Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 61


Chapter 61. Bloody Wedding

____________

LARA'S POV

Taas noo kong tinutok ang baril ko sa kaniya. He already made his decision, so do I. Handa kong isugal ang pagmamahal ko sa kaniya, makapaghiganti lang ako sa pagkamatay ng ina ko.

Pagkatapos ng ilang sandali, sumabog ang apat na bombang tinanim mismo ni Kiel at Jennie. Umalsa ang mga buhungin sa apat na sulok ng wedding reception, at halos yumanig na ang buong resort dahil sa pagsabog nito.


"Ibaba niyong dalawa ang baril niyo! Tigilan niyo 'to! How dare you!" Sabay-sabay kaming napalingon dahil sa ginawang pagsigaw ni dad. Naningkit ang mata ko nang makitang magkayakap silang dalawa.


"Ikaw ang tumigil punyeta ka!" Nagpupuyos na ako sa galit. Seeing them together irritates the fuck of me. Saglit akong napasulyap kay Jehan bago ibaling na naman ang tingin ko kay dad. Pinaningkitan ko na lang siya ng mata. Napakagago niya!


"You piece of shit! Kilala mo ba kung sino ang pinapakasalan mo? Do you know who's that selfish bitch!?" Hinawakan ako ni Kiel sa balikat, pero inis ko lang itong inalis.


"Enough Lara! Enough with this nonsense!" Sigaw niya habang pinapatahan ang babaeng may pakana ng lahat ng 'to. How she dare! Inis kong ginulo ang buhok ko, hanggang kailan niya ba ipagtatanggol ang mamamatay taong 'yan!?


"You're so unbelievable! You're marrying the woman who killed your ex-wife! You are marrying a murderer!" Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si Jehan.


"Stay away from the man who killed your ex-husband mom." Hindi ko na natingnan pa ang reaksyon nilang dalawa dahil nakatutok lang ako kay Jehan. We're looking at each other's eyes, eyes that desires so much revenge and blood. Eyes of lovers and haters. Eyes of two persons with one goal.


Napahinga ako ng malalim. Lahat ng mga tao kumaripas na ng takbo papalabas ng resort. Ang tanging natitira rito ay kami. Kaming magkakamatayan para makamit ang hustisyang matagal na naming hinahanap. Ang hustisyang makakamit lang kung mamamatay ang ugat ng lahat ng kaguluhang 'to.


Lahat kami'y nagtututukan ng baril, at alam kong walang magsisimula ng laban na 'to kung walang gagalaw sa'min ni Jehan. Akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko nang biglang tumunog ang earpiece ko.

"Shoot! Watch out with the four yatch in the shore!"

Naalarma kami sa naging wika ni Rose. Nasa 5th floor ng mini-hotel ng resort na 'to si Rose at Jessi, kaya kitang-kita nila kaming lahat mula dito. Mabilis kong inangat ang tingin ko upang tumingin sa dagat. Tama siya, may apat na yatch na papapunta rito.

"They have guns, unwanted visitors I guess?"

Napakurap ako sa sinabi ni Jessi. Unwanted visitors eh? Napansin ata ng mga Ravens at iilang myembro ng Emperors ang pagtingin namin sa likod nila, kaya naging dahilan ito upang mapalingon sila. Sabay-sabay na nagsikunutan ang noo nila nang makita ang apat na yacht na papalapit sa dalampasigan.


"Greg and Mike, can you hear me?"


Rinig kong pag-aagaw ni Rose ng atensyon sa kanila. Napating naman ako sa dalawang yacht na pag-aari namin. Duon nakatago sa loob si Greg at Mike.

"Can you identify them?" Tanong ko nang hindi iniaalis ang tingin ko kay Jehan.


"Tiger signage." Bulong ni Greg.


"It's Lancaster Mafia." Napalingon kami nang may magsalita mula sa likod namin. Bumungad sa amin si Diamond kasama ang mahigit kumulang singkwentang lalaking nakasuot ng itim. Bahagyang napataas ang kilay ko, buong akala ko'y hindi na siya darating sa kasal.


"Both of you should put your gun down." Seryoso nitong patukoy sa amin.


"At bakit ka naman namin susundin?" Taas kilay na tanong ni Seth.


"Bago kayo magpatayan, kailangan magtulungan muna kayo--tayo na ubusin ang mga 'yan." Turo ni Diamond sa apat na yacht.


"At bakit ka naman namin susundin?" Tanong ni V. Sa asar ni Diamond ay pinaputok niya ang baril malapit sa paanan nito.


"Pwede ba tumahimik ka? Ang leader ng Mafiang 'yan ay dating Gangster Attendant, at ngayon ay isang Mafia Boss na gumagawa ng illegal na transaction sa ibang bansa. Tinraydor niya ang Gangster Clan pati ang Mafia Clan. Hindi ba sapat na dahilan 'yon para pagtulungan natin sila?" Mahaba nitong lintaya.



Nagkatitigan kami ni Jehan sa huling pagkakataon. Sabay naming binaba ang baril namin. Binalik ko ito sa maliit na lalagyang nakatali sa hita ko bago lingunin si dad. Niayayakap niya pa rin ang babaeng 'yon.


"Hold it in Lara, we'll get our revenge after this." Pagpipigil sa'kin ni Jennie.



"Duck the tables! Now!" Malakas kong sigaw matapos kong makitang umaamba na sa pagpapaputok ang mga taong nasa yacht. Mabilis pa sa alas-kwatrong pinagtutumba nila ang pinakamalapit na mesa mula sa kanila upang magtago.


Yumuko kaming lahat at nagtago sa nakatumbang mesa. Pagkatapos ng ilang sandali, hindi nga ako nagkamali. Sunod-sunod na putukan ng baril ang naririnig ko. Ang mga kasamahan ni Diamond ay walang sawang ginagantihan ito ng putok. Iilan sa kanila ay natatamaan na, ngunit mas marami silang natatamaan sa mga lalaking nagpapaputok sa yacht. Naririnig ko rin ang matitinis na putok mula sa Dakota T-76 Longbow. Nakakasigurado akong mula ito kay Rose at Jessi, o 'di kaya'y kay Mike at Greg.



Inangat ko ang ulo ko upang silipin kung ano na ang nangyayari, marami-rami na ang tumba sa mga kasamahan ni Diamond. Tuluyan ng nakalapit sa dalampasigan ang yacht, at nagsimula ng magsibabaan ang mga ito habang nagpapaputok ng baril. Marami sila, at sa tingin ko'y mas marami sila sa amin. Akmang i-aangat ko na ng tuluyan ang katawan ko nang pigilan ako ni Diamond.


"Wag ka muna makialam. SilverCrest Mafia underlings are on their way." Nangunot ang noo ko. Bakit naman kami tutulungan ng SilverCrest Mafia? Lito man ay sinunod ko ang sinabi niya. Palihim kong nilabas ang baril ko't pinagbabaril ang iilang kalabang nakikita ko sa dalampasigan.


"Greg 'wag niyo hahayaang makalapit sila!" Rinig kong sabi ni Jessi mula sa earpiece na suot ko. Napaatras ako nang kamuntik-muntikan na matamaan ang balikat ko sa balang lumusot sa lamesa.



"We need to move now, we can't hide here forever." Pinigilan ako ni Kiel kaya agad ko siya pinaningkitan ng mata.



"There's so many of them. Sundin na lang natin ang babaeng 'yan." Sagot niya.


I was about to do what he says, but not until I saw something--someone perhaps? Kinuyom ko ang kamao ko, at lalong humigpit ang paghawak ko sa baril ko. This bitch is evil, I knew it. Walang pasabi akong tumayo mula sa pagkakatago sa nakatumbang mesa. Akmang hihilahin pa ni Kiel ang kamay ko, ngunit hindi na niya ito nagawa.



"INSAN!"


Dahil sa pagsigaw ni Kiel, nagsitinginan sa'kin ang mga Emperors at Ravens. Walang emosyon akong kumuha ng panibagong baril. Inangat ko ang dalawang kamay ko't pinagbabaril ang lahat ng mga taong mula sa dalampasigan. Wala pa ni isa sa kanila ang nakakalapit sa'min kaya malaya akong bumabaril, at umiiwas sa mga balang pinapatama nila.


"Shit!"


"Greg, are you okay?"


"Natamaan ako. Damn, They saw us!"


Mabilis akong napalingon sa yacht namin. Pinagbabaril ito ng mga lalaki na para ba'ng sinisigurado nilang tamaan ang sino mang taong nasa loob no'n. Sunod-sunod na putok mula sa baril ko ang umalingaw-ngaw sa pandinig ko. Pinagbabaril ko silang lahat sa balikat, at iilan pa sa kanila ay nahulog sa dagat.


Nakatuon lang ang pansin ko sa babaeng walang awang pinagbabaril ang mga kasamahan ni Diamond. So she's part of Lancaster Mafia? Sinasabi ko na nga ba't may tinatago ang babaeng 'to. That's why I don't like her from the beginning. Nagulat na lang ako nang may humapit sa bewang ko upang maiwasan ang bala ng baril na papatama sa tagiliran ko.


Inangat ko ang tingin ko't sumalubong sa'kin ang mukha ni Jehan. Inangat nito ang kamay niya't binaril ang lalaking pinagmulan ng balang tatama sana sa tagiliran ko. Pagkatapos no'n ay tumingin siya sa mga mata ko bago bitawan ang bewang ko.

"Stay alive." Napakurap ako. I should stay alive of course, ikaw lang ang may karapatan para patayin ako. Nang inikot ko ang paningin ko, saka ko lang napansin na nakatayo na ang lahat at nakikipagbarilan na rin. Wala ng nakatago sa lamesa, lahat ay lumaban na.


Tuluyan na ring nakarating sa amin ang iilang myembro ng Lancaster Mafia. Sinipa ko ang unang lalaking lumapit sa'kin. Lumuhod ako sa buhangin, at pinagkrus ang braso. Walang pag-aalinlangan kong binabaril lahat ng dumadaan sa kaliwa't - kanan ko.


"V! Okay ka lang ba?" Napalingon ako nang makitang natamaan si V sa kanang balikat. Nag-aala ang mukha ni Jam dito. Tinango lang nito ang kaniyang ulo bago sumugod ulit. Malayo sa bituka 'yon.



Nang ibaling ko ulit ang tingin ko doon sa babaeng nasa yacht, wala na siya. Nagsimulang maglumikot sa paligid ang mga mata ko upang hanapin ang babaeng 'yon, pero hindi siya ang nahuli ng mata ko. Nakita ko si Ten kasama si Vernon. Nasaksihan ko kung paano nila barilin ang mga kasamahan ng Lancaster Mafia. Napansin ko rin na marami silang kasama, parang doble pa ito sa mga kasama ni Diamond kanina. Kung gano'n, myembro sila ng SilverCrest Mafia?




Akalain mo nga naman na napakaliit pala talaga ng mundo. Halos lahat ng taong dumaan sa buhay ko'y nandito at nakikipagpatayan hanggang kamatayan. Inangat ko ang kaliwang kamay ko't hinampas ang baril sa ulo ng lalaking lumapit sa'kin. Puro putukan at tunog ng mga kamaong tumatama sa katawan ng mga tao ang naririnig ko.



"Bitawan niyo ako! Ano ba!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng babaeng kinamumuhian ko. Hawak-hawak siya ng dalawang armadong lalaki, at kapansin-pansin ang babaeng may mahabang buhok na nagmamando sa dalawang 'to. Hinanap ng mga mata ko si dad, hindi ko siya makita.



"Shut up. Stop acting like an angel Vixen! Alam nating lahat na mas masahol ka pa sa demonyo!" Singhal nito.


"Pinapatakas ka na nga ni dad, nag-iinarte ka pa!" Dag-dag nito. Who's her dad? Don't tell me...


"Lara sa likod mo!" Mabilis akong lumingon at binaril ang lalaki sa tuhod. Lumapit sa'kin si Jennie at tinapik ako sa balikat.


"'Wag mo'ng i-alis ang atensyon mo sa paligid. Nakakalimutan mo na ba kung nasaan ka?" Tumango na lang ako. Naningkit ang mga mata ko sa nakita ko. Tumakbo ako papuntang dalampasigan habang hinahabol sila.


"Irish!"


Bahagya itong napatigil sa paglalakad. Nilingon ako nito't nginisihan. Sinenyasan niya ang mga kasamahan niyang ipaakyat si Vixen sa speed boat. Tinaas ko ang baril ko't hinila ang gatilyo upang barilin ang mga lalaki, pero napamura na lang ako nang mapansin kong wala na pala itong bala. What the fuck.


Napaatras na lang ako ng tumama sa kaliwang balikat ko ang bala ng baril mula kay Irish. Fuck this bitch, nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang hapdi nito. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula doon. Sinamaan ko siya ng tingin, tumawa lang siya dagil sa naging reaksyon ko.


"Marami pa sana akong gustong gawin sa'yo, but since we're in a rush, I'll deal with you next time." Tuluyan na itong nakasakay ng speed boat, matulin itong umalis mula sa dalampasigan. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng bala sa laman ko, pero hindi ko hahayaang makatakas si Vixen kasama ang babaeng 'yon.


Pinunit ko ang ibabang bahagi ng gown ko't tinali ito sa balikat ko upang panandaliang tumigil ang pag-agos ng dugo mula roon. Lumapit ako sa lalaking nakahandusay, at kinuha ang baril nito. Tinanggal ko ang heels ko't tumakbo papuntang dagat. Umangkas ako sa mga nakahilerang jet ski at pinaandar ito upang habulin sila.



No one gets away with Lara Quinn Miranda, not when she's alive.



ROSE'S POV

"Vixen's getting away! 10 meters away from the shore!" Sigaw ko.


Nakita kong naalarma mula sa baba si Jennie at Kiel dahil sa sinabi ko. Sumilip ako sa sniper scope habang pinupuntirya ang isang lalaking papalapit sa gawi ni Jennie. Nang matantya ko ito ng mabuti ay agad kong hinila ang gatilyo, sapul ito sa tagiliran kaya inangat ko ulit ang tingin ko upang tingnan ang kalagayan ni Jessi sa kanan ko.



Abala rin siya sa pagtatantya ng mga kalaban. Mahirap lalo na't nasa malayo kaming dalawa. Naibaba ko saglit ang dakota ko nang mapansin kong umangkas si Lara sa jet ski at hinabol ang speed boat na kinasasakyan ni Vixen. The fuck is she doing?


"Kiel! Your cousin is acting reckless once again!"


Sabay-sabay na napalingon sa dalampasigan sina Kiel, kasama na roon sila Jennie at iba pa'ng myembro ng Eye.


"N-natamaan siya ng bala sa balikat." Utal na sabi ni Greg sa kabilang linya. Sunod-sunod na mura ni Kiel ang narinig ko.



"Insan! 'Wag ka'ng magpadalos-dalos!"


"Mimd your own bu--" naputol ang linya nito kaya inangat ko ang tingin ko upang tingnan siya. Napakalayo na niya sa dalampasigan, kaya nadisconnect ang linya.


"Damn!"



"Rosé, tingin mo ba kaya mo'ng mabutasan ang speed boat nila kahit malayo na?"


"Hindi ko kaya. Sobrang layo na." Agad kong sagot.


"Parehong may tama si Mike at Greg kaya hindi rin sila makakatulong." Dag-dag ni Jessi.


Tinapik ko sa balikat si Jessi kaya napatigil siya sa pagbabaril sa baba. Sinenyasan ko siyang bumaba na kaming dalawa dahil kokonti na lang din naman ang mga kalaban sa baba. Tumango naman ito at sumunod na sa'kin. Pagbaba namin ay sumalubong ang mga katawan na nakahandusay sa maputing buhangin. May mga nagkalat pa'ng dugo rito.



This wedding became bloody, indeed.


JEHAN'S POV

Pinutok ko ang baril ko sa huling pagkakataon. Napakunot ang noo ko nang makita kong magkaharap si Irish at Lara. Mas lalong nangunot ang noo ko nang makita kong nakasakay si mom sa speed boat, at nagpupumiglas ito laban sa dalawang lalaki na nakabantay sa kaniya.


I hissed, tatakbo na sana ako upang tulungan si mom, pero may sumugod sa akin. Sinipa ko ito at pinatid kaya natumba siya kagaad. Hindi ko pa nga naihahakbang ang mga paa ko nang may sumugod na naman sa'kin. Parang pinipigalan ako ng mga ito upang 'wag matulungan ang ina ko.


Hinablot ko ang baril ng isa, at pinutok ito sa kanang binti niya. Kasunod ay ang pagpalo ko sa batok niya para mawalan siya ng malay. Akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko nang makarinig ako ng tunog ng baril. Inangat ko ang ulo ko't nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang duguang balikat ni Lara.



Dumako ang tingin ko kay Irish. Sinasabi ko na nga ba't may dahilan kung bakit dikit ng dikit ang babaeng 'to sa'min. May kinalaman pala siya sa Lancaster Mafia, at talagang may balak pa silang mangialam sa gulo namin. Ano naman ang kailangan nila kay mom?


"Fuck you!" Asar kong sigaw matapos ko suntukin sa mukha ang lalaki. Bakit ba nila ako pinipigilan? Umaregla si Jam at Xael kaya tumakbo na ako papuntang dalampasigan.


Hindi maaaring magpadalos-dalos siya sa gagawin niya. Ikakamatay ko kung may mangyaring masama sa kaniya. Umangkas na ito sa jet ski at pinaharurot ito na para ba'ng nagmamaneho lang siya ng motor. Tumatalbog-talbog pa ito sa dagat dahil sa bilis.


Nagmamadali akong umangkas sa isa sa mga jet ski na nakahilera sa isang tabi, pero napamura na lang ako nang hindi ito umandar. Lumipat ako sa isa't sinubukan din itong paandarin, ngunit ayaw talaga. Bwisit na bwisit kong hinampas ang kamay ko rito, putangina! Kung kailan ko pa gagamitin saka pa hindi gumagana ng maayos!



Nakarinig ako ng panibagong putok ng baril mula sa karagatan kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo ko upang tingnan ito. Halos hugutin ko ang hininga ko nang makita kong nahulog mula sa jet ski si Lara. Ang mas lalong nakapagpagimbal sa akin ay nang makita at malaman kung kanino galing ang putok ng baril na 'yon. Napasinghap ako, hindi niya ito maaaring gawin. Pinagtanggol ko siya, pero bakit niya nagawa 'to?


Tuluyan ng nakalayo ang speed boat. Ang tanging natira sa gitna ng karagatan ay ang jet ski na walang nakasakay. Malinaw na malinaw sa'kin kung ano ang nangyari. Halos manikip ang dib-dib ko nang makita ang malinaw na tubig ng dagat. Galit na galit ako sa sarili ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari.



Napaluhod na lang ako habang nag-uunahan sa pagdaloy ang mga luha ko. Heart, where are you?

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro