Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9


Chapter 9. Third Day Curse

___________

"What the hell is this?" Bulong ko sa sarili ko. May isang itim na box ang nakalagay sa gitna ng daan at may pangalan ko yun. Tinitigan ko lang ito, para saakin ba to? Malamang Lara, may pangalan mo nga diba?

Inikot ko ang paningin ko, ang mga lalaking estudyante sa paligid ko ay nakatingin lang din, na para bang hinihintay kung kelan ko ito kukunin at bubuksan.

Nagkibit-balikat na lang ako at pinulot ito. Nagpatuloy akong maglakad habang inaalog-alog ang laman. Di naman sya mabigat, pero parang may isang card sa loob. Walang pag-aalinlangan ko itong binuksan, bumungad saakin ang isang Black Card sa loob.

'Third Day Curse'

I read out loud. Third Day Curse? What the hell is that? Tinapon ko sa basurahan ang box at pinasok ko naman sa bulsa ko ang card.

"Binuksan nya ba?"

"Yeah"

"Are we still allowed to do this? I mean, babae sya"

"I think so. Di sya bibigyan ng Emperors ng Third Day Card if di tayo allowed"

What the heck are they talking about? The Emperors gave me this shit? And what's up with a Third Day Curse?

Ano na namang pakulo ang meron sila ngayon. Wag lang talaga nila akong pagtripan dahil makikita nila ang hinahanap nila.

Habang naglalakad ako sa field ay di ko maiwasang mapatingin sa mga lalaki na naglalaro. This is where I met that childish brat. I wonder if nasaan sila ngayon? Di ko kasi sila nakita kaninang umaga. I mean, not that I care, pero parang ang aga naman ata nilang lahat gumising.

Nagkibitbalikat na lang ako at naglakad na papalayo ng field. Nagkasalubong bigla ang kilay ko nang may matanaw akong grupo ng mga kalalakihan na nakaharang sa gitna ng daan. Parang ako talaga ang sadya nila dahil sa mga titig na ipinupukol nila saakin. Napasinghal ako, ano na naman ba to? For the first time ay iiwas muna ako sa kanila. Lumihis ako ng daan para di ko sila makaharap.

"Oh! Saan ka pupunta?" May humawak sa braso ko saka marahas akong pinatigil sa harap nila.

"Ano ba?" Inis kong tanong. Inalis ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko. Ngisi lang ang iginanti nya kaya mas lalo akong nairita.

"Ano bang kailangan nyo?"

"Natanggap mo ba ang Third Day Card?" Dinukot ko mula sa bulsa ko ang Black Card na nakuha ko kanina. Tinaas ko ito upang ipakita sa kanila.

"Anong meron dito?" I'm sure this card has something to do with them, di sila basta-basta haharang sa gitna ng daan ko para itanong ang tungkol sa card kung di yun ang kailangan nila.

"That card will be your curse, but that will become our blessing" napakunot ang noo ko. That's so ironic, at bakit naman to magiging sumpa ko?

"This is your Third Day in our school kaya ka nabigyan ng Third Day Curse. That's one of the traditions in our school if may transferee" napatango ako. I eyed him to continue what he was about to say.

"That card is your curse and that's our blessing. Ang kahit na sino man ang makakuha ng card na hawak mo, pwedeng makapagtapos ng pag-aaral kahit na di na pumasok. At kapag nakuha naman ang card na yan sayo, Expelled ka na" napatingin ako sa Black Card na hawak ko. Kaya ba sabi nila di nagtatagal ng tatlong araw ang mga transferee dito? Dahil sa Third Day Curse?

"Ngayon di ka na magtataka kung magtatangka kaming kunin yan sayo!" Mabilis pa sa alas kwatrong umatras ako nang magsimula silang ikutan ako.

Mahigpit kong hinawakan ang card. I don't know what the hell is going on, pero isa lang ang alam kong dapat kong gawin. Di nila pwedeng makuha ang Card na meron ako. Di ako pwedeng maexpell sa school na to lalo na't wala ng ibang school ang tatanggap saakin. I don't want to disappoint my dad much longer.

"Do whatever it takes to get the card!" Napangisi ako. I fold the card and put it inside my bra. Tingnan natin kung makukuha nyo to saakin.

May humawak sa magkabilang braso ko kaya buong lakas ko silang tinulak. Mga walking toothpick din naman kasi sila kaya napakadali lang saakin para itulak sila. Napaisip ako saglit, by means of protecting the card, Am I allowed to beat them? Like give 'em punch and kicks? Argh, nakakafrustrate!

Dahil di pa ako sure kung anong gagawin ko ay tumakbo na lang ako palayo sa kanila. A few of them chase me, at ang iilan sa mga lalaking nadadaanan ko ay nakikitakbo na din para habulin ako. Just what the fvck! Pero dahil dati na akong may record sa Track in Field, mas mabilis pa din ako tumakbo kesa sa kanila.

Lumiko ako sa kaliwa at agad binuksan ang pinto ng CR. Nang makapasok ako ay agad kong inilibot ang paningin ko. Mukhang paliguan to ng mga lalaki na galing sa Sports Lounge.

"Nasaan na ang babaeng yun?"

"She didn't made it far. Let's find her!" Napakagat-labi ako. Puno kasi ang lahat ng cubicle na nandito kaya wala akong mapasukan!

Bumukas bigla ang isang cubicle, iniluwa duon si Jam na nakablack shirt, may bimpo pa sa ulo nya at towel na nakapulupot sa lower body nya.


Nagulat naman sya nang makita ako.

"Anong gi--" tinakpan ko ang bibig nya at hinila sya papasok sa cubicle na pinaggalingan nya kanina.

Narinig kong bumukas ang main door ng CR kaya mariin kong pinikit ang mata ko. Hinigpitan ko din ang pagkakatakip sa bunganga ni Jam para di sya makapagsalita. Baka ibuking pa ako ng lalaking to!

"Sigurado ka bang nakita mo syang pumasok dito?"

"Oo. Nakita ko sya"

Sinimulan nilang katukin ang bawat cubicle kaya mahina akong napamura. Napakadesperado talaga nila para kunin ang card! Tsk.

"Anong problema pre?"

"Ah wala, may hinahanap kasi kami. Thanks"

*KNOCK*KNOCK*

Ilang beses pa itong kumatok, sa tingin ko ay naghihinala na silang nandito ako sa loob.

"I know you're in there! Lumabas ka na!"

"Lumabas ka jan kung ayaw mong sirain namin to!"

Napalingon bigla saakin si Jam. I felt his lips formed a smile in my palm, he eyed me like he was saying 'I'll help you'. Inalis ko ang pagkakatakip sa bibig nya. I remember helping him escape from his girls not long ago, so he must help me this time. Although he might not remember me.

Hinubad nya bigla ang shirt nya at sinabit ito sa likod ng pinto. Ginulo nya ang basa nya pang buhok at hinila ako sa likuran nya. Binuksan nya ang pintuan at inilabas ang ulo nya upang harapin ang mga lalaki kanina.

"What the fvck do you want?"

Napatahimik naman sila dahil sa pagsinghal ni Jam.

"A-ahh. Akala kasi namin nandyan yung b-babae" utal na sabi nung lalaki.

"O-oo nga"

"I don't know who the fvck are you looking for. Now get lost!" Sinirado kaagad ni Jam ang pinto kaya napahinga ako ng malalim. Salamat na din at lumabas na sila, di ko din naman alam kung bakit ko sila tinakbuha kanina.

Natigilan ako nang mapansin kong nakahawak pa din pala sa pulsuhan ko si Jam. Akmang aalisin ko na ang kamay nya nang bigla nyang isandal ang kamay ko sa pader. Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang ilapit nya ang mukha nya.

What the fvck is he....

"Ang tanga ko naman para di ka kaagad makilala" he said as he softly chuckled. So he finally remembered me?

"I can't recognize you because of your hair and eyes" he murmured. What did I told you guys? Talagang di mo ako mamumukhaan kung magbago ang kulay ng buhok ko, lalo na pag di mo ako kilala.

"Ngayon kilala mo na ako kaya bitawan mo na ako hanggang maaga pa" bored kong sagot. Mahina syang natawa sa sinabi ko kaya nangunot ang noo ko, may gana pa talaga syang tumawa.

"Diba dapat mag thank you ka muna?" Napataas naman ang kilay ko.

"And why would I do that? I saved you last time, so quits na tayo" I said as I rolled my eyes.

"Ganun ba?" Takang tanong nya sa sarili nya. Dahil hawak nya ang kanang wrist ko ay ginamit ko ang kaliwang kamay ko para kunin ang card sa loob ng bra ko.

Napansin kong parang natigilan sya kaya kunot noo akong napatingin sa kanya.

"Tinitingin-tingin mo!?" Bulyaw ko kaya umiwas sya ng tingin. Nang makuha ko na ang card ay pinakita ko ito sa kanya.

"What the hell is this card for? Bakit nyo ako binigyan nito?" I heard him hissed nang makita nya ang card.

"V is playing again" he whispered.

"Ano?" Di ko kasi narinig ang sinabi nya.

"Sorry, I can't help you with that. It's been a Tradition in our school for about 5 years." Napakibit-balikat na lang din ako. Yeah, tradition is a tradition. Di na yun mababago, pero sino ba kasi may pasimuno ng kagaguhang yan? Tsk.

"Fine, now let go of me" nakita ko namang napangisi sya. Ang lalaking to, sagad talaga sa buto ang kamanyakan.

"Why would I? Di mo ba alam kung gaano kasakit ang pag head butt mo sa ulo ko? Halos maalog na ang utak ko dahil sa ginawa mo!" I rolled my eyes. Akmang ibabangga ko na ang ulo ko sa noo nya nang bigla syang umiwas.

"No can do babe, I never fell for your tricks twice. Once is enough" he grin. Napangiwi ako, edi wow.

Hinablot ko ang kamay nya na nakahawak sa wrist ko at kinagat yun.

"WHAT THE HELL! AWW!" diniin ko lalo ang ngipin ko sa balat nya. Mabuti na yang magkamarka ang balat nya ng magtanda sya sa kamanyakan nya. Marahan ko syang tinulak para makalabas ng cubicle.

"Get Back Here Lara! Fvck!"

Di ko sya pinansin at lumabas na ng tuluyan. Binalik ko ulit ang card sa loob ng bra ko at rumampa na sa hallway. Di nila makukuha ang card saakin, itaga pa nila sa dalawang balls nila.

JAM'S POV

Napatingin ako sa braso ko. Bakat na bakat ang lalim ng ngipin ni Lara, ang babaeng yun talaga. I was just always trying to play around with her, pero palagi lang akong nasasaktan sa kanya. Maybe that's why I found her attractive already.

"Justine! Gisingin mo nga si V! Tanghali na! Di na naman yan pumasok!" Singhal ni Xael habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.

Tumigil sa paglalaro ng X-box si Justine at agad tinungo ang kwarto ni V para gisingin sya. Speaking of V, bakit nya binigyan ng Third Day Card si Lara? I thought he was going to let her pass.

"V! Gumising ka na! Hoy! Ano to?" Sinilip ko silang dalawa.

"Kwarto malamang, mukha ba tong sofa?" Hikab na sabi ni V. Napasimangot naman ang mukha ni Justine habang nakatingin sa kwarto ni V. Justine is a very neat person, ayaw nya talaga ng makalat. Kaya ganyan sya nakapagreact sa kwarto ni V.

"Kwarto pa ba to!? Bakit ang kalat!?" Bumangon mula sa pagkakahiga si V at nagunat-unat pa.

"Makalat yan kasi po ginagamit ko. Yaan mo pag wala ng tao dyan, di na yan makalat" pilyong sagot ni V. Napailing na lang si Justine saka tinawag si Xael.

"Kaya nga may tao para ayusin diba! Ayusin mo nga yan V!" Nakapamewang na singit ni Xael habang may suot pang pink na apron.

"Para magugulo lang ulit. Bakit ko pa aayusin? Para lang akong nagmahal tapos masasaktan ulit!" Malungkot na wika ni V. Natawa naman ako sa sinabi nya, ang daming alam.

"Ayun! Nagdrama ang lintek! Sige, wag ka na din kumain! Itatae mo lang din naman!" Umalis agad si Xael at Justine sa kwarto nya. Naiwan naman syang parang processing pa sa utak nya yung narinig nya.

"Luh! Walang ganyanan! Pagkain yun eh!" Kumaripas palabas ng kwarto si V para umupo na sa lamesa.

"Seth, gising na uy!" Tinapik ko ang pisngi nya pero di pa rin magising-gising. Kumuha si V ng isang pinggan at binatingting ito malapit sa tenga ni Seth.

"Anak ng pu--! "

"Hi Seth. Kain na daw" abot langit na ngiti ni V. Kaya hindi namin sya magawang banatan pag may kasalanan sya e, masyado syang smiley.

"Rio tama na pamboboso mo jan!" Sigaw ko.

"Gago! Di ako namboboso!" Natawa na lang ako. Ang hilig kasi manood ng mga CCTV Footage. Parang sya na ang naging mata ng buong school.

Hinanap ng mata ko si Jehan. Nakita ko syang pababa ng hagdan, mukhang galing na naman sya ng rooftop. Tambayan nya yun actually, mahilig kasi syang magpahangin.

Nang makumpleto na kaming lahat sa lamesa ay napatingin kami sa isang upuan na bakante. Well actually pito lang naman talaga dapat ang upuan dito, but since Lara arrived ay pinadagdagan na namin ng isa.

"Let's eat" bored na sabi ni Jehan.

Nagsimula na kaming kumain. Daming ulam actually, Chicken Curry, Adobo, Chicken Lollipop at isang Salad na gawa ni Xael na puro dahon-dahon.

"Hey V, I thought you'll let her pass the Third Day Curse" pago-open up ko.

"It's a tradition Jam. Besides, It'll be fun" he smirked. You know what guys, if you're thinking V is harmless because he's childish and cute, well you got it all wrong! He can be dangerous too!

About the Third Day Curse thingy, si V talaga ang may pasimuno nyan. He's the type to challenge anyone who dared to transfer here, he loves looking for fun. Dinadaan nya lahat sa laro, that's V's signature. Hinayaan din naman sya ni Jehan dahil gusto nya din na ang mga estudyanteng makakapasok sa school ay matatatag ang loob at di basta-basta.

"She's a girl tho" -Xael

"Do you really think she's just a girl?" Napatingin kaming lahat nang magsalita si Jehan. He's statement seems suspicious base on his tone.

"Meaning?" -Seth

"I did a background check about her, I found nothing" sagot ni Rio.

That's unusual, Rio is an expert when it comes to gathering informations and background checks.

"Her informations seems so protected. I tried creating a virus to crack the protective system, but it backfired instead" So what he was trying to say is that, aside from being a Heiress of huge company, she's hiding something else? That's why her informations is highly protected?

I don't see anything suspicious about her. Well she's just brute, way too fierce to fight, and she's a strong willed woman, she's a cussing machine too.

"Naalala ko kung paano nya tantyahin ang ice cube para ihagis yun sa anak ni Governor. Impossible na sinwerte lang sya" komento ni Seth.

Inalalala ko naman ang nangyari nung araw na yun. Yeah, ni hindi man lang nga siya inabot ng limang segundo sa pagtantya nito para itapon ito sa lalaki, and yet, sumakto talaga ito sa ulo paghagis nya.

"Maybe she's just well adjust on angles and proportions of her body" mungkahi ko.

"How can you explain her fighting stance and speed? Her moves and reflexes?" Jehan added while twirling his fork in the air.

"Well maybe she did train for Taekwondo, Judo or Kendo. But the look in her eyes are really different" -Jehan

"The look on her eyes like she was confident to take them down in a second"-me

"I can sense that too! Almost feel goosebumps when she shoot the Governor's son on his di--"

"Kumakain tayo V!" Suway ni Xael.

"Hehe. Sorry!" Nag peace sign na lang sya saka nagpatuloy kumain.

"Well, malalaman din natin yan dahil ngayon ang Third Day Curse nya. I'm sure maraming desperado na gustong-gustong makuha ang card nya" mahabang lintaya ni Justine habang nakikikain ng salad ni Xael.

"We'll see who'll play the better"-V

Yeah, we'll see who'll play the better. I'm pretty sure surrender is not on her vocabulary. Well who knows? I love how her unpredictable mind works.

LARA'S POV

Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko ang mga grupo ng lalaki na sumasalubong saakin.


Sampu silang lahat! Are they that desperate enough to get the card? Tinitigan ko silang sampu, huminga ako ng malalim. Face them Lara, you don't need to hide.

Nagpatuloy akong maglakad hanggang sa makasalubong ko sila. I crossed my arms and look at them.

"Where is the Card?"

Titig lang ang isinagot ko sa lalaking nagsalita.

"Kung gusto nyong kunin saakin ang nais nyo, subukan nyo" matigas kong sabi.

Tumawa ng malakas ang lalaking nasa gitna kaya napakunot ang noo ko, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Kahit daanin namin sa dahas?" Napangisi ako. Kung inaakala nilang matatakot ako sa dahas, pwes nagkakamali sila. So there's no rule after all. They can do whatever it takes to get the card, and I can do whatever it takes to protect it.

Nagsilabasan ang kanina pang tinatago nilang baseball bat. Ginalaw-galaw ko ang leeg ko. It's Lara they're facing with, It's Lara whom you'd bow your heads to. Let the fight against them, begin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro