Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Chapter 51. Unmasked

___________

TEN'S POV

"Magandang hapon, young master." I slightly bowed my head. Karamihan sa kanila young master ang tawag saakin. It's kinda awkward, di kasi ako nasanay na yun ang tawag sa akin.



"She's your cousin, and that's an enough reason for you to protect her."



Napahawak na lang ako sa noo ko, I never knew my family background is such a mess. Maybe that's the reason why I felt at ease everytime I'm with her. I felt like I can trust her even though I don't know her that much. The truth is, we have the same blood running in our veins.




Laura Imperial, she's my grandmother--also Lara's grandma. She gave birth into three kids. That would be Queen Lauren (Lara's mom) and Qira Lana (Lara's aunt) and Prime Javis (my dad). Laura Imperial is the daughter of the Gangster King back in 1940's. On the other hand, the man she loves--which would be my grandfather Prime Jerick Crest, is the third generation heir of the Mafia Clan.




That made their relationship a mess. Hindi alam ni lola na isang third generation heir ng Mafia Clan si lolo, pero alam ni lolo na anak ng Gangster King si lola. That's why he made a decision to stay away from her, para hindi magtrigger ng panibagong hidwaan sa pagitan ng Gangster Clan at Mafia Clan.




Inaakala ni lola na hindi na siya mahal ni lolo, she planned to cut the remaining connections they have, but it's too late dahil nag-iwan ng remembrance si lolo sa kaniya. The day when lola gave birth to them, kinuha ni lolo si dad, binayaran niya ang doctor para ipalabas na patay na ang anak niyang lalaki.




That's how Queen Lauren and Qira Lana got the surename of Imperial. Ginamit ni lola ang surename niya para sa kanilang dalawa. Kung dala-dala nila ang apilyido ni lolo, they would've become a Crest. They are supposed to be a Crest!



The thing is, di na nila naayos pa ang gulo dahil patay na silang dalawa. Hindi nalaman ni lola na buhay pa pala si dad. Di nalaman ni lolo na mahal na mahal pa rin siya ni lola. They both died, making dad the 4th generation heir of Mafia Clan. Making Queen Lauren Imperial the Gangster Empress.




Alam ni dad na magkakalaban silang magkapatid. Kaya sinigurado niyang pulido ang bawat desisyon na gagawin niya. Mga desisyon na di makakaapekto sa Gangster Clan. Hanggang sa umabot ang araw na sinasabotahe ang transactions nila dad, everyone blamed it to the Gangster Clan.




That's why he had no choice but to send them a warning. That time may nagsabotahe rin ng transaction sa Gangster Clan. Timing na dumating ang warning ni dad kaya akala nila ang Mafia Clan mismo ang nagsabotahe sa kanila. That's how things between them got complicated.



It got even more worse dahil sa Cipher Chip. The Cipher Chip holds the truth about their family background. Originally, the Cipher Chip belongs to dad. A traitor stole it and gave it to the Gangster Clan, saying it was the only key to destroy the Mafia Organization. Desidido ang buong Mafia Organization na pabagsakin ang Gangster Clan kaya wala ng nagawa pa si dad.




It's war they want, it's war they'll get. Someone made a transaction with dad, she promised him to bring the Cipher Chip, but that was only a trap. That woman has a hidden agenda, huli na nang malaman ni dad na patay na ang kapatid niya. That's why he's hunting her down. Making her pay for the crime she blamed on him. Pinalabas kasi niyang ang Mafia Clan ang pumatay sa Gangster Empress.




The Cipher Chip on the other hand, was on Lara's grasp. Believe it or not, she swallowed it accidentally. She holds the truth. Siya lang ang tanging susi upang malutas ang panibago na namang hidwaan na magaganap sa pagitan ng dalawang Clan. The present Gangster Emperor keeps on hunting the Mafia Clan, malaki ang galit nito dahil sa pag-aakalang si dad ang pumatay sa asawa niya.



Dad told me everything, that's why I'm telling everything to you right now. To give everyone the knowledge and better understanding of our life. The life of the person whom you thought as the antagonist in this story. You got it all wrong, my dad was innocent. He can't kill his own sister!

LARA'S POV

"You're not gonna dye your hair?" I smirk as I wear my boots.



"Not anymore." I answered.



"Don't dye your hair either. Let them see it. After all, you don't want to be mistaken as the Gangster Empress right?" Umiling naman silang tatlo.



"But what if they mistook us?" Tila namomroblemang wika ni Jessi.




"Deal with those problems later." Inayos ko ang baril na nakalagay sa belt ng palda na suot ko.



We're currently changing our clothes right now. Dad is really getting on my nerves, ni hindi ko nga alam kung ano na naman ang pakulo na gagawin niya mamaya. Do you really think tatayo lang kami sa gitna habang pinagpipilian kung sino saaming apat ang Empress? Knowing dad, his mental ability is a shit.




"Just remember, don't speak, and look straight into their eyes like you're killing them." Tumango naman silang tatlo.


"Ganyan ka ba tumingin sa kanila?" Tanong ni Jennie. I shrugged, well maybe? You got your authority and power through stares. Yung tipong titig pa lang paluluhurin ka na.



"Kinakabahan ako. Geeze!" Natawa na lang ako sa sinabi ni Rose. Pinapaypayan niya pa ang sarili niya na parang pinagpapawisan na siya sa kaba.



"I'm hella excited!" Jennie blurted out.



"Same here," I whispered. I'm damn excited.


"Kung magkaroon man ng labanan mamaya, show them no mercy. Para mas lalo silang magirapan kung sino saating apat ang hinahanap nila." I twirl the car keys on my finger.



I'm driving, and I think it's too early for us to go in Underground Bar. Who cares anyway? That's what you call an early exposure.


Lumabas na kaming apat ng basement. Napangisi ako, the angst and the swaeg is heating up.

Ride or die. Illegal Empress in your area, bitch.

KIEL'S POV

"Is everything set?" Tumango si Jethro.



"The cameras are on the right angle and place." Sabi naman ni Luke.



"Ricky, the hidden laser beans?" Tumango naman ito bilang sagot.




"The trap?"





"All set Kiel!" Nakangising wika ni Mark.




"Those girls are on big trouble." Sabi ni Jethro habang pinapagpag ang kamay niya na napuno ng powder.




"The Gangster Emperor is crazy, pinapahirapan niya pa ang anak niya." Pailing-iling na sabi ni Greg.



"Maybe because pinapahirapan niya rin tayong tukuyin kung sino ang Gangster Empress." Komento naman ni Paul.



"Right, but I think it's too much." I whispered.



I turned on the disco lights and music inside the Bar, sinenyasan ko rin ang mga Ravens at mga kamyembro ko na bumaba na ng arena. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumaba na rin ako kasama sila. Umupo ako sa upuan kung saan nararapat kaming nakaupo. Nandito na rin ang mga Emperors.



Nag-iingay na ang kga gangsters na nasa bench. Puno ito ng ugong ng mga bulungan at mga pustahan tungkol sa kung sino ang Gangster Empress. Tahimik lang kaming nakatingin sa isang malaking screen sa gitna ng arena. Nakafocus dito ang buong Underground Bar.



Meron pang tatlong screen na di kalakihan sa gilid nito. Makikita naman duon ang entrance sa Golden Steel Tattoo parlor, Underground Tunnel papuntang Underground Bar, at ang anggulo sa loob ng Underground Bar na nakafocus malapit sa bar stools.


Bawat anggulo ng mga hidden camera sa loob at labas ng Underground Bar ay makikita dito. Kaya makikita naming lahat ang bawat galaw nila mamaya. Masasaksihan naming lahat ang magaganap sa loob at labas ng Underground Bar.

"Who's your Gangster Empress?"

I shrugged, who the hell could it be?

ROSE'S POV

"Wear your mask, make sure di 'yan malaglag mamaya." Napatango na lang kami.


Huminga muna ako ng malalim, akala ko byaheng papuntang impyerno ang pupuntahan namin. Halos sambitin ko na lahat ng santo na kilala ko dahil sa kaniya. She's one hell of a reckless driver!




"Ano di pa kayo bababa?" Taas kilay niyang tanong.




"S-s-saglit lang. Mauna ka muna." Hingal na sagot ni Jen.




Nagkibitbalikat na lang siya. Lumabas siya ng sasakyan habang inaayos ang buhok niya. Nagkatinginan naman kaming tatlo sa loob. Si Jessi dali-daling lumabas para magsuka. Hindi na niya ata napigilan dahil parang nagkandagulo-gulo na ang sikmura niya sa tulin ng pagpapatakbo ni Lara kanina.




"I will NEVER let her drive again! S-shit!"



Nang mahimasmasan na kami, kaagad kaming lumabas ng sasakyan. Nasa harap ng pinto si Lara, she's tapping her boots on the ground while waiting for us. Napansin ko rin na nakatitig siya sa itaas na parte ng pintuan. Nang matingnan ko ito, nakita kong may maliit na red dot duon.






"They're watching us." She whispered. Sa sinabi niyang 'yon, kaagad naming naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.





"Open the door Rose," Huminga muna ako ng malalim bago hawakan ang door knob. Kung di ako nagkakamali, naaalala kong may nagsilabasang mga shuriken nung unang beses naming pagpunta rito.




Imbis na pihitin ang door knob, umatras ako at buong lakas itong sinipa. Pagbukas na pagbukas ng pinto, nagsilabasan ang matutulis na kunai at shuriken. Umatras ako ng konti, nilabas ko ang personalized dagger ko. Ang hugis nito ay parang pangil ng dragon. I love this dagger so much.

I touch the button in the handle, agad itong humaba na parang katana. It only happpened for about a millisecond. Mabilis pa sa alas kwatrong iniwasiwas ko ito upang sanggain ang mga nagtutulisang kunai at shuriken. Umatras ako ng umatras habang pinagsasangga ang mga ito.




Nararamdaman ko rin na patuloy lang sa pag-atras ang tatlo sa likod ko. Hinahayaan lang nilang ako sa ginagawa ko dahil wala rin namang ni- isang shuriken o kunai na lumalampas saakin. Lahat ay naititira ko pabalik, di pa ako pumapalya sa pagsangga ng mga ito.





Nag-igting ang panga ko nang mapansing parang hindi ito nauubos. I turn around and swung my arms, along with my dagger like sword. Rinig na rinig ko ang pagkalansing nito sa bagay na hawak-hawak ko. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang isang shuriken na lumilihis ng daan, papunta ito sa gawi ni Jessi.





Dahil nakashort naman ako, tinaas ko ang paa ko upang sipain ito, samantalang patuloy naman ako sa pagwasiwas ng kamay ko upang sanggain ang iba pang mga shuriken at kunai na marahas na papapunta sa gawi ko. Tumama ang shuriken sa dulo ng boots ko kaya naman bumalik rin ito at tumarak sa pader.




"Matagal pa ba yan Rose?" Naiinip na wika ni Lara.



Napangisi ako, unbelievable. Hinanap ng mga mata ko ang pinagmulan ng matutulis na bagay na ito. Nang mahagip ko kung saan ito nanggaling, kaagad kong inabangan ang paparating na kunai. Tinantya ko muna ang dereksyon nito bago buong lakas na ihampas pabalik ang kunai. Tumama ito sa hugis bilog na sa tingin ko'y nagsisilbing switch upang patigilin sa pagliliparan ang mga matutulis na bagay na ito.




I swung my arms for the last time. Kumalansing pa ito sa semento. Tumigil na sa paglabas ang mga kunai at shuriken. Huminga muna ako ng malalim, hiningal ako sa ginawa ko. Nang masigurado kong wala ng lalabas pa, pinindot ko ulit ang maliit na button sa handle ko. Bumalik ito sa natural niyang sukat kaya naman ipinasok ko ito sa maliit na lalagayan na nasa belt ko.



"That took you 5 minutes to finish." Komento ni Lara.




Grabe, inorasan niya talaga?



"Nice one Rosé, now everyone will probably thought you're the Gangster Empress." Natatawa nitong wika.


My eyes widened, ganun ba yun?

THIRD PERSON'S POV

Napaayos ng upo ang lahat nang makitang may paparating na kotse. Natahimik ang lahat nang iluwa mula roon ang isang babaeng may kulay bulaw na buhok. Inaayos nito ang kaniyang maskara habang nakatingin ng deretso sa pinto kung saan nakadikit ang hidden camera. Kaya naman kung titingnan ito sa screen, parang nakikipagtitigan ito sa mga gangsters na nanonood sa kanila.





Pagkatapos ng ilang segundo lumabas ang isang babae, at nagsusuka ito sa gilid ng kalsada. Walang kagatal-gatal na naglakad ang babaeng may bulaw na buhok patungo sa tapat ng pinto. Sinusuri niya ng mabuti kung may nakakabit ba rito o wala. Kasunod ay lumabas na rin ang dalawa pang babae mula sa sasakyan. 





"Paano nila malulusutan ang mga shurikens? 'Di ba 'di titigil yun kapag di nasira ang switch?" Takang tanong ng binatang nagngangalang Rio.




Alam nila ang mga patibong na nakalagay sa bawat parte ng Underground Bar. Sa pagpasok pa lang hanggang sa lumabas sila.




"Kasama nila ang Gangster Empress,  malamang malulusutan nila yan." Pabulong na sagot ni Seth.




Nabasag ang katahimikan ng lahat nang makita nila ang kakaibang sandata na hawak ng isang babaeng may bahid ng pula ang buhok. Nagsimulang maghiyawan ang mga ito nang walang kapalya-palya nitong sanggain ang mga matutulis na bagay na pilit na umaatake sa kanila. Umatras ang tatlo pang kasama nito, at hinayaan siyang sumangga sa mga ito.



Sa mga oras na iyon, nagsimulang umugong ang ingay ng mga gangsters. Karamihan sa kanila ay pumustang ang babaeng 'yan ang Gangster Empress. Dahil sa bilis at liksi ng galaw nito sa pagsangga ng mga kunai at shuriken.




"Damn cool!" Di mapigilang bigkasin ni Jam.



Walag ni isang shuriken o kunai ang nakalagpas sa gawi niya. Lalong namangha ang mga ito nang itaas niya ang kaniyang paa upang sipain pabalik ang isang shuriken. Patuloy ito sa pagwasiwas ng sandata na hawak niya hanggang sa naglilikot na ang mga mata nito upang hanapin kung saan ang pinagmulan ng mga nagliliparang bagay.




Napansinng lahat ang pagtitig nito sa isang partikular na lugar. Sa huling pagkakataon, malakas niyang hinataw ang sandatang hawak niya upang sanggain ang isang kunai pabalik. Namangha ang lahat nang tumama ito mismo sa switch. Kahit na ang Ravens na mismong nagset ng patibong na ito, di rin maiwasan ang mamangha dahil sa ipinamalas ng babae.



Nalampasan nila ang unang patibong, ang tanong, makakaya ba nilang lampasan ang kasunod?

JENNIE'S POV

"Stop," napatigil kami sa paglalakad sa loob ng tunnel nang magsalita si Lara.



"Something's not right around here." Nagtaka naman kami sa sinabi niya. Wala naman kaming kakaibang nararamdaman bukod sa init na umuusbong mula sa paligid.




"If I'm not mistaken, they set-up laser beams here." Napakurap naman ako sa sinabi niya. Lasen beams? What the fvck? Magkakandagutay-gutay katawan namin pagnagkataon!




"I can't see anything." Nagtatakang usal ni Rosé.



"I think I know how." Sagot ni Jessi. Nay kinuha siyang kung ano sa bulsa ng jacket niya. Isa itong powder?




"Step aside." Pumagitna siya saaming tatlo. Nilapit niya sa bibig niya ang powder at hinipan ito. Nagkalat ang powder sa paligid, hanggang sa makita namin ang mga laser beams na nakahilera sa daan.

"That's awesome ! Where did you learn that from?" Mangha kong tanong sa kaniya.



"Life hacks!" Nakangisi niyang wika.



Tiningnan ko muna ang distansya ng mga laser beams sa isa't-isa. Hindi naman siya masyadong komplekado tingnan, pero konting pagkakamali lang, maaring makapinsala ng parte ng katawan. I'll give it a try.




"Hoy mag-ingat ka!" Bulyaw ni Jessi.



I have a flexible body, and I can easily adjust in a given space. I bend my body habang maingat na sumusuhot sa baba ng laser beam. Nagawa ko pang tumambling para mas lalong mapadali ang pagpunta ko sa gitna. I landed perfectly. Napamura na lang ako nang makita kong naputalan ako ng 1 inch na buhok. Damn di ko napansin ang buhok ko.



"Keep your eyes on the beams, baka mapugutan ka ng ulo." Rinig kong babala ni Lara. Napa-iling na lang ako, mapugutan talaga?




Hinawi ko ang buhok ko sa leeg ko, malapit na ako sa dulo. Gumulong ako, at agad din tumayo nang mapansin ko ang red beams sa sahig. Umikot ako pakaliwa at agad lumiyad para malampasan ang panghuling laser beam na nakaharang sa daan. Agad akong lumapit sa isang button upang pindutin ito, pero nagulat na lang ako nang may mahulog na espada mula sa itaas. Dalawang espada mula sa magkabilang dereksyon.




Napanga-nga ako sa gulat. It's slowly swinging towards my direction. What the fvck! Umatras ako ng umatras dahil papalapit na ito saakin. Napalingon ako sa likod ko. If this goes on, magkakandagutay-gutay talaga ang katawan ko. Namatay bigla ang ilaw kaya mas lalo akog napamura.




Tumayo ako ng maayos. Binilang ko ang bawat segundong dumadaan sa tuwing nagkakasalubong ang dalawang espada sa gitna. 1.7 seconds, what the hell. Pinikit ko ang mga mata ko, kasabay ng paghinga ko ng malalim. In a swift move, I ran towards the direction I'm facing. Ramdam kong malapit ng magtama ang dulo ng espada kaya tumalon ako upang di ako mahagip ng patulis nito.




Before the swords turned into letter 'X', bago pa lalong kumitid ang gitnang parte nito upang magkasalubonh, binagsak ko ang katawan ko pagulong sa sahig. Agad akong tumayo at patakbong pinindot ang button. Agad nawala ang laser beams, tumigil din ang espada, at nagkaroon na rin ng ilaw sa tunnel.



Nakangising lumapit saakin si Lara. She tap my shoulder as she open the door.



"Now they'll probably think you're the Gangster Empress."


I was like, what the hell. What have I done.

LARA'S POV

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong saamin ang mausok na Underground Bar. Maingay ang musika, at nakakasakit din sa mata ang mga ilaw.




"I knew this trick!" Masayang wika ni Jessi.



"May lalabas mamaya para sugurin tayo, pero di natin masyadong makikita dulot ng ilaw at usok. Unfair!" Parang bata niyang sumbong.




Inayos ko ang pagkakatali ng maskara ko,  pakiramdam ko ay may magtatangkang tanggalin ito saakin mamaya. Sabay kaming umiwas nang may naghagis ng dagger sa gawi namin, kamuntikan na nitong matamaan ang maliit na tali sa maskara ni Jessi.



"They want the mask down!" Maanghang na sabi ni Jennie.



I rolled my eyes as I hissed. This is too much, it looks like we're on an obstacle game. Fvck dad and his mind, I'll kill him later. Argh!

THIRD PERSON'S POV

"I'll go with the chesnut brown haired woman as the Gangster Empress!"


"Black haired girl for the Gangster Empress!"



"Don't you think it's the blonde one?"



"She didn't do anything!"




Nakita ng lahat ang nangyari sa loob ng tunnel kanina. Dahil dito, nalilito na sila kung kanino nga ba sila pupusta. Nalilito na sila kung sino nga ba talaga sa apat ang Gangster Empress. Lalo na nang makita nila kung paano iwasan ng babae ang laser beams kanina, kung paano nito nagawang lampasan ang mga espada kahit pa walang ilaw.




Everyone was amazed, halos mawalan na nga ang mga ito ng hininga nang magkaroon na ng ilaw at makitang wala man lang kahit anong sugat ang babae.






"Magiging madali na lang nila 'yang malampasan diba?" Nakangusong sambit ng binatang si V. Medyo mausok kasi sa loob ng Underground Bar kaya di nila masyadong maaninag ang buong pangyayari.





"I think so, pero sa tingin ko may matatanggalan ng maskara bago pa man sila makalabas ng Underground Bar." Sagot naman ni Seth.




"Woaah!" Namangha ang iilan sa mga manonood dahil sa nasaksihan.





Isa sa apat na babaeng 'yon, na kulay itim ang buhok, ay buong tapang na pumasok ng tuluyan sa Underground Bar. Di nito alintana ang mausok na paligid. May nakakasalubong itong mga lalaki na may dalang patalim, magtatangka ang mga itong tanggalin ang maskara nila.





"She's dauntless!" Nakangising wika ni V.




"Anong ginagawa ni blonde?" Takang tanong ni Xael habang tinutuon ang pansin sa babaeng nakaupo lang sa barstool at nainom ng alak.





Abala sa paglalaban-laban ang tatlo nitong kasamahan, samantalang siya nakaupo lang sa isang tabi habang umiinom ng alak. Kitang-kita ng lahat na may papalapit ditong tatlong lalaki, pero hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuan niya.





Nagulat na lamang ang lahat nang mabilis nitong maiwasan ang tatlong dagger na patama sa gawi niya. Tinapon niya ang bote at ang basong hawak niya sa dereksyon kung nasaan ang dalawang lalaki kanina. Sapul ang mga ito sa balikat at dib-dib. Sinipa niya naman ang isa pang lalaki kaya agad itong natumba.





Lumapit ito sa tatlo niya pang kasamahan kaya naibaling ng lahat ang kanilang atensyon duon sa babaeng may kulay itim na buhok. Dumukot ito ng baril, tinutok niya ito sa malaking disco lights na nasa gitna ng Underground Bar. Inasinta niya ito at kaagad na ipinutok. Naging dahilan ito upang bumagsak ang disco lights sa sahig.



Naglikha ito ng maitim na usok na mas lalong bumulag sa paligid. Bumukas ang pinto papuntang Battle Arena kaya napangisi ang lahat ng manonood. Parating na silang apat, at inaabangan ng mga ito ang pagdating nila mula sa bulwagan.



So who's it gonna be?

LARA'S POV

"That was nice Jessi, easy fight." Komento ni Jennie rito.



"Now we better prepare ourselves, we're almost there." Bored kong sabi.






Naririnig ko na ang ingay ng mga gangsters mula sa arena. Paniguradong nagpupustahan na ang mga kupal na 'yon kung sino nga ba saaming apat ang Gangster Empress. I'm aware they have eyes to watch us during the obstacles. That's why I didn't pay attention to it.



"That was so cool! Akala ko talaga mamamatay na ako kanina!" Jennie blurted out.


"Me too!"-Rose



"Remeber, look in their eyes. Give them the stares that could kill." I warned them before entering the Arena's gate.





Naghiyawan silang lahat sa pagpasok naming apat. Halos lahat sila nakatayo habang sinusuri kami, meron pang tinuturo-turo kami. Inangat ko naman ang tingin ko kay dad, I smirked when I saw confusion in his eyes. He's looking at the four of us, and we're looking at him too.




"I'm impressed, you made it out for 15 minutes. How impressive!" His robotic voice echoed inside the arena. Naasar ako sa boses niya. Naaasar ako dahil di ko alam kung bakit niya ginagawa ito.



"Now who is my daughter? Who is the real Gangster Empress?" Mapanuya nitong tanong. Ako, ako ang anak mong gago ka.



"To make it all fair, I'll let the next Gangster Emperor unmask the Gangster Empress! Isn't that exciting?" Nagbago bigla ang expression ng mukha ko.



What the fvck! I clench my fist, what the hell is he planning? Of all people here, why does it has to be him? Why the fvck does it has to be him? Damn you to the deepest pits of hell dad, I'll see you there soon.




Bumaba mula sa itaas si Jehan, I can see the bored look on his face. Nang ibaling niya ang atensyon niya saamin, bigla akong nakaramdam ng kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang ano mang oras ay lalabas na ito sa dib-dib ko.


Jesus Crist, please let me breath.



JEHAN'S POV

"To make it all fair, I'll let the next Gangster Emperor unmask the Gangster Empress! Isn't that exciting?"




Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, at agad bumaba upang harapin ang apat sa baba. Yes, I'm aware of this. Alam ko na ako mismo ang magbibigay ng hatol kung sino sa kanilang apat ang Gangster Empress. Kaya tutok na tutok ako sa mga nangyayari kanina, kulang na lang siguro ay di ako kumarap para lang masigurong mapapanood ko lahat.




Tinitigan ko sila isa-isa. May hinala na ako kung sino. Base sa kilos at galaw nito, sa lakas ng pakiramdam at angas nito, sa tingin ko ay siya talaga ang Gangster Empress. I just need to confirm something about her.



Nang makumpirma ko ang hinala ko, agad akong napangisi. Humakbang ako papalapit sa kaniya na ikinagulqt niya.I look at her straight in the eyes.



I'm going to unmask you.The green-eyed Gangster Empress, we meet again.


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro