Special Chapter 3
Name: Lara Quinn Corrigan
Age: 27 years old
Profession: Licensed Surgical Doctor
"Doc, mamamatay na po ba ako?" Tiningnan ko muna ang resulta ng mga tests na kinuha kanina. Nilapag ko ang mga ito't seryoso siyang tiningnan sa mata.
"Oo, mamamatay ka na." Matapos ko itong sabihin ay kaagad umiyak ang anak niyang babae. Pati ang asawa niya'y humagulgol naman kakaiyak, at siya nama'y nakatulala lang na para ba'ng hindi makapaniwala sa narinig niya.
"M-mahal na mahal kita Tony!"
"P-papa! 'Wag niyo po k-kami iwan!" Lumapit ang batang babae sabay yakap sa papa niya. Napabuga ako ng hangin. Tinapik ko ang hawak kong ballpen sa mesa kaya napatingin silang tatlo sa akin.
"Mamamatay ka, kung hindi mo iinumin ang maintenance ng gamot na irereseta ko sa'yo." Natigilan silang tatlo't kaagad napaayos ng upo. Naigulong ko naman ang mata ko, hindi pa kasi ako tapos magsalita nagda-drama na sila.
"A-akala ko m-mamatay na ako." Tumigil ako sa pagsusulat ng reseta't inangat ang tingin ko sa kanila.
"Well, marami rin ang namamatay sa maling akala." Nginitian ko naman siya. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nilang tatlo. Siguro'y iniisip nilang napakadali sa aking sabihin ang salitang 'mamamatay' kahit pa isa akong doctor, na nararapat pinapahalagahan ang bawat buhay ng pasyente niya.
"Kung ayaw mo mamatay, kailangan mo bilihin lahat ng gamot na 'yan. Inumin mo tatlong beses sa isang araw every 6 hours. You may go now Mr. Tony Bakol." Tumango naman siya't lumabas na.
"Doctor ba talaga 'yon? Bakit parang mas gusto niya ata'ng mamatay ka?"
Sinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan, sabay pikit ng mata ko. Give me an hour of sleep please. Ilang gabi na akong puyat dahil sa kahayokan ni Jehan. Ayaw magpaawat, akala mo naman walang trabaho kinabukasan.
"Mom..."
"What?" Sagot ko nang hindi iminumulat ang mga mata ko.
"Where is dad? I want to see him." Hinilot ko ang sentido ko. Ayaw kasi magpa-iwan sa bahay ang bubwit na 'to kaya palagi namin siyang kasama rito sa hospital kung wala siyang pasok sa school.
"Nasa kabilang ward ang dad mo. He's busy, talk to him later." Tumahimik naman siya.
"Mom, may tatanong ako." Napabuga ako ng hangin. I'm trying to sleep, pero dahil tanong siya ng tanong mapipilitan akong sagutin siya—dahil hindi niya naman ako titigilan kung hindi ko masasagot ang tanong niya.
"What?"
"I saw you with dad last night." Napakunot ang noo ko. Minulat ko ang mata ko't umayos ng upo.
"And?"
"Why are you breastfeeding him? He's not a baby!" Nanlaki ang mata ko. Akmang sasagutin ko na siya nang biglang bumukas ang pinto't iniluwa rito ang isang nurse.
"Doctor Corrigan! Doctor Corrigan! We need you in the E.R! May isang pasyente po sa ICU na inatake sa puso!" Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ako palabas ng office ko't pumunta sa E.R.
"Mom!"
"Stay in my office! I'll answer your question later!"
"But mom I—"
"No guns for a week!"
"Fine!"
Being a doctor, a wife, and mother is fucking hard. But because I'm FAB, Bitch I can handle all that.
Name: Jehan Sebastian Corrigan
Age: 27 years old
Profession: Licensed Surgical Doctor
"Kailangan ma-operahan ang anak mo hanggang hindi pa lumalaki ang bukol sa leeg niya Misis. Kung papabayaan niyo 'yon ay maaaring maapektuhan ang larynx niya't hindi na siya makakapagsalita pa." Pinasok ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa ng lab gown na suot ko.
"D-doc, sigurado po ako na hindi siya papayag magpa-opera." Nangunot naman ang noo ko. Bakit naman ayaw niyang magpa-opera kung para lang naman ito sa kaligtasan niya?
"Namatay kasi ang daddy niya dahil nagkamali sa pag-opera ang mga doctor. Kaya simula noon ay pinangako niya sa sarili niyang hinding-hindi siya tatapak sa hospital, at higit sa lahat ay ayaw niyang magtiwala sa isang doctor." Tumango na lang ako. May pinagdadaanan pala ang batang 'yon.
"Kakausapin ko lang siya." Akmang pipigilan niya pa ako nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto nito. Nang makita ko ang pangalan nito'y kaagad akong napangiti. Ang cute ng pangalan niya.
"Lumabas ka! Sinabi ko ba'ng pumasok ka!?" Napakamot ako ng batok dahil sa naging singhal niya.
"Doctor ako rito kaya may karapatan akong pasukin ang alin ma'ng kwarto na gusto kong pasukin." Sumimangot naman siya sa sinabi ko kaya natawa na lang ako. Hindi lang pangalan niya ang cute, pati rin siya.
"Baby, alam ko wala ka'ng tiwala sa mga doctor na gaya ko dahil sa nangayari sa dad mo." Nanghaba ang nguso niya't kaagad umiyak. Nanlaki ang mata ko, lumapit ako sa kaniya't kaagad siyang kinarga.
"A-ang daddy ko! Kasalanan niyo kung bakit siya n-namatay! M-mamamatay tao kayo!" Pinagsusuntok niya ang balikat ko gamit ang maliliit niyang kamay kaya hinayaan ko na lang siya.
"Wala ng lalaking nagmamahal sa akin! W-wala na si daddy!" Hinawakan ko ang ulo niya't niyakap na lang siya, dahilan upang mapatigil siya sa paghahampas sa akin.
"Shh, tahan na Baby. Hindi ako katulad ng mga doctor na nag-opera sa papa mo. Mapagkakatiwalaan mo ako." Umupo na lang ako sa kama niya't hinayaan siyang umiyak sa balikat ko.
I can't blame her. Her father died because of the doctor's failure. Hindi ko siya masisisi kung kinamumuhian niya ang mga doctor dahil doon. If I was her, I would probably do that too.
"May lalaki rin na dadaan sa buhay mo para mahalin ka." Tumigil siya sa pag-iyak. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at biglang kinusot ang mata niya.
"T-talaga po? M-may lalaking magmamahal sa akin?" Tumango naman ako.
"S-sino po 'yon?" May pumasok biglang ideya sa isip ko kaya napangiti na lang ako.
"Kapag sasabihin ko ba sa'yo, magpapa-opera ka?" Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip ay kaagad siyang tumango.
"Sige! Pumapayag ako! Sabihin niyo lang kung sino ang lalaking 'yon!" Pinagdikit niya ang hintuturo niya't parang excited na siyang malaman kung sino ito.
"Lishaan, Lishaan Sebastian Corrigan ang pangalan ng lalaking 'yon." Umalis siya sa pagkaka-upo sa kandungan ko't kaagad kumuha ng papel at lapis. Pinasulat niya ito sa akin kaya sinulat ko na lang din ito.
"Mommy! Magpapa-opera na po ako!" Mabilis pa sa kidlat na bumukas ang pinto't iniluwa roon ang gulat na mukha ng mama niya.
"T-talaga?" Lumapit ito sa akin at agad yumuko.
"Hindi ko alam kung paano mo siya nakumbinsi, pero maraming-maraming salamat po!" Tumango na lang ako.
"Mama may lalaki ng magmamahal sa akin! Ito po ang pangalan niya oh!" Kamot ulo akong lumabas sa kwartong 'yon.
Sorry son, I just need to do that. Wala pa'ng pasyenteng hawak ko ang hindi ko nagagamot, kaya hindi ako papayag na hindi magpa-opera ang batang 'yon at lumala ang sakit niya.
Name: James Michael Costello
Age: 27
Profession: Licensed Obstetrician Gynecologist
"It's a baby girl," I said and smiled at her.
"Wala namang tatayong ama sa kaniya, paano kaya kung ipalaglag ko na lang? Two months pa lang naman eh." Parang nabingi ako sa sinabi niya. Say what? She get this far, tapos ipapalaglag niya lang ang bata?
"Don't you dare. Kalandian niyo 'yan kaya panindigan niyo. Pasok kayo ng pasok, sagad kayo ng sagad, hindi niyo naman pala kayang panindigan ang kalalabasan." Tiningnan ko ang pangalan niyang nakasulat sa patient's information. She's only 21 years old. I'm not really judgemental, but the way she dressed explains what type of woman she is. Hindi na ako nagtataka kung bakit siya nabuntis.
"Paano kung..." Inangat ko ang tingin ko nang bigla siyang tumayo. Pinatong niya ang magkabilang kamay niya sa mesa't yumuko sa harap ko—exposing her cleavage. What the heck?
"Paano kaya kung ikaw na lang ang maging ama niya?" Nangunot ang noo ko sa tono ng pananalita. She sounded so flirty, at sobrang lagkit ng tingin niya sa akin. She got the looks, the body and the attitude. If I was the normal Jam years ago, baka kanina ko pa siya sinunggaban.
"I think you should not be doing this. You may go no—"
"Shhh!" She placed her index finger on my lips, causing me to stop from talking.
"Don't you want m—"
"Careful who you are flirting with, bitch." Agad siyang napabalikwas nang marinig ang boses na 'yon. Nanlalaki pa ang mata niya't gulat itong hinarap.
"He's a married man, and he already got one kid." Napaayos ng tayo ang babae't kaagad napanga-nga.
"I got your video while flirting with him, should I upload it on facebook, and let the netizens judge you?" Nagmamadali itong lumabas kaya natawa na lang ako.
"What are you doing here?" Umiling na lang siya't lumapit sa akin.
"Mom wants you to go home. She said she's craving for your smell." Kamot ulo niyang atugal. Natawa na lang ako, she's craving for my smell?
"How's your mom?" Tumayo ako't lumapit sa kaniya upang kargahin siya.
"She's alright, tho ang moody niya lately." Ginulo ko ang buhok niya't pinaupo siya sa upuan habang inaayos ko na ang gamit ko para umuwi.
"Don't tell your mom about what happened today okay?" Tumango naman siya.
"I won't. I don't want to see her holding a sniper in the next building, for fucks sake! Binabantayan niyang bumalik 'yong babaeng hinalikan kayo sa pisngi! She's crazy dad!" Hysterical niyang sabi. Napa-iling na lang ako. I remember that one, it's just a simple kiss on the cheek as a sign of saying thank you, but she mistook it.
"Shall we go?"
"Nah, umuwi na lang po muna kayo. May date po ako." Nangunot ang noo ko. What the fuck?
"What date?"
"Naalala niyo po yung bagong lipat nating kapit-bahay? Nagpapansin kasi sa akin kahapon yung babae eh. May gusto raw siya sa akin, dad. Maganda naman siya kaya sinagot ko na." Halos mapanga-nga ako sa mga pinagsasabi niya. Walang duda, anak ko nga talaga siya.
"So you're saying, she's your first girlfriend?" Nagkibit-balikat naman siya kaya napataas ang kilay ko.
"I thinks she's my 14th? I got my first when I was 4, remember?" Napasapo na lang ako ng noo ko.
He reminds me of myself when I was young. Kaso lang, mukhang mas malala pa sa akin ang batang 'to.
Name: Vaughn Luis Mendoza
Age: 27
Profession: Psychiatrist
"Mr. Amaw! Ano ang ginagawa mo!?" Hingal kong tanong matapos kong tumakbo. Sa kataranta ko nga'y nakalimutan kong may elevator pala.
"Bakit may hawak ka'ng lubid?" Kinakabahan kong tanong.
"Magpapakamatay ako!" Nangunot ang noo ko nang itali niya ang lubid sa bewang niya.
"Kung magpapakamatay ka, bakit sa bewang mo tinatali 'yan? 'Di ba dapat sa leeg?" Tumawa naman siya kaya mas lalong nangunot ang noo ko.
"Tanga ka ba? Hindi ako makakahinga kung sa leeg ko itatali!" Isang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto niya. Akala ko ba magpapakamatay siya?
"Mas mabuti pa, magpakamatay na lang tayong dalawa." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, samantalang siya naman ay atras ng atras.
"Sinong niloko mo? Akala mo ba maloloko mo ang baliw na tulad ko?" Tinaas ko ang magkabilang kamay ko.
"Alam kong hindi ka baliw. Hindi pagpapakamatay ang sulosyon sa problema mo. Kung may problema ka, pag-usapan natin 'yan." Akmang lalapit na ako sa kaniya nang kunin niya ang injection sa tabi niya't tinutok ito sa akin.
"Huwag ka'ng lalapit!" Napabuntong-hininga na lang ako. Kung hindi kita madadaan sa salita, dadaanin na lang kita sa gawa.
Inangat ko ang tingin ko sa isang sulok kung saan nakalagay ang CCTV camera. Hinubad ko ang suot kong lab gown at hinagis ito doon upang takpan ito. Ni-lock ko rin ang pinto para walang makapasok dito sa loob.
"Gusto mo'ng mamatay 'di ba? I'll help you with that." Dinukot ko mula sa likod ko ang isang baril, at tinutok ito sa kaniya.
"I-isa ka'ng doctor! Bakit may dala ka'ng baril!?" Tumawa naman ako kaya namutawi ang kaba sa mukha niya. Kung laro ang gusto niya, makikipaglaro ako sa kaniya.
"Sino'ng may sabi na bawal magdala ng baril ang isang doctor? May batas ba na pinatupad para doon?" Nakangisi akong humakbang papalapit sa kaniya na siya namang ikinaatras niya.
"M-maawa po kayo! Gusto ko pa po makabalik sa pamilya ko!" Nginisihgn ko na lang siya. Baliw, ang sabi niya kanina'y gusto niyang mamatay tapos bigla niyang inaalala ang pamilya niya?
"Hindi ka na talaga makakabalik sa pamilya mo kung hindi ka magtitino." Walang pag-aalinlangan kong hinila ang gatilyo ng baril na hawak kong. Walang ano-ano'y may lumabas na karayom doon at tumarak ito malapit sa leeg niya.
Bumagsak siya sa sahig, at nawalan ng malay. Tinago ko pabalik ang baril ko't kinuha ang lab gown kong nakasabit pa rin sa CCTV camera. That's not a real gun that could kill you, it's a gun that could bring you down to sleep.
Binuksan ko na rin ang pinto't kaagad tinawagan ang nurse upang turukan ng pampakalma ang isang 'yon. Isa lang siya sa mga baliw na nakakasalamuha ko rito araw-araw. Normal lang ang isang 'yon at may pag-asa pa'ng tumino, pero may mas malala pa sa kaniya.
"Doctor Mendoza! Ang pasyente po sa room 22 nagwawala!" Napatingin ako sa relo ko. It's already my break, well hindi ko alam kung break pa ba 'to since isang oras lang naman.
Nilingon ko ang nurse. Inaantok pa ako't gusto ko nang matulog. Nurse naman sila, marunong sila magpakalma ng mga pasyenteng nawawala sa sarili.
"Magwala rin kayo. Sabayan niyo siya para masaya." Nagunot ang noo ng nurse na kinausap ko. Akmang hahabulin niya pa ako nang itaas ko ang kamay ko.
"Call Doctor Valdez for that, I need some sleep. Bago pa ako ang mabaliw rito't hindi niyo pa makayanan ang pagwawala ko." Natatawa kong dag-dag.
Pumasok ako sa loob ng office ko't kaagad sumalampak sa double-deck na kama. Pinatong ko ang braso ko sa ulo ko't pinikit ang mga mata ko. I'm so damn tired.
"V?" Napamulat ako nang marinig ang boses niya.
"Nurse Jes?" Nakangisi kong sabi na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit ba? Ano'ng problema mo sa pagiging nurse ko?" Busangot niyang tanong.
"Wala lang. Come here, let's sleep. Alam ko pagod ka na." Nagkasalubong naman ang kilay niya.
"Sigurado ka na matutulog lang tayo? Pagod na pagod ako Vaughn ha! Masasapak talaga kita!" Napahalakhak na lang ako.
"We'll just sleep, I promise. Come here." Lumapit naman siya sa akin at humiga sa tabi ko. Niyakap ko na lang siya sa bewang at siniksik ang ulo ko sa leeg niya.
"By the way, I changed my mind, your fragrance is driving me insane." Automatikong humarap siya sa akin at sinuntok ako sa sikmura. Hindi naman masyado masakit, pero nandoon pa rin ang konting kirot.
"Doctor Mendoza! Nurse Mendoza! Kaila—Oh my ghad!"
"Nurse Tina! It's not what you think! We're ju—"
"You're disturbing us. Leave us some privacy." Dali-dali itong lumabas kaya humagalpak na lang ako kakatawa dahil sa pamumula ng mukha niya.
"Abnormal ka talaga!"
"Abnormal? Ako lang naman ang isang abnormal na naging dahilan para magkalaman ang tiyan mo sa isang tirada lang. Abnormal ba 'yon? I'm above normal Jes! I'm more than that."
"Gago! Umalis ka nga sa ibabaw ko!"
"Doc! Ang pasyente sa Room 101 nagka-seizures po! Hindi po namin alam ano'ng gagawin!" Napabuga ako ng hangin.
I forgot about something, wala pala ako sa bahay. I'm in a mental hospital, at sa tingin ko mababaliw na rin ako rito.
Name: Seth Lazaro
Age: 27
Profession: Regional Prosecutor
"Prosecutor Lazaro!"
"This is not homicide. This is murder." Sabay-sabay nangunot ang noo nila dahil sa sinabi ko.
"Why do you say so, Prosecutor Lazaro?" Nilapitan ko ang dalawang malamig na bangkay na puno ng sak-sak at naliligo sa sarili nilang dugo.
Tinukod ko ang kaliwang tuhod ko sa sahig, at pinatong ko naman ang kanang kamay ko sa kanang tuhod ko. Inangat ko ang laylayan ng damit nito upang matingnan kung gaano kalalim ang sak-sak na natamo nito.
"The knife was about 14 centimeter long. Walong sak-sak lang ang natamo niya sa katawan. Ngunit kung titingnan niyo, sinaksak siya sa parte ng katawan niya kung saan makakaramdam ito ng sobrang sakit." Inangat ko ang tingin ko sa kanila't tinuro ang bangkay sa harap ko.
"Sak-sak sa kaliwa't kanang tiyan, Sak-sak sa magkabilang hita, magkabilang palad at paa." Tumayo naman ako't nginishan sila. Mga detective ba talaga mga 'to? Parang walang alam eh, san ba napupunta mga pinag-aralan nila?
"Logicly, maiisip niyong gusto niyang makitang mahirapan ng husto ang biktima bago ito mamatay. Bakit niya gustong makita na nahihirapan ito? Bakit gusto niyang pahirapan? Marahil ay malaki ang galit at hinanakit niya sa biktima." Agad nanlaki ang mata nila. Napa-iling na lang ako, dapat alam na nila 'yon dahil mga detectives sila.
"Ang isang bangkay na 'yan, iisa lang ang sak-sak sa katawan niya, at 'yon ay sa leeg niya. She killed her in her vital point, and why did the killer do that? Maybe because she saw something she's not supposed to see." Tumigil ako saglit sa pagsasalita.
"To make things short, ang sinadyang patayin ng killer ay babaeng tinadtad ng sak-sak sa katawan. Ang babaeng 'yan ay nadamay lang. Halatang-halata naman na murder, bakit niyo nasabing homicide?" Takang tanong ko. Tinabunan ko ang katawan ng dalawang bangkay at umupo sa sofa habang nakadekwatro ang mga paa ko.
"Ang kutsilyong ginamit ay pag-aari ng biktima. Walang kahit anong DNA ng ibang tao ang nakita sa kutsilyo, it was the victim's fingerprints. Maliban doon, magulo ang bahay, parang pagnanakaw ang sadya nito't nagkagulo lang dahil nahuli siya nito." I tilt my head, inikot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Nginuso ko ang isang porcelain vase sa dulo kaya napatingin sila sa akin.
"The vase is worth half a million. That painting is painted by Chlovero a famous painter, it's one and a half million pesos." Parang nakuha nila kaagad ang ibig kong sabihin kaya napahilamos sila ng mukha.
"So you're saying it was a set-up?" Tumango ako't tumayo na naman. Sinuot ko ang gloves ko't nagsimulang buksan ang mga drawers na naririto lang sa sala.
"Obviously, it was set to confuse us." Bulong ko. Binuksan ko ang panghuling drawer at napangisi ako nang makita ko ang isang kwintas.
"This is a 24 karat gold necklace, kung talagang pagnanakaw ang gagawin niya, dapat wala na 'to rito."Inangat ko ang kwintas at pinakita ito sa kanila.
"Pero bakit sabi ng witness, may nakita siyang lalaking mukhang balisang-balisa ang mukha noong gabing naganap ang krimen?" Napataas ang kilay ko.
"May witness?" May sasabihin pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang iluwa mula roon ang isang babaeng may hawak na baril. Tinututukan nito sa sintido ang hindi ko kilalang babae.
"Detective Lazaro!" Gulat nilang sigaw. Kahit ako ay nagulat din dahil sa ginawa niya.
"Jen, who is she?" Tanong ko.
"Oh, she's the witness." Napahawak na lang ako ng batok ko. Kung siya ang witness, bakit niya tinututukan ng baril sa sintido't halos sakalin na niya? Minsan talaga'y napakakomplekado ng utak ng babaeng 'to. And that's what I love about her.
"Nakita ko ang isang pirasong butones na 'to sa ilalim ng sofa. Nakita ko naman sa sampayan ng babaeng 'to ang isang damit na may kaparehas ng kulay at disenyo ng butones na nakita ko. Guess what? Kulang ng isang butones ang damit niya." Nagkatinginan kaming lahat. That means...
"Ngayon naman nalaman ko na siya pala ang witness, so everything makes sense. Kung inaakala mo ang matatakasan mo ang krimeng ginawa kung magpapanggap ka'ng witness upang ituro sa iba ang kasalanan mo, p'wes diyan ka nagkakamali!" Diniin niya lalo ang baril sa ulo nito kaya bahagyang napapikit ang babae.
"Mabubulok ka sa kulungan." Nahagip ng mata ko ang pagbunot niya ng kutsilyo kaya mabilis kong hinablot ang baril sa belt ko't binaril siya sa tuhod.
"Easy there, Prosecutor Lazaro." Nakangisi niyang sabi. Pinalo niya ang batok ng babae kaya nawalan kaagad ito ng malay. Pinosasan niya na rin ito para hindi na makawala pa.
"Sharp as ever, Detective Lazaro." Tinago niya ang baril na hawak niya't inirapan ako.
"Of course, para saan pa't naging detective ako 'di ba?" Nagkibit-balikat na lang ako. Since I decided to become a prosecutor, she suddenly wanted to become a detective.
"Mom! Dad! Who the heck is this woman!?" Nanlalaki mata kaming napalingon nang marinig ang boses ni J'lo. Nakakunot ang noo niya habang tinuturo ang bangkay ng babae sa harap niya.
"What are you doing here!?" Gulat kong tanong.
"Eh kayo po? Ano'ng ginagawa niyo ni mom dito?" Balik niyang tanong.
"Malamang nagtatrabaho!" Sagot ko.
"Isipin niyo na lang po na naglalaro ako rito." Kamot ulo niyang usal.
"Nagtatrabaho kami, tapos naglalaro ka? J'lo, hindi maganda yun. Saka hindi pwede ang bata rito." Seryosong pangaral sa kaniya ng mommy niya.
"Mas masama po kung ako ang nagtatrabaho, at kayo ang naglalaro. 'Di po ba?" Nangunot ang noo niya dahil sa naging sagot ng bata. Napahalakhak na lang ako.
Like father, like son.
Name: Xael Alvarez
Age: 27
Profession: CEO of Alvarez' Hotel and Restaurant Management
"Kids, tone down your voice please." Tinigil ko ang pagbabasa ko ng mga reports upang pagsabihan ang dalawang bata.
Kasama ni Xian si Arc, ang totoo nga'y tumakas na naman si Arc sa bahay nila. Ayaw niya kasing palaging nakakasama ang mga yaya na nagbabantay sa kaniya. Gustuhin niya man na sumama kay V at Jes, hindi rin naman siya pwede roon.
Minsan na nga niyang pinainom ng sleeping pills ang mga katulong para lang makatakas sa kanila. Akala pa nga ni V ay may dumukot sa kaniya, buti na lang nag text si Lara na nandoon si Arc. Kung hindi niya siguro sinabi ay hindi na sila magkanda-ugaga kakahanap sa bata.
"Sorry po tito!" Kamot ulo niyang paghingi ng pasensya.
Tumango na lang ako't binalik muli ang atensyon ko sa mga reports na binabasa ko. The sales increased for this month, and the budget for the incoming marketing companies I'm trying to built is on tack.
"My mom and dad used to say, that I need to understand people base on their facial expressions. I therefore conclude, that Secretary Yoon likes Tito Xael." Rinig kong sabi ni Arc.
"Why do you say so?" Singit ko sa pag-uusap nilang dalawa.
"Secretary Yoon, always look at you in a different way. She always look at you whenever you're busy doing something. The way she dressed, was like she's trying to impress you. Her perfume's scent is trying to catch your attention." Mahaba niyang lintaya.
"S-sir, hindi po totoo ang sinasabi ng bata." Utal niyang apila habang namumula ang mukha.
"Kids don't lie, Secretary Yoon." Nakangising wika ni Xian.
"She's stuttering because she's nervous you'll know the truth and fire her. She's blushing because it's true, that she likes you." Dag-dag ni Arc. Siguro'y naimpluwensyahan na rin siya ni V at Jessi sa pagbabasa ng ekspresyon ng ibang tao.
"I don't want having complications with my wife, Miss Yoon. I'm supposed to fire you for once and for all, but it would be unfair for you." Binaba ko ang hawak kong file na puno ng reports at deretso siyang tiningnan sa mata.
"N-naniniwala po kayo sa kaniya?" Nanlalaki mata niyang atugal.
"My wife needs a secretary, it'll be nice if you work for her." Yumuko na lang ito't lumabas ng office ko.
"Dad! I love you!" Kunot noo akong tumingin kay Xian. Nakangiti siya ng malawak. I'm sure he did something again.
"Xian..." I said in a warning tone.
"Y-yes?"
"What did you do?" Yumuko siya't pinagdikit ang magkabilang palad niya.
"I forgot to turn off the stove at home." Nanlaki ang mata ko. Kaagad kong tinawagan ang maid sa bahay, at sinabihan na patayin ang stove. Mabuti na lang at wala namang kahit anong nangyari.
"Xian, how many times do I have to tell you to stay away from the kitchen? Alam mo naman na bata ka pa! Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo. Paano na lang kung nasunog ang buong bahay dahil sa pinanggagawa mo?" Natahimik naman siya. Narinig ko na lang ang paghikbi niya habang kagat-kagat ang ibabang bahagi ng labi niya.
Tumayo siya't pumunta sa couch. Binuksan niya ang bag niya't may kung ano'ng kinuha doon. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakayuko pa rin ang ulo. Pinatong niya ang isang baunan sa mesa ko.
"I—I was just trying to cook for you and mom. I-I know both of you are busy. I'm sorry d-dad. H-hindi na po mauulit." Binuksan ko ang baunan, at humalinghing kaagad sa pang-amoy ko ang amoy ng masarap na pagkakatimpla ng adobo at beef steak.
"Hindi na po ako pupunta ng kusina, sorry po." Nanlambot bigla ang ekspresyon ko. Amanda and I are very busy lately, hindi na kami nakakapagluto, kahit nagluluto ang maid ay hindi na rin kami kumakain paminsan-minsan.
"Come here." Niyakap ko na lang siya, habang siya nama'y iyak pa rin ng iyak.
"I'm sorry. Just be careful next time okay? Ayaw ko na nasasaktan ka." Kinarga ko na lang siya at pina-upo sa kandungan ko.
"Tuturuan niyo na po ba ako gumawa ng chicken curry?" Ginulo ko ang buhok niya't tumango.
"I have two eggs, the left and the right. Hold 'em up high, So big and bright! Touch them softly, one two three! Two big eggs are good to see! Oh yeah!" Kunot noo kaming napalingon kay Arc. Hindi na ako magtataka kung saan niya natutunan ang katang 'yan.
"Two eggs? 'Di ba two hands yun?" Takang bulong ni Xian.
"Go ahead and play, may gagawin lang si dad." Bumaba siya sa kandungan ko't pilit na kinakausap si Arc para turuan siya ng kantang kinanta niya.
Napahalakhak na lang ako. I can see ourselves with them. Mukhang may susunod na sa yapak namin.
Name: Justine Case
Age: 27
Profession: CEO of Kingler Corporation
"I want you to take the fake news controversy. Mendez, for the dengvaxia vaccination. Reyes, for the Charter Change. Cristoval for the PH Rise, and Galvadores for the Boracay controversy." Matapos kong sabihin kung ano ang naka-assign sa kanila, sinipat ko ang relo ko upang tingnan ang oras. Ilang minuto na lang pwede na akong umalis.
"I will give you the budget and ticket to get there and cover it up. Make sure to write and report accurately and nothing but the truth. Ayaw niyo naman siguro magaya sa Rappler?" Nagsitanguan naman sila.
"My secretary will tell you something, I'll be going." Tumayo sila't yumuko bago ako lumabas ng meeting room.
"Bakit ba ayaw niyo ako papasukin? Ako lang naman ang asawa ng CEO ng kompanyang 'to! Hindi mo ba ako kilala?" Binilisan ko lalo ang hakbang ko palabas nang marinig ko ang matinis na boses ng babaeng 'yon.
"I'm sorry maam, pero bilin po sa amin na 'wag magpapasok ng kung sino-sino."
"Sino-sino!? Asawa niya nga ako 'di ba? Aba't-"
"Julyene!" Tawag ko sa pangalan niya.
"Hoy kingina mo ka, kausapin mo nga 'tong mga guard! Bakit ayaw nila ako papasukin? Bawal na ba ako rito?" Sinenyasan ko na lang ang mga ito na hayaan siyang pumasok. Napakamot na lang ako ng batok ko.
"Inip na inip na ako kakahintay sa loob ng sasakyan! Ang tagal naman kasi matapos ng meeting mo! Tapos dumagdag pa sa init ng ulo ko ang bagong hired na mga guards! Kung hindi ka pa dumating baka nakipagsuntukan na ako sa kanila! Ala—" Tinakpan ko ang bibig niya't tatawa-tawang lumabas ng building. Kahit kailan talaga'y napakamainipin ng babaeng 'to.
"Ano ba! Suntukan na lang oh!" Napangisi ako.
"Sige ba, basta sa kama ang ring." Agad akong umiwas nang umamba siya ng sipa sa akin. Hindi pa siya nakuntento't sinuntok ako sa dib-dib na siyang kinaatras ko.
"Ang manyak mo." Irap niya.
"Sa'yo lang naman." I kissed her on the lips and she smirk.
"Siguraduhin mo lang, dahil kapag malaman kong nambabababae ka. Hindi lang ang babae mo ang mapapatay ko, kun'di pati ikaw." Umiling-iling na lang ako.
"Hello? Baka nakakalimutan niyong dalawa na nasa loob ng sasakyan ang anak niyo? Rated SPG kayo masyado." Napalingon kami nang bumukas ang binta ng sasakyan. Iniluwa roon ang bored na bored na mukha ni Chen.
"Hoy saan mo natutunan 'yang SPG?" Kunot noong tanong niya.
"Kay Austin mom!" Nanlisik ang mata niya dahil sa sinagot nito.
"Austin that brat, manang-mana talaga sa dad niya." Tatawa-tawa kaming pumasok ng sasakyan.
Kanino pa ba magmamana ang mga anak, kun'di sa magulang.
Name: Rio Belmonte
Age: 27
Profession: Head Director of Gardner Corporation
"Dad, can you teach me how to hack the system of a traffic light?"
"Why?" Niliko ko ang saksakyan sa kabilang linya dahil mas mabilis ang pag-usad ng sasakyan sa linyang 'yon.
"Mga 3.5 Billion pesos ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa traffic. At male-late na naman po kayo sa trabaho dahil traffic." Nakangiwi niyang sabi.
"Late na naman kami ng mom mo." Sabi ko. Tumunghay ako upang suluyapan si Ria at Hack.
"Sus, wala naman kaso kung malate tayo. Kahit pa hindi na kami pumasok sa trabaho ay pwede." Sa bagay, tama siya. Pwedeng-pwede na hindi na kami pumasok sa trabaho.
"Dahil si lolo naman ang may-ari ng kompanya?" Napangisi ako. He's right about that. We don't have to worry about being late at work.
"Hey Hon, tumawag nga pala sa akin si Lara kanina. May meeting daw sa Underground Arena mamaya."
"Bakit daw?"
"We just have to report, and manage things. May Gang Clash din mamaya, at labanan ng bagong registered na gangs." Tumango na lang ako. We've been busy lately, pero hindi naman namin nakakalimutang pumunta ng Underground para updated pa rin kami sa mga nangyayari.
Before I forgot, Ria's my wife. She's a gangster too. Well, lahat naman ata kami'y kapwa ka-gangster Clan lang ang napangasawa. Kaya naman wala kaming dapat pagtaguan sa sekreto namin.
"Can I come too?"
"Nope, hindi pwede ang bata doon Hack. Soon, when you grow up." Pagpapaliwanag ni Ria sa kaniya.
"I'm already a grown up!" Nakabusangot nitong sabi.
"Nah, makakapunta ka rin doon. I promise that."
Yeah, kids know about us. About what we are, and what we do. They are fully aware that their parents are not just one of the normal people around.
Name: Unknown ( Shattap sa nakakaalam)
Age: 17
Profession: Grade 11 STEM student ( Writer Wanna-be)
"Hoy babae! Magluto ka na ng ulam!" Napa-irap ako habang nagtitipa ng maisusulat sa laptop. Mambubulabog nga lang ng bahay, makikikain pa.
"Magluto ka mag-isa mo. Ikaw gutom 'di ba?" Sagot ko. Mag-isa lang ako sa apartment na tinitirahan ko, Kaya halos araw-araw sila pumupunta rito para i-check kung okay lang ako.
Sa halos araw-araw na 'yon na pambubulabog nila, dala na pag-iingay, pagkakalat, pagkain ng mga pagkaing hindi naman pinapaalam na kakainin pala nila, at ang kama kong ginagawa nilang tambayan.
"Ri, ikaw na magluto. Iniistorbo mo pa 'yan eh kita mo namang may ginagawa." Napairap ako.
"Wattpad na naman 'yan. Mukha ka ng wattpad!" Hinablot ko ang unan sa tabi ko't tinapon ito sa mukha niya. Paki niya ba?
"Yein, nabasa mo ba isang update niyan? May SPG!" Bwisit akong umupo mula sa pagkakadapa. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Hindi ako nagbabasa, nanonood ako." Ginulong ko na lang ang mata ko. Magkapatid ang dalawang 'yan. Magpinsan kami't ako lang talaga ang normal sa aming magpinsan.
"Alis, maliligo na ako."
"Sige maligo ka na! Amoy Bombay ka na Insan." Sinipa ko sa tuhod si Ri kaya napaatras siya. Brutal na kung brutal pero ganiyan ako. Mabubuhay ba si Lara kung hindi dahil sa kabrutalan ko?
"Gago, 'wag niyo kakainin ang Pepero ko sa ref, sasakalin ko talaga kayo." Pumasok na ako sa banyo upang maligo.
Pupunta ako ng mall mamaya. Ninakaw kasi ang phone ko kaya hindi ako makakapag update ng stories. Ang damot naman magpahiram ang mga bakulaw na 'yon kaya sa Ayala na lang ako mag iinternet. Kung bakit sa mall pa, walang piso net o kahit ano ma'ng intrnet shop na malapit dito sa apartment na tinitirahan ko.
Mall yun kaya isang oras 50 pesos. Butas na butas ang bulsa ko mga bes, pero dahil ayaw ko mag Hiatus sa ngayon, hahanap talaga ako ng paraan para maka-UD. Shingina kasi, dapat lahat ng magnanakaw dito sa Pilipinas pinuputulan ng daliri. Malasin ka sana sa buhay mo't dahil mabait ako, hinihiling kong sumalangit ka sana dahil sa ginawa mo.
Isa pa, sa nagbabasa nito. Maraming salamat at pinagtyagaan mo 'to basahin hanggang sa kahuli-huling update. Oo ikaw, alangan naman siya. Ikaw nagbabasa 'di ba? Anyways, 'yon nga tapos na talaga 'to, at nag-iisip pa ako kung may Book 2 ba o wala. Parang gusto ko eh, pero ayaw ko rin kasi nakakatamad. Ang gulo ko 'di ba? Yaan mo mas magulo pa buhok mo kesa sa isip ko.
" Tell me I'm too crazy. You can't tame me, can't tame me. Tell me I have changed. But I'm the same me, old same me."-Blow your mind Dua Lipa
For the pictures I've used, credits to the rightful owners. Thank you for editing those pictures.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro