Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

k a b a n a t a 0 1

k a b a n a t a 0 1

e n t r y 0 1 

Isa kang malabong salita 

Hindi pangungusap o parirala 

Salita ka lang 

Yung nag-iisang nawawala sa aking patlang 

- Si Caroline, Ang Hindi Maabot 


ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, hindi pumasok si Caroline. Caroline, para sa akin, kahit ang gusto niya ay tawaging siyang Callie.

Walang nakaaalam kung bakit hindi na siya pumapasok. Kahit ang mga kaibigan niya ay nagsasabing hindi siya nagre-reply sa messages o sumasagot sa mga tawag nila.

Nakakadismaya. Gusto ko kasi sana munang ipabasa sa kanya ang ilan sa mga entries ng tula na isinulat ko para sa kanya. Pero baka nga hindi pa ito ang tamang panahon.

Baka kailangan ko munang tapusin at punuin ang kwadernong ibibigay ko sa kanya.

"Ang dami nga nating gagawin, ka-group ko rin si Callie. Alam niyo ba kung saan siya nakatira?" segway ko habang nag-uusap ang mga kaibigan niya tungkol sa dami ng gagawin.

Lahat sila sabay-sabay na nagkibit-balikat. "Palipat-lipat din naman sila ng bahay. Yung tinitirhan nila ngayon, hindi namin alam," sagot ni Thomas.

"Wala man lang siyang nakwento na pwedeng makapagbigay ng hint?"

"Masyado mo siyang nami-miss?" biro ni Erica. Napalunok ako, gustong tumango. Oo, Pa'nu kung oo?

Duwag ako. Hindi rin naman makakatulong ang pagsagot ng oo. Kaya pinili kong umiling. "Ka-group ko nga."

"Tsaka miss mo rin?" pagbibiro rin ni Haley.

Tumayo ako mula sa inuupuan ko. "Ewan ko sa inyo."

Nagtawanan sila. "Bagay sana kayo kung gusto ka rin sana ni Callie."

Napatitig ako kay Haley. 

Nginitian niya ako. "Alam namin, halata naman."

Tumango sina Erica at Thomas.

"Halatang-halata."

Umiling ako. "Sana 'yung pang-aasar niyo mapapapasok si Callie," biro ko.

e n t r y 0 2 

Batid kong pangarap mong maging bula 

Sinabi mo nga noon gusto mo na lang mawala 

Pero maaari bang 'wag na lang? 

Pwede ka bang magpakita

- Si Caroline, Ang Hindi Maabot 


"SERYOSO KA BA, 'tol? Halos isang linggo ka nang walang ganang mag-ML, ah?"

Humahagalpak ng tawa sina Gino at Roy. Kahit sina Eli at Benjamin ay nakikitawa na rin kahit abala sila sa pagmumurahan habang nakatutok sa kani-kanilang phones.

"May sakit ka yata, Luke?" bungisngis na tanong ni Roy.

Sumandal ako sa sofa at uminom ng tubig. "Wala lang akong gana. Kesa mag-aya kayo, magpalakas kaya muna kayo?" Tinaasan ko sila ng kilay. "Mga bano naman kayo kapag sumali ako."

Mas lalo silang nagtawanan. Hinagisan pa ako ng unan ni Gino. "Napakayabang, ah? Hoy, sa tingin ko babae yan!"

Nag-inat si Benjamin at binitawan ang phone.

Tumitig siya sa'kin. "Sa tingin ko rin, e. Ano, pare? May matinding chics ka ba?"

Inilingan ko na lang sila, "mga sira!" Tumayo ako at isa-isa silang pinagbabato ng unan.

"O, baka naman may secret girlfriend ka tapos break na kayo, kaya ka nagmumukmok ngayon?"

"Maglaro ka na lang, bano."

Tumawa si Eli. "At ayun na nga po, mukhang may puso tayong nadaplisan."

Pumasok na ako ng kwarto pero rinig ko pa rin ang mga kantyawan nila.

Hindi girlfriend. Wala ring break. Caroline lang. /

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro