Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33


Chapter 33. Kidnapped

____________



As I was walking in the hallway, I can't help but to roll my eyes in annoyance. These girls are eyeing me like I have horrible nine heads or something. Napalingon ako sa pitong lalaki na kasabay ko sa paglalakad. Napairap ako sa kawalan, bakit ba kasi nagkasabay pa kami ngayong araw sa pagpasok.



"Diba si IU yan?" Nangunot ang noo ko. IU? Are they perhaps pertaining to Irish? Irish Uella-IU. I hissed, of course she's famous in her former school.





Kung dati ay naiirita ako'ng mapaligiran ng lalaki, ngayon ay naiirita ako sa mga babae. Lalo'ng lalo na dito sa babaeng katabi ko at sa mga babaeng parang taeng pakalat-kalat dito sa hallway. Isa pa, mas lalo ako'ng naiirita sa mga bulungan nila. Bubulong-bulong pa e rinig na rinig ko naman.




"Who is she?"


"Hindi ko nga din kilala e, di naman yan taga school diba?"


"Pero pamilyar saakin yung mukha nya"



"Oo nga pala! Sya yung babaeng astig sa youtube!"




"Tch. What a bitch"



"She's the grade 12 kick out remember ? Pariwara na yan sa buhay"



I scoffed, makapariwara to sa buhay parang napakadisente ng pamumuhay nya. Tinitigan ko muna sya mula ulo hanggang paa bago irapan. Sino ba ang mas pariwara saaming dalawa e mukha nga sya'ng ginahasa sa buhok nya.




"Kyaaah! Diba Jehan pangalan nya? Yung anak ng may-ari ng school!?"






"Yep! Ang gwapo nya noh ?"





"Bes, nakafling ako ni Jam"




"Weh? Swerte mo naman kung ganun!"



"Yes! I remember how he kissed my lips! Shit!"



"Cute ni V"




"He looks adorable"




"That's Seth right? Kahit mukha sya'ng suplado ang gwapo nya pa din!"




Isa pa sa ayaw ko kapag madaming babae, grabe makapagbulungan. Kala mo naman ikinaganda nila ang pagbubulong-bulungan sa mga kaekekan nila sa buhay. Di ba nila magawang itikom ang mga bibig nila? Tss.





"Kyaaah! Justine smiled at me!!!"




"Ang cool ni Rio!"



Dahil rinding-rindi na ako ay lumihis ako ng daanan para di ko na sila makasabay sa paglalakad.




"Laraaa~ Saan ka punta ?" Di ko pinansin si V at dare-daretsong naglakad. Actually, wala pa sa ayos ang pasok namin ngayon kasi inaayos pa lang ang schedule at class distribution. Puro aura lang naman tong mga babae ngayon dahil may Orientation.





Umagang-umaga pinapainit nila ulo ko. Tinapon ko ang bag ko at humiga sa damuhan. Nakahiga ako ngayon sa field habang tinatanaw ang kulay asul na langit. Mom, are you in there? Are you watching me right now? I smiled, I believe she's always with me wherever and whenever I go.




"Lalim naman ata ng iniisip mo" pinikit ko na lang ang mata ko at pinatong ang braso sa ulo ko.




"What are you doing here?" Di nya pinansin ang sinabi ko. Instead, humiga pa sya sa tabi ko . Kapal talaga ng mukha neto.





"Masama ba tabihan ang kaibigan ko?" Napangisi ako. Tinanggal ko ang braso ko sa ulo ko at nilinga sya.





"Kaibigan nga ba?" He chuckled. He crossed his two pointer fingers in the air and smiled at me.





"You can trust me" this time, ako naman ang napahalakhak. Really? How can I trust the guy who tried to bomb the parking lot? I don't even know what his reason was, and whatever that might be,I'm not planning to give a shit.




"Really?"





"I know what you're thinking, but hey, I have reasons" Nagkibit-balikat na lang ako. I'm not planning to care. Napatingala ako sa bag nya na nasa tabi ko lang, it's not that bad put a hidden device here right?






After all, I just wanted to know about his whereabouts. Malakas kasi ang kutob ko na may kinalaman sya sa isang Mafia, lalo na nung nabanggit saakin ni Jehan na may kinalaman ang SilverCrest Mafia sa planong pagpapasabog ng parking lot. I just wanted to confirm that he belongs there bago ko isagawa ang plano ko.





"Pero ikaw...." napatitig sya saakin kaya tinitigan ko din sya. "Sino ka ba?" Bumangon ako sa pagkakahiga at nakangising binilangan sya ng tingin.






"Sino ka ba?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Saglit naman sya'ng natigilan. I caught him off guard, and I'm sure something is going on his mind already. Pasimple ko'ng inabot ang bag ko sa tabi nya.





Pero di naman talaga yun ang pakay ko. Pinasok ko ang isang hearing device sa loob ng bag nya bago tumayo. Sinukbit ko ang bag ko at saka sya nilingon.




"Sino ka nga ba Vernon?" I whispered.





"W-what?"




"I din't say anything. See you when I see you" I smiled and waved my hand at him. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang isang earpiece at ikinabit ito sa tenga ko. Now I can hear anything.




SOMEONE'S POV

"You have to pay for putting the blame on me. I will take the chip that holds the truth. Vixen, you'll fall soon"



Nilukot ko ang papel na hawak ko at pinunit ito bago itapon sa basurahan. No, I won't let him take the chip. Kung kailangan ko ilibing hanggang kamatayan ang kasalanang ginawa ko, gagawin ko. Di ko hahayaang ibunyag nya ang katotohan. Di ko sya hahayaang sirain ang buhay na meron ako.





Aaminin ko'ng walang kapatawaran ang ginawa ko, pero sinugal ko na ang kaluluwa ko sa impyerno kaya wala na ako'ng magagawa kundi panindigan ang kasalanang ginawa ko. I won't let Prime Javis take the chip, if I need to destroy it, I will.




KIEL'S POV


"Aray naman Cloud! Dahan-dahan lang!" Napadaing ako dahil sa diin ng pagkakadampi ni Cloud ng cotton sa sugat ko.




"Sorry. Haha!" Nakagat ko ang labi ko dahil sa hapdi. I was lying when I said my wound is not deep and serious. Sa totoo lang ay may kalaliman ito kaya hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa din ang sakit sa kaloob-looban ko.





"Sira ulo ka kasi! Tinaguriang leader ng isang gang masyadong padalos-dalos!" Panenermon ni Greg.





"Paano na lang kung di kami dumating ni Ricky? Siguradong di lang saksak ang inabot mo!" -Cael




Napakamot batok ako, masyado kasi ako'ng kumpyansa sa sarili ko na kaya ko sya mag-isa. Di ko naman alam na pinagplanuhan nila kami. Our plan is to meet this anonymous dealer to confirm if they're only making us confuse about those blades in the Black Market. That was our goal, to know if they're only making us cpnfuse para mahirapan kaming tukuyin kung sino ang may-ari ng blade na yun.




Pero mas matalino sila. Alam nilang kakagat kami sa bitag. Alam nilang malalaman namin na sinusubukan lang nila kaming lituhin. Alam na din nila na magpaplano kaming makipagkita sa dealer. That was a perfect set-up to ambush our plans. They figured out how our mind and tactics works. Kaya nung araw na makikipagkita ako sa anonymous dealer, dose-dosenang mga mafia underlings ang nakasagupa ko.




At mismong ang dealer na nakaharap ko ang nakasaksak saakin. That little bitch, she's a woman for fvcks sake! Hubog pa lang ng katawan ay halatang-halata na. Iba na talaga ang mga babae ngayon, di sila dapat pa'ng maliitin dahil natatapatan na nila ang lakas ng mga lalaki.




"That was a trap in the first place" komento naman ni Jason habang nanonood ng palabas sa TV.





"Ang ikinakataka ko lang ay kung paano nila kadaling mapredict ang pinaplano natin" -Mike




"Siguro may spies sa Gangster Society, di naman mawawala ang mga traydor sa mundo" -Ricky




*KNOCK*KNOCK*KNOCK* 



May kumatok sa pinto ng Headquarters kaya tumayo si Ricky para tingnan kung sino ito.




"It's Rain" nilingon ako ni Ricky na parang humihingi ng permiso kung papapasukin ko ba o hindi. I sigh, alam ko'ng mag-aalala lang sya pagmakita nya ako'ng may sugat pero tingin ko maiibsan lang ang sakit na nararamdaman ko kapag nakita ko sya.





"Let her in" binuksan ni Ricky ang pinto at bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Rain. Agad din naman itong napawi nang makita nya ako'ng ginagamot ni Cloud.





"A-anong nangyari sayo?" Tapos na sa paglilinis ng sugat ko si Cloud kaya umayos na ako ng upo. Ang sakit pa din kapag gumalaw ako.




"Kiel naman, di ba sabi ko sayo mag-ingat ka lagi?" I smiled at her like I was saying sorry. Nagulat na lang ako nang umiyak sya. Shit!




Sinenyasan ko'ng umalis muna sila at iwan muna kaming dalawa dito. Sinunod naman nila ako at tahimik na lumabas ng sala.






"Hey, bakit ka umiiyak?"Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at hinawi ang iilang hibla ng buhok sa likod ng tenga nya. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya napangiti ako ng malawak.






"Ikaw kasi eee..." napahalakhak naman ako. Ang swerte ko talaga sa babaeng to. Kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sya.




"Don't worry, di pa naman ako mamamatay" hinampas nya ako malapit sa sugat ko kaya napadaing ako.




"Hala! Sorry! Sorry!" Pinaupo nya ako sa sofa at inangat ang shirt ko kung saan malapit ang sugat ko.




"Rain ah, minamanyak mo na naman ako!" Sinapak nya ako sa batok kaya napahalakhak ako. Isa pa to'ng pumapangalawa kay insan eh. Lakas makapanapak.





"Manahimik ka nga! Ang lalim naman nyan!" Inis na naiiyak nya'ng wika. Nakatitig lang ako sa kanya habang iniiyakan nya ang sugat ko. Most of you would think she's overreacting or stuffs like she's childish or what, but that makes me fall for her even more.





"Alam na ba yan ni Ate Lara?" I brushed her tears in her cheeks and laughed.




"Yeah. At kamuntikan nya lang ako barilin" namilog naman ang mata nya.




"B-b-barilin!?" Gulat nya'ng sabi. Tumango na lang ako. I know, we cousins are weird. Kumpara sa ibang magkapamilya, iba ang pakikitungo namin sa isa't isa. Haha




"G-gangster din ba sya gaya mo?" Umiling naman ako.





"Pero bakit sobrang cool nya? I mean, parang gangster din aura nya gaya mo?" That's exactly what I'm thinking about. Pero alam ko'ng hindi sya gangster dahil wala din naman ako'ng napapansing kakaiba sa kanya bukod sa taglay nya'ng lakas na ibang-iba kumpara sa ibang babae.





"Hindi ko din alam" may sasabihin pa sana sya nang biglang tumunog ang phone ko. Dinukot ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Four Zero Digits, the Gangster Attendant.





"Hello?"



"Is this Thorn?"



"Thorn speaking"



"The Gangster Emperor wanted to see you regarding your attempt to meet with the dealer"



Holy shit! I failed to do what I was supposed to do. Magagalit kaya sya saakin? I was supposed to give information about the Mafia Rippers who attacked us. Pero di ko nagawa dahil pumalya ang plano namin.




"When?"



"Tomorrow 7:35 pm, Gangster Lair. Bring your gang with you"




The call ended. Sometimes, being a gangster is really shitty. You'll see things in a lot more different way, your logical thinking and detective hunch is always triggered. Life is full of thrill being a gangster in action.



LARA'S POV

Inayos ko ang eaepiece sa tenga ko. Nakaupo ako ngayon sa cafeteria habang kumakain ng lunch. Ang iingay talaga ng mga babaeng to. Akala ko ba may mga class and ettiquete sila dahil galing ng oh-so-perfect-like-school. I rolled my eyes, nakakaasar lang.



Maiingay din naman ang mga lalaki habang kumakain, pero mas lumalamang ang ingay ng mga babae. Hello? Palangke ba to?



"You know what? Daming gwapo dito. Let's make landi to them kaya?" Napataas ang kilay ko. Ang arte, sarap nya'ng ingudngod sa kinakain nya'ng spaghetti.




"Oo nga. Maganda naman tayo! Kyaaah!" Napairap ako. Alam nyo yung face your fear diba? Subukan kaya nila humarap salamin and fear their faces? Kala mo mga payaso sa circus eh.




In-on ko ang bluetooth ng earpiece na hawak ko at kinonnect ito sa phone ko. Mabuti pa'ng makinig na lang ako sa music bago makinig sa mga kalandian nila.

Now Playing: Demons

When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold

When your dreams all failù
And the ones we hail
Are the worst of all
And the blood's run stale



Inangat ko ang tinidor at inambahan ang papapasok sa loob ng cafeteria. It was Jam, may kasama sya'ng babae at mukhang naglalandian silang dalawa.



I wanna hide the truth
I wanna shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide


No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come


Napailing na lang ako, pang-ilang babae na ba yan sa isang araw? Napangisi ako, hinagis ko ang tinidor papalapit sa gawi ni Jam. Pasimple ako'nf sumubo ng pagkain habang hinihintay tumama ang tinidor sa balikat ni Jam.





Di na ako nagulat nang saluhin nya ito. Inikot nya pa ang paningin nya sa cafeteria habang pilit na hinahanap kung saan nagmula ang tinidor na yun.



When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide




"Jam! Bakit may hawak ka'ng tinidor?" Takang tanong ni V. Inikot ulit ni Jam ang paningin nya hanggang sa dumako ang tingin nya sa gawi ko.




Hinagis nya pabalik saakin ang tinidor kaya napangisi ako. Dinampot ko ang mansanas sa tray ko at hinagis din ito pasalubong sa tinidor. Tumarak ang tinidor sa mansanas at nahulog ito sa mesa kung saan may kumakaing tatlong babae.




"What the hell?" Rinig ko'ng bulong nung isang babae. 



  Lumingon silang tatlo sa gawi ko kaya tinuro ko si Jam gamit ang kutsara na hawak ko. Nanlisik naman ang mata nung isang babae kaya napangisi ako. Ang pagbagsak kasi ng mansanas sa lamesa nila ay nagdulot upang magsitauban ang iilan sa mga baso at pinggan nila.



 Napatingin ako duon sa babaeng na kulay black ang damit. Di ko alam kung naiinis ba sya o hindi. Pero nakatitig lang sya kay Jam na para ba'ng tinatantya ito sa di ko malamang dahilan.




 Bigla na lang itong tumayo at seryosong naglakad papalapit kay Jam. That's the pride of being a girl on the right track, they never tolerate injustice like me.




 I put my left hand on my chin. Mukhang may magandang mangyayari ngayong araw na to. Pinanood ko silang dalawa na nagtitigan. 



 "What do we have here Miss Gorgeous? Can I be a help for you?" Tiningnan ito ni Jam mula ulo hanggang paa. He bit his lips and plastered his famous playboy smile. 



 Hindi ito sumagot kaya kinuha nya sa pagkakayapos sa braso nya ang babaeng parang lintang kanina pa kumakapit sa kanya.



 "We're done babe" kindat pa ni Jam. Di makapaniwalang umalis naman yung babae na halos mangiyak-ngiyak na.




 I rolled my eyes, Jam is really a jerk. Binaling nya agad ang atensyon nya dun sa babae at inikot-ikutan pa ito na para ba'ng sinusuri ang buong katawan nito. Kung ako jan sa babae kanina ko pa sya binangasan. Kung makatitig akala mo pati kaluluwa nakikita nya.



 "So ano? Do you want to be my new girlfriend?"



 "Gago ka ba?" His lips parted upon her remark. Kahit sila V ay namangha din sa ginawa nitong pagsagot kay Jam.



 "Haha. Seryoso ka ba ? Sinong gago?" Natatawang sabi ni Jam,pero may bahid itong pagkaasar.



 "Gago ka, at seryoso ako" malumanay nitong wika.



 "What the f--"



 "Murahin mo'ko tatamaan ka saakin" napatahimik si Jam kaya napangisi na naman ako. Nakaya nya'ng pqtahimikin si Jam, this girl has guts. Matapang sya.



 "Pinagbabantaan mo ba ako? Baka naman di mo kilala kung sino ang binabangga mo?" This time, seryoso na ang tono ng pananalita ni Jam.



"Ayaw ko ng gulo, gusto ko lang malaman mo na mag-ingat ka sa mga galaw mo dahil di mo alam nakakaperwisyo ka na ng ibang tao" 



"Ano ba'ng ginawa ko sayo Miss? Nagpapansin ka ba ha? Sabihin mo lang kung gusto mo ak--" bago pa nito mapatapos ang kanyang sasabihin ay nakatanggap sya ng isang malutong na sampal mula dito.



 Napatayo mula sa kinauupuan nila ang dalawang babaeng kasama nung babaeng sumampal kay Jam. Di mo din maikakaila ang pagsisinghapan ng mga babae at lalaki dahil sa pagsampal nito. Kung ako tatanungin, bagay lang kay Jam ang masampal. Baka sakaling tumino sya pag nasampal.



"Rose!" Sigaw nung babaeng singkitin ang mata. So her name was Rose? A flowery name for a sassy girl like her.Nilingon naman sya ni Rose.



 "What?"



 "Get a grip of yourself Rosé, we're not in our territory" maawtoridad na wika nito. 




"I know but he's acting like a jerk Jennie, that's not right" Rose replied.



Lumingon naman ang babaeng nagngangalang Jennie duon sa isa pa'ng babae na kasama nila.




 "Pake natin kung pakboy sya? Supot naman lahat ng pakboy" sabi naman nung isang babae.




 Kumpra sa dalawang babae kanina, mukhang loka-loka ang isang to. Naaalala ko sa kanya si V na wagas kung ngmiti. Pag magsama siguro ang dalawang to katapusan na ng mundo. Isu-suggest ko na talagang sa Pluto sila ipatira.



 "Tumahimik ka nga Jessy!" Saway ni Jennie dito. Tinikom naman nya ang bibig nya at umaktong zinniper ito.



 "Did you just slap me? Anong karapatan ang meron ka para sampalin ako!?" Taas noo naman itong hinarap ni Rose.



 "Karapatan ng isang babaeng sampalin ang sino mang lalaking magtangkang bastusin sya!" Paninindigan pa nito. Wise words. 



"Binastos ba kita? Hinawakan ba kita? Dream on bitch" duon napantig ang tenga ni Jennie and Jessi. Parang biglang nag-iba ang aura nila. 



"Whom are you calling a bitch, you jerk fvckin' dickhole!" Malutong na mura ni Jennie. Kinagulat pa ng iilang myembro ng Emperors ang pagmura nito. That's why you shouldn't mess with an innocent looking girl, your tongue might bite you.



 "You better watch your tongue, baka mawalan ka nya'n mamaya" bored na wika ni Seth.  



  "Who are you? And why the hell are you poking your nose in someone else's business?" She retorted. Speaking of Jennie, she has this accent na parang galing ibang bansa. And now that I meantion it, I think she's a foreign student. Maybe an exchange student?



 "I'm his friend, his business is my business too" -Seth



 "Wow! At kelan ka pa nagkaroon ng pake Seth?" Pambabasag ni V. 



"Ngayon lang V. At kung gusto mo'ng mawalan ako ng pake, umalis ka na jan bago pa kita ihagis pabalik sa Pluto!" Nag peace sign naman si V at nagtago sa likod ni Xael.



 "Oh I see? Friends with the same feathers flock together!" -Jennie


"So are you saying I'm an asshole like this guy?" Kunot noong turo ni Seth kay Jam na ngayon ay nakikipagtitigan kay Rose na parang nagpapatayan na sa isip nila.



 "Bakit, di ba?" Nagsukatan silang dalawa ng tingin. Tumahimik bigla ang paligid dahil sa pagtatagisan nila ng tingin. Like wtf? Titigan lang? Walang suntukan o sampalang magaganap? Ang boring naman!



 Inatras ko ang upuan ko upang tumayo kaya nakalikha ito ng ingay na naging dahilan upang mapalingon silang lahat saakin. I shrugged, all eyes on me. Timing na pumasok sa loob ng Cafeteria si Jehan kaya mas lalong tumahimik ang paligid. Naglakad ako papalapit sa gawi nila kaya tanging tunog ng boots ko ang naririnig nila. Taray noh ? Parang kay entrance ako dito, tangina.


 "Sino naman ya'ng si Ateng?



 "Bibida-bida na naman ang isang yan!"



 "Oo nga! Papansin!" 



"Pero bes taray! 5,999 ang boots na yan! "



 "For sure naman utang lang yan! Duh! Mukha naman sya'ng trying hard to look rich!" Nakunot ang noo ko. Kung isampal ko kaya sa mukha nya ng takong ng boots ko? Insicurities has no cure bitch, stage 4 ka na.



 Napalingon ang tatlong babae saakin pati na din ang mga Emperors. For a record, di naman talaga si Jam ang may kasalanan ng lahat. Saakin nanggaling ang apple, sa kanya galing ang tinidor. The two of us are at fault, isang patawad lang naman ang hinihingi ng tatlong yan pero di magawang ibigay ni Jam dahil sa pride and ego nya.




 Tumigil ako sa harap nila. I crossed my arms and tap my boots on the ground repeatedly. Siniko ni V si Jam kaya taranta itong napatingin saakin. I eyed him saying he should say his apologies, but he gave me gazes like saying he's not planning to say anything. Ginulong ko na lang ang mata ko at hinarap ang tatlong babae.



 "I'm sorry, it's actually my fault. Saakin nanggaling ang mansanas" I explained. 



"Apology accepted, pero dapat magsorry ang lalaking yan sa pambababastos na ginawa nya kay Rosé" -Jennie 



"Tingin nyo ba talaga magso-sorry ako? You wish!" Binangga ni Jam ang balikat ni Rose kaya napaatras ito. Pumunta sila sa lamesa kung saan ang usual na special table ng Emperors. Ni sorry di nya magawa? Jehan the second din pala ang isang to!



 Sinundan ko silang pito papunta sa lamesa nila. Akmang lilingon pa ako sa tatlong babae nang may maramdaman ako'ng bagay na marahas na papalapit sa gawi ni Jam. Nang malapit na ito saakin ay saka ko ito hinarap at sinalo para di matamaan sa batok si Jam. Gulat na napatingin saakin ang tatlong babae, it was Rose who threw it. 



Di ko din naman sya masisi, masarap naman talaga patayin to'ng si Jam. Isang pirasong chopstick ang hinagis nya, at kung di ko iyon nasalo ay malamang tumama na ito sa batok ni Jam na magiging dahilan upang ito ay mawalan ng malay.



 "What the fvck is that girl thi--" tatayo pa sana si Jam nang pigilan sya ni Jehan sa pamamagitan ng pagbagsak ng kutsara sa lamesa.


 "Calm down and eat" seryoso nitong usal. Nilapag ko ang chopstick sa lamesa at nilingon ang tatlong babae na ngayon ay palabas na ng Cafeteria.



 I smirk, those three are something. Kinulbit ko si V kaya napatingin sya saakin habang subo-subo ang spag, may sauce pa'ng nakakalat sa gilid ng labi nya. Parang bata lang.



"Yes?"



 "Can you do me a favor?"



 "In one condition" he smiled smiling like an idiot. I rolled my eyes at him. 



"What condition?"



 "Let's have a friendly date" he said smiling widely. I nod, friendly date lang pala e. 



"Fine"



 "Then what's your favor?" He said excitedly. 



"I want you to give those three a Third Day Curse" nabilaukan naman sila sa sinabi ko. 



"Give what!?" -V I rolled my eyes once again. I always hate repeating myself, but since it was me who's asking for a favor, then I'll be patient.



 "Give them the Third Day Card" he look at me with a confuse face. 



"Don't ask, just give them" 



"Oo nga naman, para makaganti din ako" nakangising sabi ni Jam.



 "Paano pag kutusan ako ni Tita Lexis?" Pagaalanganin ni V. I gave him an assuring smile.



 "Di ba sabi nyo it was a tradition? Why break it off?" He plastered his oh so playful smirk. That's right, V is on the mood.



 "Yeah right" he grinned. Alam ko nagtataka kayo kung bakit pinapabigyan ng Third Day Curse ang tatlong yun. Simply because those three aren't normal. Not a normal student I might say.



Nag ring ang phone ko kaya kaagad ko itong sinagot. It was from Kiel. Bakit na naman tapatawag ang isang to? Baka mangungutang na naman. Dantg, nakailang libong utang na ang isang to! Kala mo naman nagbabayad! Kung di ko lang pinsan to ay malamang pinatiwakal ko na to.



"Oh?"



"Nasa labas ako ng school nyo. I need to talk to you" 



Saglitan ko'ng inilayo ang phone sa tenga ko. Oh talaga lang ha? Anong kailangan ng isang to? Nag-usap na naman kami kahapon kahit mukhang di naman talaga matino.



"Ano'ng meron?"



"Nothing. Just get out"



I shrugged. Nagpaalam na din ako sa Emperors na lalabas lang ako saglit. Wala naman sa ayos ang pasok so it's not a big deal of a shit. Nang makalabas na ako ng gate ay napataas ang kilay ko dahil ni anino ng pwet ng taong yun ay di ko makita. That's weird, pag malaman ko talagang pinagloloko nya ako babangasan ko sya.




Out of the blue, I was taken aback when I smelled a dizz-fvckin' odor. The road is clear, no one is around--who the hell called me? Paglingon ko ay sumalubong sakin ang isang itim na panyo. I closed my eyes when the smell hit my nose. Vertigo Scent, shit! Who the hell planned for me to get kidnapped?




I swear to hell,  they kidnapped the wrong person!





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro