Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 68


Chapter 68. Suicide Bomb

________________

JENNIE'S POV

"Get you guns ready..." Bulong ko. We're currently hiding in the bushes, just up front in the entrance of their base.

"That's weird, bakit walang putukan?" Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi ni Xael. Pinilig ko muna ang ulo ko. Akmang tatayo na ako upang sumilip, pero pinigilan ako ni Kiel.


"Don't be too reckless. Baka mamaya pagsilip mo paulanan ka ng bala." Kapag nangyari 'yon paniguradong patay ako. Umayos ako ng upo't dinukot muli ang panibagong baril sa belt ko. Mabuti na ang dalawa para sigurado.


"I can see a lot of bodies on the ground..." Nanlaki ang mata ko nang makitang nakasilip si V. Hinila ni Jessi ang tainga niya kaya mahina siyang napamura dahil sa sakit.


"Sira ulo ka ba? Kita mo'ng nagtatago tayo rito tapos sisilip ka? Gusto mo ba'ng mamatay?" Pasinghal na bulong ni Jessi. Pinahaba niya lang ang nguso niy kaya naigulong ko na lang ang mata ko.

"In a count of three, sabay tayong lalabas dito. Don't hesitate to pull the trigger if you saw someone aiming their guns on us." Tumango kaming lahat sa naging mando ni Ten.


"On 3..." Tahimik siyang nagbilang nang walang lumalabas na tunog sa bibig niya. Nang itiklop niya ang panghuling daliri na ginamit niya sa pagbibilang, kaagad kaming tumayo't tinutok ang baril namin.


Ganoon na lang ang gulat at panlalaki ng mata ko sa nakita ko. Hindi ako nagulat sa mga katawang nakahandusay sa sahig, nagulat ako sa dalawang buhay na taong parang wala ng bukas kung maghalikan.


"Woah! What the hell. Ten iba talaga ang pinsan mo. Nasa gyera na't lahat-lahat nagagawa niya pa rin ang gusto niya. Haha!" Binaba ni Vernon ang baril niya't ngumisi habang tumitingin sa kanila.


"I-is that Lara?" Utal kong tanong. Tumango bilang sagot si Ten at Vernon. Napahinga ako ng malalim nang may maisip ako. Now I understand, they carefully planned this fight. She's alive, but everyone thought she's gone. They used that fact to plot a plan behind them.

"Vi-videohan ko lang para remembrance." Dinukot ni V ang phone niya't kinuhanan nga ng video ng dalawa. Ang isang 'to, ayaw talaga magpaawat. Talagang naisip niya pa yun?

"First time ko makitang nakikipaghalikan si Jehan. Mukhang magaling naman siya. Mas magaling pa ata kay Jam!" Dahan-dahan kaming napalingon kay Justine. Kasabay noon ay ang pagdapo ng kamay ni Xael at Rio sa batok niya.


"Tumahimik ka nga. Tumingin ka na lang." Nakangising wika ni Xael. Jusko, isa pa 'to. Akala ko pa naman santo siya.


"Totoo naman ah! Ilang beses ko ng nakikitang nakikipaghalikan si Jam, nakakasawa na nga eh. Puro siya lap-lap! Kakakita ko pa lang kay Jehan kaya naninibago ako. Pagpatuloy mo lang ang pagvi-video V. Ibenta natin kay Jam. Sigurado ako gagawin niya lahat makita lang 'yan." Napailing na lang ako. Santong Kabayo. Magkakaibigan nga silang lahat pare-pareho silang may saltik sa utak.


"Seth would love to see this. Haha!" Impit na tawa ni Rio.

"Kung nandidito lang si Jam, malamang ay sinabi na niyang live porn 'to." Nagpipigil tawang wika ni V.



Napatakip na lang ako ng bibig nang hawakan ni Jehan ang batok ni Lara't pinaupo ito sa kandungan niya. Hindi pa rin napuputol ang halik nila't mukhang may ihahaba pa ito.




"Good for them. They finally saw each other after a month. Halata namang miss na miss nila ang isa't-isa. Pfft~" Pati si Vernon ay nagpipigil na rin sa tawa, pero halata namang natutuwa siya sa nakita niya.



Binaba ko ang baril ko't ngumiti na lang. Both of them must have missed each other a lot. Look at them, talagang hindi nila inindang nasa gitna sila ng labanan sa mga ginagawa nila. Mukhang hindi nga nila alam na kanina pa kami nanonood sa kanilang dalawa ngayon.



"Ibebenta ko 'to kay Jam ng 100 thousand. Sigurado ako bibilihin niya 'to." Parang gagong sabi ni V habang nakangisi. Kung wala lang itong hawak na phone ay malamang kanina pa 'to gumulong sa tuwa.



"Hoy hati tayo ha!" Sabi ni Justine sabay tulak sa braso ni V.



"Huwag ka nga magulo! Ano ka sinuswerte? Bakit naman kita hahatian? Mag-video ka rin para magkapera! Walang kai-kaibigan sa negosyo!" Mahina kaming napahalakhak dahil sa naging banat ni V. Sira ulo talaga ang isang 'to.



"Hala, wala ba silang balak tumigil?" Nakangusong usal ni Jessi. Napa-iling na lang ako, mukhang wala nga silang balak tumigil.



Inangat ni Vernon ang baril niya't pinutok ito sa pader na malapit sa kanilang dalawa. Akmang kakalas na sa halik si Jehan nang hilahin ni Lara ang ulo niya. Natawa ako lalo, seryosong ayaw niya talaga kumalas sa paghahalikan.



Napansin ko ang pagtanggal ni Lara ng kamay niya sa batok ni Jehan. Inangat niya ng konti ang sarili niya sa pagkakaupo sa kandungan ni Jehan sabay dukot niya ng baril niya't tinutok ito sa gawi namin. Pinutok niya ito ng walang pag-aalinlangan kaya nanlaki na lang ang mata namin.



Mabilis pa sa alas kwatrong yumuko kami upang iwasan ito. Matapos ng ilang segundo, tumayo muli kami upang tingnan kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa.

"That girl almost scared the shit outta me!" Napahawak na lang ako sa dib-dib ko dahil nagulat talaga ako sa ginawa niya.

"Malamang ay alam niyang kanina pa tayo nanonood." Pailing-ilang na sabi ni Ten. Eh? Kung alam niyang kanina pa kami nanonood, dapat tumigil na siya.

Napapahalakhak na lang ako. I forgot one single detail about her. Sino nga ba siya? She's Lara Quinn Miranda. The woman you would never predict. Always expect unexpected things from her.

"Hey, get a room later!" Sigaw ni Vernon. Tamang-tama namang kumalas ang dalawa sa paghahalikan. Sabay silang napalingon sa amin. Nagulat pa si Jehan nang makita kami sa harap nila, samantalang nakapoker face lang naman si Lara.

"Shut the fuck up Vernon. Distorbo!" Natawa na lang kami. Tumayo silang dalawa't lumapit sa amin.

"Distorbo? Talaga lang ha? Kung distorbo, dapat kanina pa kayo tumigil dahil narito kami. Don't you think so?" Irap lang ang naging sagot namin. Tumikhim ako kaya napatingin sa akin si Lara. Nangunot ang noo niya nang may mapansin siya.

"Nasaan si Rosas at Taglibog?" I laughed with her sudden remark. Tanggap ko ang rosas eh, pero ang taglibog? Pfft! It's rediculous!

"Jam's with Rosé in the hospital." Kita ko ang pagtaas ng kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Is she okay? Bakit niyo siya pinagkatiwala sa lalaking 'yon? Baka mamaya pagbalik no'n..." Nabitin ang sasabihin niya sa ere nang sumingit sa usapan si V.

"Naniniwala ako sa trust!" Sinipa siya ni Justine kaya napaaray na lang siya.

"Still the same V, stupid and wise. How ironic." Agad ngumuso si V at tumakbo upang yakapin siya, pero hindi pa man ito tuluyang nakakalapit, inangat na ni Lara at Jehan ang baril nila.

"Lara naman eh! Can't I just hug you? I missed you!" Binaba ni Lara ang baril niya't nilinga si Jehan na nakatutok pa rin ang baril kay V.

"Go ahead, hug me." Nakangising sagot nito. Napatingin kami kay V na mukhang nagdadalawang isip yakapin si Lara dahil nakabantay si Jehan.

"Jehan pwede ba?" Pagpapaalam nito.

"No." Bumagsak kaagad ang balikat nito sa naging sagot ni Jehan.

"But why?"

"I should be the one to hug her first." Napakamot na lang ako ng batok. Mukhang wala kami sa ginta ng labanan sa ginagawa namin. Akala mo nasa isang park lang kami't nag-uusap.

"Daya! Ikaw na nga unang humalik sa kaniya eh! Kahit yakap lang ipagkakait mo pa?" Hinampas siya ni Jessi kaya natigilan siya.

"Alam mo ang arte mo! Tsk!" Nangunot naman ang noo ni V.

"Gusto mo ikaw yakapin ko? Asa ka!"

"Kapal ng mukha mo ah! Kala mo naman papayakap ako sa abnormal na gaya mo!"

"Hoy normal ako! Ikaw ang abnormal! Sino--"

"Abnormal kayong dalawa." We said in unison. Nagkatinginan pa kami dahil parehas lang kami ng iniisip.

"Hmp!" Ismid nila. Natawa na lang kaming lahat dahil sa inasal nila.

"What have you been doing Lara? Marami ka pa'ng dapat ikuwento't ipaliwanag sa aming lahat." Xael asked curiously.

"I know, but first we need to--" Naputol ang pagsasalita niya nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

"Hoy! Mamaya na kayo mag-usap! Get your ass working people!" Sigaw ni Diamond mula sa terrace. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa isang babaeng kaharap niya. I guess it's a Mafia Ripper.

Pumaikot kaming lahat nang magsilabasan mula sa baba ang iba pa'ng myembro ng Lancaster Mafia. What the fuck is this? An underground base?

"That asshole sure has something on his sleeves. Akala ko ubos na, marami pa pala." Rinig kong ismid ni Lara.

"Aim your guns, let's go get some blood, sweat and tears." Kasunod ng sinabi niya ay ang pagngisi namin.

The Gangster Empress is surely back.

LARA'S POV

Tinaas ko ang baril ko't pinutok ito sa tuhod ng lalaking papalapit sa akin. Hinawakan ni Jehan ang bewang ko't inangat ako upang sipain ang isa pa'ng lalaking papalapit sa amin. Paglapag na paglapag ko'y agad akong yumuko upang iwasan ang bala ng baril na papatama sa balikat ko.

Ang pinagmulan ng bala ng baril na 'yon ay nakita kong binaril ni Kiel. Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ko. Nginitian ko na lang siya. Nalulungkot ako para sa kaniya. I felt bad about his mom. Hindi niya alam na ang babaeng inaakala niyang si Tita Laura ay mommy ko pala.

"Behind you!" Lumingon siya't sinipa ang lalaking akmang sasaksak sa kaniya ng kutsilyo. Nasuntok siya nito kaya bahagya siyang napaatras.

"Ako na ang bahala rito Kiel. He's a Mafia Ripper, mahihirapan ka sa kaniya." Awat ni Vernon. Lumayo si Kiel rito't si Vernon na ang humarap doon sa lalaki.

"Insan..." Inangat ko ang tingin ko sa kaniya nang lumapit siya sa akin. Ngayon ay napapagitnaan na ako ni Kiel at Jehan habang kaharap ang iba pa'ng myembro ng Lancaster Mafia na papalapit sa amin.

"Alam mo ba'ng ilang baso ng luha ang iniyak ko sa pag-aakalang patay ka na?" Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Mabuti ka pa ilang baso lang. Kamusta naman akong ilang timba ang iniyak para sa kaniya?" Seryosong wika ni Jehan. Ang korni naman nito.

"Pinsan ko siya Jehan. Mas masakit."

"Asawa ko naman siya, kaya pinakamasakit yun."

Naigulong ko na lang ang mga mata ko. Kahit aminin ko ma'ng may nararandaman akong kakaiba no'ng sinabi niya yun, wala kami sa tamang lugar at sitwasyon upang kiligin ako.

"Mas masakit siguro kung suntukin ko kayong dalawa." Umiling na lang sila't walang kagatal-gatal na pinagbabaril ang mga kalaban namin sa harapan.

Tumalikod naman ako't binaril ang mga lalaking nagtatangkang lumapit at barilin din kami. It's not what we call the battle of the fists, it's the battle of the guns. Nakita ko ang pagsara ng nagsisilbing daanan papuntang underground basement nila kaya tumakbo ako papunta roon.

Sumunod sa akin si Jehan at Kiel. Binilisan ko lalo ang pagtakbo dahil mga limang dangkal na lang ito bago magsara. Sa kagustuhan kong makapasok dito, yumuko ako't gumulong papasok. Pagkatapos no'n ay ang marahas na pagpasok ni Jehan. Muntik pa siya makipaghalikan sa sahig dahil dito.

Akmang papasok pa si Kiel nang tuluyan nang sumara ang pinto. Tumayo ako't pinagpag ang suot ko dahil nagkaroon na ito ng alikabok. Napatingin ako kay Jehan, he's looking at me too.

Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung malaman mo'ng ang kinikilala mo'ng ama ay hindi mo pala tunay na kadugo? Paano kung malaman mo'ng walang katuturan ang lahat ng pinaglalaban mo? Ang lahat ng bagay na ginawa mo para makamit ang hustisya sa pagkamatay niya?

"Something wrong?" Umiling ako. Alam ko malalaman niya rin ang totoo. Sooner or later he'll find out.

"Let's find that man, baka naririto lang siya." Tumango siya. Inangat ko ang baril ko habang maingat na inihahakbang ang mga paa ko. Sinisigurado kong walang kahit ano ma'ng ingay ang namumutawi mula sa soot kong boots.

"Isn't it facinating to hear Raze? Sabay tayong mamamatay rito."

Natigilan ako sa narinig ko. Dad's here? What the hell is he doing here?

"Don't you even dare to push the button Gabriel. Marami ng buhay ang nasawi dahil sa'yo. Baka nakakalimutan mo? Naririto rin si Vixen? Kung papasabugin mo ang buong base, mamamatay rin ang babaeng mahal mo."

"I don't care. We'll die together, so be it.We'll see each other in hell anyway."

Nakita ko silang dalawa sa hindi kalayuan kaya nagtago kami ni Jehan upang hindi nila kami makita.

"Besides, your daughter is here."

"Shut up Gabriel. You don't need to remind me I lost her because of you. Dahil sa inyo namatay ang mag-ina ko!"

Ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitawan ni dad. Sinilip ko silang dalawa. Kasalukuyan silang nagtututukan ng baril. May kakaibang lagablab ng apoy ang mga mata nila. Animo'y galit na galit sila sa isa't-isa.

"It would be my pleasure to kill both of them, but your daughter is alive." Naiyukom ko ang kamay ko. He's an asshole! An evil worth for nothing dickshit!

"What do you mean?" Takang tanong ni dad.

"Who do you think is the ringleader of this fucking event? Ang pangyayaring kung saan pinlano ang pag-atake sa base namin na wala na kaming kawala?" Napangisi ako. Ako, ako ang may gawa punyeta ka.

"S-she's alive?" Hinawakan ni Jehan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"You need to show up. I felt pity for him, he's your dad Lara. Bukod sa akin, isa rin siya sa mga nasaktan dahil sa pagkamatay mo. I'll be right here." He kissed my forehead. Sinenyasan niya akong lumabas kaya ginawa ko ang gusto niya.

Paglabas ko'y sinadya ko ang pagpapatunog ng boots ko sa sahig. Dahil dito'y napalingon silang dalawa sa akin. Nang tumama sa mukha ko ang sinag ng ilaw, kaagad nanlaki ang mata ni dad. Parang hindi siya makapaniwalang buhay nga ako't kaharap siya.

"See? Your daughter is alive." Sarkastiko nitong sabi. Imbis mainis ako sa inasal niya, mas lalo ko pa'ng naisipang asarin siya.

"Talagang buhay ako. Akala mo ba ako lang ang nabuhay? Paano na lang kung sabihin kong buhay rin si Queen Lauren Imperial Miranda?" Nagulantang silang dalawa dahil sa sinabi ko.

"Lara, w-what are you talking about?" Kinakabahang tanong ni dad.

"Don't play games on me Gangster Empress." Napangisi ako.

"I'm not playing games with you Gabriel. Mukha ba akong mahilig maglaro?" Sagot ko.

"Put your gun down Missy." Nang ibaling ko ang tingin ko sa kaliwa'y nakatutok na ang baril ni Vixen sa gawi ko. The hell? How'd she...

Pinanlisikan ko ng mata si Gabriel. Kaya pala dada siya ng dada dahil kinukuha niya ang atensyon namin upang hindi mapansin ang presensya ng gagang 'to.

"I think you should put your gun down." Napangisi ako nang marinig ko ang pilyang boses ni mom. Nakatutok na ngayon ang baril niya sa ulo ni Vixen.

"Laura?" Takang tanong ni dad. Naigulong ko ang mga mata ko.

"Have you forgotten me minion?" Nagulat si dad nang sabihin iyon ni mom.

"Tweety?"

I rolled my eyes. I don't know if I should laugh in this situation or not. Dad loves minions, and mom loves tweety, and that's their corny endearment.

"Nasaan ang anak ko?" Tanong ni Vixen. Natawa ako.

"Anak mo? Ang tanong, ituturing ka pa ba niyang ina kung malaman niya ang totoo? Ang totoong pilit mo'ng tinatago sa kaniya?" Napakurap siya. I know Jehan's probably listening, siguro ay nagtataka siya kung ano ang ibig kong sabihin.

"Ilang ulit ko ba'ng sabihin sa'yo na anak ko siya, at si Seb ang ama niya!" Asar niyang sigaw. Namumula-mula na ang mga mata niya at parang ano ma'ng oras ay may lalabas ng luha mula roon.

"Bakit ka nagagalit? Dahil totoo? Totoo na anak mo sa ibang lalaki si Jehan! Hindi niya totoong ama si Tito Seb!" Inangat ko ang kamay ko't tinutok ang baril sa kaniya.

"Look what kind of bitch you are, kahit sino-sino pinapatos mo. Ngayon sabihin mo, Mahal mo pa rin ba siya Gabriel?" Pang-aasar ni dad.

"What the fuck did I just heard?" Lumabas mula sa pinagtataguan si Jehan kaya nakita kong parang binuhusan ng malamig na tubig si Vixen. Kapansin-pansin din ang pamumutla niya dahil sa paglabas nito.

"Tell me what I heard. Totoo ba 'yon?" Umiling kaagad siya. Of course she would say no. Dinukot ko mula sa loob ng leather jacket ko ang copy ng DNA Test na pinagawa ko.

Nginisihan ko si Vixen. Alam kong pupunitin niya lang ito kaya naghanda na ako ng isa pa'ng copy. Inabot ko ito kay Jehan, at nangiginig niya naman itong kinuha sa akin. He need to face the truth. Kahit masakit, dapat kayanin niya.

Matapos niyang makita ang resulta, nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha sa pisngi niya. Pabagsak niyang binaba ang kamay niya habang nakatingin sa ina niya. Nakikita ko ang galit at hinanakit sa mga mata niya.

"You lied to me again. You know how much I trusted you, but you would always ended up failing me." Isang minutong katahimikan ang bumalot sa buong paligid matapos niya itong sabihin.

Inangat niya ang baril niya't tinutok ito kay Vixen. Ang kaninang luhang pinipigilan niya'y bumagsak na sa pisngi niya. Ngayon ay kinamumuhian na siya ng sariling anak niya.

Napakurap ako nang marinig ko ang tunog ng bombang nagco-countdown na. Nakaramdam ako ng kaba, someone set the bomb. Shit!

"Ilabas niyo lahat ng kadramahan niyo sa buhay, mamamatay lang din naman tayong lahat dito." Nagtagis ang bagang ko. Putangina talaga ng gagong 'to.

Umalingawngaw ang tunog ng baril mula kay dad. Binaril niya sa balikat si Gabriel kaya automatiko itong napahiga sa sahig. Akmang hihilahin na rin ni Vixen ang gatilyo ng baril niya upang barilin ako nang walang balang lumabas mula roon. Agad siyang sinipa ni mom sa likod kaya natumba siya.

"Both of you need to go." Sabi niya sabay tadyak kay Vixen. Napatingin ako kay Jehan, nakahilamos lang ang magkabilang kamay niya sa ulo niya na parang hindi alam kung ano ang gagawin.

"How about you? The bomb is..."

"I love you Baby L. Whatever happens I'll be right beside you. Your dad and I will always protect you. Now go, and take yourself to safety. Let the adults handle their own problem." Nilingon ko si dad na kasalukuyang nakikipagagawan ng baril kay Gabriel.

"I love you too mom, tell dad I love him too." Hinila ko ang kamay ni Jehan patakbo upang makalayo sa kanila, ngunit habang tumatakbo kami'y parang napakabigat ng mga hakbang ko.

Hindi ko napansin ang luhang umalpas na sa mga mata ko. Alam kong maaaring hindi na sila makaligtas doon, alam kong maaaring mawala na sila sa buhay ko sa pagsikat ng araw. Ngayon lang kami nagkita, at mukhang ito na rin ang huli.

"Jehan..." Tumigil ako sa pagtatakbo upang lingunin siya. Nakita ko rin ang mga luha niyang nag-uunahan sa paglandas sa pisngi niya. Alam ko, ina niya pa rin ang itinatakwil niya. Alam ko rin na masakit para sa kaniya ang nalaman niya.

"I'm sorry, pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sa'yo. I'm sorry Lara, I really am sorry." Umiling ako't pinunasan ang luha sa pisngi niya. Wala siyang dapat ihingi ng tawad.

"It's alright. Siguro lahat ng 'yon ay nakatakdang mangyari. 'Wag mo sisihin ang sarili mo. Ang kailangan na lang nating gawin ngayon ay ang makatakas dito." Hindi pa man siya nakakasagot ay hinila ko na ang kamay niya patungo sa pinto kanina.

"Paano natin 'to bubuksan?" Tarantang wika ko. Hinawakan ko ang earpiece ko at pinindot ito.

"Diamond? Where are you?" Nakarinig ako ng mga tunog ng putukan at suntukan kaya alam kong naririto pa rin sila.

"Sorry? Pasensya na, may kalaban ako."

"Listen to me Diamond, tell the others to get their ass away from here. A bomb is about to get explode from the underground! Get out now! Sasabog ang bungo nating lahat kung hindi kayo aalis!" Narinig ko ang pagmura niya dahil sa sinabi ko.

"Vernon! Ten! Hoy kayong lahat diyan! Umalis na kayong lahat dito! May sasabog na bomba mula sa underground!"

Nilapitan ko si Jehan na patuloy sa pagkakalikot ng password ng pintong 'to. That ass, talagang nilagyan niya ng password? For sure may hawak din siyang remote nito. Paano niya 'to nagawang buksan kanina kung magkaharap sila ni dad 'di ba?

"Fuck!" Pinaalis ko muna saglit si Jehan upang kalikutin din ang password. Sinubukan ko na halos lahat ng numero pero hindi pa rin tumatama.

Inis kong kinuha ang isang dos por dos na kahoy at hinampas ito doon. Nasira ito't biglang lumuwag ang lock. Buong lakas namin itong inangat upang buksan, ngunit masyado itong mabigat. Nagsimula ng tumunog ang 10 seconds countdown ng bomba kaya mas lalo kong binigay ang boong lakas ko upang maiangat ang pinto.


Nagulat na lang ako nang patigilin ako ni Jehan sa ginagawa ko. Sa lakas ng kabog ng dib-dib ko'y pakiramdam ko lalabas na ang puso ko. Hinawakan niya ang pisngi ko't nakipagtitigan sa akin.

"Mahal na mahal kita." Nakagat ko na lang ang labi ko. Kailangan naming makalabas dito.

"Jehan kailangan nating makalabas ng buhay. Masasayang ang sakripisyo ng magulang natin kung susuko na lang tayo basta-basta." Hinawakan ko rin ang pisngi niya upang ipaintindi sa kanya't 'wag siyang sumuko kaagad.

"Alam ko, pero kung sakali man, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Mas gugustuhin ko pa'ng mamatay kasama ka, kesa sa mabuhay nang wala ka." Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Nang makabawi na ako'y saka ako tumango na lang at sinenyasan siyang tulungan akong i-angat ang pinto.

Walang mamamatay sa aming dalawa. Matagal mamatay ang masamang damo.

Nang maiangat namin ang pinto, kaagad kaming nagkatinginan. Lalabas na sana kami nang mahuli na ang lahat. Narinig ko na lang ang malakas na pagsabog ng bomba. Ramdam na ramdam ko pa ang pagdampi ng mainit na bagay sa balat ko. Naipikit ko na lang ang mata ko habang hawak-hawak ang kamay ng lalaking mahal ko.

Finally, it ended.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro