Chapter 56
Chapter 56. Silence
____________
JENNIE'S POV
Binuklat ko ang kulay itim na card. Napakunot na naman ang noo ko nang mabasa ito. This is the second time na may nagpadala na naman nito. Sinara ko ang pinto at pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan kong nagku-kwentuhan sa sala si Rosé at Jessi.
"Jen? Is that another card again?" Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ko ang sinabi ni Rosé. Tumango na lang ako bilang sagot bago umakyat patungong kwarto namin ni Lara.
She's still not awake, kadalasan siya ang nauunang magising sa amin. Not to mention mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa hitsura niya kahapon. She looks devastated, but the stares in her eyes are cold. Hindi ko maipaliwanag ang aura niya kahapon. Hindi niya nga kami kinausap, dumeretso lang siya sa kwarto niya at natulog.
Akmang itataas ko na ang kamay ko upang kumatok nang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang bagong gising na mukha ni Lara. My eyes widened when I saw her eyes, her green eyes. She stared at me for a moment, then her eyes landed on the card I'm holding. Kinuha niya ito sa akin at binasa ng tahimik.
"You have to decide...." pinabitin nito ang sasabihin niya, at tumingin sa akin saglit.
"Guns or roses? love or hatred? Mind over your heart? Yours is the choice." Tiniklop niya ang card, at nakangising tinapunan ako ng tigin. Something's wrong with her smirks tho, hindi ko lang matukoy kung ano.
"Now I'm really curious who gave this shit." She whispered before she closed the door shut. Nilingon ko siya na pababa na ng hagdan, I somehow felt that the cards were given for her.
Her eyes, her real eyes was green. Ngayon alam ko na kung bakit napagkamalan akong Gangster Empress ni Jehan. I was wearing a green eye contacts back then, kaya walang kahirap-hirap niya akong itinuro na para ba'ng siguradong-sigurado nga siya na ako nga iyon.
Pagdating ko sa sala, agad lumapit sa akin si Rosé at Jessi. Nangunot ang noo ko dahil parang marami silang gustong itanong sa akin.
"May nangyari ba?" Intrigang tanong ni Jessi.
"Nagkasagutan ba kayo?" Tanong naman ni Rosé.
"Hindi, bakit?" Nagsibagsakan ang balikat nila kaya mas lalong nangunot ang noo ko. What's wrong?
"She's acting strange, ang tahimik niya. Akala namin nagkasagutan kayo sa taas." Umiling ako.
"Hindi ko rin alam kung ano ang problema niya. Napapansin ko rin na parang ang blanko ng mata niya." Sagot ko rito. Naalala kon may nagsabi sa akin dati, ang mga taong may blankong expression ang mukha, maraming iniisip.
"Should we talk to her?" Jessi pout.
"Let's give her more time, 'di magtatagal magsasabi rin siya ng problema niya." Suhestyon ni Rosé.
"Baka nag-away sila ni Jehan?" Napakibitbalikat ako sa biglang usal ni Jessi.
It's possible, pero the last time I checked, they're okay. Not to mention Lara, I don't really get how her mind works. Merong mga bagay na hindi mo aakalaing magagawa, at gagawin niya sa 'di mo malamang dahilan. Magugulat ka na lang sa mga pinanggagagawa niya.
Sinilip namin siya sa kusina, kasalukuyan siyang nakaharap sa nakabukas na refrigerator. Parang dinadama niya ang lamig nito habang nakapikit pa ang mga mata. Pagkatapos ng ilang segundo, binuksan niya ang freezer, at kinuha duon ang mga ice cubes. Pumasok siya sa loob ng banyo, at paglaan ng ilang minuto, lumabas siyang naka robe na.
"Don't tell me she's planning to take a bath with those ice cubes?" Hindi makapaniwalang wika ni Rosé. Namimilog pa ang mga mata nito na para ba'ng may bagay siyang ngayon niya lang nalaman na posible.
"Tingin ko 'di ko kakayanin, mangingisay ata ako sa lamig. Brrr!" Napatango ako sa sinabi ni Jessi. Hindi ko rin kakayanin yun, baka mabato ako sa lamig, at 'di na makagalaw pa. A fine bath for me is a hot water and milk, pero sa kaniya, icy water with milk.
"Hayaan na muna natin siyang magpalamig." Bumalik kami ng kusina para manood na lang ng TV. Napalingon ako sa banyo sa huling pagkakataon, sana naman maayos na niya kung ano'ng problema ang meron siya.
Tahimik kaming nanonood nang mabulabog kami ng isang doorbell. Nagkatinginan kaming tatlo, walang gumagamit sa amin ng doorbell. Hindi ko nga alam na may doorbell pala rito, may kalumaan na rin kasi ang bahay. Sa katunayan, mukha pa nga itong haunted house tingnan sa labas.
Hindi na lang sana namin ito papansin, pero tumunog ulit ito sa ikalawang pagkakataon. Sabay-sabay na kaming napatayo upang puntahan ito. Nasa kwarto ni Jessi ang phone niya kaya 'di namin makikita kung sino ang nasa labas. Sa phone niya lang kasi nakakabit ang CCTV footages.
Dinukot ko mula sa likod ko ang baril ko at hinanda na ang sarili ko sa pagbukas ng pinto. Nasa gilid ko lang si Jessi at Rosé, nakakasa na rin ang mga baril ng mga ito. Tumunog ulit sa ikatlong pagkakataon ang doorbell kaya patulak ko ng binuksan ang pinto. Inangat ko kaagad ang braso ko upang tutukan ng baril ang sino mang nasa labas ng pinto.
"Woah! Chill!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito. P-paanong....
"Woah, your gun looks cool!" Tila nangningning pa ang mga mata nito habang pinagmamasdan kung anong modelo ng baril ang hawak kom
"How did you..." she snapped her fingers, and went inside the house. Nagulat na lang kami sa biglaang pagpasok niya-- na para ba'ng pag-aari niya ang bahay na ito, at hindi na humingi pa ng pahintulot para pumasok.
"Sinundan ko nga pala kayo. Sorry! Haha!" Tinago namin ang baril namin, at pinuntahan siyang nag-uukay ng pag-kain sa kusina.
"Akala ko ba may emergency kaya nauna kang umalis? How come nasundan mo kami?" Tumingala siya sa kisame na para ba'ng nag-iisip ng maidadahilan niya.
"Ah!" She rolled her eyes, and opened the coke in can. Umagang-umaga nags-softdrinks na.
"Ya know my dad, abnormal yun eh. Hindi natuloy ang emergency, naayos na raw ang lahat kaya wala ng problema pa. I'm sorry if sinundnan ko kayo. Curious lang ako kung saan kayo nakatira." She reasoned out.
Still, I'm not convinced. She smiled again and lick her lips. Inikot nito ang kaniyang paningin sa loob ng bahay. She's examining every inch and part of it. Iniling niya ang ulo niya, at tinapon ang coke in can sa basurahan. Nagkatinginan kaming tatlo nang ma-shoot ito sa basurahan.
Apat na metro ang layo ng basurahan sa kaniya, bukod doon, nasa likod niya rin ito. Nashoot niya ito nang hindi man lang nililingon. That might be a simple ace, pwedeng sabihin mong nakatsamba lang siya , pero sa mga taong gaya namin, malaking paghihinala na ang nabubuo dahil sa ginawa niya.
"What?" Taka niyang tanong nang mapansin niyang nakatitig kaming lahat sa kaniya.
Other than that, medyo tago ang basurahan kaya hindi niya ito basta-batmsta makikita, not unless if she has a very keen eye. Tumikhim na lang ako oara bigyan ng sinyales ang dalawa na iiwas ang tingin nila.
"Anyway D, napapunta ka rito?" Tanong ko. It's D, Diamond Avi Romualdez. Ang babaeng naging kaibigan namin sa mall.
"You're my very first friend, masama ba dumalaw?" She said shyly. Nakanguso pa ng konti ang labi niya habang nakatingin sa aming tatlo.
Not really, nakakapanghinala lang siguro? Hindi ko rin kasi maitatanggi na parang may kakaiba rin sa kaniya. Just like how I met Lara, umpisa pa lang may kakaibang impression na siya sa akin. Pakiramdam ko kakaiba siya, at ganun din ang nararamdaman ko kay D. Parang may kakaiba sa kaniya na 'di ko matukoy-tukoy kung ano.
She's feisty, napansin ko yun sa paraan ng pagsagot-sagot niya sa babae sa mall. Alam kong palaban siya, pero parang may iba pang impact sa akin ang pagiging palaban niyang yun. Napa-iling na lang ako, you can't blame us, siguro part na rin sa pagiging gangster ang ganito. Big deal sa amin ang mga ikinikilos ng mga taong nasa paligid namin. Simpleng kilos o salita lang na nagmumula sa bibig nila, may mga pagkakataong iba ang dating nito sa amin.
"Ang laki naman ng bahay na 'to. Scratch that, mansion na pala 'to. Kayo ba ang may-ari?" Manghang tanong niya.
"Maybe?" Sagot ni Jessi.
"Parang gusto ko tuloy dito na tumira, pwede ba?" Nakagat ko ang labi ko dahil dito. Seryoso siya? Kakakilala niya pa lang sa amin, kung ako ang nasa pwesto niya, hindi ako basta-basta magtitiwala sa isang tao, at talagang hindi ako magbabalak na makitira sa bahay ng taong hindi ko kilala.
"Says who?" Napasinghap kaming tatlo nang lumabas mula sa banyo si Lara. Nakatingin ito sa amin habang tinatali ang ibabang bahagi ng robe niya.
Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni D, samantalang isang blankong tingin naman ang ipinukol sa kaniya ni Lara. Wait, magkakilala ba ang dalawang 'to? Bakit ganiyan sila makatitig sa isa't-isa?
"Hindi niyo sinabi sa akin na may isa pa pala kayong kasama rito." She smiled, still looking at Lara.
"Kasi..."
"What the fvck are you doing here Diamond?" Nabilaukan ako sa biglang asik ni Lara. Napalunok pa si Jessi at Rosé dahil sa naging mura nito.
"Awe! Bwisit ka! Bakit mo ako binuking kaagad?" Nakangusong wika nito bilang pagtugon kay Lara. Bahagyang napataas ang kilay ko, magkakilala nga silang dalawa.
"Shut up, and get your goddamn ass outta here Diamond." Walang paking saad nito. Tahimik lang kaming nanonood sa kanilang dalawa. What can I say? Kung magkakilala sila ni Lara, at ganyan ang pakikitungo nila sa isa't-isa, I'm expecting this girl is not just a normal girl either.
"Psh! Dito muna ako! Bored ako sa bahay!" Parang bata itong nakasimangot habang pinapanood uminom ng tubig si Lara.
"Kung bored ka, try mong ipaghiwalay ang 3-in-1 na kape, baka sakaling tumino ka." Pinigilan kong wag matawa dahil sa sinabi ni Lara. Alam niyo yung nambabara siya, pero parang walang kapaki-pakialam ang tono ng pananalita niya?
Akmang papasok na muli sa banyo si Lara nang hawakan ni D ang balikat niya. Nagulat na lang kami nang hawakan ni Lara ang kamay ni D, at ibinalya ito pabagsak sa sahig. Mabuti na lang at hindi bumagsak ang likod ni D sa sahig, she landed flawlessly, as if she's expecting Lara to do that.
"Psh, ang sama mo talaga sa akin." D slide her foot on the ground, tumalon kaagad si Lara upang hindi siya mapatid nito.
Kasabay ng pagtalon niya, inangat niya ang paa niya upang sipain sa ulo si D, pero walang kapalya-palyang niyuko ni D ang ulo niya upang iwasan ito. Paglapag ni Lara, sumunod ang isang sipa mula kay D. Muntik niyang matamaan sa leeg si Lara, buti na lang at kaagad naiharang ni Lara ang braso niya upang sanggain ito.
Napaatras na lang kaming tatlo, it's worth a watch. Let's see the real strenght of the Gangster Empress.
DIAMOND'S POV
Napangisi ako, she moves really fast. Tama ang sinabi sa akin ng kapatid ko, she's quick and accurate. Hinding-hindi siya nagkakamali sa pagsangga ng mga sipa na binibigay ko sa kaniya, nakatingin lang siya sa mga mata ko, pero nalalaman niya ang ikikilos ko.
Unlike me, nakatingin ako sa body language ng isang tao upang malaman ang susunod na galaw niya. Nagagawa ko naman ito, pero hindi ko alam na maaari palang basahin ang kilos ng isang tao sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata nito. She's unique indeed, akala ko rati masyado lang over si kuya sa paraan ng paglalarawan niya kay Lara. I guess, totoo pala lahat ng sinabi niya sa akin.
Halos ibalibag na niya ako kanina sa lakas ng pwersa na ginamit niya. I was expecting her to do that, pero hindi ko lang inaasahan na lalakasan niya. Muntik na akong bumagsak kanina kung hindi ko kaagad nabalanse ang katawan ko. Well damn, I'm not just the daughter of Elric Avi Anaxamander for nothing.
Lumiyad ako nang sipain niya ako ng patalikod. Napansin kong hindi gaano kataas ang sipa niya, siguro dahil naka bathrobe lang siya. May pumasok na kalokohan sa isip ko kaya napangisi na naman ako. Nakita ko ang paniningkit ng mga mata niya, parang alam na niya na may binabalak akong gawin. Damn this girl, she's so quick witted!
Hinila ko ang tali ng roba niya, nakita kong nagulat siya sa ginawa ko, at mukhang hindi niya inaasahang 'yon ang gagawin ko. Mabilis pa sa alas-kwatrong hinablot niya ang flour na nakalapag sa tabi niya. Bago pa tuluyang bumukas at malaglag ang robe na suot niya, tinapon niya sa ere ang flour kaya binulag kaagad ng kulay puting powder ang paningin ko.
Nakarinig kaagad ako ng mura galing kay Jennie, Jessi ay Rose. Natawa na lang ako, I'm not pretending to be friends with them okay? I just like them, and I guess it's not that bad. After all, totoo naman talaga na wala akong kaibigan sa school. I hate them, they only make friends with you if they knew they can get something from you. Pathetic little losers.
Aminin niyo, ganun din naman kayo hindi ba? Kapag alam niyong matalino o mayaman, kakaibiganin niyo. Para saan? Para may mapagkopyahan kayo ng assignments o di kaya exam, para may mapag-utangan kayo na porke kaibigan hindi na babayaran? Well hindi ko naman kayo nilalahat. Napapansin ko lang naman sa iba kong kaklase. Magakakaibigan daw pero sobrang plastic naman. Get a life bitch.
Nabalik ako sa realidad nang may humila sa collar ng damit ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin, at medyo naaaninag ko na ang mukha niya dahil unti-unti ng nawawala ang powder na bumubulag sa amin kanina.
"What do you want Diamond?" Napakurap ako. Hindi dahil sa sinabi niya, kun'di dahil nakita ko ang sarili ko sa isang salamin na nakadikit sa isang tabi. What the hell! Mukha akong espasol!
Nang ibaling ko ulit ang tingin ko kay Lara, napanguso na lang ako. Bakit hindi napuno ng harina ang basa niyang buhok at mukha? Bakit ako napuno ng harina ang buhok ko? Whaaaa!
"Ang sama mo talaga sa akin! Huhu!" Kunot noo niyang binitawan ang collar ng damit ko. Pumunta ako sa lababo at naghilamos ng mukha, pumunta rin ako sa banyo para kumuha ng extra towel sa cabinet, at punasan ang buhok ko.
Habang nagpupunas ako ng buhok sa sink, pumasok si Lara sa loob at kaagad nilock ang pinto. Nakita ko ang paghulog ng robe niya sa sahig, narinig ko rin ang paglubog ng katawan niya sa tubig na mula sa bathtub. Matapos kong punasan ang buhok ko, binalot ko ito ng towel.
Nilinga ko kaagad siya, nakapikit lang ang mga mata niya. Napansin kong may lumulutang na maliliit na yelo sa malagatas na tubig. I gasp, she's using ice? The hell is that? Pwede ba yun? Hindi ka ba mangingisay sa lamig?
"Now tell me Diamond, what do you want?"
I bit my lips, should I tell her?
XAEL'S POV
"Knock! Knock!"
"Walang tao." Napasimangot si V dahil sa sinagot sa kaniya ni Seth.
"Ano ba yan! Bobo mo naman! Dapat who's der sagot mo!" Inirapan lang siya ni Seth kaya nagtawanan na lang kami.
"Tss. Nahiya naman ako sa katalinuhan mo." Ismid pa nito.
"Knock knock!"
"Who's there?" Nabuhayan kaagad ng loob si V sa sinagot sa kaniya ni Seth.
"BWISIT TO!"
"Bwisit to who?" Bored na sagot ni Seth.
"BWISIT TO late now to say sorry~"
Natahimik kaming lahat. Ano ba'ng nahithit nito?
"Bwisit ka! Dami kong tawa! Mga bente!" Pambabara na naman ni Seth sa kaniya.
"Palibhasa kasi wala kang sense of humor! Puro ka lang tulog! Kaya ang puti-puti mo eh! Lumabas ka lang sa gabi pagkakamalan ka ng multo!" Pang-aasar ni V.
"Oo nga! Hahaha!" Gatong ni Justine.
"Knock! Knock!" Napalingon kami kay Jam nang magsalita siya.
"Pati ba naman ikaw Jam? Tsk!" Asik ni Seth.
"Yaan mo na sila Seth. Haha!" Natatawang sabi ni Rio.
"Who's there?" Sagot namin.
"SUSUKO!"
"Susuko who?" Nakisabay na rin ako sa kalokohan nila.
"Kung wala ka ng, maintindihan. Kung wala ka ng makapitan~" sabay-sabay nagsikunutan ang noo namin.
"Nasaan ang susuko dun?" Takang tanong ni V.
"Gago wala kang susu! HAHAHA!" Napapreno ako ng wala sa oras. Nilingon ko sila na halos mamatay na sa kakatawa.
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Pupunta kami sa condo ni Jehan, tatambay na lang siguro kami. Nabobored na rin kasi kami sa dorm kaya napagpasyahan naming maglakwatsa muna. Besides, hindi rin naman yun umaalis ng unit niya.
Nag-ingay na naman sila kaya nilakasan ko na lang music para hindi ko marinig ang ingay nila, pero mas lalo lang itong umingay dahil sumasabay sila sa kanta.
"Yolo yolo yolo yo~ Yolo yolo yo~ Tangina, tangina tangina mo!"
Pinatay ko ang music kaya umangal sila.
"Tumigil nga kayo, minu-murder niyo ang kanta eh." Nagsitawanan sila dahil sa sinabi ko. Napa-iling na lang ako, siguro hindi kumpleto ang buhay ko kung wala sila. Haha!
"Holy shit..." muntik ng mapatayo sa upuan si Rio kaya nauntog ang ulo niya.
"Shit down! Shit down!"
"Dang, the Gangster Clan is on blast!" He blurted out.
"What do you mean?" Tanong ko.
"I just saw an announcement from the Gangster Attendant. It says the Coronation for the new Gangster Empress and Emperor is three days from now!" Napapreno ako sa pangalawang pagkakataon.
"THAT'S THE NIGHT AFTER THE WEDDING RIGHT?" Sabay naming sigaw.
"Paano yun? Hindi ba masyadong hassle? Kailangan nandoon rin tayo, hindi tayo makakapagparty-party!" Nakasimangot na saad ni Jam.
"Seems like the Gangster Emperor is rushing things up, akala ko next month pa ang coronation." Komento ni Justine.
Pumayag na rin naman si Jehan maging Gangster Emperor, all we have to do is support him. Isa lang naman ang rason kung bakit niya tinanggap ang pagiging Gangster Emperor, he wanted to dig something about his father's death. Yun lang ang rason kung bakit, at kung meron pa man bukod doon, hindi ko na alam pa.
Saamig lahat, siya ang pinakamasikreto. Sabihin na natin na siya ang leader namin bilang Emperors, wala siyang kahit anong sikretong tinatago bilang leader, pero bilang kaibigan, napakarami. Ayaw na ayaw niyang sinasabi sa iba ang problemang meron siya sa 'di ko malamang dahilan. Minsan nagsasabi siya, pero hindi mo naman maiintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Siguradong aabangan ng lahat ang Coronation. Hindi na ako magtataka kung pati ang kaalyansa natin sa ibang bansa maglipana na rito. It's the Coronation after all." Seth whispered as he closed his eyes.
"It's kinda weird, kinakabahan ako." Hindi ko namalayan na lumabas sa bibig ko ang iniisip ko.
"Akala ko ako lang ang kinakabahan! Haha!" Tatawa-tawang sabi ni V.
"Maybe excited lang tayo kaya ganun! Haha!"
"Yeah Justine's right!"
I nod, baka nga excited lang kami kaya nakakaramdam kami ng kaba. Nothing will happen right? Sigurado naman kasing maigting ang magiging security sa gabing yun. I guess I don't need to worry for anything.
JEHAN'S POV
Lumabas ako ng sasakyan para salubungin siyang papalapit sa akin. I smiled, she really has a face of an angel, yet attitude like a devil. Hinding-hindi ako magsisi na siya ang babaeng minahal ko higit pa kanino. Niyakap ko siya nang magkaharap na kami, nang maramdaman kong hindi siya gumati sa yakap ko, bigla akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya.
I smiled. I was about to kiss her forehead, when she suddenly took a step backwards. Napakurap ako, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Isa lang ang alam ko, nasaktan ako sa ginawa niya.
Tinitigan niya lang ako bago maglakad patungo sa sasakyan ko. I stood there for a couple of seconds, nang makabawi na ako, kaagad akong pumasok sa loob ng sasakyan ko. I look at her, she has her seatbelt on, at nakatingin lang siya ng deretso sa kalsada. Her eyes are blank, at mukhang walang kaemo-emosyon ang mukha niya.
Hindi ko na lamang pinansin 'yon. I turn the engine on, and drive. Tahimik lang kaming dalawa buong magdamag, at halos mamatay na ako sa ginagawa niya. She won't talk, at hindi ako nasasanay na hindi niya ako sinisinghalan o minumura. Hinayaan ko na lang muna dahil mukhang may malalim talaga siyang iniisip, pero hindi ko na talaga natiis ang pananahimik niya kaya tinigil ko ang sasakyan sa isang tabi.
I look at her, she's looking straightly in the road. Ang mga mata niya, ang mga mata niyang kulay berde ay hindi nakatingin sa akin. Napahinga ako ng maluwag bago magsalita, may nagawa ba akong mali?
"Is there something wrong?" Sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman niya ako tinapunan ng tingin. I felt it again, parang nakaramdam ako ng sakit dahil sa ginagawa niya.
"Heart please...talk to me." She finally turn her gaze towards me. Napakurap ako, halos hugutin ko ang hininga ko dahil sa lamig ng mga titig na binibigay niya sa akin. Her stares are making me nervous.
"Please say something, wag mo akong titigan ng ganyan." There's nothing as painful as her silence. Nakagat ko ang labi ko, iniisip ko na kung ano ang maling nagawa ko sa kaniya. Wala akong naaalalang may ginawa akong masama o ikakaselos niya.
I can still remember the kiss we shared yesterday, it was full of love and passion. There's nothing wrong with it, hindi rin naman kami nag-away. She insisted to go home, hinatid ko pa nga siya sa bahay niya. I swear to hell, wala akong naaalalang may ginawa akong ikakasama ng loob niya.
"Pakiusap magsalita ka, hindi mo ba alam na pinapatay mo ako sa ginagawa mo?" Seryoso kong saad habang nakatingin sa mga mata niya.
Hindi ko talaga alam pero kinakabahan talaga ako sa inaakto niya. Parang sasabog na ako kung hindi pa siya magsasalita. Inaamin ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. It's another type of emotion she caused.
"Jehan...." halos hugutin ko na lahat ng hininga ko nang magsalita siya. Her voice sound so cold and low. This may sound gay, but I'm really nervous.
"Let's end this."
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Natawa na lang ako, grabe kakaiba talaga magjoke ang babaeng to. Nakagat ko ang labi ko dahil napansin kong seryoso siya. Alam kong seryoso siya, pero dinaan ko na lang muna sa tawa dahil nagbabakasakali akong baka nagbibiro lang siya.
"End what? Stop joking around Heart." I managed to talk without stuttering.
"Mukha ba akong nagbibiro? I'm sorry, but we really need to end what we have." Natahimik ako. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya, parang nawawalan ako ng hininga sa bawat salita na lumalabas mula sa bibig niya.
"Tell me the reason why," mahinahon kong saad. Kahit na pakiramdam ko sasabog na ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko, kailangan ko pa rin maging kalmado. I need to, dahil kailangan ko pang malaman ang dahilan niya.
"I...." Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Look at me, and tell me the reason why you wanted to end what we have." She look straight into my eyes. Her green eyes are luring me once again, parang pinapawala niya ako sa wisyo.
"I can't love you...anymore." She said, locking her gaze into my very own eyes.
Ang sakit, pero wala akong ibang magawa kun'di anh tumango na lang. I turned the engine on, and drove her way back home. Hindi na kami tutuloy kung wala rin naman kaming patutunguhan.
Napakurap ako, I was trying my best not to drive the car in full speed. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pa siya sa bugbog, mas matalim pa kesa sa kutsilyo, mas mainit pa bala na natanggap ng katawan ko. Mas masakit siya sa lahat ng sakit na naramdaman ko buong buhay ko.
"Take care of yourself." She didn't say a word, na mas lalong nagdulot ng sakit sa akin. Lumabas siya ng sasakyan nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.
I watched her walk, ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Sa bawat paghakbang ng mga paa niya papalayo sa akin, ay parang pinipiga sa sakit ang puso ko. Marami akong gustong sabihin sa kaniya, pero walang kahit anong lumalabas mula sa bibig ko, pati utak na naging blanko.
"Please take back what you said. Say it's just a joke, say that I only heard it wrong." I whispered. Kasabay ng pagsara niya ng pinto, ay ang pagpatak ng tubig mula sa mga mata ko.
I laughed bitterly. She slapped me with her words, and killed me with her silence. My Heart just broke me, and I cried.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro