Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

L'S NOTE: This story is not getting any longer. Honestly, natapos ko na siya lahat. I'm just waiting for something to reach my target before updating. Kung ano ang target ko? Not gonna tell ya. I would really appreciate it if you move your lazy fingers out there and press vote, or type a comment. It might change a thing ya know. It's surely not for fame, but motivation. For those who don't read the note, shame on you.


Chapter 58. I did Something Bad

_____________


DIAMOND'S POV

May kumatok sa kwarto ko kaya napabalikwas ako. Napatingin ako sa relo ko, tanghali na pala, hindi ko na namalayan dahil kanina pa ako nakaharap sa laptop ko. I rolled my eyes, it's probably the maid telling me to go down and eat. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagscroll ng feed sa Darknet.




Naagaw ng atesyon ko ang isang announcement mula sa portal ng Mafia. It's an article about the Gangster Society's new Gangster Empress and Emperor, sinabi rin dito kung kelan ang Coronation Night. Kinuha ko ang invitation na nasa itaas ng side table ko. Inangat ko ito upang tingnan ang date ng kasal. Napataas ang kilay ko nang mapansin kong magkasabay itong gaganapin--sa magkaibang oras nga lang.




Is that guy planning something? How can he set the date of the Coronation Night to the exact date of his wedding? Don't he wanna have a honeymoon or whatsoever? Who wants to have a honeymoon with the woman who killed your wife? I rolled my eyes and put the invitation back to my side table. Yeah, I'm invited. I asked Lara about it, at pumayag naman siya nang hindi na nagtatanong pa.




May kumatok ulit sa pangalawang pagkakataon kaya bumangon na ako mula sa pagkakadapa ko sa kama. Pagbukas ko ng pinto, isang kamao ang sumalubong sa akin. Agad ko itong naiwasan. Pinanlisikan ko siya ng mata, ang ganda naman ng bungad niya sa akin. Eh kung tusukin ko kaya ng kutsilyo ang mata niya?




"Good morning!" Tinulak ko siya nang mahina para makalabas na ng pinto. He pout and messed up with my hair. Napatigil ako sa paglalakad at sininghalan siya. Nagtatampo ako sa gagong to.




"Oh come on! Sorry na!" Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. I heard him chuckled, kingina niya.




"Baby naman, minsan nga lang ako pumupunta rito tapos ginaganyan mo pa ako." Inis ko siyang hinarap. Pinanlakihan ko siya ng mata at hinampas sa balikat.




"Yun nga eh! Masyado ka na ba'ng naa-attched sa fiancee mo kaya hindi mo magawang dalawin ang pamilya mo rito? Ano ha!" Hinampas ko siya ng hinampas, siya naman todo iwas habang hinaharang pa ang magkabila niyang braso.




"Are you jealous? Akala ko ba wala kang pakialam sa kuya mo?" Sinipa ko siya kaya napatalon siya sa sakit.




"Kelan pa nawalan ng pakialam ang magkapatid?" Akmang susuntukin ko na siya nang biglang sumulpot ang isang maid. Sinabihan kami nitong bumaba na para kumain.




"Sorry na kasi eh, busy kasi si kuya." Kinawit niya ang braso niya sa leeg ko at kinulong ako. He's head-locking me. Shit!




"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pilit kong inaalis ang braso niya sa leeg ko pero masyado siyang malakas. Kaya naman walang pasabi ko na lang itong kinagat.




Umalingaw-ngaw ang sigaw niya kaya nakangisi akong bumaba ng hagdan, habang siya naman ay talak ng talak sa likod ko dahil sa ginawa ko. Bahala siya sa buhay niya, hindi kami bati.





"Oh, anong nangyari sa kuya mo?" Tanong ni dad nang makaupo na kami sa hapag-kainan. Nakabusangot itong umupo habang nanghahaba ang nguso. Parang pwet ng manok ang bunganga niya.




"Tsk, manang-mana talaga siya kay mom. Kung makakagat kala mo may lahing cannibal." He said rolling his eyeballs off.




"Kapag marinig ka nun, kurot sa singit ang aabutin mo." Nakangiting wika ni dad. Mom's in Las Vegas, she's the one who manages our company, nagiging busy na kasi si dad dahil sa mga Mafia affairs. Hindi naman pwedeng pabayaan na lang namin dahil malaking kawalan ito sa mga tao.




"Oh please, shut up and eat." Tinuro niya sa akin ang hawak niyang tinidor at pinanlisikan ako ng mata.



"Ikaw ba ang mas nakakatanda sa ating dalawa?" I gave him my pokerface. Yes I am childish, and I'm aware of that. Kaso pag siya ang nagiging-childish, napapapokerface na lang talaga ako. He's a guy for Pete's sake!




"Dad oh! Iniirapan niya ako!" Nakita ko pagiling-iling ni dad dahil sa inasal niya. I stick my tongue out and make face. Walang may paki sa sinabi niya.




"So tell me, what have you been doing Vernon?" Inangat ko ang hawak kong tinidor na may nakatusok na steak. Napatingin ako sa kaniya nang tanungin siya ni dad. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan niya?




"Ahh, you know SilverCrest Mafia is really busy right? Especially because her wedding is approaching." Napatango kami. Sa aming lahat, sila ang pinakanaghahanda. Of course, hell is about to break loose.




"I've been doing errands lately." Sumubo siya ng kanin bago uminom ng tubig. I crossed my legs and faced him.




"What type of errands?"




"Like a mission to break someone else's relationship?" Nangunot ang noo ko. A mission to break someone else's relationship?




"What are you talking about?" He rolled his eyes, and take a sip of the soup.




"They've probably broken up by now." He said looking at his watch. Naingat ko ang tingin ko nang may taong pumasok sa isip ko.




"What have you done?" Nang mapansin niyang seryoso ang boses ko, bigla siyang napatingin sa akin.




"You're out of it, and besides it's a rig-" pabagsak kong nilapag ang kutsa at tinidor na hawak ko, dahilan para mapatigil sila sa pagkain.




"I'll decide if I'm out of it after you explained what happened. Hindi mo alam anong maaaring mangyari dahil sa ginawa mo." Nilapag niya rin ang hawak niyang kubyertos at tumingin sa akin ng seryoso.




"Gumawa ako ng paraan para maghiwalay silang dalawa." Natawa ako. Kelan pa nahuli sa balita ang gagong 'to?




"Hindi mo ba alam? Hiwalay na sila. She already know the truth! Nang malaman niya, she immidiately broke up with him--hindi mo ba alam 'yan?" Napansin kong natigilan siya dahil sa sinabi ko. He blinked his eyes twice, gulat siyang napahilamos sa mukha niya.




"What the hell!" Nagkatinginan kami ni dad. Naguguluhan siyang napatingin sa akin.



"How'd you know? Bakit hindi mo kaagad sinabi? Shit! Dapat hindi ko na--Argh!" Lalong nangunot ang noo ko. Kinabahan kaagad ako dahil sa naging reaksyon niya, anong ginawa niya?




"K-kaya pala siya umiinom ng gabing yun, fucking shit! "





"Kuya anong ginawa mo?" Napakagat ito ng labi dahil sa naging tanong ko. Napailing-iling na lang ang ulo nito na para ba'ng nagsisisi ito sa kung ano man ang ginawa niya.




"Kasi..." ang mga sumunod na sinabi niya ang nakapagpasinghap sa akin. Sinabi niya lahat ng ginawa nila--na siya naman pala talaga ang may pakana. Hindi ko maiwasang mapasabunot din ng buhok dahil sa mga pinagsasabi niya.




"Nag-isip ka ba bago mo sinabi yun? Nag-isip ka ba bago niyo sinagawa ang plano niyo? Nag-isip ka ba sa mangyayari?" Kulang na lang ay ihambalos ko ang pinggan na pinagkainan ko sa kaniya. What the heck was he thinking? Bakit niya ginawa yun?




"Alam mo ba'ng napakalaking gulo ang ginawa mo? Goodness kuya! Kilala mo si Lara hindi ba? Paano kung mas lalo siyang magalit? Paano kung isipin niyang matagal na pala siyang niloloko ni Jehan! Fuck you! Mas lalo mong pinagulo ang mga nangyayari!" Paghihimutok ko sa galit. Gustong-gusto ko siyang suntukin ngayon.




If I put myself in Lara's shoe, at nakita ko sila, iisipin kong matagal na pala akong niloloko at planado ang lahat ng nangyari. Damn, what they did was below the belt! Knowing Lara, that girl don't know how to handle her emotions. Napansin ko 'yon nang makausap ko siya sa maikling panahon.




"Should I go and explain everything to her? Should I--" napatigil sa pagsasalita si kuya nang makarinig kami ng ingay ng kubyertos mula kay dad.




"No. It already happened, so be it. Mas lalong lalayo ang loob niya dahil sa ginawa niyo. That's alright, as long as they're not together anymore." Nangunot ang noo ko. Tama? Hindi tama yun! Akmang aangal na ako nang magsalita siya muli.




"What if his mom will blind him with the truth? Paano kung sabihin ni Vixen na ang Gangster Emperor ang pumatay sa ama niya? At paano na lang din kung malamam niya na si Lara ang totoong Gangster Empress?" Natahimik ako.




Hindi na nakakapagtaka kung bubulagin siya ng babaeng yun sa katotohonang siya ang pumatay sa asawa niya. Papalabasin niyang ang Gangster Emperor ang pumatay sa asawa niya. Pag malaman niyang si Lara ang Gangster Empress, malalaman niya kaagad na si Raze ang Gangster Emperor. Iisipin niyang sinadya ni Raze ang pagpapakasal sa ina niya para hindi na ito makapaghiganti--o baka dahil sinadya itong ipapatay ni Raze dahil mahal nito ang ina niya.





Napahinga ako ng malalim. Those are just my speculations, pero malaki ang posibilidad na yun ang isipin niya kapag malaman na niya ang totoo, at tuluyan na siyang mabulag ng kasamaan ng sarili niyang ina. Things could turn up into a total shit. Fuck!



LARA'S POV

"So what do you say? It's perfect isn't it?"



"I loved it! Thank you so much! I love you..."



"Welcome, darling. I love you too."



I smirk, love my ass. Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila sa harap ng wedding planner. As much as I want to see her bath in her own blood, I can't. I have to conceal everything, I have to be patient. Nasusura akong makita ang nakangiti niyang pagmumukha, parang gusto ko itong iuntog ng paulit-ulit sa pader, parang gusto ko siyang pugutan para mamatay na siya.




Nanggigil ako sa kaniya. How can she laugh like that? How can she manage to give him a sweet smile despite of what she did? Does her happiness right now justified how she killed my mother? Does her love for my dad enough to cost much life? Damn her and her selfishness.



"Where's your son? I thought he'll be here?" Napahigpit ang paghawak ko sa cup ng kape . Napatunghay ako para tingnan ang reaksyon sa mukha ng demonyitang babae.




"He'll be here in an hour. I guess he's a little busy." I scoffed. Busy? Yes he is, he's busy fucking someone. I laughed in my head, that fucker has a lot on his mind.





"I'll be in the powder room for a minute." Napansin kong napapatingin ito sa phone niya habang nagpapaalam siya kay dad.





I blink an eye as I watched dad. He's carefully planning his wedding, smiling widely like he's totally in love with her. I want to shout right into his face, I want to shout how fool he was. I want to tell him what kind of bitch he's marrying to, I want to tell him how he managed to marry and fuck the woman who killed his ex-wife. Isn't that interesting to tell him?




Now you're probably thinking, why won't I tell him? The fuck you care? Piss off! No one plans murder loud and clear. Remember, it was always calm before the storm, and I don't care whether he'll disregard me as her daughter after the things I'll do. The most important thing is, I got my revenge, and no one can stop me, not even him.




Are you sure he's the great Gangster Emperor of the Gangster Clan Society? How can a dumb, and blind man like him be the Emperor? I shook my head, they'll be doomed. A lot of gangsters lost their lives during that bloody fight. Ano na lang ang magiging reaksyon nila kung magpapakasal ang tinitingala nilang pinuno sa babaeng may kagagawan ng pagkamatay ng maraming tao.




Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table napkin na nakalagay sa mesa. Walang pagpapaalam akong tumayo at pumunta ng powder room. Pagpasok ko sa loob, naabutan kong may kausap sa phone ang demonyitang babae. Binaba niya kaagad ito nang makita niya ako. Humarap ako sa salamin habang inaayos ang bangs ko, samantalang siya naman naghuhugas ng kamay niya sa sink.




"Kahit anong hugas mo sa kamay mo, hindi mo na malilinis ang pagkatao mo." Nakangisi kong wika. Nakita kong napalingon kaagad siya sa akin dahil sa sinabi ko.





"W-what?" Hinawi ko ang buhok ko at humarap sa kaniya. Gusto kong matawa sa mukha niya, parang tinakasan siya ng dugo dahil sa putla.



"Ah, nevermind what I said Tita. I just remembered that line from a movie." I murmured.




"What movie?" She blinked an eye before drying her hands. I saw how she became jittery for a while. I tilt my head, and act like I'm remembering something.




"Nakalimutan ko na eh, but I never forgot the plot. Gusto mo ba'ng malaman?" Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis bago humarap sa kaniya.




"It's a tragic love story. It's a story of two married couple--they loved and cared for each other so much. Till one day, a bitch came into their life and destroy everything." Tumigil ako sa pagsasalita upang tignan ang reaksyon niya.





"The tragic thing is, pinatay niya ang babae para mapasakanya ang lalaki. How cliché right? Look how love turns you into a murderer." Bumuntong hininga ako bago humarap ulit sa salamin.




"Look in the mirror, you can be a murderer too. Everyone is capable of that." I smiled at her before leaving the powder room. Go die and rot in hell Vixen.




"Lara, where are you going?" Pagtatawag sa akin ni dad nang mapansin niyang papalabas na ako ng pinto. Mabilis ko siyang nilingon, kakalabas lang ng dimonyita mula sa powder room.




"I have things to take care of, see you in the wedding." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila't lumabas na ng Pillowtalk Café.




As soon as I entered my car, and exited the parking lot, I saw a familiar car entering. I smirk, that must him. Mabuti naman at hindi nagtagpo ang landas naming dalawa, dahil hindi ko alam anong maaaring magawa ko sa kaniya. I stopped the car when I saw a flower shop, bumili ako ng tatlong pirasong white roses, at bumalik na rin sa pagmamaneho patungo sa lugar na pupuntahan ko.




Nang makarating ako, ay agad akong bumaba ng sasakyan. Habang papunta ako sa puntod ni mom, bigla akong may nabanggang lalaki. Muntik pa akong mabuwal kung hindi niya lang ako nahawakan sa braso. Pag-angat ko ng tingin ko, nagulat ako kung sino ito.




He's that man, yung lalaking nakabangga ko sa school dati. He has this signature business attire suit whenever I see him. Napadako ang tingin ko sa maliit na name plate na nakakabit sa left side ng suit niya.



Prime Javis Francis
President



"Sorry." I slightly bowed my head. Ako naman kasi ang may kasalanan dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Nilingon ko siya, pumasok siya sa loob mg itim na sasakyan.





I shrugged, nang makarating ako sa puntod, nagtaka ako nang may makita akong tatlong kulay puting rosas. I tilt my head, mukhang kakalagay lang nito. Napalingon ako doon sa sasakyan ng lalaking nakabangga ko kanina. Palabas na ito ng main gate. Napabuntong hininga na lang ako, dahan-dahan kong nilagay ang bulaklak sa tabi nito at sumalampak ng upo sa damuhan.




"I'll be the Gangster Empress two days from now. Won't you congratulate me for that?" I whispered.




Hinaplos ko ang lapida nito habang ginagayak ang daliri ko sa mga letrang naka-ukit dito. I have a lot of things in mind pero walang lumalabas sa bibig ko. I'm not really that verbal, kahit sabihin mo pang wala naman talagang tao rito bukod sa mga patay.




Don't worry mom, sisiguraduhin kong makukuha ko ang hustisya ng pagkamatay mo. Buhay ng isang tao, kapalit sa buhay ng mga taong pinatay niya. Unfair, but we have no choice. Gaano ba kahalaga ang buhay niya para ikamatay ng maraming tao? Gaano niya kamahal ang pagiging makasarili niya?




That two-faced bitch need to die. Hindi ako papayag na ang Diyos na ang bahala sa kaniya, wala rin akong pakialam kung sa impyerno man ako mapupunta. Who cares? We're all going to hell anyway. Who says you're going to heaven?





Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damo, at pinagpag ang jeans ko. I just came here to tell her my thoughts, alam ko namang alam niya kung ano ang iniisip ko. What's the use of talking to dead person? Mabuti sana kung sasagot siya dahil araw-araw ko siyang kakausapin. I know she's just right beside me, guiding me in my decisions.





Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at nagmaneho na pauwi ng mansion. Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na rin ako. I parked the car inside, and twirl the car keys on my index finger.




"H-heart..." napatigil ako sa paglalakad. Tila nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Kinuyom ko ang kamao ko, at dahan-dahang humarap sa kaniya.





I gave him my blank stare,napakurap siya nang maramdaman ang lamig ng mga titig na pinupukol ko sa kaniya. I can see how tired he is, natawa ako sa isip ko. Too tired of what?





"What do you want?" Nakita ko kung paano niya kagatin ang labi niya nang marinig ang boses ko.






Kahit ilang metro pa ang layo namin sa isa't-isa, rinig na rinig ko ang malalalim niyang hininga. His hair was messed up, his bloodshot eyes was staring at me--like he was begging me for something. I hissed, I'm too numb and cold to care about his feelings. Not anymore, and never will.



JEHAN'S POV

Her stares pained me, her cold voice pierced my heart. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali para saktan niya ako ng ganito.




"I said what do you want?" Napahinga ako ng malalim. I tried to composed myself, nanghihina na ang mga tuhod ko. Her coldness makes me want to kneel in front of her. Gusto kong lumuhod at humingi ng tawad sa ano mang nagawa ko, wag niya lang akong ganituhin. Wag niya lang akong saktan ng ganito. Wag niya lang akong pahirapan pa.





"I miss you..." Sa lahat ng gusto kong itanong at sabihin sa kaniya, tatlong kataga lang ang lumabas sa bibig ko. Mga katagang parang walang naging epekto sa kaniya.





"If you're going to talk nonsense, you better leave." Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. I can't just let her walk away. Kailangan kong malaman ang dahil kung bakit siya nagkakaganito.





"Tingin mo ba walang kwenta ang pagmamahal ko sayo?" Napatigil ito sa paglalakad. Dahan-dahan itong napalingon sa akin.





"Hindi ba dapat ako ang magtanong ng bagay na 'yan? Tingin mo ba walang kwenta ang pagmamahal ko sayo?" She said in a very blunt tone. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.




"Your love is all I had, you were never been useless for me. Tinanggap ko ng buong-buo ang pagmamahal mo. I never take you for granted. Mahal na mahal kita Lara, at hindi ko kayang ipagsawalang-kwenta ang babaeng mahal ko." Mahaba kong paliwanag.





"Tell my why you're like this! Sabihin mo sa akin kung ano ang nagawa ko, aayusin ko. Sabihin mo kung saan ako nagkulang dahil pupunuin ko, sabihin mo ang pagkakamali ko para maitama ko. Nakikiusap ako sayo, wag mong gawin sa akin 'to." I pleaded.




I never begged for once in my life, but I guess I can do everything just for her.




"Sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang nagawa mo. Don't act as if you don't know anything." Madiin niyang wika. Umiling ako, ni hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.




"Alam mo ba kung ano ang desisyong pinagsisihan ko buong buhay ko?" Napahinga ako ng malalim. Ayaw kong marinig ang ano mang sasabihin niya.





"Pinagsisisihan kong minahal kita, at kung maibabalik ko ang panahon, sana hindi na lang kita nakilala." Tinalikuran niya ako. Masakit, pakiramdam ko may sumaksak sa puso ko nang bitawan niya ang mga salitang 'yon.




"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, at hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo." Sinubukan kong wag pansinin ang sinabi niya, pero sadyang lahat ng sinasabi niya tumatatak sa isip ko. Tumatagos ito sa puso ko, at nagdudulot ng sakit. Isang sakit na tanging siya lang ang makakagamot.




"Suit yourself." Tinalikuran niya ako at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. Ang nanlalambot kong tuhod ay bumigay na. Napaluhod na lang ako habang nakatulalang nakatingin sa pintong pinasukan niya.





Walang pahintulot na lumabas mula sa kaliwang mata ko ang isang butil ng tubig. Nakakagago pala ang pakiramdam kapag wala kang alam sa nangyayari. Na wala kang kaalam-alam kung bakit nagkakaganon ang babaeng mahal mo. Na kahit anong isip mo ng maaaring dahilan na ikakagalit niya, wala kang naaalala. Na kahit mahal na mahal mo siya, hindi mo alam kung mahal ka ba talaga niya.




She didn't explain such things to me, kaya hindi ko alam kung ano'ng nagawa kong mali. Nababaliw na ako, at hindi ko maipaliwanag ang naghalo-halong emosyon na unti-unting lumalamon sa buong sistema ko. Ang alam ko lang, sa tuwing nararamdaman ko ito, kusang tumutulo ang luha ko. Nasasaktan ako ng sobra.




Napakurap ako nang may mahulog na butil ng tubig mula sa langit. I smiled weakly, the heavens are with me. Bumuhos ang malamig na ulan at unti-unti ako nitong binabasa. Napatingala na lang ako.





Bakit kung kelan masaya na akong kasama siya, saka pa 'to nangyari? Bakit kung kelan mahal na mahal ko na siya, saka pa siya makikipaghiwalay sa akin? Bakit kung kelan pakiramdam ko 'di na ako mabubuhay ng wala siya, saka pa niya ako binitawan? Bakit kailangan niyang gawin 'to? Bakit kelangan niya akong saktan ng paulit-ulit?




Why do I keep on needing you even if I know I'll get hurt? Why can't I stop loving you even if you told me to? I laughed weakly, I loved a cruel and heartless woman.





LARA'S POV

Pagpasok ko sa loob, naabutan kong nagkukwentuhan sa sala ang tatlo. Napatigil pa ang mga ito sa pag-uusap nang makita akong pumasok.





Tinapunan ko lang sila ng tingin bago umakyat ng hagdan papuntang kwarto ko. Bumukod na ako sa kanila, I need some space. Kailangan ko ng lugar na ako lang mag-isa, at alam kong alam nila kung bakit. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, sinara ko ang kurtina ng bintana bago humiga sa kama ko.




As I stare in the window, nakita kong may tumulong tubig mula sa bintana. Tumayo ako, hinawi ko ang kurtina. Umuulan sa labas, at nang dumako ang tingin ko sa baba, nagbago bigla ang expression sa mukha ko.




Akala ko umalis na siya, pero anong ginagawa niya sa labas at nagpapaulan siya? He's on his knees, napapansin ko rin ang pagtatas-baba ng balikat niya na pata ba'ng humikbi. Napahigpit ang hawak ko sa kurtina, he's so consistent. Sinabi ko na lahat-lahat ng masasakit na salita pero hindi pa rin siya sumusuko.



Lumakas bigla ang ulan kaya naibalik ko ang tingin ko sa kaniya. Matigas talaga ang ulo niya, at alam kong hindi talaga siya aalis hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya kaagad akong napalingon. Iniluwa rito ang tatlo, at mukhang nag-aalala ang mukha ng mga ito.




"Si Jehan nasa baba..." pagsusumbong ni Jessi.




"Then?" Napakurap naman ang mga ito dahil sa naging sagot ko.




"Umuulan Lara. Gusto mo ba'ng may mangyaring masama sa kaniya?" Pangongonsensya ni Jennie.





"Ginusto niya yan kaya hindi ko na kasalanan kung may mangyari sa kaniya. I warned him already." I crossed my arms and sat on my bed. Nakatingin lang silang tatlo sa akin.





"Ano ba'ng nangyayari sayo Lara? Why did you suddenly become a heartless bitch?" Maanghang na wika ni Rose.




Hindi ko pinansin ang sinabi niya. I can live with that, alam ko naman kung ano ang ginagawa ko, at alam kong tama ang sinabi niya. He made me like this, and no one can blame me.




"Sa oras na lumabas kayo ng pinto upang tulungan siya, wag na kayong bumalik pa sa loob. Mag-impake na kayo kung susuway kayo sa gusto ko." Sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa akin. I have the ace, wala silang magagawa kung 'di ang sumunod sa gusto ko.





Tumayo ako at pumunta sa bintana upang tingnan siyang nakaluhod pa rin sa baba. Basang-basa na ang buong katawan niya, at nakita kong nanginginig na siya--pero hindi pa rin siya umaalis. Napangisi ako, kung inaakala niyang kakaawaan ko siya dahil sa ginagawa niya, p'wes nagkakamali siya. Hindi na ako madadaan sa ganiyan.





I closed the curtain, and laid on my bed. I know, I just did something bad. Who cares? He did the same thing, I'm just returning the favor. And you know what? I don't care if you'll hate me, you can't blame me for acting like this. Blame the man who turned me into this. The man I loved with all my heart, but only played with me like a fucking toy.






Yes I did something bad, but why's it feel so good?



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro