Chapter 5
Chapter 5. Her Rule
_____________
"Pardon my son's attitude. He's a rude brat!" Inalis ko ang kamay ko sa lamesa at tumayo ng maayos habang nakatingala sa kisame.
Calm down Lara, calm down.
"I'm really sorry about his behaviour." she said.
"I don't need an apology from you." she shrugged and handed me a key. I supposed that's my dorm key.
"You'll be sharing dorms with the Emperors, just to make sure you're safe." Kinuha ko ang dorm key mula sa kamay nya at tinago ito bulsa ko.
I can take care of myself, but I actually have no choice since I know dad made this plan right from the start. Like I have a choice?
"You'll be staying at High Class Dorm 01. Paglabas mo ng Office, deretso ka lang tapos liko sa kaliwa." I nod my head and went out the Office.
I tap my shoes in the ground repeatedly, that means I'll be staying with the King of Jerks in one roof! One fulltime-fvcker, and one childish brat in addition of the other four guys. Argh! Can my life get any better?
Nasa kalagitnaan na ako sa paglalakad sa napakahabang hallway nang makaramdam ako na naiihi ako. I bit my lips, talagang ngayon ka pa lalabas ha!
"She's the girl everyone's been talking about."
"Yeah, ang ganda pala talaga nya."
"Sana maging girlfriend ko sya."
"Asa ka pa, napakasadista nyan!"
"Weh?"
"Balita ko 22 times na syang na kick out pre!"
"Talaga? Napakaangas naman nya!"
Napatigil ako Sa paglalakad kaya napatahimik sila. Lumingon-lingon ako, nagbabakasakali lang akong may makitang malapit na Comfort Room dito.
"Patay ka! Mabubugbog ka nyan!"
"Narinig ka nya!"
Napairap ako Sa kawalan, takot na sila nyan? Masyado silang OA.
Lumihis na lang ako ng daan pakanan upang maghanap ng Girls Comfort room. Napatampal ako ng noo ng wala sa oras, wala nga palang girls comfort room dito! Lahat ng Estudyante dito lalaki, pati mga teachers! Punyeta. Principal lang ata nila ang babae.
Nakakakita ako ng Males Comfort Room Sa dulo, I have no choice! Mukhang wala naman masyadong tao duon kaya agad kong iniwan ang maleta ko Sa labas at binuksan to.
Pagpasok ko ay gulat na nanlalaking mata ng mga lalaki ang bumungad saakin. Hindi rin ako kaagad nakapagreact.
Shit, akala ko walang tao. Well anyway...
"Get out." seryoso kong sabi naikinakunot ng noo nila.
"Can't you hear me? I said get out!" Taranta namang nagzip ng pantalon ang iba at agad na lumabas dahil Sa tono ng pananalita ko.
Pero syempre, may natitira pa ding mga asungot na maaangas!
"Lalabas ba kayo o hindi?" Ngumisi lang sila kaya naningkit ang mata ko.
"Ikaw babae? Lalabas ka ba o hindi? Are you aware you're inside the cage full of wild animals?" tama s'ya, nasa lungga ako ng mga animal na gaya nya!
Pasensya na lang s'ya dahil wala akong oras para makipaglaro sa kanila. Ihing-ihi na ako! Wag na wag nila akong susubukan!
Patuloy silang lumapit saakin na may mga manyak na tingin, kaya bago pa man nila ako mahawakan ay hinugot ko ang silencer gun na nakatago sa ilalim ng skirt ko.Itinutok ko yun Sa kanila. Don't get me wrong, may nakataling lalagyan ng baril sa hita ko.
"Papuputukin ko to sa ulo nyo o lalabas kayo? " Nanlaki agad-agad ang mga mata nila at kaagad tinaas ang kanilang mga kamay.
Dahan-dahan silang lumabas ng CR habang nakatitig saakin habang sinusundan ng baril ang dereksyon nila. I told them to get out in a very nice way, yet they didn't. Sinabihan ko ng lumabas, ayaw pa! Edi daanin natin Sa dahas!
Nang makalabas na sila ay kaagad kong ni lock ang pinto at pumasok sa isa Sa mga cubicle.
Pero bago yun ay napatingala muna ako sa kisame. Napangisi ako nang may makita akong isang maliit na device na nakadikit sa sulok. Tiningnan ko ito, pati ba naman sa CR may CCTV?
Nakangisi kong itinaas ang kamay ko na may hawak na silencer, tinantya ko ng mabuti ang anggulo nito bago barilin.
"Bullseye."
Matapos kong umihi ay lumabas na ako ng cubicle at inayos ang sarili ko. Binalik ko sa lalagyan ang silencer at pumanhik na palabas ng CR.
Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang paghampas ng hangin. Maangas nitong nilipad ang buhok ko kaya napalingon ako sa kanan. Nakita ko ang maleta ko, at bukod duon ay nakita ko din ang mga kalalakihang matyagang naglilinyahan upang maghintay kung kelan ako lalabas.
THIRD PERSON'S POV
Sa loob ng Headquarters ng Emperors ay abalang-abala sa kanya-kanyang gawain ang bawat myembro ng grupo.
Si Jehan na nakatingala sa kisame....
Si Jam na tanghaling tapat ay nakikipaglandian sa ka text nya...
Si V na parang timang na kinakausap ang halaman...
Si Xael na pumapapak ng Lettuce...
Si Seth na nakahilata sa sahig habang natutulog....
Si Justine na pinagtitripan ang natutulog na si Seth...
At si Rio na nanonood ng CCTV footage sa bawat sulok ng school...
Abalang-abala na sila sa lagay na yan. Tumigil sa pangungulit si Justine kay Seth at lumapit kay Xael na kumakain pa din.
"Hoy Xael, bakit ba pagnakatingin ako sayo palagi kang nakain ng damo? Kabayo ka na ba? Haha!" Kunot noong napatigil sa pagsubo ng lettuce si Xael.
"Anong damo? Hoy! Masustansya to! Tangina mo Justine wag ako ha!" Depensa ni Xael pero patuloy itong inaasar ni Justine na kumakain ng damo. Inis na dinampot ni Xael ang tinidor at tinapon ito kay Justine.
"Oh pikon! Haha!" Sasaluin na sana ni Justine ang tinidor nang kapusin sya sa pag-abot nito. Huli na nang malaman nyang tumama ang hawakan ng tinidor sa noo nang natutulog na si Seth.
"Tatamaan ka talaga ng Lintek Justine!" Nakangising sabi ni Xael.
Kagat-labing napayuko si Justine para tingnan si Seth. Nakakunot ang noo nito habang nakahawak sa parte ng noo nyang natamaan ng tinidor. Minulat ni Seth ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang nakakagat-labing si Justine.
Bumangon ito mula sa pagkakahiga kaya mabilis pa sa kabayong kumaripas na ng takbo si Justine palabas.
"Hoy Justine bumalik ka dito! Walang ya ka!" Naghabulan silang dalawa sa loob ng napakalawak na sala, samantalang wala namang pakialam ang iba sa dalawang yun.
Patuloy pa din na kinakausap ni V ang halamang tinanim nya at wala pa ding pake na nakatingala sa kisame si Jehan. Napapangisi naman sa kalandian si Jam at nakafocus lang sa security system si Rio.
"Alam mo, ang tagal na kitang dinidiligan pero bakit di ka pa din namumulaklak?" Malungot nitong saad sa halaman.
"Di naman ako nagkulang sa pag-aalaga sayo. Nilalaro pa nga kita eh." nakanguso nitong sabi habang marahang hinahawakan ang maliliit na dahon ng halaman.
Nakangiti namang napalingon sa gawi ni V si Xael. Iniisip ni Xael na kahit isip bata si V ay nakakatuwang isipin na may makikita kang mature na katangian sa kanya.
Nagpatuloy na lang sa pagkain ng Lettuce si Xael at hinayaan na lang si V na kausapin ang halaman n'ya.
Si Jam naman ay mas lalong napapalawak ang ngisi dahil sa dami ng katext nya na gustong makipagkita at makipagdate sa kanya.
"Justine pag ikaw mahuli ko tandaan mo! Mata mo lang ang walang litid!" Napailing na lang si Xael sa patuloy na paghahabulan ni Seth at Justine sa likod nya.
"Di kaya ako ang nagtapon ng tinidor! Si Xael yun! Tangina naman eh!" Nagco-corneran na lang sa lamesa si Justine at Seth. Ayaw magpahuli ni Justine dito, dahil alam nyang isang malakas na sipa ang makukuha n'ya mula kay Seth dahil sa pagdistorbo nya sa kanyang tulog.
"Then you should've catch the damn fork before it landed on my head!" Patuloy lang sa paghahabulan ang dalawa.
"Jehan." naisambit ni Rio. Agad napaayos ng upo si Jehan at binalingan ng tingin si Rio na nakatutok ang atensyon sa panonood ng isang CCTV footage.
"What?" Mabilis na ginalaw ni Rio ang kamay nya at pinindot ang 'Enter' para ikonekta ito sa 54 inches na TV sa harap nila.
Napatigil sa paghahabulan si Seth at Justine.Napalingon din si V at Xael sa TV. Maski si Jam ay napatigil sa pagtatype at napatingin din sa CCTV footage na nakikita nila.
Isa itong babaeng walang takot na naglalakad papuntang Male's Comfort Room. Matiim na napatingin si Jehan dito.
"Where does she think she's going?" Bulong nya.
Iniwan nito ang kanyang maleta sa labas at nagsimulang tumungo sa pintuan ng CR upang buksan ito.
"Oh! Are you serious? Papasok talaga sya jan!?" Di makapaniwalang bulalas ni Jam.
"We better stop he--" napatigil sa pagsasalita si Xael nang magsalita si Jehan.
"Too late." nakapasok na ito sa loob. Mabilis na kinilos ni Rio ang kanyang kamay para ipasok ang CCTV footage sa loob ng CR.
Ngayon ay makikita mo sa kaliwang bahagi ng TV ang footage sa labas ng CR, Sa kanang bahagi naman ng TV screen makikita ang CCTV footage sa loob ng CR.
"Pati pala sa loob ng CR may CCTV!? Whoah! Ngayon ko lang alam to ah!" Gulat na sabi ni V habang nakatutok na ang tingin sa TV.
All of them are looking at the fearless girl who entered the Male's Comfort Room. Kitang-kita nila kung paano nanlaki ang mga mata ng mga kalalakihan nang pumasok ito sa loob.
"Get out."rinig nilang sabi nito. Sabay na napasipol si Rio at Xael dahil sa seryoso ng tono ng pananalita nito.
"Can't you hear me? I said get out!"
Mabilis pa sa alas kwatrong nagzip ng pantalon ang mga kalalakihan. Nagsilabasan ang mga ito Sa CR sa pagsigaw nito. Pero syempre ay may natitira pa ding mga lalaki na malalakas ang loob.
"Lalabas ba kayo o hindi?"
"Hindi ba sya natatakot? Malalaki pa naman katawan ng mga gagong 'yan." -komento ni Seth
"Tingin mo maglalakas loob syang pumasok kung natatakot sya?" Sagot ni Jehan.
Naagaw ng atensyon nila ang paglapit ng mga lalaki papalapit sa kanya. Kakaiba ang mga tinging ipinupukol nito sa babae na matapang at taas noong nakatitig sa kanila.
"Ikaw babae? Lalabas ka ba o hindi? Are you aware you're inside the cage full of wild animals?" Rinig nilang sabi ng isa sa mga lalaki na nasa loob ng CR.
Tahimik lang na nanonood sa TV si Jehan habang pinag-aralan ng mabuti ang galaw ng babae. Tinitingnan nya kung ano ang magiging reaksyon nito sa patuloy na paglapit ng mga lalaki sa kanya.
Sabay na napasinghap si Xael, V, Jam, at Justine. Samantalang napakurap naman si Rio, Seth at Jehan dahil sa susunod na mga nangyari.
"Papaputukin ko to sa ulo nyo o lalabas kayo?"
Napakurap ang mga ito. Nakita nila kung paano nanlaki sa gulat ang mga mata ng mga lalaki dahil sa paghugot nya ng isang silencer gun galing sa ilalim ng suot nyang palda.
"W-where the hell did her gun came from?" Gulat na naisambit ni Justine
"I swear to God, she's not playing around! That's gun! A fuckin' gun!" Nagpalinga-linga pa si V habang sinasabi ito.
Nagsilabasan na ang mga lalaki habang nakataas ang kamay. Di makapalag ang mga ito dahil sa baril na nakatutok sa kanilang dereksyon.
"Haha! Look at their faces!" Halos humagalpak na kakatawa si Jam nang makita ang natatarantang mukha ng mga lalaki. Nagtutulakan pa ang mga ito palabas.
Akmang papatayin na ito ni Rio nang matigilan sya---silang lahat dahil lumingon ito sa dereksyon kung saan nakalagay ang CCTV. Nagkatinginan si Rio at Jehan. Di rin maiwasan ng iba ang mapatingin sa isa't-isa dahil dito.
Titig na titig sila sa TV screen kung saan nakikita nila ang isang babae na animoy parang nakatingin din sa kanila.
"I felt like she made an eye contact with me! Shit, I got chills!" -Xael
Ngumisi ito at dahan-dahang inangat ang hawak nyang silencer. Nanlaki agad ang mata nila. Matapos ang ilang segundo ay biglang nag black and white ang screen, hanggang sa maging itim na lang ito.
She shoot the surveillance camera. Napatulala ang mga ito habang nakatingin pa din sa screen ng TV.
"W-whoah!" V exclaimed while clapping his hands in the air. Belib na belib sya sa nakita nya. It was cute, yet fierce!
"Sweg!" -Seth
"The Sexy Badass! God, I like her!" -Jam
"I think that's the reason why she's kicked-out for about 22nd time. Her temper always get on her way." ani ni Xael habang nagsimula na namang kumain ng lettuce.
"She broke the camera! That was an expensive one!" Nanghihinayang na saad ni Rio. Sobrang liit kasi nun na Halos di na makita ng tao sa malayuan. It's more than an agent's device.
"What's her name again?" -Justine
"Lara. Quinn. Miranda" madiin na banggit ni Jehan.
LARA'S POV
Nang makarating ako ng High Class Dorm 01 ay agad kong nilabas ang susi sa bulsa ko upang buksan ito. Ngunit sa pagpasok ko ng susi ay di ko pa din ito mabuksan. Ilang ulit ko pa itong inikot-ikot pero di ko talaga sya mabuksan.
Napapoker face ako, maybe she just gave me the key to my room! She didn't gave me the Key to the main door of our dorm! Damn! Dahil pagod na ako at tinatamad na akong bumalik pa sa punyetang office na malayo ay binuksan ko na lang ang maleta ko.
Kinuha ko sa loob ang mini drill na dinala ko. Napangisi ako, hindi na to kailangan isaksak pa sa outlet dahil chargeable to. Pinaandar ko ito at walang pagaalinlangang itinatapat sa gilid ng door knob. Matapos ng ilang segundong pag-iingay na dulot nito ay nagawa nitong sirain ang gilid ng door knob.
Pinatay ko ang drill na hawak ko at pinasok sa loob ng maleta ko. Tuluyan na akong nakapasok sa loob mg malabahay na dorm na to. Pagpasok ko ay bumungad kaagad saakin ang Sala at Dining area, pati din ang Kitchen. Nagkibit-balikat ako at dumeretso sa kwarto na nasa dulo.
I think that's my room, since nasa dulo. Di nga ako nagkamali dahil nabuksan ko ito gamit ang susi na dala ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang kwarto na Black and Pink ang kulay.
Well, not bad. I like pink because it's one of my favourite when I was young. But ever since I was in Grade 4, I started hating Pink because I'm loving color Black. Tho I hate Pink for now, It reminded me of my childhood, so parang okay na rin.
Sinarado ko ang pinto at humilata sa kama ko. I'm tired as shit, I need to sleep.
*AFTER 2 HOURS*
Inis kong minulat ang mata ko dahil sa isang kamay na malakas na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. I bit my lips and mess my hair. Di nya ba nakita ang sign board sa labas ng pinto? May sinulat pa naman akong isang malaking kataga na nagsasabing
"DO NOT DISTURB!"
Parang lantang damo akong bumangon sa kama ko. Naalala kong sira pala ang pintuan dahil sinira ko, paano kung magnanakaw ang kumakatok sa kwarto ko? Hinawi ko ang buhok ko at binunot ang silencer ko sa hita ko.
Kinasa ko muna to bago buksan ang pinto.
"Who the fu--"
"Woah!" They exclaimed in chorus, maliban na lang sa lalaking kaharap ko ngayon.
Napatiim bagang ako sa lalaking kaharap ko, the rude and the great King of Jerks is right in front of me! Inirapan ko na lang sya at isasara na sana ang pinto nang iharang nya ang kamay upang pigilan ito.
"Ano ba?" Antok kong sabi habang nakatingin sa mga mata nya. Isinandal ko ang braso ko sa pintuan at pinasidhan ng tingin ang iba nya pang mga kasama.
"Why did you broke the door?" Seyoso nyang tanong.
"Ah, yun ba? Inaantok kasi ako e. Di ako binigyan ng susi kaya sinira ko na lang" balewala kong sabi. Binaba ko ang hawak kong baril at tinaas ang palda ko para itago sa hita ko ang silencer.
Nangunot ang noo ko nang mapansing nakatingin sila sa hita ko. Matapos ko itong mailagay ng maayos ay binaba ko na ang palda ko. Tumikhim ako kaya iniwas nila ang mga tingin nila.
Napasulyap ako ulit sa lalaking kaharap ko. Nakapikit ang mata nya habang hinihilot-hilot ang sentido nya. Parang nagtitimpi ito kaya napakunot ang noo ko.
"What now?" Bored kong tanong. Iminulat nya ang mga mata nya at tiningnan ako ng seryoso.
"You are inside a house full of man, and you dared to pull up your skirt?" Napabuga ako ng hangin, kasabay nun ang pagsilay ng ngisi ko sa labi. Di ko naman sinsadya pero since nabanggit na din nya ang bagay na yan, mas mabuting gantihan ko na lang din sya.
"What? You told me no one would dare to touch me right? Sinabi mo baka wala ngang magtangkang mangrape saakin, so anong pake mo?" Pabalang kong sagot. Napalingon ako sa mga kaibigan nyang nasa kaliwa lang at nakikinig sa mga pinagsasabi ko.
"Even if I walk naked in front of you guys, wala lang yun diba? Since no one would even dare to touch me." Nakangisi kong sabi.
"Right Jam?" Nakita ko ang paglunok nya. I laugh, he look sweaty and nervous. Di din sya makatingin sa mata ko gaya ng iba nya pang kaibigan.
I doubt it, I'm damn gorgeous. No one could deny that fact, ang lalaking nasa harap ko lang ang nagsabi nun. Tsk. Saka paano ba kami napunta sa usapang to?
"Listen, we have rules here. And breaking the door is one of the rules you broke." Nakatingin lang ako sa kanya. He looks serious this time.
"You should not mess around with things inside this room because none of these things belongs to you." he continued.
"What else?" I ask.
"Don't mess around with us." I nod and remained silent for a while. I crossed my arms and look at him firmly. He's looking at me too, with his strong and laser like eyes.
"I also have one rule." napatingin silang lahat saakin. Napangisi ako ng wala sa oras.
" I don't follow any rules"
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro