Unrehearsed Symphony
"Touch your partner."
Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay upang damhin ang mukha ni Giovanni. Nakabulong na lapat pa lang ako sa balat niya ay nagsalita muli si Miss Ingrid, ang aming acting coach.
"Start from the hair, feel its texture....then go feel your partner's eyelids, nose,mouth..."
Ginawa ko lahat ng idinidikta niya. Ang malinis na gupit ng kanyang buhok ay malambot at makapal pa ring damhin. Hinahaplos ng hinlalaki ko ang mabibigat niyang kilay. Bumaba ang aking kamay sa kanyang takipmata at dinama ang pilikmata niyang kumikiliti sa haplos ko.
"Don't laugh," sita ni Miss Ingrid.
Inipit ko ang aking labi. Alam kong si Giovanni 'yon dahil marami siyang kiliti. Hindi ko man nakikita dahil sa nakapikit ang mga mata ko, dama naman sa yugyog ng kanyang balikat .
Dumulas ang haplos ko sa matangos niyang ilong. Pinigilan ko ang sariling hindi ito pingutin dahil seryoso ang activity namin ngayon.
Then my palms got sliced by the line of his angled jaw. Medyo magaspang pa dahil sa namumuong facial hair doon.
At panghuli ay ang pagdapo ng mga kamay ko sa malalambot niyang labi na ilang beses ko nang nahalikan. A tint of pink, dahil wala sa bokabularyo ng isang Giovell Vanidelmar Guadarrama ang bisyo.
"Giovanni, touch your partner."
Kung bakit nanginig ako sa kulungan ng mainit niyang palad sa aking leeg ay isa pa ring palaisapan. His thumbs enjoyed their playground which are my cheeks. Binabalik-balikan ko ang mga eksena namin para sa isang pelikula; Ang mga halik niya, mga salitang binibitawan na para sa akin lamang...pero sa huli ay hinihiling ko na sana lahat nang iyon ay katotohanan at hindi para lang sa karakter na aking ginagampanan. I want all those professions of love to be directed to me.
It was most likely luck or fate that brought the agent to discover me. Bida ako sa isang play na ginanap sa eskwelahan ko noon. The same university where Giovanni graduated. Dahil sa impluwensya ng kanyang pamilya, naipasok siya sa industriya ng pag-aartista. Their family was born for fame.
Ngayon ay isa na siya sa mga pinakatanyag at hinahangaang aktor. "A sought-after leading man", the ladies and media would like to call it. I'm happy for his success. Though I 'm not sure if this is really his dream or of his family's.
"Sorcha..." he raspily whispered. Shivers loves the trip to my spine and skin.
Marahan ang panlalabo ng paningin ko sa aking pagdilat. Nang unti-unting lumilinaw, bumungad ang pigil ngiti ni Giovanni. Sa kaunting galaw niyang 'yon ay sumilay ang biloy sa gilid ng kanyang kaliwang labi.
"Huh?" pagtataka ko.
"We're done." He smirked.
Tumingin ako sa paligid. Naghahakot na sa kanilang mga gamit ang kasama namin sa activity at ang ilan ay nakangisi sa akin. Those teasing smiles!
Sinalakay ng pamumula ang mukha ko. Lumala ang ngisi ni Giovanni saka ako tinalikuran at kinuha ang bag niya.
"Feel na feel mo yata ang session na'to, a?" panunukso niya habang may hinahalughog sa kanyang knapsack.
Hay nako Gio, kahit sanay na ako sa pagtatambal natin, parang bago pa rin para sa akin ang bawat eksena on-cam.
Tumungo ako sa bag kong nakahandusay katabi ng bag niya. Sinabit ko ang strap sa aking balikat at hinarap siya.
"Sinong date mo bukas sa awards night? Congrats pala sa nomination mo," bati ko.
"Ah, thanks." Dumaing siya nang binuhat ang bag at sinuot. Bumanat ang muscles sa braso dahil sa ginawa. "I've already talked to Alona last week. Though she's still has to check her schedule dahil may photoshoot siya para sa isang magazine."
Tumungo na kami palabas ng studio. Sinuro ko muna ang sarili sa salamin na nakapalibot sa buong room. Nagpaalam na rin kami kay Miss Ingrid at nagpasalamat.
"Why not your sister? Sikat din 'yon." Or why not me? Loveteam mo ako.
He shrugged. "She hates fame, but fame loves her."
Gusto ko siyang biruin na bakit hindi ako, baka sakaling iko-consider niya ang suggestion ko na iyon kahit kunwari'y biro lang. But I changed my mind. I'm afraid of his rejection.
He has done it once at kahit isang beses lang iyon, the impact was beyond words. The sharp sting of pain left me speechless. Malakas ang hatak ng sakit at hinihila pa rin ako nito hanggang ngayon. Umaasa nalang ako sa mga eksena namin upang maramdaman ang dating pinaparamdam niya sa 'kin noon.
Dalawang taong relasyon na sinira ng kagustuhan niya o ng kanyang pamilya. Naiintindihan ko na inuna niya ang sarili kesa sa relasyon namin. Sino ba naman ako upang mag-demand? Sino ba ako upang makipag-kompetensya sa pangarap niya?
Inaamin kong sinira kami ng kasikatan pero ito rin ang siyang nagbugkose sa amin pabalik. Hindi man katulad ng dati naming pinagsamahan, I'm still grateful for it. Pinilit kong makuntento kami sa ganito.
"How 'bout you? Who'd be with you tonight?" untag niya. There's something in his voice that stabbed me the sword of hope.
Huminto kami sa entrance ng network building.
Nagpuwersa ako ng ngiti. "I'm going alone."
I hope he gets the idea.
Our story back then was unrehearsed. Scripted man ang mga linya namin, at the end of the day, it was all real. From our kisses, to our touches, to our feelings...walang scripted doon. Unlike now.
Dumating ang awards night. Malakas akong pumalakpak nang inanunsiyo ang pangalan niya bilang winner sa isang bigating award. Gusto ko pa ngang tumayo at i-cheer siya ng bongga pero limitado dapat ang galaw ng isang artista. We have to be pristine and well-behaved kaya nanatili ako sa aking seat at sinisigurado na ako ang may pinakamalakas na palakpak.
Sana narinig niya iyon. Sana alam niyang ako ang labis na sumusuporta sa kanya mula noon pa man.
At the end of that night, tinatanaw ko na siyang sumasakay sa limousine na iba ang kasama. Parang hinampas ko sa sarili ang matalim na takong ng aking heels sa nakikitang eksena. Sinasakal ako ng sarili kong mamahaling kwintas.
It wasn't enough. That even when he looked back at me with that damn familiar smile that I have grown accustomed to, it wasn't enough because he didn't leave with me. I want us to leave, and live together.
Binuhat ko ang bigat ng damdamin kinabukasan.
"No, Levi! Sabihin mo sa 'kin kung bakit hindi mo ako kayang ipaglaban! Why can't we work this out? Anong meron sa 'kin? Anong mali sa meron tayo?" sigaw ko sa aking galit.
Bumagsak ang kanyang balikat. Nakiki-usap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. I want those eyes to cointain the plea that he wanted me back. That he didn't mean what he just said.
"I have issues, Azmarie. You know that. So please...j-just break up with me," desperado niyang pakiusap. He was breathless as he pleaded for it. Pleaded for our end!
Pinilit kong magpakatatag sa kabila ng pagguho ng mundo ko. It feels like the walls and the ceiling fell down on me. The debris squeezing me 'til I was on the brim of holding the hands of death.
"Tell me you don't love me," giit ko. Nanginig ang aking labi. Ang luhang pumatak sa aking mga mata ay hindi ko matukoy kung parte pa ba ng pag arte o totoo na.
Umiling siya habang humahakbang palapit. Umatras ako.
"Sabihin mo sa 'king hindi mo ako mahal 'tsaka kita papakawalan."
Bumuntong hininga siya at inis na sinuklay ang buhok. May pagsuko sa kanyang mga mata. "Azmarie...don't do this please. Just—"
"Say it, Levi. You don't love me! Say it!" Takas ng aking hinanakit.
I thought I could hide this forever 'til the end of my time. Hindi ko akalain na mabibigyan ako ng pagkakataong mailantad sa kanya na hindi pa rin maayos sa akin ang nangyari noon. I still hurt when he was paired with another woman and they had to act like they admire each other. I don't want that so I sabotaged our manager. The reason why we're finally here.
Now I feel naked showing him how I felt that night of heartache.
Nag-iba ang pinta ng kanyang mukha. Seryoso at naging determinado na parang gusto niyang mag-rebelde sa isang patakaran. His jaw that ticked could mean breaking all the thou shall nots. That Guadarrama charm that has never left him since the time being.
It was my weakness but I didn't let it catch up with me.
"Say it Levi...kung gusto mong matapos na tayo, then say it. Say—"
I was stopped by the attack of his lips on mine. Tinutulak ko siya palayo ngunit pinapakain lang nito ang kanyang determinasyon na hapitin pa ako at idiin ako sa kanya.
He moaned and gasped and caressed my waist tightly like he doesn't want to let go of a world treasure. Napakapit ako sa kanyang leeg na humantong sa nangangailangang pagsabunot ko sa kanyang buhok. Tinumbasan ko ang agresibong hagod ng kanyang labi. He bit my lower lip. I sucked on his upper one.
How I wish this was real. How I wish this wasn't just reel.
Habol namin ang aming mga hininga nang bumitaw. Kinuwadro niya ang pisngi ko at naglalaro sa pagitan ng desperasyon at pagsusumamo sa pungay ng kanyang mga mata.
"I love you...I still do..." halos maiyak siya sa salita niya. He touched his forehead on mine. Nakadilat pa ako sa gulat kaya kita ko ang pagpikit niya. The brush of his thick lashes triggered my lids for the outcome of tears. "I still love you, Sorcha..."
My heart hammered against its jailbones. Loud and mad. Bahagya kong inatras ang aking ulo.
"What? Maling pangalan ang sinabi mo," mariin kong bulong.
Umiling siya at muling pinagdikit ang aming mga noo. "No...this isn't on the script. This is real. I still love you. I'm sorry..."
"B-but Alona..."
Hinaplos niya ang aking pisngi saka dinampian ako ng marahan na halik sa labi. Inaamo ang panginginig nito. He spoke against my lips, "Hindi kami. Walang kami...it's always been you, Sorcha...Always..."
Nangangapa ako ng paliwanag para sa sayang walang katumbas. Kilos ang aking paraan sa halip na salita at tinupad sa aking paghalik sa kanya. I was compressed by euphoria. Humalakhak siya habang patuloy akong hinahalikan. The unrehearsed scene was too much to contain I could barely speak. This is all real and not just reel unlike how we used to be before fame has changed us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro