Chapter 41
Chapter 41. Gangster Emperor
____________
"Go home Ten" I whispered. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso n'ya sa balikat ko. Tumayo naman s'ya ng maayos, lumingon s'ya saakin na parang nagtatanong.
"I'll talk to you later. Marami pa akong itatanong sayo. Sa ngayon, umalis ka muna" nagtataka man, sinunod n'ya pa rin ang sinabi ko. Tinanaw ko s'yang palabas ng gate, hanggang sa sumakay ito sa sarili n'yang sasakyan na nakaparada ng ilang metro sa mansion.
Nang makaalis na siya ay agad ko binaling ang tingin ko sa tatlo. Nakatutok pa rin ang mga baril nila sa dereksyon ko, at ganun din naman ako. I tilt my head as I look at them. Hanggang ngayon ay halata pa rin ang pagkalito at pagkagulat sa mga mata nila.
"What's up with the shock faces? Get over will you?" I rolled my eyes. Bumaba ako ng hagdan hanggang sa makatapat ko silang tatlo. I'm still pointing my gun, and I'm not planning to take it down unless if they do it first.
"Sino ka ba talaga? Bakit kung nasaan kami, nandoon ka rin?" Tila ba asar na bulalas ni Jennie. Natawa naman ako. Bakit kung nasaan ako, nandoon din sila?
"You know me. Isa pa, kaya ako narito dahil pamamahay ko 'to" nagkatinginan naman silang tatlo.
"You're lying. No one lives in this house for almost 5 years" sagot ni Rose.
"Really? At paano mo nalaman?" She bit her lips. Tumingin s'ya kay Jennie at Jessi na parang humihingi ng tawad sa sinabi n'ya.
"That's none of your business"-maanghaang na sabat ni Jessi. Napahalakhak ako, hindi ko alam kung bakit ako natatawa, pero gusto ko ang reaksyon na natatanggap ko mula sa kanila.
"Of course it's my business, you're in my territory" may diin kong sabi. Natahimik naman sila. I don't know any reasons why they're here. Look how they dressed up, they look like normal girls strolling around the park for fun.
But seriously? They're holding guns. The way they dressed up don't match the way they're acting right now. Oh well, I don't care anyway.
"So, care to explain why you're here?" Nagkatinginan silang tatlo. I guess they're trying to find lies to cover up the truth.
"Jennie Kim Del Valle" mabilis pa sa alaskwatrong napatingin ito saakin. Gulat na gulat ang mukha n'ya, at parang ngayon n'ya lang muli narinig ang pangalang 'yon.
"Rose Anne Chavez" napalingon din ito saakin na animo'y nagulat din.
"Jessi Grey" humugot ito ng hininga bago tumingin saakin nang banggitin ko rin ang pangalan n'ya. Napangisi ako. Matagal na ba simula nang marininig nila ang totoong apilyido nila? Ang apilyido na binigay ng kanilang minamahal na ama?
Kung kanina nakakaya pa nilang hawakan ng mahigpit ang baril, sa tingin ko ngayon ay nanghihina na sila. Napapansin ko din na namumula-mula na ang mga mata nila, at parang ano mang oras ay may papatak na luha roon.
"Pwede ba? Kanina pa kayo nagugulat, magsalita naman kayo" sabi ko. Inaasar ko lang naman sila, lalo na't alam kong nahihiwagaan na sila sa pagkatao ko.
Nahihiwagaan sila sa paraan na paano ko nalaman ang totoong pangalan nila, kung paano ako lumabas sa bahay na ito, kung paano ako ngayon nakaharap sa kanila habang nakikipagtutukan ng baril. Imbis na magsalita sila, wala silang ibang ginawa kun'di ang tumitig saakin na para bang sinusuri kung sino ako.
I rolled my eyes, magdadalawang minuto na nila akong tinititigan at nangangalay na ang kamay ko kakatutok ng baril. Di ba sila nangangalay? P'wes ako nangangalay na!
Binaba ko ang baril ko. Saka lang sila bumalik sa katinuan nang mapansin nilang gumalaw ako. Tinutok nila ang mga baril nila saakin habang nanlilisik ang mga mata. I raise my right hand and twirl the gun using my fingers. Kung kelan ko binaba ang baril ko saka pa sila nagkalakas ng loob. Oh come on!
"Chill, Rippers"
"SINO KA BA!? PAANO MO KAMI NAKILALA!?" Sigaw ni Jennie. Napataas ang kilay ko, I like the way how she leads. Maybe that's why she's the leader.
"I know very well you're dying to know who I am" I whispered.
"Don't play games on us, we have no fvcking time play with you" she added. Nilagay ko sa belt ang baril ko at humakbang papalapit sa kanila.
"Is that how you see it? Am I playing games with you?" Habang pahakbang ako sa kanila, umaatras naman sila papalayo saakin.
"Ano? Sagot." Bumwelo ako at sinipa ang baril na hawak nila kaya tumalsik ito papalayo. Sabay na napatingin silang tatlo saakin.
"I want to become a Gangster Ripper like you, and you have no choice but to let me join you" I heard them scoffed.
"What makes you think we'll let you join us?" Maangas na tanong ni Jennie. I smirk, she's not denying things anymore. Inaamin na nila na sila ang Gangster Rippers.
"Simple. Will you rather face Falcifications of documents, Forging, and Trespassing in the court, or let me join you? Simple as that" nagtagis naman ang mga bagang nito. They faked their documents and records in school, even the signature of their parents are fake, nagtrespassing pa sila.
"May isa pa pala, ipagkakalat ko sa buong Gangster Clan na bumalik na ang anak ng mga magigiting na Gangster Rippers. Para umingay naman ang tahimik n'yong buhay, at para mahirapan kayong hanapin kung sino ang pumatay sa mga magulang n'yo."
"How dare y--" akmang susugurin na ako ni Rose nang pigilan s'ya ni Jennie. Susugod na rin sana si Jessi nang sumigaw si Jennie.
"STOP!" Mariin n'yang pinikit ang mga mata n'ya. Alam kong nagtitimpi lang din s'ya para wag akong sugurin. She needs to be calm, she has to, dahil sa kan'ya magmumula ang desisyon.
"But Jennie she's bla--"
"SHUT THE FVCK UP!" Natahimik naman ang mga ito. Marahas itong tumingin saakin, nanlilisik ang mga mata n'ya at halatang galit din ito.
"Fine! You're one of us now. Pero wag na wag kang magkakamaling magsabi ng mga bagay-bagay na ikakasira ng mga plano namin! Dahil sinasabi ko sa'yo, baka ikaw ang unang mapatay ng baril na 'to" napangisi ako. How scary.
"Call" I flip my hair as I went passed them like nothing happened.Ramdam ko ang mga titig nila habang papaangkas ako sa motorbike ko. I wore my helmet and put my keys on.
That's Lara Quinn Miranda. She can get anything she wants, by hook or by crook. Why? Because bitch, she's FAB.
JEHAN'S POV
"I have two eggs, the left and the right! Hold them up high so big and bright! Touch them softly, 1 2 3! Two big eggs are good to see! I ha--ARAY!" Kunot noo akong napalingon kay V at Jam. Sapo-sapo nila ang ulo nila dahil sa libro na lumipad mula kay Xael.
"Hoy Jam! Pati si V dinadamay mo sa kalibugan mo! At ikaw naman V, umayos ka. Paguuntugin ko talaga ulo n'yong dalawa" irap ni Xael.
"Saang ulo? Taas o baba?" Sa pagkakataong to lumipad naman ang hawak kong sapatos kay Jam. Mabuti na lang at naiwasan n'ya ito, dahil kung hindi, malamang kanina pa namumula ang noo n'ya.
May naaalala ako sa sinabi n'ya kaya nakaramdam ako ng asar. Nakakasira talaga ng bait ang babaeng 'yon. Wala nga s'ya dito, may nagpapaalala naman ng mga kabaliwan n'ya. Kaya kahit wala s'ya, tumatatak pa rin sa isipan ko ang mukha n'ya.
"Chill lang naman Jehan!" Binato n'ya pabalik ang sapatos ko kaya sinalo ko ito at sinuot. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at pumasok sa kwarto ko. Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko.
Napakunot ang noo ko nang makita ko ang nakangising mukha ni Lara. Tangina, pati ba naman sa harap ng salamin nagpapakita din s'ya? Argh! Kinuha ko ang kumot ko sa kama at tinabunan ito. Pabagsak kong sinara ang pintuan ng kwarto ko. Bumalik ako sa sala at umupo sa couch.
"V, saan mo nilagay ang sapatos ko!?" Asar na sabi ni Seth. Kakagising lang nito at halos baliktarin na n'ya ang mga couch para hanapin ang sapatos n'ya.
"Hoy inaano kita d'yan! Malay ko sa sapatos mo! Baka bumalik ng Adidas yun!" Nakangusong sagot ni V. Nakabusangot ito habang naglalaro na naman ng Piano Tiles sa phone n'ya. Katabi n'ya si Justine na kinukulit s'ya para mamali s'ya sa pinipindot.
"Gago! Di adidas yun! PUMA! Nasaan na yun!? May pupuntahan pa ako!" Walang pumansin sa kan'ya kaya sinabunutan n'ya ang buhok n'ya.
"Hanapin mo na lang Seth, baka nasa tabk-tabi lang yun. Ineengkanto ka lang siguro" usal ni Rio habang naglalaro ng LOL sa computer.
"Tangna! Anong ineengkanto!? Ginagago ka mo!" Padabog na tumayo si Seth at naghanap ng sapatos n'ya. Narinig ko naman ang paghagikgik ni Justine kaya napailing na lang ako. Ang hilig n'ya talaga magtago ng gamit. Ako lang ata ang nakakaalam nun.
"What the hell!" Napalingon kami nang biglang sumigaw si Xael mula sa kusina. Narinig namin ang mga yapak n'yang papalapit dito sa sala. Dumampot ako ng libro sa mesa at binuklat ito upang basahin.
"SINONG GAGO ANG MAY-ARI NG SAPATOS SA FREEZER HA!" Napatigil kaming lahat sa kanya-kanya naming ginagawa nang sumigaw si Xael. Nakapamewang ito habang may suot-suot pang pink na apron, may dala pa itong sandok.
"Pfft! Baka kay Seth yun!" Tatawa-tawang sabi ni Jam.
"Hoy Seth! Yung sapatos mong PUMA nasa loob daw ng freezer!" Sigaw ni Rio.
Kunot noong lumabas si Seth mula sa kwarto n'ya.
"Anong nasa loob ng freezer!? Paanong nakarating ang sapatos ko duon ha!?" Singhal n'ya. Tinaas ni Xael ang kamay n'yang may hawak na sandok at dinuro ito kay Seth.
"Ikaw! Nag sleep walking ka ba at inakalang shoe rack ang ref!?" Mas lalong nangunot ang noo ni Seth dahil sa paratang nito. Napailing na lang ako, nilapag ko ang libro sa mesa at tiningnan sila.
" Alam mo bang may lamang mga karne yung ref! Tapos yang sapatos mo madumi! Paano na lang pag magkasakit kayo!? Kasalanan pa ng sapatos mo!" Dagdag pa nito.
"Hindi ako ang naglagay ang sapatos ko sa ref! Hinahanap ko pa nga yan kanina eh!" Depensa ni Seth.
"V! Walang ibang pwedeng gumawa ng kalokohang 'to kun'di ikaw lang!" Dinuro naman ni Xael si V.
"Hala! Yan na naman kayo eh! Ako na naman ang sinisisi n'yo! Sinong abnormal ang maglalagay ng sapatos sa ref!?" -V
"Ikaw. Ikaw lang naman abnormal dito eh!" Tatawa-tawang sabat ni Jam.
"Mas lalong di ako yan! Kanina pa ako naglalaro dito!"-Rio
"Eh sino!? Malilintikan talaga--Teka, nasaan si Justine!?" Inikot ko ang paningin ko. Ang siraulo, kanina pa pala sumibat.
"Nasaan na ang kabayong yun!? Mapapatay ko talaga s'ya! JUSTINE CASE! " kumaripas ng takbo si Seth para habulin si Justine na palabas ng dorm.
"Kaimbyerna! Ang baho pa naman ng paa ng gluta na yun! Bwiset!" Padabog na bumalik sa kusina si Xael. Naiwan naman kaming apat dito sa sala.
"May private message galing sa Gangster Emperor" napalingon kaming lahat kay Rio. Tumigil ito sa paglalaro ng LOL, nakapamulsa akong lumapit mula sa kinauupuan n'ya.
"Pinapapunta ka n'ya sa Gangster Lair bukas ng gabi." Napahawak ako sa batok ko, I guess he wanted to talk about that. Kahit ako di pa ako nakakapagdesisyon. Di ko alam kung makakaya kong maging Emperor.
"Nakapagisip-isip ka na ba?" Umiling ako. I think I should consult mom for an advice first. I will not literally tell her my problem. Lalo na't hindi n'ya alam na gangster ako, at ilang taon ko na 'yong tinatago sa kan'ya.
"I'll ask someones advice first" pagtapos ko bitawan ang mga salitang 'yon ay agad akong lumabas ng dorm para tumungo sa office ni mom.
"Gwapo n'ya talaga noh?"
"Sayang may girlfriend na s'ya"
"Duh, maghihiwalay din sila! Walang poreber!"
"Oo nga, asawa nga naghihiwalay, mag jowa pa kaya?"
"Are you serious? Gusto mo ba'ng mabugbog ng girlfriend n'ya? Balita ko brutal daw yun!"
"Anyway, ang gwapo n'ya talaga! Titig n'ya pa lang laglag na matres ko!"
"Ako buntis na sa titig n'ya pa lang"
I rolled my eyes, girls these days. Bakit di sila tumulad kay Lara? Silent, yet deadly. Tapos di pa ma--Bakit ko ba s'ya inaalala? Tsk. Inayos ko ang buhok ko at dumaan sa likod ng building. I push na button in the wall, and waited for the secret door to open. Nang bumukas na ito ay kaagad akong pumasok sa loob at sinara ito.
Mom is always sensitive with the people around her, kaya sekreto kung nasaan ang office n'ya. Di rin naman ako tumutol dahil gusto ko rin masiguro ang seguridad. Lalo na't pinuno ako ng nangungunang pangkat sa Gangster Clan. Baka may magtangka pa sa buhay n'ya. Ayaw kong may mawala na namang importanteng tao sa buhay ko.
Bago ako dumeretso sa study table ni mom, pumasok muna ako sa isang kwarto kung saan naroon ang mga lumang gamit nila dad dati. The room where she stored her memories with dad. Pagbukas ko ng pinto ay napangiti ako sa isang picture frame na bumungad saakin.
It was mom and dad's picture when they got married. They look so madly in love with each other. They look happy and sweet. It's a picture you can't afford to throw. I smiled weakly, I missed him so much. No words can explain how much I yearn for his love as my father.
He died when I was 14, and everyone says his death was an accident. According to them, he died in a car crash. However, I never believed them. I heard rumours that dad was murdured. That's why I became a rabel right after he died, I became a drunkard jerk hopping from one bar to another and get wasted.
Till I turned 15 and I became a gangster. Detective Lyro Go recruited me. I thought it was just a mere gang of thugs kaya naisipan kong sumali, but then, habang tumatagal mas lalalong lumalaki ang gulo na pinapasok ko. Ilang pasa at bugbog ang nakuha ko sa mga gangfights na nasasalihan ko.
After a few months naging bihasa na ako, kaya nakakapaglabas na ako ng sama ng loob tuwing may kalaban ako. Nakilala ko ang mga myembro ng mga Emperors, at naging magkabarkada kami. I founded the gang, and dominated the Gangster Arena every Gang Clash, kaya nasa pinakamataas na ranggo kami ngayon.
Mahabang kwento kung paano ko nalamang Mafia Clan ang posibleng pumatay kay dad, pero malakas ang loob ko na sila 'yon. Kaya gagawin ko ang lahat para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni dad. Hanggang nabubuhay pa ako, hahanap ako ng paraan para malaman at maghiganti sa mga taong kumitil sa buhay n'ya.
Matapos kong magmuni-muni sa loob ay napag-isipan kong lumabas na sana ng pinto, pero natigilan ako sa pagbukas nito nang marinig ko ang boses ni mom na parang may kausap sa telepono.
"Anong ibig mong sabihin na s'ya ang susunod na magiging Emperor!? Hindi pwede!"
Napakurap ako ng ilang beses. Anong ibig n'yang sabihin?
"No! Bakit ngayon mo lang sinabi saakin to!? I don't want my son to be the next Gangster Emperor! Hindi pwede! Hindi pwede..."
Nagulat ako sa narinig ko. Parang binihusan ako ng malamig na tubig dahil dito. P-paano n'ya nalaman na ako ang susunod na Gangster Emperor? Bakit n'ya nalaman?
"Hindi n'ya pwedeng malaman ang totoo! Sa oras na malaman n'ya, kamumuhian n'ya ako! Magagalit s'ya dahil nagsi--"
"Bakit ako magagalit mom?" Gulat s'yang napalingon saakin. Nahulog n'ya pa ang phone n'ya dahil sa gulat.
"A-anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan n'yang tanong. Humakbang ako papalapit sa kan'ya, dahil sa narinig ko ay naghihinala na akong may alam s'ya sa Gangster Clan.
"Sagutin mo ako mom, Bakit ako magagalit!? At bakit mo alam na ako ang susunod na Emperor!? Ano ang dapat di ko malaman , at bakit kita kamumuhian kapag malaman ko ang totoo!" Nagulat s'ya dahil sa pagtaas ng boses ko.
Kahit ako ay nabigla rin, di ko kontrolado ang emosyon ko ngayon. Pakiramdam ko ay may tinatago s'ya saaking malaking sekreto. She's my mom, at wala akong ibang sekreto na tinago sa kan'ya bukod sa pagiging gangster at pagiging fake boyfriend ni Lara. Lahat ng tungkol saakin alam n'ya, pero wala ako masyadong alam tungkol sa kan'ya bilang anak n'ya dahil palagi s'yang nagkukulong sa office.
"Anak..." nagsimulang tumulo ang luha n'ya kaya napakurap ako. Bakit s'ya umiiyak?
"Anak patawad kung hindi ko sinabi sayo ang totoo" nanatili akong nakatayo nang ilang metro ang layo sa kan'ya. Nakatitig lang ako sa mga mata n'ya habang hinihintay ang susunod n'yang sasabihin.
"P-patawad kung di k-ko sinabi sayo ang totoo t-tungkol sa totoong pagkatao ng d-dad mo..." kinuyom n'ya ang kamay n'ya. Walang tigil sa paglandas ang luha n'ya sa kan'yang pisngi. Gusto ko s'yang lapitan at punasan ang luha n'ya, pero may nagpipigil saakin.
"Y-your dad was the former Gangster E-emperor before he died" nagulantang ako sa sinabi n'ya. W-what? Dad was the Emperor before he died? So that means he was the Gangster Emperor 4 years ago?
Napahawak ako sa buhok ko dahil di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Naguguluhan ako. Paanong naging Gangster Emperor si dad? Sa pagkakatanda ko nung bata pa ako, palagi s'yang wala dahil may inaasikaso s'yang business matters sa America.
I scoffed in disbelief, ni minsan di ko nakitang humawak ng baril si dad, ni minsan di ko s'ya nakitang nakikipaglaban. Kaya nahihirapan akong paniwalaan si mom kahit pa nagsasabi s'ya ng totoo.
"B-bakit ngayon mo lang 'to sinabi saakin?" Lumapit s'ya saakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. All this time akala ko wala s'yang alam tungkol sa pagiging gangster ko, pero alam na pala n'ya dahil may connection s'ya sa Gangster Clan.
"Dahil ayaw kong mapahamak ka Jehan. Maraming nakikipag-agawan at nagpapatayan sa pagiging Gangster Emperor. Kahit pa magkaibigan di mo pwedeng pagkatiwalaan. Ayaw kong mapahamak ka gaya ng nangyari sa ama mo" nagtagis ang bagang ko sa sinabi n'ya.
"Anong ibig mong sabihin? Na pinatay si dad para mapalitan s'ya sa pagiging Gangster Emperor!?" Hinawakan ni mom ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kan'ya. Her eyes are telling me she wanted me to calm down, her eyes are giving me epologies for not telling the truth. She lied to me, and I hate liars.
"Calm down son, patawarin mo si mom sa pagsisinungaling sayo. Kailangan ko lang gawin 'yon para protektahan ka" tila ba nabingi ako sa paligid. Naririnig ko s'ya pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi n'ya.
Ang tanging naiintindihan ko ngayon ay ang galit na namumuo sa buong sistema ko. If dad was killed to eliminate him from being the Gangster Emperor, malaki ang posibilidad na ang Gangster Emperor ngayon ang nagpapatay sa kan'ya. Napailing ako, tinanggal ko ang kamay ni mom sa pisngi ko.
"Anak..."
Wala sa sarili akong naglakad palabas ng office n'ya. Nilampasan ko lang s'ya na parang isa s'yang hangin sa paligid. Naririnig ko pa ang sigaw n'ya na magpapaliwanag s'ya, mga sigaw n'yang humihingi ng tawad, pero nawalan ako ng pakealam duon. Mahal ko si mom, importante s'ya sa buhay ko, pero di ko matanggap na nagawa n'yang magsinungaling saakin.
Bakit ngayon n'ya lang sinabi saakin ang totoo? Kung di ko pa narinig ang pag-uusap nila, di ko pa malalaman ang totoo. Kung di pa ako naglakas loob na sigawan s'ya, di s'ya maglalakas loob na sabihin saakin ang totoo. Gusto ko s'yang kamuhian, pero di ko magawa. Galit ako sa kan'ya ngayon, pero alam ko sa sarili ko na mawawala rin ang galit ko sa kan'ya.
Paglabas ko ng office n'ya ay may bumangga saaking lalaki. Marahas akong napalingon dito, agad ko s'yang sinuntok sa panga. Natumba ito kaya nilapitan ko s'ya at kinwelyuhan, sinuntok ko s'ya sa pisngi kaya pumutok ang labi nito. Pinatayo ko s'ya at tinitigan ng masama.
Alam kong mali ang ginagawa ko, alam kong di makatarungan ang pagbuntungan ng galit ang lalaking to. Pero wala akong magawa! Nilalamon ako ng galit ko! Putangina!
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo! Naiintindihan mo ba ako!?" Pabalibag ko itong tinulak. Napahilamos ako ng buhok habang naglalakad ako sa daan patungong mini forest.
Wala akong makitang sapat na dahilan upang patayin ng present Gangster Emperor na si Zeus si dad, para lang mapababa ito sa pwesto n'ya bilang Gangster Emperor dati. Sa pagkakakilala ko kay Zeus, mabait s'ya at walang kupas ang galing n'ya sa pamamalakad ng Gangster Clan.
Naalala ko din dati na matapos daw mamatay ng Gangster Emperor, nagbotohan ang buong gangster kung sino ang papalit dito, at s'ya ang napili. Kaya naguguluhan ako. Di ko alam kung kanino ako magagalit. Di ko alam kung kanino ko ibubuntong ang galit na nararamdaman ko.
Pagdating ko sa mini forest, agad kong sinutok ang puno. Huminga ako ng malalalim, di ko alam kung ano ang paniniwalaan ko.
I guess I have no choice then. Malalaman ko ang totoo kung maa-attach ako lalo sa Gangster Clan. Malalaman ko ang totoo kung magiging Gangster Emperor ako.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro