Unseen 4
Georgina's POV
Hindi ko alam kung maituturing ko bang magandang desisyon ang pagtugon ko sa imbitasyon ng aming gobernador na ipadala ako dito sa Maynila.
Ang aking clinica ang isa sa pinakamalaki at pinaka high end na clinic sa aming probinsya, hindi ko man intensyong magpasikat ay napapansin ito ng mga government officials sa aming lugar. Ang tanging nais ko lang naman ay mabigyan ng magandang serbisyo ang aking mga kababayan sa aming lugar.
Ako ang napiling ipadala upang i-represent ang aming lalawigan sa gaganaping Summit dito at isa pa ako sa napiling speaker. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang una kong pagkakataong lumahok sa ganito kalaking event bilang isang guest speaker.
I gave my presentation a final look before closing my laptop, handa na ako. But I am shaking a little bit.
==
Two hours before the event ay nasa hotel na ako kung saan ito gaganapin. Nakita ko na rin ang function room kung saan mismo ako magsasalito. Nararamdaman ko ang tensyon kung kaya't naisip kong magcheck-in nalang muna for a while habang naghihintay.
Amalia's POV
"Maraming salamat po, Miss Adranas sa pag-organize ng event na ito. Malaking tulong ito upang makahanap ako ng pinakamagaling na doktor para sa kagalingan ng aking anak,"
"No problem, Doc. Sorry for the short notice. Sa ganito paraan man lang ay matulungan ka namin. Alam ko rin namang may malawak kayong connection na mag-asawa---"
"Kung asawa ko lang ang tatanungin, tila wala na rin siya sa huwisyong ipagamot pa si Arnaldo. Pakiramdam ko nga ay nagkalamat na rin ang aming marriage dahil sa nangyari,"
"Ano ka ba, doc. Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Tough lang talaga ang image ng pagmamahal na nais ipakita ni Doc Rigor kung kaya't ganoon. Kung magiging mahina siya ay ano nalang, hindi ba? Parehas kayo ngayon emosyonal ni Arnaldo, the best thing Doc Rigor can do is to act tough."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro