Chapter 43
Chapter 43. Real thing
___________
I tap my foot on the ground as I listened to our lesson. Is there anything as boring as this?
"Kung sino ang makakasagot sa tanong ko ay maaaring makalabas ng una kesa iba" napaayos ako ng upo. Tiningnan ko muna kung seryoso ba tong teacher namin sa Philosophy. Mukhang seryoso naman s'ya.
Nagsimula na s'yang magsulat ng kung ano-ano sa white board. Kinuha ko ang ballpen na nakasabit sa damit ko, inamba ko ito malapit sa ulo n'ya.
"Oy! Anong binabalak mo?" Di ko pinansin si V. Hinagis ko kaagad ang ballpen kaya tumama ito malapit sa batok ng teacher.
Napatigil kaagad ito sa pagsusulat. Dahan-dahan itong lumingon saamin. Nanlilisik ang mga mata nito at parang ano mang oras ay mangangain na s'ya ng tao.
"SINO ANG NAGHAGIS NUN HA!?" sigaw n'ya. Napangisi ako. Tinaas ko ang kamay ko kaya napatingin silang lahat saakin.
"Ako" nangunot ang noo n'ya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinukbit ang bag ko para lumabas na ng room.
"AT SAAN KA PUPUNTA?" napangisi ako. Huminto ako sa paglalakad, at nilingon s'ya na may hawak pang stick sa kamay.
"Lalabas na ako" sagot ko.
"SINONG NAGSABING PWEDE KANG LUMABAS?"
"Ikaw" nagtaka naman ang mukha n'ya. Gago.
"Sinabi mo, Ang sino mang makakasagot ng tanong mo ay maaari nang lumabas. Sa pagkakatanda ko,tatlong beses mo na akong tinanong, at sinagot naman kita ng maayos. Kaya may karapatan akong lumabas dito. " nakita ko ang panlalaki ng mga mata n'ya. Nagsitawanan naman ang mga Emperors sa isang tabi.
Bago pa s'ya makapagsalita ay lumabas na ako ng room. Napatingin ako sa digital clock na nakadikit sa pader. Simula kanina, di pa nagpapakita si Jehan. I guess now is the right time to talk to him. Since bored din naman ako at kailangan ko ng kausap. Wala ng iba pang rason bukod duon.
May pasok pa kaya naman walang kahit sinong estudyante ang pakalat-kalat sa corridor. Malaya akong nakalabas ng building na walang nakakaaway o nakakabangga. Mabuti naman, ayaw kong may mabangasan ako ngayong araw.
Can somebody please give me a break? Halos araw-araw ata akong napapasok sa isang away. Kung di naman away, gulo. Seriously? Kelan ba magiging normal ang buhay ko? Argh.
I comb my hair using my fingers. I'm on my way to the gym. Duon ko huling nakitang pumasok si Jehan, kaya malaki ang posibilidad na nanduon pa rin s'ya. Pagpasok ko sa gym, walang tao sa loob. Napakunot kaagad ang noo ko. Kung wala s'ya dito, nasaan s'ya?
May nakita akong mga bottle ng tubig na naglilinyahan sa bench kaya kumuha ako ng isa. Binuksan ko ito at uminom ng konti habang naglalakad ako.
I cross my arms. Where is he? Dahil nagbabakasakali pa rin akong nandito s'ya, napagpasyahan kong ikutin muna ang buong gym. Wala naman kasing katao-tao ngayon dito. Pagtungtong ko sa stage, nakarinig ako ng tunog ng musika na parang kinukulong ito sa isang room.
Napangisi ako, how can I possibly forget that? May mirrored dancing room pala sa likod ng gym. Bumaba ako ng stage at tinunton kung saan galing ang tunog na iyon. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang makita ko s'ya sa loob. He's standing still, waiting for the music's cue.
Imbis na buksan ko ito, sinandal ko na lang ang balikat ko sa pinto at pinanood s'ya. Napangiti ako nang makita ko s'yang sumayaw. Nakatitig lang ako sa kan'ya. Hindi ko alam na marunong pala s'ya sumayaw. Malay ko ba? Ngayon ko lang naman s'ya nakitang sumayaw eh.
Pawis na pawis s'ya, kitang-kita ko pa mula sa kinatatayuan ko ang maliliit na butil ng pawis sa buhok n'ya. Every move he makes was full of emotions. Ramdam na ramdam ko ang panggigigil sa bawat sayaw n'ya. Naririnig ko pa mula sa kinatatayuan ko ang paghihingal n'ya, pero patuloy pa rin s'ya sa pagsasayaw.
Hanggang sa matapos s'yang sumayaw ay nakasandal lang ako habang pinapanood s'ya. Umupo s'ya sa isang tabi. Sinandal n'ya ang pawisan n'yang ulo sa pader at pinikit ang kan'yang mga mata. Kahit saang anggulo n'ya tingnan ang gwapo n'ya. Imbis magmukha s'yang dugyot dahil pawisan s'ya, nagmukha pa s'yang hot sa paningin ko.
I snapped my fingers. Yeah right, pull your shit together Lara. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pumasok din ako sa loob, at sinigurado kong ang bawat hakbang ko ay magaan, para wala s'yang kahit anong tunog na marinig.
Nakatayo na ako sa harap n'ya, pero di pa rin s'ya nagmumulat ng mata. Umupo ako at dinikit sa kamay n'ya ang bottled water na hawak ko. Dahan-dahan n'yang minulat ang mga mata n'ya at gulat na napatingin saakin at sa bottled water na nakadikit sa kamay n'ya.
"W-what are you doing here?" I rolled my eyes and handed him the water. Tinanggap n'ya naman ito. Tumayo ako at umupo sa tabi n'ya . Sinandal ko rin ang ulo ko sa pader at pinikit ang mga mata ko.
"Wala ka na dun. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Pagbabalik ko ng tanong sa kan'ya. Narinig kong binuksan n'ya ang bote bg tubig at ininom ito bago ako sagutin.
"Wala ka na rin dun" minulat ko ang mata ko at inirapan s'ya. Gaya-gaya! Lumagok ulit s'ya ng tubig hanggang sa maubos na n'ya ito. Kunot noo s'yang napatingin saakin habang tinuturo ang bote ng Wilkins na tubig.
"Where did you get this water? Bakit lasang strawberry?" Napantig ang tenga ko. L-lasang strawberry?
"H-ha? Ewan ko eh" napansin kong napatitig s'ya sa labi ko kaya nakagat ko ito ng wala sa oras. Dang, kumain kasi ako ng lollipop kanina bago ko ininuman ang tubig na 'yan.
"Don't tell me... " iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya. Tangina, bakit nahihiya ako? I don't know what to act, nor say. Kaya naisipan kong tumayo na lang para umalis.
Pero natigilan ako nang hawakan n'ya ang kamay ko. Libo-libong bultahe ng kuryente ang nanalaytay sa buong sistema ko dahil sa pagdikit ng balat n'ya sa balat ko. What the fvck?
"Stay with me" di ko s'ya nilingon. Napalunok ako ng wala sa oras. Pinagpawisan ako ng husto sa sinabi n'ya. Come on Lara, don't just stood there like a fvcking rock.
"I know why you're here. So why don't you just stay with me?" Sa pagkakataong ito ay napalingon na ako sa kan'ya. Alam n'ya kung bakit nandito ako?
Bago pa ako makasagot ay hinila n'ya ako paupo sa tabi n'ya. Buti't di gaano kalakas ang pagkakahila n'ya saakin. Pagkatapos ng ilang minuto ay wala ni isa ang nagbalak magsalita saaming dalawa.
"I'm sorry" kunot noo ko s'yang nilingon. Did he just said sorry? Bakit s'ya nagso-sorry? Nahalata n'ya atang nagtataka ako kaya sinabi n'ya kung ano ang ibig n'yang ipahiwatig.
"Hindi na kita matutulungan sa paghiganti sa SilverCrest Mafia" hinarap ko s'ya.
"Bakit?"
"I found out the truth. Hindi sila ang pumatay kay Dad." Napakurap ako. That's alright, basta ako nakakasigurado ako na ang SilverCrest Mafia ang pumatay kay mom. Di ko rin naman kailangan ang tulong n'ya para makapaghiganti ako.
"That's fine. I can do it all by myself."
"Be careful. Ayaw kong mapahamak ka" Di na lang ako umimik pa. Is he concern for me? Whatever.
"Yeah. Anyway, paano ka nakakasiguradong hindi SilverCrest Mafia ang pumatay sa dad mo?" I saw how he clenched his fist.
"I'm not hundred percent sure, but I'm on my way to figure it out. Sa oras na malaman ko ang totoo na s'ya ang pumatay sa ama ko, di ko alam kung ano ang magagawa ko sa kan'ya" di ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi n'ya. Kahit rin naman ako, di ko alam kung ano ang magagawa ko sa oras na makaharap ko na ang leader ng SilverCrest Mafia.
"Sino?" Bigla kong naitanong. Tumitig muna s'ya saakin ng ilang segundo bago umiling.
"I can't tell you." I rolled my eyes. He can't tell me?
"Why?"
"Gangsters are involve in this matter. Kahit sabihin mong malakas ka at may laban ka gaya ng mga gangsters, babae ka pa rin. You're not even a gangster. Like I said, ayaw kong mapahamak ka" napabuga ako ng hangin. Paano kaya kung sabihin ko sa kan'yang ama ko ang Gangster Emperor at ako ang susunod na Gangster Empress? Masasabi n'ya pa kaya 'yan?
"Sabihin mo nalang kung ayaw mong sabihin. Andami mo pang sinasabi" irap ko. Gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy n'ya, pero may nagtutulak din saakin na wag ng magtanong pa.
"Ah, may sasabihin din nga pala ako sa'yo" napalinga naman ako sa kan'ya.
"Ano 'yon?"
"Let's end our fake relationship" parang nakaramdam ako ng suntok sa dib-dib dahil sa sinabi n'ya. My mouth won't say anything, but my chest stings.The hell? Di ba dapat matuwa ako dahil sa sinabi n'ya?
"O-okay" tumahimik s'ya kaya nakagat ko ang labi ko. Things are getting awkward as it seems. Mas mabuti pang umalis na muna ako dito. Shit.
"May gagawin pa pala ako. Sige,take your time" hindi s'ya umimik kaya dali-dali akong tumayo at naglakad palabas ng pinto. Gusto ko sanang kumaripas ng takbo palabas, kaso baka sabihin n'ya affected ako.
Damn, what's up with this day? Bakit parang ang drama ata masyado?
"Lara" Wag kang lumingon.
"What?" Nakagat ko ang labi ko. Wala pa rin akong nagawa, kusang lumingon ang katawan ko.
"Where do you think you're going?" I rolled my eyes.
"Aalis na. May sasabihin ka pa ba?" Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit saakin hanggang sa magkaharap na kaming dalawa.
"I said I want to end our fake relationship" tinaasan ko naman s'ya ng kilay.
"Oo nga. Naiintindihan ko naman 'yon ng mabuti!" Asik ko. Naaasar ako sa pagmumukha n'ya. Aalis na sana ako nang hilahin na naman n'ya ang kamay ko, dahilan para mapaharap na naman ako sa kan'ya.
"Patapusin mo muna ako" marahas n'ya akong hinila papalapit sa kan'ya kaya halos dumikit na ang katawan ko sa kan'ya.
Nanlilisik mata akong napatingala sa kan'ya. Mas matangkad kasi s'ya ng isang dangkal saakin. Ano ba ang gusto n'yang mangyari?
"Let's end this fake relationship that we have. Let's make it fvcking real." Tinamaan ako ng lintek sa sinabi n'ya. Literal na umawang ang bibig ko sa sinabi n'ya.
Nagulat na lang ako nang hapitin n'ya ako sa bewang upang di na makawala. Shit, iniisip ko pa namang kumaripas ng takbo. Putangina!
"Shall we?"
Napalunok ako. Pakiramdam ko may bumabara sa lalamunan ko na nagiging dahilan para di ako makapagsalita. Holy shit, what am I going to say?
JAM'S POV
"Baby shark doo doo doo, Baby shark doo doo doo~ BABY SHARK! "
"Mommy shark doo doo d--"
"Tangina V! Sabi ko sayo wala kang dede diba! Tumahimik ka nga!" Asar na sabi ni Seth.
"Hoy may dede ako! Pakita ko pa sayo eh!" Sagot ni V. Nagpatuloy ito sa pagkanta, samantalang si Seth naman ay kanina pa tinatakpan ang tenga n'ya.
"Justine sabay tayo dali! Huan Tho Tri!"
"Baby shark doo doo doo,Baby shark doo doo doo~ BABY SHARK! " napailing na lang ako. Nagmumukha silang tanga. Turn off sa mga babae 'yon. Buti pa ako gwapo na hot pa!
"Xael patahimikin mo nga 'yang mga anak mo!" Bulyaw ni Seth. Kamuntik-muntikan na mabilaukan si Xael dahil sa sinabi nito.
"Anong mga anak? Gusto mo ba'ng bumalik sa pinanggalingan mo Seth?" Bumuka ang bibig ni Seth para sumagot pero agad pinasakan ni Xael ng lettuce ang bunganga nito.
"Tumahimik ka na lang. Haha." tatawa-tawa nang sabi ni Rio.
"Di ba ikaw 'yong babaeng walang hiyang pinahiya ang babe ko! Bitch!" Automatikong napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kelly.
Nakita ko s'yang hawak-hawak ang buhok ng isang babae habang kinakaladlad kito papasok ng cafeteria. I tilt my head, pamilyar saakin yung babae, pero di ko masabi kung sino dahil nakatalikod ito.
"A-aray! Bitawan mo ako please..." pati boses n'ya pamilyar saakin.
"Jam di ba playmate mo 'yon?" Turo ni V. He's right about that. We're on, 1 hour ago. I'll eventually end it couple of hours later.
"Sino ka sa inaakala mo para pakinggan ko!? Halika dito!" Hinila ni Kelly ang babae, at halos masubsob na ang buong katawan nito sa mesa. Nang mapaharap ito saamin ay kaagad akong napatayo.
"What now? Akala ko ba galit ka sa babaeng 'yan Jam? " panunuya ni Seth. Napakurap ako. Oo galit ako sa kan'ya. S'ya ang pangalawang babaeng pinahiya ako sa harap ng maraming tao. Ang pangalawang babae na naglakas loob na banggain at saktan ako.
"Akala ko ba matapang ka? Ah, nakalimutan ko. Matapang ka lang naman kapag kasama mo 'yong dalawa mo pang kaibigan diba?" Nakagat ko muli ang labi ko. Sa paghila pa lang ni Kelly sa buhok n'ya ay alam kong masakit na ito.
"P-please wag ngayon...N-nahihilo a--"
Isang sampal ang dumapo sa pisngi nito. Wala sa sarili akong tumakbo papalapit sa kanila, at bago pa mawalan ng balanse ang babaeng ito, ay hinapit ko na s'ya sa bewang para di s'ya matumba.
"J-jam" tila ba gulat na gulat si Kelly dahil sa ginawa ko. Hindi ko s'ya pinansin. Nakatingin lang ako sa babaeng nakasandal sa dib-dib ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan n'ya.
"Kelly what the fvck do you think you're doing!?" Singhal ko dito. Alanganin n'yang tinuro ang babaeng nakasandal sa dib-dib ko.
"D-diba s'ya ang babaeng nagpahiya sa'yo? I'm just doing you a favor!" She said in a very flirty voice. Screw her!
"You don't care Kelly. Ako lang ang may karapatang maghiganti sa kan'ya. Hindi ikaw, hindi sino man kun'di ako lang!" Halatang nagulat ito sa sinabi ko.
"Bitawan mo ako. G-gago..." napangisi ako sa sinabi n'ya. May lagnat na nga, pumapasok pa. Tinutulungan na nga, nagawa pa akong murahin. A deadly Rose.
"Shut up" kinarga ko s'ya. Wala na rin s'yang ibang nagawa pa kun'di ang ipikit ang mga mata n'ya. Kinapa ko muna ang noo n'ya. Her heat is about 38°C, she had a fever.
Akmang aalis na ako nang tawaging ako ni Kelly.
"You're not going to take that bitch' side right? Ako ang girlfriend mo dito! You should chase me! Not her!" I smirked. Humarap ako sa kan'ya.
"I never chase, I replace. Remember that." I turned my back against her and left her dumbfounded.
That's my rule. My golden rule. Hindi ako maghahabol. Maraming babae sa mundo, at kelan man, hindi ako maghahabol. Itaga n'yo pa sa bato.
THIRD PERSON'S POV
"Hello? Yes iha?" Napantig kaagad ang tenga nito nang marinig ang sabi ng kan'yang kausap.
"Are you sure?" Pagsisigurado nito. Nangunot ang noo n'ya sa sunod na pinagsasabi ng kan'yang kausap.
"Ang ibig mong sabihin,lahat ng ginawa nila ay pagpapanggap lang?" Napatayo ito mula sa pagkakaupo. Patuloy n'yang pinakinggan ang paninindigan at mga ebidensya kung bakit ito nasabi ng kan'yang kausap.
"What? Bakit ngayon mo lang ito sinabi saakin?" Matapos ng ilang minuto nilang mag-usap ay kaagad nitong binaba ang telepono.
Agad nitong dinukot ang phone n'ya at tumawag sa isang partikular na tao na may karapatang malaman ang kan'yang nasagap na balita.
"Hello Raze? May dapat kang malaman"
"Ano 'yon?"
"Everything about them was fake. May nagsabi saaking pagpapanggap lang ang ginawa nila"
"What? Those kids. I'll be there. Wait for me, darling"
Binaba nito ang tawag at muling umupo sa kan'yang upuan. Masakit na nga ang ulo n'ya sa problema na hinaharap n'ya, dumagdag pa ang mga batang 'to. Ni hindi n'ya nga alam kung galit pa rin ang anak n'ya sa kan'ya.
Ginawa n'ya lang naman ito para hindi mapahamak ang anak n'ya, kahit pa na alam n'yang kamumuhian s'ya nito sa pagsisinungaling. Pero hindi rin tama ang pagsisinungaling nito tungkol sa relasyon n'ya sa babaeng anak ng minamahal n'ya.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro