k a b a n a t a 0 2
k a b a n a t a 0 2
e n t r y 0 3
Tanda ko 'nung unang araw ng kolehiyo
Parang ang pinuntahan ko ay palasyo
Mayroon kasi tila nawawalang prinsesa
Siya'y aking naging sinisinta
Ngunit ngayo'y nawawala na nga siya
Kapag nagpakita ka'y ako'y aamin na
- Si Caroline, Ang Hindi Maabot
WALA PANG LABING MINUTO na nagdi-discuss ang una naming prof ay halos inaantok na ang lahat – para kasi siyang paring nanenermon.
Pero para akong biglang nabuhayan – biglang na-full charged. Bigla kasing pumasok si Caroline, naka-blue checkered na polo at tattered jeans, suot ang kanyang converse shoes – hawak sa gilid ang black niyang bag at nakayukong umupo sa tabi ko.
Dapat ba akong magpasalamat na absent ang katabi ko ngayon?
Sira – bigla akong naging sira.
Nagpatuloy ang discussion, na para bang walang bagong dating – na para bang hindi sinipa ng kabayo ang dibdib ko dahil dumating si Caroline at umupo, hindi sa upuan niya sa kabilang row, kundi sa tabi ko.
"Kanina pa si sir?" pasimple niyang bulong sa'kin, nakaupo ng tuwid.
Humugot ako ng hininga, pasimpleng dinungaw ang mukha niya. "Mga fifteen minutes na, pangatlong slide pa lang naman kasi bigla siyang nagkwento ng buhay niya."
Tumango siya–hindi nakatingin sa'kin–at pasimpleng hinablot ang ballpen at notebook ko. Tumingala siya sa harapan at nagsimulang magsulat ng notes.
"Asan ba notes mo?"
Nasa pagsusulat pa rin ang atensyon niya. "Wala akong notes."
"Bakit wala?" tanong ko—desperado marinig ang boses niyang sinasagot ang mga tanong ko—kahit alam ko naman na wala siyang notes dahil kakapasok niya lang at wala rin siyang notebook.
Saglit niya akong nilingon. Muntik na akong tumalon sa tuwa dahil ginawa niya 'yun – syempre biro lang, pero pwede kung sulatan ito ng tula:
Lahat ng pangungulila ko ay nagpaalam
Itong aking inaasam
Ang rupok ng pakiramdam
Pero ang tingin mo'y nagligtas sa'kin sa lumbay
"Una, kakapasok ko lang sa klase niya. Pangalawa, wala naman akong notebook – pipicturan ko na lang 'to mamaya."
Tumango ako. Sabi ko nga.
Lumipas ang ilang minuto. Wala na akong maintindihan sa lecture – abala ako kakaisip ng topic o tanong . . . kahit ano, marinig ko lang ulit ang boses ni Caroline.
Humugot ako ng hininga, mga dalawang beses. "Bakit one week kang absent?"
Natigilan siya sa pagsusulat, tumingin sa dako ko pero hindi nag-angat ng ulo para tingnan ako. Matagal bago siya sumagot. "Ewan," kibit-balikat niya, "siguro tinatamad lang ako."
"Bakit?" tanong ko kahit tunog bobo. Bakit ba tinatamad pumasok? May maganda bang eksplanasyon dun?
Nagkibit balikat ulit siya. "Hindi ko alam, e. Tinatamad lang siguro talaga akong pumasok . . . gaya ng kung paanong tinatamad na lang rin akong mabuhay" —tiningnan niya ako— "joke lang."
Natahimik ako. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang sasabihin pa. Ganito lang naman kasi talaga si Caroline, simula pa 'nung una. Ganito siya sumagot – malalim, mahiwaga, madilim – pero tila dark comedy lang para sa lahat, tila wala namang context.
Pero gusto ko siyang yakapin – hindi dahil may gusto ako sa kanya kundi dahil gusto ko siyang hawakan, iligtas . . . mula sa kalalimang humuhugot sa kanya palayo sa mundo . . . pwede ring palayo sa akin.
e n t r y 0 4
Mas malalim pa sa balon
Nagugustuhan na kita
Sobra-sobra
Nakamamatay
Gusto kong iligtas ang sarili ko
Pero mas gusto kong iligtas ka
- Si Caroline, Ang Hindi Maabot
HINDI PINICTURAN NI CAROLINE ang mga notes na isinulat niya sa kwaderno ko. Tila nag-iba ang ihip ng hangin.
Nung uwiang 'yun ay hinabol ko pa siya. Ang desperado ko talaga.
Sabi ko kung nagmamadali siyang umuwi ay ako na lang ang kukuha ng pictures tapos ipapadala ko sa kanya through gmail o messenger. Pero tumanggi siya. Wag na raw.
Tinanong ko kung bakit. May long quiz pa naman kami sa next session.
Pero kibit-balikat at ngiti lang ang sinagot niya sa'kin bago may tumigil na jeep sa harap niya at nagmamadali siyang sumakay – hindi man lang nakapagpaalam.
Wala sa sarili akong naglalakad nang masalo ko si Alexa, ka-blockmate ko rin, dahil nabunggo ko siya.
"Sorry," sabi ko agad. Tinulangan ko siyang pulutin ang dala niyang mga folders. "Sorry ulit."
Mahina siyang tumawa. "Ano ba kasi iniisip mo?"
Umiling ako. "Wala, sorry ulit."
"Pangatlo mo na yan."
Tumawa ako. "Pauwi ka na?"
Ngumiti siya. "Oo, kaso wala pa 'yung sundo ko" —isinabit niya ang nakaharang niyang buhok sa gilid ng tenga niya— "hindi rin naman ako marunong mag commute."
Tumango ako – napakamot sa batok. "Pwede namang hatid na lang kita."
Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga, Luke?" Tumango ako. "Sige, I wouldn't say no."
"Pang-sorry ko na rin sa'yo," biro ko.
Mas lalo siyang ngumiti. "This is so much apology – akala ko you're flirting back."
Napalingon ako sa kanya.
"Biro lang," agad niyang sabi.
Tahimik ang buong byahe. Binuksan ko ang podcast at natyambahan ko - isang recording ni Jihads Mambuay - nagbabasa ng isang liham. Nais kong may ingay at hindi mailang sa mga titig ni Alexa. Pero tyamba, masasaktan ako - maaalala si Caroline. . . dahil kay Mambuay.
. . . with all the things that haunt you day after day . . .
. . . without anyone knowing...
. . . the question full of a damaged soul . . .
. . . hidden behind laughter and handshakes . . .
. . . it would have been so much easier for you to just escape . . .
. . . they don't know that you're sad . . .
. . . you make sure of that . . .
Tapos, badtrip. Pinahinaan ni Alexa ang volume at nginitian ako.
"Thanks," ani niya pagkarating namin sa kanila, "actually" —saglit niya akong tinitigan— "I like you."
Napakurap ako – nabigla.
Pinakita niya ang pinakamatamis niyang ngiti. "Sinadya kong banggain ka kanina."
Napahawak ako sa batok. "Seryoso?"
Tumango siya. "Do I have chance?"
"Bawal blockmate, diba?" biro ko.
Marahan niya akong siniko. "Come on, wala naman talagang bawal." Kinindatan niya ako.
Naalala ko si Caroline – mahilig din 'yung mangindat.
Pero iba pala talaga ang kindat niya sa iba pang mga babae. Yung kindat ni Caroline parang may dalang kidlat, kay Alexa ay simpleng kindat lang.
Napailing ako. Bakit ba ako nagkokompara? E, si Caroline 'yun. Iba 'yun.
"Seryoso, Luke, baka nabibigla ka or what – pero kung walang kikilos sa'tin, baka wala talagang mangyari."
Magalang ko siyang nginitian. "Alexa, maganda ka" —kinuyom ko ang panga ko— "kaso hindi ako nagmamadali. Pasensya na."
Pinilit kong magfocus sa daan.
Hindi siya si Caroline.
Parang ang ewan sa pakiramdam pero parang saglit akong nagtaksil sa nararamdaman ko kay Caroline. /
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro