Chapter 39
Chapter 39. Flashbacks
____________
LARA'S POV
"In Non-Linear Equations you need to find the value of x and y. You can solve it by using Elimination or Substitution, you can use whatever method you'd like." Bagot na bagot akong nag solve. Hindi n'ya pa tinuturo pero alam ko na 'yan. I can solve that in my sleep.
"Answer the Activity Sheets. I'll be back in no time." Inikot-ikot ko ang hawak kong ballpen gamit ang daliri ko. Nang may maalala ako ay agad ko itong pinukpok sa noo ko. Argh, malala ka na Lara! Today is probably the last day of my period, that's why matino na ang pag-iisip ko ngayon.
Remembering all the craziness I did, makes me wanna jump off the bridge, and die. For goodness sake! That's why I hate having periods, I do a lot of things more than I can imagine. I become horny and shit. Worst thing that could happen, is waking up naked beside a random jerk. Thankfully, that didn't happen. Being horny and perverted only happens to me once in a red moon. So yeah, I have to deal with it.
My gaze diverted to the jerks who made their entrance in the door. Talk about being late and coming in like a boss, that's them. Jam winked at me, V smiled widely, Xael waved his hand, Justine and Rio nods their heads, Seth just gave me a bored look, and Jehan stared at me with irritation. Great! What a day!
I rolled my eyes and look in the ceiling, I wish to suicide there. If only I can grab a rope and tie myself freely, I'll gladly do it. There's nothing I can do with the things they already saw. I just felt humiliated by that. They saw me drunk and get crazy like shit, they saw me in my period being horny like fvck! How am I supposed to deal with that!?
"Okay ka na ba?Pfft~" Jam asked preventing himself to laugh his ass off. Argh! Pinandilatan ko s'ya ng mata. Tangina talaga neto!
Nagsiupuan na sila sa linya ng upuan na nasa likod ko. Maliban na lang kay V at Justine na nakaupo sa magkabilang upuan na katabi ko. Nakatingin lang silang dalawa sa akin, pero di ko sila pinansin. I was busy making doodles on my graphing notebook. Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Kahapon pa tawag ng tawag saakin si Kiel, binlock ko na nga lang ang phone number n'ya para di na n'ya ako matawagan. I know why he's calling me, naiwan ko ang ID ko sa Underground Bar. Malamang ay nagtataka yun kung paanong napadpad ang ID ko dun, at dahil kabisado ko na ang takbo ng utak ng isang yun, alam kong naghihinala na s'ya na ako ang babaeng nakita n'ya mung gabing may bomb prank na naganap.
Inangat ko ang ballpen at pinitik ito muli sa noo ko. Matalino ka pa naman Lara, pero bakit ang tanga mo? Bakit sa lahat ng pwede mong maiwan ay ID pa? Inis kong nilapag ang ballpen ko, at nagsimula na namang magsulat ng mga numero na sagot sa equation na binigay ng Professor kanina.
"Bakit ang talino mo? Kaya mo'ng magsolve kahit di ka nakatangin? How to be you po?" Di ko pinansin si Justine.
"Sabi sayo mas matalino 'yan kay Rio at Jehan eh!" Nagmamayabang na sabi ni V. ;
Other than that, pinoproblema ko din kung sino ang may pakana ng bomb prank. Anong kailangan n'ya saakin, at ano ang ibig n'yang iparating sa ginawa n'ya. Was that supposed to be a threat? Dapat ba akong matakot? Well, in the first place 'di naman talaga ako natakot. They're threatening me because I'm a threat to them, how sweet.
Napatigil ako sa pagsusulat, isa ko pang problema ay si Jehan! Kaninang umaga ko pa s'ya tinatakasan dahil nahihiya akong harapin s'ya. Sino ba namang di mahihiya kung halos pagsamantalahan ko na s'ya sa loob ng isang araw!? Alam ko hindi ko ugali ang mahiya, pero tuwing naaalala ko kung paano mangunot ang noo n'ya, kung gaano s'ya kaasar saakin, kung gaano n'ya ako gustong sakalin, parang nahihiya ako.
Ikaw naman kasi Lara! Ano ba'ng meron sa'yo at sa dinami-dami ng lalaki ay s'ya pa talaga ang napagtripan mo! I don't know why, but I really find it awkward. He's just my fake boyfriend for goodness sake! Nanggigigil ko'ng diniin ang ballpen ko sa notebook ko. Wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari.
Nagtaka naman ako nang itulak-tulak ako ni V. Napakunot ang noo ko, ano na naman ba'ng trip n'ya? Ngumuso s'ya na parang may tinuturo. Hinanap ko kaagad ang dereksyon kung saan nakaturo ang nguso n'ya. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang nakaturo ito sa notebook ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakasulat doon.
Jehan ♡ Lara
At kelan ko pa sinulat yan!? Agad ko itong tiniklop hangga't di pa nila nakikita. Tangina di ko talaga sinulat 'yon! Nagdo-doodle lang ako kanina! Agad akong tumayo at inangat ang kamay ko na may notebook, dahil nagsimula na itong agawin sa akin ni V. Ang bubwit na to!
"Guys! Si Lara nakita ko may sinulat sa notebook n'ya! Jehan lo--" sinampal ko sa bibig n'ya ang notebook kaya natahimik s'ya. Yan napala, ang ingay kasi! Pinandilatan ko s'ya ng mata. Sige sabihin mo,di lang yan aabutin mo.
"Whaaaa! Ang brutal mo talaga!" He pouted as he cover his mouth.
"Ano daw?" -rinig kong bulong ni Jam.
"Ewan ko sa dalawang 'yan" -Rio
"Ikaw Justine alam mo ba?" Tanong ni Jam.
"Ewan"
"Ikaw Seth? Sa bagay anong alam mo? Tulog ka naman! Tsk"
"Jehan love Lara, 'yon ang nakalagay sa notebook n'ya" napapoker-face na lang ako dahil sa sinabi ni Seth. Argh!
"Inlove na inlove talaga sayo si Lara bro. Haha!" Gatong ni Rio. I rolled my eyes. Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon ni Jehan, nabubwesit lang ako.
Pumasok na naman ang Professor kaya napaayos ng upo ang lahat. Nagbubulong-bulungan na naman ang mga nakakairitang babae sa paligid dahil sa gwapo ng Professor namin sa Pre-Calculus. I cross my arms and ate my lollipop.
"So, what's the better solution to use to solve the given systems of Non-Linear equation? Elimination or Substitution?" Sabay-sabay na nagsalita ang mga stupidyante kaya walang maintindihan si Sir.
"One representative for the girls, and one for the boys"
"Okay! Miss Miranda will be the representative for the girls" inangat ko naman ang tingin ko. Nagvolunteer ba ako? Napalinga ako sa katabi kong si V, hawak-hawak n'ya ang kanang kamay ko at nakaangat na pala ito sa ere. Aba gago to ah!
Imbis na magreklamo ako ay inirapan ko na lang s'ya. Papatayin ko s'ya mamaya.
"For the boys? I want Mister Corriggan" iilan sa mga babae ay tumili na parang kinikilig, ang ilan naman ay napapairap. Iirap-irap pa ang arte! Dukutin ko kaya mata nila at ipakin sa uwak?
"GO LARA!" Sigaw ng mga lalaki. Wow, mga lalaki pa talaga mga supporters ko? Tangina n'yo mga babae.
"GO JEHAN! GO JEHAN! KYAAAH~" Edi wow!
"So? Ano ang mas madaling gamitin? Elimination or Substitution?"
"Elimination/Substitution"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jehan. Our answers are the exact opposite. How sweet.
"Ohh~ Miss Miranda stood for Elimination, and Mister Corrigan stood for Substitution. Interesting!" I rolled my eyes heavenwards, yeah right.
"Elimination is the easiest, we can just eliminate unlike terms to find the values of either x and y's. Tulad ng takbo ng mundo natin ngayon, kung sino ang hahadlang sa plano ng mas nakakataas, walang mas magandang solusyon kun'di ang patayin ang sino mang tumaliwas."
"Substitution can be a lot more easier. All you have to do is solve for the X or Y's given in a system of Linear equations, and plug it in to another equation to get the value of X and Y. Walang permanente sa mundo, kaya lahat pwedeng palitan, maaaring palitan kung gugustuhin" naghiyawan naman ang mga kababaihan dahil sa sinabi nito.
"Really? So are you going to substitute me with someone else, whenever and wherever you want?" Nakagat ko ang labi ko sa mga kataga na lumbas mula sa bibig ko. Argh, Traydor na bibig! Napahawak ako sa batok ko, bakit ba lumabas 'yon sa bibig ko?
"Nevermind what I said! I was just--"
"You are not a Non-Linear Equation Lara, you are much more complex and difficult than that. Kahit mamatay pa ako kakahanap ng sagot sayo, gagawin ko ang lahat wag ka lang iwala, at ipagpalit sa iba" natahimik naman ang lahat. Kahit ako parang nawalan ng dila sa narinig ko. Ang naririnig ko lang ay ang bilis ng bawat pintig ng puso ko.
"Uhmm...*cough* cough* C-CR lang ako" nagmamadali akong lumabas ng pinto. Sinara ko ang pinto at sinandal ang likod ko dito habang hawak-hawak ang dib-dib ko. Sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko, at parang nag-iinit din ang buong mukha ko.
I shook my head, hindi pwede to. Tumawa ako ng malakas, nagsitinginan naman ang mga estudyante saakin kaya tinaasan ko sila ng kilay. Umiwas na lang sila ng tingin kaya tumigil na rin ako sa pagtawa. Huminga ako ng malalim at niluwagan ang necktie ko. You'll forget his words Lara, just don't mind him.
Bumaba ako ng ground floor at pumasok sa comfort room ng mga babae. Nagpagawa na rin kasi sila ng bagong comfort room para sa mga babae. Pagpasok ko sa loob ng cubicle ay kaagad akong umihi. Naiihi na rin kasi talaga ako kanina, mas lalo lang akong naihi dahil sa mga pinagsasabi ni Jehan.
Pagkatapos kong gawin ang gusto ko, napagpasyahan kong lumabas na. Bubuksan ko na sana ang pinto ng cubicle nang makarinig ako ng mga yapak ng paa na papapasok ng comfort room. Marahas na bumukas ang main door ng CR kaya imbis na buksan ko ang pinto ng cubicle, mas minabuti kong 'wag muna itong buksan.
"Lock it! Shit! This third day crap is bullshit!" I smirk. Ang lutong ng mura n'ya. Boses n'ya pa lang kilalang-kilala ko na s'ya. Jennie and her filthy curses.
"Naman! Nakakaasar na! Babayagan ko ulit ang may pakana ng lahat ng to!" Sige Rose, bayagan mo pa si Jam. Tingin ko mas makakabuti 'yon sa kanya
"Sino ba naman kasing mag-aakala na sila pala ang Emperors? Kung di pa ako nag log in sa Dark net di ko pa nakilala!" -Jennie
"Oo nga! Ilang araw na rin tayong hinahabol ng mga hinayupak na estudyante dito! It's getting worst each day! Di ba natin sila papatulan?" Asar na wika ni Jessi. Mga tanga, sino ba'ng nagsabing di sila pweding patulan?
"That's not the reason why we're here remember? We're supposed to keep a low profile and do our mission" -Rose
"Jessi is right Rosé kailangan na natin silang patulan. They should know who the fvck are they dealing with. Pagsisisihan nila kung bakit nila kinalaban ang Ga--"
"Baka may makarinig saatin" bulong ni Jessi. Gaga, may nakarinig na nga sainyo kanina pa.
"Remember the girl with a blonde hair? Pakiramdam ko may alam s'ya tungkol saatin" natahimik naman sila sa naging wika ni Rose. That's right, I know you. Not just you, but everyone of you.
"I did a background check on her, She's Lara Quinn Miranda. The only daughter of a successful business man. Other than that, wala ng iba pa'ng lumabas. Kaya kahina-hinala talaga s'ya" -Jennie
"Kailangan nating mag-ingat sa kan'ya. Baka kalaban natin s'ya" I laugh in my head. Kalaban?
"Kaya dapat na nating hanapin ang babaeng maaaring makaalam ng dahilan kung bakit namatay ang mga magulang natin. Ang kaisa-isang babae na nabuhay na wala man lang kahit anong gas-gas sa katawan" napataas ang kilay ko sa diin ng bawat salita na binibitawan ni Jessi.
Nung araw na nakita ko s'ya sa cafeteria, mukha lang s'yang masayahin at loka-lokang babae. Sino ba naman ang mag-aakalang may kinikimkim pala s'yang hinanakit at sama ng loob? Sa bagay, sino ba naman ang hindi magtatanim ng sama ng loob kung pinatay ang mga magulang nila diba? Alam na alam ko ang nararamdaman nila, at sa oras na malaman ko kung sino ang pumatay sa ina ko, magkakamatayan kaming dalawa.
"Tanging pangalan lang n'ya ang alam natin. Ni mukha n'ya ay di natin alam. Ilang taon na tayong naghahanap sa kan'ya" -Rose
"Izzeah Vixen Salvador. I'll find that bitch no matter what--" nagring bigla ang phone ko kaya natahimik sila. Dinukot ko ito kaagad, dad is calling me. I rolled my eyes, panira talaga ang matandang to.
"May nakarinig sa pinag-uusapan natin" -Jessi
Pagbukas ko ng pintuan ng cubicle ay kaagad silang nagulat. Nagkatinginan pa silang tatlo na animo'y nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Para silang nakakita ng multo sa putla ng mukha nila. Siguro dahil kani-kanina lang pinag-uusapan lang nila ako, pero eto ako ngayon sa harap nila at di man lang nila alam na kanina pa ako nakikinig sa kanila.
Tahimik akong pumunta sa sink. Binuksan ko ang gripo, ay hinugasan ang kamay ko. Tanging ingay lang ng tubig mula sa gripo ang namamayani saaming apat. Pagharap ko sa kanila ay nakaharang na sila sa daraanan ko. Napatingin ako sa bawat sulok ng pader, walang CCTV camera na nakalagay. Buti naman at di na nila nilagyan, privacy na rin para sa mga babae. Privacy na rin para saaming apat.
"Sino ka ba?" -maangas na tanong ni Jennie
"Kanina ka pa ba dito?" -Rose
"Ano'ng kailangan mo?" -Jessi
Humakbang sila papalapit saakin, samantalang ako ay nanatili lamang nakatayo. Pinaikutan nila akong tatlo, at parang konting maling galaw ko na lang ay handa na silang sugurin ako. Sinandal ko na lang ang magkabilang kamay ko sa sink, ay hinarap silang tatlo.
"First of all, kilala n'yo na ako. Pinabackground check n'yo na nga ako diba? Kayo, sino ba kayo? At oo, kanina pa ako dito. Saka wala akong kailangan sainyo. Now if you excuse me" Aalis na sana ako nang hilahin ni Jennie ang kaliwang braso ko. As if on cue, I turned around and pinned her hands on her back.
Iniharap ko pa s'ya sa pader para di na s'ya makapalag pa. Sabay na umamba ng sipa si Jessi at Rose, kaya agad kong hinila si Jennie at binalibag ito sa kanilang dalawa. Marahas na napatingin silang tatlo saakin, nagkatinginan muna sila bago sumugod saakin.
Sabay na namang sumipa si Jessi at Rose kaya sinangga ko ito gamit ang magkabilang braso ko. Pagkatapos akong sipain ng dalawa ay tumalon naman ng mataas si Jennie para sipain ako leeg. Binitawan ko ang binti nilang dalawa, umikot ako pakaliwa at sinangga ang sipa ni Jennie sa pamamagitan din ng isang sipa.
Nagkatitigan kaming dalawa habang nakataas pa rin ang mga paa namin. Ginamit ko ang pagkakataong 'yon para ibuwelo ang kabilang paa ko. I took a quick step, as I lift my feet up and kick her on her neck. Agad nawalan ng balanse si Jennie at kamuntikan pa madulas kung di lang s'ya naalalayan ni Rose at Jessi.
"Tama nga ako, hindi ka isang normal na estudyante!" Jennie hissed.
"Bakit, anong tingin mo saakin? Abnormal na estudyante?" Pamimilosopo ko dito.
"You know that's not what I mean! I believe you're--"
"Would you believe in what you believe, if you're the only one who believed it?" Bago pa man sila makasagot ay lumabas na ako ng comfort room. Nakangisi kong dinukot ang phone ko para tawagan si dad.
"Yes sweetheart?" I rolled my eyes.
"I found them" he cleared his throat and I can almost imagine him smiling widely.
"I know you can find them in no time. Alamin mo kung ano ang pinagkakaabalahan nila, at gumawa ka ng paraan para makapunta sila sa Gangster Lair"
"Okay" I ended up the call and smirk.
I think I have a better idea than that. How about being one of them? Being a Gangster Ripper before becoming an Empress? How cool can that be?
TEN'S POV
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Wala akong magawa kun'di ang magtago sa loob ng aparador habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko mula sa aking mga mata. Di ko alam kung ano ang nangyayari. Puro putakan ng baril ang naririnig ko, puro nakahandusay na bangkay ang nakikita ko. Takot ang tanging pakiramdam na bumabalot sa buong sistema ko.
Iyak ako ng iyak. Gusto kong makaalis sa lugar na ito. Pinagsisihan ko kung bakit ako tumakas sa bahay, pinagsisihan ko kung bakit ako napadpad sa lumang bahay na ito. Mariin kong kinagat ang labi ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kung saan ako nagtatago.
"Seb, ayos ka lang ba?" Rinig kong bulong ng isang babae. Nakaawang ng konti ang aparador na pinagtataguan ko kaya naman sinilip ko sila. May tama ng baril ang lalaki sa tagiliran, at puno naman ng dugo ang babae.
"A-ayos lang ako L-Lauren." Nauutal na sagit nito. Kahit bata pa ako, alam kong nagsisinungaling s'ya. Halata sa mukha n'ya na sobra s'yang nasasaktan sa natamo n'yang tama ng baril.
"Alam kong hindi. Wag mo akong lokohin Seb!" Nakita ko na pinunit nung babae na nagngangalang Lauren ang damit nung lalaki, upang tingnan ang sugat na natamo nung lalaki. Pero imbis na ipakita ito ay tinakpan ito ng lalaki upang di n'ya makita.
"Ano ba Seb! Let me see it! Baka ano pa ang mangyari sayo! Paano kung Poisoned Bullet yan!?" Nag-aalalang singhal ng babae. Hindi sumagot ang lalaki, pinikit na lang nito ang kan'yang mga mata.
"Wag mo sabihing--Seb ano ba! Wag mong ipikit ang mata mo! Alalahanin mo may asawa ka pang dapat uwian! May anak ka pang aalagaan at palalakihin! Seb naman!" Niyugyog ito ng babae ng ilang ulit. Ngunit walang isinukli ang lalaki bukod sa isang ngiti.
"Promise me you'll look after my family. You have to go Lauren, b-bago ka pa nila m-maabutan" umiling muli ang babae. Nakikita ko ang mumunting mga luha nito na pilit n'yang pinipigilan sa pagdaloy.
"Hindi ako aalis dito hangga't di kita kasama." Inalalayan nung babae ang lalaki sa pagtayo. Kamuntikan pa itong matumba dahil nawawala na sa sarili ang lalaki. Parang mawawalan na ito ng malay ano mang oras.
"Hang in there Seb, di ka pwedeng mamatay" ang kaninang luha na pinipigilan n'ya ay nag-uunahan na ito sa pagdaloy. Lalo na't natumba na silang dalawa dahil tuluyan ng nawalan ng malay ang lalaki.
"Seb, tangina mo! Di ba sabi ko wag kang mamamatay sa harap kong hayop ka! S-seb naman! Gumising ka na!" Kahit anong gawin ng babae duon sa lalaki ay di na talaga ito gumagalaw. Nagtagal pa s'ya ng ilang minuto bago n'ya pinunasan ang luha n'ya.
Biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa duon ang isang panibagong babae na naka-itim ang buong kasuotan. Nakamaskara ito at may hawak na isang matulis na kutsilyo. Nahintatakutan ako sa tulis nito, parang isang danggil mo lang ay masusugatan ka kaagad.
Saglit itong napatingin sa lalaking wala ng malay, bago n'ya ibaling ang tingin n'ya duon sa babaeng nagngangalang Lauren. Agad itong tumayo at naghandang kalabanin ang babaeng nakamaskara.
"Sino ka?" May diin nitong tanong sa babaeng nakamaskara. Hindi ito sumagot, bagkus ay nagsimulang sumugod ang babae sa kan'ya. Naglabas ng kutsilyo si Lauren at nagkipaglaban na din duon sa babaeng nakamaskara.
Di ko na masyadong madetalye ang mga nangyayari. Basta kaya nilang tapatan ang lakas ng bawat isa. Puro sila suntok, sipa, sangga, at taga, pero wala pang niisa ang natatamaan o nasusugatan sa kanilang dalawa. Hanggang sa umabot sa punto na nagkatitigan na lang silang dalawa ng matagal.
"Bakit parang kilala kita?" Nagtatakang wika nito sa babaeng nakamaskara. Imbis na sumagot ito, ay muli n'yang sinugod si Lauren.
Naglaban ulit sila, sa pagkakataong ito parang natatalo na ang babaeng nakamaskara. Habang tumatagal ng tumatagal ang labanan nila, ay mas lalong bumibilis at marahas ang babae tungo sa kalaban n'yang nakamaskara. Malakas nitong sinuntok ang babae at sinaksak ito sa balikat.
Mahina akong napasinghap sa nakita ko. Nagsimula kong kagat-kagatin ang mga kuko ko nang mapansin kong napatingin sa gawi ko ang babaeng nakamaskara. Nakaramdam ako ng takot nang magtama ang paningin naming dalawa. Dumukot s'ya ng kutsilyo sa bewang n'ya at tinapon ito papunta sa gawi ko, kitang-kita ng mga mata ko na papalapit na ito sa gawi ko.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko, ang bata ko pa para mamatay. Naghintay ako ng ilang segundo pero walang tumamang matulis na bagay sa katawan ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nagulantang akong makita ang babaeng nakahandusay na sa harap ng aparador na pinagtataguan ko. Nakatarak ang kutsilyo sa kaliwang dib-dib n'ya. Wala na din ang babaeng nakamaskara.
Agad akong lumabas ng aparador at nilapitan ang babaeng nakahandusay sa sahig habang nay dugong dumadaloy sa gilid ng labi nito. Sa isang batang gaya ko na nakasaksi ng patayan, di ko alam ang gagawin ko. Wala akong ibang ginawa kun'di ang iyakan ang di ko kilalang babae na sumagip ng buhay ko.
"S-sorry po. D-dahil saakin b-baka mamatay po k-kayo" ngumiti lang ito saakin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa tuluyan na nitong ipikit ang mga mata n'ya. Wala na din s'yang buhay.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kutsilyo sa dib-dib n'ya. Tumambad sa mga mata ko ang dugo na tumutulo mula sa patalim. Bigla akong nakaramdam ng labis na takot. Naitapon ko pa ito palayo habang nanginginig sa takot. Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan may dalawang bangkay na nakahandusay. Napakasamang bangungot ito para sa isang batang tulad ko.
Hingal na hingal kong minulat ang mga mata ko. Napanaginipan ko na naman s'ya. Paulit-ulit ko na naman napapapaginipan ang pangyayari na nais ko ng ilibing sa limot. Bumangon ako sa kama ko at binuksan ang bintana para makalanghap ng hangin. Pakiramdam ko ay sinasakal ako tuwing napapanaginipan ko ang pangyayaring 'yon.
Lauren, kung sino man s'ya. Niligtas n'ya ang buhay ko kahit di ko s'ya kilala. Pinapangako ko, aalamin ko kung sino ang pumatay sa'yo, at sa lalaking kasama mo. Aalamin ko kung sino ang babaeng nakamaskara na pumaslang sa'yo.
JEHAN'S POV
"Live show you want?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Napatingin ako sa anim na halatang gulat din, at parang pinoproseso pa ng utak nila ang narinig nila mula sa bibig ng babaeng to.
Hinigit n'ya lalo ang collar ng damit ko kaya halos magkadikit na ang tungki ng ilong namin. Mariin kong kinagat ang labi ko, di pa nga ako nakakabawi sa pagtali n'ya saakin sa kama tapos eto na naman s'ya. Kahit anong gawin ko, di ko talaga malaman ang takbo ng utak n'ya.
"Nakakaadik ang bango ng hininga mo" inilayo ko ang mukha ko sa kan'ya, pero tuluyan na n'yang nahila ang sarili ko sa kan'ya. Bago pa magkadikit ang labi naming dalawa, tinakip ko ang palad ko sa bibig ko. Kaya imbis na ako ang mahalikan n'ya, sa palad ko dumampi ang labi n'ya.
Nakapikit ang mga mata n'ya at parang feel na feel n'ya talaga ang paghalik sa palad ko. Bigla akong nakaramdam ng pamumula, kung di lang nakaharang ang kamay ko sa bibig ko, malamang ay labi ko na ang hinahalikan n'ya ngayon. Matagal kong tinitigan ang labi n'ya na nakadikit sa palad ko. Bakit parang pinagsisihan ko na iharang ang kamay ko sa bibig ko?
Inangat ko ang tingin ko sa anim na nakatulala pa rin. Hinapit ko na lang sa bewang si Lara at dahan-dahang inangat ang kamay ko para hampasin s'ya sa batok. Nang mahampas ko s'ya sa batok ay agad dumagan ang katawan n'ya sa katawan ko. Inilayo ko ang mukha n'ya sa palad ko at kinarga s'ya papapasok ng kwarto namin.
I smiled as I look at her. Lately I've been thinking, my emotions always fails me. I've been trying really hard not to show my emotions, but I just couldn't do it whenever she's with me. She's giving me emotions and feelings I've never felt for once in my entire life.
She's crazy, but she's mine.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro