Chapter 57
Chapter 57. Nightmare
____________
KIEL'S POV
"Have you receive the new update?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga taong walang sawang nagsasayawan sa gitna.
"Yeah, it was all over the Darknet. The Coronation Night. Everyone's been waiting for it." Sagot ni Greg. He's holding his phone, scrolling for something.
"So, whatcha think? Do you think Jehan is capable of running the society? I mean, not that I don't trust him. It's just that, he's too young. We're still 18 for fvcks sake." Ricky blurted out. I nod, he has a point.
"Kasama niya naman ang Gangster Empress, paniguradong hindi rin sila pababayaan ni Zeus pagbababa na siya bilang Gangster Emperor." Mungkahi naman ni Cael.
"What about the Gangster Rippers? Hindi ba pinsan mo ang isa sa kanila?" Binaba ko ang hawak kong wine glass at tumango. Yes she is. All this time I was worried for nothing.
"But does that even make sense bro? If she's one of the Gangster Rippers, that means na former Gangster Ripper ang tito mo. Pero hindi ba't patay na ang mga Gangster Rippers bago i-take over ng mga anak nila ang position nila?" I've been thinking about that too. Tito Raze is too workaholic and childish to be the Gangster Ripper, saka gaya nga ng sabi ni Cloud, napatunayang patay na ang Gangster Rippers.
"Your family is too mysterious bro, kahit si Lara na pinsan mo, hindi mo nalaman na nakakalabas-pasok pala siya sa Underground." Tatawa-tawang wika ni Mike.
"What can I say, that woman is unpredictable." I whispered.
Inangat ko ang wine glass at uminom ng alak. Nang ibaling ko ang tingin ko sa pinakamalapit na barstool, nahagip ng tingin ko ang isang lalaking walang ganang umiinom ng alak. Nangunot pa ang noo ko nang mapansin kong pamilyar sa akin ang mukha niya. Medyo madilim kasi ang lugar na kinauupuan niya, at naka side-view pa siya kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya.
"I'll go get some beer." Tumayo ako lumapit doon sa lalaki. Nang makalapit na ako sa kaniya, natigilan ako. Kilala ko nga siya, sinasabi ko na nga ba. Pero ano naman ang ginagawa niya rito? He's not the type to sober up.
"Hey," umupo ako sa tabi niya, pero hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin. Niyuko ko ang ulo ko upang aninagin ang mukha niya.
His eyes we're closed, and he's holding a bottle of beer on his left hand. Tinapik ko siya sa balikat, but he has no fvcking reaction. Nangunot ang noo ko nang marinig ko siyang tumawa. His laugh was different, it sounded so sad and bitter. May nangyari ba sa kanila ni insan?
Binitawan niya ang hawak niyang bote ng alak, at hinilamos ang dalawang kamay niya sa mukha niya. I stared at him for a while, mukhang may problema nga silang dalawa. Tinanggal ko na lang ang kamay ko sa balikat niya at nag-order ng isang bote ng beer. Nang ibigay na ito sa akin, binuksan ko ito at kaagad lumagok.
"Bro, okay ka lang ba?" Tanong ko. He remained silent, his hands were steadily holding his face. Mukhang wala siyang planong sagotin ang tanong ko.
"If nag-away kayo ni insan, don't worry, she just needs to cool herself up." Lumagok ako ng beer habang nakatingin pa rin sa kaniya. Don't tell me seryoso ang pinag-awayan nila ni insan?
"Kiel..." nilapag ko ang boteng hawak ko. Sinandal ko ang braso ko sa marmol na mesa at tinuon ang pansin ko nang tawagin niya ako.
"Why is your cousin so damn unpredictable?" He laughed. Napakurap ako, his laughs sound sad and low, gaya ng tawa niya kanina. Parang pinipilit niya lang ang sarili niyang tumawa.
"Tell me, ano ba'ng nangyari?" Seryoso kong tanong. Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mukha niya, at inangat ang tingin sa akin.
Nagulat ako nang makita ko ang itsura niya, this is not the Jehan Sebastian Corrigan I knew. His face shows how much sad he was, ang mukha niyang parang puno ng tanong na naghahanap ng kasagutan. He looks so fvcked up and hurt.
"You're out if it. Wala ka rin namang magagawa." He replied weakly. I can see pain in his eyes, at naaalala ko ang sarili ko sa kaniya.
I was just like him when I broke up with Rain. Ang tanong lang, sino ang nakipaghiwalay sa kanilang dalawa? Si insan ba, o siya? Napa-isip naman ako saglit, bakit naman makikipaghiwalay si insan sa kaniya?
Nang ibaling ko ulit ang tingin ko sa kaniya, nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya. Parang kanina niya pa ito pinipigilang wag pumatak. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, he can cry. Hindi naman masama ang umiyak para ilabas ang sakit, at sama ng loob.
Gusto kong itanong sa kaniya kung anong nangyari. Gusto kong itanong kung may maitutulong ba ako sa problema nila, pero alam kong hindi basta-basta nagku-kwento ng problema ang taong gaya niya. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, mas pinipili niyang solohin ang mga problemang meron siya.
Pagkatapos ng ilang minuto, napansin kong nakabagsak na ang ulo niya sa lamesa. Nangunot ang noo ko, limang bote pa lang ng beer ang nuubos niya. Sa pagkakaalala ko, malakas ang alcohol tolerance niya. The last time I saw him in the Gang Eve, he drank a total of 10 bottles in a night. Akmang aalalayan ko na siyang tumayo, nang may sumulpot na dalawang lalaki at babae.
"Kami na ang bahala sa kaniya." Hinarang ko ang kamay ko. I tilt my head, who are they? Ngayon ko pa lang sila nakita rito sa Tonic Alley.
"Don't worry, we're Lara's friend. You're Kiel right?" Sabi nung babae. Napataas ng bahagya ang kilay ko, kaibigan sila ni insan?
"Dude, we mean no harm okay? Alam namin kung saan siya nakatira, kaya kami na ang bahala sa kaniya. We don't want to trouble you." Tinitigan ko silang tatlo. Mukhang wala naman silang balak na masama.
"Paano ako makakasiguradong wala kayong masamang balak sa kaniya?" Paninigurado ko.
"I'm Ten Xanderville Francis, I'm a student from Corrigan University. Kung may mangyaring masama sa kaniya, madali mo akong mahahanap. Is that enough?"
Tumango na lang ako at tinulungan silang alalayan si Jehan. I remember seeing them in Corrigan University, and they don't look suspicious too. Hindi ko rin naman alam kung saan nakatira si Jehan. Pinanood ko silang inaalalayang lumabas si Jehan, nilagok ko ang natitirang alak at bumalik na rin sa table namin.
I tried calling her, pero hindi niya rin sinasagot ang tawag ko. I wonder kung ano ang nangyari sa kanila? Sana maayos na nila kung ano ma'ng problema ang meron sila.
DIAMOND'S POV
"How'd it go?" Binuklat ko ang hawak kong libro. How'd it go? Inangat ko ang tingin ko upang tapunan ng tingin si dad.
"She knew it, even before I told her." Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.
I crossed my legs as I continued to read. What do I expect? Lara being Lara is helpful. Hindi ko na pala kailangang sabihin sa kaniya ang totoo dahil alam na naman niya. Tho, hindi ko alam kung paano niya nalaman. The important thing is, alam na niya kung sino ang totoo niyang kalaban. She should know Mafias are out of it.
"Alam na niya?" Taka niyang tanong na siya namang ikatango ko.
"Mukhang kakaalam niya lang din. Base on her reactions, hindi siya nabigla sa sinabi ko, pero napansin kong natigilan siya." I explained. Her body language says it all, lalo na nang banggitin ko ang pangalan ni Jehan.
"Anong sabi niya? Anong pinaplano niya?" I closed the book, and look at him sternly.
I have no fvcking idea what she's thinking, her eyes are blank. Gaya ng sabi ko hindi ko alam kung paano basahin ang iniisip o ikikilos ng isang tao sa pamamagitan ng pagtitig sa mata. I'm unsure of the things she's gonna do. Hindi ko rin maintindihan ang mga pinagsasabi niya kanina.
Dumako ang paningin ko sa vase na nasa tapat ng mesa ni dad. May nakalagay ditong kulay pulang rosas, sobrang pula ng petals nito at halatang sariwa pa, at kakapitas lang. Bumalik sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Lara kanina.
"Do you know what guns and roses have in common?" Nangunot ang noo ko. What's up with her question? They don't have anything in common, they oppose each other.
"What?" She shook her head lightly. Nagtaka naman ako.
"They're deadly." She answered shortly. Deadly? What makes a rose deadly?
Mukhang napansin niyang nagtataka ako kaya bigla siyang tumitig sa mga mata ko.
"Roses represents sweet love, but then, you forgot roses have thorns. Roses can make you bleed, that's why it has no difference with a gun, they're both deadly." She said in a firm voice. Roses can't kill tho.
"Which is more painful, a prick on the rose's thorn, or a bullet from a firing gun?" Napabuga ako ng hangin. Seriously? What's up with her? Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya? Kayo ba?
"Sinabi ko na sa'yo ang kailangan kong sabihin. Now it's my turn to ask Lara." Inangat niya ang tingin sa akin.
"What are you going to do now?" She opened her lips to say something, pero agad niya rin itong tinikom, at hindi na tinuloy pa ang sasabihin niya.
"You don't need to know." She replied, lowering her body in the icy water.
I sigh, I guess I can't get any informations from her. She's keeping her own thoughts. Binalingan ko siya ng tingin sa huling pagkakataon, nakalubog ang buong katawan niya sa malamig na tubig. Tanging ang kanyang matangos na ilong, at nakapikit na mata lang niya ang tanging nakikita ko.
Lumabas ako ng banyo at tumungo sa sala kung saan nakaupo ang tatlo. Tumingin sila sa akin, I know I have a lot to explain. I know them anyway, they're the Gangster Rippers . Napalingon ako sa banyo, maybe I should tell these girls who killed their parents.
"Nakikinig ka ba Diamond?" Nabalik ako sa wisyo nang tawagin ako ni Dad.
"Seriously dad, hindi ko siya makausap ng matino okay? She keeps on asking random questions." I stood up from the chair, and was about to barged out his office, when he called me again.
"Remember the daughter of Mr. and Mrs. Barios? She's on her knees begging for your forgiveness." He said looking at the window. I rolled my eyes and went near him. Tinanaw ko kung ano ang tinitingnan niya sa baba.
He's right, that bitch is begging on her knees. Napangisi ako, balita ko uulan mamaya. Let her froze to death, I don't care. I shrugged and made my way out. Once is enough, twice is too much, and thrice could kill. Remember Diamond Avi Anaxamander, and never mess with her.
ROSE'S POV
I look at her from afar, kanina pa siya umiinom ng alak mag-isa. Hindi rin kami makatulog dahil inaalala namin siya, baka kung ano kasi ang gawin niya lalo na't alam namin na napakahirap ng hinaharap niyang problema. Diamond told us everything, kaya alam na namin kung bakit siya nagkakaganyan.
Kaya pala simula nang dumating siya kahapon, parang wala na siya sa sarili. Pag kinakausap namin siya, wala siyang sinasagot na para ba'ng wala siyang naririnig. Malalim ang iniisip niya at laging tahimik. Nakakapanibago lang, kasi hindi ganyan ang Lara na nakilala namin. Mahahalata mo talagang may problema siya kasi iba'ng-iba ang ikinikilos niya.
"She fell in love with the son of her enemy--our enemy to be exact." Bulong ni Jen. Sinandal ko ang ulo ko sa sulok ng isang pader habang tinatanaw siyang walang sawang umiinom ng alak.
"Fate's a bitch," Jen added.
"Can we do anything for her?" Naitanong naman ni Jessi.
"You don't hate Jehan right?" They shook their heads. I don't hate him just because her mom killed our parents. Wala siyang kasalanan kaya hindi siya dapat madamay sa galit na nararamdaman namin. We're not that low to play dirty like that.
"I hate his mother, I really do. Gustong-gusto ko siyang patayin. Pero hindi ibig-sabihin nun ay galit na rin ako kay Jehan. Wala siyang kinalaman dito." Jen blurted out.
"Ako rin naman, pero hindi natin hawak ang pag-iisip ni Lara. She has her own mind, own choice and decision." Jessi murmured.
There's nothing we can do but to comfort her. What are friends for? Nauna na akong naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Lara kaya sumunod na lang sa akin si Jen as Jes. She saw us approached her, but she has no reaction at all. Nakatingin lang siya sa bote ng alak na hawak niya.
Umupo ako sa tabi niya, samantalang nakaupo naman sa harap namin si Jes at Jen. Kumuha ako ng alak sa loob ng fridge at binuksan ito. Binigay ko ang mga ito sa dalawa at kumuha rin ako ng para sa akin. Sabay-sabay namin itong nilagok habang nakatingin pa rin sa kaniya. Seriously, she don't really care. Parang wala siyang nararamdamang presensya sa paligid niya.
"I end my ties with him..." She finally spoke. Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig namin ang boses niya. Wala itong kabuhay-buhay, It sounded so low and sarcastic. Lalo na't sinabayan niya pa ito ng isang pilit na tawa.
"He cried..." Inangat niya ang mukha niya at tumingin sa kisame. Parang lutang na lutang siya habang nagsasalita.
"Am I that heartless?" Lumagok ako ulit ng beer. Is she?
"I decided not to love him, but my heart continues to do so. Hinihila ako ng puso ko pabalik, pero kinukulong ako ng isip ko." Natatawa nitong wika. Napakurap ako, I can feel how hurt she was. Her tone, her facial expressions shows it all--she loves him.
"My heart was on chain. I was jailed, and I can't release myself." She almost sound like she was begging, pero nangingibabaw ang guilt sa boses niya.
Nilapag ko ang bote ng alak na hawak ko at tumingin sa kaniya. She was a mess, ang mga mata niya sobrang pula na, at parang kanina niya pa pinipigilan ang paglandas ng luha mula sa mga mata niya. Bago pa ako makapagsalita, tumayo si Jennie at hinawakan sa magkabilang balikat si Lara.
"Get yourself together bitch!" Niyugyog niya ito, but Lara's too loosen up, parang wala siyang pakialam na yugyugin siya ni Jen. I told you, she's so out of herself.
"Makinig ka sa akin, kung ginagawa mo lang 'yan kasi anak siya ng babaeng pumatay sa magulang natin, kailangan mong baguhin ang isip mo! Wala siyang kinalaman sa kasalanang ginawa ng magulang niya!" She shouted. Dahil sa sinabi niya, napaangat ng tingin si Lara, ngunit hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha nito.
"Alam ko na ang desisyong ginawa mo ay mula sa isip mo, hindi mo pinakinggan ang puso mo dahil alam mong mali--akala mo mali! Lara kung gagawa ka ng desisyon, pagtimbangin mo ang puso at isipan mo! Huwag puro isip! Huwag puro puso! Dapat pagtimbangin mo! Naiintindihan mo ba ako?" Niyugyog niya ulit ito sa pangalawang pagkakataon, pero parang wala talaga sa sarili si Lara.
Marahas na nitong tinulak si Jennie kaya halos mabuwal na ito kung hindi lang nahawakan ni Jessi. Napatayo si Lara mula sa pagkakaupo, she messed her hair angrily. Hinablot niya pa ang boteng nasa lamesa at hinagis ito sa sahig. Lumikha ito ng nakakabasag tengang tunog kaya napatingin kami sa kaniya.
"I loved him Jennie! I loved him so much! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang desisyong ginawa ko. Alam mo ba'ng simula ng malaman ko ang totoo, halos hindi ako makahinga tuwing kasama ko siya? Alam mo ba'ng hindi ko na magawang tumingin sa mga mata niya?" Tumawa ito ng malakas. Namamawis ang noo nito at medyo garagal na ang boses.
"Alam mo ba'ng simula ng malaman ko ang totoo, hindi ko alam kung mamahalin ko pa ba siya o hindi? Alam mo kung bakit ha? Alam mo ba kung bakit? Dahil sa tuwing nakikita ko siya, tuwing nakikita ko ang mukha niya, naalala ko ang mukha ng babaeng walang awang pinatay ang ina ko! Naalala ko ang mukha ng babaeng hanggang sukdulan ng impyerno ang pagkamuhi ko!" Akmang hahablutin niya pa ang boteng hawak ko nang pigilan ko siya.
Sinampal ko siya kaya nanlilisik mata itong napatingin sa akin. I clench my fist, wala nga kami sa posisyon niya. But if I were her, I won't act recklessly. If Lara's being Lara, then Rosé's being Rosé. I give a damn!
"Kung mahal mo siya, tangina ipaglaban mo! Sino ka ba ha? Sino ka! Hindi ba ikaw ang batas? Hindi ba ikaw ang batas ng mundo? Hindi ba ikaw ang nag-iisang Lara Quinn Miranda? Ang babaeng walang problemang hindi nasusulosyunan? Wag mo sabihin sa aking hindi mo kayang bigyan ng sulosyon ang problemang kinakaharap mo?" I laughed like a lunatic. Sinampal ko ulit siya kaya hinawakan na ako ni Jennie at Jessi sa magkabilang braso.
"Putangina, bitawan niyo ako!" Winaksi ko ang kamay ko kaya nabitawan nila akong dalawa. Alam nilang minsan lang ako ganito, at hinding-hindi sila magkakamaling kumontra sa akin dahil makikita nilang mamukadkad ang itim na rosas.
"Akala ko ba matapang ka? Akala ko ba wala kang tinatakbuhan ha? Eh ano tong ginagawa mo? Hindi ba't tinatakbuhan mo ang problema mo? Tinatakbuhan mo ang pagmamahal na binigay sayo! Don't be a coward Lara! Face your fate! Face his love for you! Ang Lara Quinn Miranda na kilala ko, hindi isang duwag! Gumagawa siya ng sariling batas, pero siya rin mismo ang lumalabag nito. Ang Lara Quinn Miranda na kilala ko hindi sumusuko! Sabihin mo, ikaw ba talaga yan? Come on Lara!"
Namumula na ang mga mata ko, at hingal na hingal na ako sa mga pinagsasabi ko. I just couldn't contain myself any longer, I've been in her situation too. Ganyan na ganyan ako nang malaman kong hindi aksidente ang pagkamatay ni dad, halos magwala ako at halos di ko alam anong gagawin ko.
"Ano? Nagising ka na ba ha? Gusto mo sampalin pa ulit kita? Ano ha--" akmang susugod na ako para sampalin siya nang hawakan na naman ako ni Jen at Jes.
Nakatingin lang kami sa kanya. She stood still, parang rumirihistro pa sa utak niya ang pinagsasabi ko. Nakatingin lang siya sa sahig habang kagat-kagat ang ibabang bahagi ng labi niya.
"Kung nasasaktan ka, ano pa kaya ang nararamdaman niya? Tingin mo ba hindi siya nakakaramdam ng sakit? Tingin mo ikaw lang ang nasasaktan? Don't be too cruel Lara!" Singhal ko.
Inangat niya ang tingin sa akin habang nakakuyom ang magkabilang kamay niya, dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. She look straight into my eyes, and in a quick second, she slapped me on the face.
Napasinghap ako sa ginawa niya, kahit si Jen at Jes ay napatakip na lang ng bibig dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin.
"Thanks for reminding me, bitch." She blew her bangs and flip her hair coldly.
Nilampasan niya kaming tatlo. Nanlalaki ang mata ko dahil sa inakto niya. Automatikong napalingon kaming tatlo sa kaniya. She's on her way out of the house. Napangiti na lang ako, I did it. Pero puta, ang sakit manampal ng babaeng yun.
LARA'S POV
I drove my way to his condo unit. Napailing ako, ang tanga-tanga ko para hiwalayan siya. I never shouldve listen to my mind, dapat pinagtimbang ko ang puso at isipan ko sa ano mang desisyon na gagawin ko. Hinampas ko ang manibela habang nagmamaneho ako, ang tanga mo Lara.
Nang malaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Mahal ko, minahal ko,at minamahal ko ang lalaking anak ng babaeng pumatay sa ina ko. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit, hindi ko alam kung kaya ko ba siyang tanggapin. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba'ng tanggapin ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.
Dahil sa sobrang pagkalito ko, gumawa ako ng bagay na dapat hindi ko ginawa. I acted recklessly without thinking what's right from wrong. I acted without even considering his feelings. I was too selfish. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya, sarili ko lang ang iniisip ko. I was too heartless.
Nang makarating ako sa isang napakalaking building, kaagad akong sumakay ng elevator papuntang floor kung saan ang unit niya. Dito dapat kami pupunta, pero hindi kami natuloy dahil sa katangahang ginawa ko. Nang makarating ako sa tapat ng unit niya, kaagad akong napahinga ng malalim. Gather all your strenght Lara, you need to face him.
Ita-type ko na sana ang password nang mapansin kong nakaawang ng konti ang pinto. Napataas ang kilay ko, bakit nakaawang 'to? Nakaramdam ako ng kaba kaya naman dali-dali ko itong binuksan. Nang makapasok ako, bumungad sa akin ang madilim na paligid. Dumako kaagad ang paningin ko sa sahig, puno ito ng bote ng alak. May iilan pang bubog na nagkalat sa sahig.
Napakurap ako sa sunod na bagay na nakita ko. A woman's shirt and skirt, a man's shirt and pants. Napasinghap ako, malakas ang kabog ng dib-dib ko. I don't want to jump into conclusions kaya hinakbang ko pa rin papalapit ang mga paa ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang makalapit sa kama.
Napalunok ako, nanginginig kong inangat ang kamay ko upang tanggalin ang kumot na nakatakip. Akmang tatanggalin ko na ito nang matigilan ako, sasabog na ata sa kaba ang dib-dib ko. Sana nagkamali ako ng iniisip, sana nga. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung tama nga ang hinala ko.
Nang tuluyan kong maialis ang kumot, napatulala na lang ako sa nakita ko. Hindi ko namalayang pumatak kaagad ang luha ko mula sa mga mata ko. Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa nakita ko, at habang tumatagal ay parang nawawalan ako ng kakayahang huminga. Napatingala na lang ako sa kisame habang hinahabol ang hininga at ang luha kong nag-uunahan sa pagdaloy.
Napatawa ako ng mahina, ano pa nga ba ang inaasahan ko? I clench both of my fist in anger, pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko. Umaapoy na ako sa galit, napakatanga ko nga pala talaga. Bakit ngayon ko lang naisip na pinlano nila ang lahat ng 'to? Bakit ngayon ko lang naisip na planado nila ang lahat simula't-sapul?
Hinayaan kong dumaloy mula sa mata ko ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan. Watching the two of them in bed together, hurts so much. Sa sobrang sakit nito, pakiramdam ko hinding-hindi na ako matatablan ng kahit ano mang bala ng baril. I'm too numb with the pain I'm feeling. I'm too cold to feel anyone's warmth.
Tinitigan ko silang dalawa,they planned it from the start. She's the real fiancee of this jerk, mahal nila ang isa't-isa. They make love with each other, hindi ba't nagmamahalan lang ang taong gumagawa nun? Natawa na naman ako ng pagak, they planned this.
He fooled me, he make me believed he loves me, he make me believed everything he showed me was true. You know what's funny? I believed his lies. He played with my feelings, he played with me, and fvck him because I was too dumb to noticed his real intention. Pinaniwala niyang mahal niya ako, dahil pagdating ng panahon na mahal ko na rin siya, inaakala niyang hindi ko makakayang maghiganti sa demonyita niyang ina! Inaakala niyang mas pipiliin kong mahalin siya at isuko ang paghihiganti ko.
Pinunsan ko ang luha na naglandas sa pisngi ko. I'm done crying because of him. I'm done with all this fvcks and shits. I'm done with this craps and bullshits. I swear to Hitler, you'll regret what you did. Your drunken love was now covered with my filthy hatred.
You lose a diamond while playing with a worthless stone. But don't worry, I'll take my revenge on you. I'm gonna be the worst nightmare you'll ever had. The nightmare that will haunt you to the deepest pits of burning hell. Mark my fvcking words, I am no longer the Lara Quinn Miranda you once knew.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro