Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55


Chapter 55. As if it's your last

____________

LARA'S POV

Stay away from him. Your love will only make you bleed in tears.

"Sino ang nagbigay nito?" Seryoso kong tanong. Nilukot ko ang hawak kong kulay itim na papel. I don't know why, but I think this was for me.




"Hindi namin alam. Pumunta kami rito as soon as nag-alarm ang detector na nilagay namin. Nakita namin sa CCTV na lalaki ito, pero hindi naman namin mamukhaan." Paliwanag ni Jessi.




"May ibig sabihin ba 'yan?" Tanong ni Jennie.




"Hindi ko rin alam." Hinagis ko ito sa basurahan. Tumayo ako at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.




"I love you..."



"Aalis nga pala ulit ako. Gusto niyo ba'ng sumama?" Tanong ko pagbalik ko ng sala. Nagakatinginan silang tatlo.



"Saan?" Sabay nilang tanong.




"Sa beach resort kung saan gaganapin ang kasalanan nila." I shrugged. Sabi sa akin, pagmamay-ari raw ni Tita Lexis ang beach resort na yun, pero private property siya kaya hindi exclusive for vacation.




"Sa tingin ko 'di kami makakasama, may bibisitahin lang kami." Tumango na lang ako, at umakyat na sa kwarto ko para magbihis. Susunduin ako ni Jehan ano mang oras mamaya.





Tama kayo ng basa, alam na niya kung saan ako nakatira. Hindi ko kasi namalayang sinabi ko pala sa kaniya. I was asleep back then, tinanong niya ako, at nasagot ko 'yon ng 'di nag-iisip. Nagtaka pa nga siya kung bakit parang haunted house raw ang bahay.





He even apologize, hindi ko nga alam kung bakit. Siguro dahil sa mga kabalastugang pinagsasabi niya. It's okay anyway, nabigla lang talaga ako sa mga pinagsasabi niya. That guy, is a possessive man. I smiled unknowingly, he's cute.




Pagkatapos ng ilang minutong pagbibihis, lumabas na rin ako ng kwarto habang inaayos ang damit ko. I'm wearing a black turtleneck sleeveless top, paired with a pencil like skirt. Naglagay na rin ako ng sweater in case na malamig duon.

Pagbaba ko nakabihis na rin silang tatlo, hinihintay na lang nilang matapos si Jessi sa pagto-toothbrush. Nagpaalam na ako sa kanila, kaya lumabas na rin ako ng bahay. Sakto rin paglabas ko , kakarating lang ni kotse Jehan.




I crossed my arms as I watched him open the door of his car. I smiled when our eyes met, napapadalas ata ang pagngiti ko nitong mga araw. Nakapamulsa siyang lumapit sa akin habang sumisipol-sipol.

Nang makarating siya sa harap ko ay kaagad niyang pinitik ang noo ko. Nagkasalubong kaagad ang kilay ko, ano na  naman ba'ng trip niya?


"Good morning, Heart." Imbis mainis ako, napangiti na lang ako. Nasasanay na akong tinatawag niya akong Heart. It doesn't sound weird anymore. More or less, parang gustong-gusto ko na itong palaging naririnig sa  kaniya.



"Good morning..." I whispered.




Nauna akong maglakad papunta sa sasakyan niya, at nakasunod lang siya sa likuran ko. I dunno, I find it awkward to walk with him. I just don't know why. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan niya nang may biglang bumukas nun. Napalingon kaagad ako sa kaniya.





He's just smiling at me. Napatitig ako sa kaniya ng matagal, ni hindi ko namalayan na nabuksan na niya pala ang pinto. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya kaagad kong pinikit ang mga mata  ko. Naramdaman ko na lang ang hininga niya sa may bandang leeg ko.




"Bukas na ang pinto, 'di ka pa ba papasok?" Naimulat ko ang mata ko. Mabilis pa sa alas-kwatrong pumasok ako sa loob ng sasakyan.




Sinapok ko ang ulo ko. What the hell was that Lara? Bakit ka pumikit? Are you anticipating something? Pull your shit together!



Huminga ako ng malalim nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan. He turned the engine on, and look at me. Pinasidhan ko siya ng tingin, bakit parang nilulunod ako ng mga mata niya? Imbis na iiwas ko ang tingin ko sa kaniya, hindi ko magawa sa tuwing nakukulong ako sa mga titig niya. Sabihin niyo, kelan pa ako nagkaganito?




How can there be an epitome of a perfect man? Eyes that drowns you to know him more, nose that would keep you wanting to hear him breath, lips that are tempting you to kiss him. Tell me, since when did he became this attractive?




"Heart..." Since when did his voice became so soothing and sweet?


He lean his face towards me, causing me to look in his lips. I swallowed a lump on my throat as I closed my eyes, and I can feel his warm breath near the tip of my nose. I was waiting for his lips, but I felt something in my right side. Nang ibukas ko ang mga mata ko, naabutan ko siyang inaabot ang seatbelt sa tabi ko.




Mahina akong napasinghap, what the hell? Ikinabit niya ito, at nilock. He smiled at me, showing his perfect teeth. Hindi ko alam kung genuine smile ba 'yon, o ngiting may halong pang-asar. He put on his seatbelt, and turn the steering wheel. I grip both of my hands in the belt, what the fvck was that?




I shook my head repeatedly. Umasa ba ako? Ano namang inaasahan kong gawin niya? Meron ba? Ano Lara, ano ba'ng inaasahan mong gawin niya? Halikan ka? Ang aga-aga mo naman atang dapuan ng pagkahayok sa halik niya? Argh!





Inis kong sinandal ang ulo ko sa bintana. Naiinis ako kasi di ko nakuha ang gusto ko, at naiinis din ako dahil 'di ko alam kung bakit ko gustong makuha yun. Ang gulo ba? Yaan niyo, mas mugulo pa rin ang buhok niyo sa ilalim. Shave-shave rin pag may time okay? Nakakagigil si Jehan. Argh!



I cross my legs and turned on the music. Mas mabuti pa'ng makinig na lang ako para mawala naman ang pagkainis ko.

Kahit ako'y titibo-tibo

Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan


Asar kong pinatay ang music. Nananadya ba 'to?



"Bakit mo pinatay? Ang ganda kaya." Akmang papaandarin na niya ito nang panlakihan ko siya ng mata.




"Sige subukan mo, sasakalin kita!" Banta ko. He shook his head and smiled lightly. Kaasar siya, fvck him and his smiles. Bakit ba siya ngiti ng ngiti ngayong araw? Argh.




"Hey, pwede ba paabot ng phone ko sa draw-box?" Napangiwi ako. Binuksan ko ang draw-box at kinuha duon ang phone niya. Inangat ko ito at pinakita sa kaniya.




"Ano ka chicks?" He smirked.



"I'm a cock, a hard cock." natigilan ako saglit. Hinablot niya ang phone sa akin saka gumamit ng navigator.




Napabuga ako ng hangin, ilang beses na ba akong napapatahimik ng lalaking 'to? Hindi ako makasagot sa mga pinagsasabi niya. Nangunot ang noo ko nang may mapansin akong papel sa loob ng draw-box. Kinuha ko ito at tiningnan kung ano ang nakalagay.





It was  obviously the car's manual, and  the owner's car registration form. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang full name niya duon.





"Jehan Sebastian S. Corrigan? What does your middle initial S. stands for?" Tanong ko. Saglit siyang lumingon sa akin bago ibaling muli ang tingin niya sa kalsada.




"It's Salvador, Jehan Sebastian Salvador Corrigan. Ang angas ng full name ko 'di ba?" Napakurap ako. Salvador?





"Why?" Tumingin ulit ito sa akin. Binalik ko ang papeles sa loob ng draw-box at nilock ito.




"Nothing..."



I shrugged, maraming Salvador sa mundo. I shouldn't be bothered about it. It's just nothing, so stop being so paranoid Lara.



JEHAN'S POV

"What's your middle initial by the way?" Tanong ko rin sa kaniya.




"Imperial, Lara Quinn Imperial Miranda." Napasulyap ako sa gawi niya. Imperial? Nawala ako sa focus ng ilang segundo, Imperial has something to do with the late  Gangster Empress.





Sabi sa akin ni mom, Imperial ang surname ng late Gangster Empress. Not to mention Lara has something to do with the next Gangster Empress. Hindi ko alam pero, nagdududa akong hindi si Jennie ang Gangster Empress.





"How's the wound in your neck?" Tanong ko. Napahawak siya sa leeg niya bago ako tapunan ng tingin.





"It's fine, mawawala na 'to pagkatapos ng ilang araw." Pumreno ako dahil nagred light na.




Naaalala kong mabuti na may sugat sa kanang leeg ang Gangster Empress nung mga panahong nagkaroon ng pagpupulong. Sa mga oras na tumawag ako kay Lara, nagriring din ang phone niya sa elevator. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o ano. Pero hindi ko talaga maiwasang magduda lalo na't hindi kinomperma ng Gangster Emperor na si Jennie ang Gangster Empress.



"Malayo pa ba tayo sa resort niyo?" Niliko ko sa kabilang linya ang sasakyan dahil nag green light na.




"We're close." Nabasag ang katahimikan na namamagitan saamin nang magsalita siya.





"J-jehan..." napalingon ako sa kaniya. Her eyes are unsettled, kung saan-saan ito napapatingin. Napapansin ko rin na may namumuong tubig sa mga mata niya. Ano'ng...




"C-can you pull over? MagC-CR lang ako sa gasoline station." Sinunod ko kaagad ang sinabi niya, habang nagdadrive ako papuntang pinakamalapit na gasoline station, di ko maiwasang mapasulyap sa kaniya.




Pinapaypayan niya ang mata niya na para bang naiinitan ito. Hindi rin siya mapakali, iniiwasan niya rin ang tumingin sa akin.





"Ano ba'ng nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?" Nag-aalala kong tanong. Umiling kaagad siya. Pumreno ako, may kinuha siyang isang maliit na box sa bag niya bago buksan ang pinto, at lumabas papuntang CR.





Naiwan niya ang bag niya kaya nagtataka kong binuksan kung ano ang laman nito. Tracking device, mirror, laser pen, wallet, and contact lenses? Inangat ko kaagad ang tingin ko papuntang CR kung saan siya pumasok. She's using contact lenses?





I tilt my head, I thought she has natural brown eyes? Kung hindi kulay brown ang mata niya, ano? O baka naman malabo na ang mga mata niya? Pumasok sa isip ko kung paano siya mag-asinta ng mga bagay-bagay. She can hit them on the spot, impossible na malabo ang mga mata niya.





Bumukas ang pinto ng CR, at iniluwa duon si Lara. May takip na kulay itim na panyo sa ibabang bahagi ng mukha niya. Tanging mga mata niya lang ang nakikita ko. Kasabay ng pagtama ng paningin namin, ay ang paglipad ng ilang hibla ng buhok niya. Nagdulot ito upang makita ko ang kabuuan ng mukha niya.




Habang naglalakad siya papalapit, naaalala ko ang mata ng Gangster Empress. Ang hugis ng mukha, at ang mapilantik na pilikmata niya ay tumutugma sa mukha ng Gangster Empress. Napa-iling ako, baka namamalikmata lang ako.





Ngunit habang ilang metro na lang ang lapit niya, mas lalong nabibigyang linaw ang repleksyon niya, mas lalong namumutawi ang mukha ng Empress sa kaniya. Ang mga titig at tindig ay katulad na katulad sa babaeng 'yon. Sa sobrang pagtitig ko sa kaniya, 'di ko napansin na nakapasok na pala siya sa sasakyan at nakatitig na sa akin.



"Hoy," napakurap ako. Napaayos ako ng upo, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya.



"B-bakit ka nakaganyan?" Patay malisya kong tanong.




"Ahh, the comfort room smells like shit. Sobrang baho, hindi na ata nalilinis ng mga staffs. Tsk!" I turn steering wheel, and drive to where we're going.





"Ano ba kasi'ng ginawa mo? Are you okay?" Tinanggal niga ang panyo na nakatali sa ibabang bahagi ng mukha niya bago sumagot sa akin.





"I irritate my eyes, I need to change my contacts." Gusto ko sanang magtanong kung bakit niya pa kailangang magsuot ng contacts, pero 'di ko na lamang tinanong.





I fell in deep thought, sana mali ang hinala kong siya ang Gangster Empress. Sana nagkataon lang ang lahat. Dahil kung siya nga, hindi ko alam kung makakaya ko.


VERNON'S POV

"Ano tol, ayos ka lang?" Umiling ito sa naging tanong ko.



"Ang laki ng problema ko, hindi ko nga alam kung tama ba 'tong ginagawa ko." He sigh. Parang ang laki-laki talaga ng problema ng mokong 'to.





"It's all about your cousin right? Lara to be exact." Napalingon siya nang magsalita ako.




"Alam mo?" Tumango ako bilang sagot.





"Sa bagay, matagal na kayong magkasama ni dad. Anak ka ng kabilang Mafia Clan 'di ba? Avian Mafia?" Tumango ako sa pangalawang pagkakataon. We have no secrets to hinde anymore, lalo na't ito na rin ang tamang panahon para malaman niya ang lahat.




"Nakokonsensya ako sa ginagawa ko. Pakiramdam ko naninira ako ng relasyon ng iba." Sinandal ko ang ulo ko sa likod ng kahoy habang nakikinig sa kaniya.





"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang mali ba na sa tingin ng iba ay tama, O ang tama na sa tingin ng iba ay mali? Nalilito na ako." Napatingin ako sa mukha niya. Halatang problemadong-problemado ito.





"Gawin mo na lang kung ano ang mas nakakabuti para sa lahat." Suhestyon ko.





"Sa maikling panahon na nakilala ko siya, may isang bagay akong nalaman sa kaniya." Nakangiti kong wika.




"Ano yun?"





"She has trust issues. Malaking kasalanan para sa kaniya ang sirain ang tiwala na ibinigay niya." Natahimik naman ito sa sinabi ko. Mukhang napa-isip ito dahil sa sinabi ko.





"Then I should make Jehan break her trust." Tumawa ito ng mapakla. Parang hindi ito natutuwa sa sarili niyang sinabi, pero wala naman siyang ibang magagawa kun'di ang gawin din ito.





I know the situation he's in, alam ko kung gaano ka komplekado ang nangyayaring gulo sa pagitan ng pamilya niya at pamilya ni Lara. Lalo na sa gulong mangyayari pa sa pagitan ni Lara at Jehan. Ngayon pa lang ay di ko na alam kung ano ang mangyayari. Nakasalakay sa dalawa ang kinabukasan ng Mafia Clan at Gangster Clan.




Kung mananaig ang galit sa kanilang dalawa, mahahati ang Gangster Clan, maaaring kalahati nito pumanig kay Jehan, at maaaring ang kalahati nito pumanig kay Lara lalo na't ama niya ang present Gangster Emperor. Maaari ring may kapit sa ibang Mafia Clan ang ina ni Jehan. Magugulo ang Mafia Society at Gangster Society.





Iniisip ko pa lang, ang gulo-gulo na. Kailangan nilang maghiwalay sa lalong madaling panahon. It's a war against their heart and mind, pero kailangan pa rin nilang mamali. Tumayo ako at nakapamulsang yumuko para tingnan si Ten na mukhang problemado pa rin.




"I have an idea, Nine is the perfect bait." Nagtaka man ang mukha nito, tumayo rin siya at hinarap ako ng masinsinan.




"Ano yun?" He asked weakly.





Sinabi ko sa kaniya ang plano ko, nakikinig lang siya magdamag. Mukhang nakumbinsi ko siya, pero may pag-aalinlangan pa rin ang mukha nito.




"Papayag ba si Nine?" Napangisi ako.




"Papayag siya, trust me." Napabuntong-hininga siya sa huling pagkakataon.




This will be their end, and I guess it's for the better.


LARA'S POV

"Woah! Huge!" I exclaimed. This is no joke, malaki nga ang resort nila. It almost look like I'm on paradise. May tatlong malalaking pool sa harap ng malaking vintage house. May mga cottages din sa gilid, at kitang-kita ko ang dagat mula sa malayo.






"This is beautiful!" Tumakbo ako papuntang dagat. Naramdaman kong hinahabol ako ni Jehan sa likod. Tinanggal ko ang sapatos ko at tinapon ito sa gilid. Walang ano-anoy tinampisaw ko ang mga paa ko sa dagat.





Tuwang-tuwa akong pinagtatalsik ang tubig sa paa ko, pero nawala ang ngiti ko sa labi nang may nagpisik ng tubig sa mukha ko. Poker face akong napalingon kay Jehan na nakangisi, mabilis pa sa alas-kwatrong tinalsikan ko rin siya ng tubig. Asar siya!




"Akala ko may phobia ka sa tubig?" Tatawa-tawa niyang pang-asar.





"Sa pool lang ako may phobia hindi sa tubig! Edi sana 'di na ako naligo kung may phobia ako sa tubig! Gago!" Malakas kong hinampas sa gawi niya ang kamay ko kaya marami-raming tubig ang tumalsik sa kaniya.






"Hindi ako gago! Gwapo lang!" Ginantihan niya rin ako, kaya halos mabasa na ang buong katawan ko dahil sa kagagawan niya. Natawa na lang ako dahil sa mga pinanggagawa naming dalawa. Para kaming mga bata na hindi nakapaglaro sa dagat.





Sa huling pagtalsik ko ng tubig, pumasok sa bunganga niya kaya hinabol niya ako. Patakbo akong umahon sa dagat habang hinahabol niya pa rin ako. Halos madapa-dapa ako kakatakbo sa buhangin. Natatawa pa ako dahil sa tuwing mahuhuli na niya ako, nadadapa pa siya.





Tinawanan ko na lang siya. Nang makabawi na siya sa pagkadapa, agad niya rin akong hinabol ulit. Nahawakan niya ako sa bewang kaya napaatras ako ng bahagya. Pinalo ko ang braso niyang halos nakayakap na sa bewang ko.





"Huli ka ngayon, 'di ka na makakatakas." Tatawa-tawa kong pinalo ang braso niya habang pilit na kinikiliti siya sa bewang, pero ang gago mukhang walang kiliti.





Napatigil na lang kami sa paghaharutan nang makarinig kaming dalawa ng tikhim. Nang iangat namin ang aming paningin, nakita namin si dad at Tita Lexis na nakangising nakatingin sa aming dalawa.




"Mukhang kayong dalawa ang ikakasal ah." Nakangising usal ni dad.




"Oo nga." Sabi naman ni Tita Lexis.





Agad binitawan ni Jehan ang bewang ko, nagpipigil naman ako ng tawa dahil sa kaniya. Mukha siyang batang nahuli ng parents niya sa anumalyang ginawa niya.





"Basa na kayong dalawa. Halika, may damit ako doon. Magbihis ka sa kwarto ko." Pag-aaya sa akin ni Tita Lexis. Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya.





"Magbihis ka na rin." Nakangising wika ni dad kay Jehan.





Pumasok kami sa loob ng vintage house. It looks simple, yet elegant and classic. Mukha na rin siyang makaluma, pero ang ganda pa rin tingnan. Umakyat kami sa second floor hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Huminto sa paglalakad si Tita Lexis sa akin, at tinuro ang kwarto.





"May mga damit ako diyan sa closet. You can choose what you want, I'll be downstairs." Ngumiti ito bago bumaba ng hagdan upang balikan si dad na nakikipag-usap sa basang sisiw na si Jehan.





Pailing-iling akong pumasok sa loob ng kwarto. I turn the lights on, and look around the room. Simple, yet classy. Nagkibitbalikat na lang ako at binuksan ang closet niya. In fairness, mahilig sa black si Tita Lexis. Pareho din kami ng taste sa design and style. Nang makapili ako ng maisusuot ko, agad akong pumasok sa banyo para magbihis.





After a couple of minutes, natapos na rin ako sa pagbihis. Bumalik ako sa closet upang isara ito, pero napatigil na lang ako nang may mapansin akong drawer na medyo nakaawang ng konti. Wala sana akong pakialam dito, pero parang may nagtutulak sa akin na buksan ito. Wala naman sigurong mawawala kung buksan ko hindi ba?





Walang pahintulot ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang isang kutsilyo at isang picture. Isasara ko na sana ito nang mahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na babae. Kinuha ko ang picture at inangat ito upang matamaan ng ilaw. Nang maaninag ko kung sino ito ay nanlaki na lang ang mata ko sa gulat.




It was a picture of tita Lexis, tito Seb, dad, and mom. May nakalagay na kulay pulang ekis sa mukha ni mom at tito Seb. Ang tanging hindi nalagyan ng ekis ay ang mukha ni dad at mukha ni tita Lexis. Napasinghap ako, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang tinitingnan ang litratong hawak ko. Ayaw ko sanang pang-unahan ng hinala, pero....




Napatingin ako closet kung saan may napansin akong letra na naka-ukit doon. Inalis ko ang tingin ko sa litrato at hinawakan ang mga letrang naka-ukit doon. Hinawi ko ang mga damit upang mas lalong makita ang mga letrang naka-ukit.


Izzeah Vixen Salvador

Jenah Lexis  Salvador Corrigan


Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa gulat. Nakagat ko ang labi ko habang mahigpit na hinahawakan ang litrato, maanghang ang mga mata ko at alam kong wala ng silbi pa ang suot kong contacts. Nanginginig sa galit ang buong kalamnan ko, at pakiramdam ko parang ano mang oras ay sasabog na ako.



Naibaling ko ang tingin ko sa kutsilyong nasa drawer. Ito ba ang ginamit niya upang patayin ang ina ko? Napasinghal ako, sa lahat ng taong nakilala ko naging maingat ako, pero 'di ko akalaing ang taong inakala kong isang anghel ay isa palang demonyo! Gigil kong binalik ang litrato sa drawer. Inayos ko ang pagkakabalik nito, pati ang mga damit na ginulo ko, inayos ko na rin na para ba'ng wala lang nangyari.




Lumabas ako ng kwarto habang nakakuyom ang kamao ko. Hindi ako papayag na isang babaeng gaya niya ang magpapakasal kay dad. Ang babaeng pumatay kay mom papakasalan niya? He's out of his mind! Kailangan niyang malaman ang totoo!



Natatanaw ko na sa baba na nag-uusap silang dalawa. Wala akong ibang maramdaman bukod sa galit na namumutawi sa buong sistema ko. Parang gusto kong manakal ng tao, parang gusto kong pumatay ng tao!




"Raze, I'm pregnant." Halos manlumo ako sa narinig ko. Damn it! He fvck the woman who killed his wife! This is unbelievable!





"Hey, are you okay?" Ang lahat ng galit na naramdaman ko ay biglang humupa nang may humawak sa kamay ko. He held my hand soflty, like I'm the most fragile thing on Earth.




Halos manlambot akong lumingon sa kaniya. He's looking at me with love, longing and care. Tingin na isa lang ang ibig sabihin, tingin na kahit 'di niya man sabihin sa akin ay alam ko ang ipinahihiwatig. Nang magtama ang tingin naming dalawa, nakita kong nagulat siya. Alam ko, nakikita niya ang totoong kulay ng mga mata ko. Alam kong maaari niya akong makilala, pero wala na akong pakialam pa.



"H-heart..." I clung my arms on his neck. Mabibigat ang hininga ko habang nakatingin sa mamumungay niyang mga mata. Nakita ko mula sa mga mata niya na naguguluhan siya.



Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko upang pigilan ang mga nagbabadyang tubig mula sa mga mata ko. Malakas ang tibok ng puso ko, at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung dahil ba magkalapit kami, o dahil kinakabahan ako sa mangyayari sa amin kinabukasan.




"Tell me...what's happening? Why are you..." Iniling ko kaagad ang ulo ko na siyang ikatigil niya sa pagsasalita. Mas lalo kong diniinan ang pagkagat ng labi ko dahil sa tono ng pananalita niya. Nanlalambing ang boses niya, at nag-aalala pa ito ng sobra. Pakiramdam ko, hindi ko kaya....




"Kiss me..." tila ba nagulat ito sa sinabi ko. Nakita ko ang paglunok na ginawa niya habang nakatingin sa akin.



"W-what...." Huminga ako ng malalim bago manghagilap ng lakas ng loob upang maki-usap sa kaniya.




"Please, I'm begging you. Kiss me..."  Nakatingin lang siya sa mga mata ko.




"Kiss me as if it's your last." He cupped my cheeks, and look at me sincerely. Our faces are only inches apart, as he lean his face closer, and kissed me fully on my lips.




I pull him closer as he kissed me passionately. It was slow, and sweet kiss. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat at pagmamahal sa bawat galaw ng labi niya sa labi ko. I felt how sincere he was, I felt how he cared for me, I felt every emotion he wanted me to feel with his kiss.



I moved my lips in sync with him, kasabay no'n ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi ko. Gumanti ako sa bawat halik na binibigay niya, banayad at puno ng pagmamahal. Ako ang nagsimula kaya ako na rin ang tatapos.




This is Lara Quinn Miranda, and I'm not FAB anymore. I'm with the man I loved, the man I can no longer love tomorrow. That's why I'm kissing him, as if it's my last.


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro