Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

k a b a n a t a 0 5


k a b a n a t a 0 5

e n t r y 1 0 

Sasabihin ko sanang ang damot ng langit 

Walang kahit isang mga bituin 

Itatanong ko sana kung ayaw ba akong pahilingin 

Pero natanaw ko bigla ang buwan na nakangiti 

Liwanag niya lang, kaligayahan na 

Kaligayahan mo lang, liwanag na 

Pero nagtago rin agad ang buwan 

Malabo raw 

- Si Caroline, Ang Hindi Maabot 

SINUOT NIYA LANG ang coat ko pero hindi hinubad ang kapa. Sikreto niya nga talaga ang mga peklat niya at kasalanan ko sigurong alam ko na.

"Malala ka," wika niya pagkatungga ng beer, "nagtatrabaho ang tao tapos dinidisturbo mo . . . kasi gusto mo lang uminom? Seryoso ba 'yun?"

"Anong trabaho mo?" maingat kong tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay, "marami."

Tumango ako, pinagmasdan ang langit. Walang mga bituin pero crescent ang hugis ng buwan. "Yung kanina? Anong klaseng trabaho 'yun?"

Sarkastiko siyang ngumisi. "Hulaan mo."

Tumulala ako sa kanya, ayaw sumagot – escort girl ba? casino girl? hostess? Ayokong sumagot – hinihiling sa buwan na mali ang mga hula ko.

Siniko niya ako. "Hulaan mo nga. Kapag nahulaan mo, kahit anong oras ngayon pwede ako." Napatingin ako sa kanya. "Pero kung hindi, babalik na ako pagkatapos ng kalahating oras."

Nabahala ako. Matagal bago ako nagdesisyon – hula lang naman raw. "Escort girl?" napalunok ako.

Mas tumaas ang kilay niya, "final answer na yan?"

"Hindi ko nga alam. Binase ko lang sa suot mo at kung paano ka hawakan ng matanda kanina."

Tumango-tango siya. Tahimik, nag-iisip. "Masama bang maging escort girl?"

Natigilan ako. Piniling magpakatotoo – umiling ako. "Hindi ko alam. Sabi mo nga wala akong alam."

Mahina siyang tumawa. "Hindi ako escort girl kanina. Pero isa 'yun sa mga trabaho ko" —kumislap ang lungkot sa mga mata niya pero nakangiti pa rin siya— "at hindi 'yun masama."

Nagkagat labi ako at tumango – nalulungkot.

Pinagmasdan ko siyang tumungga sa bote hanggang sa ipahinga ang mga mata niya sa akin. "Ang hirap na pala . . . parang pagod na ako . . ."

Tinungga ko ang sarili kong bote, nakikinig sa kanya.

"Hindi ko naman hiniling na mabuhay. Hindi ko naman hiniling na maging ganito. Pero tuwing naririnig ko 'yung araw-araw na iyak at reklamo ng mga kapatid ko kasi halos wala na kaming makain . . . halos palayasin na kami sa lupa namin dati . . . halos tumigil na sila isa-isa ng pag-aaral . . . tuwing nakikita kong nahihirapan sila . . . parang gusto ko munang kalimutan 'yung hirap ko . . . 'yung pagod ko . . . parang dapat unahin ko muna sila, bago ako . . ."

Inilapag niya ang kakaubos niya lang na bote at nagbukas ng panibago. Tumungga – tatlong sunod-sunod.

"Ang gago naman. Putangina naman kasi talaga ng mundo," pigil niyang sigaw, "gusto ko na lang sanang magpakamatay, e, pero pa'nu sila kapag nawala ako, diba? Sino bubuhay sa kanila? Sino mag-aalaga tuwing nagkakasakit sila? Sino 'yung magluluto ng lugaw? Sino 'yung magdadala kay Marvin sa ospital tuwing inaatake siya ng sakit niya? Sino magchi-cheer kay Kristof na ipagpatuloy niya lang 'yung pag-aaral, magaling siya, pwede siyang mag-architect? Sino 'yung mangungutang para may pambayad bills? Sino gagawa ng lahat? Putangina . . ."

Binitawan ko ang boteng hawak ko para yakapin siya . . . hamasin ang likod niya . . . bulungan siyang: "Nandito ako, okey lang. Naiintindihan ko. Nakikinig ako." Paulit-ulit ko siyang binubulungan – hinihiling sa langit na pakalmahin siya at bigyan ako ng lakas para hawakan siya ng mahigpit . . .  para hindi siya lalo pang mabasag.

e n t r y 1 1 

Hindi na lang tenga ko ang saksi 

Nakikita na rin ng mga mata ko 

Umiiyak ka rin talaga 

Wasak din ang loob kahit mahiwaga 

O baka kaya misteryoso 

Dahil sobrang wasak, umaapaw ang luhang itinatago 

- Si Caroline, Ang Hindi Maabot 

"UMUWI KA NA, okey na ako."

Pagkatapos ng isang oras sigurong pakikinig . . . pagkatapos ko siyang yakapin ng mahigpit at pakalmahi . . . pagkatapos kong makinig at masaktan sa bawat hagulgol niya . . . hindi niya pa rin ako kailangan.

Masyado siyang matatag — madaling araw lang talaga at may mga bote ng alak.

"Hindi ka pa okey, Caroline."

Umirap siya. "Callie."

Ayokong makipag-away. "Hindi ka pa okey, Callie." Tinapangan ko ang loob ko at tiningnan siya diretso sa mata. "Nandito lang ako, palaging makikinig."

Umatras siya ng kaunti. "Kahit nandiyan ka pa . . . ang tanong, kailangan ba kita? Kailangan ko ba palagi ng tagapakinig?"

Lumunok ako, parang nabaril ng mga salita niya. "Callie, wag mong solohin – masyadong mabigat yan."

Umiling siya. "Pinanganak siguro ako para mamroblema" —hinubad niya ang coat ko at sinabit sa balikat ko— "salamat sa pakikinig. Na-stress yata kita ng sobra" —mahina siyang tumawa— "ang pangit ko umiyak."

Nanatili akong nakatitig. Ilang segundo ang lumipas ay niyakap ko na lang ulit siya. Walang ibang masabi o magawa.

Kasi matatag na siya. Hindi niya na kailangan ng tatag mula sa iba.

Kahit araw-araw kong pakinggan ang mga problema at hagulgol niya . . . maganda pa rin siya.

Kahit pulang pula na ang mukha niya kakaiyak . . . maganda pa rin siya.

Maganda siya at 'yun na 'yun, hindi na siya kailanman papangit pa.

Maganda siya dahil nakalilimutan niya saglit ang mga problema kapag nagsusulat siya.

Maganda siya dahil masyado siyang malakas para pasanin lahat ng problema niya nang hindi ito iniiwan o tinatakasan kahit pagod na pagod na siya.

Maganda siya dahil mahiwaga siya at ang mga pilit niyang ngiti, biro at tawa.

Maganda siya.

Ayoko sanang bumitiw pa. Pero tumawag si Papa – uuwi na raw.

Gusto kong sabihing mauna na siya sa bahay. Gusto ko munang samahan si Caroline – kahit gaano katagal hangga't sa okey na siya . . . 'yung okey na walang halong pagpupumilit.

Gusto ko siyang hawakan hanggang sa totoong okey na siya.

Kaso madamot ang mundo.

Kumalas sa yakap ko si Caroline ng nakangiti.

Tumingkayad siya at bigla . . . matamis . . . hinalikan ako sa noo.

"Siguro nga gusto mo talaga ako . . . pero wag mo na ako ulit yayayaing uminom . . . nakakastress."

Masyadong mabilis ang halik niya sa'kin . . . masyadong matamis . . .

Nakalimutan ko tuloy siyang habulin. Nakalimutan kong pigilan siyang umalis.

Masyadong maganda si Caroline . . . at ang simpleng halik niya. /

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro