Chapter 69
L'S NOTE: That awkward moment when I realized I actually made it up to chapter 69. Alright, Imma shut up. HAHAHA.
⤵
Chapter 69. I love you dangerously
________________
"UMAGANG KAY TIGANG!" Napa-iling na lang ang lahat dahil sa naging pambungad ni Jam pagkatapos niyang lumabas sa kwarto niya. Nakabihis ito't halatang may pupuntahan.
"Lagi ka naman atang tigang eh." Pambabara ni Seth. Kasalukuyan nitong sinusuot ang sapatos niya habang pinapanood ang palabas sa TV.
"Alam mo, minsan mas gugustuhin ko talagang tulog ka na lang lagi eh." Nakangiwing sabi ni Jam. Pumunta ito ng kusina, at doon niya nakitang naghahain ng pagkain sa hapag si Xael.
"Ulam Xael?" Tanong nito.
"May mata ka hindi ba? Tingnan mo kaya kung ano." Bumagsak ang balikat nito sa naging sagot ni Xael. Hindi niya maiwasang mapakunot ng noo. Mukhang nahahawa na ata si Xael kay Seth. Ang hilig na mambara.
"Xael, nakita mo ba ang mouse ko?" Sigaw ni Rio mula sa sala.
"Hindi ko alam! Tanungin mo si V, 'di kaya si Justine!" Sagot nito.
Kumuha ng tubig si Jam at nilagay ito sa baso habang iniinom ito pabalik ng sala. Naabutan niyang naghahabulan si V at Rio. Nagkandagulo-gulo na rin ang mga couch at nagrereklamo na rin si Seth dahil sa kanila.
"Sabi ko sa'yo mouse ng computer 'di ba? Hindi mouse na daga! Tangina mo V!" Humagalpak kakatawa si Justine at Jam kaya nabaling ang atensyon ni V sa kanila. Dahil dito, nahabol siya ni Rio.
"Aray!" Kunot noo nitong ingos matapos siyang pagbabatukan ni Rio dahil sa kaabnormalan niya.
"Pfft! Ano na V? HAHAHAHA!" Lumapit si Justine at inakbayan ito, habang nanghahaba na naman ang nguso ni V dahil medyo napalakas ang pagbatok ni Rio sa kaniya.
"Tanda-tanda niyo na para pa rin kayong bata. Lalong-lalo ka na V. Hindi ba't papasok ka ng intern bilang doctor sa isang Mental Hospital? Paano mo mapapatino mga pasyente mo kung ganiyan ka?" Kunot noong atugal ni Seth. Natawa na lang si Jam at Justine rito.
Tatalon-talong lumapit si V sa kinauupan ni Seth at tinabihan ito sa pag-upo. Inakbayan niya pa ito habang may ngisi sa labi. Noong panahong nakadalaw siya sa isang Mental Hospital, ay saka niya lang naisapang gusto niyang maging isang psychiatrist. Natutuwa kasi siyang makipaghalubilo sa mga ito, at sa hindi malamang dahilan ay naiintindihan niya ang mga ito.
"You would never understand Seth. They have mental problems because of depression, trauma, self guilt and personal problems. Don't you find them pitiful? I just felt like they need me..." Napangiwi si Seth dahil sa sinabi nito. Nagpipigil naman ng tawa si Justine dahil sa nakangusong labi nito.
"Ang sabihin mo, kaya mo sila naiintindihan dahil may saltik ka rin sa utak. Hindi na ako magtataka kung pag punta mo doon imbis maging Psychiatrist ka, maging pasyente ka na ng Mental Hospital. Sa pag-uugali mo'ng 'yan? Hindi malabong mapagkamalan ka'ng sinto-sinto." Humagalpak na sa kakatawa si Justine, kasabay pa nito ay ang pagtawa rin ni Jam at Rio.
"Ang sama mo naman! Kaibigan ba talaga kita? Ngayon ko nga lang nalaman pangarap ko tapos hindi mo pa ako susuportahan? Traydor ka!" Nakabusangot na atugal nito. Wala sa sariling naigulong ni Seth ang mata niya. Kahit kailan talaga'y napakaisip-bata ng lalaking 'to. Hindi nga niya alam kung paano niya ito naging kaibigan.
"Pangarap mo yun? Ang maging doctor sa isang Mental Hospital? Wow, I'm so proud of you!" Sarkastiko nitong pahayag.
"Talaga? Whaaaa! Sabi na eh, mahal na mahal mo talaga ako!" Akmang yayakapin na siya ni V nang itulak siya ni Seth. Nahulog ito mula sa kinauupuan kaya napadaing na lang siya.
"Inaano ba kita ha? Si Jam nga OB doctor eh! Obstetrician Gynecologist! Dala pa rin niya kalibugan niya kahit sa trabaho niya! Bakit ba ako pinagiinitan mo? Huhu!" Paghihimutok nito. Napairap na naman sa kawalan si Seth nang marinig ang sinabi ni V.
"Isa ka pa eh, sa dinami-dami ng klase ng doctor talagang OB pinili mo? Wow, talagang ayaw mo pakawalan ang titulo mo bilang pinakamali--" Hindi na naituloy ni Seth ang sasabihin niya dahil sinalpakan ni Xael ng lettuce ang bibig niya.
"Bibig mo hoy, tara na kumain na tayo." Pagyayaya nito. Nginuya ni Seth ang lettuce at mas minabuti pa'ng 'wag na patulan si Xael dahil may hawak itong sandok.
"Gago Seth, kaya ako nag OB para ako na ang titingin sa asawa ko kapag buntis siya." Napalingon ang mga ito nang magsalita si Jam. Sabay-sabay na napataas ang kilay nila dahil sa sinabi nito.
"Jam, akala mo ba ang asawa mo lang ang magiging pasyente mo? Hoy para sabihin ko sayo, marami ka'ng babaeng magiging pasyente!" Tatawa-tawang bulyaw ni Rio. Nagsiupuan ang mga ito, at nagsimula ng kumain ng pagkaing niluto ni Xael.
"Kung ayaw nila magpacheck kay Jam, edi yung lalaki na lang magpacheck!" Binatukan kaagad ni Justine si V.
"Alam mo bagay ka talaga sa Mental Hospital eh. Kailan pa may nagpacheck na lalaki sa OB? Hunghang ka ba?" Ginantihan ng batok ni V si Justine kaya nagsapukan na lang sila para makaganti sa isa't-isa.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng joke? Nag-aral ako maging doctor! Kahit Psychiatrist kinuha ko, alam ko pa rin yun!" Naigulong na lang nila ang kanilang mga mata dahil sa paghihimutok nito. Pagdating kasi sa kaniya, parang hindi joke.
"Pinaglalaban mo?" Pambabara ni Seth. Nangunot na naman ang noo ni V. Kanina pa siya binabara ng lalaking 'to.
"Ikaw? Ano pinaglalaban mo? Hindi ba on probition ka sa pagiging prosecutor? Kamusta naman? Balita ko binabara mo lagi ang mga prosecutors doon sa office niyo. Baka hindi ka makapasa dahil sa ginagawa mo." Pang-aasar ni V. Naidiin ni Seth ang tinidor niya sa karne na isusubo na niya sana. Dahil pinaalala ito sa kaniya, mas lalo lang siyang naasar.
"Just because I'm on probition, an intern in their office, doesn't mean they can order me around like a boss. No fucking way! Maghintay silang maging ganap na prosecutor ako, ilalampaso ko silang lahat." Gigil nitong saad bago isubo ang kinakain nito. Napahalakhak na lang ang mga ito. Wala talaga siyang pinagbago.
"How's your interview Rio?" Inangat nito ang tingin kay Xael. Uminom ito saglit ng tubig bago sagutin ang tanong nito.
"It's better than okay. I'll start working maybe next month. I'll be the Head Director of the Security System in Gardner's Corporation." Nagsitanguan ang mga ito. Kahit sino namang kompanya ay walang aayaw kay Rio. Sa katunayan nga'y pinagaagawan pa siya ng mga ito. Kung seguridad lang ang pag-uusapan, wala silang magiging problema.
"Ikaw Jus?"
"Pinag-iisipan ko pa kung mamanahin ko ba ang kompanya ni dad." Sagot nito. Ang kompanyang hawak ng kaniyang ama ay pugad ng mga journalist. Wala namang problema rito, pero ayaw niya kasi ng trabahong makakasagasa ng politiko. Kaya naman pinag-iisipan niya pa ito ng mabuti.
"I'm taking over dad's business too, but I'll be focusing on restaurants." Sabi naman ni Xael. Hotel and Restaurant ang negosyo ng kompanya ng pamilya niya kaya naisipan niyang manahin na lang ito sa tamang panahon. Tumatanda na rin kasi ang mga ito't kailangan ng mamahinga upang malayo sa kahit ano ma'ng sakit.
Tahimik ng kumakain ang mga ito nang matigilan sila dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Tumayo si Xael at agad nagtungo sa pinto upang buksan ito. Bumungad sa kaniya ang tatlong babaeng nakapamewang. Nakasuot ng itim ang mga ito't parang inip na inip na kakahintay sa kanila.
"Xael, nasaan si V? Nagtext ako sa kaniya na ala-sais tayo magkikita, pero ano'ng oras na? Alas-otso na! Nasaan ang gagong yun!" Asar na pumasok sa loob ng pinto si Jessi. Dumeretso kaagad ito sa sala upang hanapin ang kumag.
"Hoy gago ka! Anong oras na!? 'Di ba sabi ko ala-sais ang usapan?" Isang hambalos ang sumalubong kay V nang makita siya ni Jessi na sarap sa sarap sa pagkain.
"Hoy inaano kita ha! Oo nga sinabi mo ala-sais! Hindi mo naman sinabi kung umaga o hapon! Kasalanan ko ba yun? Eh akala ko mamayang ala-sais ng hapon!" Sunod-sunod na usal nito habang sinasangga ang mga hampas ni Jessi.
"Gago ka ba? Sinong matinong tao ang pumunta sa death anniversary ng ala-sais ng hapon!?" Hinampas niya ito sa huling pagkakataon bago dumampot ng pagkain mula sa pinggan ni V.
"Malay ko ba! Saka bakit ka ba nangunguha ng pagkain ng iba!"
Naigulong na lang ni Jennie at Rose ang kanilang mga mata dahil sa narinig nilang pagtatalo ng dalawa sa loob. Napakamot na lang ng batok si Xael dahil dito. Maaga naman siyang nagising kanina, ganoon din si V. Bakit hindi man lang nito sinabi sa kaniya na ala-sais pala ang usapan.
"I told you Rosé, sana hindi na lang si Jessi ang inutusan mo. Paniguradong si V lang ang ite-text no'n. Alam mo naman na ang sarap pag-untugin ng dalawang 'yan." Natawa na lang si Xael sa sinabi ni Jennie. Pinapasok niya ang mga ito sa loob ng bahay at hinayaang pumunta sa dining area kung saan sila kumakain ng pang-umagahan.
"Talagang kumakain pa lang kayo? Jusko!" Nang marinig ni Jam ang boses ni Rose ay kaagad siyang napatunghay. Lumawak kaagad ang ngiti sa labi niya nang makita ang tila ba naiiritang mukha nito.
"Asawa ko! Na-miss kita!" Tumayo ito't akmang yayakapin si Rose nang tutukan siya ni Jennie ng tinidor.
"Ano'ng asawa pinagsasabi mo? Hindi pa tayo kasal! Saka asa ka namang ikakasal tayo." Nakangising wika nito na ikinanguso ni Jam.
"Yuck! Ang sagwa mo ngumuso Jam!" Nandidiring tukso ni V.
"Oo nga! Parang si Rio, trying hard masyado!" Gatong ni Justine.
"Gago bakit nasali na naman pangalan ko diyan!" Sabat ni Rio na mukhang kakatapos lang kumain.
"Ang sakit naman no'n bulaklak, akala ko ba mahal mo ako?" Nag-iinarte nitong sabi. Umakto pa itong nasasaktan habang nakahawak sa dib-dib niya.
"Taglibog! Alam mo ang arte mo!" Natatawang wika ni Rose. Binaba ni Jennie ang tinidor at ginamit na lang itong panusok sa pagkaing nakalatag sa mesa. Sinubo niya naman ito't kaagad ninamnam ang lasa.
"Ang sarap!" Manghang atugal nito.
"Tama si Jennie bulaklak ko, masarap ako." Halos lumuwa naman ang mga mata ni Rose dahil sa sinabi nito. Agad naitapon ni Jennie ang tinidor na hawak niya sa gawi ni Jam, mabuti na lang ay nasalo ito ni Seth bago pa ito tumama sa balikat ni Jam.
"Napakamapanakit mo talagang babae eh no?" Iiling-iling na usal ni Seth habang deretso lang ang tingin kay Jennie.
"Gusto mo rin ba masaktan?" Pilyang sagot nito. Hindi na lamang sumagot si Seth, tahimik lang itong pumunta ng kusina upang ilagay sa sink ang pinggan na pinagkainan niya.
"Bastos talaga ng lalaking yun." Bulong ni Jennie.
"Is everyone done eating? I think we better go." Tanong ni Xael. Bihis na bihis na rin ito't mukhang handa ng umalis.
"Yeah, I think we should go already. Ilang oras na rin naghihintay sila Kiel doon." Sang-ayon ni Jennie.
Matapos nilang magkulitan, lumabas na ang mga ito't sumakay na sa kaniya-kaniya nilang sasakyan. Pupunta ang mga ito sa sementeryo upang dalawin ang mga namatay. Isang taon na matapos ang labanang naganap, at sa loob ng mga panahon na iyon ay marami ng nangyari at nagbago. Maraming relasyon ang nagkamabutihan, at maraming bagay silang napagkasunduan.
Matapos ng ilang minutong pagmamaneho, nakarating na ang mga ito sa kanilang paroroonan. Isa-isa silang bumaba sa kanilang sasakyan. May dala-dala ang mga itong bulaklak at kandila. Mula sa malayo ay natanaw nila si Kiel, kasama si Diamond at Ten. Nakaupo ang mga ito sa harap ng lapida habang nagsisindi ng kandila't nagaayos ng mga bulaklak.
"Mukhang kanina pa nga sila." Ani ni Xael habang kinakamot ang noo. Marahan niyang kinaltukan si V. Isa pa naman siyang Psychiatrist pero walang common sense.
"Tsk! Sorry naman kasi! Kasalanan yun ni Jes! Hindi niya sinabi kung umaga ba o hapon." Nanghahaba na naman ang nguso nito kaya napa-iling na lang ang mga ito. Kahit anong gusto nilang sapakin ito, dahil sa pagngunguso niya hindi nila magawa.
"Sorry for being late Kiel, it's sort of a long story." Napatunghay ang mga ito nang magsalita si Jam. Tumango na lamang si Kiel at nakipagfist to fist dito.
"It's fine, ang importante naririto kayo." Nilapag nila Jennie ang hawak-hawak nilang bulaklak at inayos ito. Kasabay din noon ay ang pagyuko ng mga ito upang magbigay respeto. Nagsindi na rin sila ng kandila, at nakiupo sa damuhan gaya ni Diamond at Ten.
"Kung hindi dahil sa kanila'y malamang patay na ako. I owe my life to them." Mahinang bulong ni Justine habang nagsisindi ng kandilang palaging namamatay dahil sa hangin.
"We owe our life to them. Masakit ang mawalan, pero kailangan nating tanggapin ang lahat ng yun." Nagsitanguan ang mga ito. Tama ang sinabi ni Rose, masakit ang mawalan lalo na kung naging parte na rin ng buhay mo ang taong yun, pero wala ka ng ibang magagawa kun'di tanggapin na lang ang katotohanang wala na sila.
"She lied to me couple of times, she hid a lot of things from me, but I still love her." Malungkot na wika ni Kiel. Nakatuon lang ang pansin niya sa isang partikular na lapida habang hinahaplos ito.
"They died together with their love..." Mahinang bulong ni Ten. Natahimik ang mga ito, pinakiramdaman nila ang mahinang pag-ihip ng hangin sa kanilang mga balat.
"Argh! Namatay na lahat ng kandila!" Problemadong atugal ni V. Tinutulungan na niyang magsindi si Justine. Pagkatapos ng ilang minuto, nasindihan na nila ang mga ito, ngunit agad din itong nawala dahil sa isang sasakyang nag-drift sa harap nila.
Nilamon ng usok ang paligid dahil sa pagpapaikot-ikot ng sasakyan. Napatakip na lang ang mga ito ng kanilang ilong upang hindi malanghap ang usok. Hindi pa man ito lumalabas sa sasakyan ay kilala na nila kung sino ito.
Nang magsawa na ito kakaikot sa gitna, huminto na ito. Dahan-dahang bumaba ang bintana, at iniluwa doon ang dalawang taong nakangisi habang nakatingin sa kanila. Napa-iling na lamang ang mga ito. Sinasabi na nga ba, tama nga sila kung sino ang mga ito.
Bumaba ang mga ito ng sasakyan. May dala-dala ang mga itong bulaklak. Tulips at red roses ang mga dala nito. Walang pasabing pumunta ito sa kinaroroonan nila Kiel at naglapag din ng bulaklak.
"Natagalan ata kayo?" Takang tanong ni Kiel, pero may halo itong pang-asar.
"Tsk, this guy is worst than a sloth! He takes a lot of time in the shower than me! Ano ba kasing ginagawa mo sa banyo ha?"Ani nito sabay gulong ng kaniyang mga mata. Nagtawanan naman ang mga ito.
"Ano nga ba ang ginagawa ng isang lalaki kung natatagalan ito sa banyo?" Nakangising wika ni Rio. Mas lalong lumakas ang tawa nila dahil sa sinabi nito.
"Bakit kasi hindi na lang kayo magsabay?" Pilyong suhestyon ni Jam. Sinamaan lang siya nito ng tingin. Tatawa naman nitong tinaas ang magkabila niyang kamay na para ba'ng sinasabing nagbibiro lang siya.
"Tama nga naman, dapat nagsabay na lang kayo para masaya." Gatong ni Diamond.
"I think that's a good idea." Nakangangisi nitong sang-ayon sa sinabi ni Diamond. Namula naman ang mukha nito dahil sa pinaghalong asar at hiya.
"Tumahimik ka kung ayaw mo'ng makatikim sa'kin." Banta nito. Imbis matakot, ginanahan pa ito upang mang-asar lalo.
"Hindi na lang pala kita titigilan para makatikim ako sa'yo." Naningkit ang mga mata nito.
"Jehan Sebastian Corrigan!" Humagalpak ang mga ito sa pagtawa. Halos may lumabas ng usok sa mga ilong nito, at namumula-mula na rin ang mukha niya.
"Lara Quinn Miranda Corrigan. My surname fits your name perfectly." Humangin ng malakas kaya napapikit ang mga ito.
Ang mga kandilang kakasindi pa lang ni V ay namatay na naman sa ikalawang pagkakataon. Inis nitong tinapon ang posporo't nakabusangot na tiningala si Lara at Jehan.
"Ayan! Nagalit tuloy sila Tito't Tita dahil sa kalandian niyo! Namatay yung kandilang pinaghirapan kong sindihan!" Nanghahaba na naman ang nguso nito kaya imbis batukan siya ng mga ito'y mas pinili na lang nilang pagtawanan ang mukha niya.
"Tito Raze! Tita Laura oh! Pinagtatawanan nila ako! Huhu! Bully!" Mas lalong lumakas ang tawa ng mga ito. Wala na talagang pag-asa pa'ng tumino ang isang 'to.
"I'll pay my respect to my mom, just a sec." Pagpapaalam ni Jehan. Akmang aalis na ito nang hawakan ni Lara ang braso niya upang pigilan siya.
"I'll go with you." Aniya.
"Are you sure? But..." Tumayo na rin ang iba pa'ng mga kasama nito kaya napatingin siya sa mga ito.
"We'll go with you too Jehan. After all, no matter how bad she is, no matter how we cursed her when she's still alive, she's still your mom. Nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya dahil pinanganak ka niya't dumaan ka sa buhay ng pinsan ko." Mahabang lintaya ni Kiel.
"Ang korni mo Kiel!" Biglang sabat ni Lara.
"Are you all sure? Alam ko malaki ang kasalanan na ginawa ng ina ko sa inyo. Visiting her in her death anniversary is the least thing you would guys do." Nagsitanguan naman ang mga ito kaya wala siyang ibang nagawa kun'di ang hayaan na lang silang sumama sa kaniya.
"How about you? I know you hated my mom so much. Kahit ilang beses man ako humingi ng tawad sa'yo, alam ko hindi pa rin sapat yun." Marahang hinawakan ni Lara ang kamay niya't pinisil ito.
"Don't worry, I've already forgiven her. She's a bad bitch, and I hated her for that. Pero narito ka sa tabi ko dahil din sa kaniya, siguro ay nararapat ko lang din siyang patawarin at pasalamatan. Don't you think so?" Napangiti na lamang si Jehan dahil sa sinabi nito. Napakaswerte niyang may babaeng nagmamahal sa kaniya ng ganito.
"Thank you." He whispered. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, narating nila ang kinahihimlayan ng ina niya.
"Jenah Lexis Corrigan, or should I say Izzeah Vixen Salvador?" Nilapag nito ang bulaklak sa harap ng lapida ng ina niya at nagsindi ng isang puting kandila. Nakatayo lang sa likod niya ang mga myembro ng Emperors, at kasali na rin doon sina Vernon, Ten at Diamond.
"Hi mom... How are you?" Tinitigan niya ang lapida nito habang inaayos ang mga bulaklak. Fine, he hates his mom so much. She lied to him, she hid lots of secrets from him, and more importantly, she broke his trust. What can he do aside from hating her?
"I hate you so much, but I still love you too." He whispered. Napangiti siya ng mapakla, kahit bali-baliktarin niya man ang mundo, ina niya pa rin ito.
"I hate you too, but thank you for giving birth to this jerk." Napalingon si Jehan nang magsalita si Lara. Hindi ito sarkastiko, bagkus ay natutunugan niya pa ang sensiridad sa boses nito.
"Rest in peace..." Dag-dag nito. Pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni-muni ni Jehan, tumayo na siya't lumingon sa mga kasama niyang tahimik lang na nakatingin sa lapida ng ina niya.
"Let's go." Naglakad na ang mga ito pabalik sa kinalilibingan ni Raze at Lauren. Nangunguna rito ay si Lara at Jehan, kasama si Kiel at Ten. Nang makarating sila rito'y agad umupo si Jehan sa damuhan.
"Tito, Tita. Ipapaalam ko nga po pala na ikakasal na kaming dalawa ng anak niyo sa makalawa." Napangiti na lang ito. Kaya sila natagalan sa pagpunta rito ay dahil nakipagkita pa sila sa isang wedding planner.
"WHAT!?"
Sabay-sabay na sigaw ng mga ito. Nakagat ni Lara ang ibabang bahagi ng labi niya, samantalang nakangisi lang ng bahagya si Jehan dahil sa halos lumuwa ng mga mata nila sa gulat. Napahalakhak na lang ito. Inangat niya ang kaliwang kamay niya't pinakita ang engagement ring.
"You guys are fucking engaged!? Bakit hindi niyo man lang sinabi?" Gulantang na atugal ni Kiel.
"I proposed early this morning. I guess you guys are the first to know." Nakangiting wika ni Jehan.
"Eh! Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin para matulungan ka! Hindi tuloy namin nakita!" Sabi naman ni Jessi.
"Hoy Lara, Magkwento kayo mamaya ha." Siniko ni Jennie si Lara kaya napaangat ito ng tingin.
"Psh." Lumapit si Rose kay Lara at niyapos ito sa braso. Parang sinasabi rin nito na magkwento siya mamaya. Naigulong na lang ni Lara ang mata niya't tumango na lang. Wala rin naman siyang magagwa dahil kukulitin lang siya ng mga ito.
"Daya! Ako dapat ang unang magpapakasal 'di ba!" Nakabusangot na usal ni V. Natawa na naman ang mga ito.
"Sira, may pumipigil ba sa'yo? Sige magpakasal ka!" Pambabara ni Seth sa kaniya.
"Gusto ko lang po malaman niyo na mahal na mahal ko ang anak niyo, at hindi ko siya sasaktan. Kung mangyari man yun, multuhin niyo na lang ako." Humangin bigla kaya napaatras ang mga ito. Napalunok pa si Jehan dahil mukhang narinig ng mga ito ang sinabi niya.
"Chill mom and dad, kung saka-sakaling saktan niya man ako, alam kong alam niya kung ano ang kaya kong gawin. Lalo na kung magloloko siya." Tumayo si Jehan at agad hinarap si Lara. Hinapit niya ito sa bewang at hinila papalapit sa sarili niya.
"Didn't I told you already? Hinding-hindi ako magloloko, dahil ikaw lang, sapat na." Namula kaagad ang tenga nito matapos marinig ang sinabi ni Jehan. Inangat ni Lara ang tingin niya't sinalubong ang mga titig ni Jehan.
"Delikado akong mahalin Jehan kaya 'wag na 'wag ka magkakamali." Napangiti naman ito dahil sa pagbabanta ni Lara.
"I know. That's why I love you even though you're the danger itself. I love you dangerously, and shit, I'm even more willing to enter that danger just to get your heart."
And bitch, she's FAB.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro