Chapter 65
L'S NOTE: Hey guys, Happy New Yeah! Tipsy si ako dahil naka walong shots ako ng Novellino. Kaya pasensya sa kabaliwan ng chapter na 'to. I really enjoyed reading all your comments. I was inspired and all, and I was laughing my ass out with your reactions. I love you all! Muah!
⤵
Chapter 65. Baddest
__________
JEHAN'S POV
"Who are you?" Seryoso kong tanong. She didn't answer, she just stared at me instead. I just realized something while having an eye to eye contact with her. Something is wrong with the emotions in her eyes. Yes, it shows longing and love, but it seems like it shows a lot of desire--which I don't normally see in Lara's eyes.
Pagkatapos ng ilang minutong pagtititigan namin, sumenyas sa ere si Kiel. Pagkatapos no'n nakita ko na lang ang pagkaroon ng tatlong pulang tuldok sa katawan ng babaeng kaharap ko. Isa sa ulo, isa sa dib-dib, at isa naman sa tagiliran. Nang mapalingon ako'y nakita ko si Jessi mula sa malayo. Malapit siya sa passageway C, kaya automatiko akong napatingin sa iba pa'ng mga passageway. Hindi nga ako nagkamali, dahil nakita ko si Rose at Jennie.
Good grief, mabuti na lang at handa rin sa kahit ano'ng mangyari ang mga Gangster Rippers. Ibanalik ko ulit ang buong atensyon ko sa babaeng kaharap ko. Nakita kong napatingin siya sa dib-dib niya, kung saan may kulay pulang tuldok doon. I know she realized someone's gonna pull the trigger if she made a wrong move.
"Tinatanong kita, sino ka?" Pag-uulit ko. Hindi niya pinansin ang naging tanong ko. Nakita ko lang na napasulyap siya sa gawi ni Jessi, kung saan nagmula ang kulay pulang tuldok sa dib-dib niya.
"You will tell who you are, or I'll let them shoot you?" Imbis na sumagot, wala siyang ibang ginawa kun'di ang humalakhak. Isang halakhak na parang pilit lang.
"What do you like about her? Ano'ng meron sa babaeng 'yon na wala ako?" She whispered, but I can clearly hear what she said.
"She has my heart. That's the thing you don't have." Maikli kong sagot. Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. She gave me a weak smile, hinawakan niya ang leeg niya't may kung ano'ng bagay na hinawakan doon.
Tinaas niya ang kamay niya't doon ko lang nahinuhang may suot pala siyang prosthetic mask. Unti-unti niya itong tinanggal hanggang sa makita ko ang kabuoan ng mukha niya. Napakurap ako, at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa baril ko.
"Irish," I mumbled. I was shaking, as anger started to rage on my system. She took part of the incident, she's one of the reasons why she's gone missing.
"How dare you!" Kinasa ko ang baril ko. Humakbang ako papalapit sa kaniya kaya bahagya siyang napaatras. Sa pagkakataong 'to, nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa galit. Malaki ang kasalanan niya, lalong-lalo ng ng ama niyang si Gabriel. Kahit kailan man ay hindi ko sila mapapatawad sa kasalanang 'yon.
"J-Jehan..." I scoffed. Hearing her say my name is disgusting. Her voice is the least thing I would want to her, and seeing her in front of me urges me to pull the trigger and kill her.
"Shut that filthy mouth of your's, bitch." Naitikom niya kaagad ang bibig niya dahil sa sinabi ko. I had enough. I had enough of all this shit.
"I'm so sorry." Hihilahin ko na sana ang gatilyo ng baril, nang bigla siyang magtapon ng gas bomb sa sahig. Kasabay no'n ay ang pagpatay ng ilaw sa buong Arena. Tinakpan ko ang ilong ko nang makaamoy ako ng nakakasakit ilong na amoy mula sa gas bomb.
May humawak sa kamay ko't hinila ako nito palayo. Nang bumukas ang ilaw, lumingon ako't hindi ko na nakita pa si Irish. Pagkatapos ng ilang segundo'y may sumabog na bomba sa gitna ng Arena. Tumalsik kami nito pareho. Unang lumagapak sa sahig ay ang katawan ng babaeng kaharap ko, at ako ang pumapaibabaw sa kaniya. Nang mapadako ang tingin ko sa leeg niya, hindi ko nakita ang nunal na sinasabi ni Kiel.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Sinuntok ko ang kaliwang kamay ko malapit sa mukha niya kaya nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Who the fuck do they think they are? How dare them use her face to fool me. Damn it!
"Sino ka?" Kumarap siya. Tinakpan niya kaagad ang leeg niya't sinubukang tumayo, pero hindi ko siya hinayaan sa gusto niyang mangyari.
"I said who are you! Goddamn it!" Sigaw ko habang nagpupuyos sa galit. Hindi ko lang matanggap na nawala ang pag-asa kong buhay pa siya. God knows how happy I am when I saw her, God knows how thrilled I am seeing her standing in front of me.
Kahit pa nalaman kong dalawa sila, naniwala akong isa pa rin sa kanila ang totoong Lara. Naniwala pa rin ako na buhay siya. But now that the truth slaps me, I just couldn't take this anger much longer. Wala silang karapatan upang gayahin ang mukha ng babaeng mahal ko.
"Answer me!" Sumabog muli sa pangalawang pagkakataon. Rinig na rinig ko ang pagtatalsikan ng mga kable ng bakal, pati na rin ang sunod-sunod na putukan ng baril, at kalansing ng katana. Pero wala akong pakialam.
"Bitawan mo ako, ano ba!" Sigaw niya. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya na para ba'ng may nakita siyang taong papalapit sa gawi namin. Buong lakas niya akong tinulak kaya napahiga ako sa sahig. She pull out her gun, and shoot the man who was about to shoot me.
"Tangina mo! Kung mamamatay ka, ako ang papatayin niya!" Singhal niya sa'kin matapos niya akong suntukin sa panga. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Tumayo ka na riyan! We need to catch that bitch!" Tatayo na sana ako nang magpaputok na naman siya ng baril. Nang dumako ang tingin ko sa baril niya, saka ko lang nakita ang letrang nakaukit doon. Nang mabasa ko ito ay kaagad nanlaki ang mata ko.
"Diamond!?" She smirk. Tinanggal niya ang prosthetics na suot niya't tinapon ito sa kung saan.
"The one and only." Inihip niya ang dulo ng baril niya saka ako kinindatan. Napatanga na lang ako. What the hell is she doing here? She's the Avian Mafia's daughter. They can no longer meddle with us.
"Now stand up, and get your ass working! We need to go!" Tumayo ako't lumingon sa gitna ng Arena. Nagkakagulo na ang mga gangsters sa loob. Napansin ko kaagad ang mga armadong kalalakihan na kinakalaban ng mga Emperors, Ravens, at Eye. Pati rin ang matitinis na putok ng baril na mula sa tatlong Rippers na nakapwesto sa ring bars ng passageways ay rinig na rinig ko.
"Pero ang mga..." Umiling siya at sinenyasan akong sundan na lang siya.
"Kayang-kaya nila ang mga 'yan. Isa pa, backups from Avian and SilverCrest Mafia are comming. Hindi nila malulupig ang Gangster Clan." Still, no one will lead them. Ako ang bagong Gangster Emperor kaya ako dapat ang magmamando kung ano ang gagawin nila.
"Kung iniisip mo ang responsibilidad mo, nariyan si Vernon at Ten." Tinuro niya ang dalawang lalaki na nangunguna sa pakikipaglaban sa mga myembro ng Lancaster Mafia.
"They can lead, kaya tara na! You don't want that bitch to get away, do you?" Tumango ako. Dinukot ko ang baril na nakatago sa belt ko't pinaikot-ikot ito. I won't let her get away, not in a second time around.
"Why are you guys meddling with Gangster Clan's affairs?" Tinaas ko ang kamay ko't binaril ang lalaking papalapit sa gawi ko.
"We're about to be united as one." Maikli niyang sagot. Sumeryoso ang mukha ko. Alam ko na ang totoong may dugong Crest si Lara. Alam ko na rin na pinsan niya si Ten, pero malabo ng magsama ang Gangster at Mafia, lalong-lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita.
"It's impossible." She rolled her eyes as she lead the way to the tunnel. Napalingon ako sa Underground Arena sa huling pagkakataon, I hope none of them get hurts.
"Saglit, paano natin malalaman kung nasaan siya? We don't have anything to track her down." Hinagis niya sa akin ang isang maliit na device, sinalo ko naman ito. Pinindot ko ang nag-iisang button sa gitna, at may lumabas ditong hologram.
I can only see three things in this hologram. The red dot, the green dot, and the map. Pansin ko rin na hindi pa gaano nakakalayo ang red dot sa green dot. Inangat ko ang tingin ko upang tingnan si Diamond, she's smirking from ear to ear.
"How did you manage to track her down? Sa pagkakaalala ko, hindi ka nakalapit sa kaniya ng husto." Kinuha niya ang device sa kamay ko't hinagis ang susi ng kotse niya.
"Remember the smokes earlier? Gumamit ako no'n para hindi niya mapansin ang flying bug tracker na papalapit sa kaniya." Napangisi ako. She's not just the Avian Mafia's daughter for nothing.
Pumasok ako sa loob ng kotse niya't agad itong pinaharurot. Nilinga ko siya upang tanungin kung saan patungo ang babaeng 'yon, nagtaka na lang ako nang makita ko ang pagngisi niya.
"You'll be meeting soon."
"What?"
"Ah, she's heading in their base. Lancaster Mafia's Base."
I stepped the accelerator to fasten the pace. I swear to hell I'll make em' pay. I'll point, aim, and shoot them with my gun. 'Cause I'll make sure they won't escape my wrath. No, not today.
JAM'S POV
"Did you see my gun? Did you see my gun?" Tinaas ko ang paa ko upang sipain ang baril ng lalaking papalapit sa'kin. Tumilapon ito sa gawi ni V kaya agad niya naman itong sinalo.
"Oh! Thanks for the gun Jam!" Agad niya itong tinutok sa kalaban niya't binaril ang binti nito. Nang may lalaki na namang lumusob sa kaniya'y nakikipagpatentero pa siya rito.
Natagalan ang pagtitig ko sa kaniya kaya hindi ko napansin ang kamaong papalapit sa panga ko. Mabuti na lang ay naagapan ni Rio at nasuntok niya ang lalaki bago pa dumampi sa panga ko ang kamao niya.
"You got no jams!" Napangiwi ako. Umikot ako pakaliwa at sinuntok sa kaliwang pisngi ang panibagong kalaban. Natumba ito't napahiga sa sahig habang namimilipit sa sahig. Natanggal ang maskara niya kaya bumungad sa'kin ang napakaganda niyang mukha.
Saglit akong nawala sa wisyo. Nabalik lang ako sa realidad nang suntukin niya ako sa kanang pisngi. Hinawakan ni V at Justine ang magkabilang braso ko, kaya iniling ko muna ang ulo ko dahil sa epekto ng suntok sa'kin. Naalog ata buong utak ko.
"Nasuntok ka ng babae? You got no jams!" Pabalang akong tinulak ni V at Justine upang harapin ang iba pa'ng kalaban. Umayos ako ng tayo't pinatunog ang mga daliri ko.
Sinipa ko siya, pero naiwasan niya ito ng walang kahirap-hirap. She has a face of a Russian, which is really fucking attractive. Pinaulanan niya ako ng sipa at suntok, kaya atras lang ako ng atras habang sinasangga ang bawat galaw na pinapakawalan niya. Sa huli niyang suntok ay sinalo ko ang kamao niya. Hinigit ko ang kamay niya kaya napalapit siya sa'kin.
"A beautiful girl like you, shouldn't be around here, you know. Are you lost?" Nginisihan niya lang ako't umamba na naman ng suntok, pero nasalo ko na naman ito kaya wala na siyang kawala sa'kin.
"I like your lips, can I taste it?" Bago ko pa mailapit ng tulayan ang mukha ko sa kaniya, nagulat na lang ako nang makarinig ako ng matinis na putok ng baril. Agad natumba ang babae sa sahig, may tama ito ng baril sa dib-dib. Nang i-angat ko ang tingin ko, nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Rose.
"What the fuck!" Napaatras ako nang barilin niya ako sa bandang paanan ko. Muntikan na ako matamaan kung hindi ko lang hinakbang paatras ang paa ko. The hell is her problem?
"Woah!" Umiwas ako dahil sa taong binalibag ni V. Nanlaki ang mata ko nang dambahin niya pa ito't suntok-suntukin. Tinaas ko ang paa ko at tinadyakan sa mukha ang kalaban niya. Napairap na lang ako nang magsimulang manghaba ang nguso niya.
Nakarinig ako ng lagating ng katana kaya sabay kaming napalingon sa pinagmulan nito. Mula ito sa mga sandatang hawak ni Kiel, Xael, Jethro, at Rio. Nakikipag-espadahan sila sa mga kalabang mula sa Lancaster Mafia. Napatingala ako muli sa gawi ni Rose, nakikita kong tinututukan niya ng sniper ang kalaban ni Xael. Nang ibalik ko naman ang tingin ko kay Xael at sa kalaban niya, masyadong mabilis ang kilos nila.
"Luke, sa likod!" Sigaw ko. Mabilis siyang yumuko upang iwasan ang kutsilyo na tatarak sana sa likod niya. Sinipa niya ito sa paa, at hinablot ang kutsilyo sa kamay bago ito itarak sa tuhod ng kalaban niya.
"Aww!" Napangiwi ako nang may sumipa sa likod ko. Nang humarap ako'y bumungad sa'kin ang napakagandang hubog ng katawan niya. No doubt, this is a sexy woman.
"Hi there ba--shit!" Napaatras ako nang hagisan niya ako ng kunai. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagiging marahas niya, umamba na siya ng sipa. Hinawakan ko ang paa niya't hinigit siya papalapit sa'kin.
"Where the hell..." Kasabay ng matinis na tunog ng baril, natumba na naman ang babaeng kaharap ko. Mabilis pa sa alas kwatrong napatingala na naman ako sa gawi ni Rose. Nangunot na lang ang noo ko nang itaas niya ang middle finger niya. Tangina?
"J-horse on the way! " Yumuko ako nang tumalon mula sa likod ko si Justine upang sipain ang papalapit na lalaki. Tumama ang kaliwang paa niya sa dib-dib ng lalaki kaya tumalsik kaagad ito.
"Talagang pinandigan mo pagiging kabayo mo ha." Irap ko. Tumawa lang siya saka sinalo ang baril na hinagis ni V. Imbis na iputok niya ito sa kalaban niya, ginamit niya lang itong panghampas sa mukha.
"This is Lavender, gangs get out in the Underground Arena right now! Someone planted a bomb in the main base! Tatlong minuto na lang ang natitira! Hurry!"
Nagkagulo na ang buong gangsters sa paligid. Kung kanina'y halos lahat ay nakikipaglaban, ngayon nama'y nag-uunahan na sila sa pagtatakbuhan para makalabas ng Arena.
"Damn!"
"Walang makakaalis sa inyo ng buhay!" Sigaw ng isa sa mga kalaban nilang may hawak na katana. Naalarma ako nang makita kong may sugat na sa balikat si Xael. Nang matalo na ni Rio ang kalaban niya, kaagad niyang tinulungan si Xael.
"Ang sino ma'ng manakit sa kaibigan ko, mapapatay ko." Seryosong wika ni Rio. Agad kong nilapitan si Xael. Nakahiga siya sa sahig habang hawak-hawak ang duguan niyang balikat. Bukod doon ay may dugo rin na dumadaloy mula sa braso niya.
"Ayos ka lang ba?" Tumango siya. If there is something I hate, that would be seeing my friends bathing their own blood. Lumapit sa'kin si V, at inabot ang suot niyang bandana. Kinuha ko na lang ito't tinali sa braso ni Xael.
"Jennie, shoot these assassins first, hindi tayo makakaalis dito hangga't hindi sila nauubos." Rinig kong sabi ni Kiel. Nakikipaglaban din siya sa mga ito habang walang kagatal-gatal na iniwawasiwas ang hawak niyang katana.
"May tiwala ako sa inyo. Alam kong hindi niyo kami sasaktan. Just focus okay? Sa inyo nakasalalay ang buhay namin dito." Dag-dag niya. Nang ilibot ko ang paningin ko'y sadyang napakabilis ng mga kilos nila. Kung ako ang nasa kalagayan ng tatlong Rippers, mahihirapan ako sa pagtukoy ng target ko. Lalong-lalo na't maaari silang pumalya, at iba ang mabaril.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong may tumamang bato sa mukha ng lalaking kalaban ni Rio. Paglingon ko, nakita kong may hawak-hawak na tirador si V. What the fuck?
"No one mess with V." Pinikit niya ang kaliwang mata niya't pinakawalan ang batong mula sa tirador niya. Tumama ito sa hawakan ng katanang hawak-hawak ng kalaban ni Kiel. Tumalsik ito kaya si Kiel na lang ang may hawak na katana.
"V, you're a genius!" Isang ngisi lang ang ginanti ni V. Pagkatapos ng ilang segundo, sunod-sunod na putok ng matitinis na baril ang umalingaw-ngaw sa buong Underground Arena. Natumba ang natitirang assassins sa sahig. Nakabulagta na ito't wala ng malay.
"Guys! Get out! Now! Dalawang minuto na lang ang natitira!" Umapila na sa amin si Vernon at Ten. Nagsitanguan na lang kaming lahat, at nagsimula ng umalis sa Arena.
Natigilan na lang ako nang may maalala ako. Waiy a sec, how the hell did they get in here? They are the heirs of two powerful mafias. Hindi sila pwedeng mangialam sa gulo ng mga gangsters! Where the heck--
Nang lumingon ako, nakita ko silang papunta sa main base ng Underground. No way! Are they seriously thinking to defuse the bomb!? No fucking way!
"Kiel, hindi ba't si Lara ang nagdefuse ng bomba sa Underground Bar? Hindi mo ba naitanong sa kaniya kung paano?" Rinig kong sabi ni Jethro.
"Black wire..." Tumigil siya sa pagtakbo't bumalik papasok ng Arena.
"Kiel!" Pagtawag namin sa kaniya.
"I'll be back! Tutulungan ko lang sila!" Tumango na lang kami. May tiwala naman kami sa kaniya.
"Jen! Asan si Rose?" Hingal na tanong ni Jessi nang makalabas na kami ng tunnel. Inikot ko ang paningin ko, hindi ko siya makita.
"What the fuck!" Malutong na mura ni Jennie nang mapansin niyang wala nga si Rose rito.
"Baba--" Pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa'kin.
"Ako na ang bahala, stay here. Isang minuto na lang ang natitira. Malapit lang naman ang passageway doon. I'll be back with her, I promise." Bago pa sila makapagreklamo, tumakbo na ako pabalik ng Arena.
What the heck am I even doing? I'm digging my own grave out here. Shit.
HER POV
Yes, I've made mistakes. Life didn't come with instructions. And if it did, I wouldn't follow them anyway. I have my own rule, and I'm the only one allowed to break it.
If you thought I'm dead, then you better think again. Think not once, but twice, or thrice. You're smart, but I'm a genius. You think you got away, but you're already on my trap. You think you're winning the game, but you're already losing. You're a bad bitch, but I'm the baddest.
I pull the rope and choke the man who attacked me. I kicked the other one, causing him to fell on the glass table. Others tried to attacked me, but I shoot them with my gun. I flip my hair, and smirk.
You live by the gun, you die by it too. Bitch, I'm FAB.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro