3: Diary
High school na ako bukas. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi. Kami lang ni Kuya ang magkasama dito sa bago naming location. Nagmakaawa na akong umalis doon sa dati kong school dahil sobrang sakit ng mga alaala ko doon. Ayokong maging ganun ulit ngayong High School na ako. Gusto ko ng magkaroon ng maayos na buhay at tunay na kaibigan. Yun lang naman talaga yung gusto ko eh. Naeexcite ako! Sana maging mabait din yung kaibigan na makikilala ko! Ayoko ng mabully pang muli.
Update kita bukas diary kung anong mangyayari sa buhay ko! Sana wala akong makitang taga dati kong school. Kahit sobrang layo na nito doong bagong location namin, syempre hindi ko pa din masasabi kung safe ako dito. Kasi baka may nakaisip ding mag-aral sa school na ito. Kaya sana WALA. yun lang! Goodnight diary! Kinakabahan na ako na naeexcite!! Luvyah! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro