Chapter 45
Chapter 45. On Fire
_____________
LARA'S POV
"It's my honor to become the next Gangster Emperor." I twirl my hair as I listened to their conversation.
Nakapasok na ako sa loob pero nakasandal ako sa pader kung saan di nila ako nakikita. They're sitting on a chair, leaning their arms in an oval shaped table. Four Gangster Attendants are present. The leaders of the top 3 gangs are also present. So I guess Kiel is here.
"I'm glad you finally considered it." I bit my lips. You heard it right, Jehan considered being the next Gangster Emperor. That only means I'm screwed!
"About the bombing Thorn..." I crossed my arms. So they're talking about the bombing incident?
"Yung babaeng may dalang bomba ang tanging pag-asa namin, pero binawian din s'ya ng buhay pagkatapos ng ilang oras." I raise an eyebrow. She died? What the hell? As far as I could remember she's still alive and breathing!
"Isa po itong babala para kay Empress." Rinig kong wika ni Jethro. Tutal ay nadawit na rin ang pangalan ko sa usapan, napagdesisyunan kong magpakita na sa kanila.
Lumikha ng ingay ang takong ng boots ko kaya bahagya silang napalingon saakin. I saw how dad rolled his eyes. Nagulat naman saakin si Kiel at Jethro. I can't see Jehan's reaction tho. Inayos ko muna ang maskara ko para masiguradong di ito matatanggal.
"Late again, are we?" Di ko na lang s'ya pinansin. Umupo ako sa upuan kung saan kaharap ko si Jehan.
"So, a penny of your thoughts Empress?" Napalinga ako kay dad. His robotic voice is really annoying.
"I believe you knew about this matter? The bomb threat for you." Tinaas ko ang kaliwang kamay ko upang paglaruan ang mga daliri ko.
I know he knows about it. His title as the Gangster Emperor is not just for nothing. The bomb threat was for me, and I'm fully aware of that. I can still remember the words inside bomb case.
Greetings to the new Empress
Wow, how welcoming could that be. I'm so impressed. High five for the effort they exerted. Mind the sarcasm people. I tilt my head when I felt them staring at me. They're waiting for my response, or are they waiting to hear my voice?
I look up and sit properly. My voice is not robotic like dad. So there's a big possibility they can recognize me by my voice, especially Kiel. He remembers my cold voice very well. I cleared my throat .
"Yeah." I snickered. Napansin kong nakikinig sila ng mabuti sa boses ko. Napangisi ako, I won't talk much.
"How did you know? Are you there?" Napalingon ako kay Kiel nang magsalita s'ya.
"Yeah." Sagot ko mula. Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat n'ya sa naging sagot ko. Lihim akong natawa sa isip ko. I'm right on track, he's trying to figure out who I am base on my voice.
"Where are you that time?" Tanong naman ni Jethro.
"Cut the chase. I know you wanted to know who she is." Dad said. I rolled my eyes. Dapat kasi may nakainstall din na voice changer tong personalize mask ko. I hate it, I can only talk less.
"Another Gang registration came in. Illegal Empress, under Girl's Division. Should I test them?" Napantig ang tenga ko nang marinig kong magsalita si Jehan sa wakas.
"Illegal Empress?" Napansin kong napatitig sa gawi ko si dad. I cursed in my head, alam na n'ya. Sinabi ko kasi sa kan'ya dati na kung magkakaroon ako ng gang, Illegal Empress ang ipapangalan ko.
"Oh I see. That's interesting, right Empress?" Alam kong nakangisi s'ya sa likod ng maskarang suot n'ya. Ano na namang kabalbalan ang iniisip n'ya? Argh.
"Accept them. Inform them their first gangfight tomorrow." I scoffed in my head. What the hell is he planning to do?
Kani-kanina lang ako nagsubmit ng form para sa registration tapos bukas na bukas gangfight agad? Oh come on! It usually takes three days before the gangfight! I want to protest, pero di ko magawa. Dad is really unbelievable.
"Emperor, mawalang galang na po. When can I get my hands on the documents and personal matters of the Gangster Org?" Napatunghay ako nang magsalita muli si Jehan.
"After the coronation, First." Walang kaemo-emosyon nitong sagot.
"When is the coronation?" Dag-dag nitong tanong. Natahimik bigla si dad, napansin ko rin ang paggalaw-galaw ng mga daliri n'ya na nakapatong sa lamesa.
"That's odd. The last time I ask you to be the Emperor, you were hesitant. Now suddenly you're rushing things up. That's...interesting." natahimik naman si Jehan. Parang naghahanap ito ng maisasagot kay dad.
Napaisip naman ako. He's right about that. I observed Jehan's reaction that time, he's hesitant. Kahit mata lang n'ya ang nakikita ko, alam ko kung paano basahin ang body language n'ya. Besides, I can see through his eyes.
"I just want to know how to manage the Organization, no biggie." Dad shrugged opon his explanation.
Nagtama ang tingin namin ni Dad. His eyes are literally smirking at me. Pwede ko ba s'yang pakyuhan? Asar s'ya eh. Talagang hinahanapan n'ya ako ng gusot. Ano na naman ba'ng takbo ng utak n'ya?
"Do you have any clue who planned the bombing?" I comb my hair using my fingers. Yes I do, but I'm not planning to tell anyone of them.
"Wala po. There's no evidence left. May isang part lang ng bomb case na nawawala." I crossed my legs as I continued to comb my hair. Yeah, the missing part of the bomb case, is the steal bar that holds the timer.
That steal bar is in my hands. That small peace of thing, holds the evidence they're looking for. May nakaukit ditong initials, it looks like a name initials though. I'm not sure. Pero kahit naman ibigay ko sa kanila, hindi rin naman nila mahahanap.
I.V.S
Three initials, ano ba ang makukuha nilang impormasyon bukod sa tatlong letrang 'yan? Mas mabuti pang nasaakin to, tutal ako naman talaga ang habol ng nagpadala nun. Sa kanilang lahat, ako ang dapat unang makaalam kung sino ang may pakana nito.
"Thorn? Mukhang may gusto ka atang sabihin?" Napalinga ako sa katabi kong si Kiel. Oh? Sasabihin n'ya kayang pinsan n'ya ang nagdefuse ng bomba? Malilintikan talaga s'ya saakin,malalaman kaagad ni dad na ako 'yon.
"W-wala po." Tumango na lang si dad. Oh yeah, I forgot to tell you. Kilala ni dad lahat ng mga gangsters dito since s'ya ang may hawak ng personal profiles and documents ng mga gangsters dito. Kaya kilala n'ya, at alam n'ya na gangster din si Kiel.
"Crow, annouce the gangfight tomorrow. Plot the time, and make sure all gangters are aware of it." Dag-dag ni dad. Tumango naman si Jethro sa sinabi nito. Naglabas s'ya ng laptop, at nagsimulang magtipa ng announcement.
Pumasok ang isang Gangster Attendant at may inabot na kulay itim na folders. Sa pag-abot nito, may nalaglag na isang papel. Pasimple akong yumuko at pinulot ito. Tinupi ko ng mabuti at pinasok sa loob ng boots ko. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita kong nagtitipa sa cellphone si Jehan.
Si dad ay busy rin sa pagscan ng mga files na binigay sa kan'ya ng Gangster Attendant. Si Kiel naman ay panay ang ngiti habang tinititigan ang wallpaper n'ya. It's Rain's picture, his girlfriend. Napailing na lang ako, lampo bes.
Pagkatapos ng ilang segundo, nagvibrate ang phone ko. Dinukot ko ito mula sa bulsa ko upang tingnan kung sino ang nagtext. Nang makita ko kung sino ito ay kaagad nanlaki ang mata ko. Napatunghay ako kay Jehan sa harap ko, what the hell?
Heart? Where are you? Let's meet later.
I cleared my throat, dahilan para maiangat n'ya ang tingin saakin. Nahuli n'ya akong hawak-hawak ang phone ko, kaya pasimple akong nagpindot-pindot para kunyare naglalaro ako. Hindi n'ya naman ako pinansin. Binalik n'ya ang tingin n'ya sa phone n'ya at mukhang may hinihintay s'ya.
Nagtipa ako ng reply. Putek, sa lahat ng text n'ya saakin ngayon pa ako magrereply. Nakagat ko ang labi ko, saka sinend ang reply ko sa kan'ya.
Where are you?
Inangat ko ang tingin ko para tingnan ang reaksyon n'ya. I saw how his lips formed a twitch smile, napaawang ng konti ang bibig ko.
Tinikom ko rin ito kaagad. Nakikita nila ang mata at labi ko, kaya dapat concious ako sa mga kinikilos ko. Nakaramdam na naman ako ng pagvibrate ng phone ko kaya inangat ko na naman ang phone ko.
Mini Forest, just chillin' . I'm comming to get you later. Where are you Heart?
Napangisi ako, talaga lang ha? Nasa mini forest ka? Hah, itlog mo square.
Really? Puntahan na lang kita.
Napaayos kaagad s'ya ng upo. Akmang magta-type pa s'ya nang biglang matapos sa pagscan ng files si dad. Tinago n'ya ang phone n'ya at tinuon ang pansin kay dad. Nice, kahit papaano pala ay may respeto rin pala ang isang 'to.
"You may go now." Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo kaming dalawa ni Jehan. Napatingin naman sila saamin dahil halos magkasabay kaming tumayo. Nagkatitigan din kaming dalawa, pero ako ang unang umiwas ng tingin.
Nauna akong maglakad sa kan'ya palabas ng pinto. Dali-dali akong naglakad sa pasilyo at agad pinindot ang elevator para makaakyat na ako. Akmang sasara na ang pinto nang bigla itong bumukas. Nakagat ko ang labi ko nang malaman ko kung sino ito.
Fvckshit, kaya nga ako nagmamadali lumabas para di ko s'ya makasabay eh. Tapos ngayon nangyari na ang ayaw kong mangyari. Pinindot n'ya ang button na tumuturo pataas. Limang floor pa ang aakyatin namin, at buong magdamag walang ibang pumasok sa loob ng elevator kun'di kaming dalawa lang.
It feels like years. Tahimik lang kaming dalawa at ni isa sa amin walang nagbalak magsalita. Nakagat ko ang labi ko nang dukutin n'ya ang phone n'ya. Pagkatapos ng ilang segundo nagvibrate ang phone sa bulsa ko. Nanlaki ang mata ko, halos di na ako huminga nang mapatingin s'ya saakin.
Hindi nga nagri-ring ang phone ko, rinig na rinig naman ang vibration nito. Kaya di na ako magtataka kung naririnig n'ya ito. Paulit-ulit akong nagmura sa isipan ko. Patuloy pa rin ito sa pagvibrate, dahil di n'ya pa rin pinapatay ang tawag. Tinanggal n'ya saglit ang phone sa tenga n'ya kaya nakahinga ako ng maluwag, akala ko kasi ibababa na n'ya ang tawag.
"Why don't you answer it? Baka importante 'yan?"
I pursed my lips. Gago ka! Ikaw ang tumatawag! Pagsasagutin ko to, malalaman mo kung sino ako punyeta ka!
TEN'S POV
"Anong oras ba kami magkikita?" Napatingin ako sa relo ko. Kanina pa ako naghihintay dito sa mini forest ng school. I think it's almost 10 minutes?
I have this feeling na gusto ko s'yang makita, pero parang gusto ko rin na wag na lang s'yang makita. Maybe I was just curious to know him. Ang gulo ko naman.
Napatunghay ako nang makarinig ako ng hakbang ng mga paa.I was a little bit surprised when I saw her. She's not the one I'm expecting to see. I tilt my head, anong ginagawa n'ya rito?
"Hey." Luminga muna ako sa paligid ko. Baka kasi may iba s'yang kausap bukod saakin. Di naman kasi kami close para makipag-usap sa isa't-isa.
"Uhh, what are you doing here?" Naitanong ko na lang. She smiled widely.
"Dad sent me here." Nangunot ang noo ko. Her dad? Nagulat na lang ako nang yakapin n'ya ako ng mahigpit. I was frozen, why the hell is she hugging me?
"I missed you so much." Di ko s'ya maintindihan. Labag man sa kalooban n'ya, kinalas ko ang pagkakayakap n'ya saakin. You can't just hug a man! Especially if you're not in a relationship!
"Who are you?"
"I'm Nine. Nine Alexandra Crest, your twin."
M-my twin?
JENNIE'S POV
"What the fvck?" Napamura ako ng bahagya nang makita ko ang announcement sa website ng GCO. What the hell is going on? Bakit nakaregister na ang gang namin? At paano nangyaring may gangfight na bukas? Is this some kind of a joke?
"Woah! Sino nagregister ng gang natin? Masyado naman atang mabilis!" Di makapaniwalang atugal ni Jessi.
"Who else could it be? Lara is capable of doing that." Komento ni Rosé.
I bit my lips as I read the announcement. This is not a big deal okay? Palagi naman kaming sumasali sa mga street fight nung nasa America pa kami, but that has nothing to do with gangsters. They're just thugs and gangster wannabees.
What we have here right now is a serious matter. We're going to fight against real gangsters. This is not an ordinary street fight, but a massive gangfight! It's a whole different thing! Yes, we can fight. I'm confident about that. We're not just the daughters of the late Gangster Rippers, we're more than that.
Kaso unang beses namin pumasok sa lugar na kinabibilangan ng mga magulang namin. We don't know any rules or protocol about them yet, pero updated naman kami sa mga nangyayari sa Gangster Org. It's just that, bukas kaagad? Hindi man lang kami nakapaghanda ng maayos.
"Di ba usually three days after the registration ang gangfight?" Napatango kami sa naging katanungan ni Rosé. She's right. So how come bukas na kaagad?
"We need to get ready girls, the fire is set. All that's left for us to do is play with this fire." I said as I closed the laptop.
"Fire it up!"
SETH'S POV
Una sa lahat, tamad ako magsalita. Pangalawa, palagi akong natutulog kaya di talaga ako makakapagsalita. Ngayon kung ako ipapagkwento n'yo sa mga kaabnormalang nangyayari sa paligid ko, wag na kayong umasa.
Masakit umasa kaya wag kang umasa. Tanga ka na nga mas nagmumukha ka pang tanga. Layas! Sinasayang n'yo oras ko!
V'S POV
Kinulbit ko si Seth. Asar kasi, kinakausap ko pa 'yan kanina tas bigla na lang ipipikit mata n'ya. Ang bilis naman n'ya makatulog. Di ba s'ya nagsasawang matulog?
"Seth! Oy!" Napangiwi ako. Wala talagang kwenta kausap to.
"Hey! Are you sleeping?" Sigaw ko. Minulat n'ya bigla ang mata n'ya.
"Nope. I'm trying to die." He said in a poker face. Bumagsak naman ang balikat ko, napakapilosopo n'ya talaga. Pinikit n'ya muli ang mga mata n'ya at natulog na naman.
"Haayy!" Bagot na bagot akong umupo ng sofa. Tinanggal ko na lang ang necktie ko at tinali ito sa ulo ko. Dinukot ko ang phone ko at nagselfie. Ipo-post ko na lang to sa facebook at insta mamaya.
Naks ang gwapo ko talaga! Ang di aangal papakasalan ko. Muah!
"V" napalingon ako kay Xael. Nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin saakin. Natatawa kong tinanggal ang necktie ko.
"Oo na tatanggalin na. Haha!" Napailing ako. Xael is a prim and proper type of guy. That's why he don't like messy things, gusto n'ya dapat gamitin ng wasto ang mga bagay-bagay ayon sa silbi nito.
"Bwiii! Laro na lang tayo!" Tumalon ako sa couch. Tumakbo kaagad ako papunta kay Justine na nakadapa sa sahig.
"Anong laro?"
"Pen-pen-de-sarapen!" Nangunot ang noo ko. Ang boring naman nun eh!
"Pen pen de sarapen, si Seth tanga, tulog pa rin. How how ano--ARAY!" tumama ang sapatos ni Seth sa noo ni Justine.
"Sinong tanga ha!" Bumangon si Seth. Tumayo kaagad si Justine at kumaripas ng takbo papuntang kusina.
"Bumalik ka dito!"
"Baka nakakalimutan mo? Kabayo ako! Di mo ako mahahabol! Haha!"
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya pumasok ako sa loob ng banyo. Habang naglalabas ako ng sama ng loob, nakaagaw ng pansin ko ang isang silver na sing-sing sa sahig. Matapos ko mailabas lahat ng kinain ko, naghugas na ako.
Pinulot ko ang sing-sing at tiningnan ang itsura. It's a normal ring. No gems and designs or whatsoever. Nang tingnan ko ang baba nito, may nakalagay na initials.
N.A.C
Walang sino man saamin ang may initials na NAC. Sinuot ko ito sa hinliliit ko. Hindi kasi s'ya kasya sa ring at index finger ko kasi malaki ang daliri ko, kaya sa pinky finger ko lang talaga s'ya nagkasya.
Paglabas ko ng banyo naabutan kong nakapalibot sila kay Rio. Nakisiksik naman ako sa kanila upang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nila.
"May gangfight bukas." Bored na wika ni Seth.
"Girl's Division. Damn! Their gang name sounds so sexy! Illegal Empress!" Hiyaw ni Jam.
"It says here that the gangfight starts at 8:00 pm flat." I shrugged. Wala na naman kaming pasok simula bukas dahil sem-break na namin. We can attend!
"A four membered gang." Wika ni Xael.
"Wicked Empress, Dangerous Empress, Rebelious Empress, and Badass Empress." Dag-dag pa nito habang binabasa ang nakalagay na Temporary Profile ng bagong registered na gang.
"Why do I feel like, tomorrows gangfight will be awesome?" Nakangising wika ni Justine.
"Probably yeah, I can feel it too." Wika ko.
"Illegal Empress? What if one of them is the real Empress?" Napalingon kami kay Seth nang bigla s'yang magsalita.
"The gangfight is on fire then." I whispered.
LARA'S POV
Nanginginig kong kinuha ang phone sa bulsa ko. Fvcking shit, what if he found out? Nang makita ko kung sino ang tumawag, mas lalo akong kinabahan ng husto. It was him! Fvckshit! Anong gagawin ko?
Think Lara. Think. Think. Think.
Pinindot ko kaagad ang end call. Pinatay ko na rin ang phone ko para di na s'ya makatawag pa. I heard him hissed, malamang ay dahil di na n'ya macontact ang number ko.
"No." Mahina kong bulong. Damn, mukha akong tanga dito. Kinakausap ko sarili ko.
Napatingin ako sa button ng elevator, dalawa pa. Tawag pa rin s'ya ng tawag, samantalang ako paminsan-minsan umiimik, minsan naman hindi. Paninindigan ko ng may kausap ako sa phone kahit wala naman talaga.
"Damn, what if she's in danger?" Napalingon ako sa kan'ya. Is she talking about Lara? I mean, me?
Nang bumukas ang pinto ng elevator, kaagad akong nakipag-unahan lumabas. Di ko namalayang nagmamadali rin pala s'yang lumabas. Ang resulta, nagkabungguan kaming dalawa palabas ng pinto. Dahil boots ang suot ko, nastuck ang takong ko sa maliit na bar. Dahil gaga ako, kamuntikan na ako bumagsak pabalik sa loob ng elevator.
Nagulat na lang ako nang may braso na humapit sa bewang ko para di ako tuluyang matumba. Napakapit ako sa leeg n'ya. Napahinga ako ng malalim nang magtama ang mga mata namin. Nakita kong titig na titig s'ya sa mga mata ko, yung titig na parang sinasabi n'yang parang kilala n'ya ako.
Bumagsak ang buhok ko kaya bahagyang napadako ang tingin n'ya sa kanang leeg ko. Napakurap ako nang may maalala ako. Marahas ko s'yang tinulak upang mabitawan ako. Buong pwersa kong hinatak ang boots ko kaya natanggal ang pagkakaipit ng takong sa bar. Hinawi ko ang buhok ko upang takpan ang leeg ko.
Walang lingon-lingon akong naglakad palabas. Ramdam kong nakatitig pa rin s'ya saakin. I bit my lips. He saw the wound in my neck. Ang sugat na dulot ng kutsilyo ni Kiel. Ang sugat na s'ya mismo ang gumamot. Fvcking shit, I hope he won't get suspicious about me.
Paglabas ko ng Underground Bar, agad ko binuksan ang phone ko. Tumambad kaagad saakin ang isang text message mula sa kan'ya.
Heart, are you safe?
I bit my lips. Damn Jehan, My heart is no longer safe. It's on Fire!
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro