Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12

Masayang nagtatawanan ang grupo nila Hope sa long table na iyon sa Italian Restaurant, it was a fine dining area at masarap ang best seller nilang pasta. Mangilan ngilan lang ang customer na kumakain.

Natakam si Hope nang makita niya ang inilapag ng waiter na pagkaing in-order nila. Biglang kumalam ang tiyan niya at ngayon lang niya naalalang hindi pa nga pala siya kumakain dahil nawalan na siya ng gana kanina dahil kay Enrique.

Inumpisahan niyang tikman ang  Shrimp Pasta Scampi with Linguini, at ninamnam ang sarap niyon. Nag-umpisa na ring kumain ang mga kasama niyang kapwa modelo.

Habang kumakain ay napansin ni Hope na hindi lang  pala gwapo at magaling na modelo si Kenzo dahil magaling rin itong magpatawa, ang bawat pagbitaw ng mga jokes nito ay nagpapatawa sa kanila at masaaabi niyang may sense of humor ang binata. Iyon nga lang ay hindi nakaligtas kay Hope ang mga malalagkit nitong tingin sa kanya, panakanaka niya itong sinusulyapan at hindi niya maiwasang sumilay sa mapupula niyang labi ang isang hungkag na ngiti.

"Alam na alam ko na ang mga ganyang kilos Kenzo. Alam na alam ko!" bulong ni Hope sa sarili habang sinisimsim ang red wine  sa hawak niyang babasaging kopita. Alam niyang isang banta at babala ang mga napapansing ikinikilos ng binata at ang matatamis nitong ngiti na ibinibigay sa kanya.

Nakaupo ang binata sa katapat ng kinauupuan niya at katabi nito si Mommy Luz na kahit nakikipagtawanan ay abala naman sa hawak na cell phone at malamang ay may importanteng taong ka-text. Katabi naman niya sa bandang kanan  ang dalawang kapwa modelo at sa kaliwa ang dalawang celebrity couple.

Pasimple at malaya niyang napagmamasdan at napag-aaralan ang mga ikinikilos ng binata. Hindi siya bulag at manhid para hindi mapansin na may gusto ito sa kanya. She will let it happen just in case na magsimulang gumawa ng moves si Kenzo. She will allow him to enter her damn life. At ipinapangako niyang pagsisisihan nito ang kung ano mang gustong pasukin.

Nakita niyang tumayo si Mommy Luz at nag-excuse dahil kailangan nitong sagutin ang tumatawag dito. Nang makabalik ito ay agad na nagpaalam dahil may importante pang gagawin.

"Take care Mommy Luz, I'l text you when I get home." Pagpapaalam niya sa mabait at maalalahanin niyang Manager. Nagbilin pa ito na huwag iinom ng marami dahil magda-drive pa siya ng kotse niya pauwi. Humalik ito sa pisngi niya bago lumabas ng resto.

After an hour ay nagpaalam na rin ang kasama nilang celebrity couple dahil may taping pa raw kinaumaghan at kailangan pa nilang magbyahe ng maaga papunta sa shooting area kaya apat na lang silang naiwan.

"The night is still alive so let's go to the disco house, shall we?" Nakangiting tanong ni Kenzo.

"Good idea Kenzo, may alam akong disco house along Tomas Morato, kabubukas lang last month at ang kaibigan kong celebrity ang may-ari. So are you in Hope? Come on, let's unwind and have fun tonight." Alok ni Mia na may pagkakalog pero mabait naman kaya isa siya sa kapalagayan ng loob ni Hope sa modeling industry.

Narinig rin niyang sumang-ayon si Jenny na kasama rin nila at siya na lang ang hinihintay ng mga ito kung sasama o hindi.

Nakangiting tumango si Hope. Maaga pa naman at ayaw niyang magmuni-muni sa condo niya, mainam na rin ito na nagpapakaabala siya para makalimot kahit papaano. Agad na silang lumabas ng restaurant. At dahil may mga sariling sasakyan ay nag convoy na lang sila sa high way, nauuna si Mia dahil siya ang nakakaalam ng daan papunta sa sinasabi nitong disco house. Kasunod nito si Jenny at nakasunod naman siya dito. Nasa hulihan si Kenzo dahil siya naman daw ang lalaki at para siya na rin daw ang look out kung sakaling magkahiwa-hiwalay sila ng way.

"Vanity Disco Bar" ang malaking karatula sa harapan ng entrance at napapatingkad ng patay sinding ilaw na nakapalibot dito ang nabasa ni Hope. Naipark na nila ang mga kotse nila.

Hinintay siya ni Kenzo sa may entrance at hinawakan siya sa braso, hinayaan lang ni Hope ang binata at sabay na silang pumasok sa loob. Nakita niyang binati si Mia at Jenny ng isang barista na nasa counter, siguro ay madalas dito ang dalawa kaya kilala na.

Inilibot niya ang paningin sa paligid at humanga siya sa pagka cozy ng lugar, halatang bago pa nga lang. Iilan pa lang ang nakita niyang nagsasayaw sa dance floor sa pinaka-center ng lugar, violet ang motif ng lugar na nakadagdag elegant ang dim light dito.

Umupo silang apat sa may malapit sa dance floor. Hindi naman siya inosente sa ganitong lugar and this place is for the people who wants to escape from pain, hatred, and reality.

"Hey miss beautiful, margarita wine for you." Agaw pansin ni Kenzo sa pagsiyasat niya sa paligid at iniabot sa kanya ang wine glass.

"Thanks. Where's Mia and Jenny?" tanong niya dito dahil hindi pa bumabalik ang dalawa mula nang magpaalam na magreretouch lang sa powder room.

"They are busy, look at them, they're with their prospect guy." Turo nito sa dalawa na nasa bandang counter at may kanya-kanya nang kinakausap na mga gwapong lalaki.

Napapailing na lang siya habang iniinom ang wine na ibinigay ni Kenzo.

Nang tingnan niya ulit ang dalawa ay may kausap na itong lalaki na bagong dating, wait what? Nagulat siya nang mapagsino ang lalaking kausap nila Mia. It's James Padilla Reid, the famous actor. Tama nga ang sinabi ni Mia kanina sa kanila na kaibigan nito ang may ari ng Vanity Disco Bar.

"Let's dance Hope." untag na naman sa kanya ni Kenzo at nakita niyang nakalahad ang mga kamay nito. Pinaunlakan niya ang binata at nagpunta na sila sa gitna para makisabay sa mga nagsasayaw doon ng isang rock and party music.

Makikita sa mukha ni Kenzo ang kasiyahan nang mga sandaling iyon dahil nasolo niya si Hope. Napagmamasdan niyang maigi ang kagandahan nito. Bagay na bagay kay Hope ang navy blue na above the knee na dress. Backless ito kaya nakikita niya ang makinis at maputing likod ni Hope na para sa kanya ay ang sarap-sarap himasin.

Sumasabay ang lagpas balikat na alon-alon na buhok ni Hope sa bawat indayog ng katawan niya habang sumasayaw, umiimbay ang mga balakang sa bawat pagbigwas niya sa kanyang baywang. Maging ang mga lalaking nasa paligid ay napapatingin sa kanya.

She's dancing like a pro, elegant yet sexy moves. Napapapikit pa si Hope habang sumasayaw at wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. This is all she want, ang mawaksi kahit saglit ang mga sakit na naranasan niya.

Biglang nag-iba ang tugtog at napangiti si Kenzo. Malamyos ang tunog ng isang romance song na pumailanlang sa paligid.

Napatigil saglit si Hope at nakita niya ang mala-anghel na ngiti ni Enrique.

Ipinatong niya ang kamay sa balikat ni Kenzo at hinawakan naman siya ng binata sa bewang. Isinasabay nila ang indayog ng kanilang katawan sa ritmo ng awiting pang romansa. At walang humpay naman ang pagkakatitig ni Kenzo kay Hope.

Nakikipaglaban ng titigan si Hope, hindi niya ipinakitang naiinis na siya at naiilang. Kailangan niyang magpanggap na okay lang sa kanya ang gesture ni Kenzo.

"You look beautiful tonight Hope." ani Kenzo.

"Woah! Kenzo ngayon lang? Tonight lang?" natatawang biro ng dalaga.

"Of Course Hope ay every day kang maganda. Kaya ko lang nasabi na tonight becuase it was my first time to be with you and I can see your eyes closely, and your smile Hope." humahangang palatak ni Kenzo at hindi na mapigilan ang sarili na bitawan ang mga salitang paghanga.

Inilapit ni Hope ang sariling katawan sa binata at nakaakap na siya dito. Bumulong siya dito para mas malinaw nitong marinig ang pagpapasalamat niya.

Naramdaman ni Hope na humigpit ang kapit ni Kenzo sa kanyang bewang.

"Well thanks again Hope dahil pinaunlakan mo ang invitation ko na pumunta tayo dito. At sana hindi lang ito ang una at huli natin."

"Just be a good man Kenzo and I will assure you that tonight is not our first and last." mas pinalamyos ni Hope ang boses niya na parang nang-aakit. Sinisigurado niyang mas lalong mahuhumaling sa kanya si Kenzo.

Uunahan na niya si Kenzo sa kung ano ang plano nito para sa kanya.

Lalong umiigting ang nararamdaman niyang poot at galit sa bawat pagngiti ni Kenzo dahil kinamumuhian niya ang mga kagaya nitong nagpapakita ng motibo at pagnanasa sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga lalaki na mahumaling sa alindog niya dahil talagang kaakit -akit siya sa paningin ng lahat, tila isang napakasarap na putahing handang sunggaban nino man.

Pero natuto na siyang mas lumaban sa hamon ng buhay, mas natuto na siyang maging mapagmasid pa lalo para hindi siya abusuhing muli at lokohin.

Nang matapos ang tugtog ay naupo na sila pareho. Muling inabala ang sarili sa pag-inom ng alak.
Ang dalawa nilang kasama ay hindi na nila nakita pa ulit. At wala siyang pakialam kung nasaan na ang mga ito.

"Kenzo pwede mo ba akong samahan sa powder room?"

"Sure, let's go at baka may mambastos pa sa iyo doon."

Tumayo na sila at nakahawak siya sa kamay ni Kenzo. Pumasok siya sa loob at iniwan ito sa labas.

Dalawang babae lang ang naabutan ni Hope na nasa loob at sinabihan niya ito kung pwedeng lumabas muna. Hindi na nagtanong ang dalawang babae at agad na lumabas.

"Kenzo, please get inside." bungad ni Hope sa pinto at pinapasok sa loob ang binata. Agad niya itong hinila sa pinakadulong cubicle at doon niya ito sinunggaban ng maalab na halik.

Hindi na nagtanong pa si Kenzo dahil gustong-gusto niya ang ginagawa sa kanya ni Hope.

"You deserve this one Kenzo. I really hate a guy like you." hiyaw ni Hope sa kanyang isip habang maalab niyang hinahalikan si Kenzo. Walang humpay rin siyang hinahalikan nito at nagsisimula nang maglayag ang mga kamay sa katawan ni Hope.

One, two, three, four, five.

Pagbibilang ni Hope sa kanyang isip.

Ilang saglit na lang at mawawalan na ng malay si Kenzo.

Akmang ipapasok ni Kenzo ang kamay nito sa loob ng kanyang damit upang himasin ang matatayog niyang dibdib nang bigla itong nawalan ng malay. Napasubsob ito sa balikat niya.

Agad niya itong pinaupo sa nakatakip na bowl at isinandal ang ulo sa dingding.

Nakangiti siya nang iwan ito sa loob ng c.r.

"Goodnight lover boy, have a sweet dream." aniya sa isip. Inilock niya ang seradura para wala ng ibang makapasok doon.

Pasimple niyang nilagyan ng pampatulog ang alak na iniinom ni Kenzo kanina para maisagawa ang planong iwan ito doon.

Laging nasa bag niya ang sleeping pills na ginagamit niya kapag hindi siya makatulog. Kasama ito sa gamot na nirekomenda sa kanya ng doctor nang minsang nagpacheck up siya para ma -overcome niya ang trauma.

Lumabas na siya ng Vanity Disco Bar at nagtuloy na sa condo.

********

National Center for Mental Health, muling binasa ni Hope ang nakasulat sa pulang folder na hawak niya at tumingin sa hospital na nasa harapan niya. Nandito na siya sa mental hospital na tinutukoy sa folder.

Ang folder na hawak niya ang ibinigay ng mga private detective na inupahan niya noon para mahanap ang kanyang Mommy, ayon sa report ng mga ito ay may isang babaeng hindi alam ang pagkakakilanlan dahil walang kamag-anak na nagsasabi kung sino ito ang nandoon sa mental hospital four years ago. Nagbakasali lang ang mga inupahan niya na ito si Maria Hernandez, ang mommy niya. Base sa description nito ay tugma sa  description na ibinigay niya. Kahit may larawan siyang ibinigay sa mga investigators ay hindi pa nito nakita ang babae sa hospital dahil ayaw silang payagan ng pamunuan ng hospital na iyon na iharap sa kanila ang may sakit kaya si Hope pa lang ang unang makakakita sa babaeng tinutukoy.

Umibis na siya sa kotse at hindi mawala ang kaba habang papalapit sa hospital. Nakasuot siya ng sunglass at nakabandana upang matakpan ang kanyang hitsura dahil baka may makakilala sa kanya na isa siyang sikat na modelo.

"Hi miss, I'm looking for Doctor Diaz, a psychiatrist​ ​ here. I'm Miss Hernandez. I have an appointment today with him." bungad niya sa nurse na nasa directory.

"Okay Miss  Hernandez, just wait a minute. Tatawagan ko lang po si Doctor Diaz sa office niya." Nagdial na ito sa telepono na nasa ibabaw ng counter at narinig niya na binanggit ang pangalan niya  sa kausap nito sa telepono.

Nilibot niya ang paningin sa pasilyo, may ilang pasyente na nasa wheel chair habang tulak-tulak ito ng nurse at ang ilan naman ay nakaupo sa bench at nakatulala. Makikita sa kanila na tinakasan na sila ng matinong pag-iisip, sa madaling salita ay mga baliw.

Kung saka-sakaling mommy nga niya ang nandito ay gagawin niya ang lahat para gumaling ito, kahit may galit siya dito noon dahil pinalayas siya at binalewala ay napatawad na niya ito.

"Miss Hernandez hinihintay na po kayo ni Doctor Diaz sa office niya, deretso lang po kayo diyan at kumaliwa, may elevator po at nasa second floor po ang office ni Doc, sa left side." pagbibigay instruction ng nurse at tumango si Hole sa kanya.

Naglakad na siya patungo sa elevator na tinutukoy ng nurse.

Kumatok siya sa pintong nakita niya na may nakalagay na "Doctor Diaz is in" kaya natitiyak ni Hope na ito ang office ng doctor na pakay niya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa folder na dala bago buksan ang seradura.

"Good morning po Doc. I'm Miss Hernandez iyong tumawag sa inyo last week para sa isang personal at private transaction."

"Yes Miss Hernandez, have a sit." magiliw niyang pag-alok na maupo si Hope.

"I am here doc, because I want to confirm if my mother is here. Five years ago nang huli kaming magkita at nang balikan ko siya noon sa amin ay wala na siya at walang makapagsabi kung nasaan ang mommy ko kaya naghire ako ng mga private detective para matulungan ako doc. Heto po ang informations and pictures ni Mommy." iniabot ni Hope sa doctor ang pulang folder at binasa naman ito ng doctor.

Nakita ni Hope na naiiling ang doctor. Sana ay hindi negative ang meaning ng mga iling na iyon.

"Okay Miss Hernandez, very complicated ang gusto mong mangyari na alamin kung nandito nga ang mommy mo sa pamamagitan ng pictures lang dahil kung sa pangalan ay walang Maria Hernandez ang nakaconfine dito. Pero huwag kang mag-alala, matutulungan kita sa bagay na iyan lalo na at kakilala ka ng kumare ng asawa ko na si Luz Verde. She is your manager, right?"

"Yes doc and please make it private,  I don't want her to know my personal problem. Sinabi ko na friend ko ang naghahanap ng pasyente dito. I just want to have a private life doc, alam kong naiintindihan n'yo po ako." pakiusap ng dalaga sa doctor.

"Don't worry Miss Hope Hernandez, naunawaan kita sa bagay na iyan. Oh bueno maghintay ka na muna sa may lobby at aasikasuhin ko na muna ito. Ipapatawag na lang kita dito mamaya kapag may resulta na."

Nagpasalamat na siya sa doctor at nagpaalam.

Naupo si Hope sa upuan na nasa lobby, matatanaw mula dito ang labas na nagsisilbing garden ng hospital kung saan nakikita niya ang ilang pasyenteng may kanya-kanyang ginagawa. May ilang nakikipag usap sa mga halaman at hinahabol ang paruparo, ang iba ay nagtatawanan kahit wala namang kausap.

Naawa siya sa mga taong nakikita at mas lalo siyang naawa sa mommy niya.

"It's all your fault daddy! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi magkakaganito si mommy. Hindi kita mapapatawad hanggang kamatayan." hindi na naman niya mapigilan ang paglandas ng kanyang mga luha. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang palad.

Nakatingin pa rin siya sa labas. Bigla siyang napatayo nang makita ang babaeng naglalakad patalikod sa puwesto niya, akay-akay ito ng isang nurse.

"Kilalang kilala ko taong iyon. Kahit pa umikli ang buhok niya at pumayat ang katawan ay alam kong siya iyon. Si mommy iyon." bulong niya sa sarili habang pahakbang palabas upang puntahan ang pasyenteng nakita sa labas.

"Miss Hernandez, tawag po kayo ni Doc sa Office niya." tawag sa kanya ng nurse na hindi niya namalayang lumapit na pala sa kanya.

Hindi niya alam kung lalabas para puntahan ang nakita o pupunta sa office ng doctor.

"Miss? Hinihintay na po ulit kayo ni Doc Diaz sa office niya." ani ng nurse.

Lumingon ulit siya sa labas at hindi na nakita ang taong gustong lapitan kaya mas minabuti niyang magtungo na lang ulit sa office ng doctor.

"I'am sorry Miss Hernandez, wala dito ang mother mo, ipinagtanong ko sa mga team leader ng bawat station ng hospital na ito at ipinakita ang larawan ng mommy mo. Maliit lang ang hospital na ito kaya hindi ganoon karami ang mga pasyente dito kaya mabilis naming na scan ang profile ng mga pasyente dito." mahabang paliwanag ng docotor.

"No doc! I saw my mother, siya iyon. I know na siya iyon. Nasa labas siya sa may garden. Mommy ko iyon doc. Siguradong sigurado ako."

"Baka kahawig lang ng mommy mo Hope. Wala siya dito at kung gusto mo ay tutulungan kita na hanapin siya sa ibang hospital." pag-aalo ng doctor dahil walang tigil sa pag-iyak si Hope.

Nagpaalam na siya sa doctor at humingi ng despensa dahil ipinilit niya na mommy niya ang nakita.

"Babalik ako dito mommy. Hintayin mo ako at babalikan kita. Alam ko ikaw iyong nakita ko." bulong niya sa sarili bago paandarin ang kotse.

Dugtong ni asherpop

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro