Chapter 10
Napasigaw siya sa gulat dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan niya ng kanyang ama.
Patakbo itong lumapit kay Hope at niyakap ang anak.
"Hope, anak huwag mong gagawin iyan. Huwag mong sayangin ang buhay mo anak."
"Daddy?" Pagkagulat ang mababakas sa mukha ni Hope.
"Oo anak, ako nga ito."
Kumalas sa pagkakayakap si Hope at itinulak ang kanyang ama.
"Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa akin. All these years ay puro sarili mo lamang ang iniisip ninyo. Anong klaseng ama kayo?"
Poot at galit ang mababakas sa boses ni Hope.
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito sa akin. Isang basura ang buhay ko ngayon. Wala kang kuwentang ama. Si Mommy ay hindi ko pa rin alam kung nasaan na ngayon. Nang dahil sa iyo ay naging miserable na ang buhay ko."
"Sa kabila ng lahat ng kasikatan ko ngayon ay hindi pa rin nito matatabunan ang bangungot ng nakaraan ko."
"Anak, nagsisisi na ako sa kasalanang nagawa ko sa inyo ng Mommy mo. Nagkamali ako na iwan kayo at ipagpalit sa isang babae. Patawad anak. Patawarin mo ako."
"Patawad? Sa tingin ninyo ay may kapatawaran ang ginawa ninyo sa amin ni Mommy? Kailan man ay hinding-hindi ko kayo mapapatawad. Umalis na kayo at huwag nang magpapakita pang muli."
Umalis si Hope at bumalik na sa kanyang condo. Naiwan ang kanyang amang hindi na napigilan na umiyak.
Matagal na niyang gustong magpakita kay Hope at nang makita niya ito na paakyat sa roof top ay agad siyang sumunod.
"Bakit ko nga naman sasayangin ang buhay ko. Tama, hindi ko dapat ipakita na mahina akong to. Marami na akong napagdaanang hirap at problema, ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan kayang kaya ko nang paikutin sa palad ko ang mga tao sa paligid ko. Hinding-hindi na ako magpapaloko. Hinding-hindi na!"
~*~
"Hope? What's wrong with you? after mong makabalik dito sa Manila ay nagkaganyan ka na, laging tulala at madalas nawawala sa focus. Come on Hope, this project is the biggest project ng isang modelong kagaya mo. Huwag mo naman akong ipahiya sa Company na nag-alok ng project at isa ka sa pinagpilian nila na maging model."
Mahabang litanya ng Mommy Luz niya nang makalapit siya sa puwesto nito.
Kasalukuyan siyang nasa shooting ng gagawin niyang commercial ng isang kilalang kompanya sa larangan ng paggawa ng mga mamahaling alak at siya ang napili para maging endorser nito.
"Pasensiya na po Mommy Luz, hindi na po mauulit na mawala ako sa focus."
"May problema ka ba Hope? Sabihin mo lang sa akin at handa akong makinig at tulungan ka."
"Wala po Mommy. I'm tired of being busy, ilang photoshoot ang dinaluhan ko nang makabalik ako mula sa vacation leave ko diba. Pagod lang po talaga ako." Pagsisinungaling ng dalaga at wala siyang balak sabihin ang problema niya.
"Okay, magpahinga ka na mamaya sa condo mo after this shooting. Huwag ka na umattend ng thanks giving party ng Mega Magazine, ako na ang bahalang mag alibi sa kanila kung bakit hindi ka makakarating."
"Thanks Mommy." Niyakap niya ang manager at bumalik na ulit sa shooting area.
She felt of something broken again in her heart, in her life.
Sinubukan niyang magfocus para hindi na mapuna ang kawalan niya ng ganang magtrabaho.
"Miss Hernandez, here's your script sa last scene ng shooting, paki memorize na lang dahil mamayang hapon kukunan iyan." Pagbibigay instruction ng direktor.
Kinuha niya ang inabot nito, binasa ang mga linyang bibitiwan niya mamaya sa shooting.
Abala siya sa pagkabisa ng mga linya nang may isang lalakeng lumapit sa kanya.
Matangkad, maputi, may makakapal na kilay na bumagay sa mapupungay na mata nito, matangos ang ilong at may dalawang biloy sa magkabilang pisngi.
Maganda ang pangangatawan, sa madaling salita ay guwapo!
"Hi Miss Hope Hernandez, I will be your partner mamaya sa shooting sa last scene. By the way, I am Kenzo, Kenzo Laspobres." Inabot niya ang palad niya kay Hope.
"Oh I see, ikaw pala ang magiging kaeksena ko mamaya. Nice meeting you Kenzo." Nakipagkamay ang dalaga sa bagong kakilala.
"Excuse me for a while ha Kenzo. Mag-aayos lang ako sa dressing room."
Tumango lang ang binata at sinundan ng tingin si Hope.
"Nakaka-star struck naman si Hope. Mas maganda pala siya sa personal." Palatak ng binata na hindi mapigilang humanga sa modelong si Hope.
******
"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Sigaw ni Hope sa kadiliman ng gabi habang hawak siya sa magkabilang kamay ng dalawang lalakeng nakaitim at mababakas sa mukha ang pagnanasa.
Nanginginig ang buong katawan ni Hope dahil sa takot.
"Kahit sumigaw ka ng malakas ay walang makakarinig sa iyo! Sa akin ka ngayong gabi, huwag kang mag-alala dahil paliligayahin ka namin. Hahahaha!" Malademonyong pagtawa ng dalawang lalake at halatang lasing.
Nahihintakutang umiiyak si Hope at tila wala nang pag-asang makawala pa sa dalawang kampon ng demonyo!
"Bitiwan ninyo siya!" Umalingawngaw ang baritonong boses ng isang lalake sa kadiliman ng gabi.
Nagulat ang dalawang lalake kaya hindi agad nakakilos.
Inundayan agad ng mga suntok at sipa ang mga ito ng lalakeng bagong dating kaya nawalan agad ng malay ang dalawang
"You are safe now my damsel in distress." Walang pag-aalinlangang niyakap siya ni Hope.
"Salamat at iniligtas mo ang buhay ko." Walang tigil ang pag-agos ng luha ng dalaga. "Utang ko sa iyo ang buhay ko ngayon." Mababakas na sa mukha niya ang kapanatagan.
"Cut!" Sigaw ng director. "You're great Miss Hope, napakaganda ng acting na ipinakita mo kanina. Napakaliteral at simple. Para kang batikang artista." Pagpuri ng director sa kanya, sa ginawa niya kanina.
Kung alam lang nito ang naging karanasan niya ay masasabi pa kayang acting lang iyon?
Dahil ang naramdaman niya kanina ay totoo.
Totoong takot dahil nanumbalik ang nakaraan niya na pilit na nililimot.
Gusto niyang mag back out kanina at tanggihan na lang ang offer nang makita ang last scene na gagawin niya sa shooting para sa isang commercial ng alak.
Pero nahihiya siya sa Manager niya dahil kagaya nga ng sinabi nito na biggest project niya ang offer ng Liquor Company na iyon.
Kaya wala siyang magawa kundi ang gawin ng maayos ang kanyang trabaho.
Nauna na siyang umuwi sa kanyang condo kagaya ng utos ng Manager niya na magpahinga na muna siya.
"Bakit ba kasi nangyayari sa akin ito?" Nasa loob na siya ng silid at nakahiga sa kanyang kama.
Gabi-gabi ay lagi siyang nagtatanong sa sarili kung bakit ba nangyayari ng paulit-ulit sa kanya ang pang-aabuso.
Una ay ang iwan sila ng kanyang ama at pagmamaltrato naman ng kanyang ina, pangalawa ay ang pinagkakatiwalaan niyang kapamilya na inabuso siya at binaboy at ngayon ay is Enrique.
Hinding hindi niya mapapatawad si Enrique sa ginawa sa kanya nito.
Ang buong akala niya ay iba ito sa lahat dahil nakikita niya na hindi lamang pagnanasa ang ipinaparamdam nito sa kanya kundi pagmamahal at pagpapahalaga.
Aminado siya na hindi niya mahal si Enrique pero sa pagdaan ng mga araw na lagi silang magkasama ay unti-unti niya itong nakikilala.
Unti-unti niyang naibibigay ang tiwala niya. At malapit na sana siyang bumigay.
"Isa ka ring manyak Attorney!" Mariing bigkas niya habang umaagos na Naman ang masaganang luha.
"Pakiramdam ko ay binaboy mo rin ako!"
************
Kahit kulang sa tulog ay pinilit ni Hope na bumangon at pumunta na sa rehearsal ng Fashion Show na sasalihan niya.
Palabas na siya ng Condo nang makita si Enrique na may hawak na magagandang bulaklak at halata sa mata ang lungkot.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko nang huwag ka nang magpakita?"
"Sa huling pagkakataon Hope gusto kitang makita, mamaya na ang flight ko papuntang Canada para magpagamot. I'm sick. Being a sex addict and I want to cure my damn illness."
Punong puno ng pagsusumamo ang boses ni Enrique.
Nagulat si Hope sa binitiwan nitong salita ngunit agad din siyang nakabawi sa pagkagulat.
"I don't care Enrique! Mabuti pa ngang umalis ka na at sana ay huwag na huwag ka ng magpapakita pa. Nasusuklam ako sa it at sa sarili ko tuwing naalala kita. Ang tanga-tanga ko dahil nagpakatanga ako sa iyo."
Kinuha niya ang mga bulaklak na hawak nito at malakas na ihinampas sa mukha ni Enrique.
Hindi siya nakuntento at sinampal ang magkabilang pisngi ni Enrique.
"Iyan ang nababagay sa iyo Attorney! At kulang pa iyan.
Walang lingong likod si Hope nang iwan na niya si Enrique.
"I'm sorry Hope. Sana dumating ang panahon na mapatawad mo rin ako." Tanging bulong na lamang ni Enrique habang nakatanaw sa dalagang papalayo.
Dugtong ni asherpop
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro