng bigla itong tumunog, pagod na inabot ko ang cord at hinila ang lamesita.
"Hello?"
"Koko?"
"Yeah, ate Rose?" patanong na sagot ko ng mabosesan ang nasa kabilang linya. Siya ang bestfriend ng ate Monina ko kaya palagi kami tinatawagan at kinakamusta. "Kamusta po?"
"Okay naman, siya nga pala kung gusto mo magtrabaho, kung gusto mo lang naman ha, nangangailangan ng secretary si Ma'am Vina ngayon, baka puwedi mong subukan."
"A-ano kasi-"
"Ito na 'yong hinihintay mong pagkakataon, palalampasin mo pa ba?"
Napalunok ako bigla dahil sa kung anu-anong bagay na pumasok sa isipan ko. "P-pero ate nangako ako kay-"
"Wala na ang ate mo, saka mahihirapan ka kapag matagalan kapa sa paghahanap, pansamantala lang naman ito, hanggang wala pang tumatawag sayo tanggapin mo muna 'to."
"Pag-isipan ko po, tatawagan kita-"
"Hay, sige na, sa totoo lang ibinigay ko na kay ma'am ang resume mo, kaya pumunta ka bukas, gusto ka makausap."
"Okay po."
"Good! Kamusta pala ang inaanak ko? Dadaan ako bukas diyan."
"Baka po tulog, kakarating ko lang eh, sige po sabihin ko na dadaan ka, tiyak excited 'yon na makita ka."
"Oh siya bye na, magluluto pa ako ng hapunan, mag-ingat kayo riyan."
"Kayo rin po." tumatangong sagot ko, ibinaba ko ang telepono at muling pumikit. "Ate Mon, pasensiya na po ha, mahihirapan kasi kami ni Xandreon kapag hindi ko patulan 'tong offer ng bestfriend niyo." mahinang bulong ko.
"Mommy!"
Mabilis akong napamulat at napaupo ng maayos ng marinig ang pagwawala ni Xandre sa second floor ng bahay, naririnig ko pang tila may pinagbabatong gamit skasabay ng pag iyak niya.
"Ate Judi! Gusto ko po kay mommy!"
"Huwag na umiyak, tingnan natin baka dumating na ang mommy mo."
Naiiling na tumayo ako at tumingala sa second floor para agawin ang pansin nila. "Nandito na si mommy, go down now."
"See ate!" excited na sigaw ni Xandre. "Im right! Mom's there!"
"Oo na po, oh siya hawak na sa kamay ko, baka mahulog ka."
"I will be fast ate! Look hahaha!"
"Xandreon!" natatarantang sigaw ko ng makitang dumausdos siya sa railings ng hagdan. "Don't you dare doing that again!" sita ko sa kanya ng lapitan ko siya sa poste ng hagdan. "Don't-"
"Mommy it's fun!" nakangising sagot niya habang nakadapa pa rin sa railings at habol-habol ang hininga habang patuloy sa paghagikhik. "It's really fun."
Ang pasaway talaga tsk. Pinandilatan ko siya bago binuhat. He instantly wrap his small arms around my neck while snuggling on it.
"I love you mama!" paglalambing niya na nagpawala naman agad sa pagod at stress na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi siya dumating sa buhay namin ni ate.
Hinawakan ko siya sa baywang at bahagya siyang inurong palayo sa katawan ko, magiliw siyang ngumiti na nagpalitaw ng dalawang biloy niya, I know he's trying to change my mood but no, what done is done.
"Kahit anong pagpapa-cute pa ang gagawin mo kakain ka pa rin ng gulay." banta ko sa kanya na agad namang ikinasama ng mukha niya. Binalingan ko si Judi na ngayon nasa paanan na ng hagdan nakatayo bitbit ang gamit ni Xandre. "Sa susunod na gagawin niya pa 'to Ate Judi isumbong mo sa akin ha, buong linggo natin siyang pakainin ng gulay."
"S-sige po." naiilang na tumango si Judi. "Pasensiya na po ate Koko."
"Mommy vegetables are healthy," tinaasan ko siya ng kilay, ngayon niya lang nasabi 'to, he usually said that vegetables are grass and belongs to animals only. "I wanted to be strong so I can punch my classmates too."
My lips automatically parted in shock. So that's the reason why he appreciated the healthy vegetables? I shook my head with disbelief as I walk towards the sofa.
"Bad 'yan Xandre ha, huwag ka makipag-away!" saway ko sa kanya ng makaupo na kami. "Ampalaya ang ipapakain namin sayo ma-"
"Ayaw kooo po ng ampalaya!" tila nandidiring umiiling pa na sagot niya. "yummy vegies only, okay mama? I won't do that again."
"Tama lang na hindi ka mangangaway, limang taon ka lang-"
"No mommy! If someone will punch me, I will fight back because Im strong like superman!" may tamis na ngiti sa labing itinaas niya ang dalawang braso at ginaya ang kilos ni Superman. "See mom?"
"Pero huwag ka pa rin mangaway, okay?"
"Opo," napapalabing sagot niya habang pinagkrus pa ang maliliit na braso sa dibdib, lihim akong napangiti ng makitang kumukunot ang noo niya na akala mo'y galit sa kung kanino, he's just five for pete's sake, "But I will still fight back!"
"Baby-"
"Kasi dapat inaaway rin ang bad guy mommy! Hindi ako papatalo!"
Oh God Xandreon, kapag nandito ang mommy Monina mo kanina pa tayo pinagalitan.
"Mommy I'm hungry, make me pancakes, please?" nagniningning ang matang pagsusumamo niya, kung umasta akala mo kung walang ginawang masama.
Pinisil ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa leeg. "Ang bango talaga ng baby namin."
"And handsome!"
"Yeah, and handsome like superman," natatawang pagsasang-ayon ko. "Let's make you pancakes." magkahawak ang kamay na pumunta kami ng kusina, naabutan namin doon si Ate Cecil na nagluluto at si Judi naman naghuhugas ng gamit ni Xandre.
"Ano po ang ulam ate cil?"
"Nagtinola lang ako ineng at fried chicken naman sa munting abogado natin."
Mahina akong natawa ng marinig ang tawag ni ate cil kay Xandre. Paano ba naman kasi 'tong baby namin hindi nauubusan ng dahilan at hindi nagpapatalo kapag alam niyang mali ang kausap niya. Mabuti nalang at napagtiyagaan ni Judi eh.
"Mommy pancake!" pukaw ni Xandre sa akin. "I'll watch tv outside, okay mama?"
"Okay, kids channel only." pahabol kong sigaw ng mabilis siyang tumakbo palabas ng kusina. "Hay pasaway talaga."
"Hindi kapa sanay riyan sa anak mo, parang matanda na kung magsalita."
"Oo nga po ate cil eh." I sighed big time. Kinuha ko ang pancake mix, itlog at butter sa ref at pinaghalo sa bowl. "Sa tingin niyo po, proud kaya si ate sa paraan ng pagpalaki ko sa prinsipe namin?" tumigil ako sa paghalo ng humarap si ate cil sa akin, "Hi-hindi naman siguro masama ang paraan ng pagpapalaki ko kay-"
Natuon ang mata ko sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Proud na proud 'yon, alam niya kasing kapag may nangyari sayong ganito kaya mo ring lumaban kahit wala na siya."
"Sana nga po." kiming ngiti ko sa kanya. Masiglang kinuha niya ang kamay sa kamay ko bago nagpatuloy sa ginagawa niya, ako naman binalingan si Judi, "Judi pakitingnan-tingnan nalang si Xandre ha, baka gawing slide na naman 'yong hagdan."
"Opo ate, pero 'wag po kayo mag-alala hindi na po mauulit ang nangyari kanina." nakayukong aniya. "Sorry po talaga."
"Naku Judi kalimutan mo na 'yon, masyadong pasaway talaga 'yang alaga mo. Mana sa mommy Monina niya, kaya pagpasensiyahan mo na si Xand-"
"Mabait naman po ate si Xandre, nagpapansin lang 'yan sa inyo, kapag kami lang puro tv at laro lang kami ng mga laruan niya."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig, hindi ko alam kung saan ako maghanap sa oras na maisipang umalis ni Judi, mas mahirap lalo kung may trabaho na ako.
Pagkatapos kong magluto ng pancake muli rin akong bumalik sa sala, napangiti ako ng makitang nakatuwad na sa sofa si Xandre habang nanunuod ng paborito niyang cartoon show.
Inilapag ko ang pagkain sa center table at siya naman mabilis na umupo ng makita ang inilapag ko. Naglalambing na bahagya niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Thank you mommy."
Ginulo ko ang kulot niyang buhok. "Welcome baby, eat now." kinuha ko ang tinidor at kumuha ng pancake at inumang sa kanya, nakangiting pinisil ko ang baba niya ng mabilis niyang ibinuka ang bunganga niya. "Nagutom yata ang baby namin."
"Yes po, me and ate Judi played basketball in my playroom."
"That explain, kain ka lang, maliligo lang si mommy."
"Okay po, nuod lang po ako."
Hinalikan ko siya sa ulo at umakyat na rin sa kuwarto, mabilis akong naligo dahil gusto kong magpahinga ng maaga. Nakapikit na ako ng biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Ate Rose.
Malalim akong napabuntong hininga, habang pagabi ng pagabi palalim din ng palalim ang iniisip ko, wala naman akong inaasahang maaring mangyari pero pakiramdam ko malapit na akong huhukuman.
Sa totoo lang ayaw kong magtrabaho sa kompanya na pinagtrabahuan ni ate Rose pero wala akong magawa dahil kailangan ko ng pera para sa amin ni Xandre, kailangan kong maghanap ng trabaho para may pampasahod ako kina ate cil.
Bahala na, ang importante may trabaho ako para sa pangtustos namin sa araw-araw. Tumagilid ako sa kama at kinuha ang picture frame namin ni ate, kusa ng tumulo ang luha ko ng bigla nagflasback sa isipan ko ang mga masasayang sandali na magkasama kami. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan 'yon.
"Ate Mon, kakayanin ko 'to," humihikbing bulong ko, "kaya namin ng baby natin 'to, maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, ngayon ipakita ko sayo na kaya kong mag-isa, miss na miss na kita ate, anim na taon ka na palang wala, parang kailan lang no? Parang kahapon lang nakikita pa kitang ngumingiti kahit hirap na hirap ka na, I love you ate, gabayan mo po kami ni Xandre ha." Isang halik pa ang pinadapo ko sa picture niya bago ko muling nilapag ang litrato.
Kinabukasan sabay na kami ni ate Rose pumunta sa opisina ng La Bella Salon building na pag-aari ni Miss Divina Montevista, ang isa sa pinakasikat na businesswoman sa bansa.
"Maiwan na kita rito Koko ha? Kaya mo 'yan, ipapatawag ka nalang daw sabi nu'ng assistant niya."
Kinakabahang tiningnan ko si ate Rose, nasa loob ng opisina na kami ngayon at naghihintay nalang na tawagin. May mga nauna pala kasing mga aplikante.
"A-ate-"
"Alam kong mahirap para sayo ito pero alam kong kaya mo para kay Xandre," pampalakas loob na sabi niya sabay yakap at hagod ng likod. "Lakasan mo lang ang loob mo, okay?"
Tumatangong kumalas ako ng yakap sa kanya at bahagyang pinisil ang kamay niya "S-salamat po talaga ate ha, ang laki na ng utang na loob ko sayo. Salamat."
"Ikaw tala-"
Pareho kaming napatingin sa pintuan na salamin ng bumukas 'yon at iniluwa roon ang may katabaan na babae at mukhang nasa mid-forties na ang edad, matamis ang ngiti sa labing tumingin siya sa direksyon namin.
"Miss Pagonzaga?" tawag niya sa akin.
"Y-yes ma'am." kinakabahang sagot ko.
"Hinihintay ka na ni ma'am." aniya habang iminuwestra ang nilabasang pinto, tumango ako sa kanya bago binalingan si ate Rose.
"Salamat po ate Rose ha."
"Sige, alis na rin ako may pasok pa ako eh, magtaxi nalang ako." tumatayong paalam niya sa akin na mabilis kong tinanguan.
"Excuse me ma'am. Nandito na po si Miss Pagonzaga." imporma ng babae ng makapasok kami ng opisina.
Para akong tinadyakan sa sikmura ng magtama ang mga mata namin ni Miss Divina. Kahit napakalamig ng opisina niya pakiramdam ko nasa disyerto ako ngayon. She look so intimidating and cold person. I can't even look straight into her eyes.
Sinenyasan niya akong umupo at pinaalis na rin ang assistant niya.
"G-good morning po ma'am." nauutal na bati ko sabay yuko, kung puwedi lang sanang manatili ang sekretarya niya para may kasama ako sa loob dahil nakakasakal ang atmospera.
"Karrel Olivia Pagonzaga." mahinang bulong niya na nag nagpaangat ng ulo ko, napalunok pa ako ng magkatiigan kaming dalawa,hindi ko alam kung bakit tila inaarok ng mga mata niya ang pagkatao ko na nagpadagdag lang lalo ng kaba na nararamdaman ko ngayon. "You're hired."
"P-po?" gulat na napaayos ako ng upo, Im hired? O baka guni-guni ko lang 'yon?
"Kailangan ko ng sekretarya at wala na akong mahanap na matino, bukas ka na magsimula, pero sa ngayon Nelly will brief you, ayoko ng late, ayoko ng manang na pananamit, gusto kong presentable ka palagi, okay lang kahit malagpasan mo pa ang kagandahan ko, ipaalala ko lang sayo that my company represent beauty."
"O-okay po, pero imposible na pong may makalagpas pa sa kagandahan niyo ma'am." totoo naman. Sobrang ganda niya kaya impossible ang sinasabi niya.
Kung hindi ako magkakamali nasa 5'7" o mahigit pa ang tangkad niya, ilang beses ko na siyang nakikita sa mga news, she has this fierce but seductive eyes and that perfect pointed nose that makes her look even more appealing, she maybe a goddes but I can say that she's not easy to deal with.
Her stare is suffocating, it also put me on my nervous state, if I had another name for her that would be an Iron Lady, her aura shouts how brave and strong she is. And I envy her for that.
"Anyway. Why did you resigned from those companies? Ang pinakamatagal mo ay siyam na buwan?"
Nahihiyang ngumiti ako bago sumagot.
"Employee- employer connection really matters to me ma'am. Hindi po kasi nagagawa ng maayos ang trabaho kung hindi naman po makatao ang pagtrato ng employer sa trabahante nila, hindi ko naman pong sinasabing maging mabait kayo sa akin, ang akin lang na maramdamang tao rin ako kahit trabahante lang."
"Okay," tumatangong tugon niya na nagpabawas naman ng nerbiyos na nararamdaman ko kanina pa, "you can start tomorrow, you may go now."
"Salamat po ulit ma'am." nakangiting yumuko ako at naglakad palabas, nakahawak na ako sa door knob ng magsalita siya.
"And Olivia?"
"P-po?" kabadong bumaling ako sa kanya, nagbago ba ang isip niya? Hindi niya na ako tatanggapin? O baka-
"Don't worry, we have the same point of view in business, at sinungaling ka-"
Mas lalo nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. "Ho? Hi-hindi po ako nagsisinungaling kung tungkol po sa kagandahan niyo ang-"
"Mas maganda ka Olivia."
Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. "Salamat po ma'am, pero po para sa akin mas maganda kayo, salamat po ulit."
Pagkapinid ng pinto agad rin akong napasandal sa hamba nu'n, para akong nabunutan ng tinik ng mapagtantong hindi naman pala ganu'n ka-strikto si ma'am Divina.
"Okay ka lang ba?" may pag-alala sa boses ng assistant ng makita ako. "Naku, hindi naman sobrang strikto niyan si ma'am, ako pala si Nelly Ortez." inilahad niya ang kamay niya na agad ko naman tinanggap.
"Karrel Olivia po, pero Koko nalang ang itawag niyo sa akin ma'am."
"Oh siya, halikana turuan kita," hinila niya ako, "kakatawag niya lang sa intercom, tiyak magkasundo kayo nito."
Ganu'n na nga ang ginawa namin, buong maghapon kaming nakatutok sa computer at masaya ako dahil mabait din si ma'am Ortez sa akin.
Hindi ko pa rin lubos maiwala ang kasiyahan ko dahil may trabaho na ako, pero ang kasiyahan na 'yon ay may kaakibat na kaba at takot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro