Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6


Chapter 6. Lollipop

_____________

" I don't follow any rules" bakas Sa mukha ng kasamahan nya ang pagkagulat at pagkamangha, samantalang sya naka poker face lang ang mukha.

Tss. I would really love to punch his face if ever I had a chance. How can he be so emotionless?

"Your own rule is void here" nangunot ang noo ko.

"And why is that?" Taas kilay kong tanong. Who is he to tell me my own rule is void?

"This is my territory. My rules are more powerful than yours" nagkibit-balikat ako. Fine, let's say I'm really on his territory. But who cares? I make my own rules, I'll decide if it's void or not. It's up to me to break it.

"Suit yourself. Now if you excuse me.." inabot ko ang twalya sa likod ng pintuan ko at inangat yun para ipakita sa kanila.

"I'm taking a bath" nakangisi akong naglakad papuntang banyo. Pagpasok ko sa loob ng banyo ay napasipol ako
sa ganda.

Sa kanang bahagi ay may isang mahabang vanity na puno ng mga drawers. Sa taas nito may isang lababo na gawa sa marmol, may isang mahaba din na salamin na nakadikit sa pader.

Sa bandang dulo naman may isang bath tub, at katabi nito ay ang shower room na gawa sa glass ang pader. Yayamanin na shower room, at paniguradong makikita ka sa loob kapag naliligo ka. For a record, it's a traditional bathroom.

Pumasok na ako sa loob ng shower room at naghubad ng damit ko. Sinabit ko ito sa sabitan bago buksan ang shower. Cold water started to pour in my body, I suddenly felt alive and fresh. Mas sanay akong maligo na malamig ang tubig kesa mainit. Maybe nasanay na ako kasi pag sa tub ako nagrerelax palaging may Ice.

Tiningala ko ang mukha ko saka hinawi ang buhok ko. I can't help but to think about my life in this school, like what will eventually happen to me? What will I be after studying here? It's an all boy's School that's why I'm throwing such a big deal about it.

Look what happened to me in the first day, I nearly punched a guy in a hallway, and I threat the guys with a gun in the Comfort Room. It's my first day, yet I already did much troubles. Imagine how things would turn out if I stayed here for a week, or months or so. I might bomb the whole school accidentally, and that would be really really bad.

After 30 mins. ay natapos na ako sa pagliligo. Binalot ko ang katawan ko ng twalya at lumabas ng shower room. Naglakad ako papalapit ng salamin para tingnan ang sarili ko. Are you saying no one would dare to touch me with this body? With a hips, butt and chest like this? I am way sexier than anyone. Besides, di ako gaya ng ibang babae na magmumukhang turon pag nakatwalya.

Nakangisi akong lumabas ng bathroom. Natanaw ko mula sa dereksyon ko ang buong Emperors na nakaupo sa living room habang nanonood ng Assassin's Creed. Dang, action movie makes me alive. Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ko at binuksan ang ilaw. Sinarado ko ang pinto saka umupo sa kama ko para buksan ang maleta ko.

Kinuha ko ang damit na susuotin ko at sinirado ulit ang maleta ko. Tumayo na ako para  magbihis. Akmang tatanggalin ko  ang twalya sa katawan ko nang biglang bumukas ang pinto.

What the fvck!

Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang twalya!

Damn, damn, damn!

Pinatay nya bigla ang ilaw saka tumikhim. Shit, what the hell.

"Next time you better lock your room" malamig nyang usal. Mariin kong pinikit ang mata ko. Lalapit Na sana ako sa kanya para hambalusin sya nang maalala kong wala pala akong suot na kahit ano mang damit!

Napamura ako ng mahina. Shit.

"Ano ba kasing kailangan mo!?" Pasigaw kong bulyaw sa kanya. Pinulot ko ang twalya sa lapag at binalot ito muli sa katawan ko. It's good thing he turn off the light before he could see something of a sort. Damn him!

This guy is really getting on my nerves. Wala na nga'ng emosyon, wala pang manners! Hindi ba uso sa kanya ang knock before you open? Even an Elementary kid knows that!

"I only came here to give your uniform" nilapag nya sa tabi ang hawak nyang uniform saka tumalikod. Lalabas na sana sya nang biglang syang huminto sa paglalakad. He slightly turn his head and made an eye contact with me in his right eye.

"I didn't sneak, it just showed up, and honestly, I didn't enjoy it. Even if I have taken a good look, I probably wouldn't  have enjoy it either.

*SLAM*

My jaw literally hanged open. Just, just what kind of utter shit did I heard from him?

Agad kong in-on ang ilaw saka tiningnan ang sarili ko sa salamin. What the fvck did he just tell me!?

"I didn't sneak, it just showed up, and honestly, I didn't enjoy it. Even if I have taken a good look, I probably wouldn't  have enjoy it either. "

Does that mean he really did see something!? Nakita nya ang katawan ko!? No! No man had ever saw me naked! He is the very first one! About him seeing my body is not a big deal of a shit for me! But, what he said was unforgiving! That's the worst thing any woman would hear! Damn him! Damn that jerk!

How dare him say that! How dare him insult my body! How dare him! I'm a woman after all! Di sana ako magrereklamo kung totoo ang sinabi nya eh! Even if he had taken a good look, he probably won't enjoy it? Hah!

"I didn't sneak, it just showed up, and honestly, I didn't enjoy it. Even if I have taken a good look, I probably wouldn't  have enjoy it either. "

Inis akong kumuha ng lollipop sa bulsa ng maleta ko at kinain yun.Tiningnan ko naman ang uniform.

Wow, I have a personalized new uniform. Tch. Red chequered skirt, one inch above the knee. Black high socks, white blouse, black blazer and chequered red necktie.

Do I even have to wear this? Mukha namang di sila mahilig mag uniform. Pagpasok ko pa lang nga kahapon ay iilan lang sa mga estudyante ang nakauniform. Kadalasan sa kanila naka black shirts and pants. A gangster look get up and shit.

Hinanger ko na lang ito sa loob ng closet at nagbihis na ako ng damit. Dumapa ako sa kama habang iniikot-ikot sa bibig ko ang lollipop. Hindi ko makalimutan ang sinabi saakin ng gagong yun kanina.

Ininsulto nya ako at ang katawan ko. I smirk, the Unpredictable me is on the move. Be sure to taste your words before you spit them out jerk.

*KINABUKASAN*

I look at myself in front of my mirror. I put an eyeliner in my eyes and mascara on my lashes to make myself look fierce. I don't do make ups actually, powder will do.

I wore the uniform, sayang naman kasi kapag di ko sinuot. Sinukbit ko ang bag ko saka lumabas ng kwarto. Looks like they left early than I expected. Anyway, ni lock ko muna ang kwarto ko saka kumuha ng lollipop Sa bulsa ko. Kinain ko yun habang naglalakad ako papalabas ng Dorm.

I look at my watch, it's 6:30 in the morning and 8am pa mag uumpisa ang klase ko. I'm an early bird. Tinanggal ko ang lollipop Sa bibig ko at nakataas kilay Na napatingin sa cafeteria. There they are! Agad hinanap ng mata ko ang gagong nagnginsulto saakin kagabi. He's eating well, mabilaukan sana sya.

Sinubo ko ulit ang lollipop ko at agad rumampa papasok ng cafeteria. Anyways, hindi pa din naman ako kumakain so might as well kumain na din ako. Pagpasok ko ay kaagad silang napatingin saakin, kabilang Na duon ang iilang kalalakihang kumakain Sa cafeteria. 

Nginisihan ko na lang sila saka Patuloy na ninanamnam ang sarap ng strawberry flavored lollipop Sa bibig ko. Wag kayo Lips to.Nakarinig naman ako ng sipol at mga bulungan. Napairap ako sa kawalan, kabastusan na naman. Tsk

Naglakad ako papalapit sa counter para umorder ng pagkain.

"Pasta and one jar of honey please" sabi ko. It's really good they serve honey for breakfast. No doubt, yayamanin talaga ang school na to.

Matapos kong makuha ang order ko ay kaagad akong umupo Sa table malapit sa Emperors. I crossed my legs, I was about to eat my pasta when I saw somebody approaching me.

"Miss, gusto mo ng katabi?" Napaangat naman ang tingin ko dun Sa lalaking nagsasalita.

"fvck off" deretso kong sabi kaya umalis sya kaagad.

Binuhos ko ang kalahating jar ng honey Sa pasta ko. I twirl my fork to mix it. Nilagay ko naman ang lollipop ko saloob ng Jar ng Honey. If you're asking what I'm doing, well you can call it experiment.

As soon as I'm done mixing it, agad kong Inikot ang hawak kong tinidor at Sinubo ang pastang medyo malagkit pa dahil Sa honey. Pumikit ako at dahan-dahang nginuya ang pagkain ko habang ninanamnam ang sarap ng pasta.

Hey guys, this is freakin' amazing! It taste like food! Masarap sya! My experiment is a success!

Nang maramdaman kong may konting honey ang kumakalat Sa labi ko ay agad ko itong dinilaan hanggang sa wala ng matira.Dinampot ko ang lollipop kong nasa loob ng jar at Sinubo ulit yun.

Nilalaro ko lang ito Sa loob ng bibig ko habang nakatingin Sa kawalan. Nilabas ko ito saglit sabay dila at pasok ulit nito Sa bibig ko. Pake nyo? Ansarap ng lollipop e. Try nyo e feel minsan masarap. Subo lang kayo ng subo e.

Uminom ako ng tubig at dahan-dahan itong nilalagok. Hindi ko napansing may natulong butil ng tubig Sa leeg ko kaya pinunasan ko yun ng tissue.

"Shit"

Nakarinig ako ng Malutong Na mura at ingay ng upuan Sa di kalayuan kaya napangisi ako. Binaba ko ang hawak kong tissue at pinasok ulit sa bibig ko ang lollipop.

Ano ka ngayon?

I shrugged, nagpatuloy ako sa pagkain. That's what you get from insulting me jerk. I dip my lollipop in the honey jar and slid it inside my mouth once again. Nilabas ko ulit ito sa bibig ko at ginawang lipstick. Napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang umupo sa harap ko si Jam.

"Did I gave you the permission to sit there?" Pagtataray ko. Nakatitig lang sya saakin kaya napairap ako.

"You know what? Di mo dapat ginawa yun kay Jehan" napatingin ako sa kanya. I chuckled, bakit naman? It's not my fault! It's a war of hormones.

"Malala pa naman yun gumanti baka---"

"Yeah right. I'm so scared" I blurted out while rolling my eyes. Like I'm scared? Tumayo na ako, at akmang aalis na nang hawakan nya ang wrist ko. Agad akong napabalik sa pag-upo habang hawak-hawak nya ang left wrist ko kung saan hawak ko ang lollipop ko.

"Hands off before I kick you in the balls Jam" I warned. He just smirk and pulled my wrist closer to him.

"Trashtalk all you want babe" iginilid nya ang ulo nya papalapit sa tenga ko kaya naningkit ang mga mata ko.

"It turns me on, big time" I slide my right foot underneath the table and kick his knee. Agad nyang nabitawan ang wrist ko at pikit matang hinihimas-himas ang tuhod nya sa sakit ng sipa na natanggap nya mula saakin.

"Do that again and I'd make sure you'd live the rest of your life in the hospital" Pinasok ko ang lollipop sa bibig ko at tiningnan syang tinataas ang kamay nya na parang sinasabi nyang saglit lang.

Pero sino ba sya para pakinggan ko? I'm Lara dude, no one can command me. Sinukbit ko sa balikat ang bag ko at naglakad na papalayo sa kanya.

"Yan napala ng kalandian mo Jam" pang-aasar pa ni Seth

"Pfftt! Ang epic ng mukha nya! Haha!" V laughed, and I can almost imagine he's rolling on the floor.

"Ise-save ko ang footage nito. Whoo~ Tangina!"-Rio

"Akala ko *munch*  bibigay na si *munch* Lara" - Seth

"Idol! How to be you po? Haha! Ang epic ni Jam nyeta!" -Justine

"LARA!!"

Nakangisi kong binuksan ang pinto palabas ng cafeteria. Shout all you want Jam, yan ang napapala mo sa kalandian mo.

Napatingin ako Sa relo ko, 7 am pa lang. I still have one hour to sleep. I found a very peaceful place to sleep tho. Nakita ko kasi to kahapon habang naglalakad ako papuntang office. It's a mini forest actually. Nang makarating na ako sa part na marami ng puno ay agad akomg napatingala.

Kinuha ko ang bag ko at itinapon ito pataas. Sakto namang sumabit ito sa isang sanga ng kahoy kaya agad akong umakyat. Habang umaakyat din ako ay natatanaw ko ang malaking school building ng Corrigan University.

Matapos kong umakyat ay pumwestoako Sa malaking sanga na pwedeng higaan. Tinanggal ko ang stick ng lollipop sa bibig ko at tinapon ito sa baba. Sinandal ko ang ulo ko saka ipinikit ang mga mata ko.

Peace.......

*******

*KRRIIINNGGG*

Agad akong napabalikwas nang marinig ko ang bell. Minulat ko ang mata ko, dumukot ako ulit ng lollipop sa bulsa ko at binalatan muna ito bago ipasak sa bibig ko. Tinukod ko ang kaliwang kamay ko sa isang sanga para abutin ang bag ko na nasa dulo.

Shit, why didn't I notice na nakasabit pala to sa dulo ng sanga. Inabante ko pa ang kamay ko para abutin ito, pero sa mga oras na maaabot ko na sana ito ay biglang tumunog ang sanga. Nanlaki agad ang mata ko nang maputol ito. Mabilis kong binalanse ang katawan ko at inabot ang isang malaking sanga gamit ang kaliwang kamay ko.

Napahinga ako ng maluwag, I thought mahuhulog na ako! Inangat ko ang kanang kamay ko para abutin ang sanga. Using my two hands as a support, I pulled myself up. Naingat ko na ang upper body ko kaya kompyansa na akong maiaangat ko na din ang lower body ko.

Maiaangat ko na sana ng tuluyan ang lower body ko nang madulas ang kaliwang kamay ko. Hindi ako nahulog sa baba pero tumama naman ang hips ko sa sanga. Fckshit! Napahawak ako sa bewang ko at di ko mapigilan ang mapaawang ng bibig dahil sa sakit.

Nalaglag bigla ang lollipop sa bibig ko kaya napayuko ako para abutin ito. Dahil sa gulat ko sa nakita ko sa baba ay di ko na ito nasalo. Nakita ko sa baba si Jehan na natutulog!

What the hell! Bigla syang humikab kaya napatakip ako ng bibig ko. No! Humikab pa sya sa pangalawang pagkakataon kaya nasalo ng bunganga nya ang nahulog kong lollipop.

Gulat nyang iminulat ang mata nya habang nakatin sa lollipop na nasa bibig nya. Dahan-dahan syang napatingala sa punong kahoy kung nasaan ako kaya napakagat-labi ako nang magtama ang paningin namin.

"What the fvck...."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro