Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24. Poison

________

"Laaraaa~" tinapik ko ang kamay ni V. Kanina pa to nangungulit saakin e, sapakin ko kaya sya para magtanda?



"Ano ba'ng problema mo?" Kunot noo ko'ng tanong sa kanya. He pout his lips and made face.




"Pwede mo ba ako'ng turuan sa Pre-Cal?" Tinaasan ko sya ng kilay, turuan sya? Pareho lang naman kaming nag-aaral so bakit ko sya tuturuan? Kasalanan na nya yun kung di sya nakikinig!




"Duon ka magpaturo kay Jehan" nagbalat ako ng lollipop at sinubo ito habang tumitingin sa bintana. Ang tagal dumating ng susunod na teacher, he's almost 20 mins. late! Basa pa ba brief nun kaya na late?




"Eh tinuturuan nya din si Irish eh!" Sumbong nya. Napalingon naman ako sa gawi ni Jehan, tinuturuan nya nga si Irish. Napairap ako, sinenyasan ko si V na lumapit at dalhin ang notebook nya.




"Tuturuan mo talaga ako!?" Tinaggal ko ang ballpen na nakalagay sa blouse ko. Itaga ko kaya to sa mata nya?




"Ayaw mo ba?" Taas kilay ko'ng tanong. Umiling naman sya at binigay saakin ang notebook nya. Habang binubuklat ko ito para maghanap ng masusulatan ay napapakunot ang noo ko. Puro vandals ang laman ng notebook nya!




Tinuro ko sa kanya ang formula at kung paano ito isosolve ng madali kesa sa long method. Di ko alam kung naiintindihan nya ba ako o hindi, basta binigyan ko na lang sya ng given at pinasagot yun sa kanya.




Habang hinihintay sya'ng tapusin ang pinapasagot ko sa kanya ay di ko maiwasang maalala ang nangyari kahapon sa poder ng Avian Mafia.


"What do you mean by that?" Tanong ko habang nakatago pa din sa likod ni Jehan. Di ko naman alam kung bakit na lang nya ako basta-basta hinila na parang pinoprotektahan ako.



"Nothing. Sorry to be rude, I'm Elric Avi Anaxamader. Kaibigan ko ang mom at dad nyo. You can call me Tito Avi" lumuwag ang pagkakahawak saakin ni Jehan kaya tinanggal ko na lang ang kamay nya'ng nakahawak sa pulsuhan ko.



"Kung kaibigan ka nya, bakit di ka nya nababanggit saakin?" He smiled. I'm just making sure he's not just making things.





"That's because mafias' and gangsters cannot befriends with each other. Especially because your mom and his dad are in High positions in Gangster Society" nagkatinginan kami ni Jehan. My mom was the Empress, I'm aware. I wonder if anong position ng dad ni Jehan sa Gangster Society.




Fine! Naniniwala na ako sa kanya. No one knows mom is the Empress, at kung meron man siguro ay ang mga taong malalapit lang sa kanya ang nakakaalam.



"If you're my dad's friend, tell me, who killed him?" Saglit na napatingin saakin si Tito Avi bago ibaling ang paningin nya kay Jehan. And wait, his dad is dead? I don't know about that, ang akala ko lang ay naghiwalay na sila.




What a coincidence, my mom is dead too. Kaya kung sakali man na ikakasal si Tita Lexis at si Dad, walang makakapigil sa kanilang dalawa dahil kapwa patay na ang mga asawa nila.



Pagkatapos ng ilang segundo ay di pa din magawang sumagot ni Tito Avi. Kung titiningnan mo ang expression ng mukha nya ay parang nagdadalawang isip sya sa sasabihin nya.




"Di mo masabi? Dahil ba kapwa mo Mafia ang nakapatay sa kanya?" Nakagat ko ang labi ko. I totally forgot that my mom was killed by a Mafia too. Specifically the SilverCrest Mafia.


"We have no rights to meddle with your gangster problems. Mafia and Gangsters are always in complicated relationship." Di ko din naman sya masisisi.

There's a Black Rule: Thou shall trust and protect your own clan.


Kung gangster ka, dapat kapwa mo gangster lang ang kakampihan mo sa mga panahong nagkakagipitan na. Ganun din sa Mafia, if there's a conflict between Gangsters and Mafias expect them to protect their own clan. Walang kaibi-kaibigan, kaya siguro di sya nababanggit ni mom saakin.


"Still, you told us you're my dad's friend, ayaw mo ba mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya? Di mo ba kaya'ng talikuran ang pagiging Mafia Boss para sa kaibigan mo?" Natahimik naman ito sa sinabi ni Jehan. I bit my lips, Jehan has a point. But still, I think stabbing your own clan is a huge risk.




Hindi lang naman ang Avian Mafia at Silvercrest Mafia ang Mafia Clan sa mundo. There are a lots of them, di nga lang masyadong kilala o masyadong tago.



"Insan" napalinga ako. Nasa tabi ko na si Kiel at ang girlfriend nya'ng si Rain. Mukhang nagkaayos na silang dalawa dahil magkawahawak na ang mga kamay nilang dalawa.




"Escort them out Diamond" malamig na turan ni Tito Avi bago kami talikuran. Narinig ko ang pagsinghal ni Jehan kaya napatingin ako sa kanya, nakikita ko ang galit sa mga mata nya.



"Let's go? Hihihi" she lead us the way out. Nakaalis din kami ng walang galos at walang suntukan na nangyari. However, our feelings are altered. Kahit ako, mas lalo ako'ng nahihiwagaan sa SilverCrest Mafia.



"Tapos ka na ba V?" Bored ko'ng tanong habang nakatingin pa din sa bintana. Di sya sumagot kaya napalingon ako sa kanya. Napapoker face ako nang makita ko sya'ng tulog.

Nakasandal pa ang ulo nya sa likod ni Xael habang hawak-hawak ang ballpen nya na parang nagsasagot ng pinapasagutan ko sa kanya kanina.



Hinablot ko ang notebook nya at tiningnan kung tama ba ang sagot nya. Mas lalong napapoker face ang mukha ko nang makita ko kung ano ang ginawa nya.

Di ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Napailing na lang ako, okay na sana e bakit di nya pa tinuloy? Napakaabnormal talaga ng isang to. Sukat ba namang lagyan ng stickman na nagbigti sa mahabang square root? Tss!



Habang nakatingin ako sa notebook ni V ay nakaramdam ako ng titig sa gawi ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko'ng nakatingin saakin si Jehan habang tinatap pa ang ballpen nya sa lamesa.


Napairap ako, tapos na nya ata'ng turuan si Irish. That girl, I know she's smart! Valedictorian sya sa St. Clair tapos di nya alam yung simple na lesson sa Pre Cal? Maloloko nya ang lahat pero hindi ako!


Matagal pa ba dumating ang panot na yun? Yes, panot sya. Well may buhok pa naman, mga limang piraso siguro, pero naghihingalo na rin eh. Terror pa naman yun, lahat naman ata na panot ganun ang aura e. Strikto at mahigpit sa mga pinapagawa. Sya lang ang late na panot na nakilala ko.




"Lara, pwede mo ba ako samahang mag CR?" Napataas ang kilay ko. Close na pala kami nito? Hindi ako kumibo sa kinauupuan ko kaya nagpacute pa sya sa harap ko para samahan ko sya.


Eh kung itulak ko kaya to mula sa third floor? Makakapagpacute pa kaya sya ng ganyan? Napailing na lang ako, savage Lara. Kinuha ko ang bag ko sa upuan at sinukbit ito sa balikat ko. Kinuha ko din ang notebook ni V at hinampas ito sa mukha nya. Taranta sya'ng nagising mula sa pagkakatulog kaya napangisi ako. Turuan pala ha?




Habang naglalakad na kami ay bigla sya'ng tumigil sa harap ng elevator. Bubuksan na nya sana ito nang lumihis ako ng daan pababa ng hagdanan. Akala nya talaga sasakay ako sa elevator? Pwes manigas sya! Wala sya'ng choice kundi ang sundan ako pababa ng hagdanan.




Tumigil ako sa harap ng isang Male's Comfort Room kaya nanlaki ang mata nya. Parang sinasabi nya kung seryoso ba ako'ng jan sya papapasukin. Mukha ba ako'ng nagbibiro?




"This is an ALL BOY'S SCHOOL! Are you expecting to have a Female's Comfort Room here?" Nagtataka man ay pumasok pa din sya sa loob. Wala naman ako'ng narinig na pagtili o pagsigaw mula sa kanya kaya sa tingin ko ay sya lang ang tao sa loob.


Habang hinihintay ko sya sa labas ay may nakita ako'ng isang lalaki na palakad-lakad sa parking lot. Medyo tanaw kasi mula dito sa kinatatayuan ko ang parking lot kaya kitang-kita ko sya.




He's a guy wearing an all black shirt and jeans, even his shoes are black. May black cap sa ulo, black mask and a sun glasses. He looks like a typical guy who's up for something. Mukhang may hinahanap pa sya sa parking lot.



Napagdesisyonan ko'ng iwan muna si Irish at pumunta muna ng parking lot para puntahan yung lalaki. Who is he? Why would he go around hiding his face? Like duh? Wearing a cap, glasses and a mask? Ano sya K-pop star?



Also, naka all black pa ha? Saang lamay ba to galing at makapag-abuloy na nga. Nang makalapit na ako sa kanya ay sinandal ko muna ang likod ko sa pader habang sinisilip sya kung ano ang ginagawa nya.




May kinukuha sya'ng kung ano sa loob ng bag nya. Nang makita ko kung ano ito ay agad nanlaki ang mata ko. Bloody Hell! That's a bomb! A fvckin' bomb! Inikot ko ang paningin ko sa paligid, CCTV cameras are everywhere. However, di ko nakikita ang red light na nagsisilbing senyales na gumagana ito.




I think he hacked it! Holy shit! Sinuot ko ang hood ko sabay kuha ng itim na panyo sa bulsa ko para itali ito sa ibabang bahagi ng mukha ko. Bago pa nya mai-on ang timer ng bomba ay lumabas na ako mula sa kinakataguan ko. Napatigil sya sa ginagawa nya at agad napalingon saakin.


Strong Senses



I guess he's not just an ordinary guy. Mabilis sya'ng tumayo at sumugod saakin. Isang mataas na sipa ang pinakawalan nya na ikinaliad ko para maiwasan. Sinipa ko din sya pero umamba din sya ng sipa kaya nagsanggaan lang ang mga binti namin. Pareho kaming napaatras habang nagsusukatan ng tingin.




He made a round-house kick, pero naiwasan ko din naman yun. Umamba din ako ng round-house kick pero di ko yun ginawa, I fake the kick and kick him on his waist. Bahagya pa sya'ng napaatras sa ginawa ko.



Sinubukan nya ako'ng suntukin sa kaliwang pisngi pero naiwasan ko yun. Sinuntok ko din sya pero naiwasan nya din. Saglit sya'ng napatingin sa wristwatch nya, mukhang may oras sya'ng hinahabol. Dinukot nya sa belt nya ang isang butterfly knife at tinapat ito saakin.




Bahagyang napataas ang kilay ko, he's planning to stab me with a knife? Masyado ba'ng mahalaga ang nakita ko para ikapalit ng buhay ko? Kung inaakala nya'ng aatrasan ko sya dahil may hawak sya'ng kutsilyo pwes jan sya nagkakamali.




Sumugod sya saakin kaya sumugod na din ako. Buong akala nya ay sasalubungin ko sya, pero di yun ang ginawa ko. Umikot ako kaya nakarating ako sa likod nya. Sinipa ko ang hawak nya'ng kutsilyo kaya nabitawan nya ito, sinalo ko naman iyon. Napamura ako dahik di ko ito nasalo sa mismong hawakan, nasalo ko ito sa mismong blade nya kaya nagkaroon ng mahabang hiwa ang kaliwang palad ko.



Di ko na lang pinasin yun at tinuon na lang ang pansin sa kaya. Saktong pagharap nya saakin ay naitutok ko ang kutsilyo sa bandang leeg nya.



"AAAAAHHHHH!" Naagaw ng atensyon ko ang pagsigaw ni Irish kaya di ko masyado napagtuunan ng pansin ang lalaking kaharap ko.



"LARA HELP ME!" Di ko napansin na nakatakbo na pala palayo ang lalaki. Napatingin ako sa hawak ko'ng butterfly knife, pinikit ko ang kaliwang mata ko habang inaamba ang kutsilyo sa balikat nya.



He's 7 meters away from me pero susubukan ko'ng tamaan sya kung di ako papalya. Nang dumaan sya sa kahoy na inaambahan ko ay napangisi ako, hinagis ko na parang dart ang kutsilyo at nadaplisan sya sa kaliwang balikat nya.




Lumingon sya saakin kaya nginisihan ko sya. Couple of seconds later ay nag ring ang bell, kaya pala sya nagmamadali'ng lumabas dahil dadami na ang mga estudyante'ng pakalat-kalat dito sa parking lot mamaya.




Narinig ko ang tili ni Irish kaya napamura ako. Shit, I forgot about her. Mabilis ako'ng tumakbo pabalik sa CR na pinagiwanan ko sa kanya. Pagdating ko duon ay naabutan ko'ng nakasalampak sa sahig si Irish kaharap ang tatlong matipunong lalaki.



Mukhang pinagtitripan sya ng mga ito kaya lalapitan ko na sana nang biglang sumulpot si Jehan kasama ang buong Emperors. Nilahad ni Jehan ang kamay nya sa harap ni Irish at inabot naman yun ni Irish bilang suporta sa pagtayo nya.





Mukhang may sampal sa pisngi si Irish kaya nakita ko'ng medyo sumama ang timpla ni Jehan. Isang malamig na titig ang ginawad nya sa tatlong lalaki na mukhang nakaramdam naman ng sindak.




"What did you do to her?" Malamig nya'ng tanong. Yumuko silang tatlo kaya mas lalong nairita ang mukha nya.




"The next time when you touch her, Emperors ang makakalaban nyo. Alam nyo na kung ano'ng mangyayari sainyo" umamba ng suntok si Jam at Justine kaya madapa-dapang nagsitakbuhan ang tatlo.





"Are you okay?" Tanong ni Rio kay Irish. Mahinhin naman itong tumango at parang naiiyak na.




"Those assholes! I'll play with them later" nakangising wika naman ni V.




"Where's Lara?" Antok pa na tanong ni Seth.




"H-hindi ko alam. I-iniwan nya lang ako d-dito" nakita ko naman ang pagbago ng expression ng mukha ni Jehan. Parang naiinis ito dahil sa sinabi ni Irish na pag-iwan ko.



"Alam nya'ng  babae ka at nasa loob ka ng CR pero iniwan ka pa din nya!? That heartless bi--" nabitin sa ere ang sasabihin nya nang napalingon sya sa gawi ko.




Isang malamig na titig ang binigay ko sa kanya. Bakit di nya ituloy ang sasabihin nya? Tutal ay mukhang ikinagagalit naman nya ang pag-iwan ko kay Irish. Napatitig din saakin ang iba pa'ng Emperors kaya di rin ako nagpatalo sa pakikipagtitigan.




Nakaramdam ako ng hapdi sa palad ko kaya naigalaw ko ito. Napansin ko'ng napatitig sila sa kaliwang palad ko kaya tinago ko ito sa bulsa ng hoodie ko. Ramdam ko pa ang pagkabasa at lagkit ng palad ko, malamang ay nagdurugo na ito kanina pa.





I bit my lips and turned my back against them. Napangisi ako, kung di dahil saakin ay kanina pa sumabog ang parking lot. Kanina pa sana sunog ang mga pinakamamahal at mamahalin nilang sasakyan. I swear you'll gonna be sorry.


Nilingon ko sila ng may blankong expression.


You better not stick with your Partial Point of View. Mas ikakabuti nila kung malaman nila ang buong pangyayari bago magsalita ng sarili nilang opinyon.





Naglakad na lang ako pabalik ng dorm. Nararamdaman ko na ang hapdi ng palad ko, I need to disinfect my wound. Buti na lang at may dala ako'ng first aid kit. Ang nakakapagtaka lang ay di naman masyadong malayo ang dorm mula sa pinaggalingan ko, pero labis na akong pinagpapawisan.




Pagdating ko sa dorm ay binuksan ko ang pinto at agad pumasok sa kwarto ko para lininisin ang sugat ko. Binuksan ko ang drawer ng vanity ko at kinuha ang first aid duon. Umupo ako sa kama ko at sinimulang linisin ako. I hissed when the cold cotton touch the wound, ang hapdi. Matagal-tagal na din simula nang masugatan ako.




It's been so long since I felt the sting of a knife. Masakit pa rin pala. Matapos ko ito'ng linisin ay binalot ko ito ng gauze. Medyo masakit sya kapag ikukuyom ko ang kamay ko pero kaya pa naman. Malayo to sq kamatayan.




That guy, anong balak nya dito sa Corrigan University? If he's planning to bomb the parking lot, what for? Is that suppose to be a threat? Pasalamat sila't napigilan ko. Tch




Napahiga na lang ako sa kama ko. May aircon naman pero pinagpapawisan talaga ako. Tamad ko'ng hinubad ang hoodie ko at tinapon ito sa gilid. Inantok ako kaya natulog na din ako.

XAEL'S POV

"Ano ulam chef?" Takam na tanong ni Justine habang halos humaba na ang ilong nya kakaamoy kung ano'ng ulam.



"Adobo'ng kabayo gusto mo?" Sumimangot naman sya kaya natawa ako. Nakakatuwa talaga pagtripan ang isang to, humahaba lalo ang baba nya. HAHA



"Masarap ba yun? Haha" gatong ni Jam habang nagpipigil ng tawa sa mukha ni Justine. Nalulukot kasi talaga ang mukha nya kapag naaasar.




"Ako na naman nakikita nyo eh! Seth inaaway nila ako oh! " pagsusumbong nya.



"Pake ko?" Bored na sagot ni Seth. Napahalakhak naman kami. Ano ka ngayon? Asar-talo to eh.






Matapos ko'ng magluto ay hinain ko na ito sa lamesa. Walang pasabi nila'ng tinigil ang ginagawa nila at nagsiupuan na sa lamesa. Nagkatinginan kami nang mapansin naming may bakanteng isang upuan.





Kanina pa yun di lumalabas sa kwarto nya, di na nga nakapasok pa sa loob si Irish dahil nakalock yun. Kahit ilang beses sya'ng kinatok ay di pa din sya nalabas kaya hinayaan na pang muna namin sya. Di pa naman nag-umagahan yun, baka malipasan pa sya ng gutom.





Hinagis saakin ni Jehan ang master's key kaya sinalo ko ito. Tumungo naman ako sa kwarto nya at kumatok muna baka sakali'ng buksan nya, pero nakakatatlong katok na ako ay di nya pa din iyon binubuksan. Napagdesisyunan ko'ng gamitan na lang ito ng susi.





Nang mabuksan ko ang pintuan ay ang nagkalat na hoodie at cotton na may dugo ang bumungad saakin. Nag-alala ako nang makita ko'ng may dugo na pumapatak mula sa palad nya kanina. Gusto ko sana sya'ng tanungin kaso umalis dim sya kaagad.




"Lara, kain ka na. Baka malipasan ka pa ng gutom" di sya kumibo. Di ko din alam kung tulog pa ba sya dahil nakatalikod sya saakin.



Naagaw bigla ng atensyon ko ang leeg nya'ng puno ng pawis. Di rin nakatakas sa paningin ko ang buhok nya'ng basa na. Mabilis ko sya'ng nilapitan at iniharap saakin. Nagulat ako nang makita'ng namumutla ang labi nya at halos maligo na ang katawan nya sa pawis.




Inabot ko ang kamay nya at tinanggal ang benda. Nakagat ko ang labi ko nang makita ko ang may kahabaang sugat, nagkukulay red-violet ito at kung tama ang hinala ko, nalason sya. Damn it!




Naglikot na ang mga mata ko. Di ko din maiwasang mapamura ng pagkalutong-lutong dahil kinakabahan ako at di ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ilang oras na ba sya dito sa loob!? Oh fvck!




"Lara! Come to your senses! Hey!" Marahan ko sya'ng niyugyog, pero masyado ng lupaypay ang katawan nya. Di sya natutulog at kanina pa sya walang malay! What the fvck!





Taranta ko sya'ng kinarga at inilabas ng kwarto. Napatigil agad sila sa pagkain nang makita nila ako'ng balisa habang kinakarga si Lara. Alam ko'ng alam nila na may nangyari. Mabilis pa sa alas kwatrong nagsialisan sila sa lamesa at lumapit saakin.




"What the hell happened?" Agad na tanong ni Jehan. Kalmado ang boses nya pero mahahalata mo ang pag-aalala sa tono ng pananalita nya.




"She's poisoned"



"Oh My God!" Napatutop ng bibig si Irish.




Hinawakan ni Jehan ang kaliwang palad nya na may sugat at marahan itong pinisil. Kahit na walang malay si Lara ay nakita ko ang paglukot ng noo nya dahil siguro sa sakit na nararamdman nya.




"D-damn, I'll go get Doctor Martin" tarantang tumakbo palabas ng dorm si Jam kasama si V.



"Tatakbo pa, pwede namang tawagan" ismid ni Seth. Dinukot nya ang phone sa bulsa nya at tinawagan si Doctor Martin.




Nilapag ko naman sa couch si Lara. Naghagis si Rio ng towel kaya sinalo ko ito. Uupo na sana ako para punasan ang pawis nya nang biglang nilahad ni Jehan ang kamay nya. Binigay ko naman sa kanya ang towel at hinayaan sya'ng magpunas ng pawis sa mukha ni Lara.




"Yes. This is urgent Doc, please come in our dorm as soon as possible. Lara's poisoned" Seth ended the call. Napatingin naman sya kay Lara na wala'ng malay.



"Will she gonna be okay?" Tanong nya. Di ko din alam, ilang oras na din siguro sya'ng walang malay dahil hinayaan lang namin sya kanina.





Hingal na hingal na pumasok sa loob si Jam at V. May inabot sila'ng isang kulay silver na card kay Jehan.




"Nakita namin sa labas ng dorm" hingal na sabi ni Jam habang nakaakbay pa kay V.




Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Jehan matapos nya itong basahin. Nilukot nya ito at pabalang na tinapon. He look's furious, at parang frustrated.



"They poisoned the wrong person. Fvck you Mafias"









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro