Chapter 8
Chapter 8. Devil like Angel
____________
"Watch me, Bitch!"
May umamba kaagad saakin ng suntok kaya inunahan ko na sya, tumalsik sya palayo. Pagharap ko ay isang sipa kaagad ang sumalubong saakin. Sinalo ko ang paa nya at inikot ito bago sya sipain sa hita. May isa pang papalapit saakin kaya inis kong hinablot ang braso nya at binalibag ito sa sahig.
Napatumba ko na silang tatlo kaya marahas akong napatitig sa gawi ng Governor. Sabi na e, kaya pala ang lakas ng loob ng lalaking yun para gawin ang lahat ng gusto nya! Anak pala sya ng isang Governor. And this Governor is way too kind to support her fvckin' son! She shouldn't have tolerated her son's stupidity! Like duh? She's the Governor of Pete's sake!
"You are one of the reasons why our country is not getting better. Corrupt Officials!" May lumapit na naman saaking mga lalaki kaya naningkit ang mga mata ko. Di talaga sya papaawat!
Patakbo ko silang sinalubong. Wag nyo akong iinisin! Sinipa ko sa binti ang isa kaya napaluhod sya. May lumapit saakin isang lalaki na mukhang walking toothpick kaya di na ako nag-atubili pang hawakan sya sa paa at bewang para ibalibag. Nakakatakot talaga ang mga payat, para silang walking toothpick. May umamba ng suntok saakin kaya yumuko ako para umiwas, sinuntok ko sya sa sikmura kaya napaatras sya.
"The fvck is this Emillio! Akala ko ba hasa sa Martial Arts tong mga Personal Bodyguards mo! Bakit di nila matalo-talo ang babaeng yan!" Napangisi ako. Hasa sa Martial Arts? Bring it on! Di ako magpapakabayani dito kung wala akong laban sa kanila!
Tinaas ko ang dalawang kamay ko at sinenyasan silang lumapit pa. Worth it ang pag pants ko ngayon, mabubugbog ko ang mga walang kwentang gaya nyo! You know what, being a bodyguard is really a hard thing to do. You need to protect your own master with all your sweat and life just to make a living. Sacrificing lives is not that easy, pero sana marunong silang pumili ng sisilbihan nila!
"Mayabang ka!" Sigaw nya. May umikot saaking limang lalaki kaya napaayos ako ng tayo. Isang suntok at sipa ang pinakawalan ng lalaki sa gilid at likod ko. Nag split ako sa gitna nila sabay hataw ng dalawang paa nila gamit ang dalawang kamay ko. Natumba silang dalawa kaya ginamit ko ang pagkakataong yun para tumayo.
Susuntukin pa sana ako ng isang lalaki nang sipain ko sya sa ngala-ngala. Mabilis akong yumuko nang ambahan ako ng suntok ng lalaki na nasa kanan ko. Hinablot ko ang kanang kamay nya at malakas syang itinulak sa mga crates. Di pa ako nakuntento at dinaganan sya habang walang tigil syang sinusuntok sa magkabilang pisngi. Mali ang taong pinoprotektahan nila. Isa silang hangal!
"Wake up! You know very well you're serving the wrong person!" Nagtitimpi kong sigaw habang patuloy syang sinusuntok. Napasinghal ako, hindi ako bobo para hindi malaman kung anong ginagawa ng isang Governor sa lugar na to! Tamang lugar ba to sa isang Business Meeting? Or Partnership para mapaunlad ang Bayan'g siniserbisyuhan nya?
Oh come on! I'm not dumb! Who in the hell would bring his or her Business matter in a place like this? No one would! Unless if it's illegal! I hope my conclusion is not right, because if it is, matagal ng lugmok sa Illegal na gawain ang bayang to! All thanks to a Governor like her!
Tinigilan ko na sa pagsuntok ang lalaki at tumakbo sa likod para salubungin ng sipa ang lalaking papalapit saakin. Napatagis bagang ako nang mahuli ng mata ko ang tatlong lalaki na pilit kinakaladkad yung babae kanina. Mga tangina tong mga to! Nilagay ko na nga sya sa gilid para di madamay tapos talagang kukunin pa talaga nila?
Inis kong tinggal ang hood ng jacket ko habang naglalakad ako papalapit sa kanila. They're starting to get on my nerves. I know they have no choice but to follow their master's orders, pero kaya din naman nila itong suwayin lalo na pag alam nilang mali ang iniuutos sa kanila!
Nilapitan ako nung isa, walang pag-aalinlangan ko syang siniko sa panga. Napayuko pa sya kaya kinuha ko ang pagkakataong yun para sipain sya sa ulo. Natigilan ang dalawa sa pagkuha sa babae nung nasa harap na nila ako. Pinanlisan ko sila ng mata kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Let her go" napatingin ako sa babae. She's a mess! And it's all thanks to the Governor's fvckin' son!
"Let go of her Dave" bulong ng isang bodyguard na nasa kaliwa. Napatingin ako sa mata ng isang bodyguard na nasa kaliwa, sa paraan ng pagtitig nya sa babae ay alam kong kilala nya ito.
"We'll lose our job at this rate Cloud" -bodyguard na nasa kanan
Natawa ako. Isang tawa na hindi makapaniwala. Napatingin silang lahat dahil sa tinuran ko. Pinanlakihan ko ng mata ang lalaking nagngangalang Cloud.
Isang malutong na suntok ang binigay ko sa kanang pisngi nya. Napasandal sya sa mga hanay ng drums, hinablot ko sya sa kwelyo saka pinanlisikan ng mata.
"Tangina mong gago ka! Kilala mo pala ang babaeng to! Kanina ka pa nakatingin tapos di mo man lang sya tinulungan! Gago ka ba o gago lang talaga?"
Nilihis nya ang tingin nya. Nakakagat-labi sya na para bang alam nya ang kamaliang ginawa nya. Hinigpitan ki ang pagkakahawak sa kwelyo nya kaya wala syang choice kundi mapatingin saakin.
"Alam mong mali ang pinagsisilbihan mo. Alam mong halos marape na sya kanina pero wala kang ginawa! Isa ka--"
"Do I look like I have a choice!? Trabaho ko ang nakasalalay dito! Kahit kaibigan ko sya wala akong maga--"
"Hangal! Wala kang choice!? Sinong niloko mo? May choice kang tulungan sya! Trabaho mo nga ang nakasalalay pero ang tanong, malinis ba trabaho mo!?" Nakita ko ang pagkunot ng noo nya kaya natawa ako ng bahagya. Wala syang alam.
Binitawan ko sya upang harapin si Governor. I thought malinis ang pamamalakad ng isang babaeng opisyal, nagkakamali pala ako. Isa rin pala sya sa mga opisyal na kabilang sa mga Illegal na gawain!
"Anong ginagawa nyo!? Bring me that girl! She belongs to my son!"
"Tumahimik kang punyeta ka, namumuro ka na kanina pa!" Sigaw ko.
"Sino ka sa inaakala mo para sigaw-sigawan ako!" Galit nyang sagot.
"Sino ka din sa inaakala mo para abusuhin ang posisyon mo?" Natigalan naman ito sa sinabi ko.
"Anong alam mo?" Sa pagkakataong to ay seryoso na sya. Inilibot ko ang paningin ko, puno ito ng mga drums, crates and boxes. Hindi ko pa man nabubuksan ang mga yan ay may hinala na ako kung anong laman.
"I wonder what kind of things these boxes contain?" Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nya.
"Kill her!" Napangisi ako. Kill her agad? Naglabas ng baril ang limang natitirang bodyguard kaya napangiwi ako. Masyado silang masunurin!
Naigilid ko ang ulo ko sa labas, nakita kong may mga pulis na nakapalibot sa labas. Napangisi ako, di ko alam kung paano nagkaroon ng pulis pero sobrang ganda ng timing nila. They're right on time.
"I can let you guys slide, alam kong napipilitan lang kayong sundin ang utos nya" nagtinginan ang limang bodyguard. Mukhang nag-aalanganin na din silang gawin ang iniuutos nito.
"Ano pang ginagawa nyo! Bari--"
"Itaas nyo ang mga kamay nyo!" Napangisi ako. Halata ang gulat sa mata ni Governor at sa mga kasama nya. Pumasok ang nga armadong pulis sa loob, nakatutok ang baril nila kina Governor.
Meron ding iilang pulis na pumasok sa loob oara haluglugin ang laman ng nga crates sa loob. Iwinagayway ng ilang pulis ang mga pakete ng cocaine na nakuha nila. Sabi na nga ba, di ako nagkakamali sa hinala ko.
"Mabubulok ka sa kulungan kasama ang anak mo Governor!" Pang-asar ko. Pinosasan na sya ng mga pulis kaya nagkibitbalikat na lang ako. Nilapitan ko ang babae at inayos ang coat nya.
"S-salamat" naiiyak nyang sabi. Tinapik ko sya sa balikat saka binilingan si Cloud.
"Take care of her" tumayo na ako. Sinuot ko ang hood ng jacket ko at naglakad na paalis.
"T-teka!" Napalingon ako ng tawagin ako nung babae. Oo nga pala, di ko pa sya kilala.
"What's your name?" Tanong ko.
"Rinoa Diaz po" napangiti ako. Nice name.
"I-ikaw?" Tanong nya.
"Lara Quinn Miranda" isang malawak na ngiti ang pinakawalan nya kaya napangiti din ako.
"Maraming-maraming salamat"
"Don't mention it" tuluyan na akong nakalabas ng Storage room. Nasa labas na ako ng Warehouse, nakakapagtaka lang kung paano nakarating ang mga pulis dito.
Bubuksan ko na sana ang sasakyan ni Justine nang matanaw ko ang sasakyang paliko na sa isang kanto, Mukhang galing ito dito. Nilingon ko ang mga pulis na umiikot-ikot sa loob. It's not a bad idea to ask them.
"Hey, can I ask if who filed the report?" Nilingon ako ng isang police officer na mukhang nasa 24-26 lang.
"Number mo muna" he winked kaya napa poker face ang mukha ko. Mukhang nahalata nyang di ako natutuwa sa kanya kaya napahalakhak sya.
"Di ka na mabiro! Haha!" At nagawa nya pa talagang tumawa.
"Anyway, only Detective Go knows who filed the report. Di ko nga alam kung paano nya nalaman, pero narinig kong may tumawag sa kanya kanina. Maybe the caller filed the report" tumango na lang ako saka naglakad na papunta sa sasakyan.
Whoever that person is, he made a right decision. Pumasok ako sa loob ng kotse ni Justine at pinaandar ito paalis sa lugar na yun. Habang nagda-drive ako ay ginalaw-galaw ko ang mga daliri ko sa manibela. Should I go back to school? Or not? Napangisi ako, might as well enjoy my day outside the school. Minsan lang to mangyari kaya susulitin ko na. What a brilliant Idea Lara! Ang talino mo talaga!
I park the car in the Mall's parking lot and went inside. Ano pa ba pwede kong galaan bukod sa Mall? I don't have friends to go to, at kung iniisip nyong dapat pumunta ako sa bahay para kamustahin si Dad ay tumigil na kayo. Naaasar pa din ako dun, at isa pa bubungangaan nya lang ako sa pagtakas ko.
It's past 12 o'clock so might as well eat up. Pumasok ako sa isang Korean Restaurant at nag order ng Banchon, Stewed Kimchi at Spicy rice cake. Matakaw ba? Nope, I'm craving for Korean food lately. Although wala akong lahing korean and I didn't grow up there, I kinda like their food.
"Here's your order maam" binigay saakin ng isang babae ang order ko kaya binuksan ko na ang lalagyan ng chopsticks para magsimula ng kumain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapapak ng kimchi nang biglang may grupo ng mga kalalakihan ang pumasok sa loob ng Restaurant. Mukhang mga kaedad ko lang sila. Napatingin ako sa blazer ng uniform na nakasablay sa balikat nila, I saw the badge. Napangisi ako nang makilala ko kung anong school yun, El Rial University. Duon na din ako nag-aral dati pero dalawang araw lang ang tinagal ko dahil nanuntok ako ng estudyante.
Pag naalala ko yun ay natatawa na lang ako, naiinis kasi ako sa pagmumukha ng lalaking yun kaya ko sya nasuntok. Dahil sa napakababaw ng dahilan ko ay nakicked-out ako ng wala sa oras. Di rin naman ako nanghinayang, puro mga basagulero rin ang mga estudyante duon. They're just using their power and wealth para di mapatalsik duon. While me, palagi akong napapatalsik dahil di ko ginagamit ang kapangyarihan ng pamilya ko.
Si Dad lang ang nagsu-suggest ng school na lilipatan ko, but honestly speaking ay tuwing ma ki-kick out ako, di ko pinapaattend ng Parent's Diciplinary Act si Dad. Alam ko kasing pag makilala nila sino ang ama ko ay magbubuhol-buhol ang dila nila. Baka nga ibasura pa nila ang kasalanan ko para di ako makick-out. Tss, kaya di ko sila hinahayaang makita ang Dad ko.
Habang papasok sila ay napaisip ako, I know them. Sila ang grupo ng mga kalalakihan na kinakalaglagan ng panty at bra ng mga kababaihan sa El Rial. Naigulong ko ang mga mata ko, makalaglag panty daw kasi ang kagwapuhan nila. Ang sabihin mo wala lang talagang garter ang mga underwears nila! And yeah, They are called Ravens in their School.
The last day before I transferred to another school ay nakita ko silang nakikipagbasag-ulo sa mga grupo ng lalaking nambastos ng babae nilang kaklase. Somehow, I see them as Highschool Gangsters. I dunno, base kasi sa mga kilos at titig nila, halata mong alerto silang lahat. Well, hinala ko lang naman e. Not a big deal of a shit.
"Miss Beautiful! Same order!" Nakangiting sabi nung isang lalaki, I remember girls calling him Bryan. Tumango lang ang babae at hinanda ang order nila.
"Know what Bry? Masyado kang friendly sa mga babae, kaya na mimis-understood ka nila eh" nailing na sabi ng katabi nyang si Jethro. Actually, ayon sa mga narinig ko sa dalawang araw ko sa El Rial, si Jethro ang leader nila.
"Masama ba maging friendly?" Kunot noong tanong nya.
"Di naman Bry! Pero para kasi sa mga babae, kapag masyado kang mabait, iba na ibig sabihin nun!" -Paul
"Oh ha! Maniwala ka kay Paul, alam nyan lahat tungkol sa babae!" -Jack
"Kingina mo Jack, tumahimik ka!" Asik nito pabalik.
"Zero si Paul minumura ako oh!" Sumbong ni Jack dito.
"Murahin mo rin, gago" walang pake na sagot ni Zero sa kanya.
"Tss! Wala ka talagang kwenta! Luke oh! Si Zero!" Napairap naman sa kawalan si Luke saka di pinansin si Jack.
"Tanginang buhay" nakasimangot na sabi ni Jack na syang ikinatawa nilang lahat.
"HAHA! EPIC!" -Mark
"Mukha kang Tae Jack! Pfftt~"-Luke
Napabuga ako ng hangin, nakalimutan kong kumakain pala ako. Nagkibitbalikat na lang ako at nagpatuloy pumapak ng kimchi. I really love spicy foods, that's why my neighbors in LA find it weird. Kadalasan kasi sa kanila ay di mahilig sa maaanghang.
May pumasok na isang Amerikana sa loob ng Restaurant. Mukhang may hinahanap sya kaya inikot ko din ang paningin ko sa loob.
Nang dumako ang tingin nya sa katabi kong table ay nakita ko ang pagkagat ng labi nya na para bang pinipigilan nya ang sarili nyang umiyak. Nang ibaling ko ang tingin ko sa katabi kong table ay nakita ko ang isang Californian guy, at isang babaeng maganda. They look sweet, and I bet they're couples.
"How dare you cheat on me Harris!" Nanlaki ang mata ko nang hablutin nya ang Lemonade ko at binuhos iyon sa mukha ng lalaking nagngangalang Harris.
Luh, Juice ko yun tangina!
Nagsinghapan ang mga tao sa paligid kaya naigulong ko ang mata ko. Bakit ba tuwing nasa mall ako puro eksena ang meron? Kung di kamanyakan, kadramahan naman! Dinamay pa ang juice ko!
"Vivica!" Gulat na naisal ni Harris.
"How dare you Harris! I've been in LA for about 2 fvckin' years, and you've found another girl to replace me!?" Di makapaniwalang wika ni Vivica.
I crossed my arms and look at them just beside me. They may look mature, but they're actually just my age. I can tell base on their eyes. The brighter their eye color, the younger they are.
"You can't blame me Vivica. You left me without saying anything! Do you know how much of a fool I am to wait for you!? You're the first one to leave, so don't go around making me look like the bad person here!" Napatahimik ang babae. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nya, natulo na din ang luha mula sa mga mata nya. I looked away, Bakit sa dinami-dami ng pwedeng pag-awayan nila, sa tabi ko pa? Dinamay pa nila ang juice ko!
Nagpatuloy ako sa pagkain. Bahala kayo sa buhay nyo, mag-away kayo jan. Napasulyap ako sa gawi ng Ravens, pasimple din silang kumakain habang sumusulyap sa dalawang nag-aaway sa tabi ko.
"See? It's your fault in the first place! So please leave us alone Vivica. I'm happy with her" Napakunot ang noo ko nang may makita akong isang lalaki na kumukuha ng video.
"Besides, maybe it's a blessing that you left me. Because while you're not here, she's right beside me" isang malutong na sampal ang natanggap ni Harris mula kay Vivica.
Binaba ko ang hawak kong metal chopsticks. Kinuha ko ang isang stick at tinantya ito para itapon sa lalaking kumukuha ng video. I'm well trained for dart, kaya humanda kang lakaki ka. This is invasion of Privacy, bakit kailangan nya pang kunan ng video diba?
"You don't know anything Harris!"
Right angle, 90° East. Pinikit ko ang kaliwang mata ko at inamba-amba na ang hawak kong stick. Nang makahanap ako ng magandang tyempo ay mabilis ko itong tinapon sa gawi nya. Tumama ito sa lensa ng camera nya kaya narinig ko syang napamura.
Kumuha ako ulit ng isang chopsticks at nagpatuloy sa pagkain. Di ko pinansin ang lalaking halos maiyak na dahil sa pagkasira ng lens ng camera nya. Di rin nya ako nakita dahil medyo tago ang pwesto ko dulot ng pagtayo ni Harris at nung kasama nyang babae para harapin si Vivica.
Hindi pa rin pala tapos ang dalawang to. Tinaas ko ang kamay ko kaya may lumapit saaking waitress. Sinabi ko sa kanya na kunan ako ng Juice, sinunod nya naman ang sinabi ko.
"I left you for my Heart Surgery Harris! I left you because I don't want you to worry for me! I left you without telling because I know I won't be able to leave you if I do that! Alam kong hahabulin mo ako!" Natigilan naman si Harris sa naring nya. Para syang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig nya.
"W-what..." kinuha bigla ng isang babae ang juice ko at tinapon ito kay Vivica.
Mariin kong pinikit ang mata ko. Hindi ko pa yun naiinuman, putangina nakakadalawa na ang mga to ah!
"Don't act like he's still yours! Kahit ano pa ang dahilan mo, iniwan mo pa rin sya! At ako ang nandyan nung mga panahong wala ka!" Kinuha naman ni Vivica ang isang tubig sa table nila Harris at tinapon ito sa babae. Natalsikan pa ako ng tubig, namumuro na talaga kayo!
Inis akong tumayo at binagsak ang kamay ko sa lamesa. Dahil sa lakas ng pagbagsak ng kamay ko ay napatangin ang LAHAT ng tao sa gawi ko. Napatigil din sa pag-aaway ang tatlo. Kagatlabi kong pinunasan ang iilan sa tubig na tumalsik sa mukha ko.
"Tangina nyo rin eh noh?" Asik ko. Inayos ko ang buhok ko at hinarap silang tatlo.
"Excuse me Miss? Who are you?" Tanong ni Harris. I brushed my hair with my fingers and look at him annoyed. He's seriously asking me that?
"I'm none of your business. Saka pwede ba? If you want to solve your relationshit, can you please do it somewhere else? You're making a fuss right here" kalmado kong suhestyon. Napataas naman ang kilay nung isang babae kaya tinaasan ko din sya ng kilay.
"Wag kang mangelam dito!" Napahinga ako ng maluwag. Gagawin ko sana yan e.
"Alam mo gagawin ko sana yan e. Kaso ako ang una nyong pinakialaman!" Pabalang kong sagot.
"What are you---"
"Both of you wasted my Fvckin' juice!" Asik ko. Napakurap naman sila sa inasal ko, bakit? Masyado bang mababaw ang dahilan ko para mangealam sa kanila? Pake ko sa pake nyo? Di makatarungan para saakin yun! Pera ko din gamit ko dun hoy! Sayang yun!
"Sa susunod na mag-away kayo magdala na kayo ng drum ng tubig okay?" Inirapan ko sila. Nagmartsa na ako palabas ng Restaurant na yun at iniwan silang nakatulala. Nakakaasar grabe! Minsan nga lang ako nalabas ng School, eto pa ang naabutan ko. Nakakabwisit lang!
Inis akong nagdrive papuntang school. Magaalas-dos na ng hapon, ang bagal naman ng oras.
RIO'S POV
"WHAAA! ANG SASAKYAN KO! SHE WON'T DESTROY IT RIGHT? SHE WON'T---"
"Ano ba Justine! Kanina ka pa ah! Boses mo na naririnig ko sa Headset ko! Tumahimik ka nga!" Reklamo ni Seth.
"EH KASI NAMAN EHH~" Napailing na lang ako. Kanina pa yan ganyan, simula ng hiramin ni Lara ang sasakyan nya. Siguro mga Isang oras na ang nakakalipas, kaya kanina pa inis si Seth sa kanya.
"Isa pang pag-iinarte mo Justine, talagang sasakalin na kita!" Banta ni Seth na ikanasimangot nya. Tumawa na lang ako kaya mas lalong sumimangot ang mukha nya.
"Hey Rio, Wala pa ba sina Jehan?" Umiling ako sa naging tanong ni Seth. Wala pa sila, I wonder what took them so long? Ang alam ko di sila magtatagal dahil may kinausap lang silang underlings na lumabag ng batas sa Underground. Now they're almost one and a half our na di pa nakakabalik.
"Ang sasakyan ko. Huhu! " Binaling ko ang atensyon ko sa mga screens na nakakabit sa harap ko. It's the CCTV footage of all CCTV cameras in the University.
"Speaking of Jehan, papasok na sila sa University" nakita ko kasing may papapasok na sasakyan sa loob ng Campus. It's Jam's car, a White Bugatti Veyron. Kilala ko ang mga sasakyan ng bawat-isa saamin kaya sigurado akong sina Jehan ang nasa loob ng sasakyang yan.
Matapos ng ilang minuto ay bumukas ang pinto, at iniluwa duon si Jam na nakaakbay kay V, at si Xael na may sinasabi kay Jehan.
"Yo! Natagalan ata kayo?" Tanong ko. Pasalampak na umupo sa Sofa si Jam at V, sinundan din ito ni Xael at Jehan.
"You don't know what we've been through Rio! God, you wouldn't believe us if I told you"
nangunot ang noo ko sa sinabi ni Jam. Like what?
"You wouldn't believe what happened to me either" devastated na bulong ni Justine.
"Lara took your car right?" Mabilis na tumango si Justine. Tumabi pa ito kay Xael para yakapin sya.
"Paano mo nalaman? Huhu! Baka pagbalik nun saakin sira-sira na!" Halos mangiyak-ngiyak na si Justine sa pagsumbong kay Xael.
"Di ko dapat ibibigay pero tinutukan ako ng silencer! Gaganti ako sa kanya! Dadalhin ko bazoo--"
"Relax Jus, but hey, she used it on purpose" nakangiting wika ni Xael.
"Meaning?" Tanong ni Seth sabay tanggal ng Headset sa ulo nya.
"Remember the girl she saved in the Starbucks? She was kidnapped and almost get raped!"-Jam
"Thanks to Lara, she was saved" -V
"So that's why she was rushing like hell earlier" I commented.
"The most hilarious part is, Gosh, you would never imagine it!" Tila ba tuwang-tuwa na parang ewan si V. Di nya matago-tago ang excitement sa mukha nya.
"Damn, She shoot the Governor's son!" Nanlaki agad ang mata ko. She shoot the Governor's son!? Are you fvckin' kidding me? Is she serious?
"And guess where did she shoot him?" Nakangising tanong ni Jam.
"Saan?" -Justine
"She shoot him in his Dick!" -V
"WHAT!?" -Me, Seth and Justine
"Exactly! That's our reaction!" Pumalakpak pa sa ere si Jam habang sinasabi ito.
Napalunok ako ng wala sa oras. Talagang ginawa nya yun? God, wala syang patawad! Are you even sure she's a girl? Paano magagawa ng isang babae yun? She's really damn unpredictable! Di mo malalaman kung anong tumatakbo sa utak nya!
"Also, we found out the Governor is involve to Illegal negotiations" finally ay nagsalita na din si Jehan.
"Like what?" I asked
"Illegal drugs" napabuga ako ng hangin. That's really common, di ko lang inexpect na ganun sya dahil babae ang Governor na yun.
"Afterall, she's a Devil like Angel type. Haha! She's really interesting, isn't she?" Jam retorted. Yeah, she's in fact interesting.
"Speaking of the Devil like Angel" I murmured as I look at Justine's car entered the Campus Gate. She's back.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro