Chapter 40
Chapter 40. Trespassing
________
Nabulabog ako sa pagkakape nang makarinig ako ng katok mula sa main door ng dorm namin. Napatingin ako sa relo ko, 4:25 pa lang ng umaga. Hindi ko na lang muna ito pinansin sa pag-aakalang titigil din ito mamaya-maya. Nagkamali pala ako, imbis na tumigil ito ay walang sawa pa itong kumatok ng paulit-ulit. Inis kong nilapag ang mug na hawak ko. Sino ba to!? Umagang-umaga ah!
Pagbukas ko ng pinto ay kaagad sumalubong saakin ang isang matulis na dulo ng kutsilyo. Kaagad akong napaatras para maiwasan ito. Naaninag ko ang isang bulto ng lalaki na naka-itim, may mask sa bibig at may suot itong itim na jacket.Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya madalim pa. Hindi na rin ako nag-abala pang i-on ang ilaw kanina.
"Sino ka?" Imbis na sumagot ito, hinagis n'ya saakin ang hawak n'yang kutsilyo. Naiwasan ko ito kaya tumama ang kutsilyo sa pader. Marahas ko s'yang nilingon, tinatanong ko s'ya ng maayos pero di s'ya sumasagot.
Dumukot ulit s'ya ng kutsilyo mula sa belt n'ya at tinutok ito saakin. Tinanggal ko ang jacket na nakatali sa bewang ko at mahigpit itong hinawakan. I extend both of my arms while holding my jacket. Bato laban sa bulak, how ironic. Tumakbo ako papalapit sa kan'ya, at hinampas ko sa mukha n'ya ang jacket ko. Umatras ito panandalian, pero sumugod pa rin ito saakin gamit ang kutsilyo na hawak n'ya.
Umiwas ako kaagad. Kitang-kita ko pa kung paano ito kamuntik-muntikan ng tumama sa gilid ng pisngi ko. Yumuko ako at sinipa s'ya sa paa kaya nabitawan n'ya ang hawak n'yang kutsilyo. Bumagsak s'ya sa sahig. Agad kong sinalo ang kutsilyo na nabitawan n'ya. Walang oras akong sinayang, binagsak ko ang tuhod ko at tinutok ito sa leeg n'ya.
"Ngayon, sumagot ka ng maayos. Sino ka at anong kailangan mo saa--" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang mga mata n'ya. Teka, bakit parang---
Nawala lang ako sa focus saglit, tinake advantage na n'ya. Hinawakan n'ya ang pulsuhan ko at pabagsak akong inihiga sa sahig. Ngayon ako naman ang tinututukan n'ya ng kutsilyo sa leeg. Huminga ako ng malalim, sigurado akong nakita ko na ang mga matang iyon. Napangisi ako, hinablot ko ang kamay n'yang may hawak na kutsilyo at inilapit ito lalo sa leeg ko.
Nakita ko ang panlalaki ng mata n'ya kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko. Pilit ko itong idinidiin sa leeg ko, samantalang s'ya ay pilit n'ya itong inilalayo. Buong lakas n'yang hinila ang kamay n'ya kaya nabitawan ko ito. Tumawa ako ng malakas habang nakatingala sa kisame.
Gago, akala n'ya ba talaga di ko s'ya makikilala? Nilinga ko s'ya na nakaupo sa couch habang hingal na hingal na napatingin saakin. Tila ba nakipaghabulan ito ng ilang kilometro sa pawis na namumuo sa noo n'ya.
"Are you crazy!? Are you planning to kill yourself!?" Singhal n'ya. Napaupo ako, I glared at him. Ako pa talaga ang tinatanong n'ya ng ganyan?
"Ikaw 'tong susugod-sugod dito na may dalang kutsilyo, tapos ako pa talaga ang may planong patayin ang sarili ko? Gago ka ba ha?" Natahimik naman s'ya sa sinabi ko. Tinanggal n'ya ang mask sa bibig n'ya at seryosong tumingin saakin. I know he was just trying me, nagpapatay malisya lang ako.
"Hindi ko naman alam na makikilala mo kaagad ako." I rolled my eyes.
"Sino ba naman ang di makakakilala sa pagmumukha mong 'yan? Kahit mata mo lang ang makita ko, makikilala na kita." I brushed my bangs and shook my head. Mukhang alam ko na kung ano ang kailangan n'ya at bakit n'ya yun ginawa kanina.
"Ano ba'ng kailangan mo Kiel?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lapag. Bumalik ako sa lamesa para kunin ang mug na may lamang kape kanina. Ramdam ko naman na nakasunod lang s'ya saakin papunta sa kusina.
"Masama ba'ng dalawin ang pinsan ko?" I took a sip before facing him.
"Ng ganito ka aga? Talaga lang ha?" I crossed my arms. Winagayway n'ya sa harap ko ang ID ko kaya naigulong ko na naman ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba, 'yan talaga ang sadya n'ya kung bakit s'ya pumunta ng ganito kaaga.
Binaba ko ang mug. Hahablutin ko na sana ito sa kan'ya nang iiwas n'ya ito para hindi ko makuha. Sinubukan ko ulit itong kunin pero sadyang matangkad s'ya. Hinablot ko ang chopping board sa gilid at aktong ihahampas ito sa pagmumukha n'ya.
"Insan naman!" Winagayway ko ang chopping board sa mukha n'ya.
"Ibibigay mo 'yan saakin, o tatama to sa pagmumukha mo?" Inabot n'ya naman ito kaagad saakin kaya nilapag ko ang chopping board sa isang tabi. Alam kong magtatanong s'ya kung paanong napunta ang ID ko sa Underground Bar.
Tumalikod na ako para ilagay ang mug sa sink. Napatigil ako nang maramdaman kong mahigpit na dumantay ang kaliwang braso n'ya sa may bandang leeg ko, dahilan para mapaatras ako. Nararamdaman ko rin ang lamig ng matulis na bagay sa leeg ko. He caught me like he was a criminal and I'm his fvcking hostage.
"How many times have you put a knife in my neck , my dear cousin?" Mapanuya kong sabi. Kung kanina nakagalaw ako sa pagtutok n'ya ng kutsilyo, p'wes ngayon mukhang hindi na. Masyadong mahigpit ang pagkakakapit ng braso n'ya sa leeg ko na para bang sinasakal n'ya na ako.
"I'm not fvcking around anymore Lara, sagutin mo ako ng maayos kapag tinatanong kita. I'm still 9 months older than you" He called me in my first name, so I guess he's really serious this time. Also, you heard it right, he's 9 months older than me. Pinaglalaban na n'yang kuya s'ya. Tsk
"Are you asking anything? Sa pagkakatanda ko ay wala ka pang tinatanong saakin kaya paano kita sasagutin?" Malamig kong sagot.
I felt him froze, nabigla ata ito sa tono ng pananalita ko. Baka naaalala na naman n'ya kung paano ko s'ya pakitunguhan nung mga panahon na nag-away kaming dalawa. I was damn cold around him, naaalala ko pa na iniyakan n'ya ako dahil duon.
"B-bakit napunta ang ID mo sa Underground Bar? Sabihin mo saakin ang totoo" I blew my bangs as I lick my lower lip. Should I deny things? That's not my thing. So I'll tell him the truth.
"I was there obviously. Do you expect my ID to teleport there on its own?" I answered him sarcastically.
"Alam mo ba kung gaano ka delikado ang Underground Bar para sa babaeng gaya mo!? Lara naman, all of us there are gangsters! And you're just a--" napatigil naman ito sa pagsasalita nang may maalala s'ya.
"Just a what?" Hindi s'ya sumagot. Pakiramdam ko ay nalilito ito kung ano ang dapat n'yang paniwalaan.
"Ako ang babaeng pilit mong pinapababa sa Underground Arena dahil sasabog na ang bomba." I heard him scoffed, like he's hearing shits on his ears.
"Baliw ka ba!? Paano na lang kung sumabog yun!? Edi patay ka na? Talagang ang lakas ng loob mong sabihin ang totoo kahit pa magalit ako sa'yo?" Napahinga ako ng malalim. He's overreacting!
"I don't care if you'll get angry. Galit ka na nga ngayon, may pake ba ako? Ang importante ay di sumabog ang bomba. Ang importante buhay pa ako." Pabalang kong sagot. Naiinis na ako sa kan'ya.
"I can't believe you. Wala na ba akong karapatan para mag-alala sa'yo? Pinsan mo ako Lara, importante ka saakin kaya ayaw kong mapahamak ka. Papatayin ko ang sino mang manakit sayo" napangisi ako. Umusog ako ng konti kaya nadanggil ng leeg ko ang tulis ng kutsilyo na nakatutok pa rin sa leeg ko. Naramdaman ko ang hapdi nito, nasugatan ako.
Narinig ko s'yang nagmura. Tinapon n'ya ang kutsilyo at hinarap ako sa kan'ya para tingnan ang sugat sa leeg ko. Hahawiin na sana n'ya ang buhok ko, pero lumayo ako sa kan'ya. Hinawakan ko ang leeg ko, at nakaramdam ako ng basa. Tiningnan ko ang kamay ko, dugo.
"Ngayong nasaktan mo'ko. Papatayin mo ba ang sarili mo?" Natigilan naman ito. I smirk, I got him there. It's his words against himself.
"Patayin mo ang sarili mo" utos ko dito. Pinulot ko ang kutsilyong may bahid pa ng dugo ko. Binigay ko ito sa kan'ya. Tiningnan n'ya ako na parang nagsasabi kung seryoso ba ako sa sinabi ko. Isang titig lang ang iginanti ko sa kan'ya.
"Hindi mo kaya diba?" Irap ko.
"Hindi ko din kayang patayin ang sarili ko ng walang sapat na dahilan. Alam kong di puputok ang bomba kaya di ako umalis, wala akong planong magpakamatay Kiel. So calm the fvck down" nagulat na lang ako nang yakapin n'ya ako.
"Sorry na Insan. Nasaktan pa kita. Sorry talaga. Di ko na uulitin" kumalas s'ya sa pagkakayakap saakin at agad tiningnan ang sugat ko sa leeg. Kumuha s'ya ng itim na panyo at tinali ito sa may bandang leeg ko.
"Pero paano mo nalamang di ito puputok?" Iginilid ko ang ulo ko nang mapansin kong may presensya sa paligid.
"Easy. Lahat ng bomba na may Black wires ay di totoo" napakunot naman ang noo nya.
"Ganun lang yun? Black wire lang ang basehan?" Taka n'yang tanong sa sarili n'ya.
"Depende. The sixth sense can help" hinigpitan ko ang panyo sa leeg ko at umupo sa couch. Dinantay ko ang mga binti ko at hiniga ang sarili ko. Inaantok na ako, di kasi ako nakatulog magdamag. Hindi na nga ako pumasok sa kwarto ni Jehan dahil iniiwasan ko pa rin s'ya.
"Insan, may itatanong lang ako"
"Fire it up"
"Gangster ka ba?" Natahimik naman ako. Should I consider myself as a gangster? Well, I'm the Empress, and I'm planning to become a Gangster Ripper before that.
"Alam kong alam mo na gangster ako. Maaari din na malaman mo na gangster sila Jehan dahil palagi mo na silang nakakasama. Pero di mo malalaman ang rank nila kung di ka nakapasok sa Dark Net. Ang ikinakataka ko, ay paano ka nagkaroon ng access sa Dark Net?"
"That's for me to know, and for you to find out" magsasalita pa sana si Kiel nang may biglang magsalita mula sa likuran ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito ng ganito kaaga Kiel?" He said.
"At bakit di ka pa natutulog babae?" He added.
"Di ako makatulog eh. Pake mo ba?" Pabalang kong sagot dito. He glared at me before turning his attention to Kiel.
"So bakit ka nga naparito ng gan'to kaaga?"
"May tinanong lang akong importante. Sige, I'll get going. See you around insan, ikaw ni Jehan. Bye" hindi na umimik pa si Jehan. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto, senyales na umalis na nga ito.
Mariin kong pinikit ang mata ko. Di pa rin umaalis si Jehan, at ramdam kong nakatitig lang ito saakin magdamag.
"Narinig ko lahat ng pinag-usapan n'yo kanina." Naimulat ko bigla ang mga mata ko. Bumungad saakin ang mukha n'ya. Nakasandal ang magkabilang braso n'ya sa headrest ng couch habang nakadungaw ang ulo saakin.
"Nakita ko din ang buong pangyayari kanina, so you have nothing to hide from me" Hindi na lang ako sumagot. Wala akong masabi eh, what do you expect me to say? Nangunot ang noo ko nang itaas n'ya ang kanang kamay n'ya na may hawak na first aid kit.
"Anong gagawin mo d'yan?" Taka kong tanong. Umalis s'ya mula sa pagkakasandal sa couch. Umikot s'ya hanggang sa makarating s'ya sa tapat ng couch na hinihigaan ko.
Umupo s'ya sa lapag malapit sa ulo ko kaya alanganin akong napaupo. Bago pa ako tuluyang mapaupo ay hinawakan n'ya ang ulo ko at binalik sa pagkakahiga sa couch. Tiningnan ko na lang s'ya na parang may sampu s'yang ulo. Ano ba'ng ginagawa n'ya?
"Stay still" napalunok ako nang tumama ang kamay n'ya sa bandang leeg ko upang kunin sa pagkakatali ang itim na panyo. I can smell his manly scent, even his warm breath is lingering in my bare skin. Paano ba huminga ng maayos? Nakalimutan ko ata kung paano.
Napaigtad ako nang hawakan n'ya ang sugat ko. Tuluyan na n'yang natanggal ang panyo sa leeg ko. Dahan-dahan n'yang nilagyan ng alcohol ang sugat ko. Mariin kong pinikit ang mata ko sabay kagat ng ibabang bahagi ng labi ko dahil sa hapdi. Bakit ba masakit ang sugat kahit maliit lang naman?
Naimulat ko muli ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mahinhin nyang pag-ihip sa sugat na nasa leeg ko. Naging dahilan ito upang mapatingin ako sa kan'ya. Seryoso lang ang mukha n'ya habang iniihipan ito. Nang magsawa na s'ya kakaihip ay kumuha s'ya ng bulak sa kit at dahan-dahan naman itong dinampi sa leeg ko para punasan ang alcohol na nagkalat sa leeg ko.
I cleared my throat. Kinakabahan ako sa ginagawa n'ya. Matapos n'yang punasan ng cotton ang leeg ko, kumuha s'ya ng ointment at naglagay ng konti sa pinky finger n'ya. Dahan-dahan n'ya itong dinampi sa sugat ko na para bang isang babasaging bagay ang inaayos n'ya.
I can't help but to stare at him. He's trespassing. He may be a jerk, but he's a good man. He may be cold, but he's warm. He may cuss a lot, but he's actually sweet. I'm not going to deny things any further, I know what I'm feeling. Denying things wont make it less true. Denying it will only make me fell deeper.
Nabalik ako sa katinuan nang malagyan na n'ya ng gauze ang leeg ko. Nagkatitigan kaming dalawa, and I saw him stare at my lips for a second. Iniwas n'ya ang tingin n'ya saakin at tumayo mula sa pakakaupo sa lapag. Pinatong n'ya ang kit sa lamesa at lumingon ulit saakin.
"Avoid hurting yourself. Hindi sa lahat ng panahon nan'dyan ako para gamutin ka" napataas ang kilay ko. Pinanood ko na lang s'yang maglakad papasok ng kwarto n'ya. Anong meron sa lalaking yun?
Napahawak na lang ako sa leeg ko sabay pikit ng mga mata ko. I need a fvcking sleep, may pupuntahan pa ako mamaya paggising ko.
****
Pinark ko ang motorbike ko sa labas ng luma naming mansion. Tinanggal ko ang helmet ko at sinabit ito sa side mirror. Bumaba ako ng motorbike ko at naglakad papapasok sa gate. This is our house back when I was still a kid. Hindi na kami tumira dito simula nang mamatay si mom. I don't know the reason why, dad decides on his own.
I even protest that time, kahit na wala na si mom, okay lang naman saakin na tumira pa rin dito, dahil nandito ang lahat ng alaala ni mom. Pero dahil si dad ang masusunod, wala na din akong nagawa pa. Kaya lang naman ako nandito ngayon dahil ilang buwan na rin akong di nakakapunta dito. I miss mom's room. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapansin kong medyo nakaawang na ito ng konti.
Umatras ako ng konti. Dinukot ko ang isang baril sa belt ko. It's a commander model, CJ53822. Looks like an ordinary gun, but it can kill you painlessly.
Dad never came here after mom died. This place only reminds him of her, and he always end up crying his ass off. That's why, walang ibang pumapasok dito maliban saakin. Misteryo kung bakit bukas ito ngayon. The only reason why it's open, is that, someone's been here.
Pumasok ako sa loob ng bahay nang alerto. Umikot ako sa sala at kusina, pero walang tao duon. Nakarinig ako ng bagay na nahulog mula sa itaas kaya naman mabilis akong umakyat sa hagdanan papuntang second floor kung nasaan ang mga kwarto namin. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, wala namang tao sa loob. Pagbukas ko din ng pinto ng guestroom at master's bedroom, wala ding tao sa loob.
Kinasa ko ang baril ko. Nasisigurado kong nasa loob s'ya ng kwarto ni mom at dad. Buong lakas kong sinipa ang pinto kaya bumukas ito. Nagulat na lang ako nang sabay kaming nagtutok ng baril sa bawat isa. Inangat ko kaagad ang paningin ko. Kung gaano ako nagulat nang makita s'ya, ay ganun din s'ya kagulat nang makita ako.
Anong ginagawa n'ya dito?
"L-Lara?" Gulat n'yang wika.
"A-anong ginagawa mo rito?" Dag-dag n'ya pa.
"Ako dapat ang magtanong n'yan. Ano'ng ginagawa mo rito?" Humakbang ako papalapit sa kan'ya habang nakatutok pa rin ang hawak ko'ng baril sa ulo n'ya. Napaatras naman s'ya. Nakatutok naman ang baril n'ya sa may bandang dib-dib ko.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Ulit kong tanong. Imbis na sumagot s'ya sa katanungan ko, kinasa n'ya ang baril n'ya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Naigulong ko ng bahagya ang mga mata ko.
"Ako ang anak ng may-ari ng bahay na ito kaya ako nandito! Ngayon sagutin mo ako hangga't mabait pa ako. Ano'ng ginagawa mo dito, Ten Xanderville Francis?" Napakurap ito dahil sa sinabi ko.
"I-ikaw ang anak ng may-ari ng bahay na ito?" Napakunot ang noo ko dahil parang nabunutan s'ya ng tinik sa sinabi ko.
"May kilala ka bang babae na nagngangalang Lauren?" Nagtagis ang bagang ko sa sinabi n'ya. Imbis na ibaba ko ang baril na hawak ko, mas lalo ko itong itinutok sa kan'ya.
"Anong alam mo!?" Napansin kong nagulat s'ya sa pagsigaw ko. Dahilan para maisandal n'ya ang likod n'ya sa isang aparador sa gilid. Nagtaka na lang ako nang bigla s'yang umiwas palayo ng closet na yun.
"K-kilala ko s'ya" malalalim ang hininga n'ya habang binibigkas n'ya ang mga katagang iyon. Para bang nawawalan na s'ya ng hininga.
"She's my mom Ten. Now tell me, why do you know her?" Bigla s'yang napaupo sa sahig kaya nilapitan ko kaagad s'ya. What the hell is up with him? He's acting strange.
"S-sasabihin ko sayo m-mamaya. Ilabas mo m-muna ako dito" nagtaka man ako sa mga sinasabi n'ya, wala akong ginawa kundi ang hawakan s'ya sa braso at alalayan s'yang lumabas.
Bakit kilala n'ya si mom? Napalinga ako sa kan'ya habang inaalalayan s'yang pababa ng hagdan. I know something is going on between him and Vernon. I also know Vernon is up to something I don't really know. However, malakas ang loob ko na mapapagkatiwalaan si Ten. I have no basis or whatsoever, but my sixth sense told me so. May tiwala ako sa hinala ko. Lalo na't may katotohanan kapag babae ang maghinala.
Pagbukas ko ng pinto palabas ng maindoor ay nakarinig ako ng sabay-sabay na pagkasa ng mga baril. Sabay na inangat namin ni Ten ang mga ulo namin upang tingnan kung sino ang mga ito. Imbis na magulat ako, sila pa ang nagulat nang makita nila ako.
"W-what are you doing here?"
Kinasa ko ang baril ko at tinutok ito sa kanila. Bakit ba palagi nila akong tinatanong ng ganyan? Di ba dapat ako ang palaging nagtatanong n'yan sa kanila?
"I should be the one asking that. Ano ang ginagawa n'yong tatlo sa pamamahay ko?"
Nagkatinginan naman silang tatlo. Looks like nalilito sila sa di ko malamang dahilan. Nalilito din naman ako pero di ko lang pinapahalata. Ano ba'ng meron sa araw na to at bakit pumupunta sila dito?
The only thing I've got in my mind right now? Make 'em whistle like a missile.
"I'm going to sue you all for trespassing. Prepare yourself in jail"
Oh bitch, I'm FAB.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro