Chapter 53
L'S NOTE: Hi guys, I'm overwhelmed with the votes and comments. I really really appreciate it, and I just wanted to tell you I really love reading your reactions. If you're still reading up to this point, thank you so much. This chapter is dedicated to KwiinKookie Thanks for the support and motivations bae ;) If you guys have something to ask, add me on facebook GoluckycharmWP.
⤵
Chapter 53. Partition
__________
JENNIE'S POV
My life is totally fvcked up. I messed up my hair in frustration, now everybody thought I'm the Gangster Empress. Yes, the Gangster Emperor didn't confirm anything, pero parang ganun na rin yun. Pinagpapadyak ko ang paa ko sa sofa habang iniwawaksi ang mga braso ko sa asar.
Our cover was busted. After we left, sinabi ng Gangster Emperor na Gangster Rippers ang natitirang tatlo. Now everyone knew the Gangster Rippers are back! Worse is that, they look really conviced that I'm the Gangster Empress! Nung mga panahon na itinuro niyang ako ang Gangster Empress, gusto kong tumutol, pero di ko magawa dahil di naman ako binigyang pahintulot ng Gangster Emperor na tumutol.
I don't know kung ano ang basis ng lalaking yun para sabihing ako ang Gangster Empress. Was it because of my hair? My actions? My figure? Or my eyes? As far as I'm concerned, wala akong binago. Except for my eyes, I put my olive green eye contacts. That doesn't make any sense. Di ko pa rin nakakausap ng maayos si Lara.
"Let them think what they want, ang importante alam mo mismo sa sarili mo na hindi ikaw ang Gangster Empress."
Yun lang ang sinabi niya saakin nung umiwi kami. She's been very busy lately, lagi siyang may pinupuntahan dahil sa mga kaek-ekan daw ng dad niya. Kaya nga ngayon heto kaming tatlo naggagala sa mall. Naboboryo na raw kasisa bahay si Jessi, gusto niya ata magkaroon ng playground sa loob ng bahay.
"Boom panes!"
"Hoy!" Hinila ko si Jessi. Kaabnormalan na naman ng babaeng 'to. May nakasalubong kasi kaming dalawang babae, mukhang bombay at japanese.
"Pffft! Tama naman ako diba? Bombay plus japanese equals BOOM PANES!" Nagb-breakdance pa siya sa gitna ng daan. Kami napapahiya tuwing kasama namin ang baliw na to eh. Kung ano-ano na lang ang ginagawa.
"Ewan ko sa'yo Jes." Sabay naming iginulong ang mata namin dahil sa kaabnormalan niya.
"Tara kain muna tayo?" Sa unang pagkakataon ay sumang-ayon kami sa sinabi ni ni Jessi. Nagugutom na rin kami, siguro dahil 'di kami nakapag-almusal bago umalis kanina.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko.
"Sa kainan malamang." Napapokerface ako. Agad dumapo ang kamay ko sa batok niya, bwiset siya.
"Mang Inasal na lang tayo." Akmang magrereklamo pa siya nang iwan na namin siya sa gitna ng daan.
Nagmamaktol siyang sa Jollibee na kumain, pero di namin siya pinansin ni Rosé kaya wala siyang nagawa kun'di ang sumunod na lang saamin. Papasok na sana kami para umorder nang makaagaw ng pansin namin ang dalawang babae na parang nag-aaway sa labas. Nakakahakot na rin ito ng madla kaya huminto na lang muna kami para panoorin sila.
"Bakit mo yun ginawa ha? Bakit mo pinabagsak ang kompanya namin?" Nanggagalaiti nitong pahayag. I crossed my arms, mga rich kid pala ang mga 'to, usapang business ang pinag-aawayan.
"I'm not the one who runs our company, kaya hindi ako ang nagpabagsak ng kompanya niyo. Isa pa, kasalanan 'yon ng mga magulang mo dahil di nila nagagampanan ng maayos ang trabaho nila." Kalmadong sagot ng babae.
"Hah, as if namang maniniwala ako sa'yo? Bumagsak ang kompanya namin sa mismong araw na sinagot-sagot kita dahil sa pangengealam na ginawa mo!" Nakita kong napataas ang sulok ng labi nung babae.
"Baka naman karma na yan dahil sa ginawa mo. Mapangmintas ka Frey, masyado mong tinatapakan ang pagkatao ng mga taong mas mababa sa'yo." Napangisi ako. This girl is right on track, iilang tao na lang ang ganiyan ngayon.
"Karma? Oh come on! Please, Nakikiusap ako sa'yo, wag mong gawin to sa kompanya namin." Hindi natinag ang babaeng kausap nito. Sa nakikita ko sa reaksyon niya, wala siyang planong ibigay ang gusto ng babaeng kaharap niya.
"Nah, I told you, hindi ako ang namamalakad ng kompanya namin. Pumalya kayo sa trabaho niyo kaya wala akong kasalanan." Akmang aalis na ito nang biglang tumawa ng malakas yung mataray na babae kanina.
"Bitch, kaya wala kang nagiging kaibigan sa school, ang sama-sama ng ugali mo. Kunyari mabait, pero may tinatago naman palang baho." Napahinto kaagad sa paglalakad ang babae.
Marahan itong tumawa. Isang tawa na walang lumalabas na tunog. Sinuklay niya ang buhok niya at nakangising hinirap yung mataray na babae. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa.
"Are you seriously talking to yourself?" She scoffed and tilt her head.
"I don't need fake friends." Dag-dag nito. Nang mapansim niyang lalong dumadami ang taong nakikiusisa, mas lalong lumawak ang ngisi niya.
"Your friends? You have no idea how they talk behind your back. Mga salitang mas masahol pa sa totoo mong ugali. They're fake, but they can be real sometimes." This time, siya naman ang tumawa dahil sa naging reaksyon nito.
"Caught between my words eh? Wag kang mag-eskandalo kung alam mo namang ikaw lang din ang mapapahiya." Akmang magsasalita ito nang magsalita muli ang babae.
"Mararanasan mo ang mangyayari sa babaeng walang awa mong tinapak-tapakan ang pagkatao. Karma is a bitch, and I'm that bitch." She smirk for the last time before turning her back against the girl. Papalapit na ito sa gawi naming tatlo.
Nilampasan na kami nito. Naningkit ang mata ko nang tumakbo papalapit saamin ang mataray na babae kanina, mukhang may balak itong hilahin ang buhok nung babaeng kakalampas lang saamin. Hinarangan ko siya kaya halata ang inis at galit sa mukha niya.
"Tumabi ka!" Tiningnan ko lang siya.
"Isa ka pang pakialamera ka eh!" Akmang sasampalin na niya ako nang hagipin ng kaliwang kamay ko ang leeg niya. Kasabay ng pagsinghap niya ay ang pagsinghap ng tao sa paligid.
"Matuto kang tumanggap ng katotohanan. Babalik sa'yo ang ginawa mo kaya wala kang magagawa kun'di tanggapin ito. Ginusto mo 'yan 'di ba? Kaya wag kang magreklamo." Tinanggal ko ang kamay ko sa leeg niya. Gulat na gulat ang mukha niya at hinahawakan niya pa ang leeg niya na tila ba 'di makapaniwala.
Maybe we should try eating somewhere else, nawalan ako ng gana rito. Pagharap namin, agad bumungad ang babaeng kaaway nung mataray na babae kanina. She's smiling widely, parang nakakita siya ng bagay na ngayon niya lang nakita.
"Hi!" Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa pagbati niya.
"H-hi?" Bati naming tatlo.
"I saw what you did, thanks. I'm Diamond by the way. Diamond Avi Romualdez." She smiled genuinely.
"Jennie Kim Spencer," I said. I lied with my surname tho. We changed our surname, kinuha namin ito sa apilyido ng mom namin.
"Rose Ann Meyer," Pagpapakilala naman ni Rosé.
"And I'm Jessi Villaluz!" Nakipagkamay kaming tatlo sa kaniya. She looks really pretty in her outfit.
"Do you mind if I treat you for a lunch? Mukhang kakain na rin ata kayo eh." Nagkatinginan ulit kaming tatlo. They look like they agree with her.
"Why not?" She smiled and punch the air. Napataas ang kilay ko, she's weird.
"Saan tayo?" Masaya niyang tanong.
"JOLLIBEE!"
I rolled my eyes at Jessi. Pumalakpak naman si Diamond at kaagad tinuro ang Jollibee sa dulo. Nauna silang maglakad ni Jessi, natawa na lang kami ni Rosé. I guess, she's a new friend?
XAEL'S POV
"Ang gwapo talaga natin!" Maangas na humarap si V sa salamin. Dahil dito napatigil kami sa pag-aayos ng suit namin. Humarap kami sa malaking salamin upang tingnan ang sarili namin.
"Right, handsome and sizzling hot." Napangisi na lang kami dahil sa naging wika ni Jam. Sa unang pagkakataon ay sasangayon ako sa mga pinagsasabi nila.
Sino man ay mapapalingon kung mapapadaan kami. Seven hot guys that everyone would die to be their boyfriend. Ain't that right? Napailing na lang ako, nahahawa na ata ako sa kayabangan ni Xael. Kung ano-ano na lang pinagsasabi ko.
"They're getting married, 'di ba maaapektuhan ang relationship niyo?" Napalinga sa gawi ko si Jehan nang magsalita ako.
"No fvcking hell, kahit ikakasal na sila wala akong pakialam." Sabi nito habang hinuhubad ang tie na suot niya.
"Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na isa siya sa mga Gangster Rippers." Napatango kaming lahat sa sinabi ni Rio. Kahit ako, nagbigla talaga ako ng mga oras na yun.
"No one expected the Rippers are women either." Wika ni Seth.
That's right, matapos daw kasi mamatay ang mga former Gangster Rippers, akala ng lahat mga lalaki ang mga anak nila. Kaya naman buong akala namin, mga lalaki ang Gangster Rippers. Not until the last two nights ago, mga babae pala ang Gangster Rippers.
They're job is to protect us, protect us against the Mafia Rippers, o kahit ano mang magiging banta sa society. Sa totoo lang, mas mataas sila kesa saaming Rank 1 sa underground. To think na mga babae pa sila.
"Not to mention the Gangster Empress was Jennie, yung babaeng palagi mong binabara Seth!" Mahinang sinapak ni Justine si Seth na para bang pinagagalitan ito.
"Maybe that's why she's so confident to fight against us." Ani ni V.
"Tingin ko nagkamali ako..." nangunot ang noo namin dahil sinabi ni Jehan. Nagkamali?
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Walang sugat si Jennie sa leeg." Humarap siya saamin at hinawakan ang kanang leeg niya.
"Nung nagkaharap kami para sa pagpupulong, I saw a wound on her neck. Pero di ko nakita yun kay Jennie."
"Baka naman hindi masyadong malalim kaya nawala agad?" Takang tanong V.
"Or maybe she applied something to erase it temporarily. You know, make-ups?" Komento ni Jam.
Matapos naming magbihis ay lumabas na kami ng dressing room.
"I don't know, pero parang may mali eh."
Saktong paglabas namin ay kakalabas lang din ni Tita Lexis at Tito Raze.
Parang kelan lang nasaksihan ko ang pagmamahalan ni Tita Lexis at Tito Seb. But look at the turn of events now, Tito Seb was already dead, and she's marrying Tito Raze. Hindi ko rin naman siya masisisi, mabait si Tito Raze.
That's why mom and dad are facinated with him when it comes to business. Bukam-bibig nila palagi si Tito Raze sa pagiging mabait at maunawain, bukod duon lahat ng empleyado sa kompanya niya ay parang pamilya ang turing niya dito. Matalino at wais sa pagpipili ng kliyente at business partners niya. Those traits are enough to make Tita Lexis fall in love with him. Lalo na't ganun din ang pag-uugali ni Tito Seb dati.
"You look beautiful," pagpuri nito kay Tita Lexis. Mahinhin itong tumawa at hinampas sa balikat si Tito Raze.
"Bolero ka talaga kahit kelan." Natatawa nitong saad.
"I'm serious, you are damn beautiful." Kapansin-pansin naman ang pamumula ng mukha ni Tita Lexis dahil dito.
"You pals look like a grown up men. Sino kaya ang unang magpapakasal sainyong pito?" Nakangising saad nito saamin. Natawa na lang kami, maloko rin pala siya.
"Siguro ako!" Pagtataas ni V ng kamay niya. Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"What?" Inosente niyang tanong.
"Kanino ka naman magpapakasal?" Taas kilay na tanong ni Seth.
"Secret!"
"Sa kaabnormalan mong yan may magpapakasal sayo? Asa." Ismid ni Seth. Ngumuso na lang si V. Tumawa naman kami dahil dito. Kahit si Tito at Tita ay nakitawa na rin.
"Wait, where is she?" Takang tanong ni Tito Raze. Malamang tinutukoy niya si Lara.
"Sir! Yung b-babaeng kasama niyo po! T-tumakas!" Hingal na hingal na sabi ng Manager.
"That kid," kinuha niya ang phone niya na parang may tinitngnan dito. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya, umiling ito at tumingin saamin.
"Change your clothes and get her, nasa Third floor siya, Time Zone." Nagkatinginan kaming lahat. Pumasok kami sa dressing room upang magbihis. Pagkatapos nito ay kaagad kaming lumabas para hanapin siya.
"Mukhang may tracking device si Tito Raze kay Lara." Rio mumbled.
"Wait lang, if Lara was one of the Gangster Ripper, does that mean Tito Raze was the former Ripper?" Gulat na wika ni V.
"But I thought lahat ng former Gangster Rippers patay na?" Dag-dag niya.
"Impossible naman na ampon lang si Lara dahil kamukha niya si Tito Raze." Napatango kami sa tinuran ni Justine.
"Something is not right." Jehan whispered. Napalingon kami sa kaniya, mukhang nasa malalim itong pag-iisip dahil nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa kawalan.
Nang makasakay na kami ng elevator, iniluwa kami nito sa third floor. Paglabas namin ay kaagad sumalubong ang nagtutumpukang tao sa paligid. Malakas ang tugtog ng musika at parang may sumasayaw sa gitna. Nakipagsiksikan kaming lahat para makita ang pinagkakaguluhan nila, at ganun na lang ang pagmumura namin nang malaman kung ano ito.
"W-what the fvck?"
JENNIE'S POV
"Thanks for the treat D, It's really nice meeting you." She smiled for the last time and waved her hand.
"See ya guys around!" Pagkatapos kasi naming kumain, may tumawag sa kaniya kaya kailangan na niyang umalis.
"I like her." I agree with Rosé. I think I like her too.
"Mabuti pa siya sabay sa trip ko! Eh kayong dalawa? Huhu!" I rolled my eyes. Hinila ko si Jessi papapasok ng elevator, sumunod naman saakin si Rosé.
"Whaaa! Saan tayo pupunta?"
"Timezone." Maikli kong sagot. Namilog naman ang mga mata niya. Kulang na lang ay naghugis puso ito sa tuwa.
LARA'S POV
"Maam, kailangan niyo po itong maisukat upang malaman kung wala na po ba'ng i-aadjust, kung nagustuhan niyo po ba o hindi." Nangunot ang noo ko sa puting gown na binigay saakin.
"Ikaw si Mayen?"
Napailing ako, puta si Jessi ang pumapasok sa isip ko. Sino ba kasi 'yang si Mayen? Napairap na lang ako.
"Tingin ko kasya naman saakin 'yan." Akmang aalis na ako nang pigilan ako ng dalawang babae.
"Maam, sabi po ng daddy niyo kailangan niyo po itong isukat." Pinapasok nila ako sa loob ng dressing room kaya napaismid ako.
"Ano panonoorin niyo ako magbihis?" Irap ko. Lumabas naman sila at pinabayaan ako sa loob. Nilabas ko ang ulo ko at sinilip silang nakabantay sa labas.
"Miss, di kasya ang heels. Palitan mo." Umalis ang isa kaya tinawag ko na rin ang isa pang babae.
"Nakalimutan ko, pasabi dun na gusto ko makintab ang heels at may diamonds. Wag kayong babalik dito hangga't wala kayong nakikitang ganun." Tumango ang babae at dali-daling pinuntahan ang kasama niya. Mga uto-uto.
Lumabas ako ng dressing room at kaagad tumakas.Since nasa mall na rin naman ako, mag-iikot muna ako. Sumakay ako sa elevator patungong third floor, imma go and have some fun. Ilang weeks na rin akong 'di nakakapaglaro. Pagdating ko sa third floor, kaagad ako dumeretso sa car racing. Ilang minuto rin akong naglaro bago mawalan ako ng gana.
Napadako ang tingin ko sa gitnang parte ng timezone kung saan may sumasayaw duon. Napangisi ako, dancing is a good idea. Nang mapansin kong patapos na sila ay kaagad akong pumagitna. Kinuha ko ang isang remote na nilapag, nagulat na lang ako nang makita ko sila Jennie.
"Oh, Lara? Akala ko ba may gagawin kayo ng dad mo?" I rolled my eyes and select a song.
"Hula ko tumakas ka noh?" Natatawang hula ni Jessi.
"Tara sayaw rin tayo Jen!" Bago pa makaangal si Jennie at Jessi, inabot na ni Rose ang remote.
"Partition! Ayun! Beyoncé- Yoncé Partition! " masiglang irit ni Jessi. Natawa na lang ako, pinindot ko ang sinabi niya at pumwesto na.
"Marunong ka pala sumayaw Lara?" Nginisihan ko si Jennie.
"Hinahamon mo ba ako?" She shrugged.
"Let's give our best shot! After all, may scores pa rin yan!" Pumwesto na rin si Rose at Jennie.
Nagsimulang magsitumpukan ang mga tao sa paligid nang pumwesto na kaming apat sa gitna. Natawa na lang ako dahil sa mga pose nila, ayaw talaga magpatalo ng mga 'to.
Let me hear you say hey Miss Carter...
Say hey Miss Carter...
Give me some!
Nang magsimulang umindayog ang kanta, agad nagsimula ang labanan naming apat.
Nasa unahan ko si Jessi, sa likod niya naman naka window si Jennie at Rose. Pagsimula pa lang ng kanta ay kaagad kaming gumiling pababa. The beat of the song always involves the grinding of hips. Napailing na lang ako dahil naghihiyawan na ang mga tao sa paligid.
Ginalaw ko kaagad ang katawan ko. Sinusundan ko lang ang mga galaw na pinapakita sa screen upang gayahin naming apat. Napangisi na lang ako, this song sound so sexy. Natatawa ako dahil sobrang bilis ng galaw, buti nga at nahahabol ko pa ito.
See me up in the club with fifty-eleven girls
Posted in the back,
Diamond fangs in my grill
Brooklyn brim with my eyes sitting low
Every boy in here with me got that smoke
I twitch my body syncly as I turn around and sit sexily on the ground. Masyadong mabilis ang kilos kung kaya't halos mabitawan ko na ang remote na hawak ko. Namangha rin ako dahil nagagawa rin nila itong sabayan.
I rolled my body as I danced with the beat and rhythm of the music. Damn, this song rocks the hell and shits in the Timezone. I swayed my butt, this song is fvcking crazy!
Drop the bass, mane, the bass get lower
Radio say "speed it up", I just go slower
Medyo nawala ako sa focus nang mahagip ng mata ko sila Jehan. Damn!
"I can see them, should we stop?" Jennie whispered as she turn around in my direction.
"Nah, let them." I grinned my hips sideways. My arms and legs moves according to the beat and tone of the music. Napatingin ako muli sa screen, napatigil na lang kami sa pagsasayaw nang mamatay ito.
Naghiyawan sa pagkadismaya ang mga tao dahil sa nangyari. Hinanap ng mata ko kung sinong hudas ang may gawa nun. Nakagat ko ang labi ko nang makita kong hawak-hawak ni Jehan ang saksakan, nakatanggal na ito sa outlet na pinagsasaksakan nito.
Pinanlisikan ko siya ng mata, ang epal niya. Ano ba'ng problema niya? Minsan lang nga ako maglabas ng nararamdaman ko sa pagsasayaw tapos eepal pa siya. Ang sarap sakalin sa itlog, bwiset!
SOMEONE'S POV
"Hello?" Napangisi ako nang marinig ko ang boses niya.
"Izzeah Vixen Salvador," tumahimik ang kabilang linya kaya napangisi ako.
"How are you?"
"S-sino ka?" Nilaro ko ang hawak kong kutsilyo. How she stuttered makes me wanna laugh my ass off. She's acting like a scared cat.
"This is your old friend, Gabriel Lancaster. Hindi mo na ba ako naaalala?" Pilyo kong tugon.
"L-lancaster? Hindi ba patay ka na?"
"'Yan ang inaakala niyong lahat." Napasinghap ito dahil sa sinabi ko.
"You traitor! Ibig sabihin planado mo lahat ng yun! Ikaw ang nagpasabog ng bomba sa Battle Arena dati! Dahil sayo namatay ang pinsan ko!" I laughed, hard.
"Baka nakakalimutan mo Vix? Kung traydor ako, ano ka pa 'di ba? Tinraydor mo lahat, pati ang asawa mo tinraydor mo, pinatay mo!" Binilisan ko ang pag-ikot ng kutsilyo sa kamay ko.
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya, ikaw ang pumatay sa kaniya!" Nangagalaiti na ito sa galit base sa boses niya. Natawa na lamang ako, magalit ka kung gusto mo.
"Nasugatan man siya sa bomba na naganap sa Battle Arena, kasalanan mo pa rin kung bakit siya napuruhan at namatay." I smirked.
"Kung 'di dahil sa kasakiman mo, buhay pa sana siya ngayon. Alam mo yan, that's why guilt is all over you."
"Ano ba talaga'ng kailangan mo ha? Bakit mo ginugulo ang tahimik kong buhay?" Galit ito sa tono ng pananalita niya, but I don't care.
"Tahimik? Akala mo lang tahimik. Masama ba'ng kamustahin ka?" Natatawa kong sagot.
"Don't fool with me." Tinigil ko ang kamay ko sa pag-ikot ng kutsilyo.
"I just wanted to congratulate you for your wedding. Sa wakas, napasakamay mo rin ang bagay na ilang buhay ang naging kabayaran. Congratulations, you finally made it."
"I will kill you. Guluhin mo lahat wag lang ang kasal ko. Kahit ilang buhay pa ang mamatay, wala akong pakialam." She ended the call.
Hinagis ko kaagad ang hawak kong kutsilyo sa pader. Tumama ito sa larawan ng babaeng gustong-gusto kong mapasaakin. I'm Gabriel Lancaster, Izzeah Vixen Salvador's first love. Isang pagmamahal na may kaakibat na kamatayan ang nararamdaman ko sa kaniya. Mahal ko siya pero marami na siyang kasalanan na nagawa. Mga kasalanang di ko alam kung makakaya ng pagmamahal ko. Damn, My heart and mind was on partition.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro