Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44


Chapter 44. Heart

_________

V's POV

Ano kaya'ng mangyayari kung makaroon ng zombie apocalypse? Paano kung mabuhay ang mga patay? Paano kung mamatay ang mga nabubuhay? Paano kung mamatay ang mga gwapong nilalang gaya ko? Magiging normal pa kaya ang mundo? May iiyak ba dahil namatay ako? May iiyak ba dahil nasayang ang kagwapuhan ko at di ko sila naging asawa? May iiyak kaya?




Paano kung di lang ang mundong Earth ang may taong nanininirahan? Paano kung meron pang ibang planeta? Paano kung may mga alien duon? Paano kung sakupin tayo ng mga aliens? May ilalaban ba tayo? Mananalo kaya tayo? Paano kung i-laser nila tayo? Mamatay tayong lahat! End of the--




Napatigil na lang ako sa walang kwenta kong pag-iisip nang sipain ako ni Justine. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Kahit walang kwenta ang iniisip ko, pinaglalaanan ko talaga ito ng oras. Gusto ko rin kasi magisip-isip ng ng mga bagay-bagay.






Ikaw? Wala ka man lang bang iniisip? Abnormal lang ata ang di nag-iisip, kaya nga nag-iisip ako eh. Kaso mga wala lang rin namang kwenta iniisip ko. Pero at least nag-iisip ako diba?




"V, tingin mo ba may pag-asang tumino 'yong si Jam?" Napatunghay ako nang magsalita si Rio.





Meron s'yang pag-asa kung si Lara ang magiging girlfriend n'ya, kaso akin--kay Jehan na pala s'ya. Kahit sinong lalaki titino kapag s'ya ang kaharap. Napakamot na lang ako ng batok ko, I really like her. She's my first crush, but she already belonged to someone else.





"Hoy V! Ano na naman ba'ng iniisip mo?" Xael snapped his fingers in front of me. Napatingin kaagad ako sa kaniya.





"Huh?" Sabay-sabay silang napapoker face dahil sa lutang kong tanong. May sinasabi ba sila?






"Nice talking ka rin pala. Pwede ka ng Seth the second." natatawang saad ni Rio. Naalala ko bigla ang tinanong n'ya kaya uminom muna ako ng tubig bago s'ya sagutin.






"May pag-asa pa na magbago ang lalaking yun. Only if he met his match" Uminom ako ng juice. Nakangisi naman silang napatingin saakin dahil sa sinabi ko.




"I guess he already met his match." -bulong ni Seth.




"Alam n'yo kanina pa kayo match ng match. Anong meron sa posporong 'yan?" Kunot noo kaming napalingon kay Justine.




"Was that supposed to be a joke?" Pambabara ni Seth. Napahalakhak na lang ako, minsan may pagkatanga talaga si Justine.



"Huh? " nagring ang phone ko kaya kaagad kong tiningnan kung sino ang tumawag. Umayos ako ng upo at sinagot kaagad ito.



"Yes po Tita?"




"Are you with Jehan and Lara?"




"Hindi po. Tingin ko magkasama po silang dalawa." Natahimik naman ito.





Napatingin ako kila Xael na pansamantalang tumahimik upang mapakinggan ang pag-uusap namin. Jehan told us about his problem. Her mom lied to him. Sinabi n'ya rin saamin na si Tito Seb pala ang dating Gangster Emperor.





We we're shocked. All this time si Tito Seb lang pala ang Gangster Emperor, pero di man lang namin napansin 'yon. I remember how intimidating he is with his mask and robotic voice. Ibang-iba ito sa Tito Seb na nakilala ko. He's a nice and bubbly person, malayong-malayo ito sa seryoso at malamig na ugali ng Gangster Emperor dati.




"Okay lang ba s'ya? Galit pa rin ba s'ya?"





"Sa tingin ko po Tita nagpapalamig lang s'ya ng ulo. Alam n'yo naman po ang isang 'yon, madalang lang magalit pero pangmatagalan." sagot ko. Narinig ko na lang ang pagbuntonghininga nito.




"I know. I guess sa susunod na araw ko na lang s'ya kakausapin tungkol sa kanila ni Lara."




Tumango na lang ako. Pagkatapos ng ilang sandali, binaba n'ya kaagad ang tawag kaya nagsimula na naman akong mag-isip ng kunng ano-ano.




"Excuse me, nakita n'yo ba ang kaibigan namin?" Naiangat ko ang tingin ko nang bumungad saamin ang dalawang magandang babae. I guess they're Jennie and Jessi?





"Mukha ba kaming hanapan ng nawawala mong kaibigan?" Pabalang na sagot ni Seth habang nakapikit pa ang mga mata nito.





Tinaasan lang s'ya ng kilay ni Jennie. Akmang sisinghalan na nito si Seth nang takpan ni Jessi ang bibig n'ya. Nanlaki naman ang mata ni Jennie dahil sa ginawa ng kaibigan n'ya.





"So, nakita n'yo nga?" Nakangiting wika nito.





"May sakit ba ang kaibigan n'yo?" Bigla kong naitanong. Nagkatinginan naman silang dalawa.





"I think, may sakit ang kaibigan n'yo. She's with Jam, they're probably in the clinic right now." Sabi ni Xael. Both of their eyes widened by surprise. Napaatras pa kami nang sabay nilang ihampas ang kamay nila sa lamesa.





"Bakit n'yo hinayaang sumama si Rose sa manyakis na yun?" -Jessi





"That asshole! Sisiguraduhin kong mapuputol ang ari n'ya kapag may ginawa s'yang masama kay Rosé!" -Jennie




Napalunok ako ng wala sa oras. Nakakatakot naman ang mga ito. Ngayon naniniwala na akong kaibigan nga sila ni Lara. Pareho silang brutal mag-isip, at wapang preno magsalita. Napangiti ako sa di ko malamang dahilan, naaalala ko na naman s'ya.


"NASAAN ANG CLINIC?"


TEN'S POV

"Vernon, ilang beses ko ba'ng sasabihin sa'yo na hindi tambayan ang kwarto ko?" Panenermon ko sa kan'ya. Oo nga't dorm mates  kaming dalawa pero may kwarto rin s'ya.




"Teka nga, boxer ko ba 'yang suot mo?" Tumango ito. Kumunot ang noo ko, namumulubi na ba s'ya at pati boxer ko sinusuot na n'ya? Partida di pa humihingi ng permiso!




"Nakikinig ka ba Vernon?" Huminga ako ng malalim. Busy kasi ito sa pagtitipa ng kung ano-ano sa laptop n'ya. Kung di ko lang talaga kaibigan 'to ay malamang kanina  ko pa ito pinalayas sa loob ng kwarto ko.




"Ano ba'ng ginaga--" nagulat ako nang isara n'ya ang laptop. Nanlaki ang mga mata nito saka humarap saakin. Tumayo s'ya at hinawakan ang magkabila kong balikat.




"Ano'ng--"




"Magkikita na kayo ng dad mo!" Niyugyog n'ya ako.





Parang nabingi naman ako sa sinabi n'ya. Magkikita na kami ng dad ko? What should I feel? Happy? Excited? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Makikita ko na ang ama kong buong buhay kong di pa nakikita.




"Ano ba Xader! Magbihis ka na! Magkikita na kayo ng dad mo!" Mabilis n'ya akong hinila palabas ng kwarto. Hinampas n'ya sa mukha ko ang twalya at tinulak ako papapasok ng banyo.




"Maligo ka na! Di ba gusto mong makita dad mo? Ngayon na ang tamang panahon Xader! Bilis!" Wala sa sarili kong sinara ang pinto ng banyo. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili kong repleksyon.




Makikita ko na ang ama ko. I wonder how he looks like? Magkamukha kaya kaming dalawa? Is he the kind of father I expect him to be?


JAM'S POV

"What the..." nagising na lang ako nang may marinig akong marahas na pagbukas ng pintuan.



Lilingon na sana ako upang tingnan kung sino ito, pero nagulat na lang ako nang salubungin ako ng isang kamao na tumama mismo sa panga ko. Damn!




"ANONG GINAWA MO KAY ROSE HA!" Tumama ang ulo ko sa dulo ng maliit na lamesa kaya napadaing ako.





Hindi pa man ako nakakapagsalita, may humablot sa damit ko. Bahagya nitong itinaas ang kwelyo  ko kaya napaangat ang tingin ko sa babaeng may gawa nun. It was Jessi, at ang babaeng sumuntok naman saakin kanina ay si Jennie.





"SUMAGOT KA! ANONG GINAWA MO KAY ROSE!" Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa pagsigaw ni Jessi. Niyugyog n'ya ako. Putek, ang sakit sa tenga ng boses n'ya.




"SASAGOT KA O ITATARAK KO TONG INJECTION SA MATA MO?"  Agad ko minulat ang mga mata ko upang sagutin s'ya. Tinaas ko ang magkabilang kamay ko.





"Whoa! Wala akong ginawa sa kaibigan n'yo!" Lumingon si Jessi kay Jennie. Napalunok ako nang makita kong pinanlakihan lang ako ni Jennie ng mata. What the hell, ano ba'ng ginawa ko?





"GAGO KA BA? WALA KANG GINAWA? EH BAKIT WALA NG DAMIT SI ROSE?" luminga ako kay Rose. Nanlaki ang mata ko nang makitang wala nga itong damit pang-itaas, pero natatabunan naman ito ng kumot kaya di masyadong halata.






Marahas na hinila ni Jessi ang kwelyo ng damit ko kaya naibalik ko ang tingin ko sa kan'ya. Nangunot ang noo ko dahil parang gusto na nila akong patayin sa mga titig nila. Wapa akong ginawa sa babaeng 'yan! Mamatay man kayo! Ako na nga tong nagmamagandang loob na tulungan s'ya kanina tapos ako pa tong naging masama? Aba ang ang tindi naman!



"Wala akong alam kung bakit wala na s'yang damit! All I did was just to sleep with he-- woah!" Tinulak ko si Jessi para iwasan ang basong inihagis saakin ni Jennie. Tangina, naniniwala na akong kaibigan nga nila si Lara.




"SLEEP WITH HER? YOU FVCKING ASSHOLE!" Sa lutong ng mura n'ya, alam kong alam n'yo kung sino s'ya.





"Damn! Wala akong ginawa sa kaibigan n'yo okay? Nakatulog lang talaga ako habang binabantayan s'ya! I don't even know why the fvck she's naked!" Asar kong sigaw. Imbis na tumigil sa pagtalak si Jennie upang pakinggan ang paliwanag ko, mas lalong tumindi ang galit nilang dalawa.





"Tingin ko maniniwala kami sayo? Kupal ka! Kung mabuntis si Rose panagutan mo s'ya! Hayop ka!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jessi. What the fvck? Kung mabuntis ko s'ya? Eh wala nga akong ginawa! Saka wala pa akong planong maging ama!





"Walang mabubuntis! I didn't do anything to her for fvcks sake!" Akmang magsasalita pa sila nang biglang gumalaw si Rose. Nagmulat ang mga mata nito at mukhang nagising dahil sa ingay na dulot naming tatlo.






"Oh my God Rose! Okay ka lang? May masakit ba sayo? Pinasisid mo na ba ang mapanghe mong perlas? Ano na? Musta si Hymen?" Aligaga na tanong ni Jessi. Kung di lang ako napagbintangan ngayon ay malamang kanina pa ako tumatawa.




"Huh? Anong pinagsasabi mo? Ang bibig mo aba! Saka anong mapanghe? Alagang PH care to!" Paos na sagot nito.



Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang panlakihan ako ni Jennie ng mata. Kingina, walang takas. Bakit ba kasi may pagka-Lara ang aura nito.



"Alam mo ba anong ibig sabihin ng PH care?" Tuwang-tuwang sabi ni Jessi. Naigulong ko ang mata ko.




"Di ko rin alam eh." Sagot ni Rose. Panandalian kong sinandal ang ulo ko sa pader habang pinapanood silang tatlo.



"Baka Philippine Care?"-Jennie



"PH care means Pepe Hugas Care. Simple as that." Di ko na kinaya ang narinig ko. Humagalpak na ako kakatawa.




Naiiyak na ako kakatawa putangina. Ni hindi ko man lang napansin na nakatingin na pala silang tatlo saakin habang pinapanood ako na halos gumulong na kakatawa.



"Anong nangyari d'yan?" Takang tanong ni Jessi.





"Tigang na ata kaya gan'yan." napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi ni Rose. Holy shit, isa pa 'tong walang preno ang bibig.






"Tigang? Di ba kayo nag..." pinagdikit ni Jessi ang magkabilang palad n'ya at pinalakpak ito na parang tanga. Nangunot kaagad ang noo ni Rose at napatingin saakin.






"Hindi! Sira ulo ka ba? Tingin n'yo papatol ako sa lalaking 'yan? Ayaw ko magka AIDS!" napapoker face ako. Wala akong AIDS! Di ako pumapatol sa bakla!





"Eh bakit naka-bra ka lang? Ikaw ata sira ulo saating tatlo dito eh." Irap ni Jennie. Inabot pa nito ang damit ni Rose at pinasuot ito sa kan'ya.






"Ahh. Mainit kasi. Nilagnat ako, buti na lang di na gaano kainit ang nararamdaman ko ngayon." I rolled my eyes. Pasalamat s'ya busilak ang kalooban ko para tulungan at dalhin s'ya dito.






"Isipin mo na lang, paano kung may ginawa sa'yong kahalayan ang lalaking 'yan? Tingin mo paninindigan ka n'ya?" Marahas na inangat ni Rose ang tingin n'ya upang tapunan ako ng tingin.





Napakamot na lang ako ng batok. Ang seryoso masyado ni Jennie. Paninindigan agad? Wala nga akong nahawakan ni saan mang parte ng katawan ng kaibigan n'ya.





"Di pa man s'ya nakakalapit saakin, wala na ang pinakaiingat-ingatan n'yang bagay." Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Hindi ito ang unang beses na narinig kong may magsabi saakin n'yan. Pero bakit pag babae ang nagsasabi parang kinikilabutan ako?





"Thanks for helping me earlier." She smiled. Nabato ako sa kinatatayuan ko nang biglang lumiwanag ang mukha n'ya. Parang tumagal ata ang bawat segundo ng pagngiti n'ya.





"Now fvck off..." nabalik ako sa katinuan nang mawala ang ngiti sa labi n'ya. Ang moody n'yang babae. Parang kanina lang mukha s'yang anghel sa ngiti n'ya, tas biglang naging demonyo.




Inirapan ko na lang sila. Lumabas ako ng clinic at iniwan silang tatlo. Ngayon naniniwala na akong magkaibigan silang apat. Bukod sa brutal sa isip at gawa, wala pang preno ang bibig. Wala pang pake  sa paligid at sa tingin sa mga tao sa kanila.



21st century girls, they're really unpredictable. Are you one of them?

LARA'S POV

"Let's make it real, shall we?" Di ko mabilang kung ilang beses na akong lumunok dahil sa sinabi n'ya. Hindi ako tanga upang di malaman kung ano ang ibig sabihin n'ya.

Nakatingin lang s'ya sa mga mata ko na para bang inuudyok n'ya akong sumagot ng oo. I cleared my throat, parang sinisilaban ang lalamunan ko. I'm trying to say something pero tila ba pinutulan ako ng dila at di ako makapagsalita.



"I think this conve--" aalis na sana ako nang higitin n'ya ang pulsuhan ko, dahilan para mapaharap ako ng pilit sa kan'ya.



"Look at me, and answer me Lara." Napatunghay ako upang tingnan s'ya sa mata. Holy fvck, parang nilulunod n'ya ako sa mga tingin na ipinupukol n'ya saakin.




His eyes are purposely hypnotizing me. It was as if he's looking at me with longing.  He's making me drunk with his love. Wait, what? Wtf Lara?



"I..." I lick my lips. Pati labi ko nanunuyo na dahil sa kaba. Yes, inaamin ko kinakabahan ako. What the hell, I just don't know what to say! Kayo kaya nasa pwesto ko?




Magsasalita na sana ako nang sabay na magring ang phone namin. Nagkatinginan kaming dalawa. Wala sana s'yang planong sagutin ito, pero nang makita n'ya kung sino ang tumawag, ay agad s'yang lumayo saakin upang sagutin ito.




Napahinga ako ng maluwag,  I was saved by the phone call. Dinukot  ko ang phone ko upang sagutin din ang tumawag saakin.  Four zero digits. I smirk, the Gangster Attendant.



I wonder why he's the one who called? Normally si dad ang tumatawag saakin. Nagkibitbalikat na lang ako, maybe he's busy. He's the Gangster Emperor after all. Natural lang na busy s'ya.



"Empress, the Gangster Emperor wants to see you."





"What for?" Malamig kong saad. I'm sure as hell I'm only talking to Lilac, or Lavender perhaps? Silang dalawa lang naman ang Gangster Attendant na pinagkakatiwalaan ni dad.



"He needs to talk to you, and the next Gangster Emperor." 



Napalingon ako kay Jehan na kasalukuyang may kinakausap din sa phone n'ya. The heck, that means magkikita na naman kami mamaya. The only thing that would make it less awkward, ay di n'ya ako kilala. We're covered with our own mask. He doesn't know me, but I know him.




"I'm going."



Binaba ko ang tawag. May kausap pa rin sa phone si Jehan kaya kumaripas na ako ng takbo palabas ng dance room. Habang tumatakbo ako ay bumabalik na naman ang lakas ng tibok ng puso na nararamdaman ko kani-kanina lang. Sa lakas ng kabog nito ay parang sasabog na ako.




Ginulo ko ang buhok ko habang tumatakbo ako. Lintek, nabubuang na ata ako. Dahil sa paggulo ko ng buhok ko, di ko na masyadong nakikita ang dinadaanan ko. May nakakabangga pa nga ako, pero wala akong pake sa kanila. Kasalanan na nila yun, paharang-harang sila sa daan.




Dahil sa kaabnormalan ko, may nabangga akong isang lalaki. Sa lakas ng bangga ko dito, ay bahagya pa akong napaatras at napatigil. Inayos ko ang nagkandagulo-gulo kong buhok. Nang mapadako ang tingin ko sa suot nito ay napataas ang kilay ko. He's wearing a business suit?



Nang i-angat ko ang tingin ko dito ay nangunot ang noo ko. I tilt my head, his face is familiar. Parang nakita ko ng may kamukha s'yang estudyante dito, but he's the mid 30's version. Tinitigan ko s'ya ng matagal, sa di ko rin malamang dahilan ay nakipagtitigan din s'ya saakin na para bang kinikilatis n'ya rin kung sino ako.




"Miss? Pwede bang tumabi ka sa daan?" Napalinga ako sa nagsalita. Isa ito sa tatlong bodyguards na kasama n'ya.




"Bakit, sa'yo ba 'tong daan?" Pagtataray ko. Dahil sa sinabi ko, bahagya pang napahalakhak ang lalaking kaharap ko.




Nang mapansin n'yang nakatingin ako sa kan'ya, tumigil s'ya sa paghalakhak. Mataman n'ya lang akong tiningnan. Ni hindi ko nga alam kung nginingitian n'ya ako,  o nginingisihan.

I tilt my head, may kamukha talaga s'ya eh. Di ko lang matukoy kung sino.



"I'm sorry young lady, do you know me?" Umiling ako. I don't know him yet.




"I'm sorry for being rude." Tumango naman ito. I flip my hair and walked passed them.




Bago ako lumiko sa daan papuntang dorm, lumingon muna ako sa lalaking 'yon. Napataas pa ang kilay ko nang mapansing nakatingin din s'ya sa gawi ko. I believe this is not the last time we'll meet. Naniniwala ako sa pinaniniwalaan ko kahit ako lang ang naniniwala dito.




Nagvibrate ang phone ko kaya dinukot ko ito mula sa bulsa ko. Someone texted.


From: GirlMeetsEvil

Heart, don't even think of getting away. I don't take no for an answer. Magtutuos tayo mamaya.

_____________________

Napakunot ang noo ko. Heart? Who's Heart? Na wrong send ba ang animal na 'to? Sa pagkakatanda ko hindi Heart ang pangalan ko. However, ako ang tinutukoy n'yang di makakalampas sa kan'ya. He won't take no for an answer? So, should I say yes?


Wait, who the heck is Heart? Can somebody please tell me who she is?

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro