k a b a n a t a 0 9
kabanata 09
e n t r y 1 8
Tahan . . . tumahan ka na
Parang tanga . . . ako'y parang tanga
Mali ba? Mali bang mahalin ka?
Mali bang magtanong? Mali ba?
Mahal kita
Masakit dahil masyado kang matapang
Para buksan ang puso mo at magmahal
Masyadong matapang para mahalin rin ako
Malabo
Kasi ikaw ay matapang
- Si Caroline, Ang Hindi Maabot
HINDI NATAPOS SA PAGTAPAK sa kwaderno ko o sa pagtawag na basura dito o sa akin ang pagkagusto o pagmamahal ko kay Caroline.
Kasi nga hindi ko lang naman siya simple o bastang gusto lang.
Mahal ko siya.
Hindi lang ako basta baliw.
Pero, oo, baliw pa rin.
Gabi-gabi.
Tuwing madaling araw. Nasa labas lang ako ng hotel na pinagtatrabahuan niya. May mga gabi pa nga na hindi ko siya nasisilayan, maaari kasing hindi siya dito nagtatrabaho gabi-gabi o baka masyado na siyang pagod at naisipang umabsent – magpahinga muna.
Hindi ko alam. Pero tuwing gabi – madaling-araw – nandu'n lang ako, umaasang makita siya.
Pero hanggang du'n lang. Ayoko siyang mas lalong guluhin – hindi rin ako ganun katapang.
Sapat na sa akin na dalhan siya gabi-gabi ng jacket at dinner – ihabilin ito sa guard na ibigay sa kanya pero 'wag sabihing galing sa'kin at magtago sa gilid – tumambay sa labas – hanggang sa lumabas siya at makasakay ng taxi pauwi o minsan papunta sa ibang lugar – para sa ibang raket.
Nalaman ko kung saan siya nakatira. Nagmukha akong baliw na stalker. Pero hindi ko siya pinupuntahan sa kanila – hindi ko rin alam kung saan mismo ang bahay niya – hanggang kanto lang ako. Masikip kasi ang daanan papunta sa kanila, kahit ang taxi ay hindi nakapapasok – bumababa lang din agad siya.
Sobrang baliw ko siguro talaga. May h-in-ire akong driver para ihatid siya pauwi tuwing gabi – pero hayaan siyang magbayad para hindi siya makahalata.
Hindi niya ako kailangan.
Kaya sapat na ang pagtulong ko sa kanya nang hindi niya alam. Sapat na muna ang mga ginagawa ko. Hindi pa convenient sa time at energy niya.
Sapat na muna ang mga ginagawa ko.
Baliw ako magmahal, pero hindi niya pa rin ako kailangan.
e n t r y 1 9
Tuwing gabi
Tuwing madaling araw
Hindi mo batid
Pero kasama mo ako
Saksi ako sa mga pagod mong mata
At ang kahilingan ng mga itong matulog
Saksi ako sa mga pagod mong paa
At ang kahilingan ng mga itong makapagpahinga
Saksi ako sa lahat ng pagod mo
Emosyonal, mental, pisikal
Saksi ako sa katatagan mo
At gusto kong maging saksi hanggang dulo
Hanggang sa maayos na
At ang obligasyon mo'y sarili mo na lang
- Si Caroline, Ang Hindi Maabot
KUMAMOT AKO SA BATOK at tipid na ngumiti. "Hindi po talaga niya ako pwedeng makilala. Baka hindi niya na po tanggapin."
Ngumiti rin si manong guard. "Hijo, ang pag-ibig ipinapakita, hindi itinatago."
Ngiti lang ang tugon ko. Para akong binaril – masakit. Ang pag-ibig siguro, dapat lang ipakita kapat nasa tamang timing . . . kapag convenient.
Pero 'yung pag-ibig ko kay Caroline, hindi convenient.
Pinagmasdan ko siyang lumabas ng hotel at bumati sa guard. Sinuot niya ang jacket at kinuha ang pagkain.
Nakatitig lang ako sa kanya mula sa malayo.
Pinagmamasdan ko lang siyang kumagat ng labi at humawak ng mahigpit sa strap ng bag niya – nakaangat ang tingin sa langit, nagbibilang siguro ng mga bituin.
Saglit ko rin 'yung ginawa pero mas gusto ko siyang titigan – mas gusto kong ipahinga ang mga mata ko kay Caroline.
Umalis na rin ako ilang minuto pagkatapos niyang makasakay ng taxi na h-in-ire ko.
Nakakapagod, oo.
Nakakapagod magmahal sa malayo . . . umasa sa imposible nga daw . . . at panatilihing nakataas sa ere ang mga kamay . . . umaabot sa hindi raw maabot.
Pero ang totoo, sa pisikal na aspeto ko lang naman nararamdaman.
Kasi kahit halos alas-singko na ako ng umaga nakauuwi araw-araw at dalawang oras lang ang tulog ko – minsan wala pa kasi may mga assignment at paperworks na gagawin – at alas-nuwebe ang pasok sa umaga, mas pipiliin ko pa rin ang mga ginagawa ko ngayon.
Mas pipiliin ko pa ring tumambay sa gilid ng hotel kung saan nagtatrabaho si Caroline – may dalang jacket at pagkain – at siguraduhing ligtas siya palaging makakauwi.
Mas pipiliin ko pa rin 'yung pisikal na pagod basta masilayan lang siya tuwing gabi o madaling araw – kahit hanggang tingin lang.
Hindi ko papansinin ang pagod na pisikal at ang takbo ng mga araw.
Ayokong pansinin – hiling ko na lang na dumating na ang araw na convenient na para kay Caroline ang magmahal at magbasa ng mga tula.
Balang-araw. /
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro