Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unseen 2

Arnaldo's POV

"Anak please, kumain ka na. Ilang araw ka nang hindi kumakain ng kanin, papatayin mo ba ang sarili mo?" dinig kong pakiusap ni mama mula sa labas ng aking kuwarto. Naririnig ko ang kalansing ng mga susi ngunit hindi ko naman maramdamang binuksan nila ang pinto.

Wala akong gana. Maligo. Kumain. Bumango. Para saan pa? Hindi ko na rin naman magawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi ko na rin naman makita ang mga bagay na gusto kong paglaanan ng panahon at hindi ko na rin naman makapiling ang babaeng gusto kong makasama panghabang-buhay. Para saan pa?


Hindi nagtagal ay sumuko na rin si mama sa kakapilit sa akin. Pagod na rin akong magalit at mangbato ng mga bagay na makakapa ko kaya't nakahinga rin ako kahit papaano nang hindi na sila pa nagpumilit na gambalain ako sa aking kuwarto.


Sa ngayon, dito muna ako sa dilim. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro