Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

Chapter 59. Laws

_____________

XAEL'S POV


"Don't leave me..." sabay-sabay kaming napabuntong-hininga nang magsalita muli si Jehan.




Jennie texted me an address. I don't know her purpose why she send me that, but not until we decided to go their despite of the heavy rain. We found this jerk kneeling in front of a creepy house. He's soaking wet, and his body was shivering with coldness.




He looks so devastated and ruined. Remembering that sight of him was sad. It's not a usual thing that a Jehan Sebastian Corrigan would do. It was crystal clear to me, love made him that way.




"What should we do?" Napakamot ako sa batok dahil sa naging tanong ni Justine. That's right, what should we do?




"Should we talk to her?" Jam suggested. V shook his head and walk towards us.




"Tingin niyo ba sasagutin niya ang tawag?" He commented. Tama rin siya. Those two have in common, kung may problema sila, hindi nila sinasabi.




"She probably won't." I answered.





"Please..." Nakagat ko ang labi ko. Bakit nga ba? Bakit ka nagkakaganyan? Anong nangyari?





"Naaawa ako kay Jehan..." Napatingin kami kay Rio dahil sa sinabi niya. It's not just him, ako rin naman.





That's the very first time I witnessed him acting like that. Acting like a stupid smart-ass guy for love. Hindi siya luluhod sa gitna ng napakalakas na ulan sa wala lang. I'm a man, and it's a serious matter folr me to kneel. I won't do that unless if I'm facing a very destructive problem. Kaya alam kong malaki ang problema nilang dalawa.




"Parang kelan lang nakikita ko pa siyang ang saya-saya tuwing kasama niya si Lara. Who could've thought they'll end up like this?" Lintaya ni V.





Bumukas nag pintuan at iniluwa roon si Seth, may dala-dala itong puting bimpo at planggana na may lamang maligamgam na tubig. Pinatong niya sa side table at binabad ang bimpo sa planggana. Pagkatapos ng ilang segundo, piniga niya ito at pinatong sa ulo ni Jehan. Tahimik lang kaming nakatingin sa ginagawa niya.





It's rare to watch him doing an act of kindness. Seth don't really care about lots of things, but I guess he only pretends not to care. Tinitigan niya muna ng matagal si Jehan bago ibaling ang tingin sa aming lima.





"Dito na lang tayo matulog." Tumango na lang kami. Hindi rin naman kami makakauwi dahil malakas ang ulan sa labas. Maluwag din ang kwarto ni Jehan, pwedeng-pwede kaming maglatag ng bed sheets sa lapag.




"We're not allowed to leave him like this, not when he needs us." Natahimik kami sa sinabi ni Seth. He don't usually talk, kaya nakakagulat ang magsalita siya. Lalo na't makabuluhan pa ang sinsabi niya. Not a typical words that a Seth Lazaro would say.





Napangiti ako. He acts immature sometimes, but the truth is, mas marami siyang pinagdaanan na mas mabigat pa sa problema namin. Sure, we've got personal problems and issues too, but his was
different. Maybe that's why, somehow, he's more mature than us. Hindi nga lang halata dahil sa pag-uugali niya.




Do you know the reason why he always sleeps? I guess you don't know why, but there's a reason behind that. He had a girlfriend back when we're highschool. That girl was his first love, and childhood friend. Everything was smooth between them, but not until his girlfriend was diagnosed having a Brain Tumor--with only months left to live.




Time came, she died. He didn't cry, at least not in front of us. That's the reason why he always sleeps, hoping that he'll see her even if it's just a dream. Isang beses inistorbo siya ni Jam sa pagtutulog, he punched him. He was really angry that time. Siguro dahil sa panaginip niya, nakita niya ang girlfriend niya, at nawala na lang sa isang iglap dahil sa pagdistorbo ni Jam.




"Seth's right, Kumuha ka ng bed sheets at extra pillows V." Sumunod naman ito sa sinabi ko. Lumapit ako kay Seth at tinapik ito sa balikat. Inangat niya ang tingin niya sa akin.





"What?" I smiled at him. Gumalaw si Jehan kaya tinanggal niya ang bimpo sa noo nito at nilublob na naman sa maligamgam na tubig bago ibalik sa noo ni Jehan.




"I'll talk to her tomorrow." He whispered.




"Tingin mo ba kakausapin ka niya?" Paninigurado ko.




"I'll do whatever it takes to talk to her. Kapag magmahal ka, dapat panindigan mo. Hindi yung basta-basta mo na lang iiwan nang walang sapat na dahilan." Umawang ng konti ang bibig ko, pero agad ko rin itong tinikom bago pa ako magmukhang tanga.




Tumango na lang ako bilang sagot. I guess iba talaga ang mga salitang nagmula sa taong may karanasan na. Umiling na lang ako, I wish he can really talk to her, and work things out.

KIEL'S POV

"Ang aga niyo naman pumunta rito." I said as I continued to scan the documents in my hands. These are the list of the gangsters who'll attend the Coronation Night. There are too many of them, but I have to check everything. Argh!




"You're going to work these things out ALONE? Paniguradong hindi mo yan matatapos." Nakangising wika ni Cloud. Napailing na lang ako, hinagis ko sa kaniya ang isang folder, at nasalo naman niya ito.





"Check that one." Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang magscan ng mga pangalan. We need to check if the codenames listed are legal and active in the clan. Baka kasi may makapasok na unwanted visitors at magdulot pa ng kaguluhan sa Coronation Night.





"Woah, even the Russian Gangster Clan Emperor is coming." Mangha nitong atugal habang nagtitipa sa laptop. Nilinga ko siya upang tingnan ang codename na tinipa niya. He's right, the location is in Russia, at ang position na nakalagay doon sa informations ay current Gangster Clan Emperor of Russia.





"Who knows? China's and Korea's Emperor would be there too?" I shrugged. Maybe, afterall, the Gangster Clan Emperor of the Philippines is the Worldwide Society's Gangster Emperor. Kung baga, siya ang President ng isang napakalaking kompanya sa buong mundo.




Malamang ay maraming mag-aabang kung sino ang hahalili sa trono niya. Lalo na't may papalit na rin bilang Gangster Empress pagkatapos ng apat na taong pagiging blanko ng posisyong 'yon. Possible rin na sa araw na yun mismo magtanggal ng maskara ang magiging former Gangster Emperor. Kilala lang siya bilang si Zeus, pero wala pa'ng kahit na sino ang nakakita ng mukha niya o kahit nakarinig man lang ng totoo niyang boses.




"Need some help?" Inangat ko ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Greg. Inabot ko sa kaniya ang panibagong folder. Mga 2 inch siguro ang kapal ng folder na yun. Nanlaki naman ang mga mata niya, at gulat na napatingin sa akin.



"Ilang folders pa natitira?"





"Dalawa pa, ni hindi pa nga ako nangangalahati rito." Nasapo ko ang noo ko habang patuloy na binubuklat ang mga papel. Hindi lang naman kasi daan-daan ang pupunta sa Coronation Night, libo-libo ang dami. Liban doon, iisa-isahin pa namin lahat ng codenames na nakalista para masigurong walang dummy users.




"The report is needed before 12 midnight, baka masapak tayo ng mga Gangster Rippers kapag hindi natin 'to nagawa." I tsked and continued my job.





"You mean baka mabugbog ka na naman ng pinsan mo?" Tatawa-tawang sabi ni Mike na kakagaling lang ng kusina. Napa-iling na lang ako.





Kinuha ni Mike ang isa pa'ng folder saka tumulong na rin. Cloud, Greg, and Mike are helping me, while the rest of them are busy with their mobile phones. Pagkatapos ng ilang minuto naming pagbubuklat ng pages, at pagtitipa sa laptop, nakarinig kami ng katok mula sa bakal na pinto ng hideout namin. Nagkatinginan kaming pito, what the hell?





Sino ang makakahanap ng hideout namin dito? We're in an abandoned warehouse, nilagyan pa namin ng live wires ang bakod,at isang napakalaking karatula sa labas na 'NO TRESPASSING' Bukod doon, ang sekretong daan papuntang basement, kung saan ang hideout namin, ay nasa sahig. Nakatago ito ng mabuti at hindi ito makikita kung hindi matalas ang paningin mo.





Kumatok ito muli, kaya binaba ko ang hawak kong folder. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, at pumunta sa monitor kung saan makikita kung sino ang nasa labas. Naningkit ang mata ko nang mapansing nakatuon sa ibang dereksyon ang camera. Sinong gumalaw? Napatayo na kaming pito sa kinauupuan namin habang hinahanda ang aming sarili sa kung sino mang nasa labas.





My eyes widened when I heard a beeping sound. Automatikong sinenyasan ko silang lumayo sa pinto at takpan ang mga tenga nila. Pagkatapos ng ilang segundo, bumungad sa amin ang isang pagsabog. Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa usok na bumulag sa paligid. It must be a mini-bomb, dahil ang pinto lang ang nasira sa dulot ng pagsabog.




"What the fuck is this all about?" Rinig kong mura ni Jason.





"Kung sino man siya, umagang-umaga nambubulabog na." Cael hissed.






Parang bumagal ang oras nang marinig ko ang tunog ng isang takong. Naaninag ko kaagad ang isang bulto ng babae sa tapat ng pintuan. Hindi ko pa gaanong makita ang mukha nito dulot ng usok na humaharang upang pagtakpan ang mukha niya. Humakbang siya papalapit sa amin kaya dinukot ko ang baril sa likod ko, at tinutok ito sa kaniya.




"Stop," tumigil ito. I tilt my head, kailan ba mawawala ang mga usok na 'to? Punyeta, parang may grand entrance tuloy siya.





"Who are you?" Tanong ko. Imbis na sagutin niya ang tanong ko, naghagis siya ng limang shurikens. Mabilis pa sa alas-kwatrong umiwas kami rito. Rinig na rinig ko ang pagtarak nito sa pader. Marahas kaming tumingin sa pinanggalingan nito.




Sa pagharap namin, wala na ang babae sa tapat ng pintuan. Inikot ko ang paningin ko, where is she? Naramdaman ko ang pagkakadikit-dikit ng mga braso naming pito, nakabilog kami habang nagmamatyag sa paligid. Nagsimulang maalarma ang pandinig ko nang makarinig ako ng bagay na papalapit mula sa iba't-ibang dereksyon. Nang marinig ko ang kalansing nito, nalaman ko kaagad na isa na naman pala itong shuriken.





"What the..." kamuntikan na ito dumaplis sa pisngi ni Mike kaya naman narinig ko ang pagmura nito.





"May kasama ba siya? Bakit nagmumula sa iba't-ibang dereksyon ang shurikens?" Nalilitong wika ni Cloud.




"Watch the fuck out!" Sigaw ko. Umakyat ako sa mesa at sinipa ito pabalik. Tangina, kamuntikan na ito tumama sa batok ni Greg.





"Lumabas ka! Ano ang kailangan mo!" Singhal ko. Hinawi ko ang usok sa tapat ko. It's blinding us to know where she is.





Tinalasan ko ang pakiramdam ko. I'm adjusting myself in the midst of the smokes. Nang makaramdam ako ng presensya sa bandang kaliwa ko, ay agad akong humarap dito. Inaninag ko ito ng mabuti, hanggang sa unti-unting humawi ang usok at nahagip kaagad ng paningin ko ang kamay nitong nakaangat habang may hawak-hawak na shurikens sa pagitan ng mga daliri niya.






Sunod na nakita ko ay ang mga mata nitong walang kabuhay-buhay na nakatingin sa akin. Nang magtama ang paningin naming dalawa, kaagad akong nagulat nang makita ko ang kulay berde niyang mata. Tuluyan ng nawala ang usok, at hindi nga ako nagkamali kung sino siya.







"Insan," I uttered. Napahinga ako ng malalim, how could she pull up a stunt like that? Akala ko mamamatay na ako sa mga shurikens. Damn!




Halos maglupasay naman ang mga kasama ko nang mapagtanto kung sino siya. Mahina akong sinapak ni Greg sa braso habang nakahawak sa dib-dib niya. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko para bumulong.




"Puta bro, akala ko mamamatay na ako kanina. Pinsan mo lang pala, shit naman." Napalunok ako. Kinabahan din naman ako, hindi ko lang pinahalata.





Sinundan lang namin siya ng tingin. Umupo siya lamesa habang binubuklat ang mga folders na naroroon. Binuka ko ang bibig ko upang sabihin na wag niyang galawin dahil hindi ko tanda kung anong page na ako, pero huli na dahil nagalaw na niya ito. Nakagat ko ang labi ko. Shit, mukhang uulit ako nito. Nilapag niya ang folder at pinagkrus ang biyas niya habang nakatingin pa rin sa amin.





"A-ang ganda ng m-mata niya..." manghang bulong ni Cloud sa tabi ko.






"Ano ang mapaglilingkod namin sa'yo, Gangster Ripper?" Pormal kong tanong. Alam kong hindi siya pumunta rito bilang pinsan ko, pumunta siya rito bilang ibang tao.





Imbis na sumagot ito sa tanong ko, tumawa lang siya. Nagkatinginan kaming pito, bukod sa mala-anghel nitong tawa, nakakaagaw pansin ang tila ba mapang-asar nitong tono. Wari'y may sinabi akong isang bagay na labis na kinakatuwa niya.





"Gangster Ripper eh?" I tilt my head. Tumayo siya at humakbang papalapit sa gawi namin. Nakangisi niyang inangat ang kanang kamay niya kaya napatingin kami sa mga daliri niya.






Sabay-sabay kaming napasinghap nang makita namin sa kamay niya ang isang sing-sing. Ang sing-sing na sinasabing tanging ang Gangster Empress lang ang nagmamay-ari. It only looks like a normal crowned ring with gems, pero hindi ito normal sa amin. That ring, was owned by the former Gangster Empress who died 4 years ago.





A realization hit me. The day when Tita Lauren died, it was the day when the Gangster Empress announced dead. Napaupo ako sa upuan habang nanlalaki matang nakatingin kay insan. About her being trained in any type of martial arts, gun firing, racing, and weapon handling is not a coincidence. She was meant to be thought, she was meant to learn that!





There's a reason why he managed to get in and out the Underground Bar, there's a reason why she was there when the bomb prank happened. Kaya pala marami siyang alam sa mga gangsters, kaya pala hindi siya nakakaramdam ng takot kahit pinapaligiran namin siya. That's why she's fearless and confident. Damn, why didn't I realized it sooner?





Napasinghap ako sa pangalawang pagkakataon. That means Tito Raze is the present Gangster Emperor, and Tita Lauren was the former Gangster Empress? Napanga-nga na lang ako. My family bloodline is that powerful? And yet wala man lang akong kaalam-alam sa kanila? Oh come on!





Nabalik ako sa katinuan nang tumama sa pagitan ng hita ko ang isang dagger. Napalunok ako, napaka niya talaga! I saw how she rolled her eyes, and walk towards my direction. Tinanggal niya ang pagkakatarak ng dagger sa kinauupuan ko, at tinapunan ako ng malamig na tingin.





"Do you know who killed my mother?" Napakurap ako. Inangat niya ang hawak niyang kutsilyo. Nakatingin lang siya sa patalim na para ba'ng sinusuri niya ito ng mabuti.






"Don't tell me her death was not an accident?" Tanong ko. Tinapat niya ang kutsilyo sa mukha niya at pinaglandas ang daliri niya sa patulis nito. Napakurap ako, why do I feel like she has an intent to kill? Her eyes are sharp and blank. I don't know what she's thinking.





"Exactly," saglit niya akong tinapunan ng tingin bago ibaling ulit ang tingin niya sa hawak niyang kutsilyo.





"Someone killed her, and I know who's that bitch." Naikuyom ko ang kamay ko. If someone killed her, that's a different story. I love her like my real mother, siya ang nagsisilbing mommy ko kapag palaging wala si mom.





"Who?" She handed me a picture. Nakatupi ito kaya binuksan ko pa. Nang makilala ko kung sino ito, kaagad akong natigilan. Inangat ko ang tingin ko upang tingnan ang reaksyon sa mukha niya. Is she serious?






Hindi nagtagal ay narinig ko rin ang pagsisinghapan ng mga katabi ko. Inagaw pa ni Jason ang hawak kong picture at nanlalaki matang tiningnan ito ng mabuti. Napahilamos na lang ako ng buhok. How could this happen? Why the fuck am I knowing this secret right now? Bakit ngayon ko lang nalaman?





"Does he know the truth?" Pinaglaruan niya sa mga daliri niya ang kutsilyo habang nakatingin sa akin. Matagal siya bago sumagot kaya tiningnan ko ng maigi ang expresyon ng mukha niya.





"He planned it." She pursed her lips.



"How can you be so sure he planned it?" Agad kong tanong.




"You love each other right? Try talking to him." I added.





Now I get it, alam ko na kung ano ang nangyayari. She must've broken up with him already. Kaya siguro nung gabing nakita ko siya sa Tonic Alley, nagpapakalasing siya. He looks so devastated back then, ramdam na ramdam ko ang sakit na gusto niyang ilabas.





"I'm not here to talk about my fucked up love story. I'm here because I want you to do something." Binalik sa akin ni Jason ang picture kaya tiningnan ko ito. Walang pasabi ko itong nilukot at tinapon sa basurahan.





"What are we going to do? Alam ba ni Tito Raze na papakasalan niya ang babaeng pumatay sa asawa niya?" Nagtitimpi kong tanong. See, you can't really trust innocent looking people nowadays. They'll only fuck you up.





"I'm planning to surprise them in their wedding, and you'll gonna help me for that." Inabot niya sa akin ang pitong invitation cards.




"Yes you're right, you will help too. Gangster Law number 13, Page 432, Verse 2 Clause 13, Anyone who betrays the society will automatically become an enemy, an outlaw, and must be treated as a traitor." Natahimik sila sa sinabi nito. Napa-iling ako, she memorized it. Well planned proposal to drag them into our mess.





"Gangster Law number 1, Page 101, Verse 6, Claus 2, No one can disobey the Gangster Empress' orders. Individuals who will, shall face the consequences she desires." Tinago niya ang kutsilyo niya sa belt niya, at hinarap silang anim.





" It's either you run or die. But if you'll try to run, you'll die in either way. You have no choice actually." Nakita ko ang ginawa nilang paglunok dahil sa sinabi nito. Sino ba naman ang hindi? Kung hindi ko lang siya pinsan ay baka nagpipigil na lang akong maihi sa pantalon ko.





"It'll be our pleasure to help, Empress." Kalmadong sagot ni Greg. Napangisi si insan dahil sa naging sagot nito, pero kaagad din itong nawala, at sumeryoso ang mukha.





"Sa oras na ipagsabi niyo ang totoong pagkatao ko, alam niyo na siguro anong mangyayari sa inyo?" Dahan-dahang tumango ang mga ito. Ngumisi siya at binaling ang tingin sa akin.





"Now here's the plan." Sinimalan niyang ikwento lahat-lahat ng nais niyang ipagawa  sa amin. Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinapaliwanag niya ito ng mabuti.




How heartless, how ruthless. She had no mercy anymore.

JEHAN'S POV


Nagising ako nang may mapanaginipan akong masama. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot. Namamawis din ang leeg ko, at pakiramdam ko sobrang init ng buong katawan ko. Nang mapatingin ako sa side table ko, nakita kong may gamot at baso ng tubig. Ininom ko ito at dahan-dahang tumayo.




Bubuksan ko na sana ang pinto, nang makarinig ako ng pag-uusap sa labas. Sa mga boses na naririnig ko, nangingibabaw rito ang boses ni Seth at Xael. Bukod doon, parang nagtatalo pa silang lahat. Masyadong masakit ang ulo ko kaya sinandal ko muna ang likod ko sa pinto habang pinapakinggan sila.




"We need to tell him the truth!" Maanghang na singhal ni Seth. Truth about what?





"Seth please, 'wag muna." Rinig kong pakiusap ni Xael.





"Let's take things slowly, ni hindi nga natin alam kung sino ang nagbigay nito! Hindi natin alam kung ano ang balak niya at bakit niya 'to binigay!" Tumaas ang boses ni V kaya napakunot ang noo ko. Minsan lang tumataas ang boses niya kaya nagtataka ako kung ano ang pinag-aawayan nila.




"Tama si V, nothing is confirmed yet. Calm down Seth, huminahon ka!" I heard Jam said in a firm voice.






"Don't you get it? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit bigla na lang hiniwalayan ni Lara si Jehan? Don't you think this is the reason why?" Natahimik sila. Kahit masakit ang ulo ko, pinilit kong buksan ang pinto upang makalabas ako.





"What's the reason why she broke up with me?" Paos kong tanong.




Kaagad hinablot ni Xael ang kulay brown na envelope kay Seth, at tinago ito sa likod niya. Tahimik silang nakatingin sa akin. Halatang gulat ang mga ito sa presesnya ko.  Lumapit sa gawi ko si Rio at Justine.





"Bumalik ka kaya muna sa kwarto mo? Nilalagnat ka pa." Akmang hahawakan na ako ni Rio nang ilayo ko ang braso ko sa kaniya.




"Tell me Seth, why did she broke up with me? Why can't she love me anymore?" Walang sumagot sa kanila kaya ginulo ko ang buhok ko.





"Nakikiusap ako, kung may alam kayo sabihin niyo sa akin! Wag niyo akong gawing tanga! Nahihirapan na ako!  Habang dumadaan ang mga araw pakiramdam ko mababaliw na ako kung hindi ko pa malaman ang totoo!" Kamuntikan na ako mawalan ng balanse kung hindi ako nahawakan ni Jam sa braso.




Please tell me, 'cause I can't hold my emotions much longer. I was poisoned by my own medicine, and it's slowly killing my heart and soul. Save me, Damn it.


VERNON'S POV


"Nine! Alam mo naman pala na hiwalay na sila bakit hindi mo sinabi!" Hinabol ko siya palabas ng mansion nila. Hindi niya man lang ako nilingon, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.




"Kinakausap kita ano ba!" Kinasa ko ang baril ko kaya napatigil siya sa paglalakad. Lumingon siya sa akin.




"Ano ba'ng pakialam mo sa gusto ko?" Napasinghal ako, hinakbang ko ang paa ko papalapit habang nakatutok pa rin ang baril ko sa kaniya.




"We ruined them Nine. Kung sinabi mo lang ang totoo, hindi sana lumala ang sitawasyon!" Kinasa niya rin ang baril niya at tinutok ito sa akin.




"Hindi ba yun naman ang gusto niyo? Ang ipaglayo sila sa isa't-isa? Walang masama sa ginawa ko!" Sigaw niya.




"Walang masama? Bakit Nine? Sa tingin mo ba, kapag napaglayo mo ang loob nila, mapapasayo si Jehan?" Tumawa ako ng mapang-asar. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko.




"How can you do this to your cousin? You're becoming Vixen, Nine. A selfish bitch with a selfish heart." Nahuli ng mga mata ko ang pagkuyom ng kamay niya.




"Mind your own business Vernon! And for a record, she's not my cousin!" Napataas ang kilay ko. She's not her cousin? Nakita kong nakagat niya ang labi niya. Mukhang hindi niya inaasahang lalabas 'yon mula sa bibig niya.





"What do you mean she's not your cousin?" Iniwas niya kaagad ang tingin niya.




"What are you talking about? Stop sprouting nonsense Vernon." Mas lalo akong naghinala sa sinabi niya. Sinisigurado kong hindi ako nagkamali sa narinig ko. Lalo na't mukhang nadulas lang siya, at hindi niya sinasadyang sabihin yun.





"You should stop bullshitting me. I know what I heard." I replied. Hindi sila magkamukha ni Ten dahil sinasabing fraternal twins sila, pero dapat may something pa rin na magkakatulad silang dalawa.




Sa tagal kong kasama si Ten, alam ko lahat ng kilos at ugali niya. Walang-wala silang magkatulad ni Nine. Bukod doon, magkahiwalay pa silang pinalaki. Base rin sa balisa niyang reaksyon, mukhang may laman ang sinabi niya kanina. Naghahanap siya ng lusot sa gusot na ginawa niya.




Binaba niya ang baril niya at tinalikuran ako. Napangisi ako, inangat ko sa langit ang baril ko at pinaputok ito. Dahil sa ingay ng putok ng baril, napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa akin. Tinapat ko malapit sa mukha ko ang baril at hinipan ang dulo nito bago ibalik sa belt ko.





"Mafia Law number 13, Page 230, Verse 4, Clause 15,  Stealing private documents that belongs to the Mafia Organization is prohibited. Anyone who will dare, will be punished by the Mafia Rippers." Nakita ko ang pagmutawi ng isang ngisi sa labi niya.




"I am one of the Mafia Rippers Vernon, no one can punish me." Matigas niyang sagot. Niluwagan ko ang suot kong tie, at palihim na pinindot ang stylus pen na nakakabit dito.




"Are you forgetting something? I am one of the Mafia Rippers too. I can punish you." I caught her sneaking in her dad's office last night. She stole the document that involves the Death of the Gangster Empress and Emperor.




"No one can threaten Nine Alexandra Crest, not even you, Vernon Avi Anaxamander." Maanghang nitong wika.




"Mafia Law number 15, Page 321, Verse 12, Clause 5, Fabricating documents of Mafia Organization for personal purposes is not allowed." Dag-dag ko. Tila ba nagulat ito sa sinabi ko. Humakbang ako papalapit sa kaniya hanggang dalawang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa.




Alam kong may pagtingin siya kay Jehan matagal na. Ngayon hindi na ako magtataka kung ano ang gagawin niya sa ninakaw niyang mga private documents. She'll fabricate it, and send it to him--to make things more complicted and fucked up like shit. She took advantage of their situation, now she's doing everything to make it more worse.




"Fabricating documents without the permission of the Maffioso will be considered as a betrayal in the society. You know that right?" Napansin ko ang pagbago ng expression ng mukha niya. Para siyang kinabahan sa sinabi ko.




"Kinabahan ka ata? Hindi ka naman siguro paparusahan dahil ama mo ang Maffioso, hindi ba?" Tinaas niya ang hawak niyang baril at tinutok ito sa akin. Napansin ko ang higpit ng pagkakahawak niya rito, at parang nanginginig siya sa takot, galit, o baka naman kaba?




"Itikom mo ang bibig mo!" Nagulat na lang ako nang hilahin niya ang gatilyo ng baril. Pumutok ito, at tinamaan ako sa kanang balikat. Pasinghal ko siyang binalingan ng tingin, d-did she just shoot me?




Gulat niyang binaba ang baril niya. Napadaing ako, nakatingin lang ako sa balisa niyang mukha. Pagkatapos ng ilang segundo, nagmamadali itong pumasok sa loob ng sasakyan niya, at pinaharurot ito kung saan mang parte ng impyerno siya pupunta. I caught her red-handed, is that why she's running away?




Napatingin ako sa kamay kong puno ng dugo na nagmula sa balikat ko. Pagkatapos ng ilang minuto, may sasakyang tumigil sa harap ko. Pamilyar sa akin ang sasakyang 'yon kaya tinitigan ko muna. Nang bumaba ang driver nito ay hindi nga ako nagkamali. Tsk, bakit ngayon pa siya dumating?




"What the fuck happened to you?" Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa balikat kong duguan. I rolled my eyes as I look at her reaction.




"Anong ginagawa mo rito?" Sinuntok niya ako sa panga kaya natumba ako.




"Talagang nagawa mo pa'ng itanong 'yan sa akin ha! Sagutin mo ako kung ayaw mo'ng matuluyan ka!" Banta niya. Nanlilisik ang mga mata niya kaya natawa na lang ako.






Hinagis ko sa kaniya ang hawak kong stylus pen. Sinalo niya naman ito at kaagad pinindot ang maliit na voice recorder sa gilid. Pagkatapos ng ilang segundong pakikinig, nakita ko ang pagtagis ng bagang niya. She's mad, absolutely mad.





"That bitch, lagot siya kay Lara." She whispered.




"Don't worry, I'll make sure the Maffioso will know about this." I murmured as I stood up.




"She's not my daughter." Gulat kaming napalingon sa nagsalita. It was him, Prime Javis Crest.




"W-what does that mean?" Utal kong tanong.




"Nakita ko lang siya sa tapat ng mansyon na ito nung gabing pinanganak si Ten. Kinuha ko siya at pinalabas na magkambal silang dalawa." Natahimik kaming dalawa dahil sa sinabi nito. W-what the fuck....




"If you wanted to break my laws, you should know what you're up to. You should know, you're facing death." And by that, he left.




Nine is not his real daughter. Ten is not her real brother. She's no longer my fiancee. However, she knows a lot about us mafias. Damn, just what the hell is going on?



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro