Chapter 20
Chapter 20: Your Lips
______________
Nakaupo ako sa gilid ng pool habang kumakain ng lollipop. Tanaw ko mula sa kinauupuan ko ang mga kapwa ko bata na naglalaro sa 4 ft. na pool. Marami sa kanila naglalaro at marunong lumangoy, iilan lang ang nakasalbabida. Habang lumalantak ako ng lollipop ay may batang lalaki na dumanggil sa braso ko kaya kamuntikan na ako mahulog sa pool.
Mabuti na lang ay nakakapit ako. Marunong naman ako lumangoy, pero mas gusto ko'ng manood muna sa mga kapwa ko bata. Umayos ako ng upo at pinanlisikan ang batang lalaki na padabog na lumusong sa pool. Ano ba'ng problema nya? Tsk
Napansin ko na tingin sya ng tingin sa bandang kaliwa ko, kung saan may babae at lalaki'ng nagtatalo sa cottage. I'm guessing, they are his parents, and I think they're fighting over something. Binalik ko ulit ang tingin ko sa bata'ng lalaki, nakatayo lang sya habang tinitingnan ang mga magulang nya.
Matangkad sya kumpara sa ibang bata, kaya ang tubig ay hanggang bibig nya lang. Nakita ko'ng may namumuong luha sa mga mata nya habang tinitingnan ang mga magulang nya'ng nag-aaway. Bumagsak ang balikat ko, kahit sino namang bata na makita ang mga magulang na nag-aaway ay masasaktan.
"Lara baby, let's eat na" napalingon ako nang tawagin ako ni mom. I smiled at her and nod my head. Kinuha ko ang stick ng lollipop sa bibig ko at itinapon ito sa gilid.
Saglit ako'ng napasulyap sa pool, at nangunot ang noo ko nang mawala sa paningin ko yung batang lalaki. Nasaan na yun napunta? Niyuko ko ang katawan ko para hanapin sya, ganun na lang ang pagkagulat ko nang maaninag ko ang katawan nya na nakalubog sa pool.
Hindi ko na lang muna sya pinansin, malay ko ba'ng nagdadrama lang yan. Papunta na sana ako sa cottage namin, pero binabagabag talaga ako ng konsensya ko kaya binalikan ko sya sa pool. Hindi pa din sya nakaahon kaya nagsimula na akong kabahan.
Lumusong na ako sa tubig, at minulat ko ang mata ko para hanapin sya. Nakalubog lang sya sa tubig at pikit na pikit ang mata nya. Seryoso ka ba'ng nalunod to? Hinawakan ko ang braso nya at iaangat na sana nang bigla nya'ng imulat ang mga mata nya.
Nagulat ako nang bahagya nya ako'ng itulak palayo sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nya na parang sinasabing wag ko sya'ng pakialaman. Ganun na lang ang pagkagulat ko nang mapunta ako sa malalim na part ng pool dahil sa pagtulak nya. Nahahati kasi sa dalawa ang pool, 4ft. at 8ft. Ginalaw ko ang katawan ko para lumangoy paahon, pero nauubusan na ako ng hininga.
Pilit ko'ng ginalaw ang mga paa at braso ko, pero lumulubog lang ako lalo. Tinanaw ko ang bata kanina pero wala na sya duon. Lintek, akala ko nalulunod sya! Nagpapanggap lang ata sya para maagaw ang atensyon ng mga magulang nya'ng nag-aaway.
I tried really hard to swim, but my survival instincts seems to be inactive. All I can think of that day is dying. I though I have no chance of living. Iniling ko ang ulo ko, I'm running out of breath. Bago ko ipikit ang mga mata ko ay may natanaw akong bata'ng lalaki na lumalangoy papalapit saakin.
Naramdaman ko na lang may humawak sa bewang ko at iniangat ako sa tubig. Naramdaman ko pa ang paglapag ng katawan ko sa sahig. Minulat ko ang mata ko at uubo-ubong napahawak sa leeg ko.
"My necklace! My necklace!" Taranta akong napatayo, tatalon na sana ulit ako sa pool nang pigilan ako nung batang lalaki kanina. Pinanlisikan ko sya ng mata.
"Kasalanan mo yun! Bitawan mo ako! Kukunin ko kwintas ko!" Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hinigpitan nya lalo.
"Shut up, stupid" tinulak nya ako kaya napaupo ako sa gilid ng pool. Bubulyawan ko na sana sya nang bigla sya'ng tumalon sa pool.
Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakatingin sa pool. Tinakpan ko ang mukha ko, nakaramdam ako ng takot, di ko din maiwasang maiyak dahil sa dalawang dahilan. Natatakot ako sa pool at natatakot ako'ng mawala ang kwintas ko.
"Bakit ka umiiyak?" Napatunghay ako at may nakita akong isang batang lalaki na nakaupo sa tabi ko.
"Pake mo!?" Napaatras naman sya saka lumabi.
"Bakit ka nga umiiyak?" Ulit nya'ng tanong pero tinulak ko sya palayo.
Iiyak pa sana ako nang may tumapat na kwintas sa harap ko. I brushed my tears and quickly grabbed the necklace in his hands. Di ko na sya tinignan dahil baka matulak ko pa sya sa pool.
"Stupid, why cry for a necklace?" Ang sama-sama ng ugali nya!
Napaubo ako habang habol-habol ang hininga ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang inililibot ang paningin ko sa paligid. Nasa pool area pa din ako, pero nakaupo na ako ngayon sa gilid. Basang-basa ang damit ko at gulong-gulo ang buhok ko.
Napatingin ako ulit sa pool. I tilt my head, sigurado ako'ng nalunod ako kanina. Patay na ba ako?
Umiling ako saka tumawa ng mahina, matagal mamatay ang masamang damo. Napatingin ako sa kamay ko, hawak-hawak ko na ang kwintas ko. Sino nagligtas saakin? Di kaya si.... I rolled my eyes, impossible na sya yun. Ang sama-sama ng ugali nya. Nakakaasar, sarap gilitan sa leeg.
I touch my lips, why do I feel like it's swollen? Anyway,Tumayo na lang ako at marahang hinawakan ang noo ko. Ang lamig ng katawan ko pero sobrang init naman ng pakiramdam ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang may maapakan akong maliit na bagay. Dinampot ko ito at iniangat sa ere para tingnan kung ano. Isang Infinity ring, sinuot ko ito sa daliri ko at pagewang-gewang na lumabas ng pool area. I swear, mapapatay ko si Jehan. Ang laki-laki ng atraso na ginawa nya saakin.
Napakasimple ng usapan. Magso-sorry ako at ibibigay nya saakin ang kwintas, pero hindi nya yun tinupad. Madali ako kausap, pero ayaw na ayaw ko ang isang tao'ng walang isang salita.
Mga taong gaya nya, isang taong di mapagkakatiwalaan at walang nararamdaman na kahit anong emosyon sa kapwa nya. Naiinis ako sa kanya, naasar, pero walang magagawa ang galit ko sa kanya.
Nang makarating ako ng dorm ay huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Pagbukas ko ay napatigil sila sa kanya-kanya nilang ginagawa. Nakatingin lang sila saakin at parang nagtataka kung bakit basang-basa ako.
Hinanap ng mata ko si Jehan, pero wala ang gago dito. Makita ko lang talaga sya, babangasan ko ang pagmumukha nya. Sisiguraduhin kong hihiram sya ng mukha ng aso. Walang pake akong pumasok sa kwarto ko at nilock yun.
Hinubad ako ang damit ko at pinunasan ang katawan ko bago magbihis. I'm tired as fvck, kaya matutulog na ako. Lintek lang ang walang ganti Jehan, lintek lang.
*KINABUKASAN*
Napahawak ako sa noo ko nang makaramdam ako ng kirot. Damn, mukhang may trangkaso ako. I look at my wristwatch, it's 10:30 am. What the heck! I'm hella late, but who cares? Wala naman ata'ng makakapansin if absent ako. Gumulong na lang ako sa kama at tinakpan ng kumot ang mukha ko.
Tinatamad din naman ako kumilos ngayon dahil nga may trangkaso ako. Mas mabuti pa siguro ang magpahinga muna ako para kumalma naman ang sistema ko. Baka paglabas ko ay bumungad pa saakin ang pagmumukha ni Jehan. Di ko alam anong magagawa ko sa kanya.
Nagring ang phone ko kaya padabog ko itong dinampot sa side table. Walang tingin-tingin ko itong sinagot.
"What?"
"Good morning too Lara" napangiwi ako nang makilala ko ang may-ari ng boses nya yun. Nilayo ko muna ang phone sa tenga ko, napatawag to?
"Zup Dad?" Tumawa naman sya kaya nangunot ang noo ko. Ang saya nya ah? Siguro naka score to. Tch
"Sunduin mo kami sa Airport kasama stepbro mo. I think we'll be arriving 2 hours from now" mas lalong nangunot ang noo ko. Wait--what!?
"No. I can go there alone! I don't need him to accompany me" matigas ko'ng tugon. Kita'ng iniiwasan ko nga'ng makita ang hinayupak na yun tapos magsasama pa kami!?
Aba! Baka magpatayan pa kami'ng dalawa sa kotse pa lang! Baka di na kami makaabot ng Airport at maibalita na sa TV na may nagsaksakan.
"Nope. Your Tita ask Jehan to come here too. Sabay na kayo'ng dalawa para di na hassle" Napahinga ako ng maluwag. Di na hassle? Hah! Mas hassle yun para saakin! They don't know anything!
"Wear something presentable okay? Wag puro pants and shirts! You're a girl so act like a girl!" Bubulyawan ko na sana sya nang biglang na cut ang tawag.
How many times do I have to tell him I'm a girl whatever clothes I wear? Wear something presentable? Bakit pag jeans and shirts ba di presentable yun? Kahit ama ko sya di ko idi-deny na may saltik sya sa utak.
Kung kasabay ko na lang din ang demonyong yun papuntang Airport mas mabuti pa'ng wag na lang ako sumama. May idadahilan din naman ako kasi masakit ang ulo ko.
Tumunog ang phone ko kaya inis ko itong kinuha ulit. Nang makita ko kung sino ang nagtext ay halos itapon ko na ang phone ko. Aba't ang kapal naman pala talaga ng pagmumukha ng lalaking to!
From: GirlmeetsEvil
Come down after 30 mins.
______________
Who does he think he is to boss around? Sa tingin nya ba gagawin ko ang gusto nya? Naalala ko na wala na pala ako'ng allowance ngayon. Dad confiscated my credit and bank accounts. So I don't have a choice. I still need to see him right now.
Tumayo ako at kinuha ang twalya sa likod ng pintuan bago tumungo sa banyo para maligo. The rest of the Emperors aren't here, siguro may kanya-kanya sila'ng pinuntahan ngayon. Knowing them, kung di papasok si Jehan ay di din sila papasok.
After I took a bath, naghalungkat na ako ng damit na maisusuot ko. I don't have any girly dresses and skirts. Naalala ko ang damit na sinuot ko nung unang pumasok ako dito. Maybe I should wear that. Papalitan ko na lang ang skirt.
It's a white long sleeve shirt, may design ito na mga pink hearts. Also, the skirt I'm wearing is glittery and---- whatever. I don't know how to describe it.
Sinandal ko ang sarili ko sa sulok habang tinitingnan ang itsura ko sa salamin. I'm really Gorgeous.
Matapos kong mag-ayos ay napagpasyahan ko'ng lumabas na ng dorm. I'm actually 10 mins. late, but who cares? Dapat matuto sya'ng maghintay.
Pagdating ko sa parking lot ay naabutan ko sya'ng nakatayo habang may jacket na nakapatong sa balikat nya. Mukhang inip na inip na sya kakahintay saaakin.
"What took her so long?" Rinig ko'ng bulong nya. Ni hindi nya man lang naramdaman na nasa likod nya lang ako? Batuhin ko kaya sya ng bato para malaman nya?
I rolled my eyes and walk towards him, sinadya ko pa'ng banggain sya sa balikat para malaman nya'ng nandito na ako. Dumeretso ako sa sasakyan nya at akmang bubuksan na sana ang passenger seat nang bigla sya'ng magsalita.
"What the hell are you wearing?" Umarko ang kilay ko sa sinabi nya.
"Damit. Mukha ba akong naka bathing suit?" Ginulungan ko sya ng mata bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Sinuot ko ang seatbelt habang tinitingnan sya'ng pailing-iling na pumasok sa sasakyan nya. Walang kibo nya'ng pinaandar ang sasakyan nya papalabas ng University. Walang kibo din ako'ng nakasandal sa upuan habang hawak-hawak ang noo ko.
Di ko pa din nakakalimutan ang ginawa nya saakin, pero wala pa ako sa mood para makipag-away sa kanya. Nakatingin lang ako sa bintana magdamag, and I noticed na sa SLEX kami dumadaan. Bakit ba ayaw nila to'ng padaanan ng free? Bakit may toll gate pa?
After 30 minutes ay nakadating na din kami sa Airport. Habang naglalakad kaming dalawa papapasok ay pinagtitinginan kami ng mga tao. I hissed, I don't want attention. Pero di ko sila masisi. Sa ganda ko ba naman, at sa gwapo ng lalaking kasabay ko maglakad.
And yeah, gwapo sya. Bulag ako pagsinabi ko'ng pangit sya. Napabalikwas ako nang may kamay na humawak sa bewang ko. Agad ko pinanlisikan ng tingin si Jehan, what does he think he's doing?
"What the fvck are you--"
"Stop saying 'fvck'" napakunot ang noo ko. His voice sounded so low, it almost sound like a whisper.
"And why? I'll say 'fvck' whenever and wherever I want. So fvck off!" Hinigit nya ang bewang ko papalapit sa kanya kaya kamuntikan na ako matalisod. What the fvck!
"Stop saying 'fvck' or else~" napahinto ako sa paglalakad, kaya napahinto din sya. Tinitigan nya ako sa mata kaya tinitigan ko din sya.
"Or else what?" He smirked.
"I'll punch your mouth...." saglit akong natigilan. Gago, manununtok talaga sya!?
"....with my lips" napasinghap ako. Magsasalita pa sana ako nang bigla nya'ng bitawan ang bewang ko. Sinalubong nya si Dad at Tita Lexis na papalabas ng Arrival Area.
I touch my lips, what the hell was that?
"How are you mom?" Tanong nya habang hinahalikan sa pisngi si Tita Lexis. How sweet, demonyo naman.
Tiningnan ko si Dad na may napakalawak na ngiti. Mukha sya'ng ulol.
"Wala ba akong kiss or hug?" Tinaas ko ang kamao ko kaya tumawa lang sya. Like I would actually hug and kiss him? I love him so much, and he knows it.
"Are you kids okay?" Tanong ni Tita Lexis.
"Yeah. We're fine" I almost rolled my eyes. Yeah, really really fine. Mind the sarcasm people.
"I see, you're getting along well. Ain't that right?" -Dad
Inakbayan ako ni Jehan kaya napangiwi ako. He's a good pretender, kaya pala hinawakan nya ako sa bewang kanina. Para kunyare close na kami or what.
"Of course" tumango na lang ako, pero sa kaloob-looban ko gusto ko'ng sipain sa bayag si Jehan. His mom and my dad love each other, kaming dalawa lang talaga ang may problema.
"So how's school Lara? Binabantayan ka ba ng mabuti ni Jehan?" I turn my gaze at Jehan.
"Yeah. And to tell you honestly? Your son is a fvcktard, and a dickhead! He almost got me drowned! Yan ba ang tawag mo'ng pagbabantay!?" Gusto ko sanang sabihin yan, pero mas minabuti ko'ng tumango na lang para di na mapahaba pa ang usapan.
"Yeah. Wala ng gumugulo saakin sa school. Thanks to him" halos masuka ako sa sinabi ko. Thanks to him? Argh, fvck him! Naging impyerno ang buhay ko dahil sa kanya!
"Let's go?" Hinawakan ni Dad ang bewang ni Tita Lexis at naglakad na sila palabas. Nilinga ko si Jehan, dala nya ang maleta ng mom nya.
"Yeah. Wala ng gumugulo saakin sa school. Thanks to him" sinamaan ko ng tingin si Jehan. Nakangisi lang sya habang inuulit ang mga sinabi ko kanina.
"Well, you're welcome" gusto ko sanang bangasan ang mukha nya. Pasalamat sya at nasa Airport kami ngayon.
Hinarap ko sya. I lick my lips in irritation. Nakakairita talaga ang ugali nya. I look at him in the eyes, you're welcome? Di ba dapat Sorry ang sasabihin nya? Hah!
"Alam mo ang kapal din talaga ng apog mo noh? Ginawa mo na nga'ng impyerno ang buhay ko, may balak ka pa ata'ng patayin ako! Alam mo ba'ng kamuntikan na akong malu--" napahinga ako ng malalim. Kalma lang Lara, kalma lang.
Napansin kong nakatitig lang sya sa sing-sing na nakasuot sa kamay ko. Paminsan-minsan naman ay napapasulyap sya labi ko. I raise my left eyebrow, why is he taking glances at my lips?
"Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad saakin?" He shook his head and walked passed me. I cross my arms, I will make you say sorry.
******
Naglalaro ako ng piano tiles habang nakaupo sa sofa. Kaharap ko si Jam na kumakalikot ng cellphone at katabi ko naman si V na naglalaro din ng piano tiles. Si Rio as usual ay nakatapat na naman sa Computer.
Si Xael naman at Seth ay kumakain ng popcorn habang nanonood ng palabas sa TV. Kasama nila si Justine na may hawak na unan habang nanonood ng Horror movie. Jehan is in his room, kanina pa sya di lumalabas sa kwarto nya.
"Ang hirap talaga maging tao noh?" Kunot noo ako'ng napalingon kay V na sumuko na sa paglalaro. Nakatingala sya sa kisame. Anong drama na naman ang meron sya?
"Bakit ba kasi ayaw gawin ni Lord ang request ko sa kanya?" I rolled my eyes. Game over na ako.
"Ano ba'ng request mo?" Bumangon sya at hinarap ako ng nakalabi. Ang hilig nya mag pout, but he's cute.
"Gusto ko kasi maging kalapati" ngumiti sya ng malawak kaya halos makita ko lahat ng ngipin nya.
"Bakit kalapati?" Sige pagbigyan na natin sya, last na nya yan.
"Kalapati kasi, Isipin mo yun? Lilipad-lipad ka lang, wala kang poproblemahing bayad sa kuryente o internet. Pwede ka pa'ng tumae kung saan-saan. Tatae ako sa ulo ni Jam, ni Rio, ni Seth saka pag wala ka'ng magawa tangina tutuka ka lang ng pagkain tapos papalakpakan ka pa ng maraming tao! Kesa sa---ARAY! HUHU!"
Hinampas ko sya sa batok na mas lalong ikinahaba ng nguso nya. Muntimang mukhang gago lang. Anong konek ng pinagsasabi nya? Di naman sya nagbabayad ng kuryente o kung ano-ano man yang pinagsasabi nya.
"Nakainom ka ba ng gamot mo V?" Umiling naman sya kaya napa poker face ang mukha ko. Kaya pala, inaatake na naman sya ng kaabnormalan nya.
"Kung gusto mo maging kalapati, magiging mangangaso ako. Babarilin kita nang mawala na ang kalapati'ng abnormal na gaya mo" napasimangot sya kaya napailang na lang ako. Nakinood na din ako ng Horror movie na pinapanood nila.
Tutok na tutok ako sa pinapanood ko. Intense na kasi, hinahabol na sa gubat ang babae. Hula ko magakakagutay-gutay din katawan nya gaya ng iba nya pang kasama.
"WHAAAAA! WHAAAA! ANAK NG PUTANGINA SHET! WHAAAA!" halos mapatalon ako sa sigaw ni Justine.
"Justine ang OA ha! Ang OA mo!" Inis na bulyaw ni Seth.
"Natatakot ako eh! Pake mo!?"
"Lumayas ka nga dito! Ang ingay mo!" Tinaboy-taboy ito ni Seth palayo kaya napasimangot na lang sya.
"Tanginuh mo Justine! Malapit na akong labasan sa pinapa--"
Automatikong napatingin kami kay Jam. Tinago nya kaagad ang phone nya at pinagpapawisang tumingin saamin. Sinamaan ko sya ng tingin, iba pala ang pinapanood ng gagong to.
"What? Hehehe"
Dahil gabi na din, at inaantok na ako, napagpasyahan kong pumasok na sa kwarto ko para matulog. I'm so damn tired and sick as hell.
ZzzZzzZzzZzzZzzZzz
N
aalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may tao sa loob ng kwarto ko. I forgot to lock the door. Pinikit ko na lang ang mata ko at nagkunyaring tulog. Pagkatapos ng ilang minuto ay may naramdaman akong yapak ng paa na papalapit saakin.
Maingat sya'ng umupo sa kama ko. Ramdam na ramdam ko pa ang mga titig nya. Dahan-dahan nyang inabot ang kamay ko at maingat na tinatanggal ang sing-sing. Bago nya pa ito tuluyang matanggal sa daliri ko ay inangat ko ang paa ko at ipinulupot ito sa leeg nya.
Bumagsak kaming dalawa sa sahig at ako ang nasa ibabaw nya. Pilit kong inaninag ang mukha nya dahil madilim sa kwarto ko, pero bago ko pa magawa yun ay hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at pumaibabaw saakin.
I closed my eyes for a second, his scent is familiar. Minulat ko ang mata ko at sinabunutan sya, dahilan para magbago ulit ang posisyon namin. Ako ulit ang nasa taas nya at sya ulit ang dinadaganan ko sa tyan.
Napaangat ang tingin ko, malapit lang saakin ang lampshade. Aabutin ko na sana ito para i-on nang bigla akong hilahin nung lalaki. Naumpog bigla ang ulo naming dalawa sa sofa kaya sabay kaming napadaing.
Nakapilig na ngayon ang ulo ko sa balikat nya. Nahulog ang lampshade at eksaktong paglaglag nito ay na-on sya, kaya naman agad kong inangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang lalaking to.
Di mainpinta ang itsura ko nang malaman ko kung sino ito. Nakapikit lang ang mga mata nya habang hinahawakan ang ulo nya. Nakaawang pa ng konti ang labi nya.
Mabilis kong inangat ang ulo ko at hinatak ang damit nya. Minulat nya ang mata nya at gulat na napatitig sa ma--labi ko? Hinigpitan ko lalo ang pagkakahatak sa damit nya.
"What do you need, and why are you lurking around my room in the middle of the night?" Tanong ko, pero nakatitig lang sya sa mata---labi ko?
"Hoy! Ano ba'ng kailangan mo!?"
"Your lips"
"WHAT!?"
"Your lips is dirty! Shit!" Agad syang bumangon at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.
Ang gagong yun! Kanina pa yun sa Airport ah! Ano bang problema nun? Mukhang nakahithit ata ng katol.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro