Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60


Chapter 60. Guns and Roses

____________

LARA'S POV

"Seth? Where are you?" Pumasok ako sa loob ng isang abandonadong warehouse upang makita siya, pero ni anino niya man lang ay hindi ko makita.



He called me late in the night yesterday, sinabi niyang mag'usap kami bago pa sumikat ang araw. Alas kwatro ang usapan namin, pero wala pa rin siya rito. Kapag hindi pa siya dumating ano ma'ng oras, aalis na ako rito. Kailan man, hindi ako maghihintay ng matagal sa isang tao. Wala 'yon sa bokabularyo ng isang Lara Quinn Miranda.



Naalarma ako nang makarinig ako ng mga yapak. Automatikong napatingin ako sa relo ko, ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang hindi dumadating sa tamang oras. Hindi ko na lamang siya nilingon, patunay na hindi ako natutuwa sa pagdating niya ng wala sa oras. Pero sa hindi ko malamang dahilan, may naguudyok saaking lumingon, kaya naman hindi ako nag-atubiling lingunin siya.




Isang matayog na sipa ang sumalubong sa'kin. Bahagya akong napaatras, at napasinghal dahil sinundan niya na naman ito ng panibagong sipa. Sa asar ko, ginantihan ko rin siya ng sipa. Naiwasan niya  naman kaagad ito ng walang kahirap-hirap. Nangunot ang noo ko nang mapansin kong iba ang hubog ng katawan niya. Sa pagkakatanda ko'y hindi ganiyan ang bulto ng katawan ni Seth.





Nagulat na lang ako nang tumakbo siya papalapit sa'kin. Hindi ko na nagawa pa'ng ihakbang ang paa ko palayo dahil masyado akong tuliro sa pagtutukoy kung sino siya. Bukod kasi sa walang ilaw dito, tanging ang sinag lang ng umuusbong na araw mula sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa madalim na parte ng warehouse na kinakatayuan ko.




Huli na nang maramdaman ko ang kanang braso n'yang madiin na nakadantay sa bandang leeg ko. Madiin ako nitong tinutulak hanggang sa mapasandal ako sa pinakamalapit na pader. Napadaing ako nang tumama ang likod ko. Marahas kong inangat ang tingin ko upang singhalan siya, ngunit nagulat na lang ako nang makilala ko kung sino siya.




Napakurap ako, at bahagyang umawang ng konti ang labi ko. Nagsimulang umusbong ang bigat ng emosyon sa kalooban ko. Lalo na't hindi ko matukoy kung ano ang ibig ipahiwatig ng mga tingin niya. Tinikom ko ang bibig ko at pinanlamigan siya ng tingin. You hate him remember? Panindigan mo ang pagkamuhi mo sa kaniya Lara. Panindigan mo!


"What the he--"



Walang pasabi niyang hinapit ang bewang ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. He tightened his grip on my waist, making me swallow a lump on my throat. His smell blocked out my senses, his eyes lured me into him, making me hate and love him at the same time.




Iniwas ko ang tingin ko, sinubukan kong bumalikwas upang alisin ang pagkakahawak niya sa bewang ko, pero mas lalo niya lang itong hinihigpitan. Wari'y ayaw na ayaw niya akong bitawan kahit ano ma'ng mangyari. I hissed in my mind, umayos ka Lara. Alam mong hindi kayo pwede, alam mong nasaktan ka niya, alam mong planado niya lahat ng nangyayari. Wag ka'ng magpaloko sa kaniya.





I was taken aback when his lips pressed against mine. He tightened his grip on my waist, digging his nails on my hips while kissing me relentlessly. I gasp, and he took that opportunity to shove his tongue inside my mouth. Inangat ko ang magkabilang kamay ko para itulak siya, pero mas lalo niya akong idinidiin sa pader kaya hindi ko magawang makaalis sa bisig niya.




My lungs started to burn with lack of air, as he continued to soffucate me with his harsh kisses. Iniwas ko ang ulo ko, pero hinabol ng labi niya ang labi ko. I'm not kissing him back, I'm trying my best not to. He then bit my lower lip, causing me to let out a painful whimper. Pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko sa ginagawa niya.




Nagsimulang mamuo sa mga mata ko ang mga likidong hindi ko inaasahang lumabas. Hindi ko alam kung ano dahilan, pero nasasaktan ako sa ginagawa niya. His kisses were no longer passionate and gentle, it became painful and harsh. His eyes were closed, but mine was wide open. I would love to see his face again, but not with this situation.





Binaba ko ang kamay ko,at buong lakas siyang sinuntok sa panga. Marahas siyang napaatras dahil sa ginawa ko. Nakahawak lang siya sa panga niya habang nakatingin sa sahig. Hingal na hingal akong napahawak sa pader na kinasasandalan ko kanina. Galit ako, galit na galit. Ano'ng karapatan ang meron siya para paulit-ulit akong saktan?





"What the fuck was that for Jehan!" Dumagungdong ang boses ko sa apat na sulok ng malawak na warehouse. Inangat niya ang tingin sa'kin habang may seryosong tingin sa mukha.





"One lie, one kiss. Have you forgotten about that?" Napakurap ako. Bahagya akong napasinghal sa sinabi niya, lumapit ako sa kaniya at sinampal siya.





"What rights do you have to kiss me? Baka nakakalimutan mo Jehan? We're done! Wala ng namamagitan sa'ting dalawa!" Nang i-angat niya sa pangalawang pagkakataon ang mukha niya, nagulat ako nang makitang may luhang lumabas mula sa kaliwang mata niya.





"Bakit nagsinungaling ka? Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoong dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay?" Natahimik ako. Marami akong gustong sabihin, pero parang nawalan ako ng kakayahang magsalita ng panandalian.






"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na ikaw pala ang anak ng Gangster Emperor?" This time, mahina na ang boses niya, at halos ibulong na niya ito sa hangin. Kung makaasta siya, parang hindi niya alam na ako ang Gangster Empress.





"Bakit kailangan mo pa'ng magsinungaling na hindi mo ako mahal?" Humakbang siya papalapit sa'kin kaya napaatras ako.



"BAKIT LARA! SAGUTIN MO'KO! " Napakurap ako dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Para itong isang bulkan na sumabog pagkatapos ng ilang taong pananahimik.





"Wala naman tayong kinalaman sa problema nila 'di ba? Let the adults handle their own problems. Labas tayo, so please, don't do this." Natawa ako sa sinabi niya. Let the adults handle their own problem? Walang kahahatungan ang lahat kung hindi ako gagalaw. Tuluyang malulunod si dad sa kasinungalingang bumabalot sa pagkatao ng babaeng yun.





"Your mom was one of the former Gangster Rippers, do you know that?" Napakurap ito, at parang nabigla sa sinabi ko. Parang hindi niya inaasahan ang katotohanang natuklasan niya. Parang nakarinig siya ng isang balita, na ngayon niya lang nalaman. Ang galing niya talaga magpanggap.




"H-hindi ko alam...Imposible ang sinasabi mo.  Malabong maging former Gangster Ripper si mom..." naguguluhan nitong usal. Sa pagkakataong 'to, nagsimula na rin akong maguluhan. Parang hindi niya talaga alam ang nangyayari.




"My mom, was the Gangster Empress. Pinatay ng ina mo, ang ina ko dahil gusto niyang mapasakan'ya ang puso ng ama ko." Nakita ko kaagad ang pagbago ng expresyon sa mukha niya.



"Anong pinagsasabi mo? Mahal ni mom at dad ang isa't-isa kaya walang say-say ang mga sinasabi mo. Hindi gano'ng babae ang ina ko, dahil ako ang mas nakakakilala sa kaniya higit nino man." Mas lalo akong nakaramdam ng galit. Kilala niya? Talaga?




"Don't act as if you don't know anything Jehan." He smirk. Napataas ang kilay ko dahil sa inakto niya. Iniling-iling niya ang ulo niya na para ba'ng may nahinuha sa mga nangyayari.





"Fine. Don't act as if you don't know anything too, Lara." Nangunot ang noo ko. Ano'ng ibig niyang sabihin?




"You can't just accuse her with no concrete evidence." He said in a monotone voice. Binuksan niya ang jacket niya, at inabot sa'kin ang isang brown envelope. Tinanggap ko naman ito ng walang pag-aalinlangan.





"My dad was the former Gangster Emperor." Napatigil ako sa pagbukas ng brown envelope dahil sa sinabi niya. Inangat ko ang tingin ko, at sumalubong sa akin ang malamig niyang tingin. How can he switch his emotions that fast?





"Pinatay ng dad mo ang dad ko para siya ang maging Gangster Emperor." Saglit akong natigilan. Who killed who? Binuksan ko ang laman ng envelope, at napakurap na lang ako sa mga nakita ko.




It was a picture of dad inside our mansion, may hawak siyang baril at kaharap niya ang isang walang malay na lalaki. There are documents saying dad faked his autopsy, dad's transactions to Lancaster Mafia, dad's fingerprint all over it. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko, at pumatak pa ito sa papel na binabasa ko.



"This is not t-true..." I was looking at him, as our gazes interlocked with each other.




"I wish it's not true either." Madiin niyang wika.




"My dad will never do such thing! Kilala ko siya! Kilalang-kilala ko! Kaya napaka-impossible ng sinasabi mo. Hi-" Tumawa siya habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya.




"See? I'm feeling the same fucking thing Lara! Hindi rin ako naniniwala sa sinasabi mo! But I have evidences, and you don't have anything. Mas kapani-paniwala ang sinasabi ko, hindi ba?" Hinagis ko ang hawak kong envelope kaya napatingin siya dito.




"Who gave you that shit? How are you so sure that it's telling the truth?" He smirk at me for the second time around.





"How about you? Who told you such shit? How are you so sure my mom killed your mom!" Natahimik kami pareho. Walang patutunguhan ang pag-uusap naming dalawa.





"Mahal kita Lara, alam mo yan. Mahal na mahal kita, at kayang-kaya kong saluhin lahat ng bala para lang sa'yo. Pero hindi ko akalain na magkakaroon ng pagkakataon na magmumula rin pala sa'yo ang balang 'yon." Kahit hindi ko mabasa ang expresyon ng mga mata niya, nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya.





Mahal na mahal din kita, pero alam mong hindi tayo para sa isa't-isa. Handa rin akong saluhin ang kahit anong klaseng patalim na tatarak sa katawan mo, pero hindi ko rin aakalain na maaaring sayo rin manggagaling ang patalim na 'yon.





"Wala na akong magagawa kung galit ka sa'kin. Pinatay ng ama mo ang ama ko. May ibidensya na sa harap ko, pero kahit gustong-gusto kong magalit sa'yo, tuwing nakikita kita, nawawala lahat ng galit ko." Naiyukom ko ang kamay ko.





"Let's run away. Far away from everyone." Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang takasan ko, takasan naming dalawa ang gulo sa pagitan ng mga magulang namin.





Ngunit bumalik sa isipan ko ang nasaksihan ko sa condo niya kamakailan lang. Hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan dahil binigo na niya ang tiwala na binigay ko sa kaniya. Siya mismo ang pumutol sa kung ano man ang meron kami.






Taas noo ko siyang hinarap habang nakakuyom ang kamao ko. Hindi pwedeng basta-basta ko na lang bitawan ang pinanghahawakan kong hinanakit at kagustuhang maghiganti sa pagkamatay ng ina ko. Maraming tao ang namatay dahil sa kaniya. Mamaya na ang kasal, kaya aatras pa ba ako? Not today.






"Running away won't solve anything." Bumagsak ang balikat niya dahil sa naging sagot ko. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.





"Protect your dad." He whispered. Napangiti ako ng mapakla dahil sa sinabi niya.




"Protect your mom too." Tinalikuran ko siya. Hindi na rin niya ako napigilan sa ginawa kong paglalakad paalis sa abandonadong warehouse na 'yon.




Bawat hakbang na tinatahak ko palayo sa kaniya, ay parang tinutusok ng paulit-ulit ang puso ko. Hindi ko rin namalayan ang patuloy na paglandas ng luha sa mga mata ko. Pinunasan ko na lang ito habang naglalakad ako. The moment we meet again, we're no longer lovers, we're nothing but enemies.

KIEL'S POV


"Anong oras na ba?" Napalingon ako sa katabi kong si Jessi. Kanina pa siya paulit-ulit na tumitingin sa relo niya habang lumilinga-linga sa paligid.


"Bakit kasi wala pa siya? Magaala-sais na! Malapit na mag-umpisa ang kasal!" Kinakabahang wika ni Jennie.




"Kiel, ayos na ba lahat?" Tanong sa'kin ni Rose. Tumango na lang ako. Everything was set, kailangan na lang magsimula ang kasalanan.



Nakilala ko lang sila kahapon, they're the Gangster Rippers should I say. The plan was made by them, and of course, the master of the plan was my cousin. I don't know what has gotten into Tito Raze's mind to set the wedding early in the morning. Is he that in love with that bitch? Talagang hihintayin niya ang pagsikat ng araw para sa kasalan nila?




"Where are the others Greg?" Tanong ko nang makarating na siya sa tabi ko. Inayos niya ang bulaklak na nakalagay sa suit niya bago tumingin sa kanan ko.





"Cloud is on the yacht from your right, sniper's ready." Tumango ako. Sinipat ko ang relo ko, nararamdaman kong malapit na magsimula ang kasalan dahil dumating na ang pari, at iba pa'ng mga bisita.





"It's Lara, hear me."





Napalingon kaagad kami sa paligid nang marinig namin ang boses niya mula sa suot naming earpiece. Palihim akong napatingin kay Jennie na kasalukuyang hawak-hawak ang earpiece sa tenga niya. Pinindot ko rin ang earpice sa tenga ko, at nagsalita.



"Where are you?"




Saglit siyang nawala sa linya niya, pero agad din naman itong bumalik pagkatapos ng ilang segundo.



"Right at your back."




Nagsilingunan kaming lahat. We saw her enter the sandy beach with her black long gown. May nakalagay pa'ng flower crown sa ulo niya. She looks fierce and dangerous.


Napangisi ako, that's my cousin. Hella cool and full of swaeg! Umupo siya sa tabi ko habang nakakrus ang braso, ni hindi niya pinapakinggan ang pagbubulungan ng mga bisita dahil sa suot niya.




"Black is beautiful." Komento ni Rose.





Pagkatapos ng ilang minuto, dumating si Jehan. Lumingon muna siya sa gawi namin, na para ba'ng mqy hinahanap siya. Napansin kong parang may kakaiba sa kaniya ngayon, parang may bumabagabag sa kaniya.


Pagkatapos ng ilang sandali, umupo na rin siya sa tabi ng mga kagrupo niya. This wedding is not as traditional like the other weddings you've seen. Tanging ang bride at groom lang ang may wedding march, hindi na kasama ang iba pa'ng parte ng kasal.



"Bombs ready?" Bulong ng katabi ko.




"Yeah." Tiningnan niya ang relo niya bago sumulyap sa gawi ni Jehan.




"It's about to start." Nagsimulang tumunog ang wedding march. Mula sa malayo ay nakikita namin ang babaeng nakasuot ng simple ngunit eleganteng damit.





"White as snow, it'll be red as blood." Bulong ni Jennie. Naiyukom ko ang kamay ko, she's right. Binaling ko naman ang tingin ko sa harap, nakatayo si Tito Raze na may malawak na ngiti sa labi.





Kung alam mo lang sana kung sino at ano'ng klaseng babae ang pinapakasalan mo Tito. Kung alam mo lang sana'y hindi mo sana siya kaharap ngayon at kinaka-isang dib-dib.

LARA'S POV

Napahinga ako ng maluwag nang sabihin na nila ang kanilang wedding vows. Sinenyasan ko si Rose at Jessi na umalis, kasama si Mike at Greg.



"I, Raze Lucas Miranda, do pledge you, Jenah Lexis Salvador , my darling, for as long as I live. What I possess in this world, I give to you. I will keep you and hold you, comfort and tend you, protect you and shelter you, for all the days of my life."



Nagtagis ang bagang ko nang makita ko ang pagngiti nito dahil sa binitawang salita ni dad. Fuck you bitch, fuck you! Tingnan ko lang kung makakangiti ka pa pagkatapos ng gagawin ko sa'yo.


"I, Jenah Lexis Salvador, do pledge you, Raze Lucas Miranda, my love, till I die. I will offer my everything for you, my all, and my--"




Tumayo ako kaya bahagya siyang napatigil sa pagsasalita. Kasabay ng pagtayo ko, nakita ko rin ang pagtayo ni Jehan. Nagkatitigan kaming dalawa, mabilis kong inangat ang hita ko. Dinukot ko ang baril ko, at inikot-ikot ko ito bago itutok sa gawi ng babaeng lubos na kinamumuhian ko.





Pagsisinghapan, at sigawan ng mga tao ang kaagad na namutawi sa buong lugar. Ang iba sa kanila ay napapaupo sa takot, ang mga matatanda namang bisita ay nahimatay. Ang mga bata ay umiiyak na, iilan sa kanila ay humihingi ng permisong sana'y hindi sila madamay.






Nang mapalingon ako sa gawi ni Jehan, nakita kong nakatutok ang baril niya kay dad. Napasinghal ako, fucking shit. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa babaeng tinututukan ko ng baril. Gulat siya, ganun din si dad. Gulat silang dalawa. Dahan-dahan akong lumingon kay Jehan, at sa pagkakataong ito, nagtama ang paningin naming dalawa.





Parang bumagal ang takbo ng oras nang sabay naming itutok ang hawak naming baril sa isa't-isa. Nag-angat din ng baril ang mga myembro Emperors at Ravens, kaya nag-angat na rin ng baril ang mga kasama ko. Napuno ng sigawan ang buong beach resort. Nagtakbuhan na ang ibang tao palayo.





Nagtititigan lang kaming dalawa. I stared at him blankly. We choose the same thing. We chose hate over love. We chose bloodshed over peace. We chose pain over happiness. We chose guns over roses.


To be continued....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro