Chapter 11
Chapter 11
Malakas ang pagsara ni Hope ng pinto nang makapasok na ito sa kotse. Kung hindi lang sana nagpakita si Enrique ay hindi siya magiging ganito. Galit na galit siya sa pagmumukha ng lalaking iyon.
Damn! May gana pa ito na magpaalam sa kanya.
Ano'ng gusto niyang ipahiwatig?
Ang makipagbalikan sa kanya?
Never! In the first place, hindi naman sila magkasintahan. Init ng katawan lamang ang hanap nilang dalawa at nagpadarang sila pareho.
Napabuntong-hininga siya. She have been stressed and down these past days. Pagod na pagod na siyang maniwala sa mga taong pinapaasa lamang na mayroong pagmamahal.
"I hate you! I hate you Enrique! I will curse you for what you have done to me." anas niyang sigaw na may kasamang malakas na hampas niya sa manubela, na naging sanhi ito ng pag-ingay sa tahimik na paligid ng parking lot.
Hope didn't care where he'll be going or going to treat his god damn sickness on his ass. Enrique ruined her life and he is totally jerk.
"Ayoko na! ayoko ng maniwala pa kahit kanino." anitong umiiyak sa kawalan. Poot at sakit ang nangibabaw sa kanya ngayon.
Napasandal siya sa headrest habang tuloy pa rin ang iyak nito. Gusto na niyang lumayo sa lugar na iyon.
Gusto niyang pumunta sa malayong lugar na walang nakakaalam.
"I really hate my life. Gusto ko ng kumawala sa sakit na ginawa ng mga taong pinapaasa ako." anas niya sa paghikbi. Unti-unti na rin siyang huminahon sa pag-iyak.
Kailangan niyang maging malakas ngayon. Marami pa siyang dapat gawin sa buhay. Nang matapos alalahanin ang buhay niya ay nagpasya na siyang umalis roon.
Binuhay niya ang makina at umalis. Isasantabi muna niya ang pangyayari ngayon. The only thing she can do now is to finish the fashion show with good mode.
Sana kahit ngayon lang, ayaw muna niyang umiyak. At nahihiya na rin siya kay Mommy Luz sa mga ginagawa niya these past few days and she will make up for this.
After an hour nakarating siya sa pagdarausan ng event. Nakita niya si Mommy Luz na naghintay sa may elevator nang parking lot. Hope settled first everything and shove out. Waving her hand on Mommy Luz.
"Your five minutes late Hope." ang bungad sa kanya nang makalapit na siya rito. Mababakas ang kaninang pag-alala subalit nawaglit na iyon.
"I'm sorry Mommy Luz. Traffic kasi sa edsa" palusot na wika niya.
"Edsa is forever traffic Hope. Sana umalis ka ng maaga sa condo mo."
Hindi na siya nagsalita ulit at ngumiti na lamang ito. If her manager only knows why she's been late today. She don't want her manager get involved about her problem. Sapat na sa kanya na binibigyan siya ng payo sa tuwing nakikita siya nito na malungkot.
Dumiretso sila sa backstage nang makarating sa event. Mommy Luz gives her instruction whenever she's on the fashion show and the rest will be on the organizer. People around her are busy preparing and fitting the dress.
"Hi, miss Hope. Papagandahin na ho namin kayo at aayusin ang damit." wika ng isang babae nakatoka sa kanya para make-up-an siya at ang mga kasama niyang aayusin ang buhok at susuotin nito.
"Sige, kayo na ang bahala sa'kin." sabi niya.
Makalipas ng ilang minutong pag-aayos sa kanya ay iniwan na siya nito. Mukha na siyang anghel na bumaba sa langit. Maganda ang resulta na pagkaayos niya.
She felt relief everytime her face plastered on make-up. Sa pamamagitan ng make-up ay maiikukubli niya ang mga sakit na nararanasan sa buhay.
Kasalukuyang inaayos ni Hope ang kanyang damit na sinuot niya ngayon nang may tumikhim sa likod nito. Napalingon siya sa kinaroroonan niyon. Nagulat si Hope.
"What are you doing here?" tanong niya rito sa taong kaharap niya.
"Well, I'm also a model here." wika niyang nakangiti.
"Akala ko hanggang acting lang ang forte mo. Modelo ka rin pala"
"Matagal na akong modelo pero ang pinagtuunan ko ng pansin ngayon ay ang pag-acting."
"Okay. That's amazing." maikling sabi ni Hope.
"Sige, I'll be going, baka hinahanap na ako roon." sabi nito.
She smiled on him. Hindi niya inakala na makikita niya si Kenzo sa ganitong event. Hindi niya lubusang kilala ang lalaki pero sa palagay niya matino ito. Bakit niya ba nasabi na matino ito. First impression she guess, but she don't know the rest. Maraming depenisyon ang isang lalaki at lahat naman iyon sa huli ay lolokohin ka lang.
Napabuntong-hininga na lamang ito.
"Miss Hope, mag-uumpisa na ang event." sabi ng organizer roon.
Agad na siyang lumabas ng dressing room para tumungo sa naturang lugar.
Kasalukuyan rumarampa ang mga ibang modelo sa stage habang siya ay naghihintay sa backstage.
Hope suddenly smiled. Hindi niya sukat akalain na magsusuot siya ng ganitong klaseng dress. Kahit sinong babae ay magiging masaya kapag nakakasuot ng ganitong kagandang damit.
A Gown dress. Yes, you heard it right. It's a lovely gown dress she's been wearing today. A unique gown that full of beeds around it and it's shaped perfectly to her body. She likes the design, elegant and beautiful.
Hope wished someday she will be going dress like this. But she guess it's impossible.
May balat ata siya sa puwet dahil palaging malas ang kanyang buhay pag-ibig. Her family, relatives and someone. Malas siya sa maraming bagay. Malas siya sa mga taong dumarating sa kanyang buhay. Forever malas.
Poot at hinagpis ang nararanasan niya nung nagdaang taon at araw. Pinipilit niyang kalimutan ang lahat ng mga pangyayari sumisira sa kanyang buhay. She's helpless to the fact, she wants to kill herself. Hindi niya kaya ang mga hinagpis na iyon sa buhay.
Masaganang umaagos ang kanyang mga luha nang oras na iyon. Kahit pigilan niya ito ay dumadaloy parin. Kahit sabihin niyang ayaw ng umiyak ngayon pero heto nanunumbalik ang nakaraan. Masakit lang isipin na ganito kasaklap na lokohin at ginawang tanga.
"Don't overthink yourself." anito.
Napansin niyang may nagpunas sa kanyang mga luha. Napatingin siya rito at nababakas ang isang simpleng ngiti. I smile that be calm yourself.
"I'm sorry. Hindi ko napansin tumutulo na itong luha ko." ang pag-iwas niya rito, nakakita siya ng tissue sa mesa at pinupunasan niya ang kanyang luha. Pagkatapos ayusin ang sarili nilingon niya ito.
"Why are you here, Kenzo?" takang pagtatanong niya sa binata.
"Partner kita sa pag-mo-model doon sa stage. I will be your groom today." nakangiting wika niya.
"You look beautiful on your dress."
"Thanks"
"So if your ready, will be going next to them." aniya.
Ngayon lang niya napansin na kaunti na lamang silang modelo sa backstage. Hope thinks she's ready. She plastered her smile to Kenzo and then after a second they walk on the stage with a smile.
Ilang ikot ang ginawa nilang mga modelo at kasama ang mga designer. Mahigit apat na oras ang tinagal ang naturang event. At ilang beses rin siyang nagpalit ng magagara at eleganteng damit na inirampa niya. Hindi magkamayaw sa pagpalakpak ang mga taong nanunuod at ang ilan ay hindi mapigilan ang pagsipol sa tuwing siya na ang nasa center ng stage. Para sa lahat ay katumbas niya ang isang dyosa o mas higit pa siya doon. Isa ito sa pangarap ni Hope na makapag model sa ganitong fashion show and that was a big fashion event.
*****
Nagreretouch siya ngayon habang hinihintay si Mommy Luz. Nagpaalam ito saglit sa kanya para lumabas. Unti-unti na ring nagpaalam ang mga modelo kaya kalaunan siya na lang ang mag-isa.
Ilang minuto rin ay dumating si Mommy Luz. Nang makarating sila sa reception area ay nakita niya si Kenzo na mukhang nag-aabang. Naglakad ito patungo sa kanila. He was holding a bouquet of flowers and he gave it to Hope.
"What's this for?" tanong niya rito.
"Hmm! It's a thankful gift because we became partner on the stage. And I'm inviting you guys on a dinner, my treat. If it's okay." wika niya habang hindi mapalis ang mga ngiti.
"What do you think, Mommy Luz?" tanong niya rito sa manager niya nang nilingon niya ito.
"Puwede naman sa'kin. Ikaw, Hope."
She smiled. Pumayag silang sumama kay Kenzo para mag-dinner. Hindi naman siya ang gagastos. Isang Italian restaurant ang pinuntahan nila at kilala ni Kenzo. Marami silang nakasama sa dinner na iyon. Nag-invite siya ng ibang modelo at mga kilalang celebrity. It was fine atmosphere around in Hope places.
Ang hindi alam ni Hope ay naiplano na iyon ni Kenzo sa simula pa lang. Alam ni Kenzo na kasama si Hope sa fashion show. At nakakagalak siya ngayon. Hindi muna siya magmamadali. Kailangan muna niyang planuhin lahat at dapat makakasama niya ito sa kahit anong proyekto na gagawin niya. Matagal na niyang pinapantasyahan ito at sa palagay niya makukuha rin niya ito.
Makukuha niya rin ang napakagandang dalaga subalit mailap at punong-puno ng misteryo.
Dugtong ni @kriskimche
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro