1: Narration
Sydney
"Hwang Hyunjiiiiiiiin!!!!!!" bulyaw ko sa kapatid kong nanggaling sa kwarto ko. Nagkalat na naman ang iba't ibang bagay sa sahig at kung saan saan. Naiwan nya ding bukas ang cabinet ko na lagi nyang kinukuhanan ng t-shirt. I always wear over-sized shirt to sleep pero dahil "magaganda" daw yung mga iyon, Hyunjin always get one but he will never return it. Pinagpawisan ako sa paglilinis ng lahat ng iyon. Pasalamat na lamang talaga sya at papasok na sya ng school kung hindi, nasapak ko yon! Syempre ayoko din papasok yun ng pangit sya. Pero parang gusto ko na din para minsan manlang maging pangit sya.
Pero naisip ko din, kahit siguro nakawheel chair syang papasok ng school, titilian pa din yan. Baka nga ihatid pa sa classroom nya. Tsssss! Nakakairitaaaaaaaaaaa
"Noona, aayusin ko na lang yan pagbalik ko galing school. Babye! Labyuuuuu~" rinig kong sigaw nya galing sa baba. Napatakbo naman ako palabas ng kwarto para isagaw na, "NALINIS KO NA BWISIT KA!" narinig ko ang pagsara ng gate namin, hudyat na nakalabas na sya. Taas baba ang balikat ko sa sobrang inis. Kahit kailan talaga! Kaya ikaw, kung gusto mo sya, kailangan mong magkaroon ng mahabang mahabang mahabang mahabang pasensya sa batang yon. Dahil una, lampa sya. Laging nadadapa at wag na wag mong gugulatin. Okay? Pangalawa, natutulog kung saan saan yan. Kahit sahig ng kainan, di nyan pinapalampas. Pangatlo, baliw. Saksakan ng baliw. Mas baliw pa sakin yan kaya magdala ka na lagi ng paperbag pangsaklob sa mukha mo pag kasama mo yan. Pero mas madali kung takbuhan mo na lang palayo. Your dignity's saved. Marami pa akong tips, pero tinatamad ako. May pupuntahan din ako e.
Oo, date namin ni ilong ngayon ewemji. Kaya nakakabwisit dahil hindi ko na naman alam kung saan ko hahalungkatin yung mga gamit ko. Hay nako, Hyunjin! Oo!
Naligo na ako at nagbihis. I stick to my usual get up. Jeans, snickers and shirt. Bahala na kung anong hitsura ko, magliliwaliw lang naman kami. Ahhhhh, siguro? Kasi di naman nya sinabi kung saan kami pupunta eh. Bahala na si Batman.
Chineck ko yung phone ko at tama nga ang hinala ko. May text na sya.
Captain Neozep The One I Love ♡
Baby, sorry for the late notice! May emergency lang dito sa bahay. Kailangan namin ipacheck up si Lucas. I'm sorry! Bawi na lang ako next time :(
Bumagsak ang langit at lup- de joke lang. Okay lang. Ano na naman kaya nangyari sa batang yon? Lagi na lang nagkakasakit. I should visit him later. Sayang naman at nagbihis na ako. Pero mas importante yon kesa sa date na to. Kaya naming magdate ng ilang beses pero si Lucas, urgent yon.
I tapped a reply and send it. Bumalik na ako sa loob ng bahay at nagpalit ng damit. I have nothing to do. Kaya instead na tumunganga ako dito, bibisitahin ko na lang yung mga box ko. Oo, madami akong box. Ewan ko ba pero pag sentimental ka talaga sigurong tao, magmumukhang bodega yung kwarto mo. I have a lot of boxes na ang laman ay mga bagay na bigay sakin. Mapabox ng cupcakes, cakes at kung ano ano pang sobrang memorable sakin. Kahit tuyong bulaklak, nakalagay sa grapon at sa stem non, nakatape ang isang maliit na papel na may sulat kung kanino galing, anong date at kung anong okasyon ang meron noon kung bakit binigay. I hope you don't find it weird. Gustong gusto ko kasing balikan yung mga bagay na ganon. It reminds me of good things and memories that happened na minsan nakakalimutan ko na ding nangyari.
I was enjoying the moment ng may makita akong nakataob na picture sa ilalim ng isang color pink na envelope. Pinulot ko iyon. My heart shattered as I look at an old photo of me and Cindy. This was taken nung Foundation Day namin. Sa photo booth 'to nila Chan eh. Naluha ako ng makita ko kung gaano kami kasaya ng mga oras na ito. Nung mga panahong okay pa yung lahat samin. Mga panahong buhay pa sya at wala syang ibang alam gawin kundi magfangirl, magkwento ng mga nangyayari sa fandom at kung ano ano pa. Nakakalungkot na hindi naging maganda ang naging ending naming dalawa. Nang dahil sa inggit at gusto nyang maging sikat, nasira yung lahat. Masakit isipin ang dahilang iyon lalo na at hindi ko inaasahan.
Pumatak ang luha ko kasabay ang biglang pagtunog ng cellphone ko. Someone's calling. Tumayo ako para kunin iyon sa study table. My heart felt like it was revived ng makitang si Kuya Danik yung tumatawag. After nung incident ni Cindy, naging close kami lalo ni Kuya. We often hang out kaya madalas syang nagiging dahilan ng pagseselos ni Chan. Hay nako talaga iyong lalaking yon. Minsan ang sarap sipain pero I always find it cute.
"Kuya, napatawag ka?" sabi ko with my most enthusiastic tone. Hindi nya pwedeng mahalata na umiiyak ako dahil sa kapatid nya. Nakakahiya, ang pangit ko pa man ding suminghot. Ang weird ng tunog parang vacuum.
"Wala naman. I'm just checking on you. Tsaka break time namin dito sa office. I suddenly felt like calling you." sabi nya sabay hagikhik. Bakit kasi hindi pa mag-girlfriend itong si Kuya? Ang pogi naman, mabait, maalaga, makulit at madami pang good traits na meron sya. Kung ako girlfriend nito kilig na kilig ako lagi. Mas mamahalin ko pa to lalo.
"Yieeeeee sweet naman. Kumain ka na dyan Kuya. Naglilinis lang akong kwarto." pshh, liar.
"Oh, sorry. Naistorbo ata kita."
"Hindi naman. Magsisimula pa lang din naman ako e." kasi hindi ko kinaya yung nakita ko. Retreat besh.
"Hmmmm, I see. Birthday ni Cindy on Saturday. May gagawin ka ba non? Puntahan sana natin sa memorial park."
"Ay oo nga pala ano? Wala naman Kuya. Game ako dyan!" grabe, kung buhay pa yon, magtatampo yun sakin.
"Yown! See you on Saturday! Sige balik muna ako sa table ko. Babye~" sabi nya at hindi na ako hinintay pang makapagpaalam. Tsss, magkapatid nga kayo ni Cindy. 🙄
Niligpit ko na yung mga ikinalat kong anek anek sa sahig at kinuha yung oicture namin. Sinulatan ko muna yon ng message sa likod saka inilagay sa isang frame. I miss you so much you dimwitt.
At ito na naman ako, walang magawa. Jusko naman inday napakatumal ng araw na ito. Makapaglakad lakad na nga lang sa labas. Di din naman ako tinetext pa ni ilong. Baka busy pa iyon kay Lucas. Ayoko na muna syang kulitin muna. Nagpunta akong park para umupo na lang sa swing kasi yun yung favorite ko talaga. Tinamad na akong maglakad lakad. I bought a lollipop on my way para naman hindi ako gaanong bored sa buhay.
Binuksan ko lang yung SNS account ko. I was browsing on facebook ng magscroll back ako pataas dahil sa nilagpasang post.
Seo Changbin is now in a relationship.
What the.... SA WAKAS!!! KANINO KAYA? KAY FELIX? HAHAHAHAHAHA SYEMPRE JOKE LANG YON. PERO GHAAAAAD KANINO?
Nagscroll ako doon sa mga comments. Most of them are from girls in our school who likes him. It's been year since everything went straight and in peace. Sana naman maayos na yung babaeng nakita nya. Yung mamahalin sya more than he deserves. Too bad we met on the wrong page. Kung hindi ko kilala si Chan, baja sya yung nakatuluyan ko. He's a good person. I'never met someone who is as genuine as him. Sana masaya sya. Nagheart react na lang ako kasi baka maissue na naman ako sa kanya pag nagcomment ako. Jusko umay na umay na ako sa issue utang na loob. Ichachat ko na lang sya.
Nagscroll na akong muli matapos kong magulat ko sa relationship status ni baba. Busy akong manuod ng video ng Tasty ng maramdaman kong may umupo sa kabilang swing na katabi ko. Tinignan ko kung sino iyon at nagulat ng si Woojin ang tumambad sa akin. Anong ginagawa nito dito? Eh ang layo nito mula doon sa dorm malapit sa school?
"Woojin!!!! Anong nakain mo at bumyahe ka pa dito para lang mag-swing?" natawa naman sya sa sinabi ko. "Baliw ka talaga. Syemprp sinadya kita dito. Nakalock yung bahay nyo eh, buti na lang naisip kong hanapin ka. Dito lang yung alam kong pwedeng paghanapan sayo bukod sa coffee shop doon sa kanto." sabi nya at inabutan ako ng iced americano. My heart flutters when I get a sip of it. AAAHHH~ nothing feels better than an iced americano in the afternoon while watching the sunset. "Thank you." I muttered. Tumango lang sya, "Wala akong ibang maisip bilhin e. Akala ko nga mahahanap kita doon." sabi nya. Umiling naman ako. "So, ano yon? Anong sinadya mo sa akin?" tanong ko habang hinahalo halo yung kape. Nagtutunugan yung yelo doon and I find it satisfying like OMG!
"Syd, I miss her. I still miss her so much kahit sinaktan nya ako." he said in the lowest tone I've ever heard from him. Nanakit yung dibdib ko kasi I felt the same. Bumuntong hininga kami sabay kaya nagkatinginan kami. We smiled because of that but we cannot hide the loneliness we felt. "Alam mo ako din. Pero alam mo yun, I thank her for everything she's done for me lalo na kay Chan. Pareho nya tayong nasaktan pero eto tayo at namimiss sya ng sobra." I tried to hold my tears. Ang hirap pala talaga mawalan ng minamahal. Lalo na kung matagal mo syang nakasama. Tinignan ko si Woojin na ngayon ay nakatingin lang sa kape nya. He looks devastated and very lonely. After all, she is her first girlfriend.
"First love never dies, my foot. She died literally." sambit nya at humigop ng kape. His lips shake habang umiinom doon. Halatang nagpipigil lang sya ng luha. I watched him move. I'm breaking for him pero alam kong mas nadudurog sya kasi sya yung nagmahal ng sobra kay Cindy. I really want him for her.
"Nga pala. I found this sa kwarto nya nung nagpatulong si Daniel hyung sa pagliligpit. These letters are for you." sabi nya sabay abot sakin ng isang folder na color blue. Kinuha ko iyon sa kamay nya. "Para sa akin? Galing kay Cindy ito?" tanong ko at ramdam kong gumaan yung dibdib ko after kong tanggapin iyon. Tumango lang si Woojin sa akin. He gave me a broken smile before he stood up. "Kailangan ko ng umalis. Baka hindi ko maabutan yung bus pabalik ng school. Ingatan mo yan." bilin nya bago ako iniwan doon.
Binuklat ko ang envelope at nakitang may iilang sulat doon na maliliit at ilan ding malalaki. Kalakip noon ay ilang pictures at isang notebook na sa tingin ko ay diary. Some of the letters are yellowish dahil na siguro sa katagalan. What are these for? Napaisip ako. I went home straight to find out what's inside these letters. Hindi ko alam pero bakit ako kinakabahan? What's the meaning of this? There's only one way to find out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro