Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Chapter 36. Warning

__________

Naririnig ko na ang mga bulungan ng mga gangsters sa paligid dahil ilang minuto ng nagsisimula ang laban, pero wala kaming iba'ng ginawa kundi ang magsukatan lang ng tingin. Sa di ko malamang dahilan, nagdadalawang-isip ako'ng sugurin sya. Di ko naman alam kung bakit. Dahil siguro kilala ko sya, or let's say dahil fake boyfriend ko sya?






"The tension is building up! Sa unang pagkakataon ay nakipagsukatan ng tingin si First! Who is this lovely lady anyway? At bakit parang nag- aalanganin sya'ng sumugod? Magkakilala kaya sila'ng dalawa?"






I hissed. That announcer is dad's secretary, Lavender. Remind me to kill him later, talagang marami sya'ng kadaldalan na sinasabi. Baka dahil sa kanya malaman pa ni Jehan na ako ang kaharap nya.







Dahil mukhang naniniwala sa 'Ladies first' to'ng si Jehan, inunahan ko na sya. I gave him a frontal kick, but he dodged it by tilting his head to avoid it. Gumanti din sya ng sipa papuntang tagiliran ko kaya umikot ako pakaliwa para maiwasan ito. Pag-ikot ko naman sa kaliwa ay sumalubong saakin ang panibago nya'ng sipa. Mabuti na lang ay nakita ko ito kaagad kaya nakaatras pa ako para iwasan ito.







Ang bilis ng kilos ng paa nya. Sa tingin ko ay black belter din 'to sa taekwondo. Bawat sipa na binibitawan nya ay pulido at tantya'ng-tantya nya. Nararamdaman ko din na kung sakali mang matamaan ako ng sipa nya ay maaari'ng matumba ako ng wala sa oras. Too bad, kaya ko'ng makipagsabayan sa bawat kilos nya.







So far, he didn't threw any punches just yet. Siguro dahil babae ako, it's against his pride and ego to punch women. Gentleman sya, sa pakikipaglaban nga lang. We call that Gangster Etiquette.







Tumakbo ako papalapit sa kanya at umaktong sisipain sya malapit sa kaliwang leeg nya, nang akmang iiwas na sya pakanan, umikot ako at sinipa sya sa kanang leeg. Natamaan sya kaya bahagya sya'ng napaatras. That's my forte, faking kicks and attack.






Napasinghap naman ang mga manonood nang matamaan ko sya. Yung iba nagulat pa dahil wala pa ata sa kanila ang naglakas loob na kalabanin, at tamaan ito saang mang parte ng katawan nya. Swerte nya pa nga at di kalakasan ang pagsipa ko sa kanya, dahil kung sakali mang malakas yun, kanina pa sya natumba.





I saw a glint of wicked smile on his eyes. What the hell Jehan? Bakit pakiramdam ko kanina nya pa ako pinagbibigyan? Hindi nya binibigay ang buong lakas nya, nakikipaglaro lang sya saakin. Dahil wala ako'ng bangs na maihip ngayon dahil sa inis, napahawak na lang ako sa maskara na suot ko.







Kahit kelan talaga ang lalaking to, lakas makapang-insulto eh. Nabalik ako sa realidad nang gamitin nya ang kaliwang braso nya upang hampasin ako. Mabilis ko namang sinangga ang braso nya gamit din ang kaliwang braso ko. Nag-espadahan lang kami gamit ang mga braso namin. We look like kids fighting over something. The funny thing is, no one between us is planning to back away.







Halos di ko na ikurap ang mata ko sa bilis ng kilos nya. Pakiramdam ko kasi konting pikit ko lang ng mata ko ay mababawasan ang bilis ng pagsangga ko sa atake nya, at pag nangyari yun, pwede nya mahuli ang kamay ko. Dahil kanina pa ako hindi kumukurap, napagdesisyunan ko'ng dumistansya muna sa kanya saglit. Sa di inaasahang pagkakataon ay napakurap ako kaya nagulat na lang ako nang mahila na nya ang braso ko ng ganun ka bilis.







Tangina sabi ko na nga ba isang kurap lang at mahuhuli na nya ako kaagad! Alam ko ang susunod nya'ng gagawin, iikot sya para pilipitin ang kamay ko. Kaya bago nya pa magawa yun ay hinila ko din ang braso nya na nakahawak saakin. Inangat nya ang tingin nya saakin, at nagkatitigan na naman kaming dalawa.







Hinila nya ang braso ko pero di ako natinag sa hila nya. Hinila ko din sya pero di rin sya nagpadala sa hila ko. What the fvck are we even doing? This time, nagpakawala na ako ng kamao para suntukin sya. Naalala ko bigla ang pinanggagawa nya saakin, kaya sa tingin ko mas bumilis ang kilos ko kumapara kanina.






I'm giving him punches he can't even count, pero atras lang sya ng atras habang umiiwas. Why won't he fight back? Ganito ba sya ka gentleman kapag nakikipaglaban? Puro iwas lang sya? Tumigil ako saglit sa pagsuntok at tumitig sa mga mata nya, nakakaasar talaga ang mata nya. Tinaaas ko ang kaliwang kamay ko para suntukin sya, pero sinalo nya lang ito gamit ang palad nya.





Partida masakit yun, sinalo nya lang? Nakatuon lang ang pansin ko sa kamao ko na nasalo nya gamit ang palad nya. Bakit ang laki ng kamay nya? Puta! Talaga'ng yun pa ang iniisip ko!






Nagulat na lang ako nang hilahin nya ako kaya halos masubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Narinig ko na lang ang paglagating ng isang matulis na bagay sa platform. Bigla ako'ng nakaramdam ng kaba. Di ko alam kung kinakabahan ba ako sa dagger na muntikan ng tumama saakin, o dahil sa lalaking kaharap ko na halos yakapin na ako sa mga bisig nya.







I heard him hissed. Tinanaw ko ang mga gangsters sa paligid, at halos pasukan na ng langaw ang bibig nila sa gulat. May nakita ako'ng shuriken na papatama sa gawi ni Jehan kaya dinantay ko ang dalawang braso ko sa leeg nya, at pinayuko sya habang yakap-yakap pa din ako.







Nagsimula'ng magsitayuan ang mga gangsters sa paligid habang lumilinga-linga sa paligid. Naaalarma ang mga ito sa sunod-sunod na paghagis saamin ng shuriken at dagger mula sa di nila matukoy na dereksyon. Napahinga ako ng malalim dahil di ko napansing sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't-isa.





We're looking at each other's eyes. Shit, good thing I have a mask. Dahil kung wala, makikita nya ang pamumula ng mukha ko. Goddamnit! Lara Quinn Miranda just blushed!





Naalarma kaming dalawa nang makaramdam kami ng matulis na bagay na papalapit sa dereksyon naming dalaw. He held my waist, and lift me up. Inikot nya ako pakaliwa kung saan nagmula ang matulis na dagger. Tinaas ko ang kaliwang paa ko at sinipa ito pabalik gamit ang boots ko. Binaba nya ako kaagad habang nakahawak ang magkabilang kamay nya sa bewang ko.





"What the fvck is going on?" I heard him cursed. Napakunot ang noo ko, ano nga ba ang nangyayari?






"3o'clock 90° South" bulong nya. Hinigpitan nya ang pagkahawak sa bewang ko at inangat na naman ako. Hinagis nya ako sa ere kaya nagets ko na kung ano ang gusto nya'ng gawin ko. Lumingon ako sa likod, dalawang kunai naman ang papalapit sa gawi namin. Isang metro ang distansya nila sa isa't isa kaya mahahabol ko pa ang bilis.








Sinipa ko pabalik ang unang kunai kaya tumalsik ito pakaliwa. I manage to flip myself in mid-air, bumwelo ako at sinipa pabalik ang pangalawang kunai. Sa di ko inaasahang pangyayari ay sinalo ako ni Jehan pagbaba ko. Napakurap ako, bakit ang lakas ng epekto nya saakin ngayon?







Binaba nya naman ako. Sabay kami'ng napalingon sa announcer na si Lavender. Bakit kalmado ang mukha nya? Di ba dapat natataranta na sya dahil may umaatake saamin? I rolled my eyes when I realized something, kanina pinaglalaban kami laban sa isa't-isa. Ngayon naman nagkakampihan na kami'ng dalawa.








He's trying to test both of us. Dahil di sa lahat ng pagkakataon magkakampi ang Empress at Emperor. Dad's brain is really complex. He got me controlled like shit. Sinasadya nya ang nangyayari ngayon.





Napatingala kami nang may magsihulugang mga tali. Pagkatapos ng ilang segundo ay may nagsibabaang mga lalaki na nakaitim. Nakamaskara din sila'ng lahat. Napaatras kami'ng dalawa patungo sa bahagi ng Arena kung saan kokonti lang ang mga lalaki'ng nagsibabaan. Paatras kami ng paatras samantalang sila ay lapit ng lapit.






They're about 10-15 in numbers, no weapon but bare fist. I saw in my peripheral vision how the Emperors stood up. Mukhang naalarma sila sa nangyayari sa loob lalo'ng-lalo na dahil nasa loob ang leader nila.






"What the hell is going on!? Is this part of the Gang Clash!?" -I think that was Jam, base on his voice.






Napalingon ako kay Jehan, nakatingin pala sya saakin kanina pa. Para'ng nakikipagusap saakin ang mga mata nya kaya sinubukan ko'ng intindihin kung ano ang ibig nya'ng ipahiwatig. Napansin ko'ng medyo naka bend ang tuhod nya kaya napatingin ako dito. Oh, I get it.






Hinawakan ko ang balikat nya sabay patong ng kaliwang paa ko sa tuhod nya. I raise my right foot and kick the first guy who attempted to attack us. Bumaba kaagad ako mula sa tuhod ni Jehan at tumayo ng maayos habang nakafighting stance.







Naramdaman ko na lang ang likod ni Jehan na nakasandal sa likod ko. We're both in a fighting stance facing them, with our backs touching each other.





"I got your back" I whispered.





"Same here" sagot nya.





"Give me a hand dude" I said. Pinagkrus nya ang kamay nya at hinawakan ang magkabila ko'ng pulsuhan. Bumwelo ako at tumalon. Parang bagyo'ng hinambalos ni Jehan ang katawan ko kaya malakas ang impact ng sipa ko. Sunod-sunod ko sila'ng pinagsisipa sa dib-dib kaya napapatalsik ang iilan sa kanila.







Binitawan ako ni Jehan kaya tinukod ko ang kamay ko sa sahig para di ako masubsob. Inangat ko ang tingin ko at nakikipagsuntukan na si Jehan sa mga lalaking naka maskara.





Rock n' Roll!


JEHAN'S POV


I hissed, anong pakulo na naman ba to? Umiwas ako at sinuntok ang isang lalaki sa panga nya. He fell flat on the floor with his mask off his face. I tilt my head, this asshole is familiar. I'm sure I saw him somewhere around here. I slide my foot to trip another guy, and I succeeded. Nang mapahiga ito sa sahig ay agad ko tinanggal ang maskara nya.




That's when I saw Clint's face. He's one of my trusted underling. Just what the hell is going on? He smiled at me and positioned to kick me, umiwas ako kaagad. Seriously? Napalingon ako saglit sa babaeng kalaban ko kanina, she's busy throwing punches and several kicks to her opponent. Kung kanina magkalaban kami, ngayon naman ay nagtutulungan pa kami'ng dalawa.






I turn around and give a swift kick to another guy. That's why the announcer is not panicking about these intruders, dahil myembro lang din sila ng Gangster Society . The big question is, why the hell are they doing this? Why are they fighting against us?




Dahil napatumba ko na lahat ng nagtangka'ng kumalaban saakin, napatingin ako sa babaeng parang naglalaro lang sa pakikipaglaban. She's actually fighting 5 opponents at once. Pinaiikutan sya ng mga ito. Her punches are different this time, she's being aggressive.







I tilt my head as I look at her defend and attack, her fighting style reminds me of someone. The way she attack the opponents in their vital points, and kick them hastily yet surely, she really rwminds me if her. I shook my head, pati ba naman dito sya pa rin inaalala ko? Damn! Get a grip of yourself Jehan!






I was amazed when she performed the tornado-triple kick. Magaling sya'ng magbalanse ng katawan nya sa ere. Tornado-triple kick requires great balancing and power. Nakaya nya, that only proves she's nothing like ordinary.







"My greetings for everyone"






Natigil ang labanan na naganap. Lahat ay napatingin sa bulwagan kung saan nagmula ang malarobot na tinig ng Emperor.





"I assumed all of you are confused. Let's not jump into conclusions."




Tahimik ang lahat habang nakikinig sa kanya. He sure has some explaining to do. Lalo na sa nangyari ngayon sa Gang Clash.







"I have a special announcement in each one of you. I will introduce the next Empress and Emperor in line"






Nagsimulang magbulungan ang mga gangster sa paligid. Nagtaka naman ako, that means he's planning to let go of his position in the Gangster Org? Bakit naman? Wala naman kami'ng nakikitang problema sa paraan ng pamamalakad nya. In fact, we are even thankful he was the Emperor. Everything was in peace and order because of him. Kung aalis sya, sino naman ang papalit sa kanya?






"The next Empress and Emperor are right before your eyes"





What? Napalingon ako sa gawi nila Jam at halata ang gulat sa mga mata nila. Ganun din ang iba pa'ng gangster na tila gulat na gulat. May iilan pa sa kanila na tinuturo ako at ang babaeng kasama ko.






"The next Empress and Emperor are right before your eyes"





Does that mean it's me, and this woman right beside me? What the fvck? Are you serious!?




"Yes. You're right. The two of you, First"



"Kilala natin kung sino ang Emperor, di ba delikado yun?"






"Yeah. Unlike our present Emperor Zeus , kelan man di pa natin nakikita ang mukha nya. Pero si First nakita na natin, kilalang-kilala nating lahat!"






"Ang di lang natin kilala ang Empress. Nakita mo naman siguro na magaling din sya, at kaya nya'ng makipagsabayan kay First"





"Being an Emperor is a huge responsibility Sir, please give me time to think about it" I replied.




"Is three days enough?"





I nod. That's more than enough. I exited the platform and went out the Arena, but before that, our eyes met. I will remember her, especially her eyes, the green-eyed Empress.





Lumabas na ako ng Golden Steel Parlor at hindi na ako sumabay pa ki'na Jam. Everything is still processing in my head. I don't know if I can be a good Emperor for them. The pressure is on me, shit.



LARA'S POV

I look at myself in front of the bathroom mirror.

Tinanggal ko na ang bangs ko dahil pinapatanggal ni dad. Mukha daw kasi ako'ng barbie doll tingnan. Inosente at cute daw ang dating kaya ayaw nya. Mas maangas daw ang fierce para malaman na nila na di basta-basta ang kakalabanin nila. Baka daw kasi may mabugbog na naman ako at punuin ko na naman ang Hospital na pagmamay-ari namin.







I also dyed my hair blonde pagkatapos na pagkatapos ng labanan na naganap kagabi. Di din ako umuwi sa dorm dahil dito na ako sa mansiom na tulog. Matapos ko maghilamos ay lumabas ako ng banyo at dumeretso sa mini-library ni dad kung saan ang office nya.Kinatok ko ang pintuan at sinandal ang likod ko dito.








"Dad alis na ako! Babalik na ako ng dorm!" Narinig ko'ng may bumagsak na bagay na parang mga libro na nagsihulugan. Nangunot ang noo ko, binuksan ko ang pinto at nakita ko sya'ng nagmamadaling pumunta saakin. Pfttt~







"Aalis ka na?" Napailing ako. He's acting childish again. I punch him in his right shoulder.






"Yeah. I'll go ahead" ginulo nya ang buhok ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. He often does that, messing my hair like I'm a little kid.





"You look like your mom with your hairstyle. I love it! " he said as he hugged me. Di ko sana sya hahayaang yakapin ako, but what he said caught me off guard . I look like mom?





"Sige, mag-ingat ka" he broke the hug and lead me out the mansion. Pinasakay nya din ako sa black BMW at pinadrive dito ang dati ko'ng butler.




Pagdating ko sa Corrigan University ay wala pa'ng pakalat-kalat na mga estupidyante sa hallway. Malamang sa alamang tulog pa ang mga yun dahil kakasikat pa lamang ng araw. Pumunta ako sa dorm at agad pumasok sa loob. Wala pa naman siguro'ng gising sa kanila sa mga oras na to.




"What the fvck!" Napamura ako ng pagkalutong-lutong dahil mukha kaagad ng pito'ng lalaki ang bumungad saakin. Jesus Christ!





"Ano ba! Nanggugulat ba kayo ha!?" Singhal ko habang hawak-hawak ang dib-dib ko. Nakatingin lang silang pito saakin na para'ng may sampu ako'ng ulo.





"Where have you been?"-Jehan



"Bakit di ka umuwi kagabi?"-Xael



"Don't tell me nakipagtanan ka?"-Jam



"O baka naman inubduct ka ng alien?"-V



"O di kaya nakipagbasag-ulo ka na naman?"-Rio



"Or naglasing buong gabi?"-Justine



Napatingin ako kay Seth na tulog. Buti pa ang isa'ng to wala'ng sat-sat! Kamusta naman sila'ng anim na dada ng dada diba?





"Sa bahay na ako natulog dahil malakas ang ulan kagabi" I said as a matter of fact. It's half true and half lie. Malakas naman kasi talaga ang ulan kagabi, pero bukod duon sinadya ko talaga'ng wag muna umuwi dahil kukulayan ko pa ang buhok ko.





"Wait woaah! You look stunning!" Mangha'ng sabi ni Jam. Nangunot naman ang noo ko.




"Holy shit! Bakit mo tinanggal ang bangs mo? Mas lalo ka naging cute! Whaaa~"-V





"Mas delikado sya tingnan. Haha!" -Xael




"Shut up you guys. Where were you last night?" Jehan





Nasaan ako? Ako lang naman ang babaeng nakipaglaban sayo kagabi. Ang babaeng susunod na magiging Empress. May angal ka?






"Eh kayo? Saan kayo galing kagabi?" Nagkatinginan naman sila'ng anim. Nagising din mula sa pagkakatulog si Seth.







"May pinun...." sasagot na sana si Jam nang bigla'ng sumingit si Jehan.






"Ako ang una'ng nagtanong sayo kaya ako ang una mo'ng sagutin" he said with a glint of coldness in his voice.







Napahawak ako saglit sa puson ko nang makaramdam ako ng kirot. Sinandal ko ang kamay ko sa headrest ng couch. The hell, don't tell me....






"Oh shit" namilipit na ako sa sakit. Nataranta naman sila'ng pito dahil sa biglaan ko'ng pagdaing.






"Hey, what's happening?" Nilapitan ako ni Jehan pero di ko sya pinansin. Namimilipit ako'ng tumakbo papunta sa banyo. Kumaripas din sila ng takbo upang habulin ako. Naririnig ko pa ang mga mura nila na animo'y natataranta kung ano ang nangyari saakin.







Muntikan na nila ako'ng mahabol kung di ko sinara ang pintuan. Sunod-sunod na katok kaagad ang narinig ko. Tangina, bakit ngayon ka pa dumating!?







"Fvck! Open the door Lara! What the hell happened to you!" Rinig ko'ng sigaw ni Jehan.





"Teka! Wag mo sabihing buntis ka at nagka cramps ang tiyan mo!?" -Jam




Tang---



"Oh my God! Buntis ka!? Ang galing mo Jehan! Whaaaa! Ninong ako ha???" Gatong ni Justine. Gago!






"Sino'ng buntis!? Are you out of your mind!?" Singhal ni Jehan.




"Huh? Hindi kayo nag Ohh-Ahh-Ohh-Ahh?" -Jam


Gago talaga ang isang to.





"D-di kaya a-ano...." nauutal na sabi ni V.





"ANOO!?"





"N-nabaril sya sa..."






"Tangina nabaril saan!?" -Seth





Teka sino'ng nabaril!?



"Sabi kasi ng mom ko kapag daw masakit ang tyan ng babae baka nabaril daw sya sa ano-!" Nangunot ang noo ko. Nabiril sa ano? Ano'ng ano?






"Nabaril sa ano!?" -sila





"Alam nyo na yun! Nabaril sa ano kaya dumugo yung ano!"






"Ha!?"





Sinandal ko ang likod ko sa pinto habang namimilipit sa sakit. This is why I hate being a woman, I don't want to experience this pain. Barilin nyo na lang ako o saksakin, mas kaya ko pa ang sakit na yun kumpara dito. Ang ganito'ng sakit ay di magagamot, di mawawala.





"Gago! Ano'ng nabaril sa ano!" -Rio




"Ano ba tawag dun? Red shot? Red Blood? Ay, may blood ba'ng blue? Eh? Bad blood? Basta may blood!" Narinig ko'ng pinagbabatukan nila ito dahil sa kaabnormalan nya.





Red shot? Pfftt! Shit, ang sakit talaga!





"Lara ano ba'ng nangyayari sayo jan!?" Halos sirain na ni Jehan ang pintuan sa kakakatok nya.




"Shut the fvck up, and buy a fvcking napkin! You idiot!" Singhal ko. Natahimik naman ang mga ito. Narinig ko na lang ang mga tunog ng paa na nagsitakbuhan palabas ng dorm.



Urgh. Damn this red shot!Iba'ng-iba ang ugali ko kapag may dalaw ako. I'm warning you guys, I'm dangerous, but I can be more dangerous at this state. Oh God!



JEHAN'S POV

"Ano'ng brand ang bibilhin natin?" -V



"Yung Modess na lang! Diba si Laiza nag endorse nun?"-Justine




"Eh! Whisper na lang! At least comfy yun saka di makati!" -V




"Bakit mo naman alam? Nag try ka na?" Pambabara ni Seth.




"Mukha ba ako'ng nagna-napkin? Kay mommy yun noh! Ako kaya tagabili ng napkin nya! Hmp!"





"Sister para mahaba! Diba first day nya ngayon?" -Jam





"Piliin nyo na lang ang dapat" -Xael





I rolled my eyes. Dinampot ko lahat ng pad na nakita ko. Whisper overnight, Moddess, Sister, Charmee at kung ano pa'ng brand na makita ko. I don't know what kind of brand she likes, mas mabuti ng bilhin ko na lahat para makapamili sya. I don't even know why the fvck am I even doing this shit.



"Ang swerte naman ng girlfriend nila noh?"




"Oo nga! Ang gwapo nila'ng lahat! "




"Nakakilig siguro maging girlfriend nila! Kyaaahh!"




"Sana may mga lalaki pa'ng gaya nila!"



"Jehan eto'ng Whisper na lang bilhin natin!" -V


"Sister!"-Jam


"Modess nga kasi!"-Justine



"Ulol. Nasa counter na si Jehan tanga!" -Seth



"Hahahaha!"-Rio



Matapos ito i-pack ng babae ay kinuha ko na ang paperbag at lumabas na ng 7/11 kasama ang anim. Pagdating namin ng dorm ay agad ko'ng kinatok ang pinto ng bathroom.






Binuksan nya ng konti ang pinto at nilabas ang ulo nya habang nakatago ang katawan nya sa likod ng pinto. Inabot ko ang paper bag sa kanya. Kinuha nya naman ito at tiningnan ang loob. Nang makita nya ang laman ay kaagad nangunot ang noo nya.






"Bakit sobrang dami!? Ano'ng gusto mo itapal ko lahat ng to sa panty ko!?" Singhal nya saka pinagbagsakan ako ng pinto. Mariin ko'ng pinikit ang mata ko. That woman! She's really a pain in the ass!







Dahil matagal-tagal pa sya sa loob, umupo na lang muna kami sa couch. Nothing's gonna happen to her right? I mean she's just on her red days. Naririnig ko lang na pabago-bago ang ugali nila. They call it moodswings or what,basta iritado daw sila palagi. Oh well....






*BLAG*


Malakas na bumalibag ang pinto kaya sabay kami'ng napalingon sa pinto ng banyo. She barged out in the door, with her hair messy as fvck. Her eyes are smiling, and her red lip is a little bit parted. She shoved her hair from her face, and bit her lips.





"Been a bad girl, I know I am, and I'm so hot, I need a fan. I don't want a boy, I need a man" she wink and eyed us seductively.






Nagaktinginan kami'ng pito. V's right, she's on her Red Shot! Akala ko pag lasing lang malakas ang tama nya, hindi pala. This woman is not just a pain in the ass!




She's a warning, and Godammit! She reeks danger!



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro