Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25


Chapter 25. Transferee

_________

JEHAN'S POV

"It's Naphthalene Poisoning. It's a bit complex dahil may iba pa'ng chemicals na hinalo"I hissed. SilverCrest Mafia keeps on fvcking my life up! Dapat ako ang humahabol sa kanila, pero bakit ako ang hinahabol nila? Sila ang may kasalanan saakin at di ako!





 "It's a good thing I still have an Antidote left" he added. Doctor Martin is the Gangster Society's Chemist, he's in-charge of the poison making and antidotes. It's a good thing nagawan nya ng Antidote ang Naphthalene Poisoning ng SilverCrest Mafia.




 "Bakit di pa sya gising?" Tanong ko.




 "Like I told you, may iba pa'ng chemicals ang hinalo kaya di pa tayo nakakasigurado kung talagang magigising na sya" Inis ko'ng ginulo ang buhok ko. I was also poisoned a year ago, that's why nagawan ng antidote ni Dr. Martin ang Naphthalene Poisoning ng SilverCrest Mafia. I guess hinaluan nila ng bagong chemical para hindi sya madaling ma crack.




"What the fvck is this!?" Napalingon kaming lahat kay Rio. Halos di maipinta ang mukha nya habang nakatingin sa laptop nya.






"Anong nangyari?" Tanong ko. Halos sirain na nya ang mouse kakapindot at mukhang asar na asar sya. Minsan lang sya nagkakaganyan, that only happens if somebody tried to crack our system.





"Baka naman nababaliw lang ya'ng laptop mo Rio. Di kaya nakagawa ka na naman ng Virus nang di mo namamalayan" Xael blurted out. Pinatong ko ang bimpo sa noo ni Lara at tumayo para lapitan si Rio na kanina pa asar na asar.





Pinanood ko ang ginagawa nya. Kinakalikot nya ang CCTV camera sa Parking Lot, at kahit anong gawin nya dito ay walang footage na lumalabas simula 9:30 am. To 9:45 .Napalingon ako kay Lara nang marinig ko ang mga malalalalim na hininga na pinapakawalan nya.





Pakiramdam ko may alam sya sa nangyari sa Parking Lot. I think she got her wound there, lalo na't malapit lang kami sa parking lot kanina. Like hell, di ko kasi maiwasang magalit sa kanya dahil iniwan nya si Irish. Ako ang malalagot kay mom kapag may mangyaring masama sa kanya.





"Damn! Di ko ma retrieve! Arrgh!" Kulang na lang siguro ay ihampas ni Rio ang mouse sa pader sa inis nito. Rio's forte is protecting sytems, kaya malaking kawalan sa kanya ang pagkabreach ng sarili'ng system na gawa nya.






"Nacu-curious tuloy ako kung ano'ng nangyari sa loob ng 15 minutes na yun" -Jam






"Oo nga. Baka nasa footage na yan ang sagot kung ano'ng nangyari kay Lara" -V





"I have to go back to the Clinic boys, call me if something happened to her" tinanguan na lang namin sya.





"They breach my system, and they're codes are too complex for me to crack. Aabutin ng 20 years, like what the fvck!" I touch my chin, di mo pwedeng maliitin ang kakayahan nila pagdating sa Technology. They're the famous SilverCrest Mafia after all. They got the best hackers in the world.





If only Lara was a gangster, and she was poisoned without any rightful reason, the Gangster Organization can be involved, at Saka lang kami pwede humingi ng tulong sa Emperor. His title as the Emperor is not just for nothing, He's the Legendary Hacker of all time, and no one knows him dahil palagi sya'ng nakamaskara at parang robot pa ang boses nya.





"Let's just wait for her to wake up and ask her" -Seth



"Should we go tell Tita Lexis?" Sabay kaming napalingon nang magsalita si Irish. Kagat-kagat nya ang mga kuko nya, agad kaming umiling. I know she's a just a normal girl, di sya dapat nadadamay sa gulo namin.





"Don't tell mom, just relax. She'll be okay" I said. Umupo na lang sya sa couch habang pilit na pinapakalma ang sarili nya. I can't blame her reactions, seeing a person fighting from the death of poison is far from being normal.





"Tubig oh" nag-abot ng tubig si Justine kay Irish at tinaggap nya naman ito. Marahan ko'ng minasahe ang noo ko habang naglalakad palapit sa couch kung saan parang anghel sya'ng natutulog. My mom's gonna kill me if something happened to her, and I guess I won't be able to forgive myself after that.




"Nakakatangina talaga" pabulong na mura ni Rio. Naikuyom ko ang kamao ko, sana aksidente lang ang nangyari ngayong araw. Dahil kung sinadya man nila na lasunin ang babaeng to, at di sya magising, di ko alam kung anong magagawa ko.




"Kalma lang Rio. I'm sure you'll figure it out" tinapik ni Xael ang balikat nya para pakalmahin ito. Nagsimula ng maghalungkat ng mga wires at devices si Rio sa drawer nya, di talaga susuko ang isang to.





"God, sana magising na sya. Sana di ko na sya niyaya'ng samahan ako sa CR, di sana to mangyayari" I shook my head. It's a good thing na isinama nya si Lara sa CR, dahil kung hindi, malamang sabog na ngayon ang buong Parking Lot.



What an explosion in the University's Parking lot, next time, I'm bombing the whole school. Better watch your back




Yan lang naman ang nakasulat sa Silver Letter na binigay saakin ni Jam at V kanina. Mas inuna ata nila'ng ilagay ang letter kesa sa gawin ang pagbomba ng parking lot. The thing is, palya ang pagbomba nila at di na nila nakuha pa ang letter na to.





At sa mga oras na ginagawa nila ang balak nila'ng pagbomba sa parking lot ay timing na malapit lang si Lara at nakita nya. Knowing her, once she notice something is going on, di sya magdadalawang isip na puntahan yun. Well, that's just my theory. Hanggang di pa sya nagigising, at hanggang di pa nare-retrieve ni Rio ang footage wala kaming mapapatunayan.




I tuck a couple strands of her hair at the back of her ear. I look at her intently, When will you ever learn to stay out of trouble? Why do you always make me worried as shit? As much as I want to show I don't hella care, why can't I do that?





I want to have a sister, but I really wish it wasn't her. I hate the thought of her being my sister, because somehow, I don't want just to be her brother. Like hell, I don't know what's getting into me.

LARA'S POV

Ginalaw ko ang daliri ko, bakit parang ang bigat ng katawan ko? Parang tinatamad din ako'ng imulat ang mga mata ko. Ano ba'ng nagyari saakin? Nilagnat ba ako o ano? Nakagat ko ang labi ko nang maigalaw ko ang kanang kamay ko.





Naalala ko'ng nasugatan pala ako ng kutsilyo. Dahan-dahan ko'ng inisod ang katawan ko para di ko madanggil ang kaliwang kamay ko. Minulat ko ang mga mata ko at kinusot-kusot ito para maka-adjust sa ilaw na mula sa bintana.


Bumungad saakin si Jehan na nakaupo sa couch sa harap ko. I was slightly shock to see him sleeping in front of me. Bakit di sya natulog sa kwarto nya?


Medyo komplekado pa ang posisyon nya dahil nakaakbay ang kanang balikat nya sa head rest ng couch. I tilt my head, di ba sya nangangalay? Nakahiga pa sya sa couch na pang-isahan kaya komplekado talaga.





Bakit ganun? Mas mukha sya'ng mabait kapag natutulog? And I admit he looks undeniably cute while sleeping. Di sya gaya ng iba na dugyot pag tulog at paggising. Woke up like this ang peg nya. 




Nagulat ako nang imulat nya bigla ang mata nya. Napakurap ako ng ilang beses, I made it look like na parang kakagising ko lang din. Nakakahiya pag nalaman nya'ng kanina pa ako nakatingin sa kanya.




"B-bakit dito ka natulog?" Utal ko'ng tanong. Nagtaka ako dahil medyo namamaos ang boses ko at parang walang kabuhay-buhay. Ano ba nangyari saakin? Tinitigan nya ako ng matagal na para ba'ng sinusuri ako ng mabuti.





"Bakit ka nga dito natulog?" Babangon na sana ako nang bigla akong bumagsak pabalik sa pagkakahiga. Pero bago ako bumagsak ay nahawakan nya ang kanang balikat ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.




"Because I'm worried about you" dahan-dahan nya'ng inihiga ang ulo ko pabalik sa unan, samantalang ako nakatulala lang habang nakatingin sa kanya. Tama ba narinig ko? Anong sabi nya?



Magsasalita na sana ako nang bigla nya ako'ng unahan.




"Did you expect me to say that?" He smirked. Pinitik nya ang noo ko kaya mas lalong nagkasalubong ang kilay ko. Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa ginawa nya, makapitik to sa noo ko parang close kami ah! Upakan ko kaya to?




Babangon na sana ako para buong pwersa sya'ng hampasin sa ulo nang muntik na naman ako mahulog sa couch. This time ay hinawakan na nya ako sa magkabilang balikat para di ako mahulog. Sa pangalawang pagkakataon ay pinitik nya na naman ako sa noo.




"Tigas ng ulo mo" pinaupo nya ako ng maayos at biglang tumungo papuntang kusina. Wala sa sarili ako'ng napahawak sa noo ko, sa di malamang dahilan ay napangiti ako kaya sinampal ko ang sarili ko. Pull your shit together Lara.



Napatingin ako sa mga gamot na nakalatag sa harap ng lamesa. May mga maliliit na vials, injections, gauzes at cotton na puno ng dugo. Napatingin ako sa kamay ko'ng may benda. Nagdudugo pa din ata kasi may nakikita na ako'ng mantsa ng dugo sa benda'ng nakatali.



Kinuha ko ang injection na nakalapag sa lamesa. May nakalabel dito kaya binasa ko. Naphthalene Antidote . Napahawak kaagad ako sa leeg ko dahil pakiramdam ko ay may nag enject saakin duon. Nanlaki agad ang mata ko, Am I poisoned?




Napatingin ako sa paparating na si Jehan. May dala sya'ng mug, at sa tingin ko ay kape ang laman nun dahil kahit malayo pa lang sya ay naaamoy ko na. Pinatong nya ito sa lamesa at umupo sa couch na nasa tapat ko lang. Kinuha ko kaagad ang kape at ininom yun. I lick my lips as I savour the taste, in fairness ang sarap!





Binaba ko ang hawak ko'ng mug at pinagsaklob ito sa gitna ng palad ko para di ako masyado lamigin. Bahagyang nangunot ang noo ko nang makita ko'ng nakatitig lang sya saakin. Hindi ko na lang sana sya papansin pero medyo naa-awkward na ako kaya tinaasan ko na sya ng kilay.



"May gusto ka ba'ng sabihin?" Inirapan nya ako kaya napasinghal ako. Aba gago to ah, may pairap-irap pa sya'ng nalalaman. Tusukin ko kaya ng injection ang mata nya?




Umirap na lang din ako sa kawalan. Kung wala sya'ng sasabihin eh bakit nandito to? Bakit sya nakatingin saakin?


"Anong nangyari sayo?" Di ko naman sya pinansin. Umakto na lang ako'ng parang walang naririnig. Manigas sya, kanina tinatanong ko kung may gusto sya'ng sabihin tas iirapan nya ako? Aba!


"Rio lost all the CCTV footage near the Parking Lot. We don't know what happened, at ikaw lang ang nakakaalam"  this time ay nilingon ko na sya. Fine, mukhang seryoso naman sya eh.




"Di ko kilala yung lalaki, di ko din namukhaan kasi nagpipiling K-pop star yung gago" naigulong ko ang mata ki nang maalala ko ang naka all black na get up nung lalaking yun. Napansin ko naman na nalukot ang noo ni Jehan kaya napahalakha ako.




"Basta! He's dressed up like a Grim Reaper! Black lahat! Natanaw ko lang sya'ng paikot-ikot sa parking lot kaya pinuntahan ko na sya at iniwan ang PINAKAMAMAHAL mo'ng si Irish" sumimangot ang mukha ko nang maalala ko ang mukha nya'ng inis na inis dahil sa pag-iwan ko kay Irish.


"Pinakamamahal? Like what the fvck?" Umirap na lang ulit ako dahil sa nakasalubong nya'ng kilay.




"I saw him na may dalang bomba kaya sinugod ko na sya bago nya pa ma on ang timer. We fought, and I ended up holding the knife's blade kaya ako nasugatan sa palad" paliwanag ko naman. Tumango na lang sya saka nag-isip. Inubos ko na ang bigay nya'ng kape at pinatong ito sa lamesa sa harap ko.



Napatingin ako sa wall clock, it's 6:45 in the morning. Napansin ko'ng ganun pa din ang damit ko kahapon kaya naalibadbaran ako bigla, gusto ko'ng maligo! Dahan-dahan ako'ng tumayo, mukhang di naman yun napansin ni Jehan dahil nasa malalim sya'ng pag-iisip. Nangingitim na nga mukha nya eh. Pfftt~



Hinakbang ko ang paa ko, I think that poison almost invade every part of my body. Kaya siguro di ako makalakad ng maayos, nagmumukha akong lasing na may polyo. Hinakbang ko ulit ang paa ko, sa pagkakataong to ay nanlambot bigla ang tuhod ko. Nagulat na lang ako nang malaman ko'ng pabagsak ako sa couch kung saan nakaupo si Jehan.



"Hey look o---" nanlaki bigla ang mata nya nang makita ako'ng pabagsak sa kanya. Huli na ng malaman ko dahil nahawakan na nya ako sa bewang gamit ang magkabilang kamay nya.



Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa headrest ng couch at ang kanang kamay ko naman ay nakalagay sa gilid ng ulo ni Jehan. Nakadanta din ang binti ko sa pagitan ng mga biti nya. Napayuko ako para tingnan sya'ng nanlalaki ang mga mata.



May bumukas biglang pinto kaya sabay kaming napalingon.



"Good mo---Holy shit! Good moaning?" Naitulak ako bigla ni Jehan kaya kamuntikan na ako matumba kung di ako nasalo ni Jam.



Siniko ko ang kamay ni Jam na nakahawak sa bewang ko kaya nakangisi nya ako'ng binitawan. Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa mga tingin na pinupukol nya saakin at kay Jehan. Ang utak talaga neto puno ng kahalayan! Minsan nga ipapahalay ko sya aa mga bakla sa kanto para magtanda!



"Kayong dalawa! Anong ginawa nyo ha?" Panunukso nya. Lumabas naman sa kanya-kanya nilang kwarto si Xael, V, Justine at Seth. Tinaggal ko ang suot ko'ng tsinelas at inamba ito kay Jam. Mabilis sya'ng kumaripas ng takbo para magtago sa likod ni Xael.



"Mama oh!" Binatukan naman si ni Xael kaya napanguso sya.



"Ulol! Sino'ng mama mo ha!? Sipain kita jan eh!"



"Kabayo ka na din pala ngayon? Haha! May kauri ka na Justine! Haha!" Sinipa sya ni Justine kaya naman napaupo sya.





"Magtigil ka nga Jam" bored na atugal ni Seth habang humihikab-hikab pa.






"Ano ngq palang sinasabi mo na nakita mo?" Hyper na tanong ni V. Ang sira ulong to, imbis nakalimutan na ni Jam pinaalala nya pa! Nakangising tinuro kami ni Jam kaya pinanlisikan ko sya ng mata. Sabihin nya lang, papatuli ko sya uli.






"Nahuli ko si Lara na nakapatong kay Jehan! May gina---" tumalon mula sa sofa si Jehan at hinabol palabas si Jam dahil sa kabalastugan nya.




Napailing na lang ako. Nilapitan naman ako ni Xael at pinaupo sa couch na kinahihigaan ko kanina. Sinabihan nya ako'ng magluluto sya ng pagkain kaya maupo daw muna ako dahil di pa ako masyadong magaling. Si Justine naman ay nag offer na sya na daw ang mahlilinis ng sugat ko, hinayaan ko na lang sya kasi tinatamad naman ako.





Si V ay nakaupo sa tabi ko habang pinapanood si Justine na naglilinis ng sugat ko. Nagtatalo kasi sila kung sino ang maglilinis, but in the end si Justine ang nanalo. Kung nagtatanong naman kayo kung anong ginagawa ni Seth, ayon nakasalampak sa katabi ko'ng couch habang nakapikit ang mata. Alam nyo kanina ko pa nga sya gusto'ng batuhin e, nagising lang saglit tapos matutulog din?




"Mahapdi ba?" Umiling ako.




"Wag mo saktan si Lara!" Nakalabi'ng sabi ni V habang nakasimangot pa din ang mukha.




"Di ko naman sya sasaktan"


"Sinaktan mo nga e!"


"Di nga!"



"Oo nga sabi eh!"


"Sabing hin---"




"Kayo'ng dalawa ang masasaktan pag di kayo tumahimik!" Asik ni Seth kaya napatahimik silang dalawa.




Nagising na din sa wakas si Rio at si Irish na kakalabas lang sa sari-sarili nilang kwarto. Nilagyan na ng benda ni Justine ang sugat ko kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya.



"Sabi ni Dr. Martin magiging okay ka na daw pagkatapos ng ilang oras." Tumango na lang ako at naglaro ng piano tiles sa phone ni V.

*******


After 3 hours ay nakalakad na ako ng maayos. That's why am already walking in the hallway going to the classroom, at kasama ko si Irish. Di din naman kami nagkasabay ng Emperors dahil mas nauna sila saamin.




Inayos ko ang bangs ko habang naglalakad sa hallway. They're looking at me and this girl beside me. Napangisi ako, maybe they find it fascinating na magkasama kaming dalawa kahit na ibang-iba ang ugali at pananamit ko sa kanya.


She's wearing something---it's a dress. Di ko din alam kung anong specific na tawag dyan kasi parang pinagpatong-patong nya. Basta mukha lang sya'ng mahinhin at di makabasag pinggan na babae.

Samantalang ako naman nakasuot ng white boots, ripped jeans, white shirt and jacket. I'm the badass type and she's the innocent one, how ironic. We're the exact opposite.

"Oh my God! Late na tayo Lara! Halimaw pa naman ang Teacher natin sa Pre-Cal!" Hinablot nya ako sa pulsuhan at tinakbo ako papasok aa loob ng building. Siraulo ba ag babang to!? Mabuti nga nakakalakad na ako ng maayos! Minsan gusto ko din sakalin to eh.


Habang tumatakbo kami ay may nakabangga ako'ng lalaki, kamuntikan na sya sumemplang sa hagdanan kung di sya nakahawak sa railings. Magso-sorry na sana ako pero hinatak na ako ni Irish.



"Teka lang Miss!" Malakas nya'ng sigaw. Mukhang nagulat si Irish sa pagsigaw nung lalaki kaya nabitawan nya ang kamay ko. Binalikan ko naman yung lalaki na ngayon ay nakayuko pa habang nakahawak ang dalawang kamay sa railings.




"I'm sorry late na kasi kami" inangat nya ang tingin nya saakin saka hinawi ang buhok nya.


Napataas ang kilay ko, Is he an American or an Australian? His physical features are different, although pwede din na filipino sya pero may lahi lang na foreigner.





"Done checking me?" Napairap ako. Mahangin to, tinatangay pati kulangot ko sa kahanginan nya.



"I'm sorry. Late na kami, I'll be going" aakyat na sana ako nang bigla akong matigilan dahil di pamilyar ang mukha nya saakin. I've never seen him here before.



Nilingon ko sya na nakahawak sa batok nya habang may tinitingnan na kung ano sa hawak nya'ng papel. So I guess he was a transferee, another transferee. Hinablot ko ang papel sa hawak nya kaya kunot-noo sya'ng napatingin saakin.



"We're classmates. Sabay ka na saamin" ngumiti sya ng pagkalapad-lapad kaya napa-iling ako. He reminds me of V. Imbis na bilisan namin ang paglakad namin dahil late na kami ag mas lalo ata'ng bumagal nung makasabay na namin sya.


"Uhm. Ano nga palang pangalan nyo?" Tanong nya.





"I'm Irish Uella Lim. Nice to meet you" mahinhin nq pagpapakilala ni Irish.



"I'm Lance Asher Fortalejo. Nice to meet you too"  nagkamayan sila'ng dalawa.




"Sya, sino sya?" Tanong nya kay Irish.



"Makikilala mo din sya in a long run Lance. Haha!" At duon na nagsimula ang pagdadaldalan nilang dalawa. Napangisi ako, magdaldalan kayong dalawa parehas pa naman kayong transferee. Di ko pa nakakalimutan ang Third Day Curse, kalbaryo aabutin nyo'ng dalawa.




Habang naglalakad na kami papapasok sa room ay nakasalubong namin si Ten. Napahinto sya sa paglalakad kaya napahinto din kaming tatlo. Una sya'ng tumitig saakin bago ibaling ang tingin nya kay Lance sa tabi ko. Seryoso lang ang mukha ni Ten samantalang nakangiti naman ng wagas si Lance.





Napataas ang kilay ko, magkakilala ba ang dalawang to?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro