Prologue
Isang malutong na tawa ang umagaw ng kanyang pansin kaya napahinto sa pagbaba ng hagdan si Hope nang marinig na naman ang kanyang ina na nasa loob ng kuwarto nito. Lumapit siya at ang kanina'y malu-lutong na pagtawa ay napalitan ng impit na pag-iyak na sa una'y mahina hanggang sa palakas ng palakas.
Awa at puno ng hinagpis ang naramdaman niya para sa kanyang ina.
Gabi-gabi ay naririnig na lang ni Hope ang mga iyak sa kabilang kuwarto. Ang iyak ng kalungkutan at pangungulila sa isang minamahal na iniwan. Masakit na marinig iyon ni Hope dahil wala siyang magawa para patahanin ito. Naalala niya noong araw na iniwan sila ng kanilang Itay dahil lamang sa isang babae.
“Jose, huwag mo naman gawin ito sa amin." Ang pagsusumamo ng kanyang Ina sa asawa nito habang nag-iimpake ng damit.
“Huwag mo akong pigilan, Mary! Ayoko ng makasama ka pa!” Ang giit nito at walang pakundangang tinabig ang nakapatong na kamay ng kanyang asawa sa balikat niya.
“Bakit naman Jose, ano ba ang naging pagkukulang ko? Bakit mo ito ginagawa sa amin?" Pagsusumamong tanong ng kanyang ina na hindi na napigilan ang paglandas ng mga luha.
Walang nakuhang sagot ang kanyang Ina, bagkus pinagpatuloy na lamang n kanyang Itay ang pag-iimpake.
Mga ilang sandali ay lumabas na ito sa kuwarto na sinusundan pa rin ng kanyang Ina.
Napahinto si Jose dahil nakita niya ang kanyang anak na si Hope sa labas ng pintuan. Iyak ng iyak si Hope nang tingnan siya ng Ama, nang lalapitan niya ang kanyang anak ay tumakbo ito palabas ng bahay.
“Jose! Maawa ka! Huwag mo naman kaming ipagpalit ng anak mo sa iba. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, basta huwag ka lang umalis.” Ang paghabol na wika ni Mary sa asawa.
Ngunit matigas pa rin ang kalooban ni Jose. Ni hindi siya nilingon manlang. Sumakay na ito sa kotse na nakaparada sa labas ng kanilang bahay.
Hindi na napigilan ni Hope ang kanyang ama.
“Mama…!” Sigaw ni Hope sa Ina at patakbong lumapit at niyakap ang kanyang ina para mapigilan niya ito na lumabas ng kanilan bahay dahil nakita niya na may kasama pala ang Ama nito sa loob ng kotse. Isang babae na halatang mas bata pa kaysa sa kanyang Ina. Ayaw ni Hope na mas lalong masaktan pa ang nanay niya.
Tinanaw na lamang nila ang pag-alis ng kotse hanggang sa hindi na ito matanaw.
Simula nang pangyayaring iyon ay gabi-gabi na niyang naririnig ang mga iyak ng kanyang Ina. Hanggang sa namalayan niya na pinapabayaan na nito ang kalusugan. Hindi na naaasikaso ang bahay pati na ang sarili, madalas na ring uminom at pati na rin si Hope ay napapabayaan na. Madalas na siyang bulyawan at minsan ay napagbubuhatan pa ng kamay.
“Mama kumain na po kayo” Nang mailapag ni Hope ang isang plato na may lamang pagkain ay kinabig lamang ito.
“Letche! Wala nga akong ganang kumain, eh! Hindi ka ba nakakaintindi?” Ang mariin na pagsigaw at pagmumura nito sa kanya.
Hindi nagpatinag si Hope “Mama, lagi na lang alak ang nasa tiyan mo. Paano na lang kung magkakasakit ka? Wala tayong perang pampagamot kapag na hospital ka.”
Naaawa na talaga siya sa kanyang Ina. Kitang-kita niya ang paghihirap nito kahit hindi nito sinasabi.
“Puta! Sino’ng nagsabing pakialaman mo ang buhay ko? Wala kang pakialam at huwag mo akong pakialaman!"
Walang magawa si Hope dahil sa pagmamatigas ng Ina niya. Pinulot na lamang niya ang mga natapong pagkain sa sahig.
“Tsk! Katulad ka lang ng ama mo *hik*. Naawa lang sa umpisa *hik* pero kalaunan iiwan rin *hik* Mag-sama sama kayo! Nang-iinit ang ulo ko kapag nakita kitang bata ka!"
Bigla na lamang tinadyakan si Hope at natumba ito. Hindi siya makalaban dahil sinisipa-sipa na siya ng kanyang Ina.
“Mama, tama na po!” Ang pagmamakaawa ni Hope.
Hinarangan niya ng dalawang braso ang mga sipa at tadyak nito. Umiiyak na si Hope dahil sa ginagawa nito.
Walang maramdaman ni katiting na awa si Mary sa kanyang anak na kasalukuyan niyang tinatadyakan, sinisipa at binugbog. Tila ang galit at hinanakit sa asawa ay kay Hope niya ibinunton lahat.
“Umalis ka na dito, bata ka!”
Umatras ng umatras si Hope para makawala sa pananakit ng kanyang Ina. Nang tyempong hahampasin siya ay napatayo ito at lumabas na umiiyak. Hindi na niya lubusang kilala ang kanyang Ina, para na itong isang demonyong kumawala at pinagdiskitahan siyang bugbugin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro