Chapter 67
Chapter 67. Boombayah
______________
JENNIE'S POV
"Go bring her in the hospital Jam, at 'wag na 'wag ka'ng magkakamaling gumawa ng masama sa kaniya!" Banta ko habang inaalalayan si Rosé papapasok sa kotse niya.
"Umasa ka Jen, pagbalik ni Rose may laman na tiyan niya." Pinanlisikan ko siya ng mata. Walang hiya talaga 'tong gagong 'to.
"Subukan mo lang, sisiguraduhin kong wala ng lalabasan 'yang tamod mo." Napatakip siya ng hinaharap dahil sa sinabi ko. Nagsitawanan naman si Jessi at V, kasama na rin ang iba pa dahil sa sinabi ko.
"Tangina naman, kawawa ng mapapangasawa mo Jennie." Pailing-iling na usal ni Rio habang nakatingin kay Jam na nagamadaling pumasok sa kotse niya.
"Hindi lang kawawa, bug-bog sirado pa siguro kung mambabae pa." Dag-dag ni Justine.
"Hoy!" Sinipa ko ang bumper ng sasakyan ni Jam para agawin ulit anb atensyon niya. Umikot ako't kinatok ang bintana ng driver's seat. Dahan-dahan naman itong bumukas hanggang sa makita ko silang dalawa ni Rosé sa loob.
"Umayos ka, baka kung ano'ng gawin mo sa kaniya. Mapapatay talaga kita." Kamot noo siyang napatingin kay Rosé na nakahawak sa parte ng katawan niyang nabaril kanina.
"May respeto ako sa babaeng nagligtas ng buhay ko." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Walang respe-respeto sa Santong Libog Jam." Irap ko bago siya taliman ng tingin. Sinenyasan ko na siyang umalis na kaya agad siyang tumayo't pinaharurot ang sasakyan niya paalis. Napatingin ako sa relo ko, mag-aalas onse na ng gabi.
"Pustahan tayo may mangyayari sa kanilang dalawa." Rinig kong bulong ni Justine.
"Walang mabubuo! Naniniwala ako sa Trust! Mag-trust tayong la-" Binato ko ng bato si V kaya nagtago siya sa likod ni Justine para hindi siya matamaan.
Pagkatapos ng ilang segundo, lumabas mula sa Underground Bar si Kiel kasama si Ten at Vernon. Mukhang nagmamadali silang tatlo. Lumapit kami sa kanila upang malaman kung saan sila pupunta. Bago pa man sila makapasok sa kanya-kanya nilang sasakyan, natigilan ang mga ito dahil sa paglapit namin sa kanila.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko. Napatingin si Ten at Vernon kay Kiel. Parang sinasabi nilang dalawa na si Kiel na ang magpaliwanag sa amin.
"We're going to the Lancaster Mafia's Base." Pagkatapos niya itong sabihin, naging seryoso ang expresyong ng mukha ko.
"I'm comming with you." Napakurap ito sa tono ng pananalita ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang atraso ng leader ng Lancaster Mafia sa akin, sa aming lahat. They took part of our father's death. Oras na upang singilin ko sila sa buhay na utang nila sa akin.
"Count us in." Dugtong ni Xael. Nagsitanguan naman ang iba niya pa'ng kasamahan.
"The more the merrier. Let's go give em' a good fight." Nakangising wika ni Vernon. The more we are, the more bloody it would become. More chances of winning.
"Nauna na rin si Jehan kasama si Diamond." Dag-dag ni Ten. Namutawi kaagad ang pagtataka sa aming mukha. Diamond? Hindi namin siya nakita kanina. How come she's with Jehan?
"The Lara you saw, that was Diamond. I know you're fucking confused, but we'll explain later." Nagsitanguan na lang kami. We sure are confused. I have a feeling both of them are fake, but I never knew I was right.
Matapos nilang pumasok sa kani-kanila nilang sasakyan, napagdesisyunan kong pumanhik na rin sa kotse ko. Napatigil na lang ako sa pagbukas ng sasakyan ko, nang mapansin kong nakasunod silang lahat sa akin.
"Teka bakit..." Kinuha ni V ang susi sa kamay ko't pumasok sa loob ng sasakyan ko. Aba!
"PASOK MGA SUKI! PRESYONG DIVISORIA! SAMPU-SAMPU, BENTE, TRENTA AT IBA PA! WHOOO!"
Sinundan ito ng pagpasok nila Jessi at Justine. Pokerface akong pumasok sa likod. Wow ha, mukhang ako pa ang nakikisakay sa SARILI kong sasakyan! Ano kaya kung pagtatagain ko sila ng kutsilyo isa-isa? Remind me to do that after we're done with this shit.
"Who'll drive?" I rolled my eyes with V's stupid question.
"Who do you think is holding the key?" Asar kong tanong.
"Uh, me?" Akmang sasapakin ko na siya nang pigilan ako ni Xael at Rio.
"Chill! I will drive! Ang gwapo ko namang driver!" He turn on the car engine and turn the steering wheel.
"Tangina mo! Isa ka'ng abnormal na driver! Kinuha mo sa akin ang susi tapos tatanungin mo kung sino ang magda-drive? Sira ulo ka ba? Oh baka naman gusto mo'ng matira kita riyan?" Hingal na hingal kong bulyaw sa kaniya.
"Matira? Virgin pa ako! Ang bastos mo! Napakarumi mo'ng babae!" Mas lalo lang akong nanggigil sa sinabi niya. Baka gusto niya talagang matirahan ng hawak kong baril!?
"Gago! Gusto mo'ng masuntok? Kumanta na lang tayo!" Isa pa 'to. Nagkasama ang dalawang abnormal!
"PASOK MGA SUKI! PRESYONG DIVISORIA! SAMPU-SAMPU, BENTE, TRENTA AT IBA PA! SING ALONG WITH ME! PASOK MGA SUKI! PRESYONG DIVISORIA! SAMPU-SAMPU, BENTE, TRENTA AT IBA PA!"
"TANGINA ANO BA! LAYAS! LAYAS! IHINTO MO ANG SASAKYAN!"
Patuloy lang silang kumanta na para ba'ng walang naririnig. Napahilamos na lang ako ng mukha nang sabayan din ito ni Justine at Rio. Kaming dalawa lang ata ni Xael ang matino rito.
"PASOK MGA SUKI! PRESYONG DIVISO--" Napatigil sa pagkanta si Xael nang panlisikan ko siya ng mata. Akala ko kaming dalawa na lang matino rito. Nagkamali pala ako, hindi rin siya matino. Tangina magkakaibigan nga sila!
"Wala tayong magagawa kun'di ang sumabay na lang! Haha!" Napasabunot na lang ako ng buhok ko. May pupuntahan pa kaming labanan pero dahil sa kanila parang pupunta lang kami ng Divisoria! Lintek na Divisoria, Circus pala!
"WOT! WOT! WOT!"
Argh. Sarap nila pasabugin. Bakit ba ako napasama sa kanila? Sana pala hindi ko na pinapunta si Rosé sa hospital para may karamay ako rito. Goodness, walang matino sa kanila.
LARA'S POV
"Who are you?" Seryoso kong tanong. If she's alive, I have lots of questions for her. If she's alive, then I really missed her so much.
"Oh come on you little wench, have you forgotten the women you killed almost 5 years from now?" Tuluyan itong nanginig dahil sa sinabi ng babaeng ito. I have no emotions in my eyes, even if I was so fucking confused.
"L-Lauren?" She tilt her head and laugh. Nakagat ko ang labi ko. Even her laugh sounds like my mom. Shit, pinipigilan ko na lang talaga ang sarili kong lapitan siya't tanggalin agad-agad ang maskara sa mukha niya.
"You killed my sister." Nangunot ang noo ko. Her sister? Si Tita Laura? Buhay si Tita Laura!
"What do you mean?" Bigla kong naisambit. Napalingon siya sa akin, at nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya.
"I missed you so much. Tuwing nakikita kita, gustong-gusto kong sabihin sa'yo na buhay ako, pero hindi ko magawa." Mas lalo akong nalito dahil sa sinabi niya. Ano ba talaga ang gusto niyang sabihin? Na palagi ko siyang nakikita? Nakagat ko ang labi ko dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko, I missed her too.
"Sino ka ba!" Nang sumigaw ang punyetang babaeng 'to, kaagad siya pinutukan ng baril sa paanan niya. Malas lang at naka-iwas siya kaya hindi siya natamaan.
"Shut up, whore." Napangisi ako. Burn baby, burn! Napaayos ako ng tayo nang makita kong inangat na niya ang kamay niya upang tanggalin ang maskara sa mukha niya.
"Now that you saw my bare face, are you happy?" Nagulantang ako sa nakita ko. Pabagsak kong binaba ang hawak kong baril dahil sa gulat. This can't be...
"T-tita Laura?" She's Kiel's mom! What the heck is she doing here!? The hell is going on?
"I am not your Tita Laura," She said as she smiled weakly. What does she mean by that? Tangina litong-lito na ako rito! Mas nakakalito pa sa pagbilang ng bulbol ko! Ano raw? Argh! Lara ano ba!
"Huh?"
"Your Tita Laura was a Cosmetic Surgeon remember? Bago mangyari ang lahat, we switched faces. Alam ni Laura na papatayin ako noong araw na 'yon, at hindi niya sinabi sa akin." Humigpit ang pagkakahawak niya sa baril nang sabihin niya ito. Tila ba gigil na gigil siya sa babaeng kaharap niya.
"She injected me with a sleeping syrum. Binago niya ang mukha ko. Paggising ko, mukha na ng kapatid ko ang suot ko. Mukha na ng Tita Laura mo, anak." Napa-iling ako. This is fucking insane! Malala pala talaga mag-isip ang pamilya ko! Now I get it...
Tita Laura knew mom's going to get killed. That's why she changed mom's face into her's, and she changed her face to mom's face. My mind was blown! Nagpa-plastic surgery talaga siya para gayahin ang mukha ni mom. Para siya ang sumabak sa gulo na ikakapatay sana ni mom. Sa gulong siya ang namatay.
All this time, si Laura ang totoong pinagluksaan namin? All this time, ang babaeng akala kong si Tita Laura, ay si mom? What about Tito Terrence? Alam niya ba'ng patay na ang totoong asawa niya? Si Kiel, alam niya ba'ng patay na ang totoong ina niya? What the hell? Can my life get any messier? Why did everything turned out to be this unpredictable?
"Pagbabayarin kita sa mga ginawa mo Vixen. Sa lahat ng ginawa mo sa asawa't anak ko. Hinding-hindi kita hahayaang mabuhay pa." Natahimik ako. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin.
"Get out Baby L, take care. I have to finish some business here." I smiled. How can I be so stupid? She's the only one who calls me Baby L. Bakit hindi ko man lang napansin 'yon?
"May atraso rin siya sa akin mom,hindi ko--"
"Leave this business to the adults, you have some business too 'ayt?" Napakurap ako. I mouthed 'I love you' before going out the door.
I look at them for the last time. Nakababa na ang baril ni mom at nakikipagtitigan lang siya kay Vixen. I love her, and I missed her so much. Masaya na ako't nakita ko siya, masaya na akong malaman na buhay pa siya.
"Lara nasaan ka?"
Nahawakan ko ang earpiece ko nang marinig ko ang boses ni Diamond. She's already here eh?
"Palabas na ako, nasaan ka?"
"Naghihintay ako sa labas."
Tumango ako. I need to get out then. I have something to ask her. Boombayah!
RAZE'S POV
"How's your fucking life Gabriel?" He smirk upon my remark. How I'd love to shove that smirk away from his dickass face.
"Still alive and fucking, Raze." Inalis ko ang pagkakasandal ko sa pader, at nilapitan siyang prenteng nakatayo. This is the Underground Base of Lancaster Mafia. I was lucky to find it, inaasahan ko talagang naririto lang siya.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo? Ang dami mong pinatay Gab. Hindi aksidente, sinadya mo ang lahat. You should be lying dead by now. Rotting in ground with maggots eating your filthy body." Tumawa siya dahil sa sinabi ko. Isang tawang kung maririnig mo'y kulang na lang ihampas mo sa pader para matahimik.
"Nah, I never forget Raze. Hindi ko makakalimutan na lahat ng gusto ko ay gusto ka. Hindi ko makakalimutang ikaw palagi ang nang-aagaw ng mga bagay na nararapat ay akin!" I hissed.
"Wala akong inagaw sa'yo Gabriel. Kailan man ay hindi ako nang-agaw sa iyo!" Singhal ko. I had enough of all his shits.
"I was the Gangster Attendant! Mas matagal akong naglingkod kesa kay Sebastian! Mas nauna akong maglingkog kesa sa'yo! Pero ano, walang nangyari! Dapat ako ang naging Gangster Emperor nang mamatay si Sebastian, pero dahil sa'yo, dahil buhay ka! Hindi ako ang pinili!" Gigil nitong sagot.
"Ganiyan ka ba kababaw Gabriel? Ganiyan ka ba kagahaman sa atensyon at kapangyarihan ng pagiging Gangster Emperor?" Tumawa na naman siya kaya mas lalo akong nainis.
"Shut up Raze. Walang patutunguhan ang usapang 'to. Wala 'tong patutunguhan kung walang isa sa atin ang mamatay rito." Napangisi ako. Kinasa ko ang baril ko't tinutok ito sa kaniya.
"You're right. Why talk? We have fists, guns, and bullets." Sabay kaming nagpaputok ng baril. Walang ni isa sa aming dalawa ang gumalaw upang iwasan ito, dahil kusang nagkasalubong ang mga bala't nagsitalsikan lang ito.
"Lumalaban ako ng patas Raze. You bomb the Base outside, but you forgot the Underground Base. Nagtanim din ako ng bomba rito, at sasabog na ito ilang minuto na lang. We'll die together. Everyone who's stepping their foot in my property, will die together with me."
Naiyukom ko ang kamay ko. This man is purely evil.
JEHAN'S POV
"Diamond, saan ka pupunta?" Tanong ko nanh akmang aalis na siya.
"Hinahanap ko ang Mafia Rippers ng Lancaster Mafia, they must be around here somewhere." Kunot noo akong napatingin sa kaniya.
"Sasama ako sa'yo. Bakit mo ba ako iiwan dito?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit ka naman sasama sa akin? Magkadugtong ba ang pusod natin? 'Pag sinabi kong diyan ka lang, diyan ka lang. Hindi mo malalaman kung anong grasya ang dadating sa'yo kung hindi ka marunong maghintay." Pagkatapos niya iyong sabihin ay napakamot na lang ako ng batok. Daming alam ng babaeng 'yon.
Napatingin ako sa nagkalat na katawan dito sa labas. Puno ng sugat ang katawan nila, at iilan na lang ang sa tingin ko'y may hininga pa sa kanila. They lose their own game. Kinuha ko ang baril na nakalapag sa sahig, at kinasa ito habang iniikot ang paningin ko sa paligid. No one's here, parang lahat sila'y nasa loob at nakikipaglaban.
Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan, kaagad akong napalingon. Tinaas ko ang baril ko't hinanda ko na ang sarili ko sa kung sino man ito. Una kong nakita ay ang kulay itim nitong boots, sumunod ay ang biyas niyang mahaba't ang kaputian ng kaniyang balat sa braso't kamay. Nang dumako ang tingin ko sa buhok niya, nakagat ko ang labi ko.
Tuluyan ko nang nakita ang mukha niya, at parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil kilalang-kilala ko siya. Ang mapipilantik niyang pilik-mata, ang mapupula-pula niyang labi't ang mala-manika niyang mukha. Hinding-hindi ako maaaring magkamali.
Ni hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala siya. Nakatitig siya sa mga mata ko, at parang sinusuri niya ng mabuti ang mukha ko. Napakurap ako ng ilang beses. Kung panaginip man ito, sana may sumuntok sa akin.
"Oh shit!" Napahiga ako ng bahagya dahil sinuntok niya ako sa panga. I groaned in pain. She punched me indeed!
Akmang tatayo na ako nang itulak niya ako pabalik sa pagkakahiga sa sahig. Lumapit siya sa akin at umupo sa bandang tiyan ko. Marahas niyang hinila ang collar ng damit ko na naging dahilan upang mai-angat ko ang ulo ko. Napatunghay ako sa kaniya. Isang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
"Miss me?" Napangisi ako. Yes, I missed you, so damn much.
Hinawakan ko ang collar ng leather jacket niya't tinulak siya, dahilan upang ako na ang nakadagan sa kaniya ngayon. Nakita ko ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa mga labi niya.
"I'm alive. I lied to you." She said playfully. I tilt my head, bakit masaya siyang nagsinungaling siya sa akin?
"One lie, one kiss, remember? Now where's my kiss, Jehan Sebastian Corrigan?" I bit my lips. Is she serious?
Nagulat na lang ako nang kabigin niya ang ulo ko't hinalikan ako sa labi. Pinikit ko na lang ang mga mata ko't sinandal ang magkabilang palad ko sa magkabilang bahagi ng ulo niya. Hinila niya ang buhok ko kaya mas lalong lumalim ang halikan naming dalawa.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa bawat galaw ng mga labi niya. Ang mga labi niyang tila ba sabik na sabik sa akin. I love her so much, I really do. No amount of words and actions can express that. Kahit saan man siya mapunta, susundan ko siya. Kahit saan ma'ng sulok ng impyerno, susunod ako. I will do everything for her.
Gamit ang kanang kamay ko, inangat ko ang ulo niya't pinaupo sa kandungan ko habang hindi pa rin pinuputol ang halik. She clung her arms in my neck as her lips began to form a smile.
Damn, my bitch is back.
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro