Chapter 26
Chapter 26. Kissed
______
"Whaaaaa! Ayaw ko na!" Napangisi na lang ako nang makita ko'ng halos maiyak na si Irish dahil pumasok na naman sya'ng basa ang buong katawan. Ilang beses na ba to'ng naligo sa isang araw?
Unlike Ten, di ko sya tinulungan. Ganun din si Lance na takbo lang ng takbo sa bawat estudyante na magtatangkang kunin ang card sa kanya. Irish is a girl, kahit papaano ay di sila masyadong agresibo sa kanya. Pero nandoon pa din ang kagustuhan nilang kunin ang card.
"Nagtransfer ka dito kaya panindigan mo yan" bored ko'ng sabi habang naglalaro ng piano tiles sa phone ko. Sabado ngayon at walang pasok, sana di na sya lumabas pa ng dorm. Eh lumabas sya, yan napala nya.
"May tradition ba talagang ganto? Sumusobra na sila! Bakit di man lang sila pinipigilan ni Tita Lexis?" Padabog sya'ng pumasok sa kwarto ko----na kwarto na nya ngayon. Binagsak nya pa ang pinto kaya napabangon ako sa sofa. Iginulong ko ang mata ko at naglaro na lang ulit.
The Emperors are not here, maybe nagreport pa sila sa Gangster Society or may ginawa lang silang di ko alam. Wala naman akong pake sa kanila at sa kung ano mang ginagawa nila. Kaming dalawa lang ni Irish ang naiwan dito. Ang galing nila diba? Bilin sa kanila ni Tita Lexis na bantayan kami'ng dalawa pero umalis naman sila at walang naiwan.
Nagsawa na ako kakalaro ng Piano Tiles kaya napagpasyahan ko'ng umakyat muna ng rooftop para magpahangin. Actually, ang room lang namin ang may hagdan papuntang rooftop, request daw kasi ni Jehan yun dahil gusto nya'ng nagpapahangin. Sinabihan din ako na di ako makakapunta ng rooftop dahil nakalock daw yun at si Jehan lang ang may alam ng code.
Wala ako'ng pakeng umakyat ng hagdan papuntang rooftop. Let's see if kaya ko ba'ng malaman ang codes na nilagay nya. Pagdating ko sa pinto ay bahagya ako'ng napasinghal. Bakit ganito ang style ng pinto ng rooftop? Parang lock ng isang volt! Wow ha! Bumaba ako ulit ng hagdan at pumasok sa kwarto ni Jehan.
Oo nga pala, Ilang araw na din ang nakalipas simula noong nalason ako. Sa iisang kwarto lang kami ni Jehan natutulog, and guess what!? Ako ang nakatulog sa couch! Ang mahal nyo'ng Jehan ang nasa kama palagi! I understand I'm just sharing rooms with him and I have no rights to complain, pero kasi napaka gago nya talaga. Napatingin ako sa kama nya.
Di nya man kinonsider na babae ako! Ni minsan di nya ako pinahiga sa kama nya! Nakakabwisit! Inis ko'ng binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Nasaan na ba yun? Alam ko may dinala ako'ng stethoscope eh. Gusto ko nga kasi maging Doctor kaya may stethoscope ako. Pake nyo? Naghahanda na ako in advance eh.
Nang mahanap ko ito ay agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa rooftop. Nilagay ko ang earpiece ng stethoscope sa tenga ko at dinikit ko naman ang chestpiece sa steel na pintuan. Dahan-dahan ko'ng inikot ang lock ng pintuan habang pinapakinggan ang pag-ikot nito gamit ang chestpiece ng stethoscope. Apat lang ang code kaya madali ko lang sya'ng malalaman kung matalas lang ang pandinig ko.
Inikot ko ito ng inikot habang pinapakinggan ang pag-ikot ng pyesa sa loob ng pinto. Nang inikot ko ito sa number 9 ay nakarinig ako ng lagating sa loob kaya napangisi ako, the first number was nine. Inikot ko ang pangalawang lock at lumagating naman ito sa number 9 ulit. Nang inikot ko ang pangatlong lock ay lumagating ito kaagad, it's number 1. Ang pang-apat naman na lock ay lumagating sa number 3 kaya agad itong nabuksan ng tuluyan.
Tinanggal ko ang stethoscope sa tenga ko. His code was 9914, napangiti ako ng mapait. 9/9/14 is my mom's Death Anniversary, that's the exact date she died. Natawa ako ng mahina, nananadya ba talaga ang gagong yun? Tss! Pagbukas ko ng pintuan ay agad humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin.
Umakyat ako sa platform at umupo duon habang nakadekwatro.
Kitang-kita ko mula dito ang mga estudyanteng parang taeng pakalat-kalat sa buong Campus. Idagdag mo pa ang mga babae'ng para'ng langaw na nasa labas ng gate habang hinihintay magsilabasan ang mga tae. Ang baho! Dito pa sila nagkalat!
Napailing na lang ako, higit na mas gwapo ang mga Emperors sa kanila pero may naging reaction ba ako? Tumili ba ako na parang tanga? Hindi! Sila lang yun! Parang higit sa isang siglong di sila nakakita ng lalaki ah!
Napayuko ako nang makita ko si Lance Asher. Tumatakbo sya habang hinahabol ng bata-batalyong lalaki. Kung di ko lang alam kung bakit sya hinahabol, iisipin ko'ng nababakla na sila kaya nila hinahabol si Lance Asher.
Tatakbo na sana sya pero pader na ang napuntahan nya, at walang-wala na sya'ng kawala. Nakalimutan ko din sabihin na ang pwesto ko ay nakaharap sa likod ng Dorm, so technically ay nasa likod sila ng dorm. Walang nagawa si Lance Asher kung di ang humarap sa mga lalaking hingal na hingal na humabol sa kanya.
"Tangina nagpahabol ka pa, wala ka ng matatakbuhan ngayon" rinig ko'ng sabi nung isang lalaki. I know him, he's the same person who tried to stab Ten with a knife.
Sya yung lalaking minaliit ako dahil protektado ako ng Emperors. Hindi pa din pala sya sumusuko sa pagsugod sa mga transferee para makuha ang Card. Desperado talaga sya'ng makagraduate. About Ten's Third Day Curse, sinukuan na din sya ng mga humahabol sa kanya dahil wala naman silang mapapala sa kanya. Isa pa, sinunog ko na ang Card na binigay nya saakin.
Pinaalam ko yun kay V, and I blackmailed him. Kapag tatanggalin nya ang Third Day Curse kay Ten, tuturuan ko sya sa Pre-Cal. Pumayag naman sya, so that's a deal. I also notice I keep on minding someone else's business, maybe I should keep my nose out of it. As much as possible ay ayaw ko ng mangelam sa mga problema nila.
"Ayaw ko ng gulo" mahinahon na wika ni Lance Asher. Binilang ko ang lagat ng lalaki na kaharap nya. They're 13, mahinahon pa sya sa lagay na yan ha? I tilt my head, sigurado ako may laban sya. Di sya magiging kalmado gaya ng inaasta nya ngayon kung wala sya'ng kalaban-laban.
"Ayaw din naman namin ng gulo kaya ibigay mo na saamin ang card" matigas na sabi nung isa. Card, card, card----isaksak ko kaya yan sa ngala-ngala nila? Wala na ako'ng narinig sa kanila kundi Card!
"Eto ba?" Tinaas ni Lance Asher ang hawak nya'ng Card kaya tumalima agad ang mga lalaki. Nakangising dumukot ng lighter si Lance Asher at sinunog ito mismo sa harap nila. Napangisi ako dahil sa ginawa nya. This guy has guts, matapang.
"W-what the fvck man! Bakit mo sinunog!?" Sigaw ng isa pa'ng lalaki at hinablot sa kwelyo si Lance Asher. Isang nakakapang-asar na ngisi ang iginawad ni Lance Asher sa kanya na mas lalo'ng ikinasama ng timpla ng mukha nya.
"Now what? Wala na kayo'ng makukuha saakin" sinuntok sya nung lalaki sa kanang pisngi kaya napaatras sya. Maangas nya'ng pinunasan ang konting dugo na tumulo sa gilid ng labi nya.
Pinanlakihan nya muna ito ng mata bago suntukin sa pisngi ang lalaking sumuntok sa mukha nya. Natumba ang lalaki at tumama pa ang likod nya sa bato kaya rinig na rinig ko ang paghiyaw nya sa sakit. Seryoso lang ang mukha ni Lance Asher kaya parang nakaramdam ng takot yung iba.
"Sinimulan nyo, gumaganti lang ako" humakbang papalapit si Lance Asher, samantalang nagdadalawang isip naman ang iba kung susuntukin ba sya o hindi. Yung iba sa kanila nagtakbuhan pero may iilan pa ding natitira.
"Hindi kami natatakot sayo" humakbang papalapit si Lance Ansher, sila naman ay umaatras. Di sila takot sa lagay na yan?
"Talaga?" Huminto sa paghakbang si Lance Asher at pinasok sa loob ng bulsa ng pantalon nya ang kamay nya. Mataman nya'ng tiningnan ang limang lalaking nasa harap nya.
I tilt my head, Lance Asher's serious look can kill. His aura looks dangerous. He's something I'm not sure of. Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko'ng may kakaiba na sa kanya lalo na sa paraan ng pagtitig nya. I didn't saw him in action by then, pero ngayon na nakita ko na sya, there's no doubt about it.
"I think it'll be better for you to go. Di ko alam ano'ng pwede ko'ng magawa sainyo" he's smiling, but his smile looks mischievous.
Dahan-dahang napaatras ang mga ito kaya pinilig ko ang ulo ko para makita kung ano ang pinakita ni Lance Asher. Nakaangat kasi ang shirt nya at parang may pinapakita sya sa mga ito. Tuluyan ng napaatras ang mga ito at tumakbo na lang papalayo. Naiwan naman si Lance Asher na nakatitig lang sa mga lalaking nagsisitakbuhan.
Bigla sya'ng lumingon sa gawi ko kaya tinaas ko ang kilay ko. Strong senses, ilang palapag ang layo ko sa kanya pero naramdaman nya pa din ako. Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya pabalik. Mukhang alam nya ata na kanina pa ako nakatingin sa kanila. Oh well, wala naman ako'ng ginawang masama kundi ang manood.
"Alam mo ba'ng pwede ka'ng mamatay?" Sigaw nya habang tinuturo ako. Napangisi ako, di ko alam kung ano ang tinutukoy nya.
"Bakit naman?" Sigaw ko pabalik. Napahalakhak naman sya.
"Paano pag mahulog ka dyan? Kababae mo'ng tao!" Ahh. Pwede pala ako'ng mamatay kapag nahulog ako dito, akala ko sya ang papatay saakin.
"Hindi naman ako mahuhulog"
"Paano pag may nakita ka'ng di mo dapat makita? Ikakamatay mo yun" tumayo ako sa platform at tinanaw sya sa baba. Nakangiti lang sya, parang gusto ko bigla burahin ang ngiti sa labi nya.
"What do you mean?" Nakangiti na din ako ng malawak ngayon, pero alam ko'ng di ngiti ang dating nun sa kanya.
"Malay mo may nakita ka'ng multo! Mamamatay ka sa takot!" Tumawa sya ng malakas kaya tumawa din ako. Nakakahiya naman pag sya lang ang tumawa, mapagkamalan pa sya'ng baliw.
"Basta mag-ingat ka jan, aalis na ako" winagayway nya ang kamay nya saka ngumiti bago sya tumalikod at tumakbo na kung saan mang lupalop sya papunta.
Bumaba na din ako ng rooftop. I'll be careful this time around, I won't trust anyone. Sinarado ko ang pintuan ng rooftop at binago ang code nito. Napangisi ako, tingnan natin kung mabubuksan mo to. Pagbaba ko ng hagdan ay napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko'ng may kausap sa phone si Irish.
"Yes dad. Of course, I'll be careful" I crossed my arms, sinandal ko ang ulo ko sa pader at nakinig muna sa usapan nila. I'm not eavesdropping, kasalanan na nila yun dahil pinarinig nila.
"I already saw him. U-huh. Parang di nya nga ako kilala eh" kumuha ako ng lollipop sa bulsa ko at binalatan ito bago isubo sa bunganga ko. So she's talking with her dad, she sounded so happy and excited. Parang ilang taon na nya'ng di nakausap.
"Don't worry dad, I'm sure they won't suspect me" nagkasalubong ang kilay ko. They won't suspect her? Sino ba tinutukoy nya?
"Yeah, love ya dad! Bye!" As soon as binba nya ang tawag ay lumabas kaagad ako sa kinasasandalan ko. Kamuntikan na nya mabitawan ang baso'ng hawak nya sa gulat.
"K-kanina ka pa dyan? May narinig ka ba?" Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Kunyare wala ako'ng narinig. Tss
"Bakit may dapat ba ako'ng marinig?" Pagtataray ko. Mukhang kumalma naman ang mukha nya kaya napairap ako. I know you're into something.
Pumaaasok ako sa kwarto ni Jehan. Kumuha ako ng damit ko sa drawer at nagbihis. Maglalakad-lakad lang ako sa labas. Sinabihan ako ni Jehan na wag ko daw iwan mag-isa si Irish dahil babae din daw sya at di nya kayang ipagtanggol ang sarili nya. Pero sino ba sya para sundin ko? Ano ako bodyguard ni Irish? Hah! Itlog nya square.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng Dorm. Suot-suot ko ang isang hanging blouse at shorts. Nag cap na din ako para cool. HAHAHA!
Nakapamewang ako'ng lumabas ng kwarto ni Jehan. Medyo napaatras pa ako nang bumungad saakin si Irish. Nangunot ang noo ko dahil nakabihis din sya, may pupuntahan din sya?
Aalis na sana ako pero bigla nya ako'ng hinarangan gamit ang pinagdipa nya'ng kamay. Tinaasan ko sya ng kilay. Ano ba'ng kailangan nya?
"What do you want?" Ngumiti sya saakin kaya napangiwi ako. I really hate her innocent-like smile, naiirita ako. Parang gusto ko'ng iumpog ang ulo nya sa pader.
"Can I go with you? Puhleaasee?" I shook my head, aalis na ulit sana ako pero hinarangan nya ako. Kaya naman ang ginawa ko ay lumusot ako sa baba. Lumabas na ako ng dorm at ramdam ko'ng nakasunod pa din sya saakin.
Paglabas ko ng gate ay nilingon ko na sya. Nag peace sign lang sya saka humabol saakin para sabay na kaming maglakad. Inayos ko ang cap ko, ano ba'ng gagawin ko para mawala sa landas ko ang babaeng to? Di porke babae din ako na nag-aaral sa CU ay aali-aligid na din sya saakin!
"Hala! Bakit dito tayo dadaan? Pwede naman duon!" Turo nya sa daan kung saan madaming dumadaan na mga tao. Dito ko kasi napiling dumaan sa isang eskinita. Pake nya? Eh may shortcut dito eh!
"Oh? Dun ka dumaan, wag ka'ng sumunod saakin" pairap ko'ng wika habang nilalandas ang eskinita. Ang nakakainis lang, nakasunod pa din sya saakin! Arrgh!
Pagliko ko sa kanto ay automatiko ako'ng napatigil sa paglalakad. What the hell are they doing here? Nagtago ako sa isang poste, pero napamura na lang ako nang mapansing nauna na palang naglakad saakin si Irish. Tangina! Sinilip ko sya, palinga-linga sya sa paligid na parang hinahanap ako. Babalik na sana sya pero huli na dahil nakita na sya ng mga kupal.
"Miss? Naligaw ka ata?" Inis ko'ng hinawi ang bangs ko. Pahamak talaga sa buhay ang babaeng to!
"H-ha? He-he-he" awkward na tumawa si Irish kaya napangisi sila. Walang patumpik-tumpik na hinawakan ng dalawa si Irish, ang natitirang tatlo naman ay nauulol na naman.
"A-ano'ng gagawin nyo?" I crossed my arms. Ramdam ko ang kaba ng boses ni Irish, parang alam na nya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya. Hayaan ko na lang kaya sya? Tutal kasalanan nya naman yan. Kung di sana sya sumunod saakin, di sana mangyayari sa kanya yan.
"What do you think?" I rolled my eyes. Eto ang mas maangas sa kanila, marunong mag english. Sa bagay may pinag-aralan din naman sila.
"May pera ako. Pera na lang kunin nyo" as if! Mayayaman ang mga yan, they don't want money. All they need was someone's body to release some stress.
Hinawakan sya nito sa pisngi kaya inilihis nya ang ulo nya para maiwasan ito. Sinampal sya sa kanang pisngi kaya kamuntikan na sya matumba kung walang nakahawak sa magkabilang braso nya. I arc my eyebrows, di pa din sila nagbabago. Nananakit pa din sila ng babae.
They're the students of Heirose Academy, isa sa kanila ang isa sa mga Shareholders ng school. Kilala sila'ng lima sa HA dahil pasiga-siga sila, walang sino man ang nagtatangkang banggain sila dahil hindi makatao ang paraan ng pagganti nila.
I never believed those words, kaya unang araw ko pa lang sa HA ay sinadya ko'ng gumawa ng gulo para maexpel ako agad. Timing na sila ang nakita ko kaya sila ang napagtripan ko. Sinadya ko'ng tapunan ng coffee ang leader nila. They told me to say sorry pero nagmatigas ako hanggang sa nagkagulo na. Binastos nila ako kaya nabugbog ko sila. They stayed in the hospital for 3 weeks.
Dahil dun, the School's Head Committee told me to stay out of their sight. Dahil sa susunod na magsumbong sila'ng nakita nila ako at sinaktan ko sila, ipapahold daw nila ang pag-aaral ko. I'm not scared, after all, my dad is way much richer than them. I can always be pardoned for my wrong doings because of dad. Umiiwas na lang ako sa gulo, alam ko din kasi na malaki ang galit nila saakin.
"We don't want your money babe" akmang hahawakan na nya si Irish nang bigla sya'ng tumilapon. Napataas ang kilay ko dahil sinipa sya ni Irish sa ngala-ngala. Buong pwersang binalibag ni Irish ang magkabilang braso nya kaya natumba ang dalawang nakahawak sa kanya.
I crossed my arms and blew my bangs. She began to throw punches and kicks on those jerks, and one thing I can say, polido lahat ng kilos nya. You won't even imagine this innocent and fragile looking girl is dangerous. I told you, looks can be quite deceiving. Pagkatapos nya itong mapatumba ay tumalikod na ako. Nakangisi ko'ng tinahak ang daan paliko sa kaliwang kanto. I got you there Irish.
Nakalabas na ako sa eskinita kaya malaya na ako'ng naglalakad ngayon sa gitna ng kalsada. Pinasak ko ang headset na tenga ko at cool na cool na naglalakad sa daan.
"Rockabye baby, Rockabye~" habang naglalakad ako ay pinipikit-pikit ko pa ang mga mata ko. I really like this song. It's a story of a mother who-----
Napatalon ako sa gulat nang may biglang bumusena sa likod ko. Inangat ko kaagad ang paa ko at buong lakas na sinipa ang harap ng sasakyan na yun. Nayupi pa ito ng konti kaya napangisi ako, hah! Di pa ako nakontento at lumapit pa ako sa drivers seat para hampasin ang bintana. Walang ya to! Eh kung nabangga ako kanina!?
"Tangina mo lumabas ka jan! Nakakasira ka ng araw! Lumabas ka pu---" natikom ko ang bibig ko nang bumungad saakin ang tila ba asar na mukha nya.
"Jehan? What the fu---" sinamaan nya ako ng tingin kaya di ko na naituloy ang sasabihin ko. Napatingin ako sa loob ng sasakyan, kasama nya ang buong Emperors.
"The fvck are you doing in the middle of the street? May balak ka ba'ng magpakamatay!?" Tinanggal ko ang cap ko at hinampas ito sa balikat nya. Wala ako'ng planong magpakamatay! Sya kaya patayin ko?
"Bakit ka nanghahampas!?"
"Masama? Masama manghampas!?" Hinampas ko ulit sya kaya sinangga na nya ang magkabilang kamay nya para di sya matamaan.
"Isa pa'ng hampas mo hahalikan na kita!" Banta nya. Hininto ko ang paghampas sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay, akala nya ba matatakot ako?
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya kaya nagulat sya. Nginisihan ko sya, 18 na ako pero wala pa akong first kiss. Tutal nan'jan na naman sya at gwapo naman kahit papaano, tatanggi pa ba ako? Saka alam ko namang di nya gagawin eh! Hinahamon ko lang sya.
Lumabas sya bigla ng sasakyan at maangas na tumitig saakin. Binuksan naman ni V at Justine ang bintana ng sasakyan para makita kaming dalawa. Nginisihan ko naman sya.
"Ano? Akala ko ba hahalikan mo ako? Akala ko ba totohanin mo? Eh hanggang sa--" hinablot nya bigla ang dalawang kamay ko at nilagay sa leeg nya. Nagulat ako kaya di ako kaagad nakapagreact.
Bago ko pa matanggal ang kamay ko sa leeg nya ay hinila nya ako aa bewang at marahan dinampi ang labi nya sa labi ko.
Naimulat ko ang mata ko. Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na to. Tumagal yun ng mga limang segundo. Humiwalay na sya saka ako nginitian ng nakakaloko. Pumasok sya sa sasakyan nya at pinaharurot ito kung saang impyerno man sya pupunta.
Nanatili lang ako'ng nakatulala dito habang nakahawak sa labi ko. W-what the fvck, did we just k-kissed!?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro