Chapter 48
Chapter 48. Bloody Date
___________
LARA'S POV
"Lara, kahapon ka pa namin tinatanong tungkol sa sinabi ng Gangster Emperor. Sagutin mo naman kami ng maayos!" I rolled my eyes. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko, ang aga-aga nambubulabog ng tulog.
"Sinasagot ko kayo ng maayos okay? Labas!" Imbis na lumabas ang mga ito, nanatili lang silang nakaupo sa kama ko.
Isang araw na ang nakalipas simula nung gangfight. Tanong sila ng tanong saakin kung anong meron sa sinabi ng Gangster Emperor, kung paano nangyaring sinabi n'ya na isa saamin ang susunod na Gangster Empress. Nakakatawa rin na pagkatapos ng gabing 'yon close na kami ng tatlong bruhang 'to.
Ang kakapal nga ng mukha nila para bulabugin ako sa mahimbing kong tulog. Kung di ko lang sila kilala, baka matagal ko na silang hawak sa leeg habang sinasakal. Bakit ko pa kasi naisipang dito sila patulugin sa pamamahay ko?
Inis kong tinapon ang unan ko. Nakabusangot akong bumangon. Tiningnan ko silang tatlo na nakatingin din saakin.
"May muta ba ako?" Biglang tanong ni Jessi. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Wala," sagot ko.
"Yay! Buti ka pa meron!" Nangunot ang noo ko. Kinusot ko kaagad ang mata ko upang tingnan kung may muta nga ba ako o wala.
"Nakahithit ka na naman ba?" Busangot kong tanong dito. Wala naman kasi akong muta. Tangina ng babaeng to, ang lakas na naman ng tama.
"Oo," nakangisi n'yang sabi.
"Anong nahithit mo?" Takang tanong ni Rose.
"Baygon kidlat katol!" Pokerface akong tumayo sa kama at pumasok ng banyo. Naiwan silang tatlo na nagtatawan sa kama ko. Pare-pareho silang nakahithit.
Naghilamos ako ng mukha at nagtoothbrush na rin pagkatapos. Paglabas ko, nandoon pa rin silang tatlo sa kama ko. Gusot-gusot na ang bedsheet at kung saan-saan na nagsitalsikan ang pillows at comforter ko. Kingina, ang kakalat nilang tatlo!
"Hoy! Umalis nga kayo! Ang kalat na!" Asar kong sabi. Kaming dalawa lang ni Jennie ang magkasama sa kwartong 'to, pero heto't nagkakalat na naman ng lagim ang dalawa pa n'yang kasama.
Kalbaryo na nga ang dinanas ko kay Jennie, dumagdag pa silang dalawa. Paano ba naman, mahilig mag sleep talk si Jen. Naririnig ko pang minumura n'ya si Jessi dahil daw sa bra at panty na ninakaw nito. Seriously? Si Jessi naman di ko masabayan ang kaabnormalan n'ya, parang si V. Normal naman si Rose, pero may pagkahunghang din. Ewan ko ba sa kanila.
"Nagluto na ako ng pagkain. Tara baba na tayo." Tumango na lang kami sa sinabi ni Jen. At least may isa pa rin na may kilos loob diba.
Kamot-kamot ko ang leeg ko habang bumababa ako ng hagdanan. Napahawak ako sa handle ng hagdan nang makakakita ako ng mga imahe. Nang mapatingin ako sa baba, puro mga bangkay ang nakikita ko. Kinurap ko ang mga mata ko, pag mulat ko ay ganun pa rin ang nakikita ko. Kahit ang hagdan puno ng dugo.
"Okay ka lang ba Lara?" Nag-aalalang tanong ni Rose.
Napahawak ako sa noo ko. I shook my head, why am I seeing things whenever I'm inside this house? Nung una di ko lang pinapansin, pero mas napapadalas na ata ito simula nung mamalagi na ako rito. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng mga mata ko.
Tumakbo ako pabalik ng kwarto ko. Ni-lock ko kaagad ang pinto. Naghalungkat ako ng gamit ko sa bag at drawer ko, pero di ko mahanap ang hinahanap ko. Napamura ako ng pabulong, naubusan na ako ng contacts. Shit!
Napatunghay ako sa salamin sa harap ko. I'm defenitely not an European citizen, not an Italian either, I'm a pure filipino, but my eyes shows a different thing. My eyes are green, melanin green to be exact. That's the original color of my eyes. Ni hindi ko alam kung kanino ako nagmana. Brown ang mata ni mom and dad. No one of them had green eyes.
Even if you say because of their genes and hormones, I don't think that's possible. My blood type matches the Punett square between the frequencies of their different genotypes and phenotypes, but that doesn't mean their DNA's perfectly matched.
You received two genes for an eye color, one gene for each parent, at kung ano ang dominant yun ang makukuha mo. The thing is, none of their eye color would result into green. Brown eyes and brown eyes would be equal to brown eyes. I dunno, genetic variations sometimes produce unexpected results.
Like how the hell did I even get green eyes? Pwede rin na sabihin mo nag-iiba ang kulay ng mata ko dahil sa temperature, mood, or the way the light scatters--they called it Rayleigh scattering. It is mostly a function of how light diffuses across the melanin base, which again is genetically determined.
That's a different story. Either in the two of my given situations doesn't fit my condition. Eye color may change according to your medical issues, but I have none. As far as I can remember I don't have any rare desease or whatsoever.
My eye change colors according to my emotions, but my original eye color is green. Ang gulo diba? I got this pair of eyes ever since I was little. That's why I've been hiding it too since then. Lagi ako nagsusuot ng contacts. Ang weird kasi pagmakita nilang nag-iiba ang kulay ng mata ko. Baka sabihin nila maligno ako. Tsk!
I shook my head and comb my hair using my fingers. What's wrong having green eyes?Okay so enough with science! Alam kong di lahat sa inyo nakakarelate sa mga pinagsasabi ko. I'm fine being me.
Green eyes are rare and very mysterious. People with green eyes are considered to be curious, intelligent and a little surprising. You can't deny that with my attitude. I'm always curious,I'm damn intelligent, and everything I do is always surprising.
Green eyes have also been associated with mischievousness. Green is the color of jealousy and people with green eyes are said to have a strong jealous streak. Of course that's hella true, iba ako magselos. Napatunayan ko 'yon sa gangfight.
Matapos kong magmuni-muni sa loob ng kwarto ko, naisipan kong bumaba na para kumain. Bahala ng makita nila ang totoong kulay ng mata ko, I can always reason out I'm just wearing contacts. They won't mind, won't they?
"Ano ba'ng nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" Tinapunan ko kaagad ng tingin si Jennie nang magsalita ito. Napansin kong napatitig s'ya sa mga mata ko, bahagya pang napaawang ng konti ang labi n'ya.
"What happened to your eyes?" I rolled my eyes. Hinila ko ang upuan at umupo rito. Kumuha ako ng pagkain at inilagay ito sa pinggan ko.
"Bakit anong meron sa mata n'ya?" Tanong ni Rose.
"Her eyes are green!"
"Eehh! Parang mata ng alien ganurn?" Kunot noo akong napatingin kay Jessi. Anong alien ang pinagsasabi n'ya?
"Woah! Green nga! Kyaaah! " Tinapat ko ang tinidor sa mukha ni Jessi nang akmang lalapit na s'ya saakin. Ngumuso na lang s'ya.
"I'm using contacts okay? Masakit lang mata ko kanina." Tumango na lang silang tatlo at di nagtanong pa. I smirk, see? What did I told you?
"Nga pala, about dun sa Gangster Empress. Seriously Lara? Ilang beses ka na ba namin tinanong tungkol duon?" Nag-isip naman ako. Binilang ko kung ilang beses na nga ba silang nagtanong saakin.
"Maybe 20-30 times? Di ko maalala." Dumampot ako mg chocolate bar sa bowl at nilantakan ito. They look at me weirdly.
"Eating chocolates for breakfast? You're weird." I raise my eyebrow upon Jennie's remark.
"Eating bananas for breakfast? You're a monkey." Tumawa si Rose at Jessi.
I really hate how chocolate immediately melts on my fingers. I mean, am I that hot?
"That was funny. Lara, I'm asking you. What's up with this Gangster Empress? Bakit isa sa atin ang tinutukoy n'ya?" I heave a sigh. Inubos ko muna ang chocolate na kinakain ko bago uminom ng tubig.
"I don't know what the heck is he talking about." Sagot ko.
"Fine. This may sound weird but we trust you, so please, trust us too. We mean no harm, at lalong-lalong wala kaming planong traydorin ka. Alam namin ang pakiramdam nun, kaya please sabihin mo na. We're not thay dumb."
I don't usually trust people I met for a short period of time. However, My sixth sense is pushing me to tell them. Parang sinasabi nitong sabihin ko sa kanila ang tungkol sa akin at sa buo kong pagkatao. I don't know why, but why don't we give it a try?
"I am the Gangster Empress." Sumubo ako ng kanin, isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong hapagkainan dahil sa sinabi ko.
"What?" Patay malisya kong tanong. Napatigil sa pagsubo ng kanin si Rose, ganun na rin si Jennie at Jessi. They're having weird faces again.
"Are you fvcking serious? You are the next Gangster Empress?" Gulat na gulat ma usal ni Rose.
"That's so fvcking cool!" Jessi blurted out.
Nang ibaling ko ang tingin ko kay Jennie, nakatulala lang s'ya. Tumayo s'ya mula sa kinauupuan n'ya. Lumapit s'ya saakin at niyugyog ako sa balikat.
"That means you are the daughter of the former Gangster Empress?" I look at her in the eyes. Kung makatingin s'ya saakin, parang nakatingin s'ya sa tanging pag-asa na pinanghahawakan n'ya.
"Yes, why?"
"Alam ko kung sino pumatay sa kan'ya." Napakurap ako. Alam ko rin naman kung sino.
"Alam ko. It's the Silve--" umiling kaagad s'ya kaya napakunot ang noo ko.
"It's not true. She put the blame on them, pinalabas n'ya lang na sila ang pumatay sa Gangster Empress at Gangster Emperor." Naguluhan kaagad ako sa sinabi n'ya. Who put the blame on them? What is she talking about?
"This house, this mansion..." tumingala s'ya, sabay ikot ng paningin n'ya sa loob ng bahay bago n'ya ituon muli ang pansin n'ya saakin.
"This was filled with corpses, bloody corpses of gangsters and mafias." Magsasalita pa sana ako nang magsalita s'ya muli.
"Kung tinatanong mo kung bakit maayos pa ang bahay kahit tinadtad ito ng bala, inayos nila lahat. They are capable of doing that. Tell me, they faked your mom's death right? They faked her autopsy right? Kaya nilang gawin ang lahat."
"Iisa lang ang pumatay sa mga magulang natin Lara." Biglang nagsalita si Rose kaya napalingon kami sa kan'ya. Iisa lang ang pumatay sa mga magulang namin?
"It's Izzeah Vixen Salvador Lara. The leader of the Gangster Rippers. She betrayed my dad, she betrayed everyone. She got them all killed! Dahil sa kasakiman n'ya, dahil gusto n'yang makuha ang gusto n'ya!" Ramdam ko ang galit sa bawat salita na binibitawan ni Jennie.
"What do you mean? Ano'ng gusto n'yang makuha?" I'm still a little bit confused, what's her reason for betraying the whole society?
"Your dad. Gusto n'yang makuha ang puso ng ama mo! She's in love with your dad kahit na may asawa na s'ya. Ganun s'ya kasakim Lara." Nangunot ang noo ko. She loves my dad? Pero may asawa na s'ya? What the hell is going on?
"She had no choice kun'di magpakasal dahil nabuntis s'ya. Pero kahit may asawa na s'ya at anak, mahal na mahal pa rin n'ya ang ama mo." Napakurap ako. Love, love can make you do things you shouldn't do.
"So you're saying, because she loved dad so much, she made it up to the point that she killed my mom? Na dahil mahal na mahal n'ya si dad, nagawa n'yang traydorin ang lahat? Nagawa n'yang ipagkalulong ang society sa kasakiman n'ya?" Napatigil ako saglit sa pagsasalita. Napasinghal ako sa kawalan, tingin ko sasabog na ako sa galit at sama ng loob.
Hinampas ko ang kamay ko sa lamesa. Hinugot ko ang baril ko sa bandang hita ko at tinutok ito kay Jennie. Nanlaki ang mata n'ya sa gulat, napatayo naman mula sa kinauupuan si Rose at Jessi.
"What makes you think I'll believe all of that?" Singhal ko. That's nonsense! Ang sabi saakin ni dad, SilverCrest Mafia ang may pakana ng lahat.
"Alam kong ilang araw pa lang tayo magkakilala, pero nagsasabi ako ng totoo." Mahinahong wika nito.
"Ang sabi saakin, SilverCrest Mafia ang may pakana ng pagkamatay ni mom. No other than that, kaya wag na wag n'yo akong lilituhin." Matigas kong pahayag.
"Nagkataon lang na magaganap ang labanan sa pagitan ng Gangster Clan Society at Mafia Clan Society. Vixen took that opportunity to execute her plan. Nagawa n'ya nga ito diba? Pinatay n'ya ang Gangster Empress, kahit ang asawa n'yang Gangster Emperor nagawa n'yang patayin! Napatay n'ya rin ang mga magulang namin! Ngayon sabihin mo kung nagsisinungaling kami o hindi!" Halos maiyak na si Jessi sa mga sinasabi n'ya. Naghihimutok ito sa galit na nararamdaman n'ya.
"Pinatay n'ya ang buhay ng taong hadlang sa plano n'ya, ang mga taong nakakaalam ng tinatago n'yang sekreto. Pinalabas n'ya lang na ang Mafia Clan Society ang may pumatay sa kanila. Dahil sa araw na nangyari ang labanan sa mansyon na ito, yun din ang araw na pinatay n'ya ang mga magulang natin!" Napahampas si Rose sa lamesa nang sabihin n'ya ito. Puno rin ng panggigigil at galit ang mga mata n'ya.
"Nakipagkasundo si Vixen na ibibigay n'ya ang Cipher Chip kay Prime Javis, pero di n'ya ito tinupad. Ginawa n'ya lang 'yon para mas lalong maging desididong sumugod ang Mafia Clan Society, at sa kanila n'ya maibintang ang gagawin n'ya." Mahabang paliwanag ni Jennie.
I bit my lips, everything makes sense. Kung bakit ako dinukot nung nakaraan, at hinahanap nila ang chip saakin. Wala akong kaalam-alam sa chip, pero bakit saakin nila ito hinahanap?
"Paano mo nalaman ang lahat ng 'yan?" Kalmado kong tanong.
"Nakasulat lahat sa black note na naiwan ni dad sa volt n'ya. Everything was written there, kaya nakakasigurado akong lahat ng sinasabi ko ay totoo." Mahinahong sagot ni Jennie.
Huminga ako ng malalim, binaba ko ang baril ko at nilapag ito sa mesa. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. That's the reason why I keep on seeing corpses everytime I went down stairs. Nakakakita ako ng imahe ng mga nagkalat na dugo sa sahig, pader, mga bangkay na wala ng buhay. That's the reason behind it.
"This Izzeah Vixen Salvador, who the hell is that bitch?"
Sasagot na sana si Jennie nang bigla kong ibaling ang atensyon ko sa phone ko.
Remember the date, meet me in the Pillowtalk Café, 10 am flat.
I hissed, I forgot about our date. Our one hell of a bloody date. Shit.
TEN'S POV
"Where are we?" Bumaba kami ng sasakyan. Bumungad saakin ang mga lalaking mukhang mga bodyguards. Nakahilera ang mga ito sa gate hanggang sa pinto ng napakalaking bahay. Bahay pa ba tawag dito, o mansyon na?
"Nasa bahay tayo kuya. Hinihintay na tayo ni dad sa loob." I bit my lower lip. Hinihintay na kami ni dad. How nice could it be to have have someone like that.
Bakit si Nine malaya s'yang nakikita? Bakit ako di ko s'ya pwedeng makita? Bakit kailangan akong ilayo sa kan'ya? Marami akong gustong itanong sa kan'ya, pero di ko alam kung makakaya ko ba'ng itanong 'yon lahat kapag magkaharap na kaming dalawa.
Habang naglalakad kami papasok ng pinto, lahat ng nadadanan naming mga bodyguards ay yumuyuko. Nakita ko ang mga baril na nakasabit sa mga belts nila, kahit ang mga kunai ay di nakaligtas sa paningin ko. Pinagbuksan kami ng pinto kaya iniwas ko ang tingin sa kanila bago tuluyang makapasok sa loob.
Namangha kaagad ako sa interior design. Puno ito ng mga mamahaling chandiliers. May mga paintings din na nakasabit sa ding-ding malapit sa mahabang hagdanan. Sa sobrang ganda nito naniniwala na akong hindi basta-basta ang uri ng pamilya na meron ako.
Bata pa lang ako tinuruan na akong humawak ng baril, at lumaban sa mga taong maaaring magtangka sa buhay ko. Nung mga panahong 'yon alam ko na hindi magiging normal ang buhay ko. Di nga ako nagkamali sa iniisip ko.
"Dito kuya." ang sarap din malaman na may kapatid ka pala. Ang sarap pakinggan na tinatawag kang kuya ng kapatid mo.
"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko. Umiling naman s'ya kaagad.
"Mas maganda kung kayong dalawa lang muna ang mag-uusap. May pupuntahan pa ako. " she smiled at me. Nginitian ko na lang din s'ya.
Nanginginig kong hinawakan ang door knob ng pinto. Deep shit, kinakabahan ako ng sobra. Hinawakan n'ya bigla ang kamay ko kaya napatingin ako sa kan'ya.
"Don't be scared, dad don't bite. Haha." S'ya na mismo ang bumukas ng pinto. Nagulat pa ako nang itulak n'ya ako sa loob.
Pagharap ko, isang mainit na yakap kaagad ang sumalubong saakin. I stood there, frozen and still. Di ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko tungo sa lalaking niyayakap ako ng mahigpit. Napangiti ako ng mapakla, so this is what it feels like being hugged by your dad. So warm and safe.
"Who are you?" Kumalas s'ya sa pagkakakap saakin kaya nakita ko ang buong mukha n'ya. S'ya 'yong lalaking nakita ko sa school na nakatitig saakin mula sa malayo.
"I'm Prime Javis Crest, your dad." Napatitig ako sa mamula-mula n'yang mata. Parang ano mang oras may papatak na tubig mula roon.
"Who am I?" Bigla kong naitanong.
"Ten Xanderville Crest, my son." Wala sa sarili kong napangiti. At last, I knew my real name.
JEHAN'S POV
"Saan punta mo Jehan?" Parang timang na tanong ni V habang nilalaro-laro ang dahon ng halaman n'ya.
"Aalis lang ako." Tumango naman s'ya, pero kapansin-pansin ang paghaba ng nguso n'ya dahil sa sinabi ko.
"Leafy, may date ata si Jehan. Date rin kaya tayo?" Naigulong ko ang mata ko. Hindi na namam kumain ang isang 'to.
"Xael! Nagluto ka na ba ng pagkain?" Tanong ko.
"Malapit na matapos! Bakit?" Napairap ako sa kawalan at tinuro si V na kasalukuyang kinakausap ang halaman n'ya.
"Pffft. HAHAHA!"
"Hoy V! Muntimang ka na naman d'yan." Nilapitan s'ya ni Jam at sinapok ito sa batok. Nangunot naman agad ang noo nito.
Umupo ako sa sofa habang tinatali ang sintas ng sapatos ko.
"Ano ba! Kitang kinakausap ko ang halaman eh! Kaya hindi s'ya namumulaklak dahil pinagsasalitaan n'yo ng masama eh!" Busangot nitong usal kay Jam.
"Sira ulo ka ba? Kelan pa namumulaklak ang FERN?" Kunot noong napakamot naman ito sa batok n'ya dahil sa sinabi ni Seth.
"Di ba namumulaklak yun?" Takang tanong n'ya. Nanlaki agad ang mata ni Jam.
"Seryoso ka? Saang planeta ka ba galing ha!" Tumawa na lang si Justine na kasalukuyang naglalaro kasama si Rio.
"Sa Mercury," natatawa nitong sagot. Pinatong n'ya ang halaman sa tabi ng bintana at nag-unat.
"Mainit dun diba?" Bulong ni Jam.
"Sus. Edi pupunta ako ng gabi." Sagot nito.
"Ay puta! Haha!" Kahit si Seth ay tumawa na rin dahil sa sinabi nito.
"Puta? Nesputa? Real na real?" Bulong nito sa sarili. Tumayo si V saka hinagisan ng unan si Seth.
"DANDANDAN DALANDAN! NESPUTA!" Dahil sa ginawa nitong paghagis ng unan, tumama ito sa mukha ni Seth. Tumayo kaagad ito mula sa pagkakahiga sa couch saka hinabol si V.
"Lintek na yan!" Napa-iling na lang ako. Paano ko ba naging kaibigan ang mga 'yan?
"Hey guys, alis na ako. Babalik din ako mamaya." Pagpapaalam ko sa mga ito.
"Balitaan mo na lang kami ha." -Justine
"Yeah. Ingat!" -Rio
"Hindi ka ba muna kakain?"-Xael
"Hanapan mo rin ako ng chikababes Jehan ha!"-Jam
"Puta! Bumalik ka rito V!"
"NESPUTA!"
Lumabas na ako ng dorm at nagdrive na papunta sa Pillowtalk Café. I'm totally fvcked up. I'm feeling excited, yet nervous at the same time. I've never felt anything like this for once in my whole entire life.
All I can think of was her face, her scent, her words, her lips, her presence. I loved it when she's gone crazy. I love the way how she cursed me with my name on it. How she fought for what's right from wrong, how unique, and unpredictable kind of woman she is. I just don't know how to handle these heavy feelings I felt from her anymore.
I don't know if I like her, or love her perhaps? I just miss her if she's not with me. Nag-aalala, at di ako mapakali kapag mawala s'ya sa paningin ko. Lumalakas din ang kabog ng dib-dib ko tuwing magkalapit kaming dalawa. Masaya ako kapag kasama ko s'ya.
If that's love, then I guess I love her. Damn much.
LARA'S POV
"Damn!" Binilisan ko ang paglalakad dahil late na ako ng isang oras. Walang hiya kasi si Rose, inabot ako ng ilang oras kakapili ng damit.
Traffic din kasi kaya pinark ko na lang ang sasakyan ko sa gilid. Idagdag mo pang may banggaan atang nangyari kaya mas lalong lumala ang traffic. Napatingala ako sa langit dahil mukhang babagsak na ang ulan ano mang oras.
Inayos ko ang suot kong puting off-shoulder dress. Puti pa naman ang suot ko, kapag naulanan ako malalagyan ng putik ang damit ko. Kingina.
Binilisan ko ang paglalakad ko, buti naka sneakers lang ako. Asa naman kayong maghi-heels ako. Napatingin ako sa relo ko, it's almost 12 in the noon! Binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko. Baka inamag na yun kakahintay sa akin sa café.
"Magnanakaw!" Sigaw ng babae sa likod ko. Paglingon ko nadulas sa sahig ang babae, at nauntog ang ulo nito sa matigas na semento.
Mabilis pa sa alas kwatrong hinila ko ang buhok ng lalaking kakalampas lang sa gawi ko. Sinuntok ko s'ya sa mukha kaya nabitawan n'ya ang purse nung babae, sinalo ko ito at sinamaan s'ya ng tingin. Hawak-hawak ko pa rin ang buhok n'ya kaya hinila ko ito at inumpog sa puno malapit dito sa sidewalk. Nawalan kaagad ito ng malay.
"Hoy! Tumawag ka ng pulis! Ipadampot mo 'tong magnanakaw na 'to!" Turo ko sa isang lalaking nakatambay lang.
"Oh my God! Yung babae!" Hiyaw nung isang batang babae habang tinuturo yung babaeng ninakawan kanina. May lumalabas na dugo mula sa ulo nito, mukhang malakas ang pagkakatama ng ulo n'ya sa sahig.
Napatingin ako sa relo ko, fvcking shit! Bahala na! Lumapit ako duon sa babae at umupo sa tabi n'ya. Hinawakan ko ang pulsuhan nito upang tingnan ang pulso n'ya. Napatingala ako nang magsimulang magsitumpukan ang mga tao saamin.
"Akin na bag mo!" Binigay naman ito saakin nung isang lalaki. Nilagay ko ito sa ilalim ng ulo ng babae upang gawin itong unan.
"Panyo! Bilis!" Taranta namang nilahad saakin nung isang bata ang panyo n'ya. Tinali ko ito malapit sa ulo nung babae kung saan may lumalabas na dugo roon.
Nilagay ko ang kaliwang kamay ko malapit sa ilong n'ya upang tingnan kung nahinga pa s'ya. Ang kanang kamay ko naman nakahawak sa pulsuhan n'ya upang tingnan ang pulse rate n'ya.
"Miss! Naririnig mo ba ako? Hold on, wag mong ipikit ang mga mata mo. Naiintindihan mo ba ako?" Marahan itong tumango. Alam kong nahihilo s'ya. Hinawakan ko ang leeg n'ya para di s'ya masyadong gumalaw.
Inangat ko ang tingin ko sa mga taong nagkukumpulan. Naningkit kaagad ang mga mata ko.
"ANO? TATANGA-TANGA NA LANG KAYO? TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA! MAY DATE PA AKO PUTANG INA N'YO!"
Nanlaki naman ang mga mata nito. Nag-unahan silang tumawag ng ambulansya dahil sa ginawa kong pagsigaw. Napatingin ako ulit sa relo ko, 10 minutes before 12. Mainipin pa naman ang isang 'yon,baka pagdating ko wala na s'ya. Talagang mapapatay ko ang magnanakaw na yun.
Pagkatapos ng ilang minuto sunod na dumating ang car police at ambulance. Tinulungan ko pa ang mga ito para ilagay ang babae sa stretcher. Pinatong ko ang purse nito sa upuan sa loob ng ambulansya at nakapamewang na pinanood itong umalis habang nag-iingay sa gitna ng kalsada. Tsk!
"ANO TINITINGIN-TINGIN N'YO?" Asar kong sigaw. Umiwas kaagad sila ng tingin.
Napakurap ako nang magsimulang pumatak ang ulan. Napatingala ako sa langit ng nakasimangot. Makulimlim na ang langit! Tinaas ko ang middle finger ko sa inis. Napatingin ako sa damit ko, nanlaki ang mata ko nang mapansing puno ito ng dugo.
What the fvck! Inis kong ginulo ang buhok ko. Now how am I supposed to face him looking like this? I look like shit! Sinabayan pa ng punyetang ulan!
Napahinga ako ng maluwag, I can't face him like this. Napa-iling na lang ako. Pillowtalk Café is three lots away from where I'm standing right now. Malapit na lang sana, kaso di na pwede. Tss. Tiningnan ko ang damit ko sa huling pagkakataon, punyeta mukha akong tanga.
Tumalikod na ako at naglakad na paalis. Nagulat na lang ako nang may humila sa kamay ko, at niyakap ako ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko ang pabango n'ya. Shit!
"Akala ko napa'no ka na." Halos di ako makahinga nang magsalita s'ya. Umiling ako at tinulak s'ya ng mahina. Nagdadrama kami sa gitna ng ulan, mukha pa akong nirape sa ayos ko. Nakakahiya.
Nagkatitigan kaming dalawa, pero agad akong umiwas ng tingin. Nakakahiya ang itsura ko, tingin ko ito ang unang beses na nahiya ako sa isang tao. Aalis na sana ako nang hilahin n'ya ako muli para yakapin ng mahigpit. He put his left hand on my head and caress it softly.
"No need to worry. I saw everything, and you're beautiful." He whispered.Tingin ko may kung anong bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Damn!
"Will you believe me if I say I love you?" Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Yakap-yakap n'ya pa rin ako habang marahan na hinahaplos-haplos ang ulo ko. Fvckshit!
"I can be rude as fvck. Sweet as candy. Cold as water. Evil sa Hell, but for you, I'll be loyal like a soldier. I love you." I closed my eyes.
Calm yourself Lara, calm down. Huminga ako ng malalim bago kumalas sa yakap n'ya. Tumitig s'ya sa mga mata ko, kaya wala akong nagawa kun'di ang tumitig din sa kan'ya.
"Did you realize you just confessed your feelings under the rain?" He laughed.
"Yeah. Now answer me, do you love me back?"
"I do." Narinig ko s'yang nagmura. Mabilis pa sa alas kwatrong inangat n'ya ako at inikot-ikot sa ere. Sinapok ko s'ya sa ulo kaua binaba n'ya ako.
"Kingina mo, di to teleserye!" Bulyaw ko. Ginulo n'ya naman ang buhok ko kaya inirapan ko s'ya.
"Great! Now I'm wet!" Bwisit kong sabi. Nakikisabay pa kasi ang ulan.
"Wet? Wala pa nga akong ginagawa, wet ka na agad? Paano na lang ku--" Sinamaan ko s'ya ng tingin. Aba bastos to ah! Di porket sinago---
"UWIAN NA MAY NANALO NA!"
Sabay kaming napalingon ni Jehan duon sa mga nagsigawan. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko sila Jam. Basang-basa rin sila ng ulan gaya namin. Nanlaki agad ang mata ko. Mga kupal! Wag mo sabihing nakita nila lahat? Aba! Akmang hahabulin ko na sila nang hilahin na naman ako ni Jehan.
Our lips crashed, and damn this man for his soft and sexy lips. Bitch, I really am FAB.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro