Chapter 64
Chapter 64. She's Back
___________
JENNIE'S POV
"What the hell is going on? Sino ang babaeng 'yan? Hindi ko siya masyadong makita mula rito." Bulong ko.
"Shit, you'll never gonna believe it." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Jessi. Sa aming tatlo, siya ang pinakamalapit sa Arena, kaya nakakasigurado akong nakikita niya ng mabuti ang mga tao mula roon.
"'Wag ka namang pabitin Jessi, sino ang babaeng 'yan? Is she the intruder?" Atat na tanong ni Rosé. Inayos ko muna ang pagkakapwesto ng magkabila kong binti sa bar rings na kinauupuan ko. Nangangawit na rin kasi ako't nangangalay na braso ko.
"It's Lara..." Muntik na akong mahulog nang marinig ko ang sinabi niya. Inayos ko pa ang pagkakalagay ng earpiece sa tenga ko dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.
"What? Are you sure? Hindi magandang biro 'yan Jessi." Paninigurado ni Rosé.
"Suot niyo ba ang glasses na bigay ng Gangster Emperor?" Umiling ako. Hindi ko ito suot pero nakasabit lang naman ito sa collar ng damit na suot ko.
"Wear it, push the button in the right side." Sinuot ko naman ito, at pinindot ang maliit na button sa right side tulad ng sinabi niya. Nang pindutin ko ito ay agad nagzoom-in ang paningin ko. Hinawakan ko ng mabuti ang salaming suot ko, at binaling ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa gitna ng Arena.
Naalala ko ang babaeng dumaan sa passageway na binabantayan ko kanina. That can't be, buong akala ko namamalikmata lang ako sa nakita ko. Pinasidhan ko ng tingin ang likod niya, hindi pa siya lumilingon sa gawi ko kaya hindi pa rin ako nakakasigurado kung siya nga ba talaga 'yan. Ngunit tindig pa lang, ang buhok niya't, ang angas ng pananamit niya, walang duda na si Lara nga 'to.
"Side view lang ang nakikita ko, at kamukhang-kamukha niya nga si Lara." Rinig kong sabi ni Rosé.
Namatay bigla ang ilaw kaya hinanda ko na ang hawak kong baril. Ikalawang beses na nangyari ang pagpatay ng ilaw, kaya mas mabuting handa na kami sa ano ma'ng maaaring mangyari. Bumukas ang ilaw kaya agad akong napalinga upang tingnan kung may kalaban ba o wala.
"You think you can conquer the Gangster Clan, bitch?"
Hinanap ko kaagad kung saan nagmula ang boses na 'yon. Rinig na rinig ito sa buong Arena, kaya halos lahat ng mga gangsters sa paligid ay napapalinga rin upang tukuyin kung saan nagmula ang malamig na boses na 'yon. Malamang ay nag live broadcast ito sa Operating Room, pero malabo naman itong mangyari dahil nakalock ito ngayon.
"How you dare, how you dare." Mapaglaro nitong wika.
Pagkatapos ng ilang segundo, napuno ng puting usok ang buong Arena. Halos wala na akong makitang tao sa kapal ng usok nito. Kinuha ko ang itim na panyo sa bulsa ko't tinali ito sa mukha ko upang takpan ang ilong ko.
"Nawala sa paningin ko si Lara." Wika ni Jessi. Nang hagilapin ko kung nasaan siya, hindi ko na rin siya makita dahil sa kapal ng puting usok.
Natahimik na lang ang lahat nang makarinig ng papalapit na tunog ng takong. Matinis ang tunog nito't talagang nakakakaagaw ng pansin. Pinakinggan ko ng mabuti kung saang dereksyon ito papunta, ngunit sadyang nakakalito itong matukoy kung saan. Nakarinig ako ng pagkasa ng baril kaya naalarma ako.
"Get ready, we'll shoot anytime."
"Wait a sec, nakikita ko na siya..." Dahil sa sinabi ni Jessi, napatingin ako sa Arena. Puno pa rin ito usok, pero unti-unti na itong nawawala. Nangunot na lang ang noo ko nang maaninag ko ang dalawang babaeng nagtututukan ng baril.
"What the fuck...This is...This is insane!"
"The hell is going on Jessi?" Tanong ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Jessi, sunod na rin doon ang pagsinghap ni Rosé.
"Dalawang Lara ang nakikita ko Jen!" Nangunot ang noo ko sa naging bulalas ni Rosé. Does that make any sense? Zinoom-in ko na naman ang glasses ko, at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang mapaharap sa'kin ang dalawang babae.
"A-ano ba'ng nangyayari?" Utal kong tanong sa sarili ko. Bakit dalawa sila? Buhok, tindig, ayos, at pagkakahawak ng baril. Kung hindi ko lang kilala ng husto si Lara, iisipin kong may kakambal siya. Pero hindi, impossible 'yon.
"This is Kiel..." Pinindot ko ang earpiece ko. Paanong naka-connect sa amin si Kiel? Umiling ako, hindi 'yon ang importante sa sitwasyon namin ngayon.
"Kiel, this is Jennie. Ano ang nangyayari diyan? Sino sa kanilang dalawa si Lara?" Hindi niya pa nga nasasagot ang tanong ko, sinundan na ito ng tanong ni Jessi at Rosé.
"They're so much alike, I can't distinguish who among the two of them is Lara. Pinsan ka niya 'di ba? Dapat ay ikaw ang mas nakakakilala sa kaniya." Kahit malayo si Jessi sa'kin, alam kong nakakunot ang noo niya't naguguluhan na rin siya sa nangyayari.
"Kiel, matutukoy mo ba sa kanila kung sino ang totoong Lara?" Tanong ni Rosé.
"I don't know if I can. Seriously, magkamukhang-magkamukha sila." He relpied.
"Wala ka ba'ng kahit anong palatandaan sa katawan niya? Even the smallest detail will do." Suhestyon ko. Tumahamik siya ng ilang segundo, wari'y nag-iisip ito't inaalala ang mga bagay-bagay na napansin niya noong magkasama pa sila.
"Oh! I remember! May nunal siya malapit sa leeg." He retorted.
"Tito Raze make me in charge with the three of you. He's going somewhere. Now shoot the fake one if I point her out." Tumango na lang ako. This is kinda suspicious. Is he planning something? Why is he rushing to leave right after he dethroned himself?
"Roger that." Hinanda ko na ang hawak kong baril. Kanino sa kanilang dalawa, tatama ang balang 'to?
If one of them is the real Lara, that means one of them is fake. The thing is, what if none of the two of them is the real her? What if both of them are fake?
JEHAN'S POV
Inangat ko ang magkabilang kamay kong may hawak na baril, at tinutok ito sa kanilang dalawa. Whoever is the real Lara between the two of them, I'm sure one of them is fake, and I'm not letting her off the hook. Ano'ng karapatan ang meron siya upang gayahin ang mukha ng babaeng mahal ko?
"Identify yourselves first ladies." Kalmado kong wika. I can feel the tension buulding up inside the Arena. Lalong-lalo na sa pagitan ng dalawang 'to. Kung makatingin sila sa isa't-isa'y parang ilang beses na silang nagpapatayan sa isip nila.
I tried my best not to be carried away by my emotions. I missed her so much that even my body wants to hug any of the two of them right now. But then, I need to be sure who among them is the woman I longed for almost a month. Ang babaeng sinaktan ko, at sinaktan din ako ng sobra-sobra.
I look at them. Ang pinagkaiba lang nila ay ang suot-suot nilang damit. Ang babaeng unang nagpakita sa'kin ay nakasuot ng kulay itim na maskara, at lahat na ng suot niya'y kulay pula. Pulang suit, pulang tube at leather jacket, kulay pula rin ang boots nito. Ang pangalawang babaeng lumitaw lang kung saan, ay nakasuot naman ng kulay itim, naka ripped jeans lang ito't loose shirt. Ang mas nakakaagaw pansin sa kaniya ay ang kulay itim nitong boots.
Red versus Black
"How much of a good pretender are you? Copying my face won't do you any good." Seryosong sabi nito.
"Really? I should be the one asking that, my little impostor. How much of a good pretender are you? Can you get something for using my face?" Sagot ng babaeng nakakulay itim habang tinitingnan ng mabuti ang reaksyon ng babaeng kaharap niya.
"Nakalimutan ko nga pala, dalawang malalaking bagay ang makukuha mo kung kokopyahin mo ang mukha ko. Alam mo kung ano 'yon? Unang-una makukuha mo ang buong Gangster Clan. Pangalawa, makukuha mo ang lalaking mahal ko. Hindi ba?" Mapaglaro nitong dag-dag. Nakita ko naman ang pagngisi ng babaeng kaharap niya.
"Talaga ba? Oh please, Don't go around blaming your motives to someone else. You shouldn't be playing games with me, bitch." Isang tawa ang bumalot sa loob ng Arena. Ang tawang 'yon ay nagmula sa babaeng nakakulay itim. Tila ba tawang-tawa siya sa sinabi nito.
"Do you know why I wear black?" Nakangisi nitong wika.
"I wear black to remind you not to mess with me, because I'm already dressed for your funeral." Lihim akong napangisi. This so much like Lara, the angst and dominant side of her's.
"Do you know why I wear red then?" Balik tanong nito.
"I wear red to remind everyone, that this time, my existence will be bloody. That anyone who tries to mess with me, will end up bathing their own blood." Nakagat ko ang labi ko. This is so confusing. Damn it!
"Put your gun down." Utos ko sa kanilang dalawa. Nagtagisan muna sila ng tingin bago sundin ang utos ko. Humarap silang dalawa sa'kin kaya napakurap ako. Magkamukhang-magkamukha talaga sila.
"Hang in there bro." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kiel. He's looking at the both of them too. Seryoso lang ang mukha niya't parang kinikilatis niya ang mga ito. Hinawakan niya ang dulo ng baril ko't binaba ito.
"Kung merong makakakilala kung sino sa kanilang dalawa ang totoong pinsan ko, tayong dalawa 'yon." Tinapik niya ang balikat ko't humarap sa dalawa.
"Sino ba talaga sa inyong dalawa ang pinsan ko, hmm?" Mapaglaro niyang tanong habang pumapaikot-ikot sa kanilanh dalawa.
"Si babaeng nakapula, o si babaeng naka-itim?" Dag-dag niya.
"Ano ang palatandaan mo sa pinsan ko'ng ilang linggo mo'ng iniyakan at pinaglasingan, Jehan?" Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung parte ba 'to sa balak niyang hulihin kung sino ang peke sa kanila, o sadyang inaasar niya lang ako.
"She has green eyes." Walang pag-aalinlangan kong sagot. Humakbang si Kiel papalapit sa mga ito't kinilatis ng mabuti ang kulay ng kanilang mga mata.
"Both of them got green eyes! How facinating..." Napakurap ako. How can that be? Only a few people knows she has green eyes. If that's the case, malapit lang sa kaniya ang nanggaya ng mukha niya.
"Ang pinsan ko, may nunal sa leeg." Bulong nito.
"Do you mind?" Agad hinawi ng babaeng nakakulay pula ang leather jacket niya, at tumambad sa amin ang maliit na nunal nito sa may bandang leeg. Nang ibaling naman namin ang tingin namin sa babaeng naka-itim, nakakrus lang ang braso niya.
"And why will I show you the mole in my neck?" Maangas nitong tanong. Napangisi naman si Kiel dahil sa inasal nito.
"To prove you're Lara Quinn Miranda?" Mas lalong lumawak ang ngisi ni Kiel. Siguro dahil iniisip din niyang ang babaeng 'to ang peke dahil hindi niya magawang ipakita ang nunal sa leeg niya.
"Bakit? Kailangan mo ba ng patunay para sabihing ikaw si Tristan Kiel Imperial Spencer?" Napaangat na lang ang sulok ng labi ko. Mautak sa sagutan ang babaeng 'to.
"Hindi naman. Pero hindi mo ba nakikita? Kailangan namin ng patunay, kung sino sa inyong dalawa ang pinsan ko, at ang girlfriend niya." Napasulyap siya saglit sa gawi ko bago ibaling muli ang tingin niya kay Kiel.
"Kung ikaw ang pinsan ko, at siya ang boyfriend ko, pananalita ko pa lang dapat ay kilala niyo na ako. Hindi ba?" Tumango na lang si Kiel dahil sa sinabi nito.
"Lalong-lalo na ikaw, Jehan Sebastian Corrigan." Titig lang ang sinagot ko sa kaniya. She's really something, pero bakit ayaw niyang ipakita ang nunal sa leeg niya, kung meron man siya?
Lumapit ako sa babaeng nakakulay pula. Taas noo itong tumitig sa mga mata ko na para ba'ng nakakasigurado siyang siya si Lara. She's the first one to enter the Arena, I can see longing and love in eyes every time she looks at me. Mga matang labis na nangungulila sa'kin.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya, hinawakan ko ang ulo niya. Niyuko ko ang ulo ko upang ilapit ang mukha ko sa mukha niya. Hinawi ko ang buhok niya't tumambad sa'kin ang maputi niyang leeg. The mole was there, and her scent was the same too. Nang ituon ko ng husto ang pansin ko sa leeg niya, may nakita akong kwintas. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya upang bumulong.
"You're not her."
I smirk. Lara won't have her necklace, she lost it in the middle of the sea. Her real necklace was in my hands. Caught you, bitch.
VIXEN'S POV
"What the hell is happening?" Tanong ko sa isa sa mga espiya ko sa loob ng Gangster Clan.
"The the heir of the Gangster Empress is alive! Lara Quinn Miranda is alive!" Nangunot ang noo ko. Hinampas ko ang kamay ko sa marmol na mesa. She can't be alive!
"She can't be alive! I'm the one who shoot her! There's no way she'll be able to live just like that!" Tumayo ako't nagsimulang pumaikot-ikot sa office ni Gabriel.
"Buhay siya. Dahil kung patay na siya, sino ang babaeng kaharap ni Irish?" Napasinghap ako. Hindi ito maaaring mamgyari.
"Ang ibig mo'ng sabihin ay nariyan siya sa Coronation Night?" Napahawak na lang ako sa ulo ko. This can't be, the plan will be ruined if she's alive! Mag-iisang buwan na siyang nananahimik, bakit ayaw niyang manahimik na lang habang buhay?
"That's right. Tinutukoy ng bagong Gangster Emperor kung sino sa kanilang dalawa ang totoong Lara Quinn Miranda."
Napamura ako. Loads of shits are going to happen because of her, bakit ba hindi na lang siya mamatay? Guns and bullets won't work on her. Should I just stab her like her mother? Dahil buhay siya, marami ng balakid sa plano ko. But that's fine, I can just kill her.
"Take care of her. If everything goes out of hand, procceed to Plan B. Take her out as soon as possible." Pinatay ko ang tawag, at napahilamos na lang ng mukha. Mawawala sa lahat ang pinlano namin kung makikisawsaw pa siya.
Napatayo ako nang makarinig ako ng malakas na pagsabog. Sa lakas nito'y yumanig pa ang kalupaan. Binuksan ko ang drawer at dinukot dito ang baril ko. Kasunod ng pagsabog ay ang sunod-sunod na putukan ng baril mula sa labas. Sinilip ko mula sa bintana ang nangyayari, nakagat ko na lang ang labi ko nang makitang nilulusob kami.
No doubt, it's the SilverCrest, and Avian Mafia. They've finally got us in the tip of their guns. However, they're forgetting something, Lancaster Mafia has the widest and biggest base of underlings and members in the society. We're also prepared if ever this happened anyway, let's just see who'll dominate the Gangster and Mafia Clan.
Nakarinig ako ng panibagong pagsabog, at naiyukom ko na lang ang kamao ko nang malamang sa bodega 'yon kung saan nakatago lahat ng armas namin. Paano sila nakapasok sa loob upang magtanim ng bomba nang hindi namin nalalaman? Damn, that means someone turned their back on us. Someone betrayed us! This is getting out of hand!
I quickly dialled Gabriel's number. Ilang beses ko itong tinatawagan pero hindi man lang siya sumasagot. Just where the fuck is he? Why is he out of reach? Not now! Hindi ngayon na nilulusob ng SilverCrest at Avian Mafia ang base! The weapons were blasted, and I can see lots of our men lying lifelessly on the floor.
Tinawagan ko ulit ang espiya ko sa Gangster Clan, at sinagot niya naman ito. Nago pa man ako makapagsalita, bumakas bigla ang pintuan kaya napalingon ako. Sumalubong sa akin ang babaeng nakasuot ng itim na maskara. May hawak itong baril, at nakatutok ito sa dib-dib ko. Pamilyar sa'kin ang tindig niya, ngunit hindi ko matukoy kung sino dahil sa suot niyang maskara.
"Sino ka?" Agad kong tanong. I heard her snickered. Parang natuwa ito sa naging tanong ko sa kaniya. What's so funny?
"How sad, you killed me." Dalawang babae lang kaagad ang pumasok sa isip ko. Napahigpit ang paghawak ko sa phone ko. Don't tell me...
"Hello? Ano'ng nangyayari riyan Boss?"
"Sino ka!" Sigaw ko. Unti-unti niyang tinanggal ang maskara niya kaya tuluyan ko ng nakita ang mukha niya. Napakurap ako, what the hell is going on!
"Miss me?" Nakangisi nitong tanong. Halos manginig ang buong kalamnan ko nang makita ko ang pagmumukha niya. Bakit siya nandidito? She's supposed to be there! She's supposed to be in the--
"What? You look like you've seen a zombie rising up from the dead." Nakangisi pa rin nitong wika. Nanginginig kong tinapat ang phone sa bibig ko. I need to make things clear. I'm so fucking confused right now!
"Nandiyan ba siya? Nandiyan pa rin ba ang babaeng 'yon?" Tanong ko habang nakatingin sa babaeng kaharap ko.
"Yes she is. Kaharap niya si Thorn na pinsan niya, at ang Gangster Emperor. Kinikilatis nila ito ang mga ito ng mabuti." I ended the call right after he answered me. A realization hit me. I laughed, really hard.
"So you planned this too?" I asked her. She gave me another irritating smile before she replied.
"I'm always one step ahead of you." Naiyukom ko ang kamay ko. This is pure bullshit!
"I'm back, bitch."
That's the reason why she's being silent for a month. She's planning something to destroy us. She's back, and all things are going to get ruined because of her. Shit.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro