Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Chapter 42. Illegal Empress

____________

LARA'S POV


Bubuksan ko na sana ang pinto ng dorm namin nang kusa itong bumukas. Iniluwa dito si Irish na papalabas dala-dala ang maleta n'ya. Napataas ang kilay ko, sa wakas aalis na rin ang babaeng to.




Pinanood ko s'yang nakangiti habang nagpapaalam sa mga Emperors. I crossed my arms, bakit kaya s'ya aalis? Na-realize n'ya na ba na nagmumukha lang s'yang sardinas sa pakikipagsiksikan dito? I blew my bangs and walk towards her. Sinadya kong ibangga ang balikat ko sa kan'ya para mapaharap s'ya saakin. Nagulat pa ito nang makita ako.





"L-Lara" I tilt my head, di ko s'ya tinapunan ng tingin. Deretso lang ang tingin ko sa Emperors na kasalukuyang nakatingin saaming dalawa.






"Nilinis mo ba ang kwarto ko?" I saw how she blinked her eyes in surprise. Parang di n'ya inaasahan na 'yon ang sasabihin ko sa kan'ya. Siguro inaakala n'yang tatanungin ko s'ya kung bakit s'ya aalis, o baka naman magpaalam ako sa kan'ya.





"Y-yeah" Matapos n'ya itong sabihin ay pumasok ako sa loob. Kamuntikan pa s'ya matumba dahil sa pagbangga ko sa balikat n'ya.






I laughed, am I rude? Oh well, you can't blame me. Aside from being fake, I have another reason to act like a bitch in front of her. She acts like a helpless weakling everytime the Emperors are around, everytime people are watching her--even for the fact that she's not. I hate people like her.






Nakatingin lang sila saakin, pero wala akong pinansin sa kanila hanggang sa malagpasan ko sila sa sala. Ramdam ko pa ang mga titig nila hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko.




I slammed the door and locked it. Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko, it's neat. Mabuti naman at nilinisan n'ya ang kwarto ko bago s'ya umalis. She even changed the sheets of the matress. Dapat talaga s'yang maglinis ng mabuti para walang kahit anong dumi n'ya ang matira dito.




I threw myself in my bed and closed my eyes, I'm tired. I better get some sleep. I'm mentally and physically exhausted.

*KINABUKASAN*

Dahan-dahan akong sumubo ng kanin habang nakatingin lang sa mga Emperors. Kanina pa sila tahimik kaya naninibago ako. Kadalasan kasi maingay sila, pero ngayon, para silang napipi at di makapagsalita. Tinignan ko muna sila isa-isa hanggang sa dumako ang tingin ko kay Jehan. Seryoso lang s'yang kumakain at mukhang may malalim na iniisip.



"Kaninong saging to?" Turo ko sa saging na nasa gitna ng lamesa.




"Kay Jehan yan" tumango na lang ako. Ngayon ko lang alam na mahilig pala sa saging ang gagong 'yon.




"Penge ha" bibalatan ko ito at kinain ang saging ni Jehan. Napataas ang kilay ko, In fairness ang sarap.



Tumunghay ulit ako, antahimik talaga nila. Nang mapadako muli ang tingin ko kay Jehan napatango ako.Kaya pala nag-aalanganin silang mag-ingay dahil baka mabulyawan sila ni Jehan. Dumako ang tingin ko sa mga kamay n'ya. Napakunot ang noo ko nang makitang may sugat ang kanang kamao n'ya. Pabagsak kong nilapag ang hawak kong kubyertos kaya napalingon silang lahat saakin maliban na lang talaga kay Jehan.





Inatras ko ang upuan ko at tumayo. Ubos ko na naman ang pagkain ko kaya aalis na ako. Derederetso lang akong naglakad papasok sa banyo para magsipilyo. Syempre kailangan ko din magsipilyo. Anong akala n'yo, porke mala-gangster star ang buhay ko nakakalimutan ko ng kumain at magsipilyo? Tss.




Pagkatapos ko magsipilyo ay lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko silang seryosong nag-uusap sa sala. Hindi nga nila ako napansing dumaan sa harap nila dahil sa seryoso nilang pag-uusap. I shrugged and grabbed my bag, gagala muna ako sa campus. Kesa naman manatili lang ako dito, mamamatay ako sa boryo.




Paglabas ko ng dorm ay dumeretso ako sa library. Habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko si Vernon. Nakangunot ang noo ko nang makitang nakahood s'ya at parang may tinatago sa mukha n'ya. Huminto ako sa harap n'ya kaya napahinto din s'ya sa paglalakad. Inangat n'ya ang ulo n'ya, kaya nagtama agad ang paningin naming dalawa.





Nakita ko namang parang nagulat s'ya nang makita ako. I tilt my head, anong nangyari sa mukha n'ya? Bakit may pasa? I shrugged, wala naman akong pake.





"Don't look at me like that" he said as he bite his lips. Parang nahihiya s'ya sa itsura n'ya ngayon.





"Bakit naging dalmatian 'yang mukha mo? Anyare?" Bored kong tanong. Napahalakhak naman s'ya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tss.





"Tanong mo sa jowa mo" napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya. May jowa ba ako? Napabuga ako ng hangin nang may maalala ako. Eh? Sinuntok s'ya?





"Anong ginawa sa'yo?" Tinanggal n'ya ang hood n'ya at tinuro saakin ang mga pasa n'ya. May pasa s'ya sa panga at sa magkabilang pisngi. Bakit naman s'ya binugbog ni Jehan? Bakit s'ya nagpabugbog eh alam naman nating lahat na may laban s'ya.





"Malamang sinuntok, alangan naman hinalikan diba?" I rolled my eyes.




"Gusto mo bang madagdagan ng pasa 'yang pagmumukha mo?" He laughed. Tinaas n'ya ang magkabilang kamay n'ya na parang sumusuko na s'ya saakin.





"Sabi ko nga. Hindi na ako nanlaban eh, mukhang badtrip ata s'ya at ako ang napagbuntungan n'ya ng galit" he explained. Umarko kaagad ang kilay ko. Nabadtrip ? Tapos s'ya ang napagbuntungan ng galit?





"Does that even make sense? Bakit mo naman hinayaan ang sarili mong pagbuntungan n'ya ng galit? Tanga lang ang gumagawa nun" inirapan ko sya at naglakad papasok ng library. Naramdaman ko na lang s'yang nakasunod sa likod ko.





"Hindi ako tanga. Alam ko lang talaga kung ano ang nararamdaman n'ya kaya hinayaan ko s'yang pagbuntungan ako ng galit" tumigil ako sa paglalakad. Nilingon ko s'ya. What does he mean by that?





"So you're saying, nagalit ka na ng sobra. To the point na gusto mong manakit para lang mailabas ang galit na nararamdaman mo?" He nod. Tinitigan ko muna s'ya ng ilang segundo. If I put myself in anyone's shoe, siguro makakasakit din ako ng tao sa sobrang galit.




"Yep. Kahit sino naman siguro. Papasok ka ba ng library?"





"Hindi. Lalabas ako. Kita mo namang papapasok ako diba? Hanap ka nga ng gagaguhin mo" inirapan ko s'ya. Tumawa naman s'ya at sinundan ako sa paglalakad.





Nagbago bigla ang isip ko, kaya imbis na pumasok ako sa library, lumihis ako ng daan.





"Hala! Akala ko ba papasok ka ng library?" Hinabol n'ya ako hanggang sa makapantay n'ya na ako sa paglalakad pababa ng hagdan.




"Pake mo? Pumasok ka kung gusto mo. Lalabas ako kasi gusto ko."mahigpit kong hinawakan ang handle ng hagdan. Matatagalan pa ako sa pagbaba kung gagamitin ko ang paa ko.





"Hoy! Anong gagawin mo!" Akmang pipigilan n'ya pa ako nang maisagawa ko na ang gusto ko. Bumwelo ako at nagslide pababa ng handle ng hagdan.




Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyanteng bumababa at umaakyat ng hagdanan. Ang ilan sa kanila napapaatras sa takot na matamaan sila ng paa ko. Napalinga ako, nakasunod saakin si Vernon na pumapadausdos din pababa. Gaya-gaya naman ang isang to.





Nang malapit na ako sa dulo, inangat ko ang katawan ko para di dumeretso ang pwet ko sa sahig. I landed flawlessly. Napangisi ako, that's cool.





"Babae ka ba talaga? " napalingon kaagad ako nang marinig ko ang boses ni Vernon sa likod ko. Nakalapag na rin pala s'ya.





"Do you think I have a dick?" Umawang ang bibig n'ya sa bigla. I rolled my eyes and left him. Bakit ba sila nabibigla? Wala namang mali sa sinabi ko.






Sa di kalayuan, may nakita akong tatlong babae na pinalilibutan ng mga kalalakihan. I cross my arms, hanggang ngayon ba hinahabol pa rin sila dahil sa Third Day Card? Sabi ko naman kasi patulan na nila, para naman madala na sila at di na magtangka pa kahit kelan.





Masyado kasi nilang iniingatan ang totoo nilang pagkatao. Umagang-umaga gan'to kaagad ang ganap sa buhay nila? Kung ako ang nasa lagay nila mananapak talaga ako.




"Ibigay n'yo na para wala ng gulo pa." I smirk. Let's see, kung wala nga bang gulo.

JENNIE'S POV

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway nang may humarang na naman saaming mga kalalakihan. I literally rolled my eyes, this motha fvcking dickass! Kelan pa ba nila kami balak tigilan? Namumuro na sila! Araw-araw na lang nila kaming hinaharangan. Gan'yan na ba sila kadesperado?




"Naaasar na talaga ako sa kanila" inis na ingos ni Jessi.



"Kumalma ka muna Jessi" pagpipigil sa kan'ya ni Rosé.



"Ano na naman ba'ng kailangan n'yo?" Nagtitimpi kong tanong. Alam ko kung ano ang kailangan nila, tinatanong ko lang s'ya para sagutin n'ya ako at madagdagan ang inis ko.



"Third Day Card" napangisi ako.


"Hindi namin dala." sagot ko dito.



"Ibigay n'yo na para wala ng gulo pa." Nahagip ng mata ko si Lara na naglalakad papunta sa gawi namin. Seryoso lang ang mukha n'ya at deretso lang ang tingin n'ya saamin.





"Ano na!?" Hinablot ng lalaking kaharap ko ang bag ko kaya naiiwas ko ang tingin ko sa babaeng 'yon. Pinanlisikan ko s'ya ng mata. Ang pinakaayaw ko sa lahat ang hinahawakan ako. Naiirita at naalibadbaran ako.






Itinaas n'ya ang kamao n'ya para suntukin ako. Iiwas na sana ako nang biglang may humagip ng braso n'ya para di tumama ang kamao n'ya sa mukha ko. Agad kong nilinga kung sino ito.





"Sa susunod, wag kang manununtok ng babae. Bakla lang ang gumagawa non" nagulat naman ang lalaki sa presensya n'ya.





"L-lara" banggit nito sa pangalan n'ya.



Marahas itong itinulak ni Lara kaya kamuntikan na s'ya matumba. Nagsihawian ang mga kalalakihan kaya nahagip ng mga mata ko ang pagsilay ng ngisi sa labi n'ya. Maangas itong humakbang papalapit sa kanila, nakapamulsa pa ito at walang bahid ng takot ang mga mata n'ya.




"Mabuti't umalis na kayo para wala ng gulong mangyari pa." dahil sa seryoso ng pananalita nito, mukhang nakaramdam ng sindak ang mga lalaki. Nakipagtagisan lang sila ng tingin. Kaya naman nagkatinginan naman kaming tatlo, ano ba'ng gusto n'yang mangyari?




"Isa pa, tigilan n'yo na ang tatlong to." Dag-dag n'ya pa.



"Pare alis na tayo. Baka nakakalimutan mo? S'ya ang kaisa-isang babaeng naging girlfriend ni Jehan. Baka kung ano pa ang gawin ng Emperors saatin" rinig kong sabi ng usa n'yang kasama.





"Girlfriend s'ya ni First?" Bulong ni Jessi. Nanlaki naman ang mata ni Rosé dahil kamuntikan na itong maisigaw ng loka.




"Gaga ka talaga Jessi! Kilala lang ang Emperors sa school na to bilang grupo ng mayayamang tao,maaangas at basag-ulo. Walang nakaalam na Rank 1 sila sa Underground" paos na wika ni Rose.



"Eh?" -Jessi



"Oo nga! Baka nakakalimutan mo na rin anong nangyari kay Kevin dahil pinagtangkaan n'ya ang babaeng 'yan?" Mukhang tuluyang nahintatakutan ang leader-leaderan nila dahil sa sinabi nito.




"A-alis na tayo" halos magkandadapa-dapa pa ang mga ito kakatakbo paalis. Narinig ko s'yang humalakhak kaya nagkatinginan na naman kaming tatlo. Konti na lang iisipin ko talagang nababaliw na s'ya. Wala namang nakakatawa sa ginawa n'ya.





Pagkatapos n'yang tumawa ng ilang segundo ay kaagad s'yang lumingon saamin. She cleared her throat and whispered something I can't hear. Humakbang ito papalapit hanggang sa magkatapat na kaming apat.





"What's this? I saved you from those assholes and I get nothing but stares?" She said. I raise an eyebrow.





"Did we ask for your help?" Mataray kong tanong. Sa pangalawang pagkakataon, tumawa na naman s'ya. Pero may tono itong mapang-asar. Napahinga ako ng malalim. Strike one, baliw s'ya.





Di ko alam kung anong meron s'ya at nakilala n'ya kami, pero nagdadalawang isip pa rin ako kung mapagkakatiwalaan ba s'ya o hindi. Kaya ko lang naman s'ya hinayaang mapabilang saamin para rin makilala namin s'ya at malaman ko kunh ano nga ba talagang pakay n'ya at bakit n'ya naisipang mapabilang saaming mga Gangster Rippers.





Ramdam ko malakas s'ya. Alam naming tatlo 'yon. Naiintriga lang talaga ako kung ano ang dahilan n'ya. Impossible naman na trip-trip n'ya lang ang ginagawa n'ya. Bagay ng buhay at kamatayan ang nakataya sa pagiging Gangster Ripper, kaya gusto kong malaman kung ano ang dahilan n'ya.






"Anyway, what should we name our Gang?" She smirked. She crossed her arms and ate her lollipop.





Nagkatingin ulit kaming tatlo, she's into lollipops? I mean, yung totoo? She acts cold and expressionless, yet she laughs like crazy. She acts serious, yet she's a little bit childish. She's hella weird.




"Ano tinitingin-tingin n'yo? Naiinggit kayo? Eto oh" she tossed us three lollipops. Sinalo naman namin itong tatlo. Nakatingin lang ako sa strawberry flavored lollipop sa palad ko. Seryoso ba s'ya?





"Ano tititigan n'yo lang 'yan magdamag? Di n'ya babalatan ang sarili n'ya at kusang papasok sa bunganga n'yo" nagtitimpi n'yang wika. Ginulong ko na lang ang mata ko, binalatan ko ito bago pinasok sa bibig ko.





In fairness masarap s'ya. I hate to admit it but I like her feisty attitude. Magkakasundo kaming dalawa. Yun nga lang, di ko alam kung mapagkakatiwalaan namin s'ya o hindi. That's why as much as possible, di ko muna ipapahalata na nagugustuhan ko ang pag-uugali n'ya.




"We're going to make a gang?" Takang tanong ni Rosé.





"Alangan naman pumasok kayo bilang Gangster Rippers? Akala ko ba gusto n'yong itago ang totoo n'yong pagkatao?" Pairap n'yang saad. Strike two, mataray ang lola n'yo.






"What about Blackpink?" Tuwang-tuwang suggest ni Jessi. Isa pa tong baliw na to. Matinong pangalan ba ng gang ang Blackpink?




"Tinatamaan ka na naman ng kaabnormalan mo Jessi. Matinong pangalan ba 'yon ng gang? Parang nagpapangalan ka lang ng K-pop girl group eh" ingos ni Rose.





"Sorry naman, I love black and pink kasi" she pouted.





"What about Illegal Queens?" I suggested. Nagsitanguan naman silang tatlo sa sinabi ko.




"Illegal Empress'"-Lara





Strike three, she's cool. Wala sa sarili akong napapalakpak. I smirk, that's cool. Illegal Empress.




"What about the codenames?" Excited na sabi ni Jessi.


"Badass Empress" -Lara


"Rebelious Empress" -me



"Wicked Empress" -Rose


"Dangerous Empress" -Jessi



Nagkatinginan kaagad kaming apat. Dang, that's too cool. Illegal Empress, we're hinding behind that gang. The Gangster Rippers are on the move. They better watch it, cause everytime we show up, blow up, Oh!

LARA'S POV

"Tumabi kayo sa daan" napalingon kaagad ako nang marinig ko ang boses ni Jehan. Bakit ang sungit n'ya ngayon? May dalaw ba s'ya?




Tatabi na sana ang tatlo kong kasama nang pigilan ko sila. Inangat ko ang tingin ko at binigyan ng nakakalokong ngiti si Jehan.




"Paano kung ayaw ko?" He glared at me. I glared at him too. Umagang-umaga ang sama na ng timpla ng mukha n'ya. Eh kung sampalin ko kaya s'ya?





"Baby ko, bakit mo sila kasama?" V pouted. Napatingin naman ang lahat ng Emperors nang banggitin n'ya ang word na 'baby'. Sinamaan kaagad s'ya ng tingin ng mga ito.





"Yeah. Why are you with that bitch?" Turo ni Jam kay Rose. Napantig kaagad ang tenga nito kaya pinigilan ko s'ya bago pa n'ya masugod si Jam.





"You should start treating them nicely from now on." I said. They look at each other, parang may narinig silang kakaiba sa kanilang pandinig.





"Why?" Woah. Nagsalita rin si Seth. Akala ko pipi to eh.






"They're my friends." Sabay na nagsikunutan ang noo nila.






"May himala atang nangyari" bulong ni Rio.






"That's weird. Parang kelan lang ikaw mismo ang nagsabing bigyan sila ng Third Day Curse ah" -Xael




"Oo nga" -Justine






"Oh well..." nilingon ko silang tatlo. Alam na naman nila na ako ang may pakana ng Third Day Curse nila eh, so what's the big deal of that shit?






"She's Jennie, Rose and Jessi" turo ko sa tatlo. Parang wala naman silang pake kaya nagkibit-balikat na lang ako.





Nangunot ang noo ko nang mawala sa paningin ko si Jehan. Agad akong luminga para hanapin s'ya. Nakita kong nakapamulsa itong papasok sa gym. Ano ba'ng problema n'ya? Naaasar ako dahil sa kan'ya. Di ko rin naman alam kung bakit, pero naaasar ako kasi parang gusto ko s'yang habulin at tanungin kung ano ang problema n'ya.





"Anong problema nun?" Asar kong tanong. Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Xael sa balikat ko habang tinatanaw ko si Jehan.





"He just need to cool himself up. Lilipas din yun." I rolled my eyes. Ang sarap n'yang sapakin. Ngayon ko lang naman s'ya nakitang nagwalk-out na walang imik.






"Or maybe you can talk to him. Tingin ko, kailangan n'ya lang ng kausap." Dag-dag pa nito. I shrugged, maybe. I'll talk to him later, hahayaan ko munang makapagisip-isip s'ya sa kung ano man ang problemang meron s'ya.




"Let's go"




Sumunod naman silang lahat saakin sa paglalakad. Sa likod ko ang tatlong babae. Nakalinya naman sa likod ng tatlo ang anim. Lahat sila ay humahawi para bigyan kami ng daan. Nagbubulong-bulungan pa ang mga ito. May iba naman na napapatigil sa ginagawa para lang tingnan kaming dumadaan sa gitna ng hallway.





Di ko naman sila masisisi. Puro magaganda at gwapo ang dumadaan sa gitna. They should learn to respect and appreciate beauty--and madness. I laughed in my head, the rulers are before their eyes.



Empress and Emperors in your area, bitch.


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro