Chapter 66
L'S NOTE: Sorry for the late update guys! I'm really sorry, nanakaw kasi ang phone ko. Galing talaga, dumarami na ang mga mandurugas sa Pilipinas! Hindi talaga ako natuwa, ilang gabi ko 'yong iniyakan. Sumalangit ka sana. Enjoy reading guys! Advance Happy Born Day na lang sa'kin, pero nawala pa rin phone ko -,-
⤵️
Chapter 66. Vixen's Secret
_____________
DIAMOND'S POV
Zup y'all guys? How's life? Umaasa pa rin ba kayo? Or not? Anyway, you're probably confused of our situation right now. I'm kind enough to explain everything to you guys.
So here's the chase. The truth is, we found her body, pero pinalabas lang naming hindi namin ito nakita dahil lamang sa isang dahilan. Mas makakakilos si Lara ayon sa plano niya kung iisipin ng lahat na patay na siya. Vernon and Ten found her, kaya nilipat na lang namin siya sa kabilang speed boat, at inilayo sa kanilang lahat.
As soon as she woke up, pinaliwanag naming lahat ang nangyari. Pati na rin ang relasyon niya kay Ten, at ang totoong pagkatao ni Tita Lauren. Alam na niyang pinsan niya si Ten, at alam na rin niyang mahy lahi siyang Crest. Sa isang buwan niyang pananahimik, sa bahay ni Tito Javis siya namalagi.
Pero hindi ibig sabihin no'n ay tuluyan na siyang nanahimik. She was busy doing all methods she can to dig up Vixen's past life. Abala rin siya sa pagpalano laban sa kaniya. Kung may espiya ang Lancaster Mafia sa Gangster Clan, may espiya rin kami sa kanila. Nang malaman naming may balak silang gayahin ang mukha ni Lara sa gaganaping Coronation Night, doon na namin naisipang isagawa ang plano.
Habang abala sa pagmo-monitor ang Lancaster Mafia sa kaganapang nagaganap sa Underground Arena, palihim na magtatanim ng bomba ang mga espiya sa base nila. Kukunin ko ang atensyon nila sa pagpunta sa Coronation Night dala ang pangalan, mukha at pag-uugali ng isang Lara Quinn Miranda. Kung gagawin ko 'yon, masisira ang plano nilang makapaghari sa Gangster Clan.
Kasali na sa plano ang paglusob ng Silvercrest at Avian Mafia sa base ng Lancaster Mafia. It was all planned accurately, at kung hindi ako nagkakamali malamang ay pinapasabog na nila ang mga bomba sa mga panahong ito.
"Drive faster Jehan!" Utos ko. Drive faster, para magkita na kayong dalawa. Alam kong hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nila ang isa't-isa. I knew it ever since Lara keep on asking about his whereabouts. Paminsan-minsan pa nga'y lumalabas siya para sundan si Jehan kung saan man siya magpunta.
Si Jehan, ilang beses ko na siyang nakitang ukiiyak at naglalasing sa Tonic Alley. He look so damned that time, parang pansan-pasan niya lahat ng problema sa mundo. Lalo na kanina, iba'ng-iba ang kislap sa mga mata niya. Parang nagkaroon siya ng pag-asa na buhay nga si Lara.
"I'm driving as fast as I can, but the traffic jam won't help!" Asik niya. Mas lalo niyang binilisan ang pag-overtake sa mga sasakyan.
"Sabihin mo nga, ano ba talaga ang pinaplano niyo? Why are you doing this?" I smirk. Of course he would ask, but I should not be the one to tell him.
"You'll know when we get there." I whispered.
"Fine, be sure to satisfy me with my curiousity." I smiled.
You'll surely be satisfied. Your FAB bitch is alive, jerk.
JENNIE'S POV
"What the hell! We only have 30 seconds left! Hindi pa rin bumabalik si Jam at Rosé!" Kinakabahan kong atugal.
"Sana madefuse nila 'yon sa lalong madaling panahon. Kinakabahan ako tangina!" Rinig kong mura ni Rio.
"They can defuse it, hindi nila hahayaang tuluyang mawasak ang buong Gangster Clan." Positibong sabi ni Xael.
"Sasabog na ang bomba! May fireworks ba yun?" Sabay-sabay kaming napalingon sa sinabi ni V. Gago ba siya?
"Sira ka ba? Sasabog na nga ang bomba, fireworks pa inaalala mo? Eh kung pasabugin ko kaya 'yang mukha mo?" Nakabusangot na wika ni Jessi sa tabi ko. Humaba lalo ang nguso niya kaya pina-ikutan na lang namin siya ng mata.
"Ayos ako. Mukha ba akong may sira? Paano ko naman papasabugin mukha ko? Lalagyan mo rin ng bomba? Edi patay na rin tayong lahat dito!" Hindi na lang namin pinansin ang mga pinagsasabi niya.
"Baka naman kasi nangangabayo na si Jam ngayon." Kunot noo kaming napalingon kay Justine. Ano ba'ng pinagsasabi niya?
"Pfft! Nevermind me!" Pareho lang sila ni V. Pareho silang may saltik sa utak. Sasabog na nga ang bomba't lahat-lahat kung ano-ano pa'ng sinasabi.
"Ang swerte ni Seth! Akalain mo, nagbobombahan na dito't lahat-lahat, tulog pa rin siya! Napakalupit! Swaeg!" Agad binatukan ni Rio at Xael si V.
"Pwede ba, magtino ka nga V." Irap ni Xael. Taray, umiirap din pala siya.
"Sampung segundo na lang..." Kinagat ko ang labi ko. If the bomb explode, they're all gonna be dead. Holy shit!
"BOOM!"
Wala sa sarili kaming napatalsik nang marinig namin 'yon. Sa gulat ko'y natumba pa ako habang nakatihaya sa lapag. Kahit sila Xael ay natumba rin. Nang i-angat ko ang tingin ko, walang bombang sumabog. Ang ingay na 'yon pala ay mula kay V. Kusa lang kaming tumalsik sa ingay na dulot niya sa pag-aakalang bomba 'yon. Tangina!
Asar kaming napatingala sa kaniya. Hawak-hawak niya ang tiyan niya habang namimilipit kakatawa. Sa tingin niya ba magandang biro 'yon? Pinanlisikan na namin siya ng mata pero hindi pa rin siya tumitigil kakatawa.
"Hahaha! Hindi ko na kaya! Bakit kayo tumalsik? Wala namang bomba ah! Pfftt!" Mabilis akong tumayo at binatukan siya, yun na rin ang ginawa ng iba dahil sa kabalbalan niya.
"Oh! Bakit pawisan kayong dalawa!" Gulat na atugal ni Rio habang nakatingin sa paparating na si Jam at Rosé.
"Sabi ko sa inyo eh! Nangabayo si Jam!" Sinapak siya ni V kaya naitikom ni Justine ang bibig niya.
"Ano'ng nangyari?" Seryoso kong tanong nang mapansin kong may tumutulong dugo mula sa bewang ni Rosé.
"Sorry, it was my fault. Sinubukan akong barilin ng isang babae kanina pero sinangga niya ang bala para sa akin." Sagot ni Jam. Nangunot naman ang noo ko. Gaga ba siya? Bakit naman niya gagawin yun? Gusto niya ba'ng mamatay?
Inalalayan namin ni Jessi si Rosé. Nakangiti lang ang gaga habang alalang-alala naman si Jam sa kaniya. Lalong-lalo na't nilalagyan ni Jam ng benda ang bewang niya gamit ang punit nitong damit.
"Ghad, tingin ko may magpapatigas na kay Jam!" Pumalakpak si V at nakipag-apir pa kay Justine.
"Este magpapalambot pala sa matigas niyang ti--puso." Napa-iling na lang ako. Mga kalokohan talaga nila.
LARA'S POV
One thing I learnt when I was dying? When life gives you a crap, give 'em a shit. I guess, that's how I view my own life. I just came to life after death, so what do you expect? Being alive for me, means only one thing. That is to continue what I was fighting for.
"Where is she?" Tanong ko. Imbis sagutin niya ako, mas pinili niyang itikom ang bibig niya. Tinaas ko ang hawakan ng baril ko at hinampas ito sa mukha niya. Another one came to attack me, and I did the same thing.
"Buhay ka? Nakita kitang nahulog sa dagat at namatay!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Nang titigan ko ng mabuti ang mukha niya, saka ko lang naaalala kung saan ko siya nakita. Siya ang lalaking kasama ni Irish noong tinatakas nila si Vixen. He's the one driving the speed boat.
"Tanga ka ba? Kaya nga ako nasa harap mo dahil buhay ako 'di ba?" Sa asar ko'y binuksan ko ang itaas na bahagi ng fridge at hinambalos ito sa mukha niya. He fell flat on the floor.
Inayos ko muna ang pagkakarolyo ng lubid sa balikat ko bago ipaikot-ikot ito upang itali sa leeg ng lalaking papalapit sa'kin. Nang mahuli ng lubid ang leeg niya, hinila ko ito kaya nasakal siya't natumba. Tumunog ang earpiece na suot ko kaya napaayos ako ng tayo upang pakinggan ito.
"Bombs are ready, it's all set."
Napangisi ako, that's what I'm talking about. A bomb is a perfect welcome for my comeback. Tinaas ko ang baril ko't pinaputok ito sa lalaking papalapit sa'kin. Naglakad ako sa isang mahabang pasilyo, nakikita kong may isang pintuan sa sentro nito.
"Bomb it. Fire it up!" Utos ko. Pagkatapos ko 'yong sabihin, nakarinig kaagad ako ng sunod-sunod na pagsabog. When all hell broke lose, you have no choice but to taste fire. The fire that will burn your body, and turn you to ashes.
Sinuot ko ang maskara ko nang makatapat ko ang pintuan. I'm looking everywhere for her, ito na lang ata ang lugar na hindi ko pa napapasok. It's that asshole's office, Gabriel Lancaster's office. Nang buksan ko ang pintuan, may nakita akong bulto ng isang babae. Inangat ko kaagad ang baril ko't tinutok ito sa dib-dib niya, at nang lumingon siya'y mas lalong lumawak ang ngisi ko.
Pinasidhan niya ako ng tingin. Parang sinusuri niya kung sino ako, at nahahalata ko sa mukha niya'ng parang nakikilala niya ako pero hindi lang siya sigurado. 'Yon ay dahil may suot akong maskara.
"Sino ka?" Tanong niya. I snickered with delight. She's so funny.
"How sad, you killed me." Napansin kong parang natigilan siya sa sinabi ko. Nakita ko pa ang paghigpit ng paghawak niya sa phone niya. She looks like she just remembered something...
"Sino ka!" I rolled my eyes. Since she's dying to know who I am, might as well show her my face. Tinanggal ko ang maskara ko't nakangising inangat ang tingin sa kaniya.
"Miss me?" Nakita ko ang panginginginig ng katawan niya nang makilala ako. Parang hindi siya makapaniwala't may kung ano'ng gumugulo sa isipan niya. Wala sa sarili akong napangisi.
"What? You look like you've seen a zombie rising up from the dead." Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nanginginig niyang tinapat ang hawak niyang phone sa bibig niya.
"Nandiyan ba siya? Nandiyan pa rin ba ang babaeng 'yon?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin. I smirk, she must be talking about Diamond in the Underground. Alam kong kasalukuyan siyang nakikibalita sa nagaganap na Coronation Night.
Matapos siya sagutin ng kausap niya, binaba niya ang phone niya. Parang alam na niyang planado ko lahat, kaya naman isang nakakabasag tengang tawa ang bumalot sa loob ng apat na sulok ng office na 'to.
"So you planned this too?" I plastered an irritating smile on my lips. That's right,everything was my plan.
"I'm always one step ahead of you." I saw how she clenched her fist. Kahit walang lumalabas sa bibig niyang salita, alam kong nasabi na niya lahat ng mura sa isip niya.
"I'm back, bitch." Nagkatitigan kaming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagbalak kumurap. I stared at her, wala pa rin siyang pinagbago, still the same heartless and selfish bitch as ever.
"Bakit buhay ka pa? Hindi ba't binaril kita?" Napangisi ako. It's my turn to laugh this time. Bakit nga ba buhay pa ako? How the hell did I managed to live even if I died? Or let's just say, even if I almost died.
"Babaril ka na nga lang, hindi mo pa inasinta ng maayos." Inikot-ikot ko ang baril ko habang nakatingin sa kaniya. I'm teasing her, it's good to have a warm-up exercise anyway.
"'Wag na na 'wag mo akong susubukan. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin!" Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
"Only a fool makes threats, and only another fool feels threatened." Mas lalong namutawi ang pagkaasar sa mukha niya matapos kong bitawan ang mga salitang 'yon.
"Sa bagay, hindi ko naman talaga alam kung ano pa ang kaya mo'ng gawin. Bukod sa pagtataksil na ginawa mo sa asawa mo, sa mga matalik mo'ng kaibigan, at sa buong Gangster Clan, may isa ka pa palang pinagtaksilan." Napakurap siya sa sinabi ko.
"A-ano ang ibig mo'ng sabihin?" Tinigil ko ang pagkakaikot ng baril sa kamay ko't pinasok ito sa belt ko. Humakbang ako papalapit sa kaniya nang hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.
"Akala mo hindi ko alam?" Sa pagkakataong ito,nakita ko ang kaba sa mga mata niya. Napangisi ako ng bahagya. Tama 'yan, kabahan ka. Dahil mas kamumuhian ka niya 'pag malaman niya ang totoo.
"Akala mo ba hindi ko alam na hindi totoong anak ni Tito Seb si Jehan?" Napangisi ako. Nanginginig na ang mga daliri niya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kamay niya, tinago niya ito.
That's Vixen's little secret.
"Stop sprouting nonsense! Wala ka'ng patunay!" Kinuha ko sa bulsa ng leather jacket ko ang isang envelope. Binuksan ko ito sa harap niya't pinakita sa kaniya ang resulta ng DNA.
"Are you still going to deny it?" Hinablot niya ito sa kamay ko at pinunit. Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa ginawa niya. Look what we have here, the bitch who was caught in her own lie.
You heard it all right. Jehan is not Tito Seb's real son. Anak siya ng lalaking naka-one night stand ng babaeng 'to. No one knows that man's name, but one thing is certain. She's not just a selfish evil bitch, she's also a broken whore, with only dicks to heal her hole.
"You think you can bury that secret to your grave? You think no one will know till you die?" I hissed. Nagloko rin siya kay Tito Seb, she had sex with other man before they get married. Kaya akala ni Tito Seb siya ang ama ng dinadala niya. Siguro'y kaya kamukhang-kamukha ni Jehan si Tito Seb, dahil pinaglihian siya ng babaeng 'to.
"S-shut up!" Naiyukom ko ang kamay ko. Kung hindi dahil sa kahangalan niya, maaaring maayos pa namin ni Jehan ang problema naming dalawa.
Inangat ko ang kamay ko't tinutok muli ang baril sa dereksyon niya. Kinasa ko ito't walang kagatal-gatal na tumingin nang deretso sa mga mata niya. I'm so done with her, kahit siya pa ang ina ng lalaking mahal ko. Ang kamatayan niya lang ang magpapatahimik ng buhay ko.
"Mind if I join you?" Automatikong napalingon kaming dalawa nang marinig ang boses ng isang babae.
Nakasuot ito ng puro puting kasuotan, at may suot siyang kulay puti rin na maskara. Lumapit siya sa aming dalawa habang pinapaikot-ikot ang hawak niyang dalawang baril. Pinilig ko ang ulo ko't kinilatis siya ng mabuti. Mayroon siyang kulay itim, at mahabang buhok, matangkad siya't may kaputian. Ang kulay ng balat niya'y parang galing ibang bansa.
"Who are you?" I rolled my eyes when we asked the same question. I really hate everything about Vixen.
"I'm someone who's supposed to be dead, but I ended up being alive anyway." She said sarcastically. Nangunot ang noo ko.
What the hell is this? What's going on? Why does she sound like the woman I knew? Why does she sound like, my mom?
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro